You are on page 1of 2

Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio.

Siya ay laging laman ng lansangan, walang

tiyak na direksyon ang kanyang paglalakad.

Nang araw na iyon ay dumalaw din siya sa

libingan upang hanapin ang puntod ng

nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng

mga mangmang ay isang taong may toyo sa

ulo o baliw. Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya

ay pinahinto sa pag-aaral ng pilosopiya mula sa Kolehiyo

ng San Jose. Natatakot kasi ang kanyang ina, na dahil sa

pagtatamo niya ng higit na mataas na kaalaman, baka

makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang

ina na siya ay magpari. Pero, hindi niya ito sinunod at sa

halip ay nag-asawa na lamang siya. Gayunman,

pagkaraan ng isang taon, namatay ang kanyang asawa.

Nalulong sa pagbabasa ng mga aklat si Tasyo hanggang

sa napabayaan niya ang kanyang mga minanang

kayamanan. Bagama't nang hapong iyon mayroong babala na darating ang

unos sapagkat matatalim na kidlat ang gumuguhit sa

nagdidilim na langit, masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo

Tasyo. Ito ang ipinagtaka ni Kapitan Basilio ng nakasalubong

niya si Pilosopo Tasyo. Tinanong niya kung bakit, Diretso ang

sagot niya:"Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa

sapagkat't ito ang magdadala ng mga lintik na siyang papatay

sa mga tao at susunog sa mga kabahayan. Sana magkaroon din

ng delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon,

isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili nila ng tagahuli

ng kidlat o pararayos ngunit ako'y pinagtawanan lamang ng

lahat." Iniwanan ni Tasyo si Kaptan Basilio at nagtuloy ito


sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa

pagsasabing ipinaghanda sila ng kanilang ina ng

hapunang pangkura. Tumanggi ang mga bata na

umuwi. Pinagmumultahan si Basilio dahil mali ang

pagtugtog niya ng kampana.

Bilang kaparusahan nila ni Crispin, di sila maaaring

umuwi bagamat gusto na nilang umuwi. Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may

kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-asawang

Don Filipo at Donya Teodora. Masayang sinalubong ng

mag-asawa at itinanong kung nakita niya si Ibarra na

nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa

pagsasabing nakita niya itong bumaba sa karwahe.

Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra

nang hindi makita ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa

siya sa anim na kataong nakipaglibing kay Don Rafael. Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray
ang

tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay undas na.

Sinabi ni Tasyo na hindi siya naninwala sa purgatoryo.

Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at maraming

kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng

malinis at dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa

niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng

namatay sa nabubuhay. Pagkuwa'y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang

buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng matatalim na kidlat

at kulog. Siyang-siya si Pilosopo Tasyo sa gayong

pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang

dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad

papalayo sa mag-asawa

You might also like