Ap 10 PDF

You might also like

You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 10

4th Quarterly Assessment

Pangalan: ________________________________________________ Iskor: ______________

I. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.

1. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang
indibiduwal MALIBAN sa isa ____________.
A. Nawala na ang bisa ngnaturalisasyon.
B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag mayroong digmaan.

2. Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito, dahil
pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga
demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas.
A. Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
B. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
C. Magna Carta ng 1215
D. Universal Declaration of Human Rights

3. Ito ay ang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado kung saan maaaring maiparating ng
mamamayan ang kaniyang pangangailangan sa pamahalaan.
A. Civil Society
B. Grassroots Organizations
C. Non-Governmental Organizations
D. People’s Organizations

4. Alin sa sumusunod ang HINDI akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa


Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Karapatan ng taumbayan ang kalayaan sa pananampalataya.
B. Karapatan ng taumbayan ang magtatag ng unyon o mga kapisanan.
C. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng
sedula.
D. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang malayang
pagpapasya.

5. Si Celestina ay isang mag-aaral na mulat sa mga nangyayari sa ating lipunan. Nais niyang
lumahok sa isang samahang magtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Alin sa
sumusunod ang nararapat niyang salihan?
A. Funding-Agency NGOs
B. Grassroot Support Organizations
C. Non-Governmental Organizations
D. People’s Organizations

6. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan sa


isang bansa?
A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
B. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
C. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
D. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa

7. Bakit mahalagang gamitin natin ang ating karapatang bumoto?


A. Upang hindi mawala ang ating pagkamamamayan kung hindi tayo boboto.
B. Upang maiwasan nating masangkot sa gulo o karahasan tuwing eleksyon.
C. Upang mailuklok natin ang mga opisyal na magbibigay sa atin ng iba’t ibang kagamitan.
D. Upang ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban ang
karapatang pantao at kabutihang panlahat.

8. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng participatory governance?


A. mas maraming sasali sa civil society
B. mawawalan ng silbi ang mga opisyal ng pamahalaan
Page 1 of 3
C. maiiwasan ang pagtutol sa mga proyekto ng pamahalaan
D. mas magiging matagumpay ang proyekto ng pamahalaan

9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “kamalayan, aktibo, at malayang pagtatanggol sa


mga karapatang pantao ng mga mamamayan”?
A. Paghanda sa mga darating na kalamidad tulad ng bagyo at lindol
B. Pag-anib sa mga people’s organization tulad ng samahang Gabriela
C. Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa
D. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwaksi sa mga produktong dayuhan

10. Ang sumusunod ay mga kuwalipikadong botante ayon sa Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas MALIBAN sa isa.
A. mamamayan ng Pilipinas
B. nakatapos ng hayskul/sekondarya
C. labing-walong taong gulang pataas
D. nanirahan sa Pilipinas ng kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto
nang hindi bababa sa 6 buwan bago maghalalan.

II. Panuto: Piliin sa Kolum B ang tinutukoy ng mga pahayag sa kolum A. Isulat ang titik
lamang.

KOLUM A KOLUM B
11. Kabilang sa UDHR ang mga karapatang _____, politikal, A. Universal Declaration
ekonomiko, sosyal, at kultural. of Human Rights
12. Ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga
B. Eleanor Roosevelt
karapatang pantao ng mga mamamayan sa Pilipinas.
13. Tinatayang panahon ng kabihasnang __________ nang
C. Statutory Rights
umusbong ang konsepto ng citizen.
14. Mga karapatang taglay ng tao kahit hindi ipagkaloob ng estado. D. Citizenship
15. Isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga
karapatang pantao ng bawat indibiduwalna may kaugnayan sa E. Bill of Rights
bawat aspekto ng buhay ng tao.
16. Ang mga ________ ay naglalayong suportahan ang mga
F. Jus Sanguinis
programa ng mga people’s organization.
17. Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng
G. Children’s Right
isang pamayanan o estado
18. Mga karapatang pantao ng mga indibiduwal na may gulang na
17 at pababa, maliban sa mga bansang may sariling batas sa H. sibil
pagtukoy ng “legal age” ng mamamayan nito.
19. Mga karapatang ipinagkaloon at pinangangalagaan ng estado. I. Amnesty International
20. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa
pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang J. Griyego
prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
21. Mga karapatang kaloob ng binuon batas at maaaring alisin sa
K. Natural Rights
pamamagitan ng panibangong batas.
22. Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng Human
L. Comission on Human
Rights Commission ng United Nations si ____________.
Rights.
23. Ang _________ ng Konstitusyon ng ating bansa ay listahan ng
mga pinagsama-samang karapatan ng bawat tao mula sa
M. Jus Loci
dating konstitusyon at karagdagang karapatan ng mga
indibiduwal.
24. Ito ay isang pandaigdigang kilusan na may kasapi at
N. Constitutional Rights
tagasuportang umaabot sa mahigit pitong milyong katao.
25. Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya O. Franklin Roosevelt
ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.
P. NGOs
III. Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod.

Uri ng Karapatan Kahulugan Halimbawa

Page 2 of 3
26. 27.
Natural Rights

28. 29.

30.

Constitutional Rights
31.

32.

33. 34.
Statutory Rights

Katangian/Elemento
Kahulugan
ng good governance
35. Nararapat na maipatupad ang mga batas at igalang ang
karapatang pantao nang patas at walang kinikilingan
36. Nakikiisa ang mga opisyal ng pamahalaan at ng mamamayan sa
pagtukoy ng malawak at long term perspective para sa kabutihan
ng lipunan at pag-unlad ng tao.
37. Pagbibigay sa bawat mamamayan ng pagkakataon na mapaunlad
o mapanatili ang kanilang kagalingan.
38. May pananagutan ang mga opisyal ng pamahalaan at maging ang
pribadong sektor at mga organisasyon ng civil society sa
mamamayan pagdating sa mga pagpapasyang nakaaapekto sa
pangkalahatang interes ng isang pamayanan at ng bansa sa
kabuuan.
39. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga interes ay pinahahalagahan
ang pag-iral ng pangkalahatang kabutihan at kung ano ang
pinakamabuti sa isang organisasyon, komunidad o bansa sa
kabuuan.
40. Binibigyan ng pagkakataon ang mamamayan na magkaroon ng
kamalayan sa nagaganap sa pamahalaan at makalahok sa mga
gawain nito.
41. Hindi kakayanin mag-isa ng pamahalaan ang epektibong
pamamahala nang hindi kabilang ang lahat ng stakeholder nito,
mapapubliko o pribado.
42. Malayang daloy ng impormasyon sa lahat ng transaksiyon,
proseso, desisyon, at ulat ng pamahalaan.

IV. Ipaliwanag ang mga sumusunod:

1. Sa papaanong paraan naiasasagawa ang participatory governance? (4 pts.)


2. Ano ang lumawak na pananaw ng pagiging isang mamamayan? (4 pts.)

Page 3 of 3

You might also like