You are on page 1of 2

ALONE

Isinulat ni: MarizSulli

Ako'y isang taong mailap sa lahat

'Di nakikisama sa iisang pangkat

Kapag may lumapit ako'y lumilipat

Pupunta sa isang sulok at sumulat.

Ganyan talaga akong uri ng tao

Tahimik at palaging walang kibo

Pagtinatanong palaging sagot "Oo"

Tila ba'y may sariling ikot ng mundo.

Minsan tinanong ko ang aking sarili

Bakit itong buhay ang aking napili?

Sa 'king nakaraan ako'y nagpatali

Mga desisyong alam kong ito ay mali.

Kaya ikaw h'wag kang maghusga sa kapwa

Hindi mo alam ang aking nadarama

Poot at galit ang aking naramdaman

'Nung ako'y iniwan't nasaktan

Hindi ko alam kung kailan mawawala.


Oo! Ako'y nag-iisa't nagdurusa

Sa buhay na walang kasama

Kahit magulang ay wala na

Pati kaibigan ay wala pa.

O! Kay lungkot ng aking buhay!

Mag-isa sa loob ng bahay

Walang kausap at gumabay

Ganyan ang aking pamumuhay.

You might also like