You are on page 1of 1

welcome to El Pili-gustorismo (a game)

simple lang ang instruksyon, pumili ka ng isang taohan na gusto mong makilala.
ah ok.
swipe -
swipe -
swipe-
hmmm
ahhh swipe-swipe-swipe (accidental click) nooooo
ang pinili mo ay si Hermana Penchang

Naku! naku! naku! Salamat sa Diyos at pinili mo ako.


Unang beses palang ako napili sa larong ito.
Kontrabida daw ako pero hindi mo pa nakikita ang nabuo.
Pinapahirapan ko si Juli, Oo aminado ako,
pero gusto ko lang naman siya matuto dahil sa mundo ito,
walang madali makuha, at yan ang totoo.

Alam mo ba kung bakit ko tinuturuan si Juli mag-dasal ng tama?


Dahil madasalin ako, at gusto kong masalba ang kanyang kaluluwa
Naawa ako sa batang iyan, ang kaluluwa'y baka masunog sa apoy ng walang hanggang.
Naawa ako sapagkat nawawala siya sa landas, siguro binigyan siya ng malubhang
problema
para mapalapit sa Dios, para malapit siya akin. hayyy
Mabuti'y napunta siya sa akin, at ako ang nagtuturo sa kanyang manalangin
Subalit tutubusin na siya ni Basilio, ang demonyong pinipilit
ipahamak ang kaluluwa ni Juli at sinasabi "nagmamahalan kami".
Hay mga bata ngayon, sa tinginan palang ay malagkit.

Ako ang amo ni Juli, ang nagpautang sa kanya upang mapalaya ang ama
Mayaman pero malungkot dahil tumatandang dalagang pilipina
Walang magawa kundi makipag-chismisan sa mga ka-hermana
Kaya patawad at salamat sa iyong pasensya,
sana may natutunan ka sa aking mga pasya.

Salamat at mag-ingat ,
hindi mo na natutuklasan ang lahat!

You might also like