You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Mindoro State College of Agriculture and Technology


Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

Masusing Banghay-aralin sa Filipino 7


Disyembre 19, 2018
Taglish: Hanggang Saan?

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naipapahayag ang sariling ideya hinggil sa paksang-aralin;
b. nakababasa nang may kahusayan at kagalingan;
c. nakakaguhit ng mga simbolong tungkol sa paksang tatalakayin;

II. Paksang – aralin


Paksa : Taglish: Hanggang Saan? Ni Bievenido Lumbera
Sanggunian : Gabay sa Guro Baitang 7 Ikatlong Markhan
Pahina : 70-71
Awtor : Rowena del Castillo et, al.
Kagamitan : Laptop, Powerpoint Presentation, Marker, Manila paper, Cartolina

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing mag-aaral


A. Pang-araw-araw na gawain
a. Panalangin
Magsitayo ang lahat!
Samantha, maaari mo bang
pangunahan ang panalangin sa araw
na ito? (Magsisistayo ang mga mag-aaral)
Panginoon maraming salamat po sa
araw na ito. Nawa’y ingatan nyo po
kami kasama ng aming mga mahal
sa buhay na naiwan sa aming mga
tahanan. Ito po ang aming samo’t
dalangin sa pangalan ni Hesus .
AMEN!
b. Pagbati
Magandang hapon sa inyong lahat!
Magandang hapon din po Sir
Castillo!
c. Pagsasaayos ng silid-aralan
Bago kayo magsiupo pakipulot ng mga
kalat at basurang nakikita nyo sa
inyong paligid at pakiayos din ng linya
ng inyong mga upuan.

(pupulutin ang mga kalat at aayusin


d. Pag-alam sa liban ang linya ng upuan.)
Sino ang liban sa araw na ito? Meron
ba?
Sir wala po!

MinSCAT plants Resposibility Involvement Commitment Excellece


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

e. Pagwawasto ng takdang aralin


Pakipasa ng inyong mga takdang aralin
at akin itong mamarkahan. (ipapasa ng mga mag-aaral ang
kanilang mga takdang aralin)

f. Pagbabalik- aral
Marlyn Anne iyo pa bang natatandaan
kung ano ang ating pinag-aralan
noong nakaraan?
Sir, ang atin pong pinag-aralan
nuong nakaraang araw ay patungkol
sa paggamit ng salitang Jejemon.

Magaling!

Ano naman ang inyong natatandaan?


Maaari ba kayong magbigay ng ilang
salita na halimbawa ng salitang
jejemon? Fiona?
Sir, ang salitang jejemon po ay isa sa
halimbawa ng salitang balbal, ang
mga halimbawa po nito ay jejeje,
poweh, muxtah at marami pang iba.

Napakahusay!

Lubos nga kayong natuto sa nakaraang


aralin.

B. Pagganyak

Ngayon ay magkakaroon tayo ng gawain


na kung saan may ipapakita akong larawan
sa inyo at nais ko na ibigay ninyo ang
LIMITASYON at KAKAYAHAN ng mga
larawang ipapakita ko sa inyo. Bubunot
ako ng mga pangalan sa mahiwagang
kahon na aking dala-dala na naglalaman
ng inyong mga pangalan. Nauunawaan ba
ang nais kong ipabatid?
Opo sir!
(Bunbunot ang guro ng pangalan ng mag-
aaral na siyang sasagot sa hinihingi ng
guro.)

Ikaw ang maswerteng sasagot Leonard!


Ano ang iyong nakikita sa larawan?
Sir ang nakikita ko po ay isang Hose.
1. Hose Ang limitasyong po ng hose para sa
akin ay kung wala ng tubig na
dadaloy sa kanya at kung maiksi lang
siya hindi maabot ang dapat niyang

MinSCAT plants Resposibility Involvement Commitment Excellece


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

diligan.

Ang kakayahan naman po ng Hose


ay kaya po niyang diligan at maabot
ang malalayong halaman kung siya
ay mahaba.
Mahusay na kasagutan!

Ang susunod naman na magbibigay sagot


ay si Kyla Jasmine.
Ano ang iyong nakikita sa larawan?
Sir ang nakikita ko po ay isang
tsinelas.
Ang limitasyon po para sa akin ng
tsinelas ay kapag naputol o nasira na
2. Tsinelas kahit isang pares ng tsinelas ay hindi
na magagamit pa.

Ang kakayahan naman po nito ay


kaya niyang protektahan ang ating
mga paa sa paglalakad kung mainit
man ang dadaanan, maputik,
malamig man o basa. Tinutulungan
po ng tsinelas na hindi tayo
masaktan.

Magaling!

At nag huling maswerteng mabubunot ay


si Mary Ann.

Ano ang iyong nakikita sa larawan?


Sir, tao po ang nakikita ko. Para po
sa akin ang limitasyon ng tao ay
3. Tao kapag namatay po tayo ay hindi na
natin kaya pang ibalik ang nawala
nating buhay.

Samantalang ang kakayahan naman


po ay kaya po natin magmahal,
umiyak, masaktan at gumawa ng
mga bagay tulad ng paglalaba,
magluto, at mag-alaga.

Napakahuasay! Lahat kayo ay may


magagandang kasagutan at dahil dyan ay
bigyan natin ng sampung bagsak (10) ang
mga pangalang natawag sa aking hudyat.

C. Paglalahad
Batay sa ating ginawang aktibiti, ano ang
inyong napansin? Marc Stephen?
Sir napansin ko po na may
limitasyon at kakayahan po ang

MinSCAT plants Resposibility Involvement Commitment Excellece


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

bawat bagay.
Magaling!

Ano kaya ang paksa natin sa araw na ito?

Sir, ang paksa po natin ay ang


Taglish: Hanggang Saan?
Mahusay! At ito nga ay ang aking ibinigay
sa inyong takdang aralin nuong nakaraang
araw.

Bago tayo dumako sa bagong paksa, Edsel


Jay maaari mo bang basahin ang ating
layunin sa gagawin nating pag-aaral?

Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga
mag-aaral ay inaasahang:
a. naipapahayag ang sariling
ideya hinggil sa paksang-
aralin;
b. nakababasa ng may
kahusayan at kagalingan;
c. nakakaguhit ng mga
simbolong tungkol sa
paksang tatalakayin.

Atin munang basahin ang mga gabay na


tanong at subukin natin itong ipaliwanag
mamaya.

Vince Joseph maaari mo bang basahin ang


unang katanungan.

1. Ano ba ang halaga ng wika


Maraming salamat Vince Joseph sa para sa isang tao?
mahusay mong pagbasa!

Ngayon naman ay ang ikalawang tanong.


Fiona, maaari mo bang basahin.

2. Ano ba ang halaga ng wika


para sa isang bansa?
Maraming salamat Fiona sa mahusay
mong pagbasa!

Ngayon naman basahin ng sabay-sabay


ang sanaysay at ulitin nating na basahin
ang mga linyang sumusunod.

MinSCAT plants Resposibility Involvement Commitment Excellece


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

(Babasahin ng sabay-sabay ang


sanaysay.)

1. Dahil sa binubuo ito ng mga


salitang galing sa dalawang
wikang not of the same
family, makitid ang range of
expressiveness nito.
2. At kahit na sa ranks ang
Americanized Filipino
intellectual, ang hindi
kayang lamnin nang buong-
buo ng Taglish.
3. Dahil dito, maraming
stylistic and logical gaps na
nakaka-interfere sa pag-
unawaan ng manunulat at
Mahuhusay kayong magbasa! mamababasa.

Sagutin naman natin ang mga gabay na


katanungan.

1. Ano ba ang halaga ng wika sa isang


tao?

(Bubunot ang guro sa kahon ng


pangalan)

Catherine Marie maaari mo bang


ibigay ang iyong kasagutan sa tanong
na nabanggit?

Sir, napakahalaga po ng wika sa


Mahusay! isang tao, ginagamit po natin ito sa
pakikipagkomyunikeyt sa tao.
Ano pa Kenneth?

Sir, hindi lang po sa pananalita


Napakahusay! maaaring ipahayag ang gusto nating
sabihin, maaari sa galaw, kilos o
2. Ano ba ang halaga ng wika para sa gawa.
isang bansa?

Kristopherson, ano ang iyong


kasagutan?

Sir mahalaga po ito sapagkat dito


malalaman kung anong lahi meron
Mahusay! ang isang nagsasalita ng wika na
ginagamit niya.
Hindi ba’t sa ting mga Filipino marami
tayong ginagamit na wika? May

MinSCAT plants Resposibility Involvement Commitment Excellece


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

walong (8) pangunahing wika ang


Filipinas. Ang Tagalog, Kapampangan,
Ilocano, Bikol, Cebuano, Hiligaynon,
Pangasinan at Waray (Samar – Leyte)

Paano makikilala na isa kang Ilokano?


John Ricky?

Tama! Sir, kapag po nagsalita ng wikang


Ilokano sa isang lugar.
Kapag napunta ka sa ibang lugar tulad
ng Maynila at nagsalita ka gamit ang
iyong sariling lenggwahe, kung may
nakakaalam sa lugar na iyon ang
sinasalita mo, malalaman agad na
ikaw ay isang Ilokano.

Dito malalaman ang iyong identidad o


identity sa Ingles.

Mayroon bang pagkakakilanlan ang


Filipinas gayong napakaraming wikang
lokal ang bansa? Edsel Jay?

Mayroon po tayong
pagkakakilanlan. Ang wikang
D. Paglalahat ginagamit ng lahat ng tao sa bansa
ay Filipino kaya malalaman na tayo
ay isang Pilipino.
Tayo ay magkakaroon ng isang gawain.
Papangkatin ko kayo sa pitong grupo (7).
Gagawa kayo ng isang poster na sasagot
sa tanong na Paano ko maibabahagi ang
paggamit ng wikang FIlipino? Mayroon
kayong 10 minuto sa paghahanda at 3
minuto sa presentasyon.

Narito ang pamantayan sa pagmamarka


Rhovie pakibasa.

Pamantayan sa Pagpupuntos

Nilalaman 30 puntos
Kaangkupan
sa paksa 20 puntos
Disiplina 15 puntos
Presentasyon 20 puntos
Maaari na kayong magsimula. Kaisahan ng
Pangkat 15 puntos
KABUUAN 100 PUNTOS

MinSCAT plants Resposibility Involvement Commitment Excellece


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

E. Pagtataya (magsisimula na paglikha ng poster


ang mga mag-aaral.)
Gumawa ng isang sanaysay patungkol sa
isyung planong alisin ang asiganturang
Filipino at papalitan ito ng wikang
Koreano. Sumasagot sa tanong na “Bilang
isang mag-aaral ano ang saloobin mo
patungkol sa isyung ito? Dapat bang alisin
at palitan ng wikang Koreano o dapat
itong manatili? Hindi kukulangin sa 3
talata at di llalagpas sa 5 talata.

F. Pagpapahalaga
Batay sa iyong natutunan sa paanong
paraan mo mapapahalagahan ang
paggamit ng angkop na wika upang sa mas
lalong pagpapaulad ito at higit pang
makilala na pagkakakilanlan ng mga
Filipino? Kathleen Cyril

Sir, batay po sa aking natutunan


mapapahalaganahan ko po ang
paggamit ng angkop na wika sa
paraang gagamitin ko po ito sa
tamang paraan. Sa halip na salitang
hiram po ang gagamitin iisip po ako
ng salitang Filipino na katumbas
Veia Joy may karagdagan ka pa ba? nito.

Mahusay! Mapapahalagahan ko po ito sa


paraang mas tatangkilikin ko pong
Tama ang lahat ng inyong tinuran. gamitin ang wikang Filipino kaysa sa
mga wikang banyaga.
Mayroon pa ba kayong mga katanungan?

Magsitayo ang lahat!

Paalam na sa inyong lahat


Wala na po.

(Magsisitayo ang lahat.)

Paalam na din po sir Castillo!

IV. Takdang – Aralin


Magsalikisik patungkol sa:
1. Anyo ng pangungusap
2. Istruktura ng wika

MinSCAT plants Resposibility Involvement Commitment Excellece


Republic of the Philippines
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Main Campus
Alcate, Victoria, Oriental Mindoro

Inihanda ni:

EDGAR V. CASTILLO
Gurong Nagsasanay

Winasto nina:

Bb. LYKA JOY F. DE CASTRO


Gurong Tagapamatnubay

JOAN F. POLITICO
Gurong Tagapamatnubay

MinSCAT plants Resposibility Involvement Commitment Excellece

You might also like