You are on page 1of 5

1. nagdulot ng malaking baha ang magdamag na ulan.

2. Lumutang sa tubig baha ang mga plastic at iba pang basura.


3. Ang mga kabahayan ay nalubog sa tubig ulan.
4. Ang mga sasakyan ay naiwan sa lansangan.
5. Itinutulak ng mga tao ang mga tumirik na sasakyan upang hindi makaabala sa ` lansangan.
6. Isinansakay sa bangka ang mga pangunahaing kakailanganin ng mga tao.
7. Isinasakay ang mga taong nalubong sa tubig-baha ang kanilang mga tahanan.
8. Ang pamahalaang-bayan ay maghahanap ng lugar na pagdadalhan sa mga tao.
9. Maghahandog ng tulong ang Red Cross.
10. Ang iba’t ibang organisasyon ay mangangalap ng pondo upang makatulong sa mga biktima

Iwasto mo ang iyong mga sagot. Ganito ba ang sagot?


Pandiwa                  Aspekto
1. nagdulot - pangnagdaan
2. lumutang - pangnagdaan
3. nalubog - pangnagdaan
4. naiwan - pangnagdaan
5. itinutulak - pangkasalukuyan
6. isinasakay - pangkasalukuyan
7. pagdadalhan - panghinaharap
8. maghahanap - panghinaharap
9. maghahandog - panghinaharap
10. mangangalap – panghinaharap

asahin mong muli ang mga pangungusap na hango sa usapan. Pansinin ang mga pandiwang ginamit at
ang aspekto ng mga ito.
 
1. “Nabalitaan mo ba na ibinalik na ng DENR ang pagtotroso sa ibang lugar sa bansa?
2. “Nabasa ko nga sa isang kolum sa pahayagan.”
3. “Libu-libong ektarya na naman ng kagubatan ang makakalbo.”
4. “Hindi ba nila nauunawaan na kapag ang mga puno sa kabundukan ay naputol, wala nang pipigil sa
tubig na aagos mula sa mga kabundukan tuwing uulan.”
5. Aagos ang tubig sa mababang lugar sa kapatagan at tiyak na babaha.

Ganito ba ang iyong sagot?


Pandiwa  -  Aspekto
nabalitaan -  pangnagdaan
ibinalik - pangnagdaan
nabasa - pangnagdaan
makakalbo - panghinaharap
nauunawaan -  pangnagdaan
naputol - pangnagdaan
pipigil - panghinaharap
aagos - panghinaharap
uulan - panghinaharap
magtutungo -  panghinaharap

Panuto:

 Tukuyin ang aspekto ng pandiwa na may salungguhit. Isulat sa patlang ang titik

 B

, o

 C

 kung saan:

 = Aspektong Pangnagdaan/Naganap/Perpektibo;

 = Aspektong Pangkasalukuyan/Nagaganap/Imperpektibo; at

 = Aspektong Panghinaharap/Magaganap/Kontemplatibo.1. Ang mga magsasaka ay nagtatanim ng


palay.2. Hiniram ni Emily ang aklat ko.3. Maglalaro kami ng

  chess 

 mamayang hapon.4. Iinom ako ng gamot para gumaling ako.5. Si Ate Minda ang naglinis ng
kusina.6. Hinahatid kami ni Kuya Ronnie sa paaralan tuwing may pasok.7. Ang mga bata ay nanonood ng

  Ben 10 

 sa telebisyon.8. Sino ang sumagot ng telepono?9. May naisip ka na bang plano?10. Tahimik na


nagbabasa ang mga mag-aaral.11. Sinulat ko sa papel ang mga dapat mong gawin.12. Si Tita Bea ang
gumawa ng keyk na ito.13. Kakain pa ba kayo ng keyk?14. Si Helen ang nag-aalaga sa pusang iyan.15.
Marami kaming lumang gamit na ibebenta sa

  garage sale 

.16. Gagamit ako ang diksiyonaryo para malaman ko ang kahulugan ng salitang iyon.17. Umiiyak ang
bata dahil nadapa siya.18. Napansin mo ba ang takdang-aralin na nakasulat sa pisara?19. Umupo ka
muna dahil nagbibihis pa si Eva.20. Yayakapin ko nang mahigpit si Nanay pag-uwi ko
Ang Pang-Ugnay at Halimbawa nito

BY BALOYDI LLOYDI , AT 10/10/2011 06:33:00 PM , HAS 19 COMMENTS

Pang-ugnay- Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa


pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

Mga Pang-ugnay (Connectives)

a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay

b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan

c. Pang-ukol ( preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita

May tatlong pang-ugnay sa Wikang Filipino. Ito ay ang mga sumusunod:

1.       Pang-angkop – ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa  at salitang tinuturingan. Ito ay
nagpapaganap lamang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-angkop.

a.       Ang pang-angkop na – na ay ginagamit kapag a ng unang salita ay natatapos s katinig maliban sa n.


Hindi ito isinusulat ng nakadkit sa unang salita. Inihihwalay ito. Nagigitnaan ito ng salita ng panuring.

b.      Ang pang-angkop ng –ng ay ginagamit kung ang unang salita at nagtatapos sa mga patinig.
Ikinakabit ito sa unang salita.

Kapag ang unang salita naman ay nagtatapossa n tinatanggal o kinakaltas ang n at ikinakabit ang –ng

2.       Pang-ukol – ito ay isang uri ng pang-ugnay na nagsasaad ng kuagnayan ng pangngalan o panghalip


sa ibang salita sa pangungusap.

Halimbawa:

Para sa, ukol sa, laban sa, alinsunod sa, labag sa, ayon sa, para kay/kina, ukol kay/ kina

3.       Pangtanig – ito ay bahagi ng salitang nag-uuganay ng isang salita o kaispan sa isa pang salita o
kaisipan sa isang pangungusap.
a.       Pamukod – ginagamit upang itangi ang isa sa isa pang bagay.

b.      Paninsay o pasalungat – ginagamit kung nagsasaaad ng pagsalungat

Halimbawa:

Subalit, datapwat, bagama’t

c.       Panubali o Panlinaw – nagsasaaad ng panubali o pasakali.

d.      Pananhi – tumutugon sa tanong na bakit, nagsasaaad kadakilaan

Halimbawa:

Sapagkat, dahil  sa, palibahasa

Panuto:

Isulat ang PG kung pangatnig, PU kung pang-ukol at PA kung pang-


angkop ang pang-ugnay na nasa panaklong.

Pang-ugnay: pangatnig, pang-angkop, pang-ukol


Gap-fill exercise

 Nagkaroon kami ng munting salu-salo (dahil) nakuha ko ang


unang karangalan.

 Kami ang napiling kinatawan ng aming paaralan sa sabayang-


pagbigkas (ayon sa) aming guro.

 Ang pagpupulong ay (tungkol sa) maayos na pagtatapon ng mga


basura.

 Matalino si Ana (ngunit) siya ay sakitin. 

 Nagtulong-tulong ang mga guro (at) mga mag-aaral sa paglilinis


ng paaralan.

 Masipag (na) bata si Mariel lalo na sa mga gawaing bahay.


 Malaki(ng) mangga ang ibinigay ni Julius sa kanyang ina. 

 Isama mo si Ria sa ating pamamasyal (pati) na ang nakababata


niyang kapatid na si Menchie.

 Ang mga nalikom na pera ay (para sa) mga nasalanta ng bagyo.

 Naiwan sila ng huling biyahe patungong bayan (dahil sa) malakas


na ulan.

You might also like