You are on page 1of 4

NOLI ME TANGERE KABANATA 25 – SA TAHANAN NG PILOSOPO

Pagkaraang libutin ni Ibarra, nagsadya ito sa bahay ni Mang Tasyo. Inabutan niya ito ng
nagsusulat ng heroglapiko sa wikang Pilipino. Abala ito, kaya ninais niyang huwag ng
gambalain ang matanda. Pero napuna nito ng siya ay papanaog na. Pinigilan si Ibarra,
Sinbi ni Mang Tasyo na ang sinusulat niya ay hindi mauunawaan ngayon. Ngunit, ang
mga susunod na salin- lahi ay maiintidahan ito sapagkat ang mga ito ay higit na
matalino at malamang hindi nahihimbing sa panahon ng kanilang mga ninuno.

Ipinalagay ni Ibarra na siya ay dayuhan sa sariling bayan at higit namang kilala si Mang
Tasyo ng mga tao.. Kung kaya’t isinangguni niya ang kanyang balak tungkol sa
pagpapatayo ng paaralan. Pero, sinabi ng matanda na huwag siyang sangguniin
sapagkat itinuturing siyang baliw ni Ibarra, at sa halip ay kanyang itunuro sa binata ang
Kura, ang kapitan ng bayan at ang lahat ng mayayaman sa bayan. Ayoon pa rin sa
kanya, ang mga taong kanyang tinutukoy ay magbibigay ng masasamang payo subalit
ang pagsangguni ay hiindi nangangahulugan ng pagsunod. Sundin lamang kunwari ang
payo at ipakita ni Ibarrang ang kanyang ginagawa ay ayon sa mga pinagsangunian.

Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang kanyang payo peero mahirap gawin
sapagkat kinakailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan ang isang katotohanan.
Maagap na tumugon din ang matanda na higit pa sa pamahalaan ang kapangyarihan
ng isang uldog, nagtagumpay lamang ang binata kung ito ay tutulungan at kung hindi
naman. Ang lahat ng kanyang mga pangarap ay madudurog lamang sa matitgas na
pader ng simbahan. Matindi ang paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng
bayan at pamahalaan.

Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra.


Ayon pa rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan. Na
ito ay matatag sapagkat nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak
sa sandaling iwan ng simbahan.

Sinabi ng binata na kasiyahan na niyang masasabi ang dipagdaing ng bayan. Ito ay


hindi naghihrap tulad ng sa isang bansa sapagkat dati – rati tinatangkilik tayo ng
relihiyon at ng pamahalaan. Pero, sinabi naman ni Mang Tasyo na pipi ang bayan kaya
hindi dumaraing. Katunayan, anya darating ang panahong magliliwanag ang kadiliman
at ang mga tinimping buntunghininga’y magsisiklab. Ang Bayan ay maniningil ng
pautang at sa gayo’y isusulat sa dugo ang kanyang kasaysayan.

Ipinaliwanag ng binata na ang Pilipinas ay umiibig sa Espanya at alam ng bayan na siya


ay tintangkilik. Kaya ang Diyos, ang Gobyerno at ang relihiyon ay di- papayag na sapitin
ang araw na sinabi ni Mang Tasyo. Ikinatwiran naman ng matanda na tunay na mainam
ang mga balak sa itaas ngunit hindi natutupad sa ibaba dahil sa kasakiman sa yaman at
sa kamangmangan ng bayan. Sa palagay niya, ang dahilan ay sapat ang utos ng Hari
ay nawawalang silbi sapagakat walang nagpapatupad. Dahil dito, ang aatupagin ng
pamahalaan rito kundi ang magpayaman sa loob lamang ng tatlong taong
panunukungkulan. Sa puntong ito, napuna ni Mang Tasyo na lumalayo na sila ni ibarra
sa usapan. Inungkat muli ni Ibarra ang paghingi niya ng payo. Ang payo ng matanda ay
kailangang magyuko muna si Ibarra ng ulo sa mga naghari-harian.

Hindi naatim ni Ibarra ang payo ng matanda at sa halip ayy sunod-sunod na tanong ang
kanyang pinakawalan.(1)Kailangan bang magyuko at mapanganyaya? (2)Kailangan
bang maapi upang maging mabutiing kriistiyano at parumihin ang budhi upang matupad
ang isang layunin? (3)Bakit ako mangangayupapa kung ako ay nakapagtataas ng ulo?
Direkto sa punto naman ang sagot ni Mang Tasyo na “Sapagakat ang lupang
pagatatamanan ninyo ay hawak ng inyong mga kaaway. Kayo ay mahina upang
lumaban. Kailangang humalik muna kayo ng kamay!” Mariing sinalungat naman ni
Ibarra ang pahayag na ito ng matanda sa pagsasabing:”humalik pagkatapos nilang
patayin ang aking ama at hukayin sa libingan. Ako’y hindi naghihiganti sapagakat mahal
ko ang aking relihiyon. Ngunit ang ank ay hindi nakaklimot!”

Sa sinabing ito ni Ibarra, Inimungkahi ng matanda na habang buhay sa ala-ala ng


binata ang sinapit ng kanyang ama ay limutin muna niya ang tungkol sa kanyang balak
na papapatayo ng paaralan. Kinakailangang gumawa na lamang siya ng ibang paraan
na ikagagaling ng kanyang mga kababayan. Naunawaan ni Ibarra ang payo ng
matanda, pero kailangang gawin niya abng naipangakong handog sa kasintahang si
Maria. Humingi pa si Ibarra ng payo kay Mang Tasyo.

Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana. Ang ibinigay nitong payo ay
mga halimbawa. Itinuro ni Mang Tasyo kay Ibarra ang isang rosas na sa deami ng
bulaklak ay yumuyuko sa lakas ng hangin. Kung ito ay magpapakatigas ng tayo, ang
tangkay niya ay tiyak na mababali. Ang sinunod niyang itinuro ay matayog na puno ng
makopa. Dati-rati, anya, ay isang maliit na puno ang itinanim. Ito ay tinukuran niya ng
mga patpat hanggang sa kumapit ang mga ugat nito sa lupa. Kung ang puno ay
itinanim niya ito ng malaki ay hindi mabubuhay sapagkat ibubuwal ng hangin. Ito ay
ipinaparis niya kay Ibarra na parang isang punong inilipat sa isang lupaing mabato mula
sa Europa. Kaya, kailangan nito ang sandalan. Isa pa, hindi kaduwagan ang pagyuko
sa dumarating na punlo. Ang masama ay sumalubosdfng sa punlong iyon, upang hindi
na muling makabangon.
Tinanong ng binata kung malilimot ng kura ang ginawa niya. Nag-aalala na baka
pakitang –tao lamang ang pagtulong sa kanya dahil sa ang pagtutujro ay magiging
kaagaw ng kumbwento sa kayamanan ng bayan.

Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si Ibarra, ito ay maroon ding
mapapala sapagkat tiyak na may lalabas na bagong pananim mula sa mga itinanim
nito. At ang binata ay magsisilbing isang mabuting halimbawa sa iba na natatakot lang
magsimula. Kinamayan ni Ibarra si Mang Tasyo at sinabing kakausapin niya ang kura
na marahil ay hindi naman kastulad ng umusig sa jkanyang ama. Ipakikiusap din niya
sa kura na tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga anak. Ilang saglit pa, tuluyang
umalis na si Ibarra
NOLI ME TANGERE/KABANATA 26 : ANG BISPERAS NG PISTA

Ika-10 ng Nobyembre ang bisperas ng pista sa bayan ng San Diego. Naging masigla sa
paghahanda ang kilusan sa lahat ng dako. Ang mga bintana ng bahay ay
napapalamutian ng iba’t-ibang dekorasyon. May nagpapaputok ng kuwitis at may
nagtutugtugan ng mga banda ng musiko.

Sa bahay ng mga nakakariwasa, nakaayos ang minatamis na bungang kahoy,may


nakahandang pagkain, alak na binili pa sa Maynila na katulad ng hamon at ang
relyenong pabo, serbesa, tsampan na inangkat pa mula sa Europa. Ang mga pagkain
ganito ay inuukol sa mga banyaga, kaibigan o kaaway, at sa mga Pilipino, mahirap man
o mayaman upang masiyahan sila sa pista.

Ang mga ilawang globong kristal na minana pa sa kanilang mga kanununuan ay


inilalabas din kabilang na ang kanyong binurdahan ng mga dalaga,belong ginantsilyo,
alpombra. Puno ng kurtinang sutla ang mga pinto at at pati ang mga santo at imahen ay
nagagayakan din.

Ang mga masasayang lugar ng San Diego ay tinayuan ng arkong kawayan na


tinatawag na sinkaban. Naglagay naman ng malaking tolda at mayroong tukod sa may
paligid ng patyo ng simbahan. Ang tolda ay mayroong tukod na kawayan upang
makadan ang prusisyon. Sa liwasang bayan naman ay itinayo ang magandang
tanghalan siyang pagdarausan ng komedya ng mga taga-Tundo. Madalas na tinutogtug
ang kampana kasdunod ang mga putok ng mga kuwitis at bomba.

Mayroong limang banda ng musiko at tatlong orkestra ang inihanda sa para sa


pagdiriwang ng pista. Sina Kapitan Tiyago at Kapitan Joaquin na may dalawang 18,000,
ang intsik na si Carlos ay mamumuhunan ng 10,000 na ipupusta sa ruweda ng
sabungan. Si Padre Damaso ang magsesermon sa umaga, araw ng pista.

Sa isang lugar naman na malapit sa bahay ni Ibarra, tinatapos ng mga trabahador ang
katangang semento na siyang pagtatayuan ng bahay paaralan. Si Nol Juan, ang
nangangasiwa sa mga manggagawa. Habang abala ang mga
manggagawa,ipinaliliwanag ni Juan ang kanilang itatayo ay isang malaking paaralan.
Ang isang panig ay para sa mga lalaki at ang ikalawa naman ay para sa mga babae.
Ang paaralan ay magiging kauri ng mga modernong paaralan sa Alemenya. Batay sa
planong ginawa ni Ginoong A, na siyang arkitekto ,ang tagiliran ng eskwela ay
tatamnan ng maraming puno at gulay, magkakaroon ng bodega at piitan para sa mga
batang tamad na mag-aral.

Sa proyekto ni Ibarra ay naghandog ng tulong ang mga mayayaman samantalang ang


kura ay humiling na siya ang gawing padrino at magbabasbas sa paglalagay ng unang
bato sa huling araw ng pista. Sa mga pag-alok ng pagtulong ay tumanggi si Ibarra
sapagkat hindi naman simbahan ang kanyang ipinagagawa. Sasagutin niya ang lahat
ng gastos.
Dahil dito,siya ay hinangaan ng mga binata at nag-aaral sa Maynila. Nawala sa isipan ni
Ibarra ang mga natatakot na hinala ni Mang Tasyo, at ito ay kanyang nasasbi ngunit
tinugon siya nng matanda sa isang aral ni Balagtas na "Kung ang isalubong sa iyong
pagdating may masayang mukha’t pakitang giliw, lalong kaiingata't kaaway na lihim,
siyang isaisip na kakabakahin.

You might also like