Panahon NG Pagbabagong Diwa

You might also like

You are on page 1of 9

PANAHON NG PAGBABAGONG DIWA

Ang kasaysayan ng panahon ng pagbabagong diwa ay nagsimula nang


payagan ng Espanya ang Pilipinas na makipagkalakalan sa labas ng bansa. Dahil
sa pangyayaring ito, nagbunga ito ng malayang pag-iisip sa bawat puso ng mga
Pilipino at naghangad ng pantay at matuwid na pagtingin. Dito umusbong ang
damdaming liberal na nagmula pa sa bansang Europa. Kasabay sa pagsibol ng
diwang ito naganap ang himagsikan na naganap sa Espanya noong 1869 at ang
pagbukas rin ng kanal Suez sa parehong taon.

Ang mga ideolohiya ng pag-aaklas ng mga Amerikano at Pranses at ang mga


pananaw sa panulat nina Montesquieu, Rousseau, Voltaire, Locke, at iba pa ay
nakarating sa ating lupain at lumikha ng mga hangarin sa bawat damdamin ng
mga Pilipino na magkaroon ng pagbabagong-bihis sa pamamahala sa lalong
ikagagaling ng taumbayan.

Sumabay ang Pilipinas sa pag-unlad ng sistemang pandaigdigan. Ang


pag-unlad nito sa produksyon sa pagsasaka at patuloy na nakikipag-ugnayan at
pakikipagkalakan sa isang bansa, ang pagtaas ng uri ng pamumuhay ay nagluwal
ng pangkat ng mga Pilipinong nakilala sa tawag na Ilustrado o Middle Class. Ang
Ilustrado ay ang salitang Kastila na tumutukoy sa mga Pilipino. Ito ay
nagangahulugang isang tao na nakabatid ng kaliwanagan.Sila ang mga kabataang
Pilipino na namulat ang mga kaisipan sa di pagkakapantay-pantay na pagtingin o
pagtrato ng mga mananakop (Kastila) at sinasakupan (Pilipino), ang lantaran ng
mga pagsasamantala’t paniniil ng mga namumuno sa pinamumunuan, ang
suliranin sa sekularisasyon at maling pamamalakad ng simbahan at pamahalaan,
ang pagkakaroon ng liberal na gobernador, ang pag-aalsa ng mga manggagawa sa
arsenal sa Cavite at pagbitay kina Padre Gomez, Burgos at Zamora na naging
dahilan ng pagsibol at pagkalat ng damdaming makabayan.

Nakakaangat sa lipunan ang mga Ilustrados noong kapanahunan ng mga


Kastila. Sila ang mga panggitnang klase ng mga mamamayan na nakapag-aral at
nabantad sa mga ideya ng liberalismo at nasyunalismo mula sa Europa.
Naghangad ng mas makataong kasunduang pampolitika at pang-ekonomiya ang
mga Pilipinong ilustrado sa ilalim ng mga kastila. Sa kanyang inner image,
“America’s empire in the Philippines” o “Kawangis natin ang imperyo ng Amerika
sa Pilipinas”. Tinawag ni Stanley Karnow ang mga ilustrado bilang mga
mamamayang grupo ng mga marunong o rich intelligencia sapagkat ang mga ito
ay may mga anak ng maykayang may-ari ng lupa. Ikinalat nila ang ideya ng
liberalismo at nasyunalismo sa Pilipinas.

Mahalagang bahagi pa rin ng kasaysayan ng liberalismo sa Pilipinas ang


pagkakagapi ng Reyna Isabela II at ang pag-akyat sa kapangyarihan ng
liberalismo sa Espanya. Ang pagiging Gobernador Heneral ni Carlos Ma. Dela
Torre sa Pilipinas, isang mabuting pinuno na nagpakita ng demokratikong
pamamahala. Pantay-pantay ang kanyang pagtingin at pakikitungo sa mga
Pilipino at Kastila. Dahil dito, nagkaroon ng lakas ng loob ang ilang makabayan
na humingi na maging kura paroko ang mga Pilipino at magkaroon ng
kalayaan/karapatang pampulitika ang mga mamamayan. Maging ang mga
mag-aaral sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nagtatag ng isang Felipe
Buencamino. Si Rizal ay kumatha ng isang tulang may pamagat na Ala Juventud
Filipina (Sa kabataang Pilipino) na kanyang inihandog sa kapisanang nabanggit.

Ang ganitong kalagayan ay hindi nagtagal noong 1870, natalo ang


pansamantalang Republika ng Espanya sa mga Monarkista at naging Hari si
Amadeo ng Savoy (1871-1873). pumalit naman si Hen. Carlos Dela Torre bilang
Gobernador-Henera ng Pilipinas si Heneral Rafael de Izquierdo, isang
mapagmataas at may kahigpitan sa kanyang pamamalakad. Umusbong ang
kaguluhan dahil binaligtad niya ang mabuting pamamahala ni Heneral Carlos
Dela Torre. Sumunod ang pag-aaklas ng mga kawal at manggagawa sa arsenal sa
Cavite noong Enero 1872 sa pamumuno ni Lamadrid, isang sarhentong Pilipino.
Nasupil ng mga hukbong Kastila ang paghihimagsik at napatay si Lamadrid.
Pagkatapos nang higit sa tatlong daang taon, nagising sa pagkakahimlay ang
mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino nang isangkot sa digmaan sa Cavite
ang tatlong paring sina Gomez, Burgos, at Zamora. Ang mga pari ay nahatulang
bitayin ng garote noong ika-17 ng Pebrero, 1872. Ito ay batid ng lahat, maging ng
Kastila man o Pilipino na sila ay walang kasalanan.

Maliban pa sa tatlong paring martir, marami ring iba pang mga Pilipino na
walang kasalanan ang isinangkot at ipinatapon sa iba’t ibang pook sa labas ng
bansa. Sila ay ipinatapon sa mga lungsod na gaya ng Hongkong, Barcelona,
Singapore, Madrid, Londres at iba pang pook-banyaga. Sa ganitong pangyayari,
mas lalo pang naragdagan ang mga makabayang naghahangad ng pagbabago.
Itinalaga nila ang kanilang mga sarili na gumanap ng tungkulin sa pamamagitan
ng panulat at mga salita para sa ikagagaling at ikatitiwasay ng Inang Bayan.

Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang tumutuligsa sa pang-aabuso ng


gobyernong kolonyal, nagkikintal ng pagkamakabayan, humihingi ng reporma,
humuhubog ng sariling pagkakakilanlan ng mga Pilipino (pinauso ang pagtukoy
sa mamamayan ng Pilipinas na Filipino; ikinarangal ang pagiging Indio).
Nakasulat ito sa Espanyol sapagkat hindi pa nila ninais na maging malaya ang
Pilipinas.

Nagkaroon ng mga pangkat ng mga Pilipinong nakapag-aral sa Europa na


nanguna sa paghiling at paghain ng pagbabago sa pamahalaang Kastila ng
Pilipinas. Naging daan ito ng pagkatatag ng ngayo’y kilala sa kasaysayan ng
Pilipinas sa tawag na Kilusang Propaganda.

ANG KILUSANG PROPAGANDA

Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusang itinatag sa Espanya noong


1872–1892 ng mga Pilipinong ilustrado sa Europa. Ilan sa mga kasapi nitó ang
tatlong haligi sa kilusang propaganda na sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena,
Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, at magkapatid na Juan at Antonio Luna.

Ang propaganda ay isang uri ng patalastas, kabatiran, o komunikasyon na may


layuning maimpluwensiyahan ang asal ng isang pamayanan papunta sa isang layunin
o posisyon. Ginagamitan ito ng masistema o maparaang pagkakalat o pagpapalaganap
ng mga paniniwala o kaya nng doktrina.Halimbawa nito ang mga babasahin
nagtataguyod o nagtatangkilik ng isang paniniwala. Kabaligtaran ito ng impomasyong
walang kinikilingan dahil, sa pinakapayak na diwa, ang propaganda ay naghaharap o
nagpapakita ng kabatirang nakakaimpluwensiya sa madla. Kadalasang nagpaparating
ang propaganda ng mga bagay na pinili, na maaaring isang pagsisinungaling sa
pamamagitan ng pagbabawas o pagtatanggal ng ibang mga kaalaman, upang maudyok
o mahimok ang isang partikular na sintesis o langkap, o gumagamit ng mga
mensaheng may "laman" upang makagawa ng pangdamdamin sa halip na rasyonal o
makatwiran tugon sa kabatiran inihaharap. Ang nais na resulta ay ang baguhin ang
asal patungo sa isang paksa mula sa puntirya o pinupukol na mga tao upang
maisulong ang isang ahenda o layuning pampulitika. Maaaring gamitin ang
propaganda bilang isang uri ng pagtutunggaling pampulitika.

Habang ang salitang propaganda ay nagkamit na malakas na negatibong


konotasyon o pahiwatig sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaugnayan sa mas
pinakamapandayang mga halimbawa, ang propaganda, sa orihinal na diwa, ay walang
pinapanigan o walang kinikilingan, at maaaring unawain bilang tumutukoy sa mga
paggamit na pangkalahatang pinanghahawakan bilang medyo kaaya-aya o hindi
nakakasama o hindi nakakapinsala, katulad ng mga mungkahi o rekomendasyon na
pangkalusugang pampubliko, mga karatulang humihimok sa mga mamamayan na
makilahok sa isang seksyo o halalan, o mga mensaheng nanghihikayat na mag-ulat ng
mga krimen sa pulis, at iba pa.

Hindi karahasan o paghihimagsik ang tuwirang pakay ng mga


propagandista at mas lalong hindi naglalahad ng paglabag sa batas o lumaban sa
may kapangyarihan. Ang tanging inaasam nila ay mga pagbabago sa mga batas-
mga reporma, at hindi ang mapahiwalay sa Espanya. Ilan sa mga tiyak na layunin
ng kilusan ay ang mga sumusunod:

1. pagkakaroon ng pantay na pagtingin at karapatan sa mga Español at


mga Filipino

2. pagkakaroon ng representasyon ng Filipinas sa Cortes (ang kongreso ng

Espanya)

3. sekularisasyon ng mga parokya

4. pagbubuo ng sistema ng edukasyon na labas sa impluwensiya ng mga


fraile paglansag ng polo (sapilitang paggawa) at vandala (sapilitang
pag-bibili ng mga produkto sa pamahalaan)

5. pagkakaroon ng batayang kalayaan sa pagpapahayag.

6. kalayaang pangkatauhan para sa mga Pilipino gaya ng kalayaang


makapagpahayag, makapagsalita, kalayaang makapaglunsad ng pagtitipon
at pagpupulong at gayon din sa paghingi ng katarungan sa kaapihan.

Nabuo ang kilusan dahil sa paglago ng diwang nasyonalista sa kamalayan ng


mga Pilipinong nakapag-aral, na pinaigting ng mga pangyayaring
pangkasaysayang tulad ng pagbitay sa tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose
Burgos, at Jacinto Zamora. Higit kaysa mga layuning politikal, nabuo ang kilusan
para sa mga tunguhing higit na pampanitikan at pangkultura.

Isinulat ni Gregorio Sanciangco ang El Progreso de Filipinas na tungkol sa


mga patakaran ng mga Kastila na di makatarungan. Tungkol din ito sa
kalagayang pang-ekonomiya ng Pilipinas noong panahong iyon. Isa sa mga
patakarang ito ay ang pagpataw ng mga Kastila ng mataas na buwis sa mga tsino,
mestisong tsino at pilipino. Hindi na ipinagbabayad ng buwis ang mga kastila at
mestisong kastila. Isinulat naman ni Pedro Paterno ang Ninay, isang nobelang
nagsasaad tungkol sa diwang makabansa. Noli Me Tangere at El Filibusterismo
naman ang inilathala ni Rizal patungkol sa mapang-aping pamamalakad ng mga
Kastila sa bansa, Ito ay nagdulot ng pagmamahal ng mga tao sa bansa.

Naglabas silá ng pahayagang La Solidaridad, ang opisyal na pahayagan ng


kilusang propaganda na unang inilimbag sa Barcelona noong 15 Pebrero 1889.
Ito ang pahayagan na inilathala sa Espanya ng mga propagandista ang pagtuligsa
sa mga prayle at kastila. Hinihikayat nito ang mga Pilipinong ipaglaban ang
kanilang karapatan laban sa mapang-abusong mga prayle at iparating sa mga
kinauukulan ang mga katiwaliang nagaganap sa Pilipinas at ipaglaban ang
katarungan at kaunlaran. Humuhingi ito ng panlipunan at pampulitikang
pagbabago upang maipalaganap ang diwa ng demokrasya. Unang editor nitó si
Graciano Lopez Jaena at hinalinhan ni Marcelo H. del Pilar. Dito inilathala ang
mga tuligsa nilá sa katiwalian sa kolonya ng Pilipinas. Bukod sa mga ilustrado,
nalathala din dito ang ibang kaalyado ng mga Filipino, gaya ni Ferdinand
Blumentritt–isang Austrianong heograpo at etnologo na nakilála at naging
kaibigan ni Rizal sa Alemania.

Español ang wika ng diyaryo dahil higit na target na mambabasá ng mga


Propagandista ang mga taga-España at upang maimulat ang mga ito sa mga
abuso at korupsiyong nagaganap sa Filipinas. Palihim na iniluluwas sa bansa
mula sa Europa ang mga isyu ng pahayagan, at palihim ding binabása ng mga
edukadong kababayan ng mga Propagandista. Lumabas ang huling isyu ng
pahayagan noong 1895. Sa tuwinggabihang pahayagan na La Solidaridad, pati
narin sa mga akda ng ilan sa mga kasapi nito, naipahayag nila ang kanilang mga
saloobin at damdamin patungkol sa kung ano ba ang mga dapat baguhin sa
Pilipinas. Samantala, nanamlay at tuluyang namatay ang kilusan nga mga
propagandista matapos ang pagkakahuli kay Rizal at nang mabuwag ang La Liga
Filipina. Kinulang sila sa pondo at hindi sila pinakinggan ng mga prayle.
Nagkaroon din ng hindi pagkakaunawaan sa mga kasapi at pinuno at mas
pinansin ng mga Espanyol ang kanilang panloob na usapin na dapat nilang
tugunan. Sinundan ito ng Katipunan ngunit tungo sa higit na rebolusyonaryong
layunin—ang ganap na kalayaan ng bansa at pagpapatalsik sa mga
kolonyalistang Español.

MGA NAGAWA AT KINALABASAN NG KILUSAN


May mga ilan ding pagbabago ang nakamit ng Kilusan tulad ng:

1. ang pagkakaalis ng katungkulang panghukuman sa pangangasiwa ng


pamahalaang bayan;

2. pagkakatanggal ng monopoly sa tabako;

3. pagpapatibay ng Batas Maura sa pagtatag ng pamahalaang municipal;

4. ang pagbabayad ng buwis ay ibinatay sa kakayahan ng tao at tinawag na


cedula;

5. pagkakatatag ng maraming hukuman sa mga lalawigan at Maynila upang


mapadali ang pagdinig ng mga kaso;

6. pagbabago ng pamamaraan ng pagpili ng gobernador sibil na mangangasiwa


sa mga pamahalaang panlalawigan.

ANG MGA PROPAGANDISTA

Karamihan sa mga Propagandista ay may mga angking talino, may


damdaming makabayan, may dakilang katapangan at lakas ng loob, mga anak ng
mga nakaririwasang pamilya at nangagsipag-aral at nakatapos sa mga kilalang
unibersidad.

Naipaabot at napalaganap ang mga kanilang mga simulain at mithiin sa


bayan sa pamamagitan ng pagsapi sa samahang masonaria- mga kilusang laban
sa pamamalakad ng mga prayle, pagtatag ng samahang binubuo ng mga Pilipino
at mga Kastilang nagmamalasakit sa kapakanan ng bayan. Naglathala at
nagpalimbag sila ng mga pahayagan, aklat, mga artikulong tumutuligsa sa maling
pamamahala tungo sa paghingi ng reporma.

Itinuturing na pinakadakila at nakahihigit sa lahat ng Propagandista sina Dr, Jose


P. Rizal, di pangkaraniwang manggagamot, makat at mangangathambuhay,
Marcelo H. Del Pilar, abodgado at mamahayag; Graciano Lopez-Jaena,
mananalumpati at mamumuna.

Kabilang sa mga propagandistang napatala sa dahon ng kasaysayan ay sina


Mariano Ponce, nag-aral ng medisina at mananalaysay, Antonio Luna,
parmasyutiko at mananalaysay; Juan Luna at Felix Ressurrecion Hidalgo, mga
pintor; Dr. Pedro Paterno, abogado at manunulat; Jose Maria Panganiban,
tagapagsaling-wika at mananalaysay; Jose Alejandro, inhinyero; Pedro Serrano
Laktaw, guro at leksikograpo; Isabelo Delos Reyes, poklorista at mamamahayag;
Dr. Dominador Gomez, manggagamot at mananalumpati.

You might also like