You are on page 1of 11

Isinulat ni: MA.ANNA D.

PERLAS
Iginuhit ni: MARY MAE P. NICOL
Graphic Illustrator: ALDRIN N. PERLAS

1
2
May isang barangay kung saan lahat
ng pamilya roon ay nagtutulungan
maliban sa pamilya ni Niňa. Hindi sila
tumutulong sa mga gawain sa kanilang
barangay.

3
4
Ang tatay ni Niňa ay isang dentista.
Isang araw, humingi ng tulong sa kanila
ang Kapitan ng barangay. Magkakaroon
ng programa ang barangay para sa mga
matatandang walang ngipin. Bibigyan sila
ng libreng postiso, ngunit hindi pumayag
ang tatay ni Niňa. Nalungkot ang mga
ka- barangay nila.

5
6
Isang araw, namasyal sa plaza ang
pamilya ni Niňa. Pagbalik nila sa bahay,
nakita nila na maraming tao sa labas at
nakakalat ang kanilang mga gamit. Dali-
dali silang bumaba sa sasakyan at
tumakbo papunta sa kanilang bahay.
Galit na galit ang pamilya ni Niňa. Akala
nila ay ninanakawan sila ng mga tao sa
kanilang barangay. Hindi nila alam,
nasusunog na pala ang kanilang bahay.
Ang mga taong naandoon ay tumulong
sa pag-apula ng apoy at sa pagsalba ng
mga gamit nila.

7
8
Nagkamali ang pamilya ni Niňa sa
pag-aakala na ninakawan sila ng mga
tao. Humingi sila ng tawad sa pagiging
masungit nila sa mga ka-barangay nila.
Nagpasalamat sila sa kanila dahil sa
kabila ng pagiging masungit at di-
matulungin sa kapwa, tinulungan pa rin
sila.

9
10
Simula noon, tumutulong na ang tatay
ni Niňa sa mga matatandang walang
ngipin. Maganda na ang kanilang mga
ngiti kasi mayroon na silang mga postiso.
Tumutulong na rin sila tuwing may bagyo,
lindol, sunog , sa paglilinis at sa lahat ng
programa ng kanilang barangay. Hindi
lang sila naging masaya, nagkaroon pa
sila ng bagong mga kaibigan.
Mas lalong gumanda ang mga ngiti ng
mga tao sa Barangay ni Niňa.

11

You might also like