You are on page 1of 5

Barangay Natatangi

Pat V .Villafuerte
I.

Tuwang-tuwa ako at wala naming tigil sa kapapalakpak aat kasisigaw ang mga ka-barangay ko habang ibinababa ni Chairman Dimaano mula sa naka tayong kawayan ang lumang kahoy na may nakasulat na BUKBUKIN.Ito ang pangalan ng aming barangay dito sa , Bayan ng mataas na punong kahoy.

Ngayon pagkaraan ng maraming taon , sa tulong ni Chairman Dimaano at sa tulong daw ng nasa munisipyo, ang barangay BUKBUKIN ay napalitan na ng pangalan.Isang malapad na kahoy ang isinabit ,ito ang ipinalit sa luma at manipis na kahoy . At paulit-ulit naming binasa ang nakasulat sa malapad na kahoy: NATATANGI. Ito ngayon ang bagong pangalan ng aming barangay:BARANGAY NATATANGI.

II. Hanggang ngayon, naalala ko parin ang ikinuwento ni Nanay. Noon daw panahon ng kastila ,ditto sa batangas ang lahat ng taong may kapansanan,pati na ang mga sanggol na kasisilang pa lamang ay sapilitang ipinadadala sa Barrio Brook-Brookin(nang matapos na ang digmaan ay tinawag na Barangay Bukbukin).

III. Ayon kay Nanay, sa tuwing napapasyal ang mga taga-Barangay Bukbukin sa ibang lugar sa batangas ,mapa baryo o mapa lungsod ay agad silang tinitingnan at tatanungin, Taga Barangay Bukbukin kayo, Ano?

Kahit hindi na kami kumilos o magsalita pa ay tiyak nang kami ay tagaBarangay Bukbukbukin.Dahil sa aming kakaibang anyo.Mula ulo hanggang paa.May bagay sa aming panlabas na anyo ang naiiba.At kakaiba. Dahil nga kami ay natatangi at katangi-tangi. Sisimulan ko sa aking pamilya.

Ang aking tatay , ay isa lamang ang tainga,natatakpan ng balat ang kanyang tainga ,kayat ang kanang tainga lamang ang nagagamit niya sa pandinig. Ngunit mahilig siya sa musika. Kung may kulang kay Tatay, may sobra naman kay Nanay. Sobra ng dalawang daliri ang mga kamay ni Nanay. dalawa ang kanyang hintuturo sa kaliwang daliri at dalawa naman ang kanyang hinlalaki sa kanang daliri.Ngunit, mahusay mag burda ng barong tagalong si Nanay. Si Kuya naman ay biyak ang nguso noong siyay ipinanganak. Bukod dito parang palaka kung maglaka si kuya .Ngunit napakabilis ni kuya ng umakyat sa puno ng niyog . IV. Sa aming barangay may ibat-ibang katangian :May pipi, pilay , may luwa ang mga mata, mayt unano, kuba, may sobrang payat, sobrang taba, may sunog ang balat, may ipinanganak na dalawa ang ulo, at iba pa. At ako may KATANGIAN din ako kaya lagi akong naiiwan sa bahay . Kaya lagi akong pinapasan ni tatay.

V. Iba-iba rin ang mga hugis n gaming mukha . May bilog, may mahaba, at may matulis.Minsan itinatanong k okay tatay kung may tawag sa hugis ng mukha ng tao.

Kapag bilog,ang tawag ay bilugan kapag mahaba ang mukha ,ang tawag ay habaanang sabi ni Tatay. Ibig po ninyong sabihin tulisan ang tawag sa matulis ang mukha?ang tanong ko. Ngunit hindi na sinagot ni Tatay . Matulis nga pala ang mukha ni Nanay . Kaya ayaw niyang tinitingnan ang mga inihuhugis kung buwan kung kalahati. Kaya pala ! Kaya pala! VI.

Bukod sa pagpapalit ng pangalan ay pista sa aming barangay kay abalang abala ang lahat.Ang saya-saya. Sa bisperas ng kapistahan ipinuprusisyon na sa ilog si San Juan Bautista, ang patron ng Barangay . May mga handaan din, kahit mahihirap ang mga mamamayan sa aming barangay ngunit lahat ay nakapaghahanda. Karmihan ay pagkaing Dagat. Sa buong maghapon ay may mga ibat-ibang palaro. Sa Gabi naman ay gagawa ng malaking buko Pie. Habang sabay na idinaraos ang patimpalak sa pagsusuot ng mga damit na yari sa mga dahon at katawan ngpuno ng niyog. VII. Marami akong naidodrowing sa dalawang araw na kapiustahan: ang patron, ang pagoda , ann musiko ang mga handa ang mga palaro. VIII. Nagpatawag ng pulong si Chairman. Dumalo si tatay at nanay . Naiwan na naman ako sa bahay ngunit hindi ako maiinip dahil mag dodrowing ako ng magdodrowing. Nagyoy idodrowing ko na naman ang aming paligid sa barangay . Lahat ng aking nakikita: mga taong naglalakad, mga batang naglalaro, mga hayop na tumatakbo, mga halamang namumulaklak. Mahusay rin akong magpinta .Minsan nga pinintahan ko ang kapirasong kahoy na tumatyakip sa butas n gaming dingding , may mga ibon at malalaking puno. Ang ganda-ganda Anna ang bati ni Nanay. Salamat po ang sagot ko. IX. Ngayon may gusto akong ipinta ang ipinapangarap ko para sa barangay natatangi.Magkakatotoo kaya? Nakatulugan ko nap ala ang pagdodrowing . nagising lang ako ng narinig kung nagsasalita si nanay. Si anna ang makakatulong sa nais ipagawa ni Chairman . Isasama natin siya bukas sa Barangay Hall. X.

Sumisikat na ang araw nang puntahan naming si Chairman sa barangay hall. Si tatay angn nagpadan sa akin. Ibinababa niya ako habang ipinapaliwanag ni chairman ang gagawin ko. Bahala ka kung anong gusto mong ipinta ang sabi ni Cahirman. Ang mahalaga y mailarawan mo kung anu-anong mga pagbabago ang maaaring mangyari sa Barangay Natatangi. Sinimulan ko ang pagpipinta sa magkabilang gili d: May taong nagtatanim, mnagigisda, nagtitinda, nagtuturo, gumagamot at iba pa. Sa gitna ay iginuhit ko ang mga taong taga barangay Natatangi: walang iisa ang tainga, walang sobra ng dalawang daliri , walang bulag, walang sakang, walang pilay, walang may dalawang ulo walang A basta! Magaganda sila at walang kapintasan. Sa ilalim ng mga larawang ito ay ganito ang aking isinulat: ANG PANGARAP KO SA BARANGAY NATATANGI. WAKAS.

You might also like