You are on page 1of 4

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

AP 10

A. MIGRASYON
Natutukoy ang mga dahilan ng migrasyon sa loob at labas ng bansa. (FK-A) 5 items
1. Sa tala noong 2013, tinatayang mahigit sa 10 milyong Pilipino ang naghahanap-buhay sa
mahigit 190 bansa sa daigdig. Kabilang sa mga ito ang 3.5 milyong Pilipinong permanente
nang naninirahan sa iba’t ibang bansa. Anong uri ng migrasyon ang ipinapakita sa
sitwasyon?

a. Migrasyong Panlabas c. Migrasyog Panlabas o Internal Migration


b. Migrasyong Panloob d. Migrasyong Panloob o External Migration

2. Ito ang dahilan na may malaking porsiyento ng mga migranteng nangingibang-bansa na


tiatawag na economic migrants.

a. Paghahanap ng mas magandang pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang


kabuhayan.
b. Pagtanggi sa sahod na nakuha sa local na pamahalaan.
c. Pagkakaroon ng isyung political dynasty sa bansa.
d. Pag-iwas sa graft and corruption ng bansa.

3. Ang naitalang 3.8 milyong Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtatrabaho sa mga
bansang tulad ng Saudi Arabia, Kuwait, Hongkong at iba pa ay patuloy pa ring tumataas
kahit ang iba ay sangkot sa mga walang legal na papeles. Ang sitwasyong ito ay maiuugnay
sa isyung _________________.

a. Graft and Corruption c. Migrason


b. Political Dynasty d. Territorial Dispute and Border Conflicts

4. Sa sitwasyon ng Pilipinas na maraming mga Pilipino ang nagkaroon ng magandang trabaho


na may mas malaking sahod sa labas ng bansa ay maaari ring nagdulot ng tiyak na sulrianan
sa bansa. Ito ay ang isyung__________________.

a. Debts o pagkalubog sa utang


b. Overpopulation o pagdami ng populasyon
c. Poverty o kahirapan
d. Unemployment o kawalan ng trabaho

5. Bahagi rin ng migrante sa buong mundo ay mga refugee na lumikas sa kanilang sariling
bayan. Ang naging sanhi nito ay ang sumusunod maliban sa _______________..

a. Umiwas sa labanan
b. Mallayo sa prosekusyon o karahasan
c. Matugunan ang gutom na sanhi ng mga kalamidad
d. Magkaroon ng magandang trabaho at mataas na sahod
Naipaliliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan, pampulitika, at
pangkabuhayan. (CK-A) 5 items

1. Ang resulta ng migrasyon ay naipapakita sa aspektong panlipunan, pampulitika at


pangkabuhayan maliban sa isa.

a. Ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang populasyon.


b. Ang pagkakaroon ng krisis sa ekonomiya ng bansa.
c. Ang pagtaas ng buwis na ipinapataw sa mamamayan para sa impraestruktura.
d. Ang pagkakaroon ng isang angkan na mamumuno sa pamahalaan.

2. Isa ito sa epekto ng migrasyon na kung saan matapos makapag-aral sa Pilipinas ang mga
eksperto sa iba’t ibang larangan ay mas pinipili nilang manngibang-bansa dahil sa mas
magandang oportunidad na naghihintay sa kanila.

a. Brain Drain
b. Integration at Multiculturalism
c. Pag-unlad ng ekonomiya
d. Pagbabago ng Populasyon

3. Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas. Ito ay


makikita sa sumusunod na pangyayari maliban sa isa.

a. Ang kanilang remittance o ipinadadalang pera sa kanilang pamilya ay nagsisilbing capital


para sa negosyo.
b. Naiaahon ng mga OFW ang kanilang pamilya mula sa kahirapan.
c. Nakapagtappos ang kanilang mga anak sa pag-aaral sa kolehiyo.
d. Naiuulat ding marami ang nakapag-asawa ng banyaga.

4. Ayon sa International Organization for Migration, umaabot sa milyon-milyong migrante ang


walang kaukulang papeles taon-taon. Maaaring magresulta ito sa hindi magandang
pangyayari katulad ng mga sumusunod maliban sa isa.

a. Mahaharap sa mapanganib na mga paglalakbay.


b. Pang-aabuso ng mga illegal na recruiter.
c. Paghihirap sa kondisyon ng pamumuhay at kawalan ng suporta sa pagtapak sa ibang
bansa.
d. Ang ama ay matututong mangalaga sa mga anak o ang mga nakatatandang miyembro
ng pamilya.

5. Ito ay isang doktrinang naniniwala na ang iba’t ibang kultura ay maaaring magsama-sama
nang payapa at pantay-pantay sa isang lugar o bansa.

a. Brain Drain c. Integration


b. Multiculturalism d. Economic Migrants
B. Suliraning Teritoryal
Natatalakay ang mga dahilan ng mga suliraning teritoryal at hangganan (territorial and border
conflicts) (CK-A) 6 items

USAPIN TUNGKOL SA SABAH

Ang usapin ukol sa Sabah ay binigyang-pansin din ni Pangulong Diosdado Macapagal noon. Ang
Sulat ng Sulu ang may-ari ng Sabah at ito ay pinaupahan lamang sa isang mangangalakal na Ingles,
British North Borneo Co., noong 1878. Kinuha ito ng Britain noong Hulyo 10, 1946. Pagkaraan ng 16
taon, ibinalik ng Inglatera ang teritoryo ng Sabah sa Malaysia noong 1962 kasama ang Sarawak at
Singapore upang bumuo ng estado ng Malaysia.Dahil sa Malaki ang pakinabang na makukuha rito,
tinutulan ito ni Panngulong Macapagal. Sa halip na magtatag ng pederasyon, iminungkahi niya na
magtatag ng samahan na bubuuin ng Malaysia, Pilipinas at Indonesia na tatawaging MAPHILINDO.
Itinatag ang samahang ito sa Maynila sa imbitasyon ni Pangulong Macapagal. Pinagkasunduan ng
tatlong bansa na lulutasin nila ang suliranin sa Sabah sa isang mapayapang paraan. Nagkaroon ng
plebisito at bumoto ang mga mamamayan. Ninais ng mga mamamayan ng Sabah na sumanib sa
Malaysia kaya’t nabigo ang paghahabol ng bansang Pilipinas sa Sabah. Naging dahilan ito para
maputol ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas at Malaysia noong 1963.

Noong February 9, 2013, ipinadala ng Sultan ng Sulu, Jamal ul-Kiram III, ang kanyang royal army
sa Malaysia upang igiit ang kanyang karapatan (asset rights) sa Sabah, North Borneo. Ayon sa mga
tagapagmana ng Sultan, bagama’t patuloy pa rin ang pagbabayad ng Malaysia ng US$1,000 bilang upa
sa lupain ng Sultan ng Sulu, hindi ito sapat dahil kumikita ang Malaysia sa kanilang lupain ng
tinatayang US$10-12 bilyon. Naging madugo ang pag-aangkin muli sa lupain sa Sabah. Inakusahan ng
panghihimasok ang mga tauhan at royal army ng Sultan at tinugis sila ng pamahalaang Malaysian.

Ipinahayag ng Sultan ng Sulu ngayon at Sultan Esmail Dalus Kiram II, na patuloy pa rin niyang
ipaglalaban ang pagmamay-ari ng Sabah. Ang mga sigalot ay kanilang idinulog na sa United Nations at
International Court of Justice upangmagkaroon nngtahimik at mapayapang usapin tungkol sa isyu ng
pamamahala at pagmamay-ari.

1. Ang sitwasyon na inilahad sa itaas ay isang halimbawa ng isyung__________________.

a. Graft and Corruption c. Political Dynasty


b. Migrasyon d. Territorial Dispute and Border Conflict

2. Ang tatlong bansa na napabilang sa MAPHILINDO ay ____________________.

a. Malta, Pilipinas at Malaysia c. Indonesia, Pilipinas at Malaysia


b. Malaysia, Pilipinas at Indonesia d. Macau, Pilipinas at Malaysia

3. Noong February 9, 2013, ipinadala ng Sultan ng Sulu, Jamal ul Kiram III ang kanyang royal army
sa Malaysia na nagbunga sa isang madugong pag-aangkin sa lupain. Anong karapatan ang
ipinaglaban ng Sulatan?
a. Asset Rights c. Human Rights
b. Bill of Rights d. Community Rights

4. Ang presidente ng Pilipinas noon na nagbigay-pansin sa usapin ng Sabah ay ______________.

a. Pangulong Aquilino Macapagal


b. Pangulong Diosdado Macapagal
c. Pangulong Manuel L. Quezon
d. Sultan Esmail Dalus Kiram II

5. Ang mga sumusunod ay mga suliraning may kaugnayan sa territorial dispute and border conflict
maliban sa isa.

a. Madaling nakapapasok ang mga dayong pirating nandarambong sa mga Pilipinong


mangingisda at mangangalakal dahil sa kakulangan nng mga makabagong kagamitang
pandagat.
b. Ang pagkakaroon ng mahabang baybayin at pulo-pulo ng ating bansa hindi ganap na
nababantayan ng sandatahang lakas ang bawat dagat at baybayin.
c. Mahina ang pagpapatupad ng batas sa ating bansa.
d. Ang kawalan ng magandang turismo ng bansa.

You might also like