You are on page 1of 1

ANG USA AT ANG PALAKA

Ang tingin nni Usa sa sarili ay napakaganda niya. Ito and dahilan kung bakit
lumaki siyang mayabang.
Pinagmamasdan ni Usa nag sarili sa tubig ng batis nang Makita niya si Palaka.
“ang pangit mo naman sabi niya. Nasaktan sa pang-iinsulto si Palaka. “Kahit ako pangit,
may magagawa ako na di mo kayang gawin.” “Ano naman kaya iyon?” nag-aasar na
tanong ni Usa. “Kaya kitang talunin sa takbuhan,” kampanteng sabi ni Palaka.
Imposible. Ano naman magagawa ng tulad mong maliit? Pero sige, laban tayo sa
takbuhan.
Kumalat ang balita tungkol sa hamunan nina Usa at Palaka. “Magandang
panoorin ‘yan,” sabi ng mga hayop.
Panay ang praktis ni Usa. Samantala ay pinulong naman ni Palaka ang lahat ng
kanyang mga kaibigan.
Dumating ang araw ng karera. Sigurado si Usa na mananalo siya. “Isa, dalawa,
tatlo… Takbo!
Napagod sa pagtakbo sii Usa. Uminom siya sa gilid ng batis. Nagulat siya nang
Makita roon si Palaka. Mabilis siyang nagtatakbo. Tuwi naming lilingon siya sa
damuhan ay naroon si Palaka.
Hingal na hingal na si Usa. Lahat ng lakas ay ibinigay na niya pero natalo parin
siya ni Palaka. May dagdag pa, napilay siya.
Ang hindi niya alam ay inutakan siya ni Palaka. “Salamat sa inyo, mga kaibigan.
Nabigyan natin ng aral ang mayabang na si Usa.

1. Sinu-sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento?

2. Ano ang tingin ni Usa sa kanyang sarili?

3. Sino ang nakita ni Usa sa batis?

4. Ano ang sinabi ni Usa kay Palaka?

5. Ano ang hamon ni Palaka kay Usa

You might also like