You are on page 1of 2

CONSOLIDATION TOPIC 6

BUHAY DEBOSYONAL

(DEVOTIONAL LIFE)

“Subalit inutusan ko silang sumunod sa akin upang sila'y maging aking bayan at ako
naman ang kanilang magiging Diyos. Sinabi kong mamuhay sila ayon sa ipinag-uutos
ko, at magiging maayos ang kanilang buhay.” (Jeremias 7:23)

Ang Diyos ay naghahangad na maging bahagi ng ating pang-araw-araw na


pamumuhay. Nais Niyang ipadama sa atin ang Kanyang pag-ibig sa mga espesyal na
kaparaanan. Bilang Cristiano at tagasunod ni Cristo, mahalaga para sa atin ang
magkaroonn ng espesyal na oras araw-araw para sa Panginoon. Ang “devotion” ay
hindi nagtatapos sa pagsusulat sa “devotional notebook”. Ang nais ng Diyos ay isang di
matatawarang debosyon na hindi lamang nalilimitahan sa isang oras o araw ng ating
buhay kundi isang “daily lifestyle” o pang-araw-araw na bahagi na ng ating buhay, na
hihigit pa sa oras, lugar, o mga sitwasyon o pangyayari sa ating buhay.

“Huwag mong kaliligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon


araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging
masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay.” (Josue 1:8)

Ang layunin ng “Devotions”. Ginagawa natin ang ating “devotion” upang magkaroon ng
malalim na relasyon sa Diyos. Hangad ng Diyos Ama ang araw-araw nating pagsamba
at Siya ay natutuwa kapag naglalaan tayo ng oras para pagbulay-bulayan ang Kanyang
mga salita. Nais ng Diyos na makilala natin Siya ng lubusan. Habang nakikilala natin
Siya sa ating mga pag-aaral, tayo ay mas lalong naihahanda at nahuhubog para mas
lalong maging kawangis ni Cristo sa araw-araw.

Paano maghanda para sa iyong “devotions”?

1. Magtakda ng oras at maging “consistent” ka dito. Gawin ito sa umaga bago mo


simulan ang iyong araw at sa gabi bago ito magtapos. (Josue 1:8)
2. Sa pagbabasa mo ng Salita ng Diyos, umiwas ka sa mga pinagmumulan ng
ingay o mga “distractions” gaya ng computer, cellphone, TV, at iba pa.
3. Makinig sa Diyos habang nangungusap Siya sa iyo sa pamamagitan ng Kanyang
Salita sa Bibliya. (Mga Awit 46:10; Job 2:13)
4. Hanapin ang gabay ng Banal na Espiritu at maging handang sumunod sa kung
ano ang sinang-ayunan ng Salita ng Diyos. (Juan 2:5)
5. Lumapit sa Kanya ng may mababang puso at taingang marunong makinig. (Mga
Awit 5:17)

Upang magawa mo ang iyong devotions sa tamang paraan, una sa lahat, kailangang
mayroon kang Bibliya. Piliin mo ang salin na mas nauunawaan mo. Kailangang
mayroon kang notebook at panulat. Pagkatapos mong magbasa ng Bibliya, isulat mo
ang mga sumusunod.

 RHEMA – Ito ang Salita ng Diyos na naging buhay sa iyo sa oras na iyon.
 REFLECTION – maaari mo pang palalimin ang naging “Rhema word” ng Diyos
sa iyo sa oras na iyon at iayon ito sa iyong kasalukuyang sitwasyon sa buhay.
 MOTIVATION – Ang Salita ng Diyos ay puno ng inspirasyon at mga pangako na
maaari nating panghawakan.
 APPLICATION – ang devotion ay hindi devotion kung walang pagsasabuhay.
Siguraduhing may gagawin ka pagkatapos mong makatanggap ng Salita mula sa
Diyos. Maaari ka ring gumawa ng listahan ng iyong mga panalangin o hiling sa
Diyos.

PERSONAL NA PAGSASABUHAY

Maging maibigin sa Salita ng Diyos at hayaan mong ito ang magtakda ng iyong buhay
at gawin itong “final authority”. Ipanalangin mo ang iyong araw at ang iyong mga “life’s
goals” o mga nais matupad sa buhay para malaman mo kung ano ang nais ng Diyos na
gawin mo. Sikapin mong magawa ang iyong devotion ng tuluy-tuloy sa loob ng isang
linggong ito. Magtapos ka sa paggawa ng mga listahan ng panalagin at gawing
sandigan ang Salita ng Diyos para sa kakailanganing gabay o direksyon.

PANALANGIN

Panginoon, salamat po sa pagkakaloob Mo sa akin ng Iyong mga Salita upang gabayan


ako sa araw-araw at hubugin ang aking pagkatao. Nagagalak po ako sa iyong mga
Kautusan. Tulungan mo po akong maisabuhay ang mga ito at gawin itong “final
authority” ng buhay ko. Sa pangalan ni Hesus, Amen.

You might also like