You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X – Northern Mindanao
Division of Iligan City

IKAAPAT NA BAITANG
IKA-APAT NA MARKAHANG PASULIT
SY 2019-2020

Pangalan : ________________________________ Iskor: _______________


Baitang at Pangkat : ________________________

Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot sa
bawat bilang.

MUSIKA
1. Sa awiting “Sitsiritsit” anong angkop na galaw sa tempo ng awitin ang maari mong
gawin?
A. Paglakad ng mabilis C. pagmartsa ng mabilis
C. Paglakad ng mabagal D. pagsayaw ng mabilis at mabagal

2. Ang mga awit na ginagamit sa pagpapatulog ng bata ay may tempong _______.


A. Largo B. Presto C. Allegro D. Vivace

3. Sa mga pagdiriwang, karaniwang ipinapatugtog ang mabilis na mga awiting sasabayan


sa pag-indak ng mga mananayaw. Anong uri ng tempo mayroon ang mga musikang
ipapatugtog?
A. Largo B. Presto C. Lento D. Adagio

4. Alin sa sumusunod na awitin ang may tempong presto?


A. Lupang Hinirang C. Ako ay Pilipino
B. Kalesa D. Akong Manok

5. Magiging makapal ang tekstura ng tunog sa isang awitin kapag _______.


A. isa lang ang umawit C. isa lang ang sumayaw
B. marami ang umawit D. marami ang sumayaw

6.Sa paanong paraan natutukoy ang ostinato?


A. sa pakikinig C. sa pakikinig at pagbabasa
B. sa pagbabasa D. wala sa nabanggit

7. Aling ostinato sa ibaba ang angkop sa dalawahang kumpas 2?


4
A. B. C. D.
8. Ang awiting “”Manang Biday” , paano ilalarawan ang pattern nito?

A. Four-part vocal C. Two-part vocal


B. Three-part vocal D. Unison

9. Sa dalawang himig ng isang awitin, alin ang soprano?


A. lalaking boses na mababa
B. lalaking boses na matinis
C. babaeng boses na matinis
D. babaeng boses na mababa
10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng harmonic interval na thirds?

A. B. C. D.

SINING

11. Saang bansa pinangalanan ang prosesong tie-dying?


A. Estados Unidos B. Japan C. Indonesia D. Malaysia

12. Ano ang pangunahing hakbang sa tie dying?


A. pagtatali ng tela C. pagpapatuyo ng tela
B. paglubog sa solusyon D. paglalagay ng kulay

13. Ang ___________ sa paglalala ng banig ay may kumbinasyon ng mga linyang pahilis,
pahiga at patayo.
A. Disenyong pa-zigzag C. Disenyong stripes
B. Disenyong parisukat D. Disenyong checkered

14. Sa Samal ng Sulu, anong disenyo ang sumisimbolo sa alon ng dagat?


A. Checkered B. Parisukat C. Pa-zigzag D. Stripes

15. Saang lugar dito sa Pilipinas pinakatanyag ang may magagandang disenyo na banig na
yari sa buri?
A. Romblon B. Basey C. Tawi-tawi D. Iloilo

16. Sa paglalala, anong prinsipyo ng sining ang makikita?


A. Paulit-ulit C. Pasalit-salit
B. Parayos-rayos D. Paekis-ekis

17. Ang iyong guro ay magpapagawa ng banig. Anong pamamaraan ang dapat mong gawin?
A. Pagkuskos B. Paglilok C. Paglilimbag D. Paglalala

18. Paano lilitaw ang magandang disenyo sa paglalala?


A. Gamitin ang makulay na tela.
B. Gamitin ang itim na kulay.
C. Gamitin ang malamlam na kulay.
D. Gamitin ang matingkad at malamlam na kulay.

19. Sa pagsasagawa ng anumang likhang-sining, ano ang hindi dapat gawin?


A. Sumusnod sa mga hakbang
B. Ipagawa sa kaklase
C. Maging malikhain
D. Gumawa sa gabay ng guro

20. Sa inyong mga natutunan at natuklasan sa mga pamanang sining ng mga pangkat-etniko,
bilang isang mag-aaral, ano ang dapat gawin upang mapanatili ang halaga ng mga ito?
A. Tangkilikin B. Ikahiya C. Kalimutan D. Itapon

EDUKASYONG PAMPALAKAS

21. Ang pagsunod sa Filipino Physical Activity Pyramid Guide ay tumutulong upang __.
A. mapanatili ang kasiglahan at kalakasan ng inyong katawan
B. mabigyan ng aliw ang sarili
C. mapaunlad ang kakayahan sa pag-awit
D. magiging sikat sa paaralan
22. Alin sa mga sumusunod ang mga sangkap ng skill-related fitness na bubuo sa wastong
pagtupad ng kalusugang dapat matamo ng bawat isa.
A. Speed, Timing, Consistency at power
B. Agility, Balance, Coordination, power, speed at reaction time
C. Elasticity, Sharpness, balance, mastery at speed
D. Coordination, Timing, Balance at consistency

23. Ilang beses ginagawa sa isang taon ang kaangkupang pisikal o physical fitness test?
A. isa B. dalawa C. tatlo D. apat

24. Ang sayaw na Ba-Ingles ay isang sayaw na dala-dala ng mga mangangalakal galing sa
___________.
A. Amerika B. Hapon C. Espanya D. Ilocos Sur

25. Sa sayaw na Ba-Ingles, ang unang posisyon ng paa ay __________.


A. Lumakad ng may kapareha C. tumayong magkadikit ang mga paa
B. Lumakad ng paikot sa kanan D. lumakad pasulong

26. Mahalaga ang ___________ ng mga kamay at mga paa sa pagsayaw upang maisaulo
ang sayaw.
A. kontaminasyon B. Kontento C. kontradiksyon D. Koordinasyon

27. Bakit kailangang ipangpatuloy ang paglinang ng inyong kakayahan sa mga physical
fitness components?
A. upang dalawin ka ng iyong antok
B. para sa pagpapanatiling mataba ng katawan
C. upang mapanatili ang kasiglahan at kalakasan ng katawan
D. para palaging masaya at magkaroon ng maraming kaibigan

28. Paano mo ipapakita ang pagiging masaya at pagkakaroon ng respeto sa kaklase habang
isinasagawa ang ibat-ibang physical activities?
A. makikipag kumpetensya sa iyong kaklase
B. pagtatawanan ang kaklase kapag nakitang di nakayanan ang ginagawa
C. pagkakaroon ng focus sa pagsasagawa ng ibat-ibang physical activities
D. pagsasagawa ng physical activity na hindi naaayon sa gusto

29. Ang balance ay mahalagang sangkap ng kaangkupang pisikal (physical fitness) upang
_______.
A. lubos na makagawa ng gawain nang mahusay
B. makalakad ng maayos
C. magiging magaan ang lahat ng mga gawain
D. mapanatiling malusog ang katawan

30. Ang layunin ng pre-test ay maitala ang kasalukuyang estado, samantalang ang post-test
ay tutukoy kung may pagbabago sa antas ng _______________ng isang tao.
A. Physical Fitness C. Exercise
B. Physical Education D. Lahat ng sagot

KALUSUGAN

31. Alin sa mga sumusunod ang isinagawa sa paaralan upang maiwasan ang anumang
sakuna kung may lindol?
A. Fun run B. Athletic Meet C. Earthquake Drill D. Program

32. Sina Mang Rico ay nakatira malapit sa Bulkang Mayon. Ano ang dapat niyang gawin?
A. mamasyal sa mall C. makiki-party sa kapitbahay
B. gumawa ng malaking bahay D. Alamin ang ligtas na lugar para sa paglikas

33. Alin sa mga sumusunod ang laman ng iyong ihahandang “Emergency Kit”?
A. lipstick, pulbo, pabango, eyeliner
B. gamot, flashlight, pagkain, tubig
C. pocketbook, laruan, lapis, papel
D. martilyo, pako, walis, dustpan

34. Ang bagyo ay nasa Signal No.1. Anong antas ng mga mag-aaral ang otomatikong walang
pasok?
A. Pre-school C. Mataas na Paaralan
B. Kolehiyo D. Mababang Paaralan

35. May naamoy kang tagas ng gasul sa loob ng bahay. Ano ang HINDI mo dapat gawin?
A. Buksan ang bintana ng bahay
B. Tawagin ang nanay
C. Takpan ng basahan ang gasul
D. Sindihan ang kalan

36. Napansin mong lasing ang nagmamaneho ng jeep na iyong sinasakyan. Ano ang
gagawin mo?
A. agawin ang manibela C. awayin ang nagmamaneho
B. bababa ng sasakyan D. sigawan lahat ng pasahero

37. Aksidenteng naputukan ng firecracker ang kamay ng iyong nakababatang kapatid. Anong
paunang lunas ang dapat mong gawin?
A. hugasan ng malinis na tubig at sabon ang bahaging naputukan
B. balutin ng plastic ang kamay
C. hayaan lamang ito
D. takpan ang bahaging naputukan ng papel

38. May nakasalubong kang lasing na may dalang patalim habang pauwi ka sa inyong bahay.
Ano ang maaari mong gawin upang makaiwas sa sakunang posibleng mangyari?
A. makipagselfie sa kanya
B. hayaan munang dadaan ang lasing bago tutuloy sa paglakad pauwi
C. makikipagbiruan sa lasing kapag nakasalubong ito
D. tatanungin kung bakit sya naglalasing

39. Alin sa mga sumusunod ang ligtas gamitin sa paggawa ng ingay sa bagong taon?
A. kawayang kanyon C. malaking torotot
B. maliit na baril D. martilyo

40. Ang pag-inom ng alak ay nakakasama sa ating kalusugan lalo na sa mga kabataan. Ano
ang maaring pampalit sa inuming nakalalasing sa isang pagdiriwang?
A. malamig na juice C. malamig na softdrink
B. malamig na beer D. katas ng bulaklak

You might also like