You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
High School Blvd. Brgy. Lourdes, City of San Fernando
MARIANO BARON ELEMENTARY SCHOOL
SITIO CABAYUNG SARUL, SAN ILDEFONSO, MAGALANG, PAMPANGA

Ikaapat na Pagsusulit sa FILIPINO 3


S.Y.2019-2020

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
ito sa sagutang papel.

Makinig nang mabuti sa babasahing seleksiyon ng guro at sagutin ang bilang (#1-3)

1. Sino-sino ang mga mag-aaral sa kuwentong narinig?


A. Ana,Gina,Nony
B. Gina,Nina,Nonas
C. Tina,Nina,Ana
D. Wina,Tina,Mina

2. Ano ang magiging bunga kung makikipagtulungan sa paligsahan ng kalinisan ang


mga tao?
A. Madadagdagan pa ang mga taong maysakit.
B. Magkakaroon ng higit na maraming ospital sa lugar.
C. Lilinis ang paligid at magiging ligtas ang mga tao dito.
D. Lahat ng mga taong naninirahan dito ay magkakasakit.

3. Paano mapapanatili ang kalinisan sa isang lugar?


A. Iwasan ang paglilinis
B. Magtapon ng basura kahit saan.
C. Makiisa at tumulong sa paglilinis dito.
D. Hayaang marumi ang lugar na tinitirhan

Pagpapalusog
Dapat gawin ng lahat ang mapanatiling malusog, masigla at maligaya upang
maiwasan at maligtas lagi sa mga sakit.
Paano ba maging malusog? Dapat kumain na tumpak na uri ng
pagkain.Nagpapalaki ng katawan ang masustansiyang pagkain. Kailangan din natin ng
pamalaging malinis ang katawan.Mabuti para sa lahat ang maligo araw-araw.Mag –
ehersisyo sa labas ng bahay. Sa ehersisyo lumalakas an gating katawan. Kailangan
nating ang pamamahinga. Magsuot ng maginhawan pananamit.Maginhawang
nakakakilos kung maluwag ang damit. Dapat nating sundin ang alituntunin na
kalusugan.

4. Bakit kailangang mapanatiling malusog,masigla at maligaya ang isang ta


A. Upang magkasakit.
B. Upang maging ligtas sa anumang sakit
C. Upang lalong manghina ang pangangatawan
D. Upang madaling mahawa sa ibat-ibang uri ng sakit.

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi maganda sa ating kalusugan?


A. Magpuyat araw-araw
B. Mag-ehersisyo araw-araw
C. Palamalagiing malinis ang katawa
D. Kumain ng masustansiyang pagkain
6. Marami ang magagandang babasahin sa silid –aklatan.Ano ang ibig sabihin ng
silid-aklatan?
A. lugar na kung saan natutulog ang mga mag-aaral
B. lugar na kung saan kumakain ang mga mag-aaral
C. lugar na kung saan pwedeng maglaro ang mga mag-aaral.
D. lugar na kung saan tahimik malayang nakakapili ng mga babasahin ang mga
mag- aaral at nakakapag-aral ng liksyon.

7. Ang panauhing pandangal nila sa kanilang kapistahan ay si Gob.Lilia Pineda. Alin


ang salitang dinaglat sa pangungusap?
A. Gob.
B. kapistahan
C. Lilia Pineda
D. pandangal

8. Ang gatas at ang _________


Pagkaing ________
Ang saging at papaya
Pagkaing pampaganda
A. Itlog-pampalusog
B. gatas-saging-sarI
C. pagkain-pampaganda
D. papaya-gatas

Si Prinsesa Rosalia ay anak na dalaga ni Datu Masipag. Ang kagandahan ni


Prinsesa Rosalia ay napabantog sa kaharian at karatig lalawigan. Marami siyang
tagahanga. Ngunit siya ay mandirigma. Maraming binatang takot lumapit sa kanya.

9. Alin ang angkop na tanong ang magagawa mo tungkol sa talata?


A. Ilang taon si Prinsesa Rosalia?
B. Sino ang anak na dalaga ni Datu Masipag?
C. Ano-ano ang ginagawa ni Prinsesa Rosalia
D. Sino ang kasamang mandirigma ni Prinsesa Rosalia?

10. “Itapon ang mga papel sa basurahan.” Anong salitang kilos ang ginamit sa
pangungusap?
A. basurahan
B. itapon
C. mga
D. papel

11. Anong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang huling pantig ng sa nagamit?
A. naayos
B. nagalit
C. natuwa
D. nawala

12. Ano ang masasabi sa larawan?


A. Tahimik sa palengke.
B. Walang namimili sa palengke.
C. Maraming basura ang tanawin
D. Marami ang nagtitinda sa palengke

13. Dumating ang pinsan mo galing sa probinsya. Sa inyo siya matutulog nang gabing
iyon. Walang ibang matutulugan kung hindi ang kuwarto mo. Ano ang gagawin mo?
A. Pauuwiin ko siya kahit gabi na.
B. Hindi ako papayag na matulog siya sa amin.
C. Isasara ko ang pintuan para hindi siya makapasok.
D. Papayag ako na sa kawarto ko siya matulog na magkatabi.

Magandang Daigdig

Nagbabakasyon si Elena sa kanyang Lolo at Lola na nakatira sa baybay-dagat.


Gustung-gusto niyang maglaro sa baybay dagat.
Isang umaga, habang nakaupo si Elena sa buhangin malapit sa baybay dagat,
nakita niya ang magaganda at maiinam na bagay. Nakita niya mapuputing ulap sa
bughaw na langit. Nakita niya ang malalaking alon na nag-uunahan sa buhanginan.
Nadama niya ang maiinit na hangin. Nakita niya ang mabilog at malaking araw na
sumisikat. Namalas niya ang mga kabibe na may ibat-ibang kulay dagat.
Tumingala si Elena at nagpasalamat sa Diyos dahil sa magandang daigdig

14. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari.


a. Pumunta si Elena sa buhanginan.
b. Nakita niya ang magaganda at maiinam na bagay.
c. Nagbakasyon si Elena sa kanyang lolo at lola sa baybay dagat.
d. Nagpasalamat siya sa Diyos sa kagandahan na nakita niya sa daigdig.
A. a-b-c-d
B. c-a-b-d
C. d-c-b-a
D. b-d-a-c

15. Ano ang salitang kilos na angkop na gamitin para sa larawan?

A. nag-aaway
B. nagluluto
C. nagpupunas ng pinggan
D. sumasayaw

16. Nahirapan ang batang batang bulag sa kanyang sitwasyon.Alin ang salitang- ugat
ng nakasalungguhit na salita?
A. hirap
B. hirapan
C. nahira
D. nahirap

17. Dahan- dahang lumingon ang taong may masamang balak sa taong nasa likuran
niya. Alin ang salitang naglalarawan sa paglingon ng taong may masamang balak?
A. dahan-dahan
B. mahinahon
C. malakas
D. matinis

18. Binabasa nang maayos ni Elna ang kanyang pagsusulit para makakuha ng
mataas na marka. Alin ang pang-abay na ginamit sa pangungusap?
A. binabasa
B. maayos
C. mataas
D. pagsusulit

19. Ang tahimik na pamayanan ay_______ikabubuti ng pamayanan. Alin ang pang-


angkop na dapat gamitin?
A. para kay
B. para sa
C. tungkol kay
D. tungkol sa

20. Iwasan natin ang paggawa ng mga bagay na laban sa batas. Alin ang pang-
angkop na ginamit sa pangungusap?
A. bagay
B. batas
C. laban sa
D. paggawa

Ang Pusa ni Liza

Nagising si Liza isang gabi. May narinig siyang ngiyaw ng pusa sa labas.
“Ngiyaw,ngiyaw,” mahinang ungol ng pusa, na tila ba nasa gipit na kalagayan. Madilim
noon at takot siyang lumabas nang mag-isa.
Matagal nang ibig ni Liza na magkaroon ng alagang pusa, kaya naglakas –loob
siyang lumabas sa dilim, makita lamang iyon. Tuwang –tuwa siya! Iyon ang
pinakamagandang pusang kanyang nakita. Kulay puti iyon.
Mula noon,ang pusang napulot ay naging kalaro at kasama ni Liza.

21. Bakit nagising si Liza isang gabi?


A. dahil ginising siya ng kanyang nanay.
B. dahil gusto niyang ikulong ang pusa.
C. dahil may narinig siyang tahol ng aso.
D. dahil may narinig siyang ngiyaw ng pusa.

22. Paano napunta kay Liza ang pusa?


A. Nagpatulong siya sa kanyang nanay.
B. Binuksaan lamang niya ang pintuan.
C. Naglakas-loob siyang lumabas sa dilim makita lamang ang pusa
D. Natakot siya. Pumasok na mag-isa ang pusa sa kanilang bahay.

23. Ano ang dapat gawin para mapanatiling malinis ang ating kapaligiran?
. A. Iwasan ang paglilinis sa kapaligiran.
B. Magtapon ka rin ng mga basura kahit saan.
C. Pabayaan ang mga matatanda na sila na ang bahala sa paglilinis.
D. Makiisa at makipagtulungan sa mga tao sa paglilinis sa pamayanan.

24. Maaga pa nagwawalis na sa paligid ang ilang babae at bata. Ang mga lalaki ay
naglilinis ng mga kanal. May mga nagtatanim ng mga halaman sa tabi ng bakod sa
bawat bahay. Talagang nagkakaisa ang mga mamamayan sa Barangay Malusak. Ano
ang pangunahing diwa ng talata?
A. Maganda at malinis ang Barangay Malusak
B. Tamad ang mga mamamayan sa Barangay Malusak.
C. Walang pakialam ang bawat mamamayan sa Barangay Malusak.
D. Nagkakaisa at nagtutulungan ang mga mga mamamayan sa Barangay
Malusak.

25. Nagmamadaling umuwi si Ben. Kailangan niyang mapanood sa telebisyon ang


kampeonatong laro ng kanyang paboritong koponan sa basketbol. Nag-abang siya ng
bus. Matagal bago siya nakasakay. Ano ang maaaring wakas ng pangyayari?
A. Bumaba na lang siya sa sasakyan
B. Maghahabol siya ng ibang sasakyan
C. Mapapanood niya ang laro mula sa umpisa.
D. Hindi na niya mapapanood ang kampeonato.
26. Nagbilin ka sa nanay mo na gisingin ka nang maaga para makapagbalik-aral para
sa iyong pagsusulit. Nalimutan ng nanay ang bilin mo kasi napuyat siya sa pag-aalaga
sa bunso mong kapatid. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ka na papasok sa eskwelahan at hindi na kukuha ng pagsusulit.
B. Sisigaw ka nang sisigaw para malaman ni nanay na galit ka sa kanyang ginawa.
C. Manghuhula ka na lang ng sagot sa iyong pagsusulit at hindi na magbabalik-aral.
D. Kikilos ka na lang nang mabilis para makapagbalik-aral ka bago pumasok sa
eskwelahan

Pag-aralan ang grap. Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

27. Gaano karami ang bilang ng mag-aaral sa Ikatlong baitang na ang paboritong
prutas ay saging?
A. 10
B. 30
C. 35
D. 50

28. Anong prutas ang pinakapaborito ng mga mag-aaral sa Ikatlong baitang?


A. dalandan
B. mansanas
C. saging
D. ubas

29. “Ibig po naming manghiram ng aklat.” Anong salitang kilos ang ginamit sa
pangungusap?
A. aklat
B. ibig
C. naming
D. manghiram

Nasa silid ng Ikatlong Baitang si Bb. Reyes. Sinusuri niya ang kalusugan ng
mga bata. Tinurukan niya ang mga yaon ng ineksyon laban sa kolera at disenterya.
Takot sa turok ng ineksyon ang ilan sa mga bata. Nag-iiyakan sila. Pagkatapos na
masuri at maturukan ang lahat ng bata, ang sabi ni Bb.Reyes, ”Ibig kong sumama sa
akin si Yolanda. Bibigyan ko siya ng ilang gamot upang matulungan sa paghinga nang
maluwag. Matindi ang kanyang sipon.”

30. Ano ang maaring wakas ng talata?


A. Higit na titindi ang sipon ni Yolanda.
B. Hindi na makakahinga nang maluwag si Yolanda
C. Gagaling na si Yolanda sa kanyang sipon at makakahinga na siya nang maluwag
D. Liliban na sa klase si Yolanda dahil sa kanyang sipon at hindi paghinga nang
maluwag.
.
31. Matipid na bata si Angelo. Araw-araw nagtitira siya ng pera mula sa baong
ibinibigay sa kanya. Tinitiyak niyang hindi naaaksaya ang kanyang gamit sa paaralan.
Nagpapabili lamang siya ng mga bagay na talagang kailangan niya. Alin ang
pangunahing diwa ng talata?
A. Matipid na bata si Angelo.
B. Matulunging bata si Angelo.
C. Mapagmahal ang batang si Angelo.
D. Mahilig si Angelo sa mga mamahaling bagay
.
32. Mahal ni Noel ang kanyang alagang aso na si Bingo. Minsan nang iyon ay
nakalabas ng kanilang bakuran,hindi na nakabalik si Bingo. Kung saan-saan hinanap
ni Noel si Bingo pero siya ay nabigo. Makalipas ang isang lingo habang nakasakay
siya sa kotse, natawag ang kanyang pansin ng asong tahol nang tahol sa loob ng
kotseng sinusundan nila. Napasigaw sa tuwa. Hinabol nila ang kotse. Ano ang
maaring wakas ng talata?
A. Nasagasaan si Bingo.
B. Hindi binalik si Bingo kay Noel.
C. Nakuha ni Noel si Bingo at nakasama na niyang umuwi ito.
D. Hindi nahabol nina Noel ang kotse na kung nasaan si Bingo.

33.Maraming tahanan ang nawasak. Ang mga pananim maging ang mga hayop ay
naanod ng rumaragasang tubig. Nagkakasakit na ang mga batang kasama ng mga
magulang na pansamantalang nakatira sa mga evacuation center. Malaking pinsala
ang dulot ng bagyo. Ano ang pangunahing diwa ng talata?
A. Magkalimutan tuwing may bagyo.
B. Malaking pinsala ang dulot ng bagyo.
C. Kailangang magtulungan tuwing may bagyo
D. Maraming nag-aaway na mga magkakapitbahay tuwing may bagyo.

34.Isulat nang wasto ang pangungusap.


Si rodrigo R. duterte ay ang kasalukuyang presidente ng Republika ng Pilipinas.

_________________________________________________________________

35. Gumuhit ng isang tatlong parihaba. Sa loob nito gumuhit ng tatlong bituin. Sa loob
ng tatlong bituin isulat ang unang tatlong titik ng pangalan ng iyong guro sa Filipino.
Kulayan mo ng dilaw ang mga bituin.
(Bilang #36-#40)
Ayusin at isulat nang wasto ang mga bahagi ng liham .Gamitin ang
nararapat na bantas na kailangan at malalaking titik.

Lubos na gumagalang,

Nais ko po sanang humingi ng paumanhin sa hindi ko pagpasok


ngayong araw na ito dahil sa sakit ng aking tiyan. Pinagbilinan po kasi ako ng doktor
na kinakailangan ko pong magpahinga upang mapabuti ang aking kalagayan.
Marami pong salamat at sana po ay maintindihan ninyo ang aking kalagayan.
Ipinapangako ko pong ako ay papasok na kapag maaayos na ang aking pakiramdam.

246 sampaguita St.


Apalit,Pampanga
marso,3,2017

Mahal kong Gng. Perez,

Joel

(36)_________________________

(37)

(38)

(39)
(40)
FILIPINO 3

FILIPINO 3- IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT PT 2018-2019

PAKIKINIG (PARA SA Bilang #1,-#3)

Kilusan sa Paglilinis
Tatlong batang babae ang nag-uusap.Mag-aaral sila ni Gng. Santos sa Ikatlong
Baitang. Nakatira sila sa iba’t-ibang sona.
“Sa palagay ko ay mananalo ang aming sona sa paligsahan ng kalinisan,” wika ni
Gina,” mangyari lahat sa amin ay malilinis ang harapan ng mga bahay. Malilinis din
ang loob ng mga bahay.”
“Aba, malinis din ang aming sona,” sabi ni Nona. Bagaman wala pang basurahan
ang ilan sa amin, sinisikap naman naming maging malinis ang aming kapaligiran. Wala
ring makikitang basurang nakakalat sa aming mga daan.”
“Ang buong paligid namin ay hindi lamang malinis kundi maganda pa.” buong
pagmamalaking wika ni Nona.” Lahat kami sa aming sona ay mayroon ding sariling
taniman ng gulay.”

You might also like