You are on page 1of 3

Rheese P.

Sevilla
HUMSS 11-B
Book Review :“Para Kay B”

Ito ang pinaka unang nobela na naisulat ni Ricky Lee, ang Para Kay B(o kung
paano dinevastate ng pag ibig ang 4 out of 5 sa atin). Si Ricardo Lee o Ricky Lee ay
isang Filipino screenwriter, journalist, at novelist. Nanalo na siya ng iba't ibang mga
parangal dahil sa kagalingan niya sa larangan ng pagsulat. Siya rin ang sumulat ng iba't
ibang mga kilala nating pelikula gaya ng Himala(1982), Anak(2000), Mila(2001), at iba
pa. Ang "Para kay B" ay inilathala noong ika unang araw ng Enero taong 2008 ng
Writers Studio Philippines, Inc. Ito ay isang nobela tungkol sa iba't ibang klase ng pag
ibig. Ipinakita ito sa iba't ibang mga kwento ng limang babae. Narito ang kwento nina;
Irene, ang pag-ibig na di makalimot, Sandra, ang bawal na klase ng pag-ibig, Erica, ang
babaeng di marunong magmahal, Ester, isa ring ipinagbabawal na pag-ibig lalo na sa
ating bansa, at ang pinakahuli ay ang kwento ni Bessie.

"Irene: Ang unang kwento" ang pamagat ng unang kabanata ng nobela. Si Irene ay
isang babaeng may photographic memory. Isang araw nakita niya ang mga nagrarally
sa labas ng coffee shop kung nasaan sila ng kanyang mga kaibigan at "blind date" na si
Donald. Bumalik ang mga alaala niya tungkol sa San Ildefonso. Doon niya nakilala si
Jordan. Isang binata na namatayan ng magulang. Naging malapit sila sa isa't isa dahil
sa pagsuyo at pagkulit ni Irene sa binata. Isang araw ay naharangan siyia ng mga
nagrarally sa may tulay, nakita nyang may nahulog na "cheap watch" mula sa mga
nagrarally sa baba ng tulay at nakita niya si Jordan na pinulot ito. Nilapitan niya ito at
doon binigay sa kanya ni Jordan ang cheap watch kasama ang isang pangako na
pakakasalan siya nito ngunit hindi niya na nakita si Jordan muli. Pinanghawakan niya
ang pangakong iyon ng napakatagal na panahon hanggang sa isang araw nagkita
silang muli ngunit mas pinili ni Irene na maghiwalay sila ng landas. “Fate ang nagdala
sa kanya sa'kin, fate din ang magbabalik sa kanya sa'kin!"- Irene. Dito ipinapakita ang
ating paniniwala sa destiny o fate. Tayong mga pilipino ay umaasa na kailangan
munang gumalaw ni Destiny upang mahanap na natin ang ating "The One" ngunit para
sa akin ay nasa sa atin ang lahat ng desisyon. Tayo ang may hawak ng sarili nating fate
o destiny.

Tungkol naman sa magkapatid ang ikalawang kwento na pinamagatang "Sandra: Ang


Ikalawang Kwento". Ito ay tungkol kay Sandra na kahera ng motel na pinagtuluyan nina
Irene at Jordan. Doon may nakilala siyang writer na nagpakwento ng love story niya. 17
anyos pa lang siya ng mapagtanto niya na mahal niya na pala ang kanyang kapatid, si
Lupe. Di kalaunan ay nahuli sila ng kanilang magulang sa bodega kung saan sila
palaging nagsasama, nagtatalik, at iba pa. Dahil sa pangyayari ay pinalayas ng ama si
Rheese P. Sevilla
HUMSS 11-B
Lupe at walang nagawa si Sandra dahil bata pa lang siya noon. Tumanda siya at
nagkaroon ng karelasyon, si Ruben. Isang araw pagkagaling nila ni Ruben sa Luneta ay
bigla silang hinoldap ng isang lalaki, nakilala agad ito ni Sandra at ito ang kanyang kuya
Simula noon ay nagkikita sila palagi ngunit mas pinili ni Lupe na hindi na muling
magpakita. Namuhay ng maayos sina Sandra at ng napangasawang si Ruben at
tinanggap nito ang naging anak ni Sandra kay Lupe. "Merong di makahakbang dahil sa
pag-ibig, at meron namang nakakalipad."- Writer. Sa linyang ito sinasabi kung gaano
talaga kalakas ang impluwensya ng pag-ibig sa isang tao. Na dahil sa pag-ibig ay
makakagawa tayo ng bagay na akala natin ay imposibleng magawa natin.

Sa pangatlong kwento ay may isang babaeng hindi marunong magmahal. Si Erica ay


nakatira sa Maldiaga, isang lugar kung saan walang pag-ibig. Dahil sa pagkaintriga ay
napunta siya sa lugar kung saan mayroong pag-ibig. Nakilala niya roon si Mrs. Baylon
at ang anak nitong si Jake. Sinubukan niyang paibigin ang binata at nag tagumpay siya
ngunit siya ang hindi marunong magmahal.Iniwan niya si Jake at nagpursigi na
matupad ang pangarap niyang maging isang TV Host at natupad naman niya ito.
Nagkita silang muli ni Mrs. Baylon at dinala siya nito kay Jake. Ito’y hindi na
makapagsalita at makaramdam. Simula raw ng umalis siya ay matagal daw siyang
hinanap ng binata at ang lugar ng Maldiaga. Sumisid pa siya sa dagat nang maikwento
ni Mrs. Baylon ang unang pagkikita nila ni Erica. Nang malaman lahat ni Erica ibinuhos
niya lahat ng kanyang oras kay Jake at nakaramdam siya ng pagmamahal nang hindi
niya namamalayan. Naranasan niyang masaktan ngunit itong sakit na ito ay naidudulot
lamang ng pag-ibig. Isang araw may narinig siyang boses, ang boses ng matandang
babae na nagsasabing bumalik na siya sa Maldiaga upang mawala ang sakit na
nararamdaman niya. Naakit siya sa sinabi ng matandang babae ngunit mas pinili niya
pa rin ang binata. “At noon niya na-realize, maski gaano kasakit, basta’t katabi niya si
Jake.”-Author, sa linyang ito pinapakita ang sakripisyo. Kahit na nasasaktan si Erica ay
mas pipiliin niya pa rin na makasama ang taong mahal niya kaysa mawala ang sakit na
nararamdaman niya. Isinakripisyo niya ang sarili niya dahil sa pagmamahal.

Si Ester ay biyuda sa kanyang asawa na si Lucio. Nagkaroon sila ng 5 anak at iisa


lamang doon ang nakaalam ng kanyang sikretong “love story”, ang anak niyang si AJ
na kanyang nakasama sa maliit nilang bahay ng San Mateo. Nagsimula ito dahil sa
kwento ng kanyang tito tungkol sa pag-alam kung sinong mamahalin ng isang tao
habang hubay at nang ginawa niya ang sinabi nito ay natuklasan niyang si Sara, ang
kanilang katulong, ang mamahalin niya habang buhay. Nang mamatay ang kanyang
asawang si Lucio sa abroad ay doon niya pa lamang napadama kay Sara ang kanyang
pagmamahal sa pamamagitan ng pagsiping, ngunit hindi na niya ito nakita pagtapos
Rheese P. Sevilla
HUMSS 11-B
noon. Si AJ, ang kanyang anak na bakla, ang tumulong at pumilit sa kanyang hanapin
si Sara at nag tagumpay naman sila roon. Doon nagkausap sila at nalaman nilang may
asnak na pala ito sa kanyang iisang ubo na lamang na asawa. Kinausap lamang niya si
Sara at saka umalis din. “Dahil totoo ang sabi nila, ang great love mo, hindi mo
makakatuluyan. Ang makakatuluyan mo ay ang correct love”-Author. Para sa akin ay
totoong mas makakatuluyan mo ang correct love kesa sa great love, sa panahon
ngayon ang great love ay madali lang hanapin samantala ang correct love ay hindi. Ang
great love ay maaaring “love at the wrong time or place” or pwede rin namang
“unrequited love”, pero ang correct love ay hindi na “ever” mawawala pa sayo.

You might also like