You are on page 1of 1

"Pagbilang ko ng Sampu, ako na ang kusang lalayo"

By: Jay Balasan
Isa
Ayoko nang umasa
Sawa nako sa mga salita mong puro lamang sakit ang dala.
Dalawa
Nagkulang ba ako sa pag-unawa?
O nagkulang kalang sa aruga
Ginawa ko naman lahat kahit na nagmukha akong kaawa-awa.
Tatlo
Hangang dito nalang ba talaga to?
Sinadya mo ba 'tong lahat para ako na ang kusang lumayo sayo?
Apat
Pagmamahal ko yata ay di pa rin sapat
Pero di yun dahilan para sabihin sakin na hindi ako karapat-dapat.
Lima
Pagbilang ko'y umabot na sa gitna
Habang ang mga mata ko'y walang tigil sa pagluha.
Anim
Animo'y narito ako sa dilim, nagiisa at lumuluha
Umaasang baka sakaling mahalin mo rin.
Pito
Nahihirapan na ako dito
Sana narito ka para mabawasan ang bigat ng nadarama ko.
Walo
Sino nga ba niloloko ko
Di nako umaasa na darating ka upang sumaklolo.
Siyam
Tatapusin ko na ang kabanatang ito
Lilisan nako at magpapaalam na sayo.
Sampu
Ihahakbang na rin ang paa at iiwan kana
Ibabaon na sa limot lahat ng ating mga alaala.

You might also like