You are on page 1of 1

Ang Isyu ng Plagyarismo

Ang plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda,
programa, himig, at iba pa, hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan.

Ito ay isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin mo ang hindi iyo.

Ito ay may sinusunod na etika/ Code of Ethics


  Sa etika ng pananaliksik, itinuturing na napakalaking kasalanan ang plagyarismo.
  Ito ay may kabigatang parusa.
  Ito ay magdudulot ng kahihiyan sa isang taong may pinag-aralan.

Noong 1996, si Atienza at ang kanyang mga kasamahan ay nagtala ng ilang mga halimbawa ng plagyarismo at mga
kaparusahang maaaring ipataw sa plagyarista

  Kung ginamit ang orihinal na termino o mga salita, hindi ipinaloob sa panipi o hindi itinala ang pinagkunan.
  Kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago ang pagkapahayag, ngunit hindi kinilala ang pinagmulan.
  Kung namulot ng mga ideya o mga pangungusap mula sa iba’t ibang akda at pinagtagni-tagni ang mga ito ngunit
hindi kinilala ang mga pinagkunan
  Kung isinalin ang mga termino, ideya, pahayag, at dahil nasa ibang wika na ay inangkin na at hindi itinala na isalin
ang mga ito,
  Kung ninanakaw ang bahagi ng isang disenyo, balangkas, himig, at hindi kinilala ang pinagkunan ng “insipirasyon”, at
  Kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na pinaghirapan ng iba at ipinalabas niyang siya ang nagkalap ng
mga datos na ito.

Parusang maaaring ipataw sa isang plagyarista ay ang mga sumusunod:

  Pinakamagaang na parusa na para sa mga estudyante na mabigyan ng 5.0 (lagpak na marka)para sa kurso,
  Kung mapatutunayan na matindi ang pagnanakaw na ginawa, maaaring patalsikin ang estudyante sa universidad.
  Kahit nakagradweyt na ang estudyante at ilang taon na ang nakalipas, ngunit natuklasan na ang kanyang
pananaliksik ay kinopya, maaari siyang tanggalan ng digri o
  Maaari ring ihabla ang sinumang nangongopya batay sa Intellectual Property Rights Law  at maaaring sentensyahan
ng multa o pagkabilanggo.

You might also like