You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP-V)

AGRIKULTURA
Huwebes Pebrero 22, 2018

I. Mga Layunin
A. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng organic concoctions na ginagamit sa natural farming
B. Nalalaman ang mga hakbang sa paggawa ng iba’t-ibang uri ng organic concoctions
C. Napapahalagaan ang kapaligiran sa paggamit ng organikong pataba

II. PaksangAralin:
Paksa: Iba’t ibang uri ng Organic Concoctions
Sanggunian: Module
Kagamitan: laptop, projector, speaker

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda
1.1 Maikling panalangin at pagbati
1.2 Pag-uulat ng lumiban

2. Pagsasanay
Magbigay ng mga paraan sa pangangalaga ng mga pananim

2. Balik-aral
2.1 Ano ang kahalagaan ng organikong pamamaraan ng pagtatanim ng gulay?
2.2 Ano ang kaibahan ng organikong pataba sa diorganikong pataba?
2.3 Ibigay ang hakbang sa paggawa ng compost pit

B. Paglalahad ng Aralin
1. Pagganyak
1.1 Pagpapakita ng halamang malusog at di-malusog
1.2 Ano ang kaibahan ng dalawang halaman?
1.3 Ano ang dapat nating gawin upang maging malusog ang paglaki ng ating halaman guay?

2. Pag-aalis ng Sagabal
2.1 Foliar spray, concoctions, fermentation

3. Pagbuo ng Suliranin
3.1 Ano-ano ang mga uri ng organic concoctions
3.2 Paano ginagawa ang mga organic concoctions
3.3 Ano ang mga naidudulot ng mga organic concoctions sa ating hayupan at taniman

4. Pagtalakay ng Aralin
(Pagpapakita ng Video Clips)
4.1 Iba’t ibang uri ng Organic Concoctions
4.2 Mga hakbang sa Paggawa ng mga Organic Concoctions
4.3 Mga kabutihang naidudulot ng mga Organic Concoctions sa halaman, alagang hayop, at
kapaligiran
5. Paggawa
Pangkatang gawain: Pagkatpos mapanood ang maiikling video clips ng bawat organic
concoctions; gumawa ng isang graphic organizer na natutukoy ang bawat uri ng organic
concoctions, mga pinagmulan, at naidudulot sa halaman at hayupan

6. Paglalagom
Mas mainam gamitin ang mga organikong pataba gaya ng mga Organic Concoctions kaysa
sa kemikal na pataba dahil hindi ito masama sa kapaligiran at kalusugan ng tao. Ang paggawa nito
ay napakadali at mura.

7. Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sag
1. Ito ay isang organic Concoction na nagmula sa iba’t –ibang pinaghalong prutas sa
pamamagitan ng permentasyon
a. Fish Amino Acid (FAA) c. Fermented Fruit Juice (FFJ)
b. Oriental Herb Nutrients (OHN) d. Fermented Plant Juice (FPJ)
2. Sa paggawa ng Fermented Plant Juice, Kailan ang tamang panahon sa pagkuha ng
gagamiting halamang gulay?
a. bago sumikat ang araw c. hapon
b. tanghali d. gabi
3. Alina sa mga sumusunod na organikong pataba ang hindi ginagawa sa pamamagitan ng
permentasyon?
a. Fish Amino Acid (FAA) c. Fermented Fruit Juice (FFJ)
b. Kompos of Compost d. Fermented Plant Juice (FPJ)
4. Bakit mas mainam gamitin ang organikong pataba kaysa kemikal na pataba?
a. Hidi ito nakakalason sa kapakigiran c. Mura at madaling gawin
b. Hindi ito masama sa kalusugan ng tao d. Lahat ng nabanggit

5. Alin sa mga sumusunod na Organic Concoctions ang nilalagay ng beer?


a. Calcium and Phosphate (CALPHOS) c. Fermented Fruit Juice (FFJ)
b. Oriental Herb Nutrients (OHN) d. Fermented Plant Juice (FPJ)

C. Pangkasanayan

D. Pandamdamin
- pagpapahalaga sa kapaligiran sa paggamit ng organikong pataba

IV. KASUDUAN/TAKDA
Magdala ng balde, chopping board, manila paper, straw na panali, tubig na galing sa poso para sa
paghahanda sa paggawa ng isa sa mga organic concoctions.

You might also like