You are on page 1of 2

10 PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG TULA

Isang pagdalumat: JHESTONIE P. PACIS

1. GRAMATIKA / TALASALITAAN – Gumamit ng maikli ngunit angkop na salita at may


parehong kahulugan
Halimbawa:
Dalubhasa – Magaling – Pantas
Sa kasalukuyan, dahil sa nabahiran na ng pagkamoderno ang panulaan, hindi na tayo
nagiging maingat sa paggamit ng mga salita. Ika nga, higit na mahalaga ang nilalaman
kaysa sa gramatika at baybay. Subalit higit na magiging marikit ang tula kung sisikaping
itama ang lahat ng bahagi nito.

2. ISTRUKTURA – Maging konsistent sa struktura at uri ng tulang gagamitin. Kung ang


tula ay sinimulan na isang impormal (gumamit ng mga salitang balbal) marapat na
hanggang sa huli, impormal ito. Ganundin naman kung pormal ang gagamitin (gumamit
ng mga salitang pambansa at nauunawaan ng lahat).
Subalit kung ito ay pinagsama, siguraduhing hindi mababahiran ng hindi pantay na
paggamit (bias/unbalance) na struktura ng tula.

3. PAGBABANTAS – Gumamit ng angkop na mga bantas lalong-lalo na kung ito ay


isinatitik sa papel o limbagan online katulan ng facebook. Hindi lubos na sensitibo ang
Spoken Word Poetry sa mga bantas subalit ang tamang pagbigkas at diksyon maging
ang tono ng boses ay dapat akma sa emosyong pinalilitaw.

4. MAGING MATAPAT – Maging matapat sa lahat ng pagkakataon na nagsusulat tayo ng


tula. Huwag na huwag babahiran ang inyong akda ng kasinungalingan. Maging malinaw
sa kung anong bagay at/o emosyon ang gusto mong iparating sa mga mambabasa at
tagapakinig (Spoken Words Poetry)

5. UMAGAPAY – umagapay sa mga pagbabago at pagiging modern subalit panatilihin ang


magagandang impluwensiya ng mga sinaunang makata.

6. PATULOY NA PAG-UNLAD – magbasa ng mga magagandang tula ng mga kilalang


makata at makinig sa mga ibinulalas na mga tula sa madla o mga limbag online.
Ipagpatuloy ang pagkatuto at pag-unlad bilang mga bagong makata ng panahon.

7. SARILI MUNA – Kilalanin ang iyong sarili, ang iyong estilo, at ang iyong paligid. Ano ba
ang brand mo? Saan ka ba mas kikilalanin. Saan ka nadadalian, sa Free Verse ba o sa
May Sukat?

8. SUMANGGUNI – Huwag matatakot magkamali at kung nanaisin, sumangguni sa mga


higit na nakaaalam.

9. PAG-IISA – isanib ang iyong sarili sa susulating tula maging ang emosyon upang
madama ng lahat ang mensahen nais pong ipahiwatig sa kanila. Ikonsidera ang mga
babasa at makikinig hindi lamang ang iyong sarili dahil baka ang inaakala mong
maganda na sa iyo ay pangit pala o walang katuturan sa iba.

10. INSPIRED DAPAT – Magsulat habang mayaman ka pa sa inspirasyon dahil kung ang
inspirasyon ay naglaho, sinasabi ko sa inyo wala kayong maisusulat na magandang tula.
Maraming paraan sa pagkuha ng inpirasyon, nasa sa iyong sarili kung paalo mo sila
sasalain at isasatitik. Isulat ang mga agarang naiisip na salita o lupon nito dahil kapag
nakalimutan na, mahirap na itong alalahanin pa.

You might also like