You are on page 1of 1

Incident Report

Date: February 21, 2018

Time: 7:00 am

Statement of Facts:

Nangyari ito noong February 21, 2018 (Miyerkules), kakatapos lang ng first period mga bandang
alas siyete ng umaga ng bigla akong tinawag ng isa sa mga estudyante ko dahil si ANGHELA
SOLOMON daw ay inatake. Agad naman akong pumunta sa classroom para tignan ang nangyari.
Nakita ko ang bata na nakahiga sa sahig at puro dugo ang bibig. Agad akong nagsabi sa mga kaklase
na buhatin at dalhin sa clinic. Tinawag ko si Mrs. Valencia para tulungan ako dahil nataranta na rin
ako. Nung nasa clinic kinontak ko na ang magulang para malaman ang nangyari. Nagpatawag si Mrs.
Valencia ng MAPEH teacher para bigyan ng first aid ang bata. Maya maya dumating ang nanay ng
bata at nagtanong kung anung nangyri, lumabas siya ulit para tumawag ng ambulansya sa Barangay.
Umalis ang nanay na hindi ko iniwan na nagiisa ang bata sa clinic, hanggang sa dumating ang
ambulansya hinatid ko pa ito hanggang sa makaalis sila. Sinabi ko pa sa nanay na hindi na ako
makakasama dahil may klase pa ako. Nung araw din na iyon tinanong ko ang mga kaklase kung ano
ang nangyari, ang sabi nila ay nakatayo daw si Anghela sabay bumagsak sa sahig.

Kinabukasan, February 22, 2018 ( Huwebes), umaga ng malaman namin sa isang co-teacher na
meron daw nagpost sa facebook tungkol sa nangyari kahapon. Wala akong kaalam alam na may
nagpost pala ng ganun. Tinignan ko ung post sa nagngangalang ERLINDA MARCOS at ito ang
nakalagay;

“Sory po sa masasaktan, bakit po may mga teacher sa Balara High School na hindi naniniwala na
ang mga student nila ay may mga medical condition, kailangan pa muna maaksidente bago
maniwala, sana po kayo ang pangalawang ina ng mga student na gagabay sa kanila habang nasa
school po sila pero iba ang nagyayari po.” ( na may kasamang picture ng bata )

Agad kong tinext ang nanay ng magulang para pumunta sa school para pagusapan ang nasabing post
pero hindi agad nagreply. Mga 2:43 na ng hapon nagreply ang nanay at sinabing hindi daw po
kasiraan yung nasabing post. Sinabi ko nalang po na pumunta nalang siya sa school kinabukasan.

February 23, 2018 (Biyernes), Tinext ko ang nanay na kung maaari ay pumunta sa school ng
makausap dahil ang nasabing post ay nagkaroon n ng shares na almost 100 at nalaman pa ito ng
aming principal. Ng araw din na iyon ay kinausap ko ang mga estudyante sa nakakita ng pangyayari
kay Anghela. Kinausap din namin ang batang kasama ng nanay sa ospital at ng tinanong namin kung
kilala niya si ERLINDA MARCOS ay walang kaabog abog na sinabing si ERLINDA MARCOS ay nanay
nung bata. Pumunta ang nanay sa school at nung tinanong kung kilala nya si ERLINDA MARCOS sabi
niya ay hindi daw. Sa madaling sabi tinatanggi niya na hindi siya si ERLINDA MARCOS at hindi daw po
siya ang nag post.

Wala po kapabayaan na nangyari nung araw na iyon tulad ng nakalagay sa post.

You might also like