You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa pagtuturo ng Wika

I. Mga Layunin:

- Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nakakaalam sa kung ano ang pangungusap at ang mga bahagi nito.

B. Naipapaliwanag ang kaibahan ng mga bahagi ng pangungusap.

C. Nakabibigay ang mga mag-aaral ng sarili nitong pangungusap.

II. Paksang Aralin:

Pangungusap at mga Bahagi nito.


(Makabagong Balarilang Filipino ni A.O. Santiago at N. G. Tiangco..P.249.)

III. Pamamaraan:

Pagganyak:

Pag-uusap tungkol sa kung anu-ano ang mga pinag-aralan ng mga


mag-aaral na patungkol sa wika noong sila pa ay nasa ikaapat na taon ng
mataas na paaralan upang malaman ng guro kung gaano kataas ang
kanilang nalalaman.

A. Paglalahad:

Ilalahad ang salitang “Pangungusap” at itatanong sa mga mag-


aaral kung ano ang kahulugan ng Salitang ito At Pagtatanong sa mga
mag-aaral kung ano ang mga bahagi ng Pangungusap at ang kahulugan
ng mga bahagi nito.

Pangungusap – Lipon ng mga salita na nagbibibgay o


nagpapahayag ng hustong diwa.

Simuno o Paksa – Ang bahaging pinagtutuuan ng pansin sa loob


ng pangungusap. Ang siyang pokus ng sinabi sa loob
ng pangungusap.

Panaguri – Ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng


kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa.
B. Paghahawan ng Balakid

Pagbibigay sa mga mag-aaral ng pangungusap na may patapos na


himig sa dulo at ipatalakay sa kanila kung ito ba ay isang pangungusap.
hahayaang ang mga mag-aaral ang lumutas ng suliraning ito.

Nanay!
- Nais na nagsasalita na tawagin ang kanyang ina.

Aray!
- Sinasabi ng nagsasalita na: “Nasasaktan Ako”

Halika!
- Sinasabi sa iyo na pinalalapi ka niya sa kanya.

C. Pagsasanay:

Tatawag ng mga mag-aaral, papagawain sila ng sarili nitong


pangungusap at ipatukoy kanila kung ano ang simuno at Panaguri sa
binigay nilang pangungusap.

D. Pagsusulit:

Gumawa ng sampung pangungusap at tukuyin ang simuno at


panaguri sa ginawang pangungusap sa loob ng sampung minuto.

IV. Takdang Aralin:

1. Alamin ang mga uri ng Simuno.


2. Alamin ang mga uri ng Panaguri.

Inihanda ni:
Farrah Arsenia Lucas
BSEd-2

You might also like