You are on page 1of 2

ALCANTARA, Nicole Anne G.

GERIZAL A55
Ang unang akda ay isinulat ni Jose Burgos noong panahon ng mga Kastila na kung saan hindi
nabibigyan ng pantay na karapatan at kapangyarihan ang mga Pilipino at Kastilang prayle.
Nagmimistulang inaapi o mababa ang tingin sa mga Pilipinong naghahangad na maging bahagi
ng simbahang Katoliko. Sinasabi rin rito na kung tuluyang tatanggalin ang sektor na ito, mas
malaki ang pagkakataon na mas lalong mawalan ng boses ang mga Pilipino, maging abuso ang
mga Kastilang prayle sa kanilang kapangyarihan at tuluyang mawalan ng boses ang mga Pilipino
sa kung ano mag isyu ang lumitaw.
Ang ikalawang akda ay isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal nang malaman
niyang ginagamit ang kanyang pangalan, habang siya’y nasa Espanya, sa pagpaplano ng
rebulusyon sa Pilipinas. Sinasabi niya rito na siya ay nadidismaya sa paggamit ng kanyang
pangalan dahil hindi isang madugong labanan ang kaniyang hinahangad kung hindi ang isang
mapayapang rebulusyon sa pamamagitan ng edukasyon. Hindi sa ayaw niyang kumawala sa
mahigpit na gapos ng mga Kastila kung hindi, nais niyang maging edukado ang mga Pilipino at
kanya-kanya nilang mapagtanto na sumusobra na ang opresyon na nangyayari.
Ang ikatlo ay isang tulang isinulat ni Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan, na pinamagatang
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa. Ito ay isinapubliko sa pamamagitan ng Kalayaan, na naglalayuning
manghikayat ng mga Pilipino upang makiisa sa pakikipaglaban upang makamit ang kalayaan ng
inang bayan. Sinasabi rito na kahit hanggang sa huling patak ng kanilang dugo’y dapat pa rin
silang lumaban dahil kung ito man ang kanilang kapalit upang makamit ang tunay na kalayaan,
maaaring ito nga ang kanilang kapalaran at aniya’y “tunay na langit”.
At ang huling akda ay mula kay Emilio Aguinaldo, ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas.
Sinabi niya ang mga ito sa isang interbyu na nangyari sa Kalumpit pagbalik niya galling sa
kanyang pagkakatakas. Pinupunto niya rito na naiintindihan niya ang hinaing at ang layunin ng
Katipunan ngunit naniniwala siyang msyadong malaki ang utang na loob ng Pilipinas sa Espanya
kung kaya’t malabong mangyari ang kanilang hinahangad. Sa kadahilanang ito, inutos niyang
paslangin ang ama ng Katipunan na nagresulta sa pagkabuwag ng KKK.
Ang pagkakapareha ng mga dokumento ay sa aspetong lahat sila’y pinupunto ang kalayaan ng
Pilipinas mula sa mga kamay ng mga Kastila ngunit iba-iba sila ng konteksto. Tinatalakay ni
Burgos ang relihiyosong sektor, si Rizal naman ay maaaring makamit ang kalayaan sa paraang
hindi kinakailangang isugal ang buhay ng libo-libo, si Bonifacio naman ay nanghihikayat ng mga
Pilipino na makiisa sa isang madugong labanan upang makamit ang inaasam at si Aguinaldo
naman ay nagsasabing malayong mangyari ang hinahangad ng Katipunan.
Ang mga napulot kong aral mula sa apat na dokumento ay nagkaroon sila ng iba’t ibang naisip
na paraan upang makamit ang inaasam na kalayaan at pagkakapantay-pantay. Ang relihiyosong
sektor ay nais magkaroon ng reporma at pantay na tingin maging Pilipino ka man o Kastila. SI
Rizal naman ay patungo sa paraang edukasyon ang maaaring maging solusyon at ang tuwid na
daan upang makamit ang tunay na kalayaan at hindi kailangang mamatay ng kapwa Pilipino. Si
Bonifacio naman ay kabaliktaran ng pinaniniwalaan ni Rizal kung saan naniniwala siyang kung
hindi madaan sa maayos na pakikipag-usap ang mga Kastila, wala nang ibang daan upang
makamit ang matagal nang inaasam kung hindi ang sapilitang pagpapaalis sa kanilang ginawang
trono ang mga Kastila. At si Aguinaldo naman ay nagmistulang naging alipin ng mga Kastila.
Nakakadismayang isipin na ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas ay nagmimistulang walang
tiwala o walang balak na kumawala sa kamay ng mga kolonisador. Sa lahat ng ito, natutunan
kong dapat tayong magkaroon ng malakas na paniniwala’t pagmamahal sa Inang Bayan, dapat
ring hindi natin hayaan na basta basta na lamang tayong inaapi ng kung sino mang bansa. Dapat
tayong tumayo sa sarili nating mga paa at patunayan sa ibang mga bansa na walang ibang
pwedeng panakop at alipustahin tayong mga Pilipino dahil tayo ay isang matatag na bansang
binubuo ng mga taong lubos-lubos ang pagmamahal para sa bayan.

You might also like