You are on page 1of 10

ARALIN 1

I. Layunin:
A. Nauunawaan at natutukoy ang iba’t ibang uri ng huni o ingay na ginagawa ng hayop.
B. Nakababasa nang may wastong galaw/hagod na mata mula sa kaliwa, pakanan.
C. Naibibigay ang mga detalyeng sumasagot sa mga tanong.
D. Naisasadula ang mahahalagang pangyayari sa kuwento.
II. Paksang Aralin:
Pagtukoy sa Iba’t ibang Huni ng Hayop
Sanggunian: BEC Pakikinig p. 33, Landas sa Wika at Pagbasa p. 2-6, MG p. 4-7, B.A. 2-8
Kagamitan: plaskard/larawan
Pinagsanib na Aralin: Filipino at EKAWP
Pagpapahalaga: Nasasabi ang Kahalagahan ng Alagang Hayop.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
a. Balik-Aral:
b. Pagganyak:
1. Sinu-sino sa inyo ang may alagang hayop? Anu-ano ang inyong alaga sa bahay?
2. Ipakita ang larawan ng mga hayop sa paligid. Pag-usapan ang ginagawa ng mga
hayop sa tao.
B. Panlinang na Gawain:
1. Sanayin ang mga bata sa mga sumusunod na mga Gawain sa wastong pagbasa nang
malakas.
2. Ipabasa nang malakas ang kuwentong “Masayang Paligid” sa isang mag-aaral bilang
huwaran.
3. Ipaulit sa mga bata ang magbahagi ng kuwento na nagsasaad sa ginagawa ng
bawat hayop.
4. Ipauulit sa kanila ang huni/tunog ng bawat hayop
IV. Pangwakas na Gawain:
A. Paglalapat:
Gayahin ang huni o ingay na ginagawa ng mga hayop batay sa nakalahad na mga
kalagayan.
1. Aso- nagagalit sa pagdating ng hindi niya kilalang tao
2. Tandang – nanggigising ng tao dahil umaga na, nais niyang ipaalam ito
3. Ibon – Masaya, sasayaw-sayaw at kakanta-kanta habang nagpapalipat-lipat sa sanga
ng mga puno.
4. Palaka- Masaya sapagkat maghapon at magdamag na umuulan
V. Pagtataya:
Ipares ang mga huni ng Pangkat 1 sa pinagmulan ng mga ito sa pangkat. Isulat ang mga
titik sa patlang.
I II
______1. Unga! Unga! a. baboy
______2. Me-e-e-! Me-e-e-! b. aso
______3. E-e-e-k! E-e-e-k! c. baka
______4. Ngiyaw! Ngiyaw! d. sisiw
______5. Tsip! Tsip! e. pusa

VI. Takdang Aralin:


Gumupit nang 3 larawan ng alagang hayop at idikit sa kwaderno. Isulat ang huni/ tunog na
tinutukoy nito.
ARALIN 2
Pinagsanib na Aralin sa Filipino, Science at EKAWP

I. Layunin:
A. Natutukoy ang dinaramdam o mensaheng ibig ipaalam ng mga hayop sa tao.
B. Natutukoy ang iba’t ibang huni o ingay na ginagawa ng hayop.
C. Nakapagsasalita ng maliwanag.
II. Paksang Aralin.
Pagtukoy sa Dinaramdam o Mensaheng Ibig Ipaalam ng mga Hayop.
Sanggunian:
BEC pakikinig p. 33, Landas sa Wika at Pagbasa p. 9-12, MG p. 8-11 B.A. 9-13
Kagamitan:
Larawan at Plaskard
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-aral
Ipabiigay ang iba’t ibang huni o tunog ng mga hayop.
a. Baka b.manok. c. baboy d. kambing e. ibon
2. Sinu-sino sa inyo ang may alagang hayop?
Ano ang mapapansin kung sila’y busog? Nagugutom? Sinasaktan?
3. Talakayin ang talasalitaan:
bisiro naligaw sariwa
nasalubong naraanan damo
B. Pangwakas na Gawain
1. Ibigay ang naramdaman ng mga sumusunod na hayop sa huni/tunog na
ipinarinig nila.
a. Asong tumataghoy
b. Palakang kumokokak
c. Ibong umaawit
d. Manok na pumuputak
e. Kalabaw na unga ng unga
IV. Pagtataya:
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng panaklong.
1. Tuwing umaga, naririnig mo ang tilaok ng alaga mong tandang. Ano ang dapat
mong gawin?
a. Bubugawin ang tandang b. Maghahanda sa pagpasok
2. Maingay ang inyong alagang hayop (baboy). Ano ang gagawin mo?
a. Alamin ang dahilan ng pag-iingay b. Kumuha ng kahoy at papaluin ito
3. E-e-e-e-k! E-e-e-e-k! Ang sabi ng baboy. Ito ay.
a. Inaantok b. nagugutom c.nasisiyahan
4. Hoy, baka bakit ba moo ng moo? Ako ay ________.
a. Nasisiyahan b. natutuwa c. nauuhaw
5. Hiii! Hiii! Ang huni ng kabayo. Ito ay __________.
a. Nagagalit b. nagugutom c. natutuwa
V. Takdang Aralin:
Gawin ang mga sumusunod:
a. Manok na nangingitlog. c. Mga palakang busog sa ulan at tubig.
b. Baboy na gutom na gutom d. Unggoy na nagugutom.
Aralin 3
Pinagsanib na Aralin sa Filipino at EKAWP

I. Layunin:
A. Natutukoy ang iba’t ibang huni o ingay na ginagawa ng hayop.
B. Nasasabi ang dinaramdaman o mensaheng ibig ipaalam ng mga hayop sa tao.
C. Nakapagsasalita ng maliwanag.
II. Paksang-Aralin:
Huni o Ingay na Ginagawa ng Hayop
Sanggunian: BEC Handbook Pakikinig p. 33, Pakikinig p. 65
Kagamitan: Flipchart, larawan, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagbasa sa kuwentong “Pasukan Na”.
2. Itanong:
a. Sino ang gustong sumama kay Gemma at Arnold?
b. Saan sila pupunta?
c. Gayahin ang sinabi ni Tagpi kay Gemma nang iparamdam niyang gusto niyang sumama
sa paaralan.
B. Panlinang na Gawain
1. Sabihin: Iba-iba ang huni o ingay ng mga hayop sa ating paligid. Karaniwan nating
naririnig ang sumusunod: (Ipabasa sa mga bata)
Tumitilaok ang manok.
Sumisiyap ang sisiw.
Ngumingiyaw ang pusa.
Maa! Ang sigaw ng baka.
Mee! Ang ingay ng kambing.
Unga! Ang atungal ng kalabaw.
2. Sabihin: May mensahe o ibig ipaalam ang huni o ingay ng mga hayop tulad ng:
Tilaok ng manok – umaga na
Huni ng ibon – maganada ang panahon
Tahol ng aso – may taong dumarating
Ngiyaw ng pusa – nakakita ng pagkain
Unga ng kalabaw – nagugutom na siya
C. Pangwakas ng Gawain
1. Paglalahat
Ang huni o ingay ng mga hayop ay nagsasabi ng kanilang nararamdaman o mensaheng ibig
ipaalam ng mga hayop sa tao.
2. Paglalapat
Ulitin mo ang huni ng mga sumusunod na mga hayop;
 Pusang nagugutom
 Asong nagagalit
 Ibong masaya
 Kambing na itinali
 Tandang na tumitilaok
IV. Pagtataya:
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B.
A B
1. tandang a. Unga-a-a! Unga-a-a!
2. daga b. tak-tak-tak-pu-tak!
3. unggoy c. me-e-e! me-e-e!
4. kalabaw d. tak-ti-la-ok
5. inahing manok e. ik! Ik-ik-ik-ik!
f. kra-kra-kra-kra
V. Takdang-Aralin:
Gumawa ng komik strip ng paborito ninyong hayop at ang huni na kanyang ginagawa.
Aralin 4
Pinagsanib na Aralin sa Filipino, Sibika at Kultura, at EKAWP.

I. Layunin:
A. Maunawaan na may iba’t ibang kahulugan ang tunog ng mga sasakyan.
B. Maunawaan na dapat mag-ingat sa pagtawid sa daan.
C. Nakababasa ang mga nakalimbag na ngalan ng tao, pook o bagay.
D. Naibibigay ang mga detalyeng sumasagot sa mga tanaong ng Ilan, Kanino, Bakit at Paano.
E. Natutukoy ang pangunahing tauhan sa kuwento.
II. Paksang Aralin:
Pagtukoy sa Iba’t Ibang Tunog ng mga Sasakyan
Sanggunian: BEC Pakikinig p. 33, Landas sa Wika at Pagbasa p. 18-21, Aralin 3 MG p.
12 B.A. 18-24
Kagamitan: larawan ng mga sasakyan, plaskard, cassette, tape recorder
Pagpapahalaga: Nasasabi ang kahalagahan ng tunog ng mga sasakyan.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-Aral:
Paano ang huni/tunog ng mga sumusunod:
1. gutom na baboy
2. masayang ibon
3. maysakit na aso
2. Pagganyak:
Pag-obserbahan ang mga tunog o ugong ng mga sasakyang nagdaraan sa paaralan. Magparinig ng
isang tape ng mga tunog sa daan.
3. Ipasabi ang mga salitang nag-uugnay sa mga sasakyan.
Busina sirena ugong
Hudyat istasyon ilaw-trapiko
B. Panlinang na Gawain:
1. Itanong:
Anu-ano kaya ang mga pinag-uusapan ng mga sasakyan? Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?
Ilan sa mga sasakyang nabanggit sa kwento ang nasakyan mo na?
2. Pagbasa ng Kuwento na “Sa May Daan”.
3. Magpahulaan:
Gayahin ng isang bata ang ugong o tunog ng ibang sasakyan.
C. Pangwakas na Gawain:
1. Ipangkat ang mga sasakyan na gumagawa na malakas, mahina, maikli o mahabang tunog.
Dyip motorsiklo kalesa
Ambulansya tren kotse
Van bisikleta bumbero
Eroplano traysikel bus
2. Ipagawa at pahulaan ang galaw ng sasakyan at tunog.
3. Paglalapat:
Gayahin ang tunog o ingay ng mga sasakyang nakalarawan .

IV. Pagtataya:
Panuto: Isulat ang titik ng ugong sa tapat ng bawat sasakyan.
A B
_______1. Kalesa a. e-e-e-e-eng!
_______2. Ambulansya b. tsug! Tsug! Tsug!
_______3. Eroplano c. bru-u-umm! Pak! Pak!
_______4. Tren d. tak! Tak! Tak! Tak!
_______5. Motorsiklo e. i-i-i-i-i-i-k!
V. Takdang Aralin:
Gumupit ng iba’t ibang larawan ng sasakyan. Ibigay ang ngalan at ang ugong na nilikha nito.
Aralin 5
Pinagsanib na Aralin sa Filipino, Sining at EKAWP.

I. Layunin:
A. Nasasabi ang kahulugan ng iba’t ibang pagpapatunog ng sasakyan. (pagpapatabi, pagtawag ng sasakyan,
atbp.)
II. Paksang Aralin:
Pagsabi sa Kahulugan ng Iba’t Ibang Pagpapatunog ng Sasakyan.
Sanggunian: BEC Handbook p. 33, Landas sa Wika at Pagbasa p. 27-32, MG p. 16-19, B.A. 27-32
Kagamitan: tape recorder at tape ng mga ugong ng sasakyan, larawan ng iba’t ibang sasakyan sa
lansangan.
Pagpapahalaga: Napahahalagahan ang Tulong ng Sasakyan sa Tao.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Ibigay ang ingay at ugong ng mga sasakyang ito.
a. Dinadala ko sa ospital ang mga maysakit. Habang sa daan ay sumisirena ako. Ako ay?
____________
b. Nagrarasyon ako ng pandesal tuwing umaga, ano ako? ________________
c. Naghahatid ako ng mga mag-aaral sa paaralan. Ano ako? _________________
2. Magbigay ng halimbawa ng sitwasyon at tanungin ang mga bata kung ano ang kanilang gagawin sa
bawat sitwasyon.
Halimbawa:
Isa kang dyip o kotse. Nagmamadali kang makarating sa inyong pupuntahan. Maraming tao sa gitna ng
daan. Ano ang gagawin mo?
3. Anu-anong tulong ang nagagawa ng sasakyan sa tao?
4. Talasalitaan:
Nagsarasyon nabibingi kaklase
Gusali bangko ugong
Traysikel nagtakip
B. Panlinang na Gawain:
1. Itanong: Bakit kaya iba’t iba ang tunog na ginagawa ng mga sasakyan?
2. Pangkatin ang klase sa apat. Hatiin sa apat na bahagi ang babasahin at ipabasa nang malakas sa bawat
pangkat ang kuwentong “Iba’t Ibang Tunog: May Kahulugan”.
3. Talakayin ang nilalaman ng babasahin.
C. Pangwakas na Gawain:
1. Ipabasa ang mga bagong salita na nasa kuwento sa tulong ng larawan.
2. Pakinggang mabuti ang mga tunog na ilalarawan ko. Sabihin ang ngalan ng sasakyang may likha nito.
a. Bru-u-u! Pak! Pak!
b. Tsug! Tsug!
c. T-r-r-r-r-t! T-r-r-r-r-t!
d. E-e-e-e-e-e-ng!
e. Tak-Tak! Tak – tak!
IV. Pagtataya:
Panuto: Piliin at isulat ang tamang kahulugan ng tunog o ugong ng mga sasakyan.
1. Sumisirena ang ambulansya.
a. Maysakay na maysakit.
b. Maysakay na mga sundalo.
c. Maysakay na panauhin.
2. Umuugong ng malakas ang trak ng bumbero.
a. May daraang padre.
b. May sakay na ikakasal.
c. May nasusunog na bahay.
3. Pumupot-pot ang dyip.
a. Humihingi ng gasolina.
b. Ayaw umandar.
c. Nawalan ng gasolina.
4. Kumakalembang ang kalesa.
a. Nagtatawag ng pasahero.
b. Pinaaalis ang mga tao.
c. Upang ipahiwatig ang pagliko sa kaye.
5. Pumipito ang pulis.
a. Para ayusin ang trapiko.
b. Para takutin ang mga tao.
c. Para siya ay bigyan ng pera.
V. Takdang Aralin:
Gumupit ng tatlong larawan na lumilikha ng tunog. Sabihin ang tunog at kahulugan nito.
Aralin 6

I. Layunin:
A. Natutukoy ang iba’t ibang tunog ng mga sasakyan.
B. Nasasabi ang kahulugan ng iba’t ibang pagpapatunog ng sasakyan (pagpapatabi, pagtawag ng
sasakyan at iba pa)
C. Naipapakita ang kawilihan sa pakikipagtalakayan.
II. Paksang-Aralin:
Iba’t Ibang Tunog ng mga Sasakyan
Iba’t Ibang kahulugan ng Pagpapatunog ng mga Sasakyan
Sanggunian: BEC Handbook p. 33, Landas sa Wika at Pagbasa p. 27-32, MG p. 16-19 B.A. 27-32
Kagamitan: flipchart, larawan, tsart
Pagpapahalagan: Pagpapakita ng Tulong ng mga sasakyan sa mga tao.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pagbasa sa Kwento.

2. Itanong:
Bakit hindi makatawid ng daan si Angie?
Anong sasakyan ang biglang nagdaan ng tatawid na si angie?
Sino ang tumulong kay Angie?
Anong hindi mabuting Gawain ang dapat alisin sa sarili ni angie? Bakit?
Talaga bang nakakatakot ang tunog ng bumbero at ambulansya?
B. Panlinang na Gawain:
1. Sabihin:
Iba-iba ang ugong na nilikha ng mga sasakyan. Iba’t iba rin ang kahulugan ng ugong ng
mga sasakyan. (Ipabasa sa mga bat-Flip Chart)
a. Ugong ng eroplano – lumilipad na ang sasakyan.
b. Pipipip ng kotse, dyip o trak – pagpapatab o pagtawag sa pasahero
c. Pitada ng tren o bapor – dadaong na ang bapor; darating o aalis ang tren
d. Sirena ng trak ng bumbero – may sunog
e. Sirena ng ambulansya – nagpapatabi sa mga tao; may pasyente na mabilis na
dinadala sa ospital
2. Paglalahat:
 May iba’t ibang kahulugan ang pagpapatunog ng mga sasakyan gaya ng pagpapatabi
ng mga naglalakad at pagtawag sa mga pasahero.
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat:
Gawin ang ugong o tunog na nilliikha ng bawat sasakyan at sabihin ang kahulugan nito.
a. Pipip ng dyip o kotse
b. Ugong ng eroplano
c. Sirena ng ambulansya; ng trak ng bumbero
d. Pitada ng tren; ng bapor
IV. Pagtataya:
Panuto: Itambal ang Hanay A sa Hanay B. Titik lamang ang isusulat sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Bapor a. Iiiing ! Iiiiing!
2. Dyip b. Tsug! Tsug! Tsug!
3. Sasakyan ng mga bumbero c. Kling! Klang! Kling! Klang!
4. Tren d. Pipiiip! Pipiiip!
5. Ambulansya e. Pot! Pot! Pot!
V. Takdang Aralin:
Gumupit ng larawan ng iba’t ibang sasakyan at isulat ang tunog o ugong na nagagawa nito.
Aralin 7
Pinagsanib na Aralin sa Filipino at EKAWP

I. Layunin:
A. Nagagaya ang tunog ng mga instrumentong napakinggan.
B. Naiuugnay ang tunog na napakinggan sa instrumentong pinagmulan ng tunog.
C. Naibibigay ang mga detalyeng sumasagot sa mga tanong.
D. Natutukoy ang pangunahing tauhan sa kuwento.
II. Paksang Aralin:
Paggaya sa Tunog ng Iba’t Ibang Instrumento
Sanggunian: BEC Handbook p. 33, Landas sa Wika at Pagbasa p. 35-38, MG p. 19-24 B.A. 35-40
Kagamitan: tape ng mga tunog, plaskard
Pagpapahalaga: Napahahalagahan ang mga Instrumento at ang mga Partikular na Gamit ng mga Tao.
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Sabihin kung anong tunog ang mapapakinggan sa tape.
a. Bip-bip-bip
b. Weng! Weng! Weng!
c. Iing! Iing! Iing!
2. a. ipakita ang mga dalang instrument o larawan. Paano pinatutunog ang mga ito?
b. Iparinig ang tunog ng bawat isa.
c. ipatukoy ang ngalan ng iba’t ibang tunog na narinig.
d. ipasabi ang uri ng tunog, tulad ng mahaba, malakas o matinis.
3. Ipabasa ang ngalan ng bawat instrument na nakasulat sa plaskard at sa pisara. Pag-
usapan ang kahalagahan nito kung may mga kasayahan tulad ng pista, pagtatanim,
paghaharana sa mga dalaga at iba pa.
B. Panlinang na Gawain:
1. Talasalitaan:
Matinis baho saliw
Bandurya pompiyang ano
Malakas tamborin gitara
2. Itanong: Anong ibig sabihin nito?
3. Ipabasa nang malakas ang kuwentong “Pareho ang Ginagawa”.
4. Ulitin ang mga instrument na binnangit sa kwento. Alin sa mga instrument ang may
tunog na makapal o maugong? Mmanipis o matinis? Mababa o mataas?
C. Pangwakas na Gawain:
1. Ipabigay ang tunog ng iba pang instrument gaya ng piyano, gong, torotot, biyulin.
2. Papiliin ang ilang bata ng instrumentong (larawan) pangmusika at gayahin ang tunog
ng instrument sabihin kung bakit naibigan niya ito.
3. Pangkatin ang mga bata ng tig-aapat o lima. Papiliin ng iba’t ibang instrumentong
gagayahin. Gagayahin nang sabay-sabay ang mga napiling instrument sa harapan ng
klase.
IV. Pagtataya:
Panuto: Pakinggan ang mga tunog ng instrumentong pangmusikang bibigkasin
ng guro. Pumili ng isa at isulat sa papel ang ngalan nito.
V. Takdang Aralin:
Gumuhit ng instrumentong gustong gusto mo. Isulat ang tunog ng mga ito.
Aralin 8

I. Layunin:
A. Maunawaan na nakaaaliw pakinggan at panoorin ang musika at tugtugin.
B. Naibibigay ang mga detalyeng sumasagot sa mga tanong.
C. Natutukoy ang pangunahing tauhan sa kwento.
II. Paksang-Aralin:
Pakikinig sa Kwento: “Si Ernesto at ang Kanyang Biyolin”
Sanggunian: BEC Handbook p.33, Landas sa Wika at Pagbasa p.35-38, MG p. 19-24 B.A. 35-40
Kagamitan: flipchart, larawan, tsart
Pagpapahalaga: Pagmamalaki sa Natatanging Pilipino
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Paghahawan ng balakid
a. Magkasaliw
b. Dalubhasa
c. Natatangi
d. Biyolin
e. Musikero
2. Pagganyak:
Ano ang paborito ninyong instrumentong pangmusika? Magbigay kayo ng halimbawa ng mga
instrumentong pangmusika.
3. Pagbubuo ng pangganyak na tanong.
Bakit tinaguriang natatanging Pilipino si Ernesto Vallejo sa larangan ng musika?
B. Panlinang na Gawain:
1. Paglalahad
(Babasahin ng guro ang kwentong “Si Ernesto at ang kanyang Biyolin” nang pabigkas. Siya ay
hihinto sa mahahalagang bhagi ng kuwento at magtatanong.)
2. Pagtatalakay
Alam ba ninyo kung sino ang batang pinanonood ng mga kapitbahay niya? Siya si
Ernesto Vallejo, ang kinikilalang dalubhasa sa pagtugtog ng biyolin. Munting bata pa lamang
siya ay napakahusay na niyang tumugtog ng biyolin. Minana niya ang talinong ito sa kanyang
ama na isang mahusay na musikero. Siya ang unang guro ni Ernesto.
Nang lumaki na si Ernesto, nag-aral pa siya ng pagtugtog ng biyolin sa ibang bansa.
Naging dalubhasa siya at kinikilalang pinakamahusay tumugtog ng biyolin sa Pilipinas.
Isang natatanging Pilipino si Ernesto Vallejo. Sa larangan ng musika, siya ay ating
maipagmamalaki.
C. Pangwakas na Gawain
1. Pangkatang Gawain:
Pangkat I – Ano ang ginagawa ng mga bata nang marinig nila ang tunog ng biyolin at gitara?
(Sagutin sa pamamagitan ng pagkukuwento.)
Pangkat II – Sinu-sino ang naaakit manood ng pagtutog ng biyolin ni Ernesto? (Sagutin sa
pamamagitan ng pagguhit)
Pangkat III – Sino si Ernesto? (Sagutin sa pamamagitan ng pagtsa-tsart ng karakter)
Pangkat IV – Ano naman ang natatangi mong talino? Paano mo mapapaunlad ito upang
paglaki mo ay makatulong ka sa mga tao? (Sagutin sa pamamagitan ng pagsasalaysay)
2. Paglalapat:
Ano ang gusto mong pag-aralang instrumentong pangmusika? Bakit?
IV. Pagtataya:
Ulitin ang bawat tunog ng instrumentong nais mo.
Aralin 9
Pinagsanib na Aralin sa Filipino, Musika, at EKAWP.

I. Layunin:
A. Nagagaya ang tunog ng mga instrumentong napakinggan.
B. Naiuugnay ang tunog na napakinggan sa instrumentong pinagmulan ng tunog.
C. Nasasabi ang nstrumentong ibig nila dahil sa uri ng tunog nito.
II. Paksang-Aralin:
Tunog ng Instrumentong Pangmusika
Sanggunian: BEC Handbook p.33, Landas sa Wika at Pagbasa p. 35-38, MG p.19-24, B.A. 35-40
Kagamitan: flipchart, larawan, tsart
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Balik-Aral:
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Mayroon pang ibang tunog ang marinig sa paligid. Ito ay ang mga instrumentong
pangmusika. Ito ay nagbibigay-buhay sa ating paligid. (Ipakita ang larawan ng iba’t ibang
instrumentong pangmusika. Sabihin ang pangalan ng bawat instrumento.)
Ulitin ang tunog ng bawat instrumentong pangmusika.

2. Paglalahat:
Iba’t iba ang tunog ng instrumentong pangmusika. Nakikilala ang mga instrumentong
pangmusika sa kanilang tunog.
C. Pangwakas na Gawain:
1. Paglalapat:
Alin sa mga instrumentong ito ang ibig mo at ipaliwanag kung bakit?
IV. Pagtataya:
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. titik lamang ang isusulat sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Eeeeng! Eeeeng! Eeeng! a. gitara
2. Tot-to-rot-tot! b. pong-pyang
3. Boom! Boom! Boom! c. biyolin
4. Ting-ling-ling! d. torotot
5. Pyang-pyang! Pyang! e. tambol
V. Takdang-Aralin:
Gumupit ng instrumentong pangmusika at idikit sa inyong kuwaderno.
Aralin 10
Pinagsanib na Aralin sa Filipino, Sibika at Kultura at EKAWP.

I. Layunin:
A. Nakapagbibigay ng iba’t ibang halimbawa ng mga pantig.
B. Natutukoy ang mga salitang narinig na binubuo ng pinagsamang pantig.
II. Paksang Aralin:
Pagbibigay ng Iba’t Ibang Halimbawa ng Kombinasyon ng Pantig
Sanggunian: BEC Handbook p.33, Landas sa Wika at Pagbasa p.53, MG p.33-37 B.A. 57-62
Kagamitan: plaskard, larawan
Pagpapahalaga: Nasasabi ang Kahalagahan ng Tamang Pantig
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
1. Pag-usapan ang ginagawa ng mga bata sa paaralan.
a. Anu-ano ang buting nagagawa ng pag-aaral nang mabuti at seryoso.
b. Bakit dapat ninyong pagbutihin ang pag-aaral?
2. Talakayin ang talasalitaan:
Gubat nagniningning tinalon
Inahin nangangagat babala
Nag-aaksaya kuwago tarangkahan
Suwerte sisiw nagsawa
Maliban parang lumiban
B. Panlinang na Gawain:
1. Pabula sa mga bata ang natutuhan ni Kunehong Liit.
2. Basahin nang malakas ang kuwentong “Natuto Rin.”
3. Sagutin ang mga tanong:
a. Sino ang nagtayo ng paaralan sa kagubatan?
b. Ano ang sinabi ni Inahing Manok? Ni Amang Daga?
c. Sino ang tamad pumasok?
d. Bakit naging masipag siya sa pagpasok?
4. Pakinggan ang pagbigkas sa mga sumusunod na salita. Ulitin ang mga pantig na may
salungguhit.
a. Anak b. gubat c. sisiw d. parang
5. Talakayin ang mga salitang ginamit sa kuwento.
a. Anu-anong mga letra o titik na bumubuo sa mga pantig?
C. Pangwakas na Gawain:
1. Maglagay sa pisara ng mga pares ng salita na may titik na magkaiba. Ilalagay ng bata ang
nawawalang titik sa mga salita.
Halimbawa:
Pa la ba ta I na ba sa
Ba la tu bo A na
Ba to ku bo ta sa
2. Isulat ang salitang aking bibigkasin.
a. Am-pa-la-ya
b. Ur-su-la
c. It-log
d. Sa-ga-na
e. Pa-la-is-daan
IV. Pagtataya:
Panuto: tukuyin ang mga salitang nakasulat sa plaskard.
1. Ak da 3. Pin ya 5. Ba ku ran
2. Im po 4. Tang ha li an
V. Takdang Aralin:
Basahin ang seleksyong “Ang ating Watawat”. Pumili at sumulat ng 5 salita at pantigin.
Ang Ating Watawat
Ang watawat ang pinakasagisag ng ating bansa. Parihaba ang sukat nito. Ito ay may tatlong kulay,
puti na sumasagisag sa kalinisan, pula sa katapangan, at bughaw sa kapayapaan. Mayroon itong isang
araw at tatlong bituin. Ang tatlong bituin ay sumasagisag sa ating malalaking pulo ang Luzon, Visayas,
at Mindanao.

You might also like