You are on page 1of 3

WIKA TUNGO SA KAUNLARAN

Wika ? Ang ating bansa ay nasasakop na ng ibang bansa na kung saan ang

ating wika ay nakakalimutan at isinasantabi lang. Ngunit isa tayong

malayang bansa na kung saan may sariling Watawat, pambansang awit at

ang pambansang wika, ang Filipino.

Wikang Filipino? Saan ito ginagamit?

Lingid sa kaalaman nating lahat na mamanipula na ng wikang Ingles ang

ating bansa. Hindi ba't natatawag na malaya ang isang bansa kung may

sariling wika itong ginagamit? Nawawalan na ng halaga ang wika kung hindi

namn ito ginagamit sa lipunan, pamahalaan, paaralan at sa kung saan pa.

Mas mapapaunlad ang ating wikang Filipino kung tayo mismong mga Pilipino

ang gagawa ng paraan upang mabigyang halaga sa ating bansa. Sa

kalagayan natin ngayon parang wala tayong sariling wika dahil ang iba sa

atin ay namamanipula na ng mga wikang banyaga.

Wikang Filipino ang sentro ng Pilipinas na pinapanggalingan ng lakas para

mapatatag ang ating bansa. Ito ang magpapatatag sa ating mga Pilipino
upqng mabigkis ang bawat Pilipino sa ating bansa. Magiging sandata natin

ito sa pakikipagbalagtasan sa ibang mga Pilipino, pakikipagkomunikasyon at

mga pananaw. Napakahalaga ng wika sa ating kasaysayan at kultura ng

bwat lugar sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng wika malinaw nating

naiipahayag ang ating mga mensahe maging sa panunulat man o maging sa

pagsasalita. Nagsimula ito sa simpleng abakada hanggang sa magtapos ito

sa ating mga propesyon,wika ang tangi nating nagiging gabay at naging

patnubay ng ating mga guro. Sa gitna ng anumang sigalot o isang

kalamidad, away o maging sa digmaan, ang wika ang isa sa pinakamalakas

na sandata. Sa lugar kung saan may mga bangayan o gulo, wika ang

maaring gamitin upang pangpakalma ng sitwasyon at susi na din sa

negosasyon. Lahat ay nadadaan sa mahinahon at mabuting pakikipag usap

ng tama sa wika o salitang ating gagamitin.

Maging sa pinakamataas na lider ng ating lipunan wika rin ang kanyang

ginamit na sandata sa pag-aayos ng tensyon sa iba pang kapwa lider o

maging sa mga tagasunod. Gamit ang ating wika, maaring mapagbuklod-

buklod pa ang mga nagkawatak watak na. At dahil din sa wika ay nalalaman

ng bawat indibidwal kung ano ang pinanggalingan at maari pang tahakin

natin sa hinaharap. Sadyang ang WIKA ay makapangyarihan dahil ito ay

naging instrumento sa pagkakalat , paglilimbag, at paglalahad din ng ibang

mga babasahin. Tulad ng "Pilipino ka, Pilipino ako, sino ang


makakapagsabing siya ay Pilipino rin? Kung kahit na pagsasalita ay walang

nagiging katibayan? Hindi ba't sayang lang ang ating wika, kung hindi

gagamitin dahil maging ang ating mga bayani ang nagtaguyod nito.

Tulad ng pambansang bayani na si Jose Rizal na nagsasabing ang hindi

magmamahal sa sariling wika ay daig pa ang hayop at ang malansang isda.

At kung masasabi mong ikaw ay isang Pilipino dapat gumagamit ng wikang

Filipino na nagbibigay tibay sa pagiging mamamayan na may mabuting puso

at may sa kanyang bansang tinubuan.

You might also like