You are on page 1of 6

Paaralan Baitang/Antas 9 Markahan UNANG MARKAHAN

GRADE 9
Guro Asignatura ARALING PANLIPUNAN (Ekonomiks) / Week 1-Day 3
DAILY LESSON PLAN
Petsa/Oras Naipamamalas ang malalim na pag-unawa sa mga pangunahing kaisipan at napapanahong isyu sa
A. Pamantayang Pangnilalaman ekonomiks at pambansang pag-unlad gamit ang mga kasanayan at pagpapahalaga ng mga
(Content Standard) disiplinang panlipunan tungo sa paghubog ng mamamayang mapanuri, mapagnilay, mapanagutan,
I. LAYUNIN

makakalikasan, produktibo, makatarungan, at makataong mamamayan ng bansa at daigdig.


B. Pamantayan sa Pagganap  Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang mga pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng
(Performance Standard) Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay.
C. Kasanayang Pampagkatuto
(Learning Competencies)
Naipakikita ang ugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw na pamumuhay (AP9MKE-1a-3)
Layunin (Lesson Objectives)
Natutukoy ang kahulugan at katuturan ng kakapusan o scarcity at kaugnayan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay sa
Knowledge
pamamagitan ng picture interpretation.
Nakagagawa ng isang komprehensibong paghahambing tungkol sa pagkakaiba ng kakulangan at kakapusan gamit ang venn
Skills
diagram.
Naipapakita at napapahalagahan ang konsepto ng matalinong pagdedesisyon bilang isa sa mga mahahalagang tugon sa suliranin ng
Attitude kakapusan sa pamamagitan ng Rolestorming at Gap Filling.
II. NILALAMAN (Subject Matter/Lesson) Aralin 2: KAKAPUSAN

-mga larawan tungkol sa mga gawaing may kaugnayan sa kakapusan


A.  Mga Kagamitang Panturo
-manila paper
III. KAGAMITANG PANTURO

   Ekonomiks, Araling Panlipunan,Modyul para sa mag-aaral


B. Mga Sanggunian (Source)

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Pahina 23-36


2. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-
Batayang Aklat pahina 23-26
aaral
   
IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o


pagsisimula ng bagong aralin  Itanong
1. Ano ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang:
-isang mag-aaral?
-Isang miyembro ng pamilya?
-isang mamamayan ng Pilipinas?
(PROCEDURES)  Pagganyak
Gawain 1: Picture Puzzle (Pangkatan)
Panuto: May tatlong set ng picture puzzle. Buuin ito upang malantad ang nakatagong larawan.

https://www.google.com.ph/search?
q=larawan+ng+kakapusan+at+kakulangan&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj97ciO1t3gAhWaV30KHUTJDQgQ_AUIDigB&biw=1366&bih=6
25#imgdii=qdaAUuBF2D0Q_M:&imgrc=0ASU0rSq6xoaZM:

B. Paghahabi sa layunin ng aralin  Pagkatapos ng gawain ay ipapaskil sa pisara ang mga nabuong puzzle at itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Ano ang nais ipahiwatig ng bawat larawang nabuo?
2. Tungkol saan ang ating pag-uusapang paksa sa ngayon?
 Gawain 2: IHAMBING MO!
Panuto: Suriin ang mga produktong nakalista sa hanay A at B sa T-chart. Ihambing ang dalawang hanay at sagutan ang mga
pamprosesong tanong.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa
HANAY A HANAY B
bagong aralin
Bigas Gasolina
Isda Ginto

 Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit magkasama ang mga produkto sa iisang hanay? Ipaliwanag.

 Malayang Talakayan:
Balikan ang mga larawang nabuo kanina. Talakayin ang kahulugan at katuturan ng kakapusan sa tulong ng mga ito:
 Itanong:
1. Gamit ang mga salitang nabuo kanina, ano ang kakapusan?
-Kakapusan ay isang problema hinggil sa ekonomiya ng pagkakaroon ng walang hanggang pangangailangan sa bansa o
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at
mundong mayroong limitadong likas na yaman.
paglalahad ng bagong kasanayan #1
2. Paano nauugnay ang kakapusan sa pang-araw-araw na pamumuhay?
-Ang kakapusan bilang isang pamayanan na may limitadong pinagkukunang-yaman na hindi kayang matugunan ang lahat
ng produkto at serbisyo na gusto at kailangan ng tao. Katulad ng isang pamilya at pamayanan na hindi kayang ibigay sa
bawat miyembro nito ang lahat ng kanilang kailangan.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at  Gawain 3: Venn Diagram


paglalahad ng bagong kasanayan #2 Sa tulong ng venn diagram, gumawa ng isang paghahambing tungkol sa pagkakatulad at pagkakaiba ng kakapusan at
kakulangan.
 Sagutin mo:
F. Paglinang sa Kabihasan 1. Bakit nangyari ang kakapusan?
(Tungo sa Formative Assessment) 2. Bakit maituturing itong isang suliranin?

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw  .


na buhay  Gawain 4: Rolestorming at Gap Filling
 Panuto: Bigyang-halaga ang matalinong pagdedesisyon bilang isang mahalagang tugon sa suliranin ng kakapusan. Pumili ng
isang role sa ibaba at sagutin ang sumusunod na katanungan sa pamamagitan ng gap filling technique.
 Provincial Governor
 Municipal Mayor
 Barangay Chairperson
 Sagutin:
1. Kung ikaw ay isang (provincial governor, municipal mayor, barangay chairperson), ano ang iyong mga planong gagawin
upang matugunan ang mga problema sa kakapusan ng mga likas na yaman sa inyong lugar? Sundin ang format.
Suliranin: Kakapusan
Role: Mayor
A. Mga Dahilan ng kakapusan B. Mga hakbangna dapat Gawin C. Inaasahang Resulta:
1.________________________ 1. _________________________ 1. _________________
2.________________________ 2. _________________________ 2. _________________
3.________________________ 3. _________________________ 3. _________________
4.________________________ 4. _________________________ 4. _________________
5.________________________ 5. _________________________ 5. _________________

 Itanong: Paano nakakapekto ang kakapusan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay?


 Paglalahat: Bilang isang indibidwal, mahalagang malaman natin ang kahulugan ng kakapusan dahil nakakaapekto ito sa
ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ang pagkakaroon ng kamalayang panlipunan tungkol halimbawa sa pagkakaroon
H. Paglalahat ng Aralin ng limitadong pinagkukunang-yaman ay mahalaga sapagkat dito tayo kumukuha ng ating mga pangangailangan at
kagustuhan. Kung salat tayo sa kaalaman tungkol sa kakapusan, hindi natin magagampanan ang ating tungkulin bilang
tagapangalaga ng mga likas na yaman. Ang pag-aaral tungkol sa kakapusan ay nakatutulong upang maging responsable
ang tao sa paggamit ng mga likas na yaman.
 Ebalwasyon: Essay
 Panuto: Ibigay ang ideya sa sumusunod na tanong:
1. Ano ang ibig sabihin ng kakapusan? Magbigay ng halimbawa nito.
2. Anu-ano ang pagkakaiba ng kakapusan at kakulangan?
3. Bakit mahalaga ang matalinong pagdedesisyon sa pagtugon sa problema ng kakapusan?
I. Pagtataya ng Aralin
Krayterya sa pagmamarka
1. Organisasyon ng ideya---------------------10 puntos
2. Nilalaman at kalinisan-----------------------10 puntos
3. Kaangkupan sa paksa----------------------10puntos
Kabuuan-----------------------------------------30puntos
J. Karagdagang gawain para sa takdang-
 Panuto: Gumawa ng obserbasyon sa inyong pamayanan. Itala sa kwaderno ang likas na yaman sa inyong lugar at tukuyin kung
aralin at remediation
ito ba ay may kakapusan o may kakulangan. Isulat ito sa isang buong papel.
V. Mga Tala

VI. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya

B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba


pang Gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan
sa tulong ng aking punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na
nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Prepared by: MARITES A. ABIERA


Reviewed and Edited by: GERMELINA V. ROZON

You might also like