You are on page 1of 11

BUHAY NG ISANG WORKING STUDENT: PAGBABALANSE NG TRABAHO AT

PAG-AARAL NG ESTUDYANTE SA UNANG ANTAS NG KOLEHIYO

Isang Tesis
Na isinumeti kay
Propesor Flordeliza Dela Cruz
Departamento ng Sining at Agham
Kolehiyo ng Pamantasan ng Cabuyao

Bilang Bahagi
Ng nga pangangagailangan
Sa Filipino II (Pagbasa at Pagsulat Tungo Sa Pananaliksik)

Isinagawa nila:

Sandoval, Lindon C.
Dimaandal, Lea May V.
Genio, Elaine L.
Famenial, Christian Dave L.
Laviña, Alyssa Nicole G.
Crisostomo, Cindy D.
Cao, Carla Joy L.
Cabuhay, Joel
Dahon ng Pagpapatibay

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino II, Pagbasa at


Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang Tesis na ito na pinamagatang Buhay ng Isang
Working Student: Pagbabalanse ng Trabaho at Pag-aaral sa Unang Antas ng Kolehiyo
ay iniharap sa pangkat ng mga mananaliksik mula sa Pangkat Una BSBA Marketing
Management binubuo nina:

Sandoval, Lindon C. Famenial, Christian Dave L. Crisostomo, Cindy D.

Dimaandal, Lea May V. Laviña, Alyssa Nicole G. Cao, Carla Joy L.

Genio, Elaine L.
Pasasalamat

Lubos na ang aming pasasalamat ng aming grupo, sa mga inspirasyon at mga


naging bahagi ng riserts na ito. Una sa lahat nagpapasalamat kami sa poong Maykapal
na sa siyang nagbigay ng tatag at lakas sa amin. Sa anyang pag-iingat at paggabay sa
aming mga gawain sa araw-araw at sa mga biyayang walang hanggan na siyang
nanguna na naging dahilan n gaming pananatili sa mundong kanyang nilikha.

Sa aming mga magulang na walang sawa sa pagsuporta sa aming pag-aaral at


pagbibigay sa lahat ng suporta moral maging pinansyal, upang kami ay makapanaliksik
ng maayos at para maipagpatuloy an gaming pag-aaral.

Higit sa lahat, sa aming pinakamamahal, kagalang-galang,at mabait naming


Propesor Gng. Flordeliza De La Cruz na walang sawang gumabay sa aming pag-aaral
sa asignaturang Filipino II gayundin sa bawat kasapi n gaming pangkat na nagbigayat
nagbuhos ng oras at pagod upang ang pananaliksik na ito ay maisakatuparan. Lubos in
po kaming nagpapasalamat sa mga Estudyante at dekano na naging bahagi n gaming
pananaliksik.

Maraming Salamat Po!


Talaan ng Nilalaman

Pamagating Pahina ………………………………………………………………………………………………………………i

Dahon ngPagpapatibay ……………………………………………………………………………………………………….ii

Pasasalamat ………………………………………………………………………………………………………………………..iii

Talaang ng Nilalaman …………………………………………………………………………………………………………iv

Talaan ng Talahanayan ……………………………………………………………………………………………………….v

Talaan ng Pigura …………………………………………………………………………………………………………………vi

KABANATA I: Panimula ………………………………………………………………………………………………………1-2


Layunin ng Pag-aaral………………………………………………………………………………………..3
Paglalahad ng Problema…………………………………………………………………………………..3
Kahalagahan ng Pag-aaral………………………………………………………………………………..3
Saklaw at Dimelitasyon ng Pag-aaral……………………………………………………………….3-4
Depinisyon ng mga Termino…………………………………………………………………………….4

KABANATA II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura……………………………………………………….5-6

KABANATA III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik


Disenyo ng Pananaliksik ………………………………………………………………………………...7
Instrumento ng Pananaliksik…………………………………………………………………………..7
Tritment ng mga Datos……………………………………………………………………………………8

KABANATA IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos


Talahanayan 1
Talahanayan 2
Talahanayan 3
Talahanayan 4
Talahanayan 5
Talahanayan 6

KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon


Lagom
Kongklusyon
Rekomendasyon
KABANATA 1

Panimula

Ang mga kabataang Pilipino ay itinuturing na pinakamahalagang kayamanan ng ating


bansa. Ang mga kabataan ngayon ay hindi lamang sa pag-aaral napupunta ang atensyon may iba
na kailangan pang magtrabaho upang matustusan ang kanilang pangangailangan at pag-aaral.

Taong 2004, ayon sa World Program of Action for Youth Implementation in the
Philippines, tinatayang mayroong 3,408,000 bilang ng mga working students sa ating bansa.
Maging sa mataas na antas ng paaralan ng Pamantasan ng Cabuyao halos ¼ sa Unang antas ng
kolehiyo.

Ang edukasyon ang susi sa magandang kinabukasan ang kadalasang maririnig mula sa
isang magulang o nakatatanda para ma-engganyong mag-aral nang mabuti ang isang bata.

Ngunit paano mangyayaring maging susi ito sa isang magandang bukas kung hindi lahat
ng kabataan ay nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral?

Higit pa dito, paano sila matatawag na mga pag-asa ng bayan?

Sa takbong mundo ngayon, maraming tao ang lubos na naghihirap at hindi nila malaman
kung ano ang kanilang gagawin sa kanilang buhay. Maraming kabataan ang nagkalat sa
lansangan, walang makain, namamalimos, at hindi nag-aaral. Pero tama bang hayaan na lamang
nila ang maging balakid ang kahirapan sa pag-abot nila sa kanilang mga pangarap?

Para sa mga batang hindi tumitigil mangarap at nagsusumikap kasabay nito, kahit ano ay
kanilang gagawin maabot lamang ito, kahit pa ang magtrabaho. Sa madaling salita kung iuugnay
mo ito sa mga nag aaral sa kolehiyo madaming mga estudyante ang pinagsasabay ang trabaho at
pagaaral hindi lamang para sa mga pambili ng mga luho o materyal na bagay kundi para
makatulong sa sarili upang makapagtapos ng pagaaral .

Kung iisipin nating mabuti talagang napakahirap pagsabayin ang dalawang ito halos ang
buong araw mo nahahati nalamang sa trabaho at pagaaral. Nasa loob ng paaralan sa umaga at
pag dating ng gabi ay kayod sa trabaho na para bang may isang napakalaking pamilyang
binubuhay.
Minsan kinakapos pa sa tulog dahil tambak ang takdang aralin at mag-aaral pa para sa
pagsusulit kinabukasan. Kung iisipin mo napakahirap pero napakadaming may mga magandang
trabaho ngayon na produkdo ng isang “Working Student” bunga ng pagsisikap at pagtitiis.
Pagsisikap para sa ikabubuti ng pamilya at sa sarili. At pagtitiis para makamit ang pinapangarap
at magkaroon ng isang magandang trabaho at makaahon sa hirap.

Isa pa ang napakasaklap na katotohanan na minsan ay kailangan mong mamili sa dalawa


kung papasok ka sa trabaho o sa klase sa pagkat parehong kailangan mong pumasok. Ang hirap
magpasya kung alin sa dalawa kung alin ang matimbang para sayo.

Bilang isang working student ang daming pasyang kailangan gawin. Ngunit sa huli-huli
ay marami namang solusyon. Kaya ang buhay ng isang working student mabigat, mahirap,
masakit sa ulo pero masaya sapagkat natutugunan mo ang pangagailangan mo bilang anak,
manggagawa at estudyante.
Layunin ng Pag-aaral

Makapagbigay ng sapat na impormasyong nauukol sa manggagawang mag-aaral.

Maimulat ang mga mambabasa sa mga epekto, adbentahe at disadbentahe ng


pagiging isangmanggagawang mag-aaral

Maibahagi ang ilang buhay ng mga piling manggagawang mag-aaral ng


kasalukuyang panahonat makapagbigay ng mga rekomendasyong maaaring makatulong sa
kanila.

Mapukaw ang mga mambabasa sa mga kwento ng pagiging isang manggagawang


mag-aaral atsila ay magsilbing inspirasyon upang magpursigi sa buhay

Paglalahad ng Problema

1. Paano ba binabalanse ng isang Estudyante ang pag-aaral at pagtatrabaho?


2. Anong paraan upang maibalanse ang pag-aaral at pagtatrabaho?
3. Ano ang propayl ng mga mag-aaral ayon sa edad at kasarian , lugar kung saan
nagtatrabaho. Ano ang kanilang posisyon at kung anong oras ang pasok?
4. Paano nakakatulong ang pagsasabay ng trabaho at pag-aral sa isang Estudyante.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Nahihikayat ang mga mananaliksik na isinagawa ang pag-aaral na ito upang makatulong
sa mga mag-aaral ang wastong pagbabalanse ng oras at panahon sa pag-aaral at pagtatrabaho.

Magsilbing daan ito sa mga mag-aaral upang magkaroon ng kaalaman ang mag-aaral ng
tamang pagbalanse o “Time Management” na maging gabay sa kanila.

Makakatulong ito sa mga guro at mga mag-aaral upang maging gabay o daan sa wastong
pagbabalanse ng pag-aaral at pagtatrabaho.

Saklaw at Delimitasyon
Ang laman ng pag-aaral na ito ay nagsasaad kng paano Nababalanse ang pag-aaral at
pagtatrabaho sa mga mag-aaral sa unang antas ng kolehiyo ng Pamantasan ng Cabuyao sa taong
ito.

Ang mga balakid na nito ay nagbigay ng inspirasyon sa mga mananaliksik na pag-aralan


ang tamang pagbabalanse ng oras ng isang working student. Ipinakita sa pananaliksik na ito ang
negatibo at posibong pananaw sa pagbabalanse ng pag-aaral at pagtatrabaho. Ang mga
respondent ang mga mag-aaral ng nasa Unang antas na may ibat-ibang kurso sa Pamantasan ng
Cabuyao (PNC).

Depisyon Ng Mga Salita

Ang terminilohiya ay binigyang kahulugan batay sa pag-aaral.

1. Pagbabalanse – paraan anang paghahati na pantay.


2. Respondent – isang taong nagpatisipasyon sa isang proyekto o isang interbyow.
3. Working student – isang taong nag-aaral habang nagtatrabaho.
4. Time Management – ang pagpantay ng oras ng isang tao.
Kabanata II

Kaugnay na Literatura

Ang mga kabataang Pilipino ay itinuturing na pinakamahalagang kayamanan ng


ating bansa.Ang mga kabataan ngayon ay hindi lamang sa pag-aaral napupunta ang atensyon,
may iba na kailangan pang magtrabaho upang matustusan ang kanilang
pangangailangan at pag-aaral. Taong 2004, ayon saWorld Program of Action for Youth
Implementation in the Philippines, tinatayang mayroong 3,408,000 bilang ng mga working
students sa ating bansa.

Mahihinuha sa talangi t o [ t a b l e B ] n a m a y 4,756,330


ang bilang ng mgak a b a t a a n g e d a d 1 6 - 2 4 a n g nag-aaral sa antas mula
highs c h o o l h a n g g a n g p o s t graduate (2003). Sa talang
ito[ t a b l e 1 0 ] n a m a n a y m a t a t a y a n g m a y 6 , 4 8 3 , 0 0 0 ang
kabuuang bilang ng mgae m p l o y e d n a m g a k a b a t a a n edad 15-24. (2003). Ang
mgat a l a n g i t o a y n a g p a p a k i t a l a m a n g n g b i l a n g n g m g a mag-
aaral at manggagawa nam a y e d a d 1 5 - 2 4 , h i n d i p a mahihuna dito ang bilang
ngm g a w o r k i n g s t u d e n t s d a h i l a n g m g a m a n g g a g a w a n g k a b a t a a n n
a n a b a n g g i t a y m a a a r i n g m u l a r i n s a m g a hindi pumapasok sa
paaralan.Ayon sa talang [table3] ito ay nasa 6,519,000 ang kabuuang bilang ng mga employed
namga kabataan edad 15-24 sa taong 2008. Kung ikukumpara naman ang impormasyong itosa
naunang pahayag na bilang ng mga working students, maaaring mahinuha na
halosk a l a h a t i n g b i l a n g n g m g a m a n g g a g a w a n g k a b a t a a n ( 2 0 0 8 ) a y m g a m a
nggagawang Estudyante 2004.
Kabanata III

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang kabataang ito ay nagpapakita ng Disenyo ng Pananaliksik ginagamit tungkol sa pag-


aaral na may pamagat na Buhay ng Isang Working Student: Pagbabalanse ng Trabaho at Pag-
aaral ng Estudyante sa Unang Antas ng Kolehiyo.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang isasagawang pag-aaral ay descriptive correlation na pananaliksik. Descriptive upang


mailarawan ang pagbabalanse ng pag-aaral at pagtatrabaho ng isang Estudyante sa unang antas
sa kolehiyo. Correlational upang matukoy ang negatibong pagbabalanse ng pag-aaral at
pagtatrabaho.

Mga Respondent

Ang mga respondent na ginagamit sa pag-aaral ay mga mag-aaral na sa unang antas sa


kolehiyo na may kursong (BSIT) (BSED) (BSBA) (BSPsyc) na may kabuuang bilang Sampung mag-
aaral.

Intrumento ng Pananaliksik

Ginagamit ng mananaliksik an gang talatanungan sa pangangalap ng datos upang


matukoy ang epekto ng pagbabalanseng oras sa pagtatrabaho at pag-aaral.

Tritment ng mga Datos

Ang iskeyl at diskripsyon na ito ay ginamit upang makuha ang epekto ng pagbabalanse
ng oras sa pagtatrabaho at pag-aaral ng isang estudyante.

Iskeyl Deskripsyon

8.6-10 ---------------------------------------------------------------------------------------------------mataas na mataas

7.1-8.5---------------------------------------------------------------------------------------------------mataas

5.6-7------------------------------------------------------------------------------------------------------katamtaman

4-5.2------------------------------------------------------------------------------------------------------di gaanong mababa

2.3-4.1----------------------------------------------------------------------------------------------------mababa

1.2-2.6----------------------------------------------------------------------------------------------------mababang-mababa

You might also like