You are on page 1of 5

PANITIKAN NG PILIPINAS: PANAHON NG PAGTUTOL

ARELLANO, FLORES, LAVARIAS, SANTOS | BSP 201A


I. KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN SA PAGKAKAROON NG MGA LITERATURA SA PAGTUTOL
A. Konteksto ng Panahon
1. Ekonomiya
● Rebolusyonaryong Industriyal
o binabago ng industriyalisasyon ang lipunan kung saan ito nagaganap
o mas malaking bahagi ng kabuuang produksyon ay galing sa industriya at serbisyo
o pagbubukas ng mga pabrika
o pagmamanupaktura ay nagiging mas mahalaga kaysa pagsasaka
o higit na mas mataas ang oras ng paggawa (12-16 hours a day)
● Ang pagbubukas ng Suez Canal
o nagbukas ito noong 1869
o daluyan ng tubig na nagdurugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea
● Polo y Servicio o Prestacion Personal
o hango sa sistemang Repartimiento de Labor
o sapilitang pagpapatrabaho sa mga lalaking Pilipino at Mestizo Tsino na may edad na
labing-anim hanggang animnapu.
o Nagtatrabaho ang mga ito ng apatnapung araw bawat taon
2. Politika
● Gobernador Heneral Carlos Maria de la Torre
o naglingkod bilang kastilang Gobernador noong 1869-1871
o maayos na pamumuno at may pantay ang pagtingin
o hiniling ang sekularisasyon ng mga paroko
o nagtatag ng samahan ng kabataan na nagsisipag aral sa Sto. Tomas (Juventud Escolar
Liberal)
● Gobernador Heneral Rafael de Izquierdo y Gutíerrez
o “Iron Fist” na uri ng pamahalaan
o Pag-aalsá sa Cavite o Cavite Mutiny
o 1872 ng umaabot sa 200 Filipinong sundalo at obrero sa arsenal sa Cavite.
o humihingi ng reporma sa pamahalaan
o pag-aalsa ang ginamit na batayan upang isakdal at bitayin ang tatlong paring Filipino
3. Sosyo-kultural
Antas ng tao:
● Peninsulares- Ipinanganak sa Espanya at makapangyarihan sa pamahalaan at simbahan
● Insulares o Creole - gitnang uri ng tao kung saan pinunong hukbo o dating pari
● Ilustrado - kabilang sa gitnang uri; mayayaman at may pinag-aralang Pilipino
● Indio - ikatlong uri; nahahati sa dalawang pangkat
○ Masa - pinakamababang uri
○ Principales - katutubong aristokratang Pilipino na kinabibilangan ng mga anak
ng katutubong pinuno

B. Mahahalagang Konsepto
● Ang Diwang maka relihiyon ay naging makabayan at humihingi ng pagbabago sa pamamalakad ng
pamahalaan at simbahan.
● Pagpasok ng diwang liberalismo - Isang paniniwalang pulitikal na isinusulong ang kalayaan, at
pagkapantay-pantay sa pangkalahatan

C. Mahahalagang Tao at Nagawa nila


 Padre Mariano Gomez
o Kilala siya sa pagiging aktibo sa mga gawaing pangkomunidad
o Ipinaglaban din niya ang karapatan ng mga kapwa paring Pilipino laban sa sekularisasyon ng
mga prayleng kastila
o Itinatag nya ang pahayagang La Verdad kung saan dito niya inilahad ang pang aabuso ng mga
prayle
o Dahil sa kanyang pambabatikos itinuring siya ng Pamahalaang Kastila na Filibustero
 Padre Jose Burgos
o Kilala sa pagtatanggol sa mga karapatan ng mga paring Pilipino
o Isinulat niya ang Manifesto na nailathala sa pahayagang La Verdad
o Tinaguriang “kampeon para sa mga karapatan ng Pilipinong Pari”
 Padre Jacinto Zamora
o Nakilala niya si Padre Gomez na naghikayat sa kanya na sumali sa Comite Reformado
o Layunin nitong ipaglaban ang karapatan ng mga paring Pilipino laban sa pang-aabuso ng mga
prayleng Kastila.

D. Mahahalagang Kaganapan
● Pagkakapatay kay Gobernador Heneral Bustamante
○ inilaran ito ni Felix Resurreccion Hidalgo sa kanyang pintura
○ pinatay ng mga prayle dahil sa ninais nitong magsiyasat sa kaban ng bayan
○ inilahad din ito ni Padre Burgos sa kanyang La Loba Negra
 Pagkamatay ng GomBurZa
o Pebrero 18, 1872 - taon kung saan nagalab ang damdamin ng bawat Pilipino
o naging daan upang magising ang damdamin makabayan
o sumiklab ang pulitika at literatura ng paghihimagsik ng mga Pilipino at tuluyang tinuligsa ang
mga kastila

II. KAMALAYAN SA KABANSAAN


A. Mahahalagang Konsepto
● Ang bunga at epekto ng mga patakarang kolonyal sa tagal ng panahon ng pananakop, pang-aapi, at
katiwalian ng mga Españyol ang unti-unting nagbuklod sa isipan at puso ng mga Pilipino upang
malinlang ang damdaming makabansa.
● Bagama’t bigo noong una, ay unti unting nagkakaroon ng lakas at pagnanasang maging malaya at
tumayo mag-isa.

III. ANG KILUSANG PROPAGANDA


A. Kilusang Propaganda
● Kilos laban sa mga Kastila noong 1872-1892 sa pamamaraan ng pagsulat
● Reporma sa mapayapang paraan
● Ito ay binubuo ng mga elitistang Pilipino na nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral sa Espanya -
ang mga Ilustrado
● Ang kilusang ito ay naudyok ng pagkamatay ng mga paring martir

B. Mga Mithiin ng Kilusang Propaganda:


1. Pagiging pantay ng Kastila at Pilipino sa harap ng batas
2. Pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya
3. Maging lalawigan ng Espanya ang bansa
4. Maging mga Pilipino ang Kura Paroko
5. Kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pagtitipon at pagpupulong, at pagpapahayag ng kanilang
karaingan.

C. Mga Kilos Reporma ng Kilusang Propaganda


● Paglilimbag ng mga tula, nobela, at iba pang sulat ng bawat miyembro ng kilusan na inilalarawan ang
kalagayan ng mga Pilipino
● Paglilimbag ng diaryong “La Solidaridad”
 La Solidaridad
o Ang pangunahing tinig ng mga propagandista; Opisyal na Pahayagan ng Kilusang
Propaganda
o Nailimbag ang unang isyu nito noong 15 Pebrero 1889 sa Barcelona, Espanya
o Ito ay inilalabas tuwing dalawang lingo
o Ang salitang ginagamit dito ay Espanyol
o Nagtagal ang paglimbag nito hanggang ika-15 ng Nobyembre 1895
o Naglalayon itong iparating sa gobyerno ng Espanya ang masaklap na kalagayan ng
Pilipinas at ang kalupitan ng mga Prayle
D. Resulta ng Kilusang Propaganda
● Pagkatiwalag ng Monopolyong Tabako
 Pagmamanipula ng gobyerno ng Espanya sa produksiyon ng tabako sa bansa
 Ilan sa mga lalawigan - Ilocos at Cagayan - ay sapilitang inatasan na magtanim ng tabako
● Ang 40 araw ng sapilitang pagtatrabaho ay naging 15 araw
● Binigyang kilala ang kilos sa paraan ng pagliigal ng mga pagbabago (Sedula)
● Hindi naging probinsya o lalawigan ng Espanya ang Pilipinas

IV. ANG MGA PROPAGANDISTA


A. Mga Propagandista at kanilang mga Akda
● Jose P. Rizal
○ Manggagamot, Siyentipiko, Makata, Nobelista, Pintor, Dalubwika, Pilosopo, Mananaliksik at
Mananalaysay
○ Gumamit ng sagisag na Laong Laan at Dimas Alang
○ Mga Akda:
■ Sa Aking mga Kabata
■ Mi Ultimo Adios
■ Noli Me Tangere
■ El Filibusterismo
■ Hinggil Sa Katamaran
■ Kundiman
● Marcelo H. Del Pilar
○ Itinuring na “Predikador ng Masa”
○ Kilala sa mga sagisag na Plaridel, Dolores Manapat, Piping Dilat at Pupdoh
○ Mahusay na Eskima
○ Kinilala bilang pinakatanyag na Duplero
○ Itinatag ang Diariong Tagalog
○ Mga Akda:
■ Caiigat Cayo
■ Dasalan at Tocsohan
■ Ang Cadaquilaan ng Dios
■ Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas
■ Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
● Graciano Lopez Jaena
○ Nanindigan sa paghihiwalay ng simbahan at pamahalaan
○ Kauna-unahang patnugot ng La Solidaridad
○ Mga Akda:
■ Fray Botod
■ En Bandolerismo en Filipinas
■ La Hija del Fraile
● Mariano Ponce
○ Gumamit ng sagisag na Tikbalang, Kalipuko at Naning
○ Mga Akda:
■ Ang Pagpugot Kay Longhino
■ Mga Alamat ng Bulakan
■ The Literature of Propaganda Movement
● Antonio Luna
○ Parmasyutikong higit na kilala sa pagiging Heneral
○ Gumamit ng sagisag na Taga-Ilog
○ Mga Akda:
■ La Maestra de mi Pueblo
■ Noche Buena
■ Todo Por el Estómago
● Pedro Paterno
○ Ang mga sulat ay may paksa na pangrelehiyon at panlipunan
○ Kauna-unahang nakalaya sa sensura sa panitikan
○ Mga akda:
■ Ninay
■ El Cristianismo La Antagua Civilization Tagala
■ La Civilization Tagala
■ El Alma Filipino
■ Los Itas
● Jose Ma. Panganiban
○ Kilala sa sagisag na JoMaPa
○ Mga Akda:
■ Noche de Mambulao
■ Nuestra Obispo
■ Lupang Tinubuan
● Pascual Poblete
○ Naging kasamahan ni Marcelo H. Del Pilar sa Diariong Tagalog
○ Itinatag ang El Resumen
○ Ipinatapon sa Africa dahil sa mapanuligsang mga akda
○ Kauna-unahang nagsalin ng Noli Me Tangere sa tagalog
● Isabelo de los Reyes
○ Napabilang sa tatlong panahon ng Panitikang Pilipino - Propaganda, Himagsikan at Amerikano
○ Manananggol, Manunulat, Mamamahayag, at Lider Manggagawa
○ Itinatag ang “Iglesia Filipina Independiente”
○ Mga Akda:
■ El Folklore filipino
■ Las Islas Visayas en la Época de la Conquista
■ Historia de Ilocos
■ La Sensacional Memoria Sobre la Revolución Filipina

B. Tungkulin ng mga Propagandista


● Galicano Apacible - Presidente
● Graciano Lopez Jaena - Bise Presidente
● Manuel Sta. Maria - Sekretaryo
● Mariano Ponce - Tesurero
● Jose Ma Panganiban - Tagasuri
● Marcelo H. Del Pilar - Patnugot
● Jose P. Rizal - “Honorary President”

C. Mga Problema na Kinaharap ng mga Propagandista


● Kakulangan sa Oras
○ Naging mahigpit ang pagpapalakad ng mga Prayle
○ Malaking posibilidad na maparusahan, makulong o mapalayas sila sa bansa sa pag sulat
● Kakulangan sa Salapi
○ Marami ang sumangayon sa plano ngunit hindi lahat ay ninanais na magbigay ng pinansyal na
suporta - kasabay ay ang pagkawala ng La Liga Filipina
○ Ipinatatapon ng mga espanyol ang sino mang tumangkilik sa Kilusang Propaganda
● Problema sa Pagitan ng mga Propagandista
○ Namuo ang tunggalian at kompetisyon sa pagitan ng mga bahagi ng grupo
○ Nagkaroon ng pag iisip na kailangan mag bukod sa kanilang mga rehiyon

V. PANITIKAN NG HIMAGSIKAN
A. Mga Mahahalagang Kaganapan na Naghudyat sa Himagsikan laban sa mga Kastila
● Bigo ang mga propagandista sa kanilang inaasahang pagbabago
● Ang La Liga Filipina na kilala bilang isang samahang sibiko ay pinaghihinalaang mapaghimagsik kaya’t
ipinadakip at ipinatapon si Jose Rizal - na siyang tagapagtatag nito - sa Dapitan taong 1892
● Si Andres Bonifacio, kasami nina Velentin Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, at ilan
pang may diwang makabayan ay lihim na nagpulong noong ika-7 ng Hulyo, 1892 sa isang bahay sa
Azcarraga kung saan itinatag nila ang Kataastaasang Kagalang-galangan na Katipunan ng mga Anak ng
Bayan (K.K.K.) o Katipunan.
● Karamihan sa mga akda at panitikan na isinulat ng panahon na ito ay nakasulat sa wikang Tagalog
B. Mga Mahahalagang Tao sa Panahong ng Himagsikan
● Andres Bonifacio
- Tinaguriang “Ama ng Katipunan” at tinatawag na “Supremo” ng KKK
- Kinilalang “Ama ng Demokrasya sa Pilipinas” at tinagurian ding “Dakilang Maralita” at “Dakilang
Plebeyo”
- Ang mga nobelang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo ni Jose Rizal ang nagsilbing
inspirasyon niya sa pagtaguyod ng Katipunan
- Siya ang unang kaanib ng “La Liga Filipina” na itinatag ni Jose Rizal
- Mga Akda:
1. Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog - isang paglalagom ng kasaysayan ng Pilipinas,
isinasaad dito ang magandang kalagayan ng pamumuhay ng mga Pilipino bago dumating
ang mga Kastila
2. Katapusang Hibik ng Pilipinas - pagdurugtong sa tulang “Hibik ng Pilipinas sa Espanya”
na isinulat ni Herminigildo Flores
3. Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan - kartilya ng Katipunan na isinulat ni
Bonifacio
4. Katipunan ng Mararahas na mga Anak ng Bayan - isang panawagan sa mga kababayan
upang ihanda ang kalooban sa pakikipaglaban.
● Emilio Jacinto
- Kinilala bilang “Utak ng Katipunan” at tumayo bilang kanang-kamay ni Andres Bonifacio
- May sagisag-panulat na “Dimas-ilaw” at “Pingkian”
- Sa edad na 18 anyos, siya ay sumapi sa Katipunan at kalaunan ay naging kalihim ng kataas-taasang
sanggunian at tagapayo ni Bonifacio dahil sa kanyang angking husay at talino
- Siya ang bumubuo ng mga estratehiyang pandigmaan laban sa mga Kastila
- Noong namatay si Andres Bonifacio, siya ang nagpatuloy ng kanilang pinaglalaban
- Mga Akda:
1. Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B. - kartilyang binubuo ng labintatlong aral na dapat
sundin ng mga kasapi. Mas kilala na ito sa pamagat na “Kartilya ng Katipunan”
2. Liwanag at Dilim - ito ay koleksyon ng mga sanaysay na may iba’t ibang paksa katulad
ng “Ang Ningning at ang Liwanag” at “Ang Tao’y Magkakapantay”
3. A Mi Madre - isa itong madamdaming oda
4. A La Patria (Sa Bayang Tinubuan) - ipinapalagay na ang tula niya sa Kastila ang siyang
“obra maestra”
5. Pahayag - ito’y isang manipestong humihikayat sa mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang
kalayaan at humiwalay sa Espanya
6. Sa May Nasang Makisanib sa Katipunang Ito - naglalaman ito ng mga pamatayang dapat
ugaliin ng mga sasapi sa Katipunan

C. Mga Pahayagan sa Panahon ng Himagsikan


1. Kalayaan
- Opisyal na pahayagan ng Katipunan
- Itinatag noong 1896
- Pinamatnugutan ito ni Pio Valenzuela
2. El Heraldo de la Revolucion
- Naglalathala ng mga dekreto ng pamahalaang mapanghimagsik, balita, at mga akda sa
Tagalog
3. La Independencia
- Pinamatnugutan ni Antonio Luna na naglalayon ng pagsasarili ng Plipinas
4. La Republika Filipina
- Itinatag ni Pedro Paterno noong 1898
5. La Libertad
- Pinamatnugutan ni Clemente Zulueta

You might also like