You are on page 1of 3

NAME: KRIZTINA MARIE GUNDAN

GRADE AT SECTION: 11-STEM J

ALAMAT NG SIMBAHAN
Si Yna ay isang batang naglalakbay, siya ay tumakas sa magulang niyang
sinasaktan siya. Pansin ang mga sugat sa kaniyang katawan, at ang kaniyang
pagiging payat na parang hindi pinapakain. Hindi na niya alam kung nasan at
saan siya pupunta, kung kaya siya ay nagdasal at humingi ng lakas sa panginoon.
Sa kaniyang paglalakad may nakita siyang kapilya na yari sa pawid at kawayan.
May nakita siyang mga taong naroon na nakasuot ng mahabang bestida, siya ay
lumapit, napansin siya ng isang matandang babae at tinanong kung ano ang
kailangan nito. Tinanong ni Yna kung maaari ba siyang tulungan ng matanda.
Walang pag aalinlangan pinapasok ito ng matanda sa kapilya. Tinanong ng
matanda kung ano ang nangyari sa kaniyang katawan ang sabi lamang ni yna ay
sinasaktan siya ng kaniyang magulang at tumakas lamang siya mula sa kanila.
Naawa ang matanda at pinatuloy sa kapilya Tumingin sa paligid si Yna, napansin
niyang madaming kabataan ang andito, tinanong niya ang matanda kung bakit
ang daming bata sa kapilya. Sinagot nang na kangiti ng matanda si yna, ang mga
bata daw na iyon ay mga tinakwil ng kanilang magulang ang iba naman ay wala
ng magulang o inaalipin ng mga tao o kapamilya. At sabay silang tumingin sa
mga batang naglalaro.
Lumipas ang araw ng pag tira ni Yna sa kapilya kasama ang mga bata at mga
matatanda, madami na siyang natutunan katulad nalamang ng paggawa ng
kakanin at iba't ibang pag luto ng putahe ng ulam. Lagi siyang tumutulong sa
gawain. Madami na rin siyang naging kaibigan at nakakasama.
Araw araw rin may kinahaharap na problema ang kapilya sapagkat may
mga magulang na nais bawiin ang anak at mga batang ginagawang
alipin. Hindi rin kasundo ng mga taong bayan ang mga taga kapilya. Sa
paglipas ng mga araw, ay dumami ang taong na kukopkop ng kapilya.
Mga taong kanilang linigtas sa dahas ng magulang at mga umaalipin sa
kanila. Naging takbuhan ang kapilya para sa mga taong sinasaktan at
inaalipin. Masaya siya sa kaniyang pagtira kasama ang mga batang
nakaranas ng hirap katulad niya at ang matanda na nagpatuloy sa kaniya
rito.
Isang araw ay nagising nalamang siya pati ang bata na katabi niya dahil sa
ingay na kanilang naririnig mula sa labas. Kanila itong sinilip nagulat
nalamang sila na madaming tao ang nasa labas ng kapilya may mga
hahawak silang kawayan na may apoy. Nakita nila na nilagyang apoy ng
isang lalaki ang bahaging parte ng kapilya. Nag silabasan ang lahat ng tao.
Pinalabas ng mga matanda ang lahat ng nasa loob. Nag papanic na lumabas
si Yna at kasamang mga bata. Ang mga taong nasa harap ng kapilya ngayon
ay tumatakbo na dahil sa sunog na nangyayari. Umiiyak ang mga matanda at
bata dahil sa pagkasunog ng kapilya. Hindi mapigilang mapaiyak ni Yna sa
pangyayari sa kapilya. Ang matatanda ay sinusubukang patigilin ang apoy,
samantalang ang bata at iba pang tao ay nasa gilid lamang at
pinagmamasdan ang kapilya. Madaming nawala at kalahati ng kapilya ay
nasira.
Tumigil ang apoy ng madaling araw. Naabutan na sila ng
umaga sa pag aayos sa kapilya, Kanila parin itong tinuluyan
sa kabila ng pangyayari. Nagtulong tulong sila upang ito ay
ayusin muli. Nahirapan silang makabangon sapagkat
madaming gamit ang nawala sa kanila. Kahit na ganun sila
parin ay nag patuloy at nagtulungan nalamang.
May isang padre ang bumisita sa kapilya, Kaniyang tuluyang naisip na
mag pagawa ng simbahan na yari sa bato at adobe. Ito ay sinabi ng
matanda sa lahat ng nasa kapilya, rinig ang tuwa ng bawat tao.
Natutuwa si padre juan dahil sa kabila ng pangyayari ay lumalaban
padin ang mga bata at matatanda kaya nais niyang tulungan ang mga
ito.
Matagal na taon bago matapos ang simbahan, pinangalanan itong
BARASOAIN church. Sa mga nag daang taon ay mas madami pang
natulungan ang simbahan, tinulungan nilang makalaya ang bata sa
kanilang magulang na sinasaktan sila, ang mga babae na ginagawang
alipin at mga batang itinakwil na ng kanilang magulang ay kanilang
mga kinukopkop. Nagkaroon ng pagkakaisa sa bayan at masayang
nag didiriwang ng singkaban. Ang nangyaring pag kasunog ng kapilya
ay ibanaon sa limot.

Pinag aral ng simbahan ang nga kabataan kung saan madaming


kabataan ang magaling sa sining at pag kanta. Sa paglipas din ng
panahon madaming natutunan si Yna sa simbahan. Katulad
nalamang nang pagbibigay pag asa sa mga taong iniisip nila na
walang kwenta ang buhay nila, ang pag gawa ng mabuti sa kapwa,
ang pag tulong sa mga nangangailangan. Kaniya rin natutunan na
may maganda parin na dadating sa ating buhay sa kabila na
mapapait na pangyayari.
Dahil sa mga matatanda na bumubuo ng kapilya ay
muling nagkaroon ng pamilya ang mga batang
itinakwil. Dahil kay padre juan ay nagkaroon ng
bagong simbahan na kung saan mas madami pang
natulungan. Dahil sa kabutihan ng matatanda ay
naibalik sa kanila ang mabuting ginagawa sa kapwa at
yun ang simbahan na kanilang tahanan.

You might also like