You are on page 1of 11

“Si Nina at Yaya Naty”

Umalis ang nanay at tatay ni Nina. Nagtungo


sila sa probinsiya para dalawin ang Lolo at lola
sa bukid.Habang wala ang mag-asawa, naiwan
si Nina sa kanyang Yaya Naty.

Sa umaga, pinaliguan ni Yaya Naty si Nina.


Pagkatapos, ipinaghanda niya ito ng agahan;
kanin, pritong isda at may papaya pa.
Pagkatapos kumain ng agahan, nagpunta na si
Nina sa hardin kasama ng kanyang mga
kaibigan upang maglaro.
Naglaro sila ng taguan, at saluhan ng dahon.
Nang matapos ang kanilang paglalaro nag-siuwi
na ang mga kaibigan ni Nina.“Halika ka na Nina, “
ang tawag ng yaya. Oras na para kumain ng
hapunan. Binigyan ng yaya si Nina ng kanin,
nilagang baka at katas ng dalandan.

Pagkatapos linisin at bihisan ng yaya si Nina,


handa na siya sa pagtulog. Subalit hindi pa
inaantok si Nina. Ipinagtimpla siya ni Yaya Naty
ng gatas para raw makatulog na siya.
.
Lumipas pa ang ilang oras ay gising pa rin
si Nina. Hinihintay niya ang kanyang
nanay at tatay.“Yaya Naty kelan darating
si nanay at tatay?” tanong ni Nina.
“Huwag kang mag-alala, darating din sila
kaagad.” Sabi ng yaya.Sige aawitan kita
para makatulog ka na.Subalit hindi pa rin
makatulog si Nina.Hindi siya makatulog
kapag wala ang kanyang nanay at tatay.
Ngayon lamang siya nawalay sa kanila.
“Alam ko na, babasahan na lang kita
ng mga paborito mong kwento,” sabi
ng Yaya.“Sige po yaya, gusto ko po
yan.” Sabi ni Nina.Ganoon nga ang
ginawa ng yaya. Hindi pa man
natatapos ang kwento ay napansin
niya na nakatulog na si Nina.
Hinaplos-haplos ng yaya ang buhok
ng natutulog na si Nina

You might also like