You are on page 1of 2

Nena at Neneng

Ni: Valeriano Hernandez Peña

Buod:

Mayroong dalawang matalik na kaibigan na nag ngangalang Nena at Neneng na kung saan sila ay
palaging magkasama at kung tutuusi’y sila ay maihahalintulad sa mag asawa kung ang isa lamang sa
kanila ay magiging isang binata. Sina Nena at Neneg ay parehong ulila kaya’t sila naman ay masipag sa
kanilang pangunahing pinagkukunan ng hanap buhay ang pananahi, palagi ring dinaraanan ni nena si .
neneng sa kanilang bahay at sabay pumupunta sa may patahian kung saan sila nagtratrabaho.

Isang umaga’y napansin ni neneng na si nena ay malungkot ng siya ay daanan sa kanilang bahay
Nakita ni neneng na ito’y katatapos lamang umiyak at tila ba wala sa kanyang sarili. “bakit Nena ano ang
nangyari sayo? Tanong ni Neneng sabay ang kadugtong na tanong na “hindi kaba papasok?” ‘bakit
hindi? Sagot ni nena at sinabing “ako ay magbibihis muna”. Nagmamadaling magbihis si nena
samantalang si neneng naman ay lumapit sa isang halaman at pumitas ng bulaklak nito at winika sa sarili
na “Ang bulaklak na ito ay ibibigay ko kay Miguel” kasabangay nito ang pag angat niya sa kanyang
kamison upang ihulog sa kanyang dibdib ang bulaklak. Sila ay umalis ng bahay nila nena at wari’y
mayroong tampuhan na namumuo sa kanilang dalawa dahil sa hindi pagkikibuan, at nang hindi makatiis
is si neneng ay nagsumikap itong tanungin si neneng kung bakit ito umiiyak at ang sagot lamang ni nena
ay walang dahilan ngunit hindi naniwala sa neneng sa tugon na iyon ni nena.

Habang sila ay patuloy sa paglalakad natanaw nila ang isang binata nagngangalang Miguel na
bumati sa kanilang dalawa na lubos na ikinatuwa ni Nena. Si Neneng ay napakita ng maling ikinikilos kay
Miguel sa pagkat hindi siya umaayon sa namumuong pag iibagan ng kanyang matalik na kaibigan na si
Nena. Lumakad papalayo sa dalawa si Neneng kasabay nito ang pagdukot ng bulaklak ni Nena na
kanyang ibibigay kay Miguel ngunit sa kasamaang palad ay nakita ito ni neneng, sinabi ni Neneng kay
Miguel na bukas nalang ng maaga sa may tapat ng simbahan ang mga ito mag usap dahil hindi nito
susunduin si Nena sa kanilang bahay. Matapos ang pag uusap nila Miguel at Neneng ay agad namang
pinuntahan ang nagtatampo nitong kaibigan na si Nena at pinawinagan. Pagkatapos ng araw na iyon ay
sabay paring umuwi sila Nena at Neneng ngunit ang kaibigan ni Nena na si Neneng ay walang kalam-
alam sa napag usapan nilang dalawa ng kasintahan nitong si Miguel.

Mga Tauhan:

 Nena – Isang mabait at magandang dalaga na mananahi, matalik na kaibigan ni Neneng at


umiibig kay Miguel.
 Neneng – Isang mabait at magandang dalaga na may lihim na pagtingin kay Nena na isa ring
mananahi.
 Miguel – Isang magalang at butihing binata na umiibig sa kaibigan ni Neneng na si Nena.

Tagpuan:

Panahon

 Tuwing Umaga
Lugar

 Sa Isang bahay-patahian
 Sa Bahay nila Nena.

Tunggalian:

 Tao laban sa Tao


Sapagkat ang dalawang tauhan sa kwento ay mayroong alitan, katulad ni Neneng na mayroong
sama ng loob kay Miguel dahil hindi ito umaayos sa pag-iibigan nila ni Nena.
 Tao laban sa Sarili
Sapagkat mayroong mga dialogo ng tauhan sa kwento na kumakausap sa kanilang sarili.

Teoryang Klasisismo:

 Pagkamalinaw
Sapagkat ang mga ilan sa mga salita ay pormal, lalong-lalo na sa paglalahad ng mga pangyayari
sa kwento.

You might also like