Professional Documents
Culture Documents
Buod NG Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Buod NG Ikalawang Digmaang Pandaigdig
1.Ang simula nang WWII ay noong September 1, 1939 nang ideniklara nang pagsakop ng Poland
ang mga German. Nang bumagsak ang Pearl Harbor sa mga kamay ng Hapon noong Disyembre
7, 1941 naging hudyat ito sa pagbagsak sa mga base ng Amerikano sa Pacifico. Idineklarang
Open City ang Manila noong Disyembre 30, 1941 at pagdating ng January 2,1942 ay nagmartsa
ang mga Hapon sa Manila. Nang makuha ng mga Hapon ang Intramuros sunud na sunod
bumagsak ang mga rehiyon ng Pilipinas sa mga Hapon. Pero patuloy na lumalaban ang USAFE
at mga Pilipino para maitangol ang bayan. Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor ay lumipad
si Gen. Douglas Mac Arthur patungung Amerika. Pero nag-iwan siya nang pa ngako na babalik
siya sa Pilipinas. Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor dito nagsimula ang infamous na
DEATH MARCH na maraming Pilipino at Amerikanong namatay dahil sa walang hantong na
paglalakad sa init at uhaw patungung Camp O'Donnel. At noong October 17,1944 ay dumating
muli si Gen. Douglas Mac Arthur upang tuparin ang kanyang pangako, at kanyang kasama na si
Sergio Osmenia Sr. sa "Leyte Landing". Nagagapi ang mga Hapon unti-unti. At nang Bombahin
ng Bombang Atomika sa Nagasaki at Hiroshima ay sumuko na ang mga Hapon sa mga
Amerikano. At sa USS Missori nangako ang mga Hapon na suko na sila.
Sumiklab din ang digmaan sa Pilipinas at sa Asya. Dulot ito ng pagsabog ng Pearl Harbor sa
Hawaii, sinunod ang Malaya (Malaysia at Singapore sa ngayon), mga lalawigan sa Pilipinas at
iba pa noong Disyembre 3, 1942. Inutos ni Franklin D. Roosevelt ang pagdedeklara ng giyera sa
bansang Hapon, ngunit nagdeklara din ang Alemanya at Italya ng giyera laban sa Estados Unidos.
Idineklara ni Hen. McArthur bilang Open City ang Maynila ngunit hindi ito isinunod ng Hapon at
itinuloy pa rin nila ang pag-atake. Dahil sa palala na ang kundisyon ng Pilipinas, ang
Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon ay inilikas mula Malinta Tunnel sa Corregidor
patungo sa Washington D.C., Estados Unidos at iniwan ang pamamahala kay Jose P.Laurel at
Jorge Vargas. Humirap ang kondisyon ng bansa, malakas na umatake ang mga Hapones sa
pamumuno ni Masaharu Homma, dahil dito humina ang pwersang USAFFE at tuluyang isinuko
ang Corregidor at Bataan na pinamumunuan nina Hen. King at Hen. Wainwright…Lumakas ang
pwersa ng mga Hapon at nasakop lahat ng mga lugar sa Asya. Nasakop nila ang Tsina, French
Indochina, Myanmar, Malaya, Dutch East Indies, at ang Pilipinas…Noong Oktubre 20, 1944,
Bumalik si heneral Douglas MacArthur at mga kasamahan ni dating pangulong Sergio Osmena,
heneral Basilio J. Valdes, brigidyer heneral Carlos P. Romulo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
at si heneral Richard H. Sutherland ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos ay ang dumaong ng
puwersang Amerikano sa Palo, Leyte. At nagsimula ng Pagpapalaya ng bansang Pilipinas sa
pagitan ng pagsamahin na mga tropang Pilipino at Amerikano kabilang ang mga kumilalang
pangkat ng mga gerilya noong 1944 hanggang 1945 at ang pagsalakay ng puwersang Hapones.
Nagsimula ang Labanan ng Pagpapalaya sa Maynila noong Pebrero 3, hanggang Marso 3, 1945
ay nilusob ng magkakasanib na hukbong Pilipino at Amerikano na isinalakay at pagwasak ng
pagbobomba sa ibabaw ng kabiserang lungsod laban sa hukbong sandatahan ng Imperyong
Hapones, at mahigit sa 100,000 mga Pilipinong sibilyan ang napatay sa kamay ng mga hukbong
Hapones. Noong Setyembre 2, 1945, sumuko si heneral Tomoyuki Yamashita sa mga tropang
Pilipino at Amerikano sa Kiangan, Lalawigang Bulubundukin (ngayon Ifugao) sa Hilagang
Luzon. Nagsimula ang mga sundalong Pilipino at Amerikano ay naghahanda ng pagsalakay at
pagpapalaya sa Hilagang Luzon ay lumaban sa mga hukbong Imperyong Hapones noong 1945…
Natapos lamang ang digmaan sa buong mundo pagkatapos ng pagpirma ng pagsuko ng mga
sundalong Hapon sa sundalong Amerikano, pagkatapos ng pagbobomba sa Hiroshima at
Nagasaki, noong Setyembre 2, 1945, sa Look ng Tokyo, Hapon.