You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Region IV – MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
DOROTEO S. MENDOZA SR. MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Pagkakaisa, Naujan, Oriental Mindoro
____________________________________________________________________________________

Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 10


Ika-29 ng Enero 2019 Yakal 10/ Narra 10
9:45-10:45 ng umaga, 12:45-1:45 mg hapon
Kabanata VIII. Maligayang Pasko

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo
bilang isang obra maestrang pampanitikan.

PAMANTAYANG PAGGANAP
Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video documentary na
magmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan.

KOMPETENSI
Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang namayani sa
akda.
Naipapaliwanag ang pagkakatulad ng mga pangyayari sa napanood na dokumentaryo sa
pangyayari sa nobela.
Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay ng ilang pangyayari
sa kasalukuyan

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nasusuri ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pangyayari sa napanood na
dokumentaryo sa pangyayari sa nobela gamit grapikong presentasyon.
b. nakabubuo ng isang “Love entry” tungkol sa kahalagahan ng kababaihan na
nagsasakripisyo para sa pamilya.

II. NILALAMAN
A. PAKSA: Kabanata VIII. Maligayang Pasko.
B. KAGAMITANG PANTURO: Pantulong Biswal, manila paper, pentel pen,
SANGGUNIAN: Obra Maestra: El Filibusterismo, Estrella E. De Vera et. al.
pahina 88 - 90
C. ESTRATEHIYA: Ugnayang Tanong-Sagot, Indibidwal na Gawain
D. HALAGANG PANGKATAUHAN: Pagunawa sa bawat Kabanata

III. PAMAMARAAN
A. Pang-araw-araaw na Gawain
a. Panalangin
b. Pagsasaayos ng silid

Page 1 of 3
Republic of the Philippines
Region IV – MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
DOROTEO S. MENDOZA SR. MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Pagkakaisa, Naujan, Oriental Mindoro
____________________________________________________________________________________

c. Pagbati
d. Pagtatala ng liban
e. Pagpapasa ng Takdang Aralin
f. Pagbabalik-aral

B. Paghahabi ng Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nasusuri ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pangyayari sa napanood na
dokumentaryo sa pangyayari sa nobela gamit grapikong presentasyon.
b. nakabubuo ng isang “Love entry” tungkol sa kahalagahan ng kababaihan na
nagsasakripisyo para sa pamilya.

C. Pagganyak / Motibasyon
Magpapanuod ang guro tungkol sa Isang Kwentong Nanay.
Ano ang naramdaman niyo habang pinapanood ang kwento?
Ano ang nakakaantig na pangyayari ang ginawa ng ina sa kwento?

E. Pagtalakay sa Aralin
Kasunod ay ang pagpapanood ng isang dokumentaryo hinggil sa buhay ng kababaihan
partikular na ang mga OFW.
Mula sa dokumentaryong napanood, ano ang naramdaman mo habang pinapanood ito?
Ano ang unang pumasok sa iyong isipan batay sa paghihirap ng mga OFW sa ibang
bansa?

F. Paglalapat
Pangkatang Gawain na binubuo ng dalawang pangkat. Bubuo ang mga mag-aaral ng
pyramid list hinggil sa mga sakripisyo na ginagawa ng kakabaihan sa panahon ngayon
partikular na ang mga OFW. Pagsunud - sunudin ito batay sa pinamahalagang sakripisyo
hanggang sa pinakakababang sakripisyo na ginawa ng mga OFW para sa kanilang
pamilya.
Pinakamahala

Pinakamabab

G. Paglalahat
Sa paanong paraan ipinagdiwang ni Huli ang Pasko?
Sa anong paraan ipinakita ni Huli ang pagsasakripisyo para sa pamilya?

H. Pagpapahalaga

Page 2 of 3
Republic of the Philippines
Region IV – MIMAROPA
Division of Oriental Mindoro
DOROTEO S. MENDOZA SR. MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Pagkakaisa, Naujan, Oriental Mindoro
____________________________________________________________________________________

Kung ikaw si Huli, sa paanong paraan mo maipapakita at mapapahalagahan ang


sakripisyo na ibinibigay ng iyong mga mahal sa buhay para sa iyong pag-aaral?

I. Pagtataya
Bumuo ng isang “Love entry” tungkol sa kahalagahan ng kababaihan na
nagsasakripisyo para sa pamilya.

__________________________________________________
Kababaihan __________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman ……………………………… 10 puntos
Sulating Teknikal ___________ 5 puntos
KABUUAN 15 puntos

IV. KASUNDUAN
Sumulat ng isang talata hinggil sa iyong pananaw tungkol sa pagbabago ng buhay dahil
sa ginawang pagsasakripisyo ng mga taong malapit sa iyong buhay.

Inihanda ni:

EDGAR V. CASTILLO
Gurong Nagsasanay
Nabatid:

BB. ELIZABETH A. DIASNES


Gurong Tagapamatnubay

Page 3 of 3

You might also like