You are on page 1of 8

Ang Mga Sawa

May mga sawa sa kawa.


Dalawa ang sawa sa kawa.
Mahahaba at matataba ang mga ang sawa.
Aba! Nawala ang mga sawa sa kawa! Nasaan na sila?

Nasa lawa ang mga sawa.


Ang lawa ay may mga bata. Nabahala kaya sila?
Ang mga bata ay masaya na makita ang mga sawa kasama si Ama.
Alaga ni Ama ang mga sawa.
Pepe, Nene at ang Bibe

Sina Pepe at Nene ay may bibe.


Ang bibe ay malaki at maputi pero dumudumi.

"Dali, Pepe! Itali mo ang bibe sa haligi baka dumumi.", sabi ni Nene.
Minadali nga ni Pepe ang pagtali sa bibe.
Ang tali ng bibe ay may ube.
Mahal nila Pepe at Nene ang bibe. Nilala ro nila ang bibe at hinihele sa gabi.
Ang Loro ni Lito

Si Lito ay may loro. Siya ay si Koko.


Si Koko ay loko-loko; paborito nito ay keso at maglaro ng lobo.
Loko-loko man ang loro, mahal ito ni Lito.
Si Koko kasi ay bibo, laro nang laro o kaya naman turo nang turo.
Tinuturo nito ang keso na itinatago ni Lito sa kubo.
"Keso ko, Lito!" wika ni Koko.
Sagala at Parada

May sagala at parada sa Naga mamaya.


Kasama ang mga dalaga na sina Ada, Dada, Ida at Eda sa sagala.
Sila ang mga reyna. Ang sagala at parada ay masaya.
May banda at mga bisita.
"Gagala ka ba talaga, ate Vida?"
"Aba, oo Nena! Tara na sa sagala at parada!"
"Halika na pala!" Kataga ni Vida na nakatawa
Ang Pusa ni Mina

Si Mina ay may pusa. Ito ay si Sisa. Paborito ni Sisa ang isda. Si Sisa ay humuhuli ng
mga daga.
Naku may nakita si Sisa. Daga na malaki at mataba! Ang daga ay nasa mesa kinakain ang
tinapa.
Kinuha ni Mina ang tinapa at hinuli ni Sisa ang daga.
Bigo si Sisa. Wala na Ang daga sa mesa.
Mga Isda ni Ina

May dala si Ina na mga isda.


Ang mga ito ay hasa-hasa at maya-maya.
Kay ligaya ni Ina sa mga dala niya.
Paborito ko kasi ito pati nina Ate, Lola, Lolo at Ama.
Mahalaga kay Ina na lahat ay masaya.
Hiniwa ni Ina ang mga isda.
Ilalaga niya muna ang hasa-hasa at maya-maya sa suka para mas malasa
Ang Mais sa Mesa

May nakita si Ema na mais sa mesa.


Kanino ang mais sa mesa?
Kay Mimi ba? Kay Dino?
Kay Lina? Kay Tutu?
O di kaya ay kay Nene?
Ang mais ay malata, maputi at mamasa-masa.
Naluto ba ito talaga?
Baka kaya iniwan sa mesa dahil malata at basa.
Ito ang usisa ni Ema sa sarili niya.
Ang Susi Ni Hepe Papi

Nawala ang susi ni hepe. Nawala ito sa misa.


"Nasaan ang susi ko? Iisa pa naman ang susi ko na yun.
Aasa pa ba ako na makikita ko pa ang susi?" ani Hepe Papi sa sarili.
May pag-asa pa ba na makita ang susi ni hepe?
Napakadami ng tao sa misa kanina.
Baka wala na nga. Wala

You might also like