You are on page 1of 3

“Rugby Boys”

Trahedya

(Dulang May Isang Yugto)

ni Christine B. Acuña MAEd-FLT

Malikhaing Pagsulat

Mga Tauhan:

Noel, 13 taong gulang

Berto, 14 taong gulang

Ruben, 15 taong gulang

Mga Pulis

Tagpuan :

Sa isang iskwaters area sa Tondo, Maynila.

Panahon :

Kasalukuyang panahon

(Magkakailaw ang tanghalan. Bubungad ang dikit-dikit na barungbarong. Mabaho at


madumi ang paligid. Lalabas ang tatlong batang punit-punit ang saplot sa katawan at
butas ang tsinelas. Mag-uumpukan sila at ilalabas ng isang bata ang isang plastik na
may lamang rugby.)

Ruben : (Sinisimhot ang plastic na may rugby.) O, ikaw naman, Berto! (Iniabot
kay Berto ang hawak.)

Berto : (Tinanggap ang plastik) Nakakalimutan ko ang mga problema ko dahil sa


solbent na ito. Astig!

Noel : Ako, naman! (Sabay hablot ng plastik kay Berto.)

Berto : Ang kumag na ‘to! Di makapaghintay. (Sabay batok kay Noel.)

Ruben : Hoy! Tama na iyan. (Sabay awat sa dalawa na malapit nang


magsapakan.) Bigayan lang tayo dito mga tropapips! Chilaks!

(Napatigil ang dalawa.)


Noel : Hindi kasi uso ang bigayan sa bahay namin. Binubugbog kami ni tatay
kahit sa kaunting pagkakamali lang. Pati si nanay di nakaligtas sa kanyang mabalasik na
mga kamao. Gabi-gabi ko siyang naririnig na umiiyak. Noong minsang malala ang
kanilang pag-aaway, amba niyang sasaksakin si nanay kaya naitulak ko siya at nabagok
ang kanyang ulo. (Napahinto sa pagsasalita at napatitig sa kawalan.)

Berto : Tapos anong nangyari sa erpats mo? (Di mapakali.)

Noel : (Naluluha.) Sa lakas ng pagkakatulak ko sa kanya, umagos ang dugo sa


kanyang ulo at binawian siya ng buhay. Pero alam ng Diyos na hindi ko iyon sinasadya,
nais ko lamang ipagtanggol si nanay at di ko siya gustong patayin.

Ruben : Ipinakulong ka ba nila?!

Noel : Sa takot kong makulong, lumayas ako sa amin at lumayo. Nabalitaan ko


na lang na nabaliw pala si nanay pagkatapos ng nangyari at nagpalaboy-laboy. Kaya
ang misyon ko ngayon ay hanapin siya upang mabuo ulit kami at magkasama muli.

Berto : Pare-pareho lang naman tayo dito. Mapapadpad ba tayo sa lugar na’to
kung naging maayos ang buhay natin? (May hinanakit niyang sabi.)

Ruben : Bakit ka nga ba napadpad sa lugar na ’to?

Berto : Ulila na ako sa buhay. Napatay sila mama at papa ng mga pulis sa isang
tokhang sa aming barangay. Sabi nila’y nagbebenta raw ng ipanagbabawal na gamot si
papa. Giniba nila ang aming pinto at marahas na pumasok sa aming bahay at
naghalungkat sa aming mga gamit. Waring may hinahanap. Hinanapan sila ng search
warrant ni papa pero wala silang maipakita, tinutukan pa ng baril at ang sabi’y umamin
na lang daw na nagtutulak ng druga. Ngunit nanindigan si papa na illegal ang ginagawa
nila hanggang sa.. (Napahinto at naluluha.)

Noel : Hanggang sa ano?

Berto : Tinutukan siya ng baril at kinilabit ang gatilyo at dinamay pa si mama.


Kita mismo ng dalawa kong mata habang nakatago sa aming kabinet. Ang sinabi pa sa
balita’y nanlaban daw kaya napatay. Gusto kong maghiganti at bigyan ng hustisya ang
kanilang kamatayan. Lintik lang ang walang ganti! (Puno ng galit.)

Ruben : Walang patutunguhan ang paghihiganti mo. Mapupunta ka sa impyerno


n’yan.
Berto : Bakit? Hindi ba impyerno rin dito sa mundong ibabaw? ‘Di ba puro
naman pasakit, pagpapahirap, pagmamalabis at pangungutya? Walang kaibahan sa
impyerno sa ibaba.

Ruben : Pero ang paghihiganti ay wala sa kamay natin!

Berto : Lilimutin ko na lang ba ang kababuyan nilang ginawa sa pamilya ko?!


Wala ka sa kinatatayuan ko kaya madali mong nasasabi iyan!

(Biglang tutunog ang wangwang ng sasakyan ng mga pulis.)

Noel : Patay! Paparating na ang mga parak! Takbo na tayo!

(Dali-daling tumakbo ang mga rugby boys pero hinabol sila ng mga pulis at nagpaputok
ng baril. Natamaan sa kanang binti si Ruben at napahiga sa lupa. Napahinto ang
magkakaibigan.)

Ruben : Tumakbo na kayo! Bilis! Iwan n’yo na ako dito.. (Namimilipit sa sakit.)

Noel : Hindi ka namin pwedeng iwan dito. Sama-sama tayo ‘di ba? Walang
iwanan, tol. (Naiiyak.)

(Inakay nila Noel at Berto ang sugatang si Ruben pero naging mabagal ang kanilang
pagtakas at naabutan sila ng pulis.)

Mga Pulis : Walang kikilos! Kundi babarilin namin kayo!

(Nagtangkang humakbang ang tatlo kaya nagpaputok ng baril ang mga pulis at
natamaan ang dibdib ni Noel. Napahiga siya sa sahig. Kinalong siya ng dalawa niyang
kaibigan.)

Noel : Sana sa susunod nating buhay, (hinahabol ang hininga) hindi na malupit
ang tadhana sa atin. (Binawian ng buhay.)

Ruben at Berto : Noel!!! (Sigaw nila sabay ang malakas na hagulhol.)

(Magsasara ang tabing.)

-Wakas-

You might also like