You are on page 1of 2

Lerum, Janine P.

Article 1532
UNPAID SELLER RIGHT OF STOPPAGE IN TRANSITU

Ang artikulo na ito ay patungkol sa karapatan ng nagbebenta na ipatigil ang


produkto na kasalukuyang ibinabiyahe patungo sa bumili nito. Sa ilalim ng Artikulo
1530, kapag ang bumibili ng mga kalakal ay nawalan ng kakayahan na magbayad, ang
nagbebenta na nakapagpadala na ng mga kalakal ay may karapatan na itigil ang palitan.
Ibig sabihin, mananatili siyang may-ari ng ang mga kalakal habang ito ay nasa byahe at
maari niyang gawin ang nais naisin dito.

PAANO ITO GAGAWIN :


1. Ang pagkuha ng aktuwal produkto.
2. Pagpapadala ng notice sa may hawak ng produkto o sa bailee na ang produkto ay
iyo paring pag-aari at kailangan itong ibalik sa iyo.

Sa pagpapadala ng notice, walang kinakailangan na espisipiko na paraan. Maaring


sabihin ito ng pasalita o kaya naman pasulat na naglalaman ng mga katangian ng
produkto na ipinadala. Ang notice ay ginagawa upang mapigilan ang pagbigay o
paghatid nito sa mamimili. Sa pagbibigay ng notice, kailangan isaalang-alang ng
nagbebenta ang oras o panahon nito pati narin sa katangian ng produkto. Kailangan ay
gawin niya ito ng may pag iingat. Kapag nagpadala ng notice si seller, kailangan ibalik ni
carrier ang produkto kay seller, o kaya naman gawin ang iniutos ni seller sa kanya. Ang
nasabing aksyon ay si seller ang magbabayad sa gagastusin dito.

HINDI MAISASAGAWA ANG PAGPIGIL SA BENTAHAN KUNG:


Ang produkto ay may kasamang inisyung dokmento na nagpapahayag ng
karapatan, walang karapatan ang nagbebenta na itigil ito at hindi obligado si carrier na
ibalik ang produkto kay seller, kailangan niya munang ibalik ang dokumento na
nagpapatunay ng pag aari, bago ito mapawalang bisa.
Kung ganito ang mangyayari, maari pa namang gumawa ng ibang hakbang si seller.
Maaring gamitin niya ang iba pa niyang karapatan katulad ng nakasaad sa artikulo 1526.
Paano naman masisiguro ni carrier na hindi na mauulit ang ganitong pangyayari?
Kailangan niyang gawin ay hingan niya ang nagbebenta ng document of title. Kung saan
ang dokumento na ito ang pumuprotekta sa karapatan ng mamimili at hindi ito basta
basta masasawalang bisa ni seller.

SITWASYON:
1. Si A ay nagbenta ng beauty products kay B. Habang nasa biyahe ang produkto,
ipinaalam ni B kay A na hindi niya na ito mababayaran dahil wala na siyang kakayahan.
Ano ang gagawin ni A?
 Isa sa maaari niyang gawin ay ipatigil ang transaksyon at hilingin ito kay carrier na
ibalik sa kanya o ano mang naisin nito.
2. Paano naman kung may negotiable instrument na kasangkot. Ano ang mangyayari?
 Hindi maaaring ipatigil ni A ang transaksyon kay carrier, sapagkat sa kadahilanang
pinoprotektahan nito ang karapatan ni B bilang isang mamimili. Ang maaring gawin
ni A ay humingi siya kay B na maaaring gawing kolateral. Maliban dito, ang iba pa
niya maaaring gawin ay nakatala sa Artikulo 1529.

3. Paano naman kung isinuko ni A ang negotiable instrument sa carrier, ano ang
mangyayari?
 Ibibigay ni carrier ang produkto kay A at sagot ni A ang lahat ng gastos na
makukuha sa pagbabalik nito sa kanya. At ang dapat lang gawin ni B ay sumang
ayon sa gustong gawin ni A, dahil kung hindi, kakailaganin ni A gamitin ang iba pa
ninyang karapatan.

You might also like