You are on page 1of 1

Muerte por la Libertad

Naisipan kong pamagatan itong Muerte por la Libertad o nangangahulugang Kamatayan para sa
Kalayaan dahil sa aklat na ito’y si Basilio ay mamamatay na tulad ni Dr. Jose Rizal dahil sa paggawa ng
isang (kanta/palabas/aklat o libro) na naging susi upang maging malaya ang mga Pilipino sa kamay ng
mga Kastila.

Tas kaya ko naisipan tong pamagatan ng Muerte por la Libertad na kung isasalin sa Tagalog ay
nangangahulugang Kamatayan para sa Kalayaan. Dahil sa aklat na ito’y si Basilio ay mamamatay na tulad
ni Dr. Jose Rizal dahil sa paggawa ng isang (kanta/palabas/aklat o libro) na naging susi upang maging
malaya ang mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.

Buod ng kwento

Sa ikatlong aklat ni Rizal, maaring mangyari ay si Basilio naman ang maging pangunahing tauhan dahil
nga ang mga Kastila ang dahilan ng kasawian ng kanyang mga mahal sa buhay. Naisipan ni Basilio na
gumawa ng isang (kanta/palabas/aklat o libro) na tutulong sa mga Pilipino upang magising ang diwa ukol
sa mga kaapihang ginagawa ng mga Kastila sa ating mga kababayan at sa ating bansa. Kasama ang iba
pang mga estudyante na tutulong sa kanya upang matupad ang kaniyang layunin na maging malaya ang
mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.

Pagkatapos ni Basilio maggawa ang (kanta/palabas/aklat o libro) ay mabilis itong sumikat, unti-unting
nabigyang linaw ang mga Pilipino ukol sa nais iparating ng (kanta/palabas/aklat o libro) na iyon. Kung
kaya’t natuto ang mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Agad naman itong nakarating
sa mga Espanyol kung kaya’t si Basilio ay nahatulan ng kamatayan.

Dahil sa pagkamatay ni Basilio, lalong naging matatag ang mga Pilipino, nagtulong-tulong silang lahat at
nagplano ng paghihimagsik. Dahil sa kanilang pagkakaisa ay naging matagumpay ang kanilang
paghihimagsik, unti-unti nilang napaalis ang mga Espanyol dito sa bansa. Kung kaya’t nagtatag sila ng
bagong pamahalaan kung saan ang mamumuno ay isa nang Pilipino, sa pamamagitan ng botohan ay
nahalal si Isagani bilang pangulo ng bansa. At matapos nun ay naging payapa’t maayos na ang sistema ng
bansa.

You might also like