You are on page 1of 1

Para sa akin mas mainan na pang disiplina ang pamalo dahil ito na ay nakagisnan

Para mapatunayan, isang halimbawa ang inyong matutunghayan


Panahon ng Kastila ito ay nakagawian kaya mga bata’y lumaking may alam
Pati sa magandang ugali naging maalam.

Kung pangaral lamang ang iyong gagamitn


Tiyak mga bata sa ngayon kayo ay gagalitin
Sapagkat tigas ng ulo talagang papansin
Di madadala sa santong dasalan, tiyak madadala lang sa santong paspasin.

Pamalo…pamalo….pamalo ito ay gamitin


Upang mga kabataan sa hinaharap ay may sapitin
At di maligaw ng kanilang landasin
Sapagkat sabi ni Rizal sila’y kabataan na dapat pagyamanin.

Ang pangaral tiyak di uubra


Dahil kabataan ngayo’y lubha nang pariwara
Dahil nasanay na sa kapritsuhan talaga
Kapag pinagsasabihan pasok sa isang tainga labas sa kabila.

Kung sa pangaral nagdidisiplina palaging talo


Sa pamalo tiyak pagdidisplina ay panalo
Dahil disiplina dito ay epektibo
Para kabataan di maging matigas ang ulo

Magulang…guro..kahit na sino makinig kayo sa sasabihin ko


Inaanyayahan ko kayo na gumamit ng pamalo
Mainam na mainam disiplina dito
Tiyak hinaharap sa maganda patutungo.

You might also like