You are on page 1of 8

“Pangangalaga sa Katutubong Wika, Pangangalaga sa Pilipino”

Directors: XII-RIGEL
Engeline Rollon
Joana Sallave
Script Writers:
Salwa Ampuan
Shaine Magnaye
Musical Director:
Michelle Roma
CHARACTERS:
Aaron Paul Novelero bilang Crisanto Monte Carlos
Lesley Ann Faye Borja bilang Pina
Aldrich Mendoza bilang Leandro
Danna Marie Alvarez bilang Amor
Janna Patricia Sena bilang Minda
Alyssa Acosta bilang Elena
Jhaycelle Agpalza bilang Dolor
Thristan Lobendino bilang Isko
Yohanna Lopez bilang Esmeralda
Kriza Wella Aquino bilang Amihan
Cristine Joy Reyes bilang Hiraya
Hanna Villanueva bilang Extra
Angel Diane Del Mundo bilang Estudyante
Rhoe Ann Davila bilang Estudyante
Aravela Rollo bilang Extra
Claristine Lozada bilang Extra
Chin ChinAnciado bilang Estudyante
Desserie Joy Ramos bilang Estudyante
Lyka Digno bilang Diego
Rochelle Morales bilang Leonora
Sebastien James Camposagrado bilang Calixtro
Chantrisse Luna bilang Extra
Samuel Villaluz bilang Kawal
Arc James Creer bilang Kawal
Jhema Rose San Mateo bilang Tauhan ni Leandro
Carla Jane Agbayani bilang Estudyante
Princess Perena bilang Estudyante
Jonna Almoradie bilang Extra
Angeline Camartin bilang Extra
Mickaella Vergara bilang Extra
Michaella Galino bilang Estudyante
Michelle Lovete bilang Extra
Jelah Silmete bilang Extra
Alliyah Pearl Villanueva bilang Extra
Creative Team: Lennox Camporedondo
Charlotte Chavez
JonnalynLiberato
Katherine Endico
Sheila De Castro
Isabela Marie Gutierrez
Cheryl Dug-a
Mariel Rodriguez
AllaisaRosano
Arabela Regal
SCENE I: SilidAralan
Crisanto: “La libertad no es más que una oportunidad de ser mejor” Sino sainyo ang
makakapagsalin nito sa wikang tagalog?
Amihan: Propesor, ang kasabihang ito ay nagmula kay Rafael Alvaro tao na ang ang
ibig sabihin ay ang kalayaan ay isang pagkakataon upang mas umunlad ang isang
bagay o tao, maging ang isang bansa.
Crisanto: Genial! Alam nyo ba na si Rafael Alvaro ay isa ring espanyol na mahilig
magsulat tungkol sa kalayaan at kung paano maging matagumpay laban sa
mananakop?
Hiraya: Kung ang nais iparating ng manunulat ay tungkol sa kalayaan, ano naman ang
dahilan? Para saan? Hindi ba’t sila ang nananakop sa atin?
Crisanto: Sshh (Hihina ang boses) Makinig kayong lahat, ang manunulat na ito ang
mismong tutol sa pananakop ng mga espanyol sa atin. Nais niyang iparating na tayong
mga nasasakop ay dapat lang na gumawa ng aksyon.
Esmeralda: Alam po ba ito ng mga taga espanya?
Crisanto: Magandang tanong, Esmeralda. Ang librong ito ay sumikat noong taong 1882
ngunit kalaunan nang madiskubre ng pamahalaan ng espanya ang tunay na layunin ng
manunulat, agad siyang pinaslang.
MgaEstudyante: (Bulungan)
Crisanto: Kaya naman, magmula ngayon ay nais kong-
Kawal I: (Papasok sa eksena) Crisanto Monte Carlos! Ikaw ay inaaresto sa salang
pagtatangka ng rebelyon!
Kawal II & III: (Hahawakan sa bisig)
Kawal I: Anuman ang iyong sabihin ay maaring gamitin laban sayo.
Amihan: Propesor –
(Isarado kurtina)
SCENE II: Kulungan
MgaKawal: (Patulak na ipapasok sa selda si Crisanto)
Crisanto: Sandali lamang, wala kayong karapatang gawin ito! Wala kayong ebidensya!
Kawal I: Manahimik ka!
MgaKawal: (Pupwesto sa gilid ng kulungan ni Crisanto)
Pina: (Nagmamadaling lumapit sa selda ni Crisanto) Crisanto! Mahal ko! Ano ang
nangyari?
Crisanto: (Lalapit sa rehas) Mahal, delikado rito, napupuno ang lugar na ito ng
masasamang tao, paano mo nalaman na ako’y narito?
Pina: Agad na sinabi sa akin ng isa sa iyong mga estudyante na si Amihan. Ikaw raw ay
dinakip ng mga kawal kaya nama’y dali-dali akong nagpunta rito.
Crisanto: Ipagpatawad mo, mahal.
Pina &Crisanto: [ Musical ]
Pina: (Hawakan ang kamay ni Crisanto) ‘Wag kang mag-alala, mahal ko. Gagawa ako
ng paraan, gagamitin ko lahat ng koneksyon ni ama upang ika’y makalaya.

SCENE III: Bahay ni Crisanto


Crisanto: (Papasok sa bahay) (Pagod) Ang isang linggo kong pamamalagi sa selda ay
isang masalimuot na karanasan, walang pilipino ang dapat ikulong dahil lamang sa
kagustuhang magpalaganap ng wika. Kailangan kong gumawa ng aksyon na
magmumulat sa mata ng mga pilipino. (Uupo sa upuan at magsusulat) (Lilipas ang mga
araw)
Crisanto: (Buntong hininga) Sa wakas!! Ito na ang libro na magsisilbing sandata ng
mga pilipino. Ito ang gagamitin naming panlaban sa mapang-aping mga espanyol.
Crisanto: Ang storyang ito ay naglalaman ng krimen at ng mga maduduming gawain ng
mga espanyol. Hindi gaya ni Rafael Alvaro, wikang filipino ang ginamit ko upang Pilipino
lamang rin ang makaiintindi. Ngayon, kailangan ko na lamang ikalat ang librong ‘to.

SCENE IV: Sa Bayan


Elena: Isa itong kataksilan! Hindi mo ba alam na maaari tayong makulong sa nais mo?
Crisanto: Ngunit eto na lamang ang naiisip kong paraan upang makalaya tayo sa
kamay ng espanyol.
Isko: Tama si Crisanto, Elena. Ang bayan na ito ay sa atin at hangga’t hawak nila tayo
sa leeg, mauubos tayo. Papayag na lang ba tayo sa ganitong sitwasyon?
Dolor: Ngunit hindi sapat na tayo lamang ang lalaban, kinakailangan natin ng mas
malakas na pwersa.
Elena: Basta’t inyong tandaan na kapag tayo ay hindi nagtagumpay, tiyak na walang
awa nila tayong papaslangin.
Isko: Kaya nga’t hihingi tayo ng tulong.
Dolor: Kanino?
Crisanto: Sa pamilya ni Pina.
Isko: Ang maganda pa sa librong ito ay nakasulat ito sa iba’t ibang dayalekto ng
pilipino. Kaya’t nakasisigurong tayo lamang ang makakaintindi nito.
Crisanto: Nais ko kasing ipakita na kaya natin makamit ang kalayaan gamit ang sarili
nating wika, na kalian may hindi nila makukuha.
Elena: Kung ganon, nakatitiyak ka bang mataas ang porsyento na magwawagitayo sa
planong ito?
Crisanto: Walang kasiguraduhan ngunit kailangan nating subukan kung hindi habang
buhay na lamang tayo sa kanilang pamumuno.
Isko: Para sa kalayaan!
Lahat: Para sa kalayaan!

Scene V: Kinabukasan sa Bayan


Mamamayan: (Binabasa ang libro, may nag-uusap tungkol sa libro ni Crisanto)
(May isang tao namimigay ng libro hanggang sa naibigay niya sa tauhan ni
Leandro)
Leandro: Tungkol naman saan ang librong ito? (Binasa ng tauhan niya ang kaunti sa
libro)
Diego: Mukhang ang librong ito ay patungkol sa pagrerebelde.
Leandro: Pagrerebelde? Anong ibig mong sabihin?
Crisanto: (Makikitang hawak ni Leandro ang kanyang libro)
Diego: Nais nilang kumawala sa kamay ng mga espanyol, mukhang nagpaplano sila ng
gulo.
Leandro: (Titingnan ang libro) Crisanto Monte Carlos? (Lalapit kay Crisanto) Anong
kahangalan ang pinaggagagawa mo?
Crisanto: Hindi kahangalan ang maghangad ng kalayaan, Leandro.
Leandro: Ngunit isang kahangalan ang magtangkang sumuway sa batas gayong alam
mo naming hindi ka mananalo. Para ka na ring humukay ng sarili mong libingan.
Crisanto: Kung ‘yon ang dapat kong gawin, bakit hindi?
Leandro: Tingnan natin kung saan ka dadalhin ng katapangan mo, Crisanto.
Crisanto: Wikang Pilipino ang pinakamatibay
Hindi ka ba nahihiya, medyo makupal
Na ang iyong mukha
Bakit ka ba lagging kasali?
Wikang espanyol, senyor. Di magtatagal

Dahil ito na ang araw, para sa bansang sinilangan,


Wikang Filipino ang lalaganap, kaibigan.
Pagmamahal sa wika, nag aalab na puso.
Noli Me Tangere, El Filibusterismo

Leandro: Oh, senyor ika’y napapraning,


Espanyol na ang bagong wikang darating
Kayong mga pilipino’y luluhod sa amin,
Lalamunin ng sistema
Espanyol pa rin
Kabulok ang nangangamoy ng inyong wikang pinoy
Kakainin mo lamang ang mga kataga mo, oy.

Scene VI: Bayan


Leandro: Kay Ganda ng sikat ng araw. Ngunit parang matatapos ito ng may lungkot.
(Titingin kay Crisanto) (Lalapit kay Crisanto) Buenos dias señor.
Crisanto: Magandang araw din Ginoong Leandro.
Leandro: Anong masasabi mo sa araw na ito?
Crisanto: Normal lamang para sa akin ang araw na ito.
Leandro: Kung ganon ay nagkakamali ka.
Crisanto: Ano ang ibig mong sabihin?
Leandro: Bakit hindi mo muna pagmasdan ang San Agustin. Tignan mo kung gaano
kapayapa ang mga mamamayan. Kung paano mo sinubukang sirain ang payapa nilang
buhay.
Crisanto: Saan patungo ang usapan natin Ginoong Leandro?
Leandro: (Lalapitan, hahawakan sa balikat) Wala naman, Ang isang tulad mo ay
nakakapanghinayang. May angkin kang talino, ngunit hindi mo ginagamit ng maayos
Crisanto: Hindi ko nagugustuhan ang tono ng iyong pananalita Ginoo.
Leandro: (Matatawa) (Tatalikod) Ang isang hamak na propesor at manunulat ay hindi
kailanman mananalo sa mga espanyol gamit lamang ang inyong wika.
Crisanto: At ang nais mong sabihin ay?!
Leandro: (Haharap) Ang ibig kong sabihin ay walang halaga ang iyong isinulat na libro
kung wala na ang sumulat nito. (Kukunin ang papel sa tauhan) Condenémuerte a
muerte Crisanto Monte Carlos.
Crisanto: (Magugulat)
Leandro: (Pasigaw) Mga mamamayan ng San Agustin. Si Ginoong Crisanto ay
nagkasala, nais niyang bumuo ng rebelyon laban sa Espanya. Isa itong kahangalan
kung kaya’t hinatulan siya ng punong gobernador ng kamatayan.
Mgamamamayan: (Magugulat, Magbubulungan)
Crisanto: (Pasigaw) dahil ang pinaglalaban ko ay para sa ating bayan. Ang mga
espanyol ang dahilan kung bakit hindi umuunlad ang ating bansa. Nananatili tayong
alipin sa kanila, kung hindi tayo ang lalaban sino? Sino ang lalaban sa atin? (Lilingon sa
mga tao)
Leandro: (Maglalabas ng baril) (Pagalit na sisigaw at itututok ang baril kay Crisanto) Isa
kang hangal. Marapat lamang na ikaw ay paslangin. Hindi wika mo at libro ang gagapi
sa mga espanyol. Isa ka lamang hamak na propesor!
Crisanto: Handa akong mamatay ng lumalaban para sa aming bayan, Leandro! Hindi
gaya mo ang magpapatigil sa akin.
Leandro: At hindi rin ikaw ang sisira sa reputasyong itinaguyod ng mga espanyol.
(Ipuputok ang baril kay Crisanto)
Mgamamamayan: (Mapapasigaw)
Pina: (Papasok sa eksena) (Pilit makikisiksik sa mga tao) Tumabi kayo jan! Paraanin
niyo ko! (Makikita si Crisanto)
Pina: Crisanto!!! (Mapapaluhod at ilalagay ang ulo ni Crisanto sa kanyang bisig)
Crisanto, mahal! Hindi pwede, gumising ka!
Leandro: (Tatalikod)
Pina: Mahal ako’y iniwan mo, bukas wala sa piling ko
Pangarap mo’y tutuparin, patungo sa kalayaan ko

Mgamamamayan: Lupang tinatapakan mo, bakas na nilakaran ko


Dusang binabalikat mo ay ang siyang binuhat ko

Di uusad kung lakad ay paatras


Nakakandado ang dapat na bukas
Bumangon, at nang maunawaan mo
Kung ano ang siyang ipinaglaban ko
Di uusad kung lakad ay paatras
Nakakandado ang dapat na bukas
Bumangon, panindigan mo ang tugon
Dahil 'di pa tapos ang rebolusyon!
Pina: (Sisigaw)
[Close Curtain]

Scene VII: Kwarto ni Crisanto


Crisanto: (Magigising)

You might also like