You are on page 1of 7

1

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN


EKONOMIKS

I. Layunin

Sa loob ng limampung (50) minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

 Nalalaman ang paraan sa pagkwenta ng SALN.


 Nasusuri ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan sa pag-unlad
ng ekonomiya ng bansa.
 Nakokompyut ang halaga ng kanilang mga personal na kagamitan at mga
pagkakautang gamit ang SALN.
II. Nilalaman

A. Aralin:

UNIT III: Makroekonomiks


ARALIN 3: Ugnayan Ng Pangkalahatang Kita, Pag-Iimpok At Pagkonsumo
PAKSA: Kahalagahan Ng Pag-Iimpok At Pamumuhunan Sa Pag-Unlad Ng
Ekonomiya Ng Bansa

B. Batayan:

Araling Panlipunan
Modyul Para Sa Mag-Aaral
Pahina 268-270

C. Kagamitan:

Cartolina, Marker, Larawan, Manila Paper.

D. Kakayahan

Matalinong Desisyon, Mapanuring Pag- Iisip, at Pagkwenta.

III. Pamamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG AARAL


A. Panalangin
 Tumayo ang lahat, Alexa, (Almighty God, my Eternal Father, 
pamunuan mo ang panalangin. from the fullness of my soul I adore
You. 
I am deeply grateful that You have made
me 
in Your image and likeness, 
and that You ever hold me in Your loving
embrace. 
Direct me to love You with all my heart, 
with all my soul, 
and with my whole mind.
Direct me to love all Your children as I
love myself. 
O, my Father, my soul longs to be united
to You, 
and to rest in You forever. 
Have the Holy Spirit touch my soul 
so that I may love You as He does, 
and as Your Beloved Son Jesus does. 

Amen.)
B. Pagbati
 Magandang umaga!
 Magandang umaga din naman
 ( Unang pangakat, Ikalawang po!

1
2

pangkat, Ikatlong pangkat )


 ( Unang pangakat, Ikalawang
Sino ang liban sa inyong grupo? pangkat, Ikatlong pangkat )

Ikinagagalak ko pong sabihin sa


inyo sa walang liban sa aming
 Mahusay! grupo.

C. Balik Aral
 anong paksa ang ating pinag- MGA INAASAHANG SAGOT:
aralan sa nakaraang talakayan?
 Sa nakaraang araling ay pinag-
aralan natin ang kwentong
pinamagatang “Kalayaan Sa
 Magaling! Kahirapan” na binigyang diin ang
 pakiulit ang sinabi ng iyong isang kahalagahan ng pag-
kamag aral. iimpok.
 Maraming salamat sa inyong mga
kasagutan. Sa araw na ito ay
mayroon na naman tayong  (uulitin ng estudyante ang sinabi
panibagong aralin na tatalakayin. ng kanyang kamag aral)
Handa na ba kayong matuto?

D. Pagganyak na Gawain

GUESS WHAT?

(Huhulaan ng mga mag-aaral ang


pinapahiwatig ng larawan)  Opo!

E. Talakayan
 Ano ang pinapahiwatig ng unang  Ang unang larawan ay
larawan? nagpapakita ng pag-iimpok.
 tumpak!

 Ano naman ang pinapakita ng  Ang ikalawang larawan ay


ikalawang larawan? nagpapakita ng pamumuhunan o
invetment.
 tama!
 Ano naman ang pinapahiwatig ng  Ang ikatlong larawan ay
ikatlong larawan? nagpapakita ng ekonomiya ng
bansa.

 Mahusay!
 Paano nagkakaugmay ang tatlong  Base sa mga larawan,ang ating
larawan sa pag unlad sa aspetong aralin sa araw na ito ay
pang ekonomiya? tumutukoy sa kahalagahan ng
,base sa mga larawan,ano ang pag-iimpok at pamumuhinan sa

2
3

paksang tatalakayin natin sa araw na pag-unlad ng ekonomiya ng


ito? bansa.

 magaling!
 buksan ang inyong aklat sa pahina
268.

Pamprosesong Tanong:

 Sa anong paraan nagkakaiba ang  Ang pag-iimpok ay ang pag-iipon


pag iimpok at pamumuhunan ng salapi na siyang maggagamit
sa pangangailangan sa
hinaharap. Ang pamumuhunan
naman ay panahon o oras, lakas
o enerhiya, at iba pang bagay na
 tama! inilalaan sa paghahangad na ito’y
magbunga ng mga benepisyo sa
loob ng isang nakatakdang oras
sa hinaharap.

 Mahalaga ang pag iimpok at


 Bakit mahalaga ang pag iimpok at pamumuhunan sa aspetong pang
pamumuhunan sa aspetong pang ekonomiya dahil dahil
ekonomiya? nakapagpapabuti itop ng
pambansang pamumuhay.
Maaaring ang bilihing
pangkunsumo ng mamamayan
ay bababa din at ang interes sa
pagpapautang sa banko ay
ganun din.

 tama
 Ang matatag na sistema ng
 Ano naman ang kahihinatnan ng pagbabangko sa bansa ay isang
matatag na sistema ng pagbabangko magandang indikasyon tungkol
sa bansa? sa sistemang pananalapi. Ibig
sabihin ay hindi dapat
mangamba ang mga Pilipino
tungkol sa kanilang mga perang
nakaimpok sa bangko dahil sa
matatag na sistema nito. Ito rin
ay nangangahulugang mas
magandang sirkulasyon ng pera
sa ekonomiya.

 tama!

 (Pagkatapos ng talakayin ng guro ang


kahalagahan ng Pag-iimpok at
Pamumuhunan sa pag unlad ng
ekonomiya ng bansa,may
panibagong gawain naman
angtatalakayin na may kaugnayan
naman sa kita)
 Ang SALN ay ang deklarsyon ng
 Sino sa inyo ang may alam tungkol sa lahat ng pag
SALN? aari,pagkakautang,negosyo, at
iba pang financial interest ng
isang empleyado ng
gobyerno,kasama ang kaniyang
asawa at mga anak na wala pang
18 taong gulang.
 tumpak!

3
4

(Magpapakita ang guro ng halimbawa ng


SALN ni pangulong rodrigo duterte)

 Ito ang halimbawa ng SALN ni


Pangulong Rodrigo
Duterte,Mapapansin natin na
nakasaad dito ang lahat ng ari-
arian,mga sasakyan,pagkakautang at
lahat ng pag-aari ng pangulo.

F. Gawain ( INDIBIDWAL)

" IDEKLARA ANG IYONG YAMAN! "

Gawain mo rin ito ipang malaman mo ang


iyong kalagayang pinansyal.Dahil sa
maaaring kakaunti pa ang iyong pag-
aari(asset), isama ang mga simpleng bagay
na mayroon ka katulad ng
relo,damit,kuwentas,sapatos,singsing, at iba
pang personla na gamit na mayroon pang
halaga.

Punan mo ng kunwaring datos ang SALN na


nasa ibaba bilang pagpapakita ng iyong
pamumuhay. Sagutan rin ang mga
pamprosesong tanong.

Pag-aari (ASSET) Halaga


Php

Kabuuang halaga
Php___
Pagkakautang Halaga
(LIABILITIES)
Php

Kabuuang halaga
Php
Asset - Liabilities = Php

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang nararamdaman mo habang
ginagawa nag gawain?
2. May natira ka bang asset matapos
maibawas ang liability?

4
5

3. Ano ang ipinahihiwatig ng kalayaang ito sa


iyong buhay bilang isang mag-aaral?
4. Ano ang dapat mong gawin matapos
mong malaman ang kasalukuyan mong
kalagayang pinansyal?

 Pakipasa na ang inyong gawain.  (Ipapasa ng mga mag aaral ang


kanilang gawain)

BATAYANG NG PAGMAMARKA

RUBRIK

Natatangi Mahusay Di gaanong Hindi Mahusay


Mga Kraytirya 5 puntos 4 na puntos mahusay
3 puntos 2 puntos
1. Kaalaman at
pagkakaunawa
sa paksa
2. Paraan ng
pagkwenta
3. Kalidad ng
impormasyon o
ebidensya
KABUUANG
PUNTOS

G. Paglalahat
 ano ang ating talakayan sa araw na ito  ang tinalakay natin sa araw na ito na
na iyong lubos na naunawaan? lubos kong naunawaan ay tungkol sa
kahalagahan ng pag-iimpok at
pamumuhunan sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa at kung paano
 magaling! magkwenta ng SALN.

 Paano ka natulungan ng nasabing  Nakatulong ang aralin sa akin bilang


aralin? isang mag aaral na maunawaan ang
kahalagahan ng pag iimpok at
pamumuhunan at kung paano
magkompyut ng SALN na maari kong
magamit sa sa aking magiging trabaho
sa hinaharap.
H. Aplikasyon

 Ano ang kahalagahan ng pag iimpok  kung matututong mag-impok ang mga
at pamumuhunan sa pagdedeklara ng tao, maaaring tumaas ang resulta ng
SALN? kanyang aassets. Samantala, kung
hindi marunong mag impok ang mga
tao,maari syang matuksong
mangutang na magreresulta sa
pagtaas ng kanyang liabilities.

 Paano nakatulong ang pag iimpok sa  Nakakatulong ang pag iimpok sa


pag unlad ng ekonomiya? ekonomiya sa pamamagitan ng
tamang paggastos ng tao bilang isang
matalinong konsyumer. Dahil sa pag
iimpok nawawala sa isip ng tao ang

5
6

mangutang kung kaya’t may positibo


itong epekto sa magandang buhay ng
isang pamilya. Kapag maraming tao
ang nag-iimpok nakakatuong ito sa
pagpapaunlad ng kanilang buhay na
indikasyon ng isang maunlad na
ekonomiya.
 Mahusay!

IV. Pagtataya.
Isulat ang tamang sagot sa nakalaang patlang.
_____1. Ito ay ahensya ng pamahalaan na nagbibigay proteksyon sa mga depositor sa bangko
sa pamamagitan ng pagbibigay seguro sa kaning deposito hanggang sa halagang Php250,000
bawat depositor.
_____2. Ito ay deklarasyon ng lahat ng pag-aari(assets), pagkakautang (liabilities),negosyo at
iba pang financial interest.
_____3. Ito ang inilalaang pera para sa mga depositor sa bangko na umaabot hanggang
Php250,000 bawat depositor.

V. Takdang Aralin
Sagutan ang gawain 8. KITA AT GASTOS NG AMING PAMILYA.
Alamin ang buwanang kita ng inyong pamilya. Kapanayamin ang iyong mga magulang kung
paano ginagastos ang kita ng pamilya sa loob ng isang buwan. Gamitin ang talahanayan sa
ibaba bilang gabay. Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong tanong sa susunod na
pahina.

PINAGMULAN NG KITA BAWAT BUWAN HALAGA


1. Suweldo
2. Iba pang kita
KABUUANG KITA
GASTOS BAWAT BUWAN
1. Pagkain
2. Koryente
3. Tubig
4. Matrikula/baon sa paaralan
5. Upa sa bahay
6. Iba pang gastusin
KABUUANG KITA
KABUUANG GASTOS-GASTOS BAWAT
BUWAN

Pamprosesong tanong:
1. Batay sa ginawa mong talahanayan,mas malaki ba ang kita ng iyong pamilya kompara
sa gastusin?
2. Kung mas malaki ang gastusin kaysa kita ng pamilya, paano nyo ito natutugunan?
3. Ano ang nararapat ninyong gawin upang hindi humantong sa mas malaking gastos
kompara kita?
4. Kung mas malaki naman ang kita kompara sa gastusin, may bahagi ba ng natirang
salapi na napupunta sa pag-iimpok? Sa pamumuhunam? Idetalye ang sagot.

Inihanda ni:

John Leo D. Rodriguez


AP Student Teacher

6
7

You might also like