You are on page 1of 590

BHO CAMP #5: Syntax Error

by MsButterfly

Ako si Snow Night, ang baby agent ng BHO CAMP. But they don't spoil me...well not
much, unlike my best friend Phoenix Martins. Dahil doon ay lagi kaming tinutukso ng
mga katrabaho namin. Kesyo baka magkatuluyan kami o di kaya ay magsawa na siya sa
akin. Pero kahit anong gawin nilang pang-aasar, sigurado ako sa dalawang bagay.

Una, mag best friend lang kami. Best friend lang.


Pangalawa, hindi niya ako iiwan.

Mali pala ako. Maling-mali.

=================

PROLOGUE

A/N: Para sa nag-aabang ng storya ni Snow at Phoenix, eto na po siya :) Though ito
ay SNEAK PEAK lang. Naka line up pa lang siya :) Matagal pa ito pero eto...sure na
sure na. Akala ko dati mauuna pa si Athena at Aiere sa kanila pero tenenenen!

PROLOGUE

SNOW'S POV

Ako si Snow Night, isang agent ng BHO CAMP organization. Pero matatawag nga ba ako
na agent? Kung ang ginagawa ko lang naman ay painitin ang ulo ng kapatid ko kapag
pumapalpak ako, ubusin ang pasensya ng boss at pinsan ko na si Dawniella, at higit
sa lahat ang maghapon kong pamimitas ng mangga kasama ang best friend ko na si
Phoenix Martins?

Pero kahit ano pang sabihin ng iba, kuntento na ako sa buhay ko. Bakit pa
kailangang magtrabaho kung nandiyan naman ang pamilya at best friend ko para sa
akin? Alam kong hindi ako iiwan ng pamilya ko. Alam ko na hindi ako iiwan...ng best
friend ko.

Pero nagising ako sa katotohanan. Teka....hindi lang pala ako ginising.

Sinampal pa ako ng katotohanan.


Kasi ngayon, nandito ako at nakatingin sa kaniya. Nakangiti siya, ngiti na para sa
akin lang. Ang pinakaespesyal na ngiti niya. Nagniningning ang mga mata niya at
halata ang kasiyahan sa kaniya. Na hindi na siya makapaghintay...

Sunod-sunod ang pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko sasabog iyon sa paraan ng


pagkakatingin niya. Iisa lang ang nararamdaman ko.

Kasiyahan...?
...

...

Hindi. Hindi sa kasiyahan. Dahil kung kailan nagising na ako, kung kailan alam ko
na ang totoong nararamdaman ko...at saka naman naging huli na ang lahat.

Dahil ngayon nandito ako at nakatingin na lang sa kaniya. Nakangiti siya, ngiti na
para sa akin lang noon. Pinakaespesyal na ngiti na sa akin lang niya binibigay noon
pero ngayon ay nakalaan na para sa iba. Nagniningning ang mga mata niya sa
kasiyahan...
...

...

at hindi na siya makapaghintay na pakasalan ang babaeng mahal niya.


Isang taong hindi magiging ako.

Dahil huli na. Dahil ako at siya ay mananatili na lang na,

Syntax Error.

=================

CHAPTER 1 ~ Distance ~

A/N: Sa mga nagtatanong kung anong nangyari kay Waine at sa girlfriend niya...relax
lang po tayo :) Hindi ko pa po sila nakakalimutan. Hindi pa sila mawawala sa
istorya :) Tandaan na magkakakonektado ang mga BHO CAMP books :*

ps: Bago na ang pangalan ng fiancee ni Phoenix :)

CHAPTER 1

WARREN'S POV
Tahimik na pinagmamasdan ko ang anak ko na si Dawniella habang nakatutok ang
atensyon niya sa laptop sa kaniyang harapan. Hindi ko kinakailangan na lingungin
ang asawa ko para malaman na nasa anak din namin ang atensyon niya.

Ilang buwan na ang nakalipas mula ng mangyari ang mission tungkol sa Claw. Ilang
buwan na rin mula ng malagay sa alanganin ang buhay ni Dawn ng ipinanganak niya si
baby Vodka. Marahil sa pinagsama-samang pagod at pag-alala ay hindi na kinaya ng
katawan niya.

Kaya ngayon ay kami ng asawa ko at ng asawa ni Dawn ay binabantayan siya. Mabuti na


rin na nandito ako dahil iyon ang bilin ng ama ko na si Poseidon Davids. Kailangan
ng gabay ng Third Generation. Mananatili rin ang iba pang mga Second Generation
Elite Agents rito sa BHO CAMP.

Inalis ko ang tingin ko kay Dawn ng marinig namin ang alarm na may tao sa labas at
nais pumasok. May pinindot si Dawn at ilang sandali lang ay bumukas ang pinto.
Iniluwa niyon si Triton kasama ang dalawang lalaki na kaibigan ni Storm, anak ni
Hurricane at Reese Dean Reynolds at pinsan ni Dawn.

"Sweetheart. Nandito na si Arman Vince at si Waine."


"Dude. You're so not cool ha? I'm Chum."

Natatawang umiling si Triton. "Sweetheart, nandito

na si Chum at si Waine."

"I heard you, monster." Dawn said as she motioned them to sit. "Mabuti naman at
nakarating kayo."

Lihim akong napangiti sa tinawag ni Dawn sa asawa niyang si Triton. Kahit kailan
talaga hindi nawala ang kasungitan at katabilan ng dila ng prinsesa ko. Kung
sabagay wala namang pagmamanahan ng kamalditahan iyan kundi ang asawa.

Tuluyan na akong napangiti ng makita kong nakatingin sa akin si Sophie at biglang


ngumuso na para bang nababasa niya ang iniisip ko.

"Huhulaan ko." sabi ni Chum na siyang nakaagaw ng pansin ko. "Aalukin niyo ako na
magtrabaho para sa inyo?"

"Ganoon na nga iho." singit ko sa usapan nila.

Napatingin sa akin ang lalaki na nagkakamot sa ulo. "Amm, Sir. Pasensya na po kayo
ha? Alam ko na malaki magpasweldo si Storm pero masaya na naman ako sa tahimik ko
na buhay. Kung kakailanganin ako ni Storm, tutulong ako. Pero bilang permanente na
trabaho? Hindi na lang ho siguro."

"Gaano kalaki ang ibinayad sa iyo ni Storm?" tanong ni Dawn.

"A million."

"If you work for us you'll get six of that...as a minimum."


Ngumiti ang binata at umiling. "Kung kailangan ako ni Storm handa ako na tumulong.
Pero hindi pa rin ako magtatrabaho ng permanente para sa inyo."

"Kailangan ka ni Storm."

Napatingin sa akin ang binata na kumunot ang noo. "Ano hong ibig niyong sabihin?
Nasa panganib na naman ba si Bagyo?"

"Possibly." itinuro ko ang katabi niya na si Waine na tahimik

lang. "Alam niya kung ano ang tinutukoy ko."

Tumingin si Chum kay Waine. "Bro."

Saglit na dumako ang tingin sa akin ni Waine bago siya tumingin sa kasama. "Alam ni
Storm kung bakit gusto kong makaharap ang kapatid ko na si Wyatt Claw. Alam ko na
alam ni Storm na may kailangan ako sa kaniya. It was almost impossible. Lahat
gustong patain si Wyatt at hindi ko sila masisisi. Wyatt killed, tortured and
played with a lot of people. He even killed our own mother. Nakakulong na si
Warner, ang isa pa naming kapatid, pero si Wyatt ang kinakailangan ko na makaharap.
Siya ang daan para matagpuan ko na ang taopng matagal ko ng hinahanap."

"Sino?"

"My girlfriend...

...

...
and the mother of my son."

Nanlaki ang mga mata ni Chum ngunit nagpatuloy lang si Waine. "Mag lilimang taon na
mula ng huli ko silang makita ng anak namin. Siya ang ginagamit ni Wyatt na pain
para mapasunod ako sa gusto niya. But my mother wanted out and I can't let her go
alone." mapait na ngumiti si Waine. "Binigo ko ang mag-ina ko at binigo ko din ang
sarili kong ina. My mother was dead and I don't even know if my woman is alive. Now
there's two possibility. Patay na ang mag-ina ko at ganoon din si Wyatt dahilan
para maging ligtas si Storm at ang mga taong nais pa niyang guluhin. O buhay ang
mag ina ko ngunit ganoon din si Wyatt."

"Hindi ko maintindihan." bulong ni Chum.

"Kung totoong patay na si Wyatt, bakit wala pa ring balita sa mag-ina ko? Maliban
na lang kung tinatago sila. At alam natin na iisang tao lang ang maaaring gumawa
niyon."

"Sorry bro sa sasabihin ko. Pero hindi mo ba naisip na baka matagal na silang
wala?"

Tumayo ako sa pagkakaupo ko at kinuha ko ang iniaabot ni Dawn na nakalagay sa isang


plastic pouch. Iniabot ko iyon kay Chum na kaagad namang tinignan iyon. Marahas na
napaangat ito ng ulo at tumingin kay Waine.

"That's my girlfriend's penmanship Chum."

Tumayo si Chum at nagpalakad-lakad. Pamilyar ang kilos niya. Ganiyan din si Rain
(pinsan ko) noon kapag nag-iisip. Hindi maitatangging hindi pangkaraniwan ang
talino ni Chum. Hindi na ako nagtataka kung bakit tiwala si Storm sa kaniya.

"Storm said Wyatt Claw died. Nasa inyo ang katawan ni Wyatt Claw bilang patunay
niyon. Sigurado naman na gumawa na rin kayo ng DNA test." sabi ng lalaki.
"Yes." Dawn answered. "But Chum, Storm's dead body was recognizable when we
retrieved it before. Sinuri namin iyon at tumugma sa DNA ni Storm. Paano tayo
nakakasigurong hindi pekeng Wyatt Claw ang nakaharap nila Storm. Si Storm na mismo
ang nagsabi. May kakaiba daw sa emosyon ni Wyatt ng mga panahon na iyon."

"Changing a corpse's DNA? Possible. Pero ang baguhin ang DNA ng buhay na tao? Hindi
ko alam."

"May imposible pa ba ngayon? You know better Chum." ipinakita ni Dawn ang isa pa na
platic pouch. "This is a mic and a listening device. Natagpuan namin ito sa bangkay
ni Wyatt Claw."

Nagkibit balikat si Chum. "Maaaring may kausap siya sa isa sa mga

kasangga niya."

"Wala ng natitirang miyembro si Wyatt. Ang mga taong binentahan ni Wyatt Claw ng
software na siyang nagdedetect sa mga devices ng BHO CAMP ay matagal ng pinutol ang
kaugnayan sa Claw sa takot na madamay sa pagbagsak niya. Maaaring ang listening
device at mic na ito ay nakakonekta sa totoong Wyatt Claw para sabihin kaila Storm
ang nais niyang sabihin na hindi kinakailangan na siya mismo ang nakaharap sa
kanila."

Bakas sa mukha ni Chum ang pagkalito. Tumingin ang lalaki sasulat na ipinadala kay
Waine at nakita ko ang pagbakas ng pag-aalala sa mga mata niya.

'Save our son.'

That letter holds three words. Three words that tells us that Waine's woman is
alive. That she's possibly hiding from someone.

...
...

And that someone can be Wyatt Claw.

SNOW'S POV

"Ano 'yon? Bakit may umuungol?"

Nanlalaki ang mga mata napatingin sa akin sina Fiere, Chlymate, Kuya Thunder at
Kuya Archer. Mabilis na isinarado ni kuya Thunder ang laptop niya at nginitian ako.
"H-Ha? Ano...nanonood kami ng Zombie movie."
"Hala! Talaga? Panood ako!"

Sunod-sunod silang umubo na parang nabubulunan sila at pagkatapos ay magkakasunod


din silang umiling. Para silang mga puppies sa dashboard ng kotse ni Papa. Mga
handsome puppies nga lang sila at hindi cute. Lalo na ang kuya Thunder ko syempre!

"Hindi pwede! Amm...k-kasi baka hindi ka makatulog. Di ba matatakutin ka

sa multo? Kaya nga noong nanood tayo dati ng horror movie ni Freezale tumabi ka pa
sa akin tas nagpabasa ng bed time story."

Pinigilan kong mapangiti sa sinabi niya. Sa totoo niyan kasi hindi naman talaga ako
natakot noong mga panahon na iyon. Hindi naman talaga ako takot sa mga multo o mga
horror movies. Nakakatuwa lang kasing pakinggan si kuya habang nagkakanda ngiwi
siya sa pagbasa ng mga paborito ko na bed time story. Kung alam lang ng mga fans
niya na ang isang rockstar na si Thunder Night ay may kasama pang aksyon ang
pagbasa sa isang kwentong pambata.

Kaya nga hindi alam ni kuya na navideohan ko siya noon habang binabasahan niya ako.
Para may pangblack mail ako sa kaniya kung sakali.
Hindi naman kasi ako kasing bait gaya ng inaakala ng lahat. Sa laki ng pamilya
namin kailangan may alas ka din laban sa kanila o magiging kawawa ka. Iyon ang sabi
din sa akin noon ni Sky at Storm, mga pinsan ko.

Pero aminado ako na marami akong bagay na hindi maintindihan. Iniiwasan kasi nila
Momma Wynter at Papa Rain na maexpose kaming magkakapatid sa mga hindi magagandang
bagay. Ang kaso makulit si Freezale at si kuya Thunder. Ako, sumusunod ako kaila
Momma at Papa kasi tinataasan nila ang allowance ko noon.

Ang mga kamag-anak at kaibigan naman namin ganoon din ang ginagawa. Lagi nilang
itinatago sa akin ang mga kung ano-ano. Kahit hindi naman nila sabihin nararamdaman
ko. Hindi din sila nagmumura

sa harapan ko kasi sinisingil sila ni kuya Thunder ng limam-piso kapag nagmumura


sila ng mga bata pa lang kami.

Higit sa lahat kahit anong gustuhin ko binibigay nila. Kahit nga tinatamad ako na
magtraining o ayokong magtrabaho pinapayagan nila ako. Kahit ni Dawn. Okay lang sa
akin kahit na mga lumaki na kami pero super baby pa rin ang turing nila sa akin.
Kaya kahit naiintindihan ko ang iba nilang pinag-uusapan nagkukunwari na lang ako
na wala akong alam. Mas madali kasi iyon kesa itrato nila ako bilang matanda. Sanay
na din naman kasi akong umakto bilang bata.

Okay lang sakin kasi kasama ko naman si Phoenix.


Naiintindihan niya ako. Naiintindihan niya kung kailan nagkukunwari lang ako at
kung kailan totoong hindi ko alam ang mga bagay-bagay. Pakiramdam ko nga kakambal
ko siya eh. Para kasing alam niya lahat-lahat sa akin.

Hindi ko na kailangan ng maraming salita. Hindi ko na kailangan ipaliwanag na alam


ko ang ganito o ganiyan...o hindi ko alam ang ganito o ganiyan. Kasi alam niya na
agad.

Nahihirapan ako na magtago ng kahit na ano sa kaniya. He can even tell if I'm
lying.

Pero nitong mga nakaraang buwan...nagiging madali na sa akin ang magsinungaling sa


kaniya. Hindi niya na ako nababasa katulad ng dati. Hindi niya na ako naririnig
katulad ng dati.

Before it was like I'm an undiscovered singer in a room with empty chairs except
for one because he's there listening. And now I'm singing in front of a crowd and
he can't hear me and
he's not trying to because he already moved on to a different artist.

"Earth to Snow!" Napakurap ako at tumingin sa kapatid ko na nakataas ang kilay na


nakatingin sa akin. "Ano bang nangyayari sa iyo at lagi kang tulala?"

"Nagugutom ako." mabilis na sagot ko at tinuro ko ang hindi pa bukas na pack ng


chips na hawak ni kuya Archer. "Pahingi."

"Ayoko-" napaigik siya ng sikuhin siya ni kuya. "Sige, sa'yo na lang."

Kinuha ko sa kaniya ang chips at matamis na nginitian ko siya. "Thank you kuya
Archer! Ang bait mo talaga!"

"Welcome." he said gruffly.


"Gust mo ng mango juice, sis? Mayroon silang stock." alok ni kuya Thunder at tinuro
ang pintuan papunta sa kusina ng 'Craige', ang restaurant na pag-aari ni Craige
Lawrence, ang dating head ng The Camp.

"Next time na lang kuya. Sawa na ako eh."

Laglag ang panga na tinignan ako ni kuya at ng mga kasama niya ng hanggang sa
lumabas na ako ng 'Craige'. Nang makalabas ko ay unti-unting nawala ang ngiti sa
mga labi ko. Sa mga pagkakataong ito, gusto ko talagang hilingin na sana maging si
Freezale na lang ako. Dahil hindi ko kinakailangan na magpanggap na masaya.

Bumuntong-hininga ako at walang salitang humiga ako sa ilalim ng malaking puno na


namataan ko. Tahimik na tumingila ako sa langit na bahagyang natatabingan ng mga
dahon ng puno.

Kung mahuhulog kaya ang malaking sanga ng puno na ito sa akin, magigising kaya ako
na hindi totoo ang lahat?
"Stop it Snow." I whispered to myself. "You shouldn't feel this way. He's your best
friend. Dapat masaya ka na ngayon masaya na siya dahil nahanap na niya ang babae na
para sa kaniya. Ano bang problema mo ha?"

Selfish lang talaga ako. Gusto ko nasa akin ang atensyon ng lahat. Ayoko na naiiwan
ako. Ayoko na nakakalimutan ako.

Bata pa lang kami ni Phoenix nasa tabi ko na siya. Mas lagi ko pa siyang nakakasama
kesa sa mga sarili kong kapatid. Natural lang na malungkot ako na ikakasal na siya.
Ganoon naman talaga iyon di ba?

Mira Oriental, his fiancee, is a good woman. Lagi siyang nandiyan para kay Phoenix,
hindi din siya nakikielam tungkol sa trabaho namin at maganda din ang trato niya sa
akin. ra nga akong nagkaroon pa ng isa pang kaibigan ng dumating siya sa buhay ni
Phoenix.

Kaya hindi dapat ako malungkot. Kasi bagay sila. Perfect match sila.
"Snow?"

Napakurap ako ng tumakip sa langit na tulala kong tinitignan ang mukha ni Mira.
Mukhang kanina pa pala niya tinatawag ang atensyon ko. Umupo ako at pilit na
ngumiti. "Ikaw pala, Mira. Kanina ka pa ba diyan?"

Umupo siya sa tabi ko at sumandal sa puno. "Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo
ata ako naririnig."

"Inaantok na kasi ako eh. Ang dami ko kasing nakain kanina."

Kumunot ang noo ng babae. "Pero sabi ni Freezale hindi ka pa daw kumakain mula
kagabi. Kaya nga pinapahanap ka niya sa amin ni Phoenix."

Sa amin ni Phoenix.
Sa amin ni Phoenix.

Sa amin ni Phoenix.

"Snow, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya at inilagay ang kamay niya sa noo
ko. "Wala ka namang lagnat."

"O-Okay lang ako. At saka kumain na ko. Nag ma-mother mode lang si ate Freezale
pero kumain na naman talaga ako. May pagkain sa kwarto ko."

"Pumunta kami doon ni Phoenix kanina. Wala ka ng stock, Snow."

"Kasi naubos ko na nga." nakangiting sabi ko. "Kumain na ako promise. Eto nga oh,
may snack pa ako. Bigay ni kuya Archer."
Ilang sandali na mataman niya lang ako na tinitigan bago sumusukong tumango siya.
"Basta kapag may gusto ka sabihin mo lang sa akin, ibibigay ko."

"Kahit na ano?" tanong ko sa kaniya bago ko pa mapigilan ang sarili ko.

Ngumiti ang babae at tumango. "Oo naman."

Ang bestfriend ko kaya mo bang ibigay sa akin? Mariing kinagat ko ang dila ko para
mapigilan ang sarili ko na sabihin ang mga salitang iyon. Dahil hindi dapat.

Hindi tama.

"Okay lang talaga ako. Dapat maging okay na ako." sabi ko sa kaniya.
"Dapat?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata

ko ngunit kaagad na binawi ko iyon at ngumiti ako ng matamis. "Ang dami ko ng


nakain eh. Baka hindi na ako magkasya sa gown ko sa kasal ninyo ni Nix Nix."

Mahinang tumawa siya. "Ikaw talaga."

Sabay na nag-angat kami ng tingin ng maramdaman namin ang paglapit ng kung sino.
Automatiko na napangiti ako ng makita ko si Phoenix na naglalakad palapit sa amin.
Ngunit unti-unting nawala ang ngiti ko ng makita ko na lumipat ang mga mata niya sa
dako ni Mira.

"Bakit hindi mo ako tinawagan na nahanap mo na si Snow?"


Seryoso ang mukha at ang boses ng binata pero ngumiti lang si Mira at tumawa.
"Sorry nakalimutan ko. Nagkukuwentuhan pa kasi kami eh."

Nangingiting umiling si Phoenix bago siya tumingin sa akin at inilahad ang kamay
niya. "May binili akong pagkain. Kumain ka na."

Imbis na abutin ang kamay niya ay nakangising inilagay ko sa kamay niya ang pack ng
chips na hawak ko at kusa na akong tumayo. "Sasabog na ako kapag pinakain mo pa
ako. Ang dami ko na kayang nakain."

"Hindi ka paw daw kumakain sabi ni Freezale."

"Maniwala ka do'n. Sakin ka maniwala Nix Nix, super busog na ako. Promise, peksman,
mamatay man si Prince Albert."
Nagkatinginan si Phoenix at Mira dahilan para maramdaman ko na naman ang nagiging
pamilyar na na pagpiga sa dibdib ko. Nanatiling nakapaskil sa mga labi ko ang ngiti
hanggang sa muling

tumingin sa akin si Phoenix.

"Prince Albert?"

"Yup." sagot ko. "Siya yung dahilan kaya laging sumisigaw ang mga nagiging
girlfriend ni kuya Thunder. Narinig ko na pinag-uusapan nila kuya King at kuya
Archer eh. Baka baklang stalker ni kuya Thunder na nagiging dahilan ba't may kaaway
iyong mga nagiging girlfriend niya.

[Note to everyone: Prince Albert is a male genital piercing.]

"Err...Snow..."nag-aalangang sabi ni Mira.

"What?" takang tanong ko.


Seriously? May iba na namang meaning iyon? Hindi ko na talaga maintindihan ang
mundo. Ang daming mga pauso.

Sabagay. Sarili ko nga mahirap intindihin ang mundo pa kaya.

"Nevermind." tumayo si Mira at ikinawit ang braso niya sa braso ko. "Manood na lang
tayo ng movie sa kwarto namin, gusto mo?"

Kwarto namin.

Kwarto namin.
Kwarto namin.

Nilingon ko si Phoenix ng makita kong nakatingin siya sa akin at mabilis na


ibinalik ko ang ngiti sa mga labi ko. "Sure!"

Naglahad na kami papuntasa headquarters. Nakakapasok na din doon si Mira dahil


matagal ng naipaalam sa kaniya ni Phoenix ang tungkol sa totoo naming trabaho.
Hindi naman kasi maaaring itago iyon ni Phoenix ng matagal.

Ayon sa kuwento ni Phoenix, nakilala niya daw si Mira ng ibigay sa kaniya ni Dawn
ang mission na bantayan si Storm noong mga panahon na nagpapanggap pa bilang
Serenity ang babae. Malapit

sa tinutuluyan ni Phoenix ang inuupahan na apartment ni Mira kaya nagkakilala sila.


The rest was history.

Ang sabi ni Phoenix may kung ano daw kay Mira na humahatak sa kaniya para kilalanin
ang babae. She's vulnerable, funny, a klutz, intelligent, innocent and there's just
something about her that makes him want to protect her.
Impit na napatili ako ng may naapakan ako na kung ano dahilan para matapilok ako.
Dahil nakahawak sa akin si Mira ay muntikan ko na siyang matangay kung hindi lang
siya kaagad nahawakan ni Phoenix.

Pumikit ako at inintay ko na ang paglagapak ko sa sahig. Hindi mapapantayan ng


sakit ng matatamo ko ang huling nakita ng mga mata ko. Pero imbis na matigas na
sahig ay naramdaman ko na may pumalibot sa bewang ko.

Nagmulat ako ng mga mata at mukha ng isa sa mga junior members ang nakita ko.
"Brennan?"

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo." bruskong sabi niya at binitawan na


ako.

Nakangiwing tinignan ko siya. Isa siya sa mga trainee ng BHO CAMP na ngayon nga ay
naging junior member na. Wala din siyang takot sa mga Elites. O sa akin lang
talaga. Ganiyan talaga ang ugali niyang pero mabait naman siya. Medyo intense nga
lang. Hindi naman siya masyadong 'intense' dati. Para pa nga siyang sila kuya
Archer. Happy happy lang. Nabroken hearted ata kaya biglang naging seryoso.
Nawawala na lang ngayon ang kasupladuhan niya kapag nakakainom.
"Bren, hindi niya sinasadiya." seryosong sabi ni Phoenix sa lalaki.

"Wala naman akong sinabing

sinadiya niya. I just pointed out the fact. Hindi siya tumitingin sa dinadaanan
niya kaya siya nakaaksidente."

O...kay? Talagang wala siyang takot sa Elites. Lalo na kapag alam niyang tama siya.

"Don't be a jerk."

Walang emosyon na sinalubong niya ang tingin ni Phoenix. "I'm just being real.
Hindi ko lang alam kung alam mo ang ibig sabihin no'n." makahulugan na sabi niya
bago ako tinignan. "Mag-ingat ka na sa susunod."
"Okay." mabilis na sagot ko.

Nilagpasan niya na ako ngunit nanatiling magkahugpong ang mga mata namin. Nang
magbawi ako ng tingin ay dumako ang mga mata ko sa kinaroroonan ni Phoenix na
nakaalalay pa rin kay Mira.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko dahil natagpuan ko na lang ang sarili
ko na hawak sa kamay si Brennan at pinipigilang umalis.

"What?" he asked with a deadly tone.

"Uuuy!" masiglang sabi ko. "Muntik ko ng makalimutan! Sabi mo samahan kitang bumili
ng gold fish kasi namatay iyong alaga mo!"

"What the fuck-"


Pasimpleng kinurot ko siya bago matamis ang ngiti na nilingon ko sila Phoenix.
"Rain check? Saka na lang tayo manood, Mira. Ilang beses na kasi akong inaaya
nitong kaibigan ko na si Brennan pero lagi kong nakakalimutan. Baka magpatiwakal na
'to sa sobrang lungkot niya sa pagkamatay ni...amm...scruffy!" naguguluhang
tinignan ako ng dalawa pero nanatiling nakangiti lang ako. "Iyong alaga niyang
goldfish na namatay!"

Nilingon ko si Brennan na nakangangang nakatingin sa akin. Tinanggal ko ang ngiti


ko at umarte na nalulungkot. "Condolence ha. Ang mahalaga makakamove on ka na kasi
bibili na tayo ng bago."

"Snow-"

Pinutol ko ang sasabihin ni Phoenix at kumaway kahit na magkaharap lang naman kami.
"See you laters! Bye!" hinila ko na si Brennan. "Let's go Brennan! Vamonos!"

Lame, Snow. Lame.


=================

CHAPTER 2 ~ Grow Up ~

A/N: I just posted BHO CAMP #6: The Sweet Secret (Prologue) :)

CHAPTER 1

SNOW'S POV

Pumiksi si Brennan dahilan para mapabitaw ako sa kaniya at mapatigil kami sa


paglalakad. Malayo-layo narin kami mula sa pinag-iwanan namin kaila Phoenix at
Mira. Nag-angat ako ng tingin at napangiwi ako ng makita ko ang nagbabagang mga
mata ni Brennan.

"Err...Brennan. Sorry." nakapout na sabi ko. "Hindi na mauulit, promise!"


nakangiting itinaas ko ang isa kong kamay na parang nanunumpa.

"I'm not a shield that you can use against them."

Nawala ang ngiti ko at ibinaba ko na ang kamay ko. "Hindi kita ginagamit na shield
okay? Just an alibi. Wala lang talaga ako sa mood na sumama sa kanila dahil masama
ang pakiramdam ko. Hindi ko naman magawang matanggihan si Mira ng diretso dahil
ayokong magtampo siya."

Pagak na tumawa si Brennan. "Look at you. You can't even be honest to yourself."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. God, maybe you really don't know because
you're so stubborn to make yourself believe that there's nothing wrong."

"Brennan-"

"Grow up, Snow. And for once, look at your own heart and those people around you.
Para sa huli hindi ka magsisi na wala kang ginawa."

Pakiramdam ko ay sampal ang mga salita niya. Walang kahit na sino ang kumausap ng
ganito sa akin. Lagi lang nila akong hinahayaan...lagi

nilang inaayos ang lahat para sa'kin. Pero ngayon na kausap ko si Brennan
pakiramdam ko wala akong kuwenta. Na wala akong alam.

"Kung magsalita ka parang naranasan mo na ang mga sinasabi mo." bulong ko.

Sandaling natigilan siya bago siya muling nagsalita, "Alam ko kung ano ang sinasabi
ko. Unfortunately, I already know I'm too late. It's a good thing I'm not into it
too deep or I'll be fucked up."

"Brennan-"

"Take this as a gift from the man who once thought he's falling for you. You need
to wake up and grow up, Snow. Now, I need to go because I have a date with a woman
who I've been hurting for awhile now. And Snow...that's me doing something so you
should take my advice and make a move too or you'll be too late."

Laglag ang panga na parang kandila na itinulos ako sa kinatatayuan ko habang


sinusundan ng tingin ang lalaki. Take this as a gift from the man who once thought
he's falling for you. "Omg! M-Me? Paanong...Omg!"

"Nice show."

Nakanganga pa rin na nilingon ko ang nagsalita at saglit na napatulala ako ng


makita ko ang kaibigan ng pinsan kong si Storm. "Waine, ikaw pala."

"You should take his advice."

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Tama na, okay? Halos wala na nga akong naintindihan
sa sinabi niya maliban sa-" napatigil ako at nanlaki ang mga mata. "Omg!
He's...he's...with me?! Bakit hindi ko alam? Omg!"

"May sarili kang mundo."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata at ngumuso ako. "Hindi kaya!"

"May sarili kayong mundo

ng best friend mo." Umangat ang sulok ng labi niya ng makita niya ang pagkabigla sa
mga mata ko. "Ilang beses na rin kitang nakita na kasama siya. Umiikot ang mundo mo
sa kaniya kaya hindi mo nakikita ang mga nangyayari sa paligid mo."

Itinaas ko ang isa kong kamay. "Tama na. Mali kayo ni Brennan. Magkaibigan kami ni
Nix Nix kaya lagi kaming magkasama. Iyon lang iyon."

Nagkibit-balikat siya. "Sinasabi ko lang kung ano ang napansin ko. Anyway, it's not
my business so you can do what you want to do."

"You got that right. It's a free country I can do what I want yow!"

Tinignan niya lang ako bago umiiling na naglakad na siya paalis. Kunot noong
sinundan ko siya ng tingin. That's twice now. Dalawang beses na na hindi gumana ang
Baby Cutesey Snow ko.

"Kuya Waine!"

Lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Ano?"

"Samahan mo akong bumili ng goldfish!"

"No."

"Please!" I said again while batting my eyelashes.


Sandaling tinignan niya ako at lihim na napangiti ako. Alam kong hindi niya din ako
matitiis katulad ng mga agent na sinusunod lahat ng gusto ko-

"No."

Napanganga ako. Don't give up Snow! Napractice mo na 'to mula ng isinilang ka pa


lang! Pinalukot ko ang mukha ko na animo ay ilang sandali na lang ay iiyak na ako.
"I already said please!"

"You can't get everything you want just because you said 'please'."

"But I want you to go with me!" I said in a wail.

/>

"No." mataman niya akong tinitigan bago nagpatuloy, "Not until you ask me like a
grown up woman and not like a woman pretending to be an innocent child."

"I am innocent!"

"Maybe. But you're certainly not a child."

Naninigkit ang mga mata na binigyan ko siya ng matalim na tingin ngunit hindi man
lang siya nag-iwas ng tingin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagbaba ako ng mga
mata habang iniisip ang sinabi niya.

I can just forget about the goldfish and go home. Iyon nga lang ibig sabihin niyon
ay malalaman nila Phoenix na hindi ako umalis at malamang sa hindi ay puntahan nila
ako ni Mira sa kwarto ko at isama sa kanila.

"Kuya Waine, pwedeng samahan mo akong bumili ng goldfish? Kung okay lang." bulong
ko.

"Marami pa akong dapat gawin." sagot niya at akmang magpoprotesta na ako ngunit
nagpatuloy siya, "But because you asked nicely then okay."

I glared at him. "You're a pain in the butt."

"Be nice, little girl."

"Whatevah!"
INILAPIT ko ang mukha ko sa salamin ng aquarium habang na-a-amaze na tinitignan ang
iba't-ibang klase ng isda na nakalagay sa loob niyon. Wala na sana akong balak na
umalis kung hindi lang may lumapat na kamay sa noo ko at hinila ako palayo.

Masama ang tingin na tinignan ko si Waine. "Ano ba?!"

"Tinatakot mo ang mga isda."

"Excuse me po ha? Sa ganda kong to?"

He rolled his eyes

at me and pointed at the salesman who's looking at us back and forth. Tumingin ako
sa lalaki at ibinalik ko ang ngiti sa labi ko. "Gusto ko lang po ng goldfish. Meron
po ba kayo? Kasi puro orange fish lang po ang nakikita ko eh."

Napakurap ang lalaki. "Eh...Miss, goldfish po ang mga ito." at itinuro ang isang
aquarium.

Tinignan ko ang tinuro niya at napakunot ang noo ko. "That's orange."

"Goldfish po ang mga iyan Ma'am."

"But it's orange."


Magsasalita pa sana ang salesman pero itinaas ni Waine ang isa niyang kamay para
pigilin ang lalaki at iniharap ako ni Waine sa kaniya. "That's a goldfish, Snow."

"It's orange." I said, confused.

Tinignan ako ng mabuti ni Waine na para bang binabasa niya ang mukha ko. Ilang
sandali lang ay umangat ang sulok ng labi niya. "Nag-alaga ka na ba dati ng isda?"

"Nope." I answered, my lips exagerating the 'p' of the word.

"Nakakita ka na ng goldfish?"

Tumingin ako sa ceiling habang nag-iisip pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin ko sa


kaniya. "Hindi pa ata. Bakit?"

"Because that's a goldfish even though it's orange. Okay? Now pick what you like."

Goldfish tapos kulay orange? Weird. Hindi na lang ako nagsalita pa at tinignan ko
ang mga isda. Ilang sandali lang ay unti-unti ng nalukot ang noo ko. Pare-pareho
lang naman ang itsura nila. Iba-iba nga lang ng laki.

Hindi sinasadiya ay napadako ang tingin ko sa isang maliit na glass bowl na


nasa isang tabi kung saan may isang maliit na goldfish slash orange fish na
nandooon.

Tumingin ako sa salesman at tinuro ko iyong bowl. "Bakit siya nakahiwalay?"

"Eh Miss, dati kasi kasama din yang si Tilly ng ibang mga goldfish. May lagi siyang
kasama na isa pang goldfish ang kaso nabili na. Mula noon naging aggressive na
iyang goldfish na iyan at ayaw makisalamuha sa iba. Ilang beses din namin siyang
nakita na kinakagat ang iba pang mga isda."

Napasinghap ako. "Oh no. Dapat isinama niyo na lang siya doon sa bumili."

"Nang bumalik iyong bumili sinubukan namin na ibigay na lang sa kaniya pero ang
sabi niya namatay na daw iyong binili nila na isda."

Napahawak ako sa dibdib ko at ilang sandali lang ay nangilid na ang mga luha sa mga
mata ko. "I'll take that fish."

"Sigurado kayo ma'am? Baka hindi niyo na siya masamahan ng bagong isda."

"Okay lang." sabi ko habang sumisinghot. "I want a bigger square aquarium and those
tiny plants and caves."

"Pwede naman ma'am na ibigay na lang namin sa inyo ang bowl. Iisa lang naman siya-"
Pinaningkitan ko ng mga mata ang salesman. "Alam mo ba na mahirap tumira sa maliit
na lugar Idagdag pa na bilog ang bowl na iyon. Ikaw kaya ang tumira sa lugar na
paikot-ikot ka lang?"

Napakamot ang salesman at kumilos na para gawin ang gusto ko. Nakasimangot na
hinarap ko si Waine ng marinig ko na mahina siyang tumatawa. "What?"

"Saan ka ba ikinulong ng pamilya mo mula ng ipinanganak

ka? Sa kweba?" natatawang tanong niya.

"Ang sama mo! I'm their baby that's all."

"You're not even the youngest."

"Age is not everything you know?" I said with a roll of my eyes.

Sumandal siya sa pader habang hinihintay namin na matapos ang salesman sa ginagawa
niya. Tinaasan ako ng kilay ni Waine at pinagkrus ang mga braso niya. "So bakit ka
nga naging ganiyan?"

"Anong bakit ako naging ganito?"

"A woman who acts like a baby."


"Excuse me, I am BHO CAMP's baby."

Umiling siya. "Alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Oo at may mga bagay ka na hindi
alam pero hindi ibig sabihin niyon ay wala ka na talagang kaalam-alam."

Nagkibit-balikat ako. "Mas madali kong makuha kung ano ang gusto ko."

Ilang sandali na tumahimik lang siya habang parang may iniisip. Pagkaraan ay
umangat na naman ang sulok ng labi niya na parang may naisip siya na kung ano.
"Snow, alam mo ba kung ano ang ginagawa ng lalaki at babae sa kwarto kapag madilim
at walang ibang tao?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Ang bastos mo!"

"So you know something." he said. "You know what's fellatio?"

Kumunot ang noo ko. Ano daw? I don't really know Waine kahit na ilang beses na
kaming nagkita noon dahil naging parte ako ng XX team na binuo noon ni Storm para
pabagsakin ang Claw. Kabilang doon si Waine kaya lagi ko siyang nakikita pero hindi
kami kailan man nagkausap maliban na lang kapag tungkol sa mission.

don't even know that he's so irritating.


"What's that? Fellatio, fellatio...hmm?" Patingin-tingin si Waine sa paligid namin
na para bang kinakabahan siya na may makakarinig sa akin pero nagpatuloy lang ako.
"Sounds like Gelato to me. You know? An Ice Cream."

Waine guffawed. Tinaasan ko siya ng kilay ngunit tinakpan niya lang ang bibig niya
at sandaling pilit na inayos ang sarili niya. "An Ice Cream? Seriously Snow?"

"Hindi ko alam eh. Duh. Sabihin mo na lang kaya sakin."

"No way." he chuckled. "I-search mo na lang sa google mamaya."

"Whatever."

Napatingin ako sa salesman ng maramdaman ko ang paglapit niya sa amin. Nakita kong
nakahandana ang aquarium na bibilin ko pati na ang mga gamit na sinabi ko kanina.

"Okay na po si Tilly, Miss."

Finally. Now I can get out of here.


"TAPOS ayun nga may date pala si Brennan. Siguro sila na lang ng date niya ang
bibili ng goldfish niya. Pero dahil sa gusto ko na makakita ng goldfish bumili na
rin ako ng sa akin tas ayun nakita ko si Kuya Waine na sinamahan ako."

Tumango-tango si Nix Nix na kasama ko ngayon sa 'Paige's Night Life', ang bar dito
sa BHO CAMP, na ngayon ay puno na ng mga agents. Wala pa rin kaming mga guest dahil
nirerenovate pa ang ilang mga lugar dito sa BHO CAMP. Iyon kasi ang excuse na
ginamit ng BHO CAMP ng mangyari ang gulo sa Claw kung saan kinakailangan naming
isarado ang buong lugar. Pinanindigan na lang nila Dawn ang renovation.

Hindi

din namin kasama si Mira dahil nasa labas ng BHO CAMP ang babae kasama ng mga
magulang ni Phoenix (Na kapwa junior agents noon). Maaga kasi ang fitting ng gown
ni Mira bukas ay hindi gusto ng nanay ni Phoenix na makita ng binata ang gown. Saka
mas malapit din daw ang bhat ng mga magulang ni Phoenix sa pinagpagawaan nila ng
wedding gown.

"Hey, Phoenix, Snow." bati ng isang trainee agent na si Killian or in short...Kill.


"Usual, Phoenix?"

"Yes."

Tinignan ako ng lalaki at ngumiti. Ang sabi sa akin ng mga agent mayroon daw
'Killer Smile' si Killian. Wala naman akong kakaiba na nakikita. "Snow, mango
juice? Or a surprise?"
Iyan ang lagi niya sa aking tinatanong kapag nagpupunta kami ni Phoenix dito. Alam
ko naman na hindi siya seryoso sa alok niya sa akin dahil hindi naman ako umiinom.
"Surprise."

Napakurap ang lalaki na para bang sinabi ko na kulay pink ang patak ng ulan.
Tumingin siya kay Phoenix at pagkatapos ay bumalik sa akin ang mga mata niya.
"Okay."

"Kill." Phoenix said, stopping him.

"Yep?"

"Go easy."

"Of course, Phoenix."

Nang lumayo na si Killian para gawin ang order namin ay humarap sa akin si Phoenix.
Mataman niya akong tinitigan. "May problema ba Snow?"

I looked at him innocently. "Of course not. Gust ko lang sumubok ng iba."

"Lahat ng naging bartender dito ganoon ang tanong sa iyo pero ngayon ka lang nag
iba ng pili."
Nagkibit-balikat ako. "I just want

to try." Nag-iwas ako ng tingin pero sa pagkabigla ko ay hinawakan niya ako sa baba
at iniharap ulit ang mukha ko sa kaniya. His touch doesn't bother me before. "Nix
nix..."

"You can tell me everything, you know that right? I will always do what you want."

I know that and that's what I'm afraid for. Because I know that he'll do whatever I
ask him to do. Even if that breaks his heart. Even if it's a selfish request.

He'll do it for me.

Ngumiti ako. "Ang seryoso mo naman, Nix nix. Wala naman akong problema ah. Ako pa
ba?"

"Snow..."

Ekseheradong bumuntong-hininga ako. "Fine, fine, I'll be honest. Nalulungkot lang


ako na ikakasal ka na."

May kung anong bumakas sa mga mata niya. "Why?"

"Syempre best best best friend kita. Pakiramdam ko kasi bihira na kitang makikita
lalo na kapag nagkababy na kayo ni Mira." ngumiti ako kahit pakiramdam ko ay may
pumipiga sa dibdib ko. That's just normal Snow. He's your bestfrien after all.
"Nasanay na ako ng kasama kita eh."

"Hindi ako mawawala."

"I know that. Nagdadrama lang talaga ako. But I'm happy for you and Mira! Now...can
you do me a favor?"

"Anything." he answered immediately.

"Let's just drink the night tonight."

"You can't drink too much."

"But you can. Have fun, you know? Mamaya niyam sa sobrang stress mo nakasimangot ka
habang kinakasal kayo ni Mira. Hindi maganda sa wedding picture iyon no."

/>

Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako. Iyon na ata ang nagiging past time ng mga
tao sa paligid ko. Ang titigan ako na para bang isa akong alien na pinadala dito sa
planetang Earth para maghasik ng kababalaghan.

"Here's your drink guys!"

Inilapat ni Kill sa harap namin ang mga inumin namin. Kinindatan ako ng lalaki bago
siya naglakad papunta sa iba pang agents na lumapit din sa mini bar. Kinuha ko ang
alak sa harapan ko at uminom ako na para bang umiinom lang ng juice.

Nanlaki ang mga mata ko at napatili ako. "Omg! Kyaaaah!"

Natatarantang hinawakan ako ni Phoenix sa magkabilang pisngi ko at ilang sandali


lang ay pinaypayan ang bibig ko. "Snow, are you okay?"

"I think my throat is burning!"

Masama ang tingin na tinignan ni Phoenix si Killian na natatawa lang. Hindi


lumingon ang lalaki sa amin pero alam kong naririnig niya kami.

"That crazy guy." Phoenix muttered.

Bahagya akong lumayo sa kaniya at ako na ang nagpaypay sa bibig ko. "I'm fine.
Nabigla lang ako. But it taste good."

"Are you sure?"

"Yup!"

Masakit lang siya sa lalamunan sa umpisa pero nawala din naman kaagad. Masarap din
ang lasa at hindi mapait. Parang may bahagya pa ngang lasa ng mango juice. Mukhang
ginawa talaga ni Killian para sakin.

"Yow, little girl."

Nilingon ko ang nagsalita at napasimangot ako ng makita ko si Waine na palapit sa


amin. "Anong ginagawa mo dito?"

"Kukuha ng alak." sinenyasan ni Waine

si Killian. "Another, Kill."

"Got it."

Nang umalis na si Killian ay hinarap ako ni Waine. "May tanong ako."

"Ano?" nakasimangot pa rin na sabi ko.

"What is cunninglingus?"

Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Phoenix na para bang gustong ihagis
sa labas si Waine. "What the hell, bro?!"
Hindi siya inimik ni Waine at nakataas ang sulok ng labi na tinignan lang ako ni
Waine. Pinaikot ko ang mga mata ko.

"Cunning means sly right?" I asked. "Lingus...parang iyong sa Aer Lingus? That's an
Irish Airline. So it doesn't make any sense to put it together."

Tumatawang kinuha ni Waine ang baso ng alak na inabot ni Killian bago niya ako
hinarap. "You have an another assignment, little girl."

Nakasimangot na inabot ko ang baso ko at tinungga ko ang laman niyon. Pinigil kong
sumigaw at hinayaan ko lang na mawala ang init niyon. Pagkaraan ay sinabihan ko si
Killian na gawan pa ako ng isa.

"Easy, Snow." Phoenix said in a warning.

"I'm fine. You should drink too. Sige ka, kapag hindi ka uminom ako ang iinom ng
share me. That means I will double my every order."

Bumuntong-hininga ang binata pagkatapos ay ininom na rin ang sariling alak. Saglit
lang ay nagbaba ulit ng bagong alak si Killian. Umupo na rin sa isa kong side si
Waine na tahimik ng umiinom.

"Don't drink too much, Snow." sabi ni Phoenix.

"Alam ko. Relax ka lang." bumubungisngis na sabi ko.


Hindi ko alam kung gaano kami katagal doon. Hindi ko din alam na iba pala talaga
ang epekto ng alak. Dahil habang tumatagal pakiramdam ko nagsilabasan lahat ng mga
emosyon na itinatago ko. Pakiramdam ko padagdag ng padagdag ang bigat niyon sa
dibdib ko hanggang sa hindi na ako makahinga.

"Kuya Waine..." I whispered.

Nilingon ako ng lalaki. "Ano?"

Bumuka sara ang bibig ko pero walang katagang lumabas roon. Umiling na lang ako at
ngumiti. "Wala."

"Snow." he whispered.

"Hmm?"

"Grow up before it's too late."

Hindi ko alam kung ilang beses ko ng narinig ang mga salitang iyon sa kanila ni
Brennan. Sa bawat banggit nila sa mga salitang iyon mas nadadagdagan ang bigat sa
dibdib ko.

Grow up...
How?

=================

CHAPTER 3 ~ Nothing ~

A/N: Natutuwa ako sa mga comment hahaha! (Hindi sa 'update update' dahil naiistress
ako sa mga salitang iyon hahaha.) Yung feeling na gulong gulo ang lahat kung sino
ba ang gusto nila para kay Snow. May Team Phoenix, Team Brennan at Team Waine.
Idagdag natin ang Team Killian next time kapag nag baliw mode na naman ako hihihi!

PS: Maguguluhan kayo sa ilang part dito :) Sadiya iyon. May mga bagay na secret
lang muna namin ni Snow ;)

CHAPTER 3

SNOW'S POV

Pabagsak na humiga ako sa kama. Mag-uumaga na. Pakiramdam ko umiikot ang paningin
ko. Hindi ko kasabay si Phoenix bumalik ng headquarters dahil kanina pa siya nauna
umuwi. Mas malakas ang tama ng mga nainom niya sa akin kanina dahil inaagaw niya
lahat ng ibigay sa akin ni Killian na alak.

Mariing ipinikit ko ang mga mata ko. No, forget about it Snow. Don't think about
it. Everything will be allright.

Nagmulat ako ng mga mata ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko iyon
at hindi tinitignan ang caller na sinagot ko ang tawag. "Hello?"

"You're really crazy."

"Kuya Waine, 'wag ngayon." sabi ko ng mabosesan ko ang tumawag.


"Crazy girl."

Malakas na bumuntong-hininga ako ng pinutol na niya ang tawag. Gumulong ako sa kama
at sinubsob ko ang mukha ko sa kama. I want to bury myself in my bed and never
resurface again. I want to go away. I want to leave and never return.

"No. Forget about it Snow. He won't remember it."

Never

tell another soul.

Bury it.

Pretend like nothing happened. I'm good at it. I know I will be alright.

I will be.
MALALAKAS na katok ang nagpagising sa akin kinaumagahan. Agad na napatayo ako at
kahit hindi tumingin sa salamin ay alam ko na namumutla ako. Natatakot akong buksan
ang pintuan. Paano kung...paano...

Napapitlag ako ng muling may kumatok. Pinindot ko ang maliit na device na hugis
kahon sa gilid ng pintuan ko at pinindot ko iyon. Nakahinga ako ng maluwag ng
makita ko kung sino ang nasa labas ng pintuan ko. Binuksan ko na iyon at bumangad
ang nakasimangot na mukha ni Waine sa akin.

"Ang aga mo namang mang bulabog, kuya." pabirong sabi ko.

Padabog na sinarado niya ang pintuan at tuloy-tuloy na tinungo ang kitchen ko.
Nilapag niya ang dala niyang paper bag doon at matalim ang tingin na tinignan ako.
"Sit."

Bumuntong-hininga ako at sinunod ko na lang siya. Umupo ako sa high stool ko habang
siya naman ay sumandal sa counter. Binuksan ko ang paper bag at kumurba ang maliit
na ngiti sa labi ko ng makita ko na may kape at almusal sa loob.

"Binili mo?" tanong ko.

"Yong kape, oo. But I cooked the meal."

Nilabas ko ang mga pagkain at hindi na ako nagtanong kung para kanino. Obvious
naman na para sa akin. Kaagad na sinimulan ko na kainin ang mga iyon. Pilit na
inignora ko si Waine na nakatingin pa rin sa akin.
"Saan ka tumutuloy?" tanong ko.

"Dito

sa headquarters. May kwarto na pinapagamit muna sa akin. I'm a temporary agent of


your organization as well as Chumillo."

Napatingin ako sa kaniya. Bumuka ang bibig ko para magtanong pero umiling lang
siya. Mukhang classified ang dahilan kung bakit nandito sila.

"Hindi pa ba nadadala si Dawn sa pagtatago ng sekreto sa'min?" sabi ko pagkatapos


ay sumimsim sa kape na dala din niya.

"Wala naman siyang balak itago. Magkakaroon ng conference ang buong team ninyo kaya
hindi ko kinakailangan na sabihin sa iyo dahil malalaman mo rin naman."

Tumango-tango ako. Tahimik na pinagpatuloy ko ulit ang pagkain ko pero unti-unti na


akong naiilang sa ginagawa niyang pagtingin sa akin. "Kuya Waine-"

"What have you done, Snow?"

"You said I should grow up." I whispered.


Inihilamos ni Waine ang kamay niya sa sariling mukha. "Hindi sa isang tao na halos
hindi na makatayo sa pagkakalasing."

Binitawan ko ang kutsara at tinidor bago ko siya hinarap. "Paano mo nalaman?"

"I followed you dummy."

Inilayo ko ang pagkain na nasa harapan ko at sumubsob ako sa mga kamay ko. "Kuya
Waine, please. Ayoko ng maalala. You're right. I'm crazy. I'm really crazy."
nagmamakaawa ang mga mata na tinignan ko siya. "Nothing will change even if I grow
up."

"Snow-"

"Alam ko ang gusto niyong tukuyin ni Brennan. That I should be real to myself. I
know that this is not about my family anymore. Na hindi na ito tungkol sa kung
paano ako itrato ng lahat. Na hindi

na ito tungkol sa kaignorantehan ko sa mga bagay-bagay. I'm not stupid. Alam ko ang
problema sa sarili ko. Isang bagay na kahit na sino hindi ako matutulungan. But
that's it. I don't want to help myself. I don't want to be real to myself. Mas
masakit kapag nagpakatotoo ako. So please...just let me be."

"Paano kung may tyansa na-"

Umiling ako at pinutol ang sasabihin niya. "Mira is a great person, kuya Waine. She
don't deserve this."
Mahabang katahimikan ang namayani sa amin. Tahimik na umupo si Waine sa harapan ko
at itinulak palapit sa akin ang plato na inilayo ko kanina. Walang salita na
nagpatuloy ako sa pagkain habang nanatiling nakatingin lamang sa plato.

I don't know why he suddenly became my friend. But I'm thankful that he's here.

"Vibrator."

Bigla akong napatingin kay Waine habang nanlalaki ang mga mata. Muntik pa akong
mabulunan. "Kadiri ka talaga kuya Waine! Kumakain kaya ako!"

Tumaas ang kilay niya. "At least you know that one." ngumisi siya ng tila may
naisip. "Tits."

Pinaikot ko ang mga mata ko. Nagsisimula na naman. But at least we're done talking
about the heavy stuff. "Ngipin. At teeth hindi teeths. Plural na ang 'teeth'.
Simpleng English lang hindi mo pa alam."

Napanganga ako ng bigla na lang siyang humalakhak ng tawa. Seriously this guy.
Bipolar ba ang isang ito?

"I'm gonna enjoy this." he said after he's done laughing at my expense.

"Enjoy what?"
"You'll know if you do

your assignment."

Muli kong pinaikot ang mga mata ko. Kahit kailan hindi pa ako naka-meet ng lalaking
kasing gulo kausap ni Waine. At saka ano bang nakakatawa sa sinabi ko kanina? Teeth
naman talaga at hindi teeths ah.

Ay ewan!

NANGANGALIT ang mga ngipin ko habang nakatingin ako sa cellphone ko kung saan
kasalukuyan akong nakakonekta sa internet. Hindi ko pinansin ang mga taong nasa
paligid ko dito sa dining hall ng BHO CAMP headquarters.

That freaky Waine.

Fellatio is not a Gelato Ice Cream, it's a stimulation to a man's...you know? And
Cunnilingus is the opposite because it's a stimulating to a woman's clitoris.

And 'tits'! It means nipple.


"Hey, Snow. Mukhang busy ka ah? Anong tinitignan mo diyan?"

Hindi lumilingon na sumagot ako. "Wala naman. Nalaman ko lang naman ang ibig
sabihin ng Fellatio, Cunnilingus at Tits."

Mabilis pa sa alas kwatro na nawala sa mga kamay ko ang cellphone ko. Nag-angat ko
ng tingin at nakita ko na hawak iyon ng kapatid ko na si kuya Thunder na nakaupo na
pala sa harapan ko habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa phone ko.

"Akin na 'yan!"

"No. Sabihin mo muna sa akin kung bakit nag se-search ka ng ganito."

Ngumuso ako. "Tanungin mo si kuya Waine. Iyan lang ata ang mabisang paraan na alam
niya para mag 'grow up' ako."

"You can grow up without reading these things."

I didn't missed

that he didn't deny that I should grow up. "Right. At ano naman ang alam mo sa
pagtanda kuya?"

"Well...err..."
"Alam mo ang mga iyan di ba?" tanong ko.

Napakamot siya sa batok. "Oo pero-"

"At nag 'grow up' ka na ba?"

"Oo naman!" malakas na pahayag niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Eh di dahil nga alam mo ang mga iyan kaya mo nasabing
matanda ka na. Ang gulo mo kausap kuya."

"Snow-"

"Hindi kasi dapat si kuya Thunder ang kinakausap mo kung gusto mo na mag mature."

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang isa pa namin na kapatid na si


Freezale. We're triplets pero kami talaga ni Freezale ang magkamukhang magkamukha.

"Ate Freezale!" sigaw ko.


"Mas nauna kang lumabas."

"Whatever."

Umupo siya sa tabi ni kuya Thunder at kinuha niya ang cell phone ko. Halos saglit
lang tumagal ang mga mata niya doon dahil kaagad siyang napatingin sa akin. "Why
the hell are you searching for these kind of things?"

"Assignment ko daw sabi ni kuya Waine. Malay ko ba na iyan ang meaning."

"This is not the way to maturity."

"Oo nga." singit ni kuya Thunder. "Hindi ka diyan dapat nagsisimula. Siyempre dapat
mag start ka sa basics. Like French kiss, Aussie kiss, finger- aray! Freezale naman
eh!"

Binitawan ni Freezale ang tenga ni kuya Thunder at hinarap ako. "Sa akin ka lang
makinig. Okay?"

"Okay!" nakangiting sabi ko.

/>

"If you want to be mature then start acting like one. You'll always be the baby of
everyone. But that doesn't mean that you should just stay forever inside your
protective shell."
"Okay!" I said, not planning to broaden the topic.

"Snow."

"Yes?"

"Nandito lang ako."

Nawala ang ngiti sa labi ko at sinalubong ko ang nakakaunawa niyang tingin sa akin.
Pilit na ngumiti ako. "Okay."

"So...Freezale..." singit ni kuya Thunder.

Binigyan siya ng matalim na tingin ni Freezale. "What?"

"Ikaw na ang magtuturo kay Snow ng mga terminologies na ito- aray! Maawa ka sa
tenga ko! Nag-asawa ka lang naging dominatrix ka na."

Bago pa makasagot ang kapatid kong babae ay nauna na akong nagsalita. "Dominatrix?
Ano 'yon?"
"Wala." magkasabay na sagot nila.

Hindi ko na nagawang magtanong pa dahil may biglang humila ng bahagya sa buhok ko.
Tinignan ko iyon at naningkit ang mga mata ko ng makita ko si Waine. "Ano na
naman?" masungit na tanong ko.

"Prince Albert."

Automatiko na sumagot ako. "Stalker na bakla ni kuya Thunder na dahilan ba't laging
sumisigaw ang mga girlfriend niya."

"I see." he said chuckling. Sumaludo siya sa kuya ko bago walang salitang naglakad
papunta sa counter ng dining hall.

"Seriously hindi mo pa rin tinatanggal 'yang Prince Albert na iyan?" nakangiwing


tanong ni Freezale.

"Ba't ko naman tatanggalin?"

Nagtaas

ako ng kanang kamay. "Dahil nakakagulo na siya sa mga girlfriend mo? Paano kung
bigla na lang niyang murderin ang mga girlfriend mo dahil sa selos?"

Napasubsob si Freezale sa mga kamay niya habang si kuya Thunder naman ay hindi
malaman kung ano ang isasagot sa akin.
"Snow?" alanganin na sabi ni kuya Thunder.

"Yes kuya?"

"Prince Albert is not a person."

"Oh."

"It's a piercing."

"Oh." kumunot ang noo ko. "Pero bakit sumisigaw ang mga nagiging girlfriend mo?
Ikaw ba ang nag pi-piercing sa kanila?"

"Err...no it's not like that."

"Then what is it?"

"It's my piercing." tumuro siya sa baba. "Down there."


Sinundan ko ang tinuro niya ngunit muli ko lang binalik ang mga mata ko sa mukha
niya. Ilang segundo...o minuto na nakatingin lamang ako sa kaniya hanggang unti-
unting rumehistro sa akin ang ibig niyang sabihin.

I opened my mouth at the same time both my siblings covered their ears as if
they're expecting it. Isang makabasag pinggan na tili ang pinakawalan ko.

"What the hell is going on? Snow? Okay ka lang ba?"

Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Phoenix na maputla pa ang itsura at


parang hindi pa rin makatayo ng ayos na lumapit sa akin. Umangat ang kamay niya
para hawakan ang mukha ko ngunit mabilis akong nakalayo.

Mukhang hindi naman niya napansin ang ginawa ko dahil nag-aalalang nakatingin pa
rin siya sa akin.

"Anong nangyari?" tanong niya. "Sumakit na naman ba ang ngipin mo?"

"N-No. I'm fine. Nagulat lang ako."

Umupo siya sa tabi ko at ipinatong ang siko sa lamesa para may masandalan ang ulo
niya. Mukhang hindi pa rin siya nakakabawi mula sa pag-inom niya kaninang madaling
araw.

"O-Okay ka lang ba Nix Nix?" pabulong na tanong ko.


"Yes, I'm fine."

"Ano...kagabi...I mean kaninang madaling araw-"

Nagmulat siya ng mga mata. "God, I'm sorry Snow."

Parang sinklot ang dibdib ko sa sinabi niya. No. No...no! Naalala niya. Ano ng
gagawin ko ngayon? Paano kapag nalaman ni Mira-

"Dahil sa kalasingan naiwan kita sa Paige's. Si Killian daw ang naghatid sa akin sa
headquarters. I'm so sorry. Hindi na ako ulit iinom para kapag gusto mo ulit na
sumubok uminom ng alak hindi na kita mapapabayaan-"

"No." pilit ang ngiti na umiling ako. "I'm fine. Hindi naman ako masyadong tinamaan
kagabi."

"I'm still sorry."

"I'm fine, I promise. Ammm...Nix nix?"

"Yes?"
"Wala ka na bang naaalala na iba?" mahinang tanong ko at bahagya kong tinignan sila
kuya na nag-uusap para matiyak na hindi nila ako naririnig.

"Wala naman. Killian said I passed out. May iba pa ba na nangyari? May hindi ba ako
maalala? I'm sorry, Snow, I was too hammered last night-"

Umiling ako at nginitian siya. Itinulak ko palapit sa kaniya ang bagong bili ko na
kape na mainit pa at hindi ko pa naiinom.

"Nothing. There's nothing to remember."

=================

CHAPTER 4 ~ Breaking ~

CHAPTER 4

SNOW'S POV

"Saan ka na naman pupunta?"

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang kapatid ko na si Freezale na nakataas


ang kilay habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero nitong mga
nakaraang araw kahit saan ako magpunta nandoon sila ni Kuya Thunder. Dati naman
pinababayaan lang nila ako na magpagala-gala pero ngayon pakiramdam ko stalker ko
silang dalawa ni kuya.

"Pupunta ako ng Craige. Titignan ko kung nakaluto na si Ocean." nakangiting sabi


ko.

"Hinahanap ka ni Phoenix ah. Kaninang tinanong niya ako at sinabi kong nasa
training room ka pagpunta daw niya roon wala ka. Nang nasa dining hall ka naman at
pinuntahan ka niya dahil doon ka sunod na pumunta bigla ka ring nawala."

Inosenteng sinalubong ko ang tingin niya. "Talaga? Hindi ko naman alam na hinahanap
niya ako."

"Tinatawagan ka niya sa cellphone mo. Tinawagan rin kita pero hindi ka sumasagot."

"Naiwan ko sa kwarto ang phone ko."


Naningkit ang mga mata niya. Sa mga pagkakataon na ganito ko nakikita na magkamukha
kami talaga. Kadalasan kasing walang emosyon si Freezale kaya mabilis kaming
naipagkakaiba. "Snow-"

"Nagugutom na ako. Pupunta muna ako sa Craige ha? Bye bye!"

"Snow!"

Napahinto ako sa pagtakbo at nakangiting nilingon ko siya. "Yes?"

/>

"Bukas na ang kasal ni Phoenix. Wala ka pa rin bang balak na magpakita?"

Pilit na inignora ko ang nais na kumawala na damdamin sa kaloob-looban ko. As long


as I don't acknowledge my feelings...I will be fine. I don't even understand
myself. I don't understand what's happening. I don't want to understand.

Nginitian ko ang kapatid ko. "Syempre magpapakita. Ako ang kinuha ni Mira bilang
Maid of Honor niya kaya siyempre pupunta ako."

Wala naman kasing ibang pupunta para kay Mira. Gusto sana ni Phoenix na ako ang
maging best man niya...well best woman, whatever that is. Pero dahil nga sa
sitwasyon ni Mira ako na lang ang naging Maid of Honor niya. Wala na ding kinuha na
best man si Phoenix.

"Snow..."

I stick out my tongue playfully and ran away from my sister. Nang makarating sa
Craige ay dire-diretso ako sa kusina kung saan si Ocean lang ang naroroon. Wala
naman kasing mga guest pa dahil sa renovation.

"Psst!"
"Anak ng mangga! Snow naman eh!" reklamo ni Ocean na muntik mabitawan ang glass
bowl na hawak.

"Ate." pagdidiin ko.

Pinaikot ni Ocean ang mga mata. "Ate ka diyan. Mas isip bata ka pa sakin eh."

Ocean's a few years younger than me. Dati totoy pa siya pero ngayon nagbibinata na.
Graduate na din siya at ngayon nga ay official chef na ng 'Craige' katulad ng ama
niya na dating chef dito na si Yale Anderson.

Wala namang problema na ipagkatiwala sa kaniya ang lugar. Kahit naman

numero uno ang katamaran ni Ocean, pagdating sa pagluluto masipag siya.


Lumapit ako sa kaniya at piningot ko siya. "Asa ka. Same wavelength lang ang utak
natin, Ocean." binitawan ko ang tenga niya at naghila ako ng upuan para umupo.
"Ipagluto mo ako. Iyong masarap ha?"

"Kailan ba ako nagluto ng hindi masarap?" nakangusong sabi niya at pinagpatuloy ang
ginagawa niya kanina.

Nagkibit-balikat ako. Masasarap naman talaga ang luto niya kahit noong mga panahon
na nag-e-experiment pa lang siya. Ipinatong ko ang isang kamay ko sa counter at
nangalumbaba habang pinapanood siya.

Napasinghap na lang ako ng muntik ng humataw sa counter ang mukha ko ng patidin


niya ang siko ko. "Ocean!"

"Masama ang nangangalumbaba. Malas."


"Mas mamalasin ka kung nasaktan ako." simangot na simangot na sabi ko. "Dahil
tatanggalin ko ang lahat ng imaginary muscles at abs mo."

Malakas na napasinghap siya habang sapo ang tapat ng puso niya na parang aatakihin.
"Excuse me! Hindi imaginary ang kadakilaan ko!"

Pinaliit ko ang mga mata ko at inilagay ko ang isa kong kamay sa noo ko na parang
inaaninag siya. "Nasaan?"

"Oh no no no! Hindi pwede ito!" sigaw niya at parang si Superman na hinaklit sa
magkabilang kamay ang Chef Uniform niya para itambad ang katawan niya. Nagliparan
sa kung saan-saan ang butones ng damit niya. "Anong kailangan kong gawin para
makita mo ang kakisigan ko?"

Ngumuso ako at umaktong nag iisip. "Hmm...kahit ano gagawin mo?" tanong ko sa
maliit na boses.

"Oo naman! Lahat kaya kong gawin! Ako ang descendant ni Superman hindi mo ba alam?"
"Hindi." sumimangot siya at kagad naman akong ngumiti. "Alam ko na!"

Nagniningning ang mga mata na tinignan niya ako. "Ano? Ano?!"

"Lahat ng gusto kong lutuin mo sa loob ng isang buwan lulutuin mo. Kahit na anong
gusto ko ha?"

"Sus!" sabi niya at pinagpag ang uniporme niya na wala ng tinatakpan dahil sa pag-
ala Superman niya kanina. "Ang dali naman pala ng gusto mo. Kayang kaya ko yan!"

"Walang bayad."

Natigilan siya at napatingin sa akin. "Hoy! Anong walang bayad? Hindi mo ba alam na
ginto ang halaga ng mga ingredients ko-"
Tumayo ako at nakasimangot na naglakad paalis. "Okay. Kung ayaw mo wala namang
problema. Sayang may kakilala pa naman ako na naghahanap ng kadate na macho pero
dahil hindi mo ako makumbinsi na-"

"Freeze!"

Tumigil ako sa paglalakad at lihim na napangiti. Hinarap ko siya at nagtatanong ang


mga mata na tinignan ko si Ocean na ngayon ay nagmamadali ang mga kilos na
pinagpatuloy ang pagluluto. "Kahit isang taon pa kayang kaya kitang ilibre. Mayaman
ako."

"Talaga?" tanong ko.

"Oo naman!"
Matamis na nginitian ko siya. "Okay! Sabi mo 'yan ha. Magluto ka na. Ayokong
pinaghihintay ako."

Sumaludo ang binata at nagmamadaling nagluto. Nangingiting hinila ko ang upuan ko


kanina at dinala ko iyon sa isang tagong bahagi ng kusina kung saan kumakain ang
mga kitchen staff kapag break nila.

Sumandal ako sa pader at inaangat ko ang mga paa ko. Umunan ako sa mga tuhod ko
habang pinapanood si Ocean sa ginagawa niya ngunit wala naman doon ang utak ko.

Lagi ko na lang natatagpuan ang sarili ko na ganito. Natutulala. Kaya hanggat


maaari ay iniiwasan ko muna ang ibang mga agents. Nahihirapan kasi ako kapag
kaharap ko sila. Pakiradam ko pagod na pagod ako kapag kasama ko sila.

Kahit naman noong mga maliliit pa lang kami hindi naman ako ganoong palasama sa
ibang mga agents. Palagi lang kaming magkasama ni Phoenix. Gusto ko siyang kasama
kasi kahit hindi siya pala-imik alam kong nakikinig siya sa lahat ng sabihin ko.
Kahit na minsan wala ng kwenta ang lumalabas mula sa bibig ko. Lahat din ng
gustuhin ko ibinibigay niya...kahit dahil sa mga iyon ay napapahamak siya.

Hindi siya nawala sa tabi ko. Hindi siya nagkulang bilang kaibigan. Sobra-sobra pa
nga lahat ng ibinigay niya na panahon sa akin. Maybe that's why I'm feeling like
this. Like I'm so afraid to lose him.

Kasi matagal na panahon siyang nasa tabi ko.

Kasi kaibigan ko siya.

Then why? Why did you do that Snow? Kung kaibigan ka niya...hindi mo dapat ginawa
ang bagay na iyon.

Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi. Kailangan ko ng kalimutan iyon. Nagkamali lang ako.
Alam ko na mali iyon. Alam ko na hindi dapat.

"Ocean? Nakita mo ba si Snow?"

Nanlalaki ang mga mata na napadiretso ako ng upo. Kagat ang ibabang labi na sunod-
sunod akong umiling kay Ocean na kaagad namang nakita ang reksyon ko. Kaagad siyang
nagbawi ng pagkakatingin sa akin at hinarap si Phoenix.
"Ha? Aba malay ko. Hindi ko pa siya nakikita ngayong araw na 'to." sagot ni Ocean.

"Sabi ni Freezale dito daw siya pupunta."

"Ahh...oo nga pala! Dumaan siya pero kumuha lang siya ng pagkain tapos umalis din."

"Saan siya pumunta?" muling tanong ni Phoenix.

"Dude, hindi ako hanapan ng mga nawawala. Sa gwapo kong'to? Lahat ng nasisilayan
ang kagwapuhan ko nakikita bigla ang tamang daan."
"Right."

I sighed in relief when I heard his footsteps walking away. Sumilip ako at nang
makita ko tuluyan ng nakalabas si Phoenix ay binigyan ko ng thumbs up si Ocean.

"Bakit-"

Pinutol ko ang sasabihin ng binata. "Don't ask."

Nagkibit-balikat siya. "Fine. Anyways...your friend's number. Can I get it now?"

"Later."
Tinalikuran ko siya at nilabas ko ang phone ko. Kaninong number kaya ang ibibigay
ko sa kaniya? Wala namang nakalagay sa contacts ko maliban sa mga agents. Baka
naman lasunin ako ni Ocean kapag number ng kuya ko ang ibinigay ko sa kaniya.

Hmm...

Oh. I scrolled down my contacts and stopped when I found the right letter.

H.

Brilliant!

TAHIMIK na ang paligid. Karamihan sa mga agents ay nagpapahinga na habang may


pangilan-ngilan naman na duty ay nasa loob na ng headquarters. Ako na lang ata ang
nasa labas ngayon ng HQ at ngayon ay naglalakad patungo sa masukal na lugar sa
likod ng BHO CAMP.
Inayos ko ang suot ko na backpack at mabilis na naglakad ako.

It's too cold tonight. Nakalimutan ko pa naman na magdala ng jacket sa pagmamadali


ko na umalis ng headquarters. Hinahanap na kasi ako ng lahat. Ang huling nakakita
sa akin ay si Ocean.

Hindi ko alam kung bakit binabantayan nila akong lahat. Wala naman akong balak
tumakas at hindi pumunta bukas sa kasal.

I won't do that to my best friend.

Napatigil ako sa paglalakad ng may marinig ako na mga kaluskos. Kunot noong tinungo
ko ang isang puno at dahan-dahan na sumilip ako roon. Siguro kung iyong iba tumakbo
na paalis. Para kasing eksena sa horror movie ang ginagawa ko. Kung saan ang
curious na babae ay bigla na lang hihilahin ng isang hindi malamang elemento at
dadalin sa kailaliman ng lupa at gagawing hapunan.
"Bulaga." bulong ko.

"AAAHHHHH!"

Napangisi ako ng sabay pang sumigaw ang dalawang tao na nakita ko. Si Brennan at
Laureen. "Anong ginagawa niyo diyan?"

Namumulang nagtago si Laureen habang si Brennan naman ay magkasalubong ang mga


kilay na tinignan ako. "May date kami. Ikaw anong ginagawa mo dito?"

Ah. Akala ko

naman kung ano na. "Nag so-soul searching."


"What?"

"Wala." nginisihan ko siya. "Kung ako sa inyo itutuloy ko na lang iyang date ninyo
sa headquarters kung ayaw mo na paghiwalayin kayo ni Dawn. Naka-red alert ka na sa
pinsan kong iyon dahil sa napapadalas mo na pag-date...sa likod ng puno."

Ang weird ni Brennan no? Bakit kaya dito pa eh ang lawak lawak ng BHO CAMP?

"Last time was not me! Kayo ni Storm iyon."

Nagkibit balikat ako. Ang tinutukoy niya ang iyong gayahin ni Storm ang mukha niya
sa pamamagitan ng Fake Face. "Ikaw pa rin ang nakita ni Dawn." nginuso ko si
Laureen na gusto na atang magpa-absorb sa puno sa sobrang kahihiyan. "Sige na.
Nilalamig na si Laureen oh. Sa lahat naman kasi ng lugar bakit dito pa? Hindi kaya
komportable na mag-usap sa ganitong lugar. Ang dilim dilim pa."

Napatulala si Brennan at Laureen sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay at halos sabay


nilang ipinilig ang ulo nila. Nagsalita si Brennan, "Minsan hindi ko alam kung
inosente ka ba o slow."

Napasinghap ako. "Ang sama mo!"

He chuckled and pulled Laureen. Naglakad na sila paalis ng hindi man lang ako
nililingon. Ang sama talaga ng ugali ng isang iyon.

Ano na naman kayang mali sa sinabi ko? Siya ang nagsabi na nag de-date lang sila.
Ano bang ginagawa sa date? Di ba nag-uusap?

Depende kung...

Napayakap ako sa sarili ko ng umihip ng malakas ang hangin. Umalis na ako sa likod
ng puno at nagmamadaling naglakad ako paalis.
Nang matanaw ko ang lugar na pupuntahan ko ay napangiti ako. Hindi madaling hanapin
iyon. Maliban sa bihira ang pumupunta sa likod ng headquarters ay natatakpan din
iyon ng maraming mga puno. Kung hindi mo kabisado ang lugar hindi mo iyon
mahahanap,

Iyon nga lang noong mga bata pa kami hindi din kami napipigilan ng mga magulang
namin sa pagpunta sa mapunong lugar sa likod ng HQ. Nakakalusot pa rin naman kasi
kami at isa ako sa mga pasaway na iyon. Kaya kabidong-kabisado ko na ito.

"Hi, Tree house." bulong ko.

Simple lang ang pagkakagawa niyon. Noong una hindi pa maganda iyon dahil kami lang
ni Phoenix ang gumawa. Pinupuslit namin ang mga materyales na hindi na ginagamit ng
mga magulang namin pagkatapos dinadala namin dito.

Wala pang makakaalam sana na gumawa kami ng tree house kung hindi lang bumigay
iyong dati at nahulog kami ni Phoenix. Nang malaman ng mga magulang namin ay sila
na mismo ang gumawa ng bago at mas matibay.
May kalakihan ang tree house ngunit sa dami ng laman niyon sapat na iyon para lang
sa amin ni Phoenix. Hindi din pwedeng umakyat ang ibang mga agents dahil pinagbawal
ko iyon noong mga maliliit pa lang kami. Kami lang talaga ni Phoenix ang pwede.

Nang nagkaedad na kami nilagyan namin iyon ng security alarm para masigurong walang
makakapasok na iba.

Napangiti ako ng makarating ako sa tapat niyon. Nakita ko ang

maliit na sign na nakatayo sa tabi ng puno. 'PHOENIX AND SNOW'S PROPERTY'

Inakyat ko ang kahoy na hagdanan. Noong mga bata pa lang kami hirap na hirap ako na
akyatin iyon. Kadalasan pinapasan pa ako ni Phoenix dahil lagi akong nadudulas sa
pag-akyat. Pero ngayon kaya ko na.

Kaya ko ng mag-isa.
Nang makarating sa taas ay kaagad na sumalubong sa akin ang mga maliliit na sign na
pinako namin ni Phoenix sa paligid ng tree house. Ang iba pa sa mga iyon ay may mga
drawing namin.

Iniwas ko ang tingin ko roon at tahimik na inenter ko ang security code. Pumasok
ako sa madilim na loob ng tree house.

...

...

"Dito lang pala kita makikita."


Napahigit ako sa aking hininga ng bigla na lang may nagsalita. Lumingon ako sa
likod ko at nakita ko roon si Phoenix na nakaupo sa isang tabi ng tree house. "N-
Nix nix...anong ginagawa mo dito?"

Sumilay ang isang maliit na ngiti sa labi ng lalaki. "Hindi na ba ako pwede dito?"

"O-Of course not. Nagulat lang ako."

"Mula noong magkita tayo sa dining hall noong nakaraan hindi na kita ulit nakita.
Buong maghapon din kitang hinanap ngayong araw na ito pero lagi kitang hindi
naabutan sa pinupuntahan mo."

Pilit na tumawa ako. "Nag gagala kasi ako maghapon eh. Naiwan ko pa sa kwarto ang
phone ko."
"Snow."

"Hmm?" tanong ko habang ibinababa ko sa isang

tabi ang backpack ko.

"May problema ba tayo?"

Napatingin ako sa kaniya at kaagad na umiling ako. "Wala. Wala tayong problema.
Bakit mo naman nasabi 'yan Nix nix?"

"Then why are you standing there as if there's a wall between us?"

Walang imik na lumapit ako sa kinaroroonan niya. Humiga ako sa lapag ng tree house.
May pinindot siya sa isang gilid ng tree house dahilan para mapalitan ng glass ang
ceiling ng tree house at pagkatapos ay humiga siya sa tabi ko.

Tahimik na nakatingin lang kami sa langit. Walang buwan...wala ding mga bituin.
Just clouds.

Lying here beside him...it almost feels like that nothing is different. As if
nothing will ever change.

Na parang katulad noon, mayroon lang Phoenix at Snow. Dalawang tao na hindi
mapaghiwalay ng kahit na sino.

Ang dami kong ala-ala na kasama siya sa lugar na ito. Mga panahon na kuntento lang
kami na magkasama. Panahon na pakiramdam ko...walang magbabago sa aming dalawa. I
remember him pinning my drawings around this tree house, putting me on his back as
he climb the stairs, naalala ko na nakipaglaro din siya sa akin ng luto-lutuan
kahit na hindi iyon ang gusto niyang laruin, I can remember him combing and
braiding my hair...I can remember just lying here looking at the sky.
Masyado akong nakuntento. Kasi akala ko hindi siya mawawala.

Pero hindi pwede. Kasi kailangan niya na ding maging masaya. Hindi pwedeng habang
buhay na ikulong ko

siya.

"Snow..."

"Hmm?"

"I'm getting married tomorrow."

Itinaas ko ang mga kamay ko na parang inaabot ang langit ngunit ginawa ko lang iyon
para matakpan ko ang mukha ko at hindi niya makita ang emosyon na nakabalatay roon.
"Yeah. I'm so happy for you! Siguradong hindi na din makapag-intay ngayon si Mira.
Kaya ka siguro nandito no? Hindi ka makatulog kasi excited ka na bukas-"
Napatigil ako ng maramdaman ko na hinawakan niya ang isang kamay ko at binaba iyon.
Nilingon ko siya at bahagya kong hinila ang kamay ko pero hindi niya binitawan
iyon. Humarap siya sa akin at matamang tinitigan ako.

"Nix nix..."

"Ask me." he whispered.

"What?" I asked in confusion. "Ask you what?"

"Ask me not to go tomorrow. Ask me not to get married...ask me not to leave you.
Ask me to stay here with you."
"A-Ano bang sinasabi mo-"

"She's a great woman. It's not hard to love her. God knows I don't want to hurt
her. But I want to know what you want. Dahil alam mo naman di ba? Gagawin ko kung
anong gusto mo. And I want you to ask me to stay."

"Phoenix..."

"When we were young, I told you that my dream is to be married to you. But you said
that that is not possible. Dahil para tayong magkapatid. When we're teenagers I
asked you if it's possible for us to date. But then you said we should stay as
friends. Dahil ayaw mo na magulo kung ano ang meron tayo. I understand, Snow. I
really do. We managed to be friends

for a long time. I managed to be contented just to be with you. The problem is I
cannot stay as your friend when I know that I want more from you."

"Y-You said it's okay to be like this. I never thought you were serious before.
Sabi mo naisip mo lang...sabi mo nagtatanong ka lang. You were just asking for a
possibility. You never said it's true." I whispered.
"Snow-"

"Paano si Mira? Basta basta mo na lang siya iiwan kapag sinabi ko na ayokong umalis
ka? Phoenix all my life I always get what I want. But not this time. Do you think I
will rob her this chance just because I'm scared of losing you?"

"Ask me."

"No!" umupo ako at umiiling na sinalubong ang tingin niya. "You're asking me to
hurt the woman that you will marry."

Umupo siya at pilit na hinuli ang mga mata ko. "I'm asking you what you want."

"No-"
"I love you, Snow."

Animo pelikulang sunod-sunod na lumabas sa utak ko lahat ng pinagsamahan


namin....lahat ng mga pagkakataon na kasama ko siya. Ngunit kaakibat noon ay ang
mukha ni Mira na masayang nakatingin sa kaniya. I can see her smile while talking
about the wedding...talking about Phoenix.

"For a long time there's nothing for me but loneliness. Then I met Phoenix. Kapag
kasama ko siya...pakiramdam ko mawawala lahat ng takot...lahat ng sakit."

Mira said those words before. Dati natatakot ako na baka hindi totoo ang
nararamdaman niya para kay Phoenix. Dahil masyadong naging mabilis lahat. Hindi ko
narinig mula sa bibig niya na mahal niya si Phoenix but I know...I know that she
feel something for him. I know that she wants to be happy with him.

I know that with just a word that I can take that happiness from her. I know
that...but I also know that I shouldn't.
"Marry her."

"Snow-"

"Don't do this to her, Phoenix. You shouldn't." pinilit kong ngumiti at binawi ko
ang kamay ko na hawak niya. "She's happy with you."

"Do you love me?" he whispered.

"I...I..."

Pumatak ang luha mula sa mga mata niya. I opened my lips to speak, my heart
breaking as I look at the pain in his eyes, but I can't find the right words to
say. "Even just a small part in your heart. Just tell me. Do you love me?"

...

...

"No."

I can feel the chain around my heart falling away. I can feel my feelings that I
locked on the deepest part of myself...crying...shouting...because of the lie that
escaped my lips.

=================
CHAPTER 5 ~ Battle ~

A/N: May dalawang klase ng itallic dito pipol. Isang FLASHBACK at yung isa ay ang
iniisip ng karakter. May ganito (***) iyong flashback. Para hindi kayo malito :)

CHAPTER 5

SNOW'S POV

Pakiramdam ko tumigil ang oras sa lugar na iyon. Na parang nakulong ako sa panahon
na iyon kung saan paulit-ulit kong naririnig ang boses niya. Na pauulit-ulit kong
naririnig ang sagot ko. Na sa utak ko...tinatanong ko...tama ba ang naging desisyon
ko?

I want to be angry and blame him for making me decide for him. But I can't. Lahat
ng sabihin ko sinusunod niya. Lahat ng gustuhin ko ibinibigay niya. But Phoenix
always do what's best for me. Kapag alam niya na ikapapahamak ko ang gusto kong
gawin...inaako niya ang bagay na iyon at siya ang kumikilos kahit na mapahamak pa
siya. And now for once, he asked me something that he wants. Something that I
cannot give him.

***"Even just a small part in your heart. Just tell me. Do you love me?"

"No."

"Snow?"
Napakurap ako ng marinig ko ang boses ni Mira. Pilit ang ngiti na humarap ako sa
kaniya. "Bakit?"

"Kanina ka pa tulala. Masama ba ang pakiramdam mo?"

Umiling ako. "Okay lang ako. 'Wag ka ng masyadong mag-alala. Ikaw nga dapat ang
kinakabahan ngayon eh. Ilang minuto na lang papasok na tayo sa loob."

Nagkalat ang mga agents sa paligid. Inaayos na ang pila nila habang ako naman ay
ang huling papasok bago si Mira. Hindi katulad

nang mga nakaraang kasal sa BHO CAMP ay tahimik ang mga agents na para bang
kalkulado ang ginagawa nila.

"Snow?"

"Yes?"

Sa pagkagulat ko ay hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. Wala


siyang sinabi na kahit na ano. Nanatiling hawak niya lang ang kamay ko habang
nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ng mga mata
niya...pero pakiramdam ko may kung anong pumipiga sa puso ko.

"Mira..."
"Someday, you will smile your beautiful and bright smile again. Someday...you won't
be in pain anymore."

"Ano bang sinasabi mo?" pilit ang tawa na tanong ko sa kaniya. "Ganiyan ba ang mga
malapit ng ikasal?"

Napatingin ako sa kaliwa ko ng marinig kong may tumatawag sa akin. Hinila ko ang
kamay ko na hawak pa rin ni Mira ngunit hindi niya kaagad iyong pinakawalan. "Mira,
kailangan ko ng pumasok sa loob."

"I'm...s...r...y..."

Napakunot noo ako. "Hindi ko narinig. What is it again-"

"Snow!"

Tuluyan ko ng binitawan ang kamay ni Mira at tumakbo ako papunta sa kinaroroonan ni


Athena na siya ngtumawag sa akin. Bago pumasok ay muli kong nilingon si MIra ngunit
nakayuko na lamang siya na animo may malalim na iniisip.

Huminga ako ng malalim ng makita ko si Athena na tumakbo palapit kay Stone at


pagkatapos ay sabay silang naglakad papasok.

Pakiramdam ko ay tumatambol ang tibok ng puso ko ng senyasan ako ng wedding


coordinator na sumunod na sa kanila. Nanlalambot ang

mga tuhod ko. Gusto kong pumasok pero buong pagkatao ko pakiramdam ko ay
pinipigilan ako.

"Miss, kailangan niyo na pong pumasok!" natatarantang sabi ng coordinator at inabot


sa akin ang Maid of Honor's bouquet ko.

Walk, Snow. You can do it. Everything will be alright.

Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko ang bouquet at halos mapiga ko iyon ng
magsimula na akong maglakad papasok. Kakayanin ko. Alam kong kaya ko. Alam ko na
magagawa ko.

Pero hindi pala ganong kadali.

Dahil ng bumungad sa akin si Phoenix na nasa dulo ng altar...pakiramdam ko pahigpit


ng pahigpit ang pagkakasakal sa akin ng sakit. Nagtama ang mga mata namin pero
hindi ang matalik ko na kaibigan ang nakikita ko kundi isang tao na alam ko na
kinakailangan ko ng pakawalan.

I want to look at him and smile. I want to look at him and be his friend. To be
happy for him. But I can't stop feeling this way. Na para bang sa bawat hakbang ko,
unti-unti akong pinapatay.
***"Anong pangalan mo?"

"Phoenix."

"Ahh. Ako si Snow. 'Wag kang maingay ha? 'Wag mo akong isusumbong. Gusto ko lang
naman umakyat sa punong 'yon eh. Kukuha lang ako ng mangga tas bababa na ako,
promise."

"Sandali!" pigil niya sa akin.

"Bakit?"

"Ako na lang ang kukuha."

"Eh? Bakit? Kahit naman babae

ako kaya ko din umakyat diyan ah! Anak kaya ako ng agent kaya magaling din ako."
nakasimangot na tanong ko. "Para ka naman palang mga kapatid ko eh. Kaya ko naman
mag-isa!" naiiyak ng sabi ko.

"Kapag nahulog ka mababali ang buto mo. Masakit 'yon. Kaya ako na lang ang kukuha
para sa'yo."

"Paano kung ikaw naman ang masaktan?"


"Kapag ba kumuha ako ng mangga ngingiti ka na din?"

"Oo!"

"Eh di okay lang."

Pinanood ko siya ng mabilis na inakyat niya ang puno. Halata sa kaniya na


nahihirapan siya pero pilit niyang kinuha ang mga mangga na sunod-sunod kong
itinuro sa kaniya. Nang bababa na siya sa pagkagulat ko ay dumulas ang mga paa niya
hanggang sa tuluyan siyang mahulog.

Nanatiling nakatingin ako sa kaniya ngunit nakita ko ang pagbabago sa kaniya


kasabay ng tunog ng pagbukas ng pintuan ng simbahan. Malungkot akong
ngumiti...isang ngiti na alam ko na hindi na niya mapapansin.

You made the right decision, Snow. Even if it hurts.

Alam ko na dahil sa desisyon ko...nasaktan ko siya. Pero umaasa ako...na mawawala


din iyon, na mabilis mawawala ang sakit. Dahil hindi siya sasaktan ni Mira. Hindi
niya kailangan mahirapan kapag kasama niya si Mira.
Ako naman ngayon ang aakyat sa isang puno para sa kaniya. Para sa pagkakataon na
ito hindi na siya masasaktan ng lubusan. Na kahit maramdaman niya ang kirot ng
desisyon na ginawa ko...hindi siya

ang mahuhulog at tuluyang masasaktan.

Because of my decision...I won't make him hurt her. Even though he didn't tell me
himself, I know that he loves her. Maybe not like what he feels for me...but he
loves her.

Selfish. I was selfish.

I won't do that now. I shouldn't. Because he should be happy and she deserves to be
happy too.

Sa bawat paghakbang ko ay kasabay ang pagkahulog ng piraso ng puso ko. Habang sa


aking isipan ay isa-isang lumalabas ang mga bagay na hindi ko maamin sa sarili ko
noon.

Ako si Snow Night, isang agent ng BHO CAMP organization. Pero matatawag nga ba ako
na agent? Kung ang ginagawa ko lang naman ay painitin ang ulo ng kapatid ko kapag
pumapalpak ako, ubusin ang pasensya ng boss at pinsan ko na si Dawniella, at higit
sa lahat ang maghapon kong pamimitas ng mangga kasama ang best friend ko na si
Phoenix Martins?

Pero kahit ano pang sabihin ng iba, kuntento na ako sa buhay ko noon. Bakit pa
kailangang magtrabaho kung nandiyan naman ang pamilya at best friend ko para sa
akin? Alam kong hindi ako iiwan ng pamilya ko. Alam ko na hindi ako iiwan...ng best
friend ko.
Pero nagising na ako sa katotohanan. Teka....hindi lang pala ako ginising.

Sinampal pa ako ng katotohanan.

Kasi ngayon, nandito ako at nakatingin sa kaniya. Nakangiti siya, ngiti na para sa
akin lang. Ang pinakaespesyal na ngiti niya. Nagniningning ang mga mata niya at
halata ang kasiyahan sa kaniya. Na hindi na

siya makapaghintay...

Sunod-sunod ang pagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko sasabog iyon sa paraan ng


pagkakatingin niya. Iisa lang ang nararamdaman ko.

Kasiyahan...?

Hindi. Hindi sa kasiyahan. Dahil kung kailan nagising na ako, kung kailan alam ko
na ang totoong nararamdaman ko...at saka naman naging huli na ang lahat. Dahil
hindi ko na maaaring bawiin ang natapos na. Hindi ko na dapat bawiin.

Dahil ngayon nandito ako at nakatingin na lang sa kaniya. Nakangiti siya, ngiti na
para sa akin lang noon. Pinakaespesyal na ngiti na sa akin lang niya binibigay noon
pero ngayon ay nakalaan na para sa iba. Nagniningning ang mga mata niya sa
kasiyahan...at hindi na siya makapaghintay na pakasalan ang babaeng mahal niya.

Isang taong hindi magiging ako.


Dahil huli na. Dahil ako at siya ay mananatili na lang na Syntax Error.

Animo hinila ako pabalik sa kasalukuyan ng maramdaman ko na may humila sa akin. Ang
kapatid ko na si, Freezale. Narating ko na pala ang dulo ng altar. Iginaya niya ako
hanggang sa makaupo kami sa unang row ng mga upuan.

"Freez-"

"I hope you won't regret this Snow."

"Freezale, magaling ka sa math di ba?" Nilingon niya ako na para bang nababaliw na
ako ngunit nagpatuloy ako. "Kahit na anong gawin mo...kung hindi mo alam ang tamang
equation, syntax error pa rin ang kalalabasan." Tumingin ako sa altar kung saan
naroon si Phoenix at si Mira. Malungkot na ngumiti ako. "I know

the right equation now. Hindi lang tama iyong akin...pero noong sinubukan ko ang sa
iba, alam ko na tama ang kalalabasan."

"Maybe you miscalculated your own equation."

"No-"

Pinutol niya ang sasabihin ko. "Maybe 2+0 is indeed equals to 2. While your
equation is 1+1 but you mistakenly put a negative beside the positive. That's why
your answer is syntax error."
NAPASINGHAP ako ng bigla na lang may kumuha sa kopita ng alak na hawak ko.
Nakasimangot na nilingon ko ang kumuha at lalong nalukot ang mukha ko ng mapagtanto
ko na si Waine iyon.

"Kumuha ka ng sa'yo kuya Waine. Akin 'yan eh." sabi ko sa kaniya at ipinanturo ko
pa sa kaniya ang bouquet ni Mira na kaninang inihagis niya ay ako ang nakasalo.
Fate have a wicked humor apparently.

Nang akmang kukunin ko ulit sa kaniya ang alak ay tinungga niya ang laman niyon at
tinaasan ako ng kilay. "You were saying?"

"Ang sama mo talaga."

"Dear, you're hammered. Wala akong problema sa mga taong gusto na magpakalasing but
you can't do that right now."

"Gagawin ko kung anong gusto ko." bulong ko.

"I thought you instantly grew up ang made a choice that you thought was right?
Looks like you're still the same Snow."

"I am right."

"Sigurado ka?" tanong niya.

Inikot ko ang paningin ko sa paligid namin. Tuloy tuloy ang programa ng reception
nina Phoenix at Mira. Mukhang wala namang nakapansin na nandito

ako sa isang sulok. Halos lahat ng mga bisita ay tutok ang atenyon sa mini stage
kung saan nandoon ang mag-asawa. Mag-asawa... "Ano bang problema mo?" asik ko. "I
made the right decision. He's happy. She's happy. Mali pa rin ba ako? Growing up
means doing the right thing. It means stopping yourself from making a selfish
decision. Iyon naman ang ginawa ko di ba? Mali pa rin ba? Kulang pa ba?"

Umuklo siya hanggang sa ilang dangkal na lang ang lapit ng mukha niya sa akin.
"Wrong. Growing up doesn't mean that you should sacrifice your own happiness. Ang
mga taong nag-iisip ng ganiyan ay pinaniniwala lang ang sarili nila na tama ang
ginawa nilang desisyon. So they could look and feel better. Growing up means being
happy, fighting for that happiness, and accepting the guilt that by having that
blissful feeling you manage to hurt another person."

I chuckled bitterly. "Are you saying that I should trample a poor girl's heart so I
can be happy?"

"No. I'm telling you that you shouldn't trample your own feelings. This world is a
battle, Snow. Lahat tayo dapat ipaglaban ang kung anong makakapagpasaya sa atin.
Lahat tayo masasaktan at lahat tayo makakasakit. Akala mo ba eto lang ang paraan?
You think because you get all you want all your life that it's wrong to be happy
now? That it's right to be lonely because this should be the right thing? It
doesn't work that way. By growing up, Snow, it means you're willing to crawl and
dug the earth just to fight for yourself. Not by letting the people around you hand
it to you. Not by putting a white hat by sacrificing. It's by taking all the guilt
and consequences because you know your strong enough to handle it. Hindi ibig
sabihin na lumalaban ka, selfish ka na. Hindi ibig sabihin na may masasaktan ka
makasarili ka na. Dahil lahat tayo dapat lumaban para sa sarili natin. But you
fought for her battle not yours."

Nang hindi ako nakasagot ay malungkot siyang ngumiti. "You don't get it do you?
It's so simple. It just means you need to be strong enough to fight your own
battles."

Kinagat ko ang ibabang labi ko ng maramdaman ko ang pagkawala ng luha mula sa mga
mata ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa mga kamay ko ngunit hinawakan lang ni Waine
ang mukha ko at pilit na iniharap sa kaniya.

"Running and fighting is different." he whispered.

Tumayo ako at akmang maglalakad na paalis ngunit napatingin ako sa kinaroroonan


nila Phoenix kung saan kasalukuyan na silang naghihiwa ng cake at ngayon ay
sinusubo sa isa't-isa ang piraso ng mga iyon.

"All I can do now is run." I whispered back.

"Snow-"
Bago pa siya makapagsalita ay hinila ko siya at ilang sandali lang...

...

...

ay magkalapat na ang aming mga labi.

"Take me away."

=================

CHAPTER 6 ~ Flaw ~

A/N: Bago ang lahat~ Maraming salamat sa mga BHO CAMPERS sa facebook group na
nagbigay sa akin ng list ng mga kanta :* Salamat ng wagas! Harthart!
PS: Hindi ko alam kung makakapagsulat ako bukas. Pasukan na namin sa Monday :)

Mistakes are a part of being human. Appreciate your mistakes for what they are:
precious life lessons that can only be learned the hard way. - Al Franken

CHAPTER 6

PHOENIX' POV

"Bro."

Inalis ko ang tingin ko kay Mira na nagkakasiyahan kasama ang ibang babaeng agents.
Tinignan ko ang nagsalita na si Hermes. "Hermes."
Tinanguhan niya ang bartender at ilang sandali lang ay binigyan siya niyon ng
kopita ng alak. Sumandal siya sa mini bar katulad ng ginagawa ko at tumingin din
siya sa gawi nila Mira. "Umalis na si Snow."

"I know." I murmured.

Nakita ko siya kanina na kasama si Waine na umalis. Alam ko na napansin din iyon ng
ibang mga agents ngunit katulad nila ay wala akong sinabi. Dahil wala na akong
magagawa.

Gusto kong magalit...pero wala akong karapatan. Pareho naming pinili ito. Pinili ko
na maging ganito.

Hindi ko alam kung kailan ko eksaktong minahal si Snow. Dahil unang beses pa lang
namulat ang mga mata ko sa salitang 'pagmamahal' wala ng ibang nakita ang puso ko
kundi siya.

But like her I don't want to ruin the friendship we have. Natakot din ako na masira
ang kung ano ang meron kami. Lagi kong iniisip noon...kahit na hindi niya malaman
basta nasa tabi ko

lang siya. I rather have her as my friend than to never have her beside me.

Pero sa paglipas ng mga panahon hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko sa


kaniya. I asked her again and again if we can have something more than we already
have. At sa bawat pagtanggi niya...lalong nababalot ng takot ang puso ko na ipilit
ang sarili ko sa kaniya. Because I don't want to lose her.

Then I tried to move on. I found Mira.

Hindi siya mahirap mahalin katulad ng inaasahan ko noong umpisa. Ginamit ko siya?
Siguro oo gano'n nga matatawag ang ginawa ko. Ginamit ko siya para makalimutan ko
si Snow.

I was in a mission that time. Inutusan ako ni Dawn na bantayan si Storm na


nagtatago sa pangalan na Serenity Hunt. Malapit sa tinutuluyan ni Storm ay namalagi
ako...at malapit naman roon ang tinutuluyan ni Mira.
Hindi mahirap mahalin si Mira. She's a good person, she makes me smile and I feel
happy with her. I have feelings for her, yes. At alam ko na totoo ang mga iyon. But
I also know...that I don't love her as much as I love Snow. That perhaps...I never
will.

Matagal ko ng tinanggap na hindi na ako makakahanap ng babae na magpaparamdam sa


akin katulad ng nararamdaman ko kay Snow. I know that and I'm okay with that. Dahil
ayokong lumayo siya sa akin kapag pinilit ko pa ang sarili ko sa kaniya, ayokong
masira ang pinagsamahan namin...at oo, natatakot ako na hindi niya mabalik ang
pagmamahal ko.

I was moving on. I was trying

hard to move on.

Pero gago ako. Kasi sa huling sandali...sumugal pa din ako. That time at the tree
house I was willing to risk it all. So I asked her. Tinanong ko siya kahit na alam
ko na huli na ang lahat. Na kahit anong maging sagot niya...may masasaktan at
masasaktan. I could break Mira's heart...or Snow can break mine. Tumaya ako kahit
na alam ko na kapag hindi niya ako tinanggap ay hindi ko magagawang talikuran si
Mira.

'No.'
I know I'm a coward. An asshole. But that time I can only think about this small
hope in my heart that maybe...maybe this time it will be a different answer.

'No'

"Phoenix!"

Ibinaba ko ang kopita sa mini bar at naglakad ako patungo kay Mira na siyang
tumawag sa akin. Nakangiting ipinakita niya sa akin ang kamay niya na may suot na
ngayong bracelet. "Look, may iniwan pala si Snow kanina. May kapares pa na para
sa'yo-"

Napatigil siya sa pagsasalita ng hinapit ko siya palapit sa akin. Sumubsob ako sa


leeg niya at ilang sandali lang ay naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa
buhok ko.
"What is it?" she whispered.

"Nothing."

I'm sorry.

SNOW'S POV

"Wake up! Now!"


Sinubsob ko ang mukha ko sa kama at tinakpan ko ang mga tenga ko. Parang
tinamtambol ang ulo ko sa sobrang sakit niyon at lalong nadagdagan sa malakas na
boses ng

gumigising sa akin.

"I said wake up."

"Go away..." I groaned.

Napadilat ako ng wala sa oras ng maramdaman ko na may humila sa mga paa ko hanggang
sa tuluyan akong nahulog sa kinahihigaan ko na kama. Hindi pa ako nakakabawi sa
pagkahulog ko ay napuno ang kwarto ng nakakasilaw na liwanag.

Napatili ako ng marahas na kumirot ang ulo ko. Tinakpan ko ang mga mata ko. "Ano
ba?!"
"Are you awake now?"

Dahan-dahan kong inalis ang mga kamay ko sa mga mata ko. With a squinted eyes I
looked at the person disturbing my peaceful sleep. "Seriously? Kahit saan talaga
ako pumunta nandoon ka kuya Waine no? Stalker ba kita?"

"Sa tingin mo ba nasaan ka?"

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Sa kwarto ko. Duh."

Muli akong napahiyaw ng piningot niya ang tenga ko at itinayo ako mula sa
pagkakasalampak ko sa sahig. "Aray!"

"Follow me." he brusquely said then walked away.


Kunot noong tinignan ko ang nilabasan niyang kwarto ngunit hindi ako sumunod sa
kaniya. Siya na nga ang nag trespass dito sa kwarto ko ako pa ang uutusan niya-

Napatigil ako sa isiping iyon ng sunod-sunod ko na naalala ang mga nangyari


kahapon. Napatakip ako sa bibig ko ng parang replay na pumasok sa utak ko ang
huling ala-ala ko sa mga nangyari.

Omg...did I really...?

"SNOW!"

Napatakbo ako palabas ng kwarto. Natagpuan ko sa kusina si Waine na masama ang


pagkakatingin sa akin.

Bantulot na lumapit ako sa kaniya. Tinuro niya ang isang upuan at walang salita na
umupo ako roon. "Unlike you I have work so let's not waste our time."
"Amm...pwedeng magtanong?"

Imbis na sagutin ako ay nagbaba siya ng plato sa harapan ko na mayroong umagahan.


He looked at the plate pointedly when I didn't start start eating. "Kuya waine-"
hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko ng pinanlakihan niya ako ng mga mata. Mabilis
na dinampot ko ang kutsara't tinidor at nagsimulang kumain.

"I'm eating." I whispered. "Can I ask you a question now?"

"Fine." he said gruffly.

"Did...did..I...you know? K-Ki...amm-"

"Kiss me?" bago pa ako makapagsalita ay nagpatuloy siya. "Hindi lang iyon ang
ginawa mo. After kissing me you dragged me away from the reception, made me drive
for you then you threw up at me and my car."

"I'm sorry." sabi ko at nagbaba ng tingin. Dahil sa ginawa ko ay napansin ko ang


suot ko na damit. "P-Pinalitan mo ang damit ko?"

"Sino pa bang magpapalit sa'yo? Alangan naman hayaan kitang matulog sa kama ko na
puro suka?"

"K-Kama mo?"

Nanlalaki ang mga mata na inilibot ko ang paningin ko sa flat. Oh no...no...this is


not my room!

"Halos lahat ng agent nasa reception. Ang mga naiwan dito ay hindi alam ang
security mode mo. Si Sky at Adonis na naiwan sa security room may kababalaghan na
ginagawa. So yeah, you slept on my bed."
"Where

did you sleep?"

Iminuwestra niya ang paligid. "As you can see wala akong sofa."

OMG! OH NO NO NO NO! "D-Did...did we?"

Ilang sandali na kumunot ang noo niya. "Wala kang naaalala?"

"H-Huli kong naalala 'yong...'yong h-h-halik..."


"Huh."

Nanginginig ang mga kamay na binitiwan ko ang kutsara at tinidor bago ko pa mabali
iyon sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko doon. "What exactly...that 'huh' means?"

"Sayang."

"S-Sayang?" bulong ko.

"It's dissapointing that you can't remember anything. The way you acted last
night...too bad you can't remember-"

Isang makabasag tenga na tili ang pinakawalan ko at pagkatapos ay walang lingon-


lingon na tumakbo ako palabas ng kwarto niya.
"Oh no! I'm so screwed!"

Looks like you did get....screwed.

NO!

NAPATIGIL sa pag-uusap ang mga kapatid ko na kasama sa isang lamesa si Hera, Athena
at kuya Hermes dito sa dining hall nang makalapit ako sa kanila. Nagpalingon-lingon
ako sa paligid bago ako pasalampak na umupo sa bakanteng upuan.
"Sinong hinahanap mo?"

Tinignan ko si Freezale na siyang nagtanong. "Si kuya Waine."

"Hinahanap mo si Waine?"

"Oo. Para

mas madali siyang taguan."

"Bakit?" singit sa usapan ni Athena na titig na titig sa akin habang may subo na
dalawang lollipop.

Pilit na ngumiti ako. "Bagong pauso namin. Hide and seek."


"Matagal ng uso iyon. Luma na nga eh." muli niyang sabi.

"May sarili kaming version."

Tumango-tango siya. "Wala dito 'yon. May trabaho." Mukhang nahalata niya na wala na
akong balak palawakin pa ang topic kaya tumingin siya sa kuya ko at nagsalita,
"Kamusta ang PA mo?"

Kunot noong tinignan siya ni kuya Thunder. "Wala akong personal assistant."

"Hindi iyong PA na iyon ang tinutukoy ko."


"Anong PA ba? Parental guidelines?"

Athena rolles her eyes. "PG 'yon."

"Patnubay ng...asawa?"

Halos lahat kami sa lamesa ngayon ay nawe-weirduhan na tinignan si kuya. Bago pa


may magsalita sa amin ay inunahan na kami ni Athena, "Prince Albert!"

Halos napalingon sa amin ang lahat ng agent sa isinigaw ni Athena. Namumulang


pinanlakihan naman siya ng mga mata ni kuya. "Bakit ba curious kayong lahat sa
piercing ko?"

"Ahh, lemme see...because it's weird?" Athena said in question.


"It's not weird."

"It is weird." I whispered. "And freaky...and scary."

"It's not scary." nakasimangot na sabi ni kuya. "Kaniya-kaniya lang ng trip iyan.
The girls loves it so I won't remove it."

Binato siya ni Freezale ng celery na nasa plato niya. "Walang

matinong babae na matutuwa sa piercing mo? A penis entering a vagina can be


painful...ano pa kaya kapag may kung anong nakakabit?"

"It's not painful. It heightens the pleasure actually."


Napanganga kaming lahat sa narinig. Dahil hindi kay kuya nanggaling ang mga
salitang iyon kundi kay Hera na ngayon ay hindi inaalis sa plato niya ang paningin
at patuloy lang sa pagkain.

Nilingon ko si kuya na ngayon ay titig na titig kay Hera. There's something about
it...about the way he looks at-

"At ano namang alam mo sa mga ganiyang bagay Hera Scott?" salubong ang kilay na
tanong ni kuya Hermes na nakatingin rin sa kapatid niya.

Napaangat ang ulo ni Hera at nanlalaki ang mga mata na tumingin sa nakakatandang
kapatid. "H-Ha?"

"Hera Scott." he said again and now with warning in his tone.

"R-Research! Hello? Uso po ang Google guys."


"Bakit mo naman kailangan i-research?" usisa naman ni Athena.

"Dahil...dahil curious ako. Curious din naman kayo ah! Narinig ko sa usapan ni Snow
at ni Waine kaya niresearch ko."

"Siguraduhin mo, Hera." seryosong sabi ni Hermes sa kaniya.

"Whatever! Athena halika na nga! May gagawin pa tayo."

"Talaga?" takang tanong ni Athena.

"Athena!"
Bumuntong hininga si Athena at sinundan si Hera na nagmamartsang umalis. Nang
tuluyan na silang mawala sa paningin namin ay nilingon ko si kuya na ngayon ay
nakayuko na lang at tahimik na nilalaro ang pagkain niya.

"He's so fucked."

Nilingon ko si Freezale na siyang bumulong. Mukhang hindi naman narinig ni Hermes


na ngayon ay busy na sa cellphone niya habang si kuya naman ay wala pa ring imik.
"Ha?"

"Wala."

"Okay."
Mataman akong tinignan ni Freezale. "Ayos ka lang ba?" tanong niya pagkalipas nang
ilang sandali.

Nag-iwas ako ng tingin. It's been four days since the wedding. Iniiwasan kong
isipin iyon kaya bihira ako lumabas ng kwarto ko. Doon nanonoog ako ng movies,
anime...kahit na ano para hindi mag-isip ng kahit na ano. "Oo naman."

Bumuntong-hininga siya. "Binabago mo ang sarili mo sa maling paraan."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nothing." tumayo siya at kinuha ang mga gamit niya. Ngunit bago umalis ay muli
siyang nagsalita. "Don't forget about the conference tonight."

"I know."
"And Phoenix will be back at that time. You can't miss the conference, Snow. I'll
drag you out of your room if you try to hide."

"I won't." I said quietly.

"Good."

_____End of chapter 6

=================
CHAPTER 7 ~ Lips ~

CHAPTER 7

SNOW'S POV

Kagat ang ibabang labi na nag palakad-lakad ako sa sala ko. Kanina pa ako hindi
mapakali. Gabi na at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang meeting ng lahat ng
mga agents. Panigurado ako na nandoon na ang iba. Siguro nando'n na rin siya.

"Hindi na lang kaya ako pumunta at sabihin ko na lang na nakatulog ako? O kaya
sabihin ko kay Dawn na sumasakit ang tiyan ko?" huminto ako sa paglalakad at
tinignan ko ang kinalalagyan ng aquarium ng alaga ko na gold slash orange fish.
"Ano sa tingin mo Tilly?"

Pabalik-balik na lumangoy ang isda na para bang sinasapian iyon ng kung anong hindi
maganda na elemento. Focus, Snow. Huminga ka ng malalim at i-decipher mo ang fish-
talk na ginagawa ni Tilly.

"Is that a no?" napakagat labi ako ng tumigil sa paglangoy si Tilly. "I'm freaking
out, I'm talking to a fish...and I'm super duper freaking out."

It's not that I don't want to see my best friend. Apat na araw silang nawala ni
Mira, of course I missed him. But I'm not ready to see him yet. I'm not ready to
the emotions that will resurface once I see him again.

Niloloko ko ang sarili ko kung sasabihin ko na wala na akong nararamdaman dahil


naitago ko na ang mga iyon sa pinakamalalim na parte ng puso ko. It doesn't work
that way. Locking my feelings doesn't mean that it's not painful. I'm just locking
them away so it won't do more damage but I can still feel it.
Parang kapag nadadapa tayo noong mga bata pa tayo. Sasakit, gagamutin ng betadine

at lalagyan ng band aid. Pero kahit hindi na nakikita ang sugat...masakit pa rin.

"Omg. What was that?" bulong ko sa sarili at muling napahinto sa palakad-lakad.


"This is so not me."

Bago pa ako makahuma ay tumunog ang doorbell ng flat ko. Nanlalaki ang mga mata na
tinignan ko ang pintuan. Hindi kaya pinasundo ako kay Phoenix? O baka naman si
Waine ang nasa pintuan? No, no, no! Hindi pa ako handang makita silang dalawa!

"Bakit ba kasi kailangan kong pumunta sa meeting? Pwede naman na sabihin na lang sa
akin ng mga kapatid ko. Wala din naman akong gagawin panigurado."

Ang pinsan ko na si Storm lang ang nag-iisang nagtiwala sa akin na bigyan ako ng
malaking mission. She doesn't have much choice back then now that I think about it.
Kung hindi ko pa siya nahuli na pumupuslit paalis ng BHO CAMP ay hindi niya pa
ipapaalam sa akin ang sekretong ginagawa niya.

Napapitlag ako ng muling tumunog ang doorbell. Kinagat ko ng mariin ang ibabang
labi ko at impit na tumili bago nagdadabog na tinungo ko ang pintuan. Hindi ko na
tinignan kung sino ang naroon at basta ko na lang binuksan ang pinto.

"Oo na, oo na! Pupunta naman ako ah! Hindi naman ako tatakas para kailangan pa na
sunduin-"

Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko si Killian sa labas at nakangiwing


nakatingin sa sa akin. "Err...napag-utusan lang ako."
Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Relax...breathe. You're Snow Night. Anak ni
Wynter at Rain Dale Night na binigyan ka ng weirdong pangalan, magandang

genes at wais na utak. Hindi ka man kasing astig ng kuya Thunder mo sa field
missions o kasing galing ni Freezale sa experiment deparment pero binigyan ka ng
tadhana ng good luck charm. Okay? "Let's go."

Napapakamot sa batok na hindi kumilos si Killian. "Sigurado ka? Para kasing hindi
maganda ang pakiramdam mo-"

Pinutol ko ang sasabihin niya sa pamamagitan ng nakakasilaw ko na ngiti na kayang


talunin ang 'Killer Smile' niya. "I'm super fine!" I said and matched my smile with
an innocent expression in my eyes.

Napakurap ang lalaki. "O-Okay."

Sinarado ko na ang pintuan at nauna na akong naglakad. Nararamdaman kong nakasunod


si Killian ngunit nanatiling nakangiting naglakad lang ako na para bang may world
peace na sa mundo at hindi na nagpatuloy pa ang global warming.

Tinungo ko ang daan papunta sa malaking conference room ng headquarters. Panigurado


kasi na hindi ang nasa malapit sa office nila Dawn at Triton ang gagamitin. Kung
lahat ng agents ay kailangan umattend sa meeting, hindi kami magkakasyang lahat
roon.

Pagdating roon ay namataan ko na ang mga agents na pumapasok na sa loob. Patakbong


pumunta ako roon ng makita ko ang kapatid ko na si Thunder. "Kuya!" sigaw ko at
umangkala pa ako sa braso niya.
"Energetic much?"

Kinunutan ko siya ng noo at ngumuso ako. "Masama ba?" tanong ko at pinagmasdan ko


siya. Mukhang zombie si kuya. "Kuya bakit parang mukha kang walang tulog?"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. "A-Ano? May ano...may

band practice."

"Eh? Di ba wala si kuya Rushmore kasi umuwi siya sa bahay ng tatay niya? Tas si
kuya Archer nasa ibang bansa. Si Harmony may pasok." sunod-sunod ko na sabi
hanggang sa nakahanap na kami ng upuan sa loob at pumwesto roon. "Mag-isa ka na
nagbaband practice?"

"O-Oo! Masama?"

Sinimangutan ko siya. "Ang sungit mo. Nagtatanong lang ako eh! Ate Freezale oh!"
sumbong ko ng mamataan ko ang kapatid ko na babae na umupo naman sa upuan sa
harapan namin.

"Ano na namang problema niyong dalawa?" walang ganang tanong niya. "At mas nauna
kang lumabas sa akin."

Hindi ko pinansin ang huling sinabi niya. "Si Kuya kasi ang sungit. Naguguluhan
lang naman ako. Ang sabi niya may band practice eh wala naman ang mga kabanda niya.
Paanong band practice iyon? Kakalabitin niya iyong guitara tas pupunta siya sa
drums tapos sa ibang guitara naman?"
Naniningkit ang mga mata ni Freezale na tinignan si kuya Thunder na napapaiwas na
lang ng tingin. "Baka naman iba na ang kinakalabit mo kuya." sabi ni Freezale.

"Freezale!"

Sunod-sunod ng nagtalo ang dalawa. Sino na naman kaya ang mananalo this time?
Inilibot ko na lang ang paningin ko sa conference room. May iba pang agent na
papasok pa lang.

Lumingon ako sa kaliwa ko at namataan ko si Hera na nakatingin sa gawin namin ni


kuya. Nang makita niya na nakatingin ako sa kaniya ay dagling nag-iwas siya ng mga
mata. Mukha din siyang zombie. Parang si kuya.

Nanlaki ang mga mata

ko sa naisip. Hala! Omg! Hindi kaya...hindi kaya

...

...
may banda din si Hera? Hala! Dati kasi narinig ko sila ni Athena na
nagkukuwentuhan. Magtatayo daw sila ng girl band. Eh hindi naman sila marunong sa
kahit na anong instrument kaya hindi ko pinansin noon.

"Kuya..." bulong ko sa kapatid kong lalaki habang nakatakip pa ang isa kong kamay
sa gilid ng bibig ko na animo sinisekreto sa iba ang sasabihin ko.

"What?" he asked, annoyed.

"Mukhang kakalabanin ni Hera ang banda ninyo. Tignan mo oh. Mukhang galing din siya
sa band practice."

Napanganga siya at mabilis na tinakpan ang bibig ko na para bang natatakot siya na
may iba pa akong masabi. "Shhh!"

"Kwyaa! Amo ma?!"

"What?" he asked distractedly.

"Bitawan mo muna kaya siya para makapagsalita." sabi ni Freezale na pinaikot ang
mga mata. "At sabi niya 'Kuya. Ano ba?'."

Yumuko si kuya Thunder at bumulong sa akin. "Bibitawan kita pero 'wag kang maingay
ha? 'Wag kang magsasalita." Nang tumango ako ay dahan-dahan niyang inalis ang kamay
niya sa bibig ko. May kinuha siya sa bulsa niya at binigay iyon sa akin habang
nakatingin sa gawi ni Freezale na naninigkit na naman ang mga mata na tinignan
siya. "Sa'yo na 'yan basta wag ka lang maingay."

Tinignan ko ang binigay niya at sinuri ko iyon. Kulay silver ang pakete niyon.
Binuksan ko iyon at kinuha ko ang laman. Nagtatakang tinignan ko iyon. May

plastic tas may bilog na something. Parang nakakita na ako nito dati. Hmmm...
"Paano kainin 'to? Saka bakit black cherry flavored-"

"Snow!"

Kasabay ng pagkuha ng kung sino man sa bagay na kakainin ko na sana ay ang sigaw
hindi lang ng mga kapatid ko kundi ng iba pang mga agents. Nag-angat ako ng tingin
s kumuha ng candy ngunit pakiramdam ko ay nafreeze lahat ng sasabihin ko.

...

...
Phoenix.

Hindi siya nakatingin sa akin kundi kay kuya kung saan masama ang pagkakatingin
niya. Tinapon niya din ang bagay na hawak ko kanina sa kapatid ko na kaagad namang
nasalo iyon at tinago.

"Why the hell you gave her a condom, Thunder?" he asked with in an annoyed tone.

"Hindi naman iyon dapat ang ibibigay ko sa kaniya. May mango flavored candy ako sa
bulsa kaya akala ko iyon ay naiabot ko kay Snow."

Ahh. Condom. Kaya pala parang pamilyar. Pinakita iyon sa powerpoint ng professor ko
sa sociology noong nasa kolehiyo pa ako.

"Ang wierd naman ng flavor. Hindi pa nakuntento sa cherry dapat may black cherry
din. Bihira lang ang may gusto ng black cherry di ba?" tumingin si Athena kay Hera
na parang may naalala. "Ay ikaw pala. Iyong prutas of course...not that...right?"

"Of course." Hera said in a whisper.

Matamang tinitigan ni Athena si Hera na para bang may narealize siya na kung ano.
Pagkaraan ay nanlaki ang mga mata niya. Hindi din nagtagal ay bumakas

din sa mukha ko ang kaparehong ekspresyon na nasa mukha ni Athena.

Hinarap ko si kuya at mahinang bumulong ako. "Kayo...ni Hera?"


"Snow!" sigaw niya.

"Enough."

Pakiramdam ko ay hinila ako sa katotohanan ng muli kong marinig ang boses ni


Phoenix. Marahan niya akong hinila patayo at iniupo niya ako sa isa pang upuan sa
tabi ng puwesto ko kanina at pagkatapos siya ang umupo sa kinauupuan ko kanina na
para bang hinaharang niya ang sarili niya kay kuya Thunder na mukhang mainit na ang
ulo.

"Bro-"

Pinutol ni Phoenix ang sasabihin ni kuya. "Not your sister's fault."

"Anong meron?" tanong ni Dawn na kanina ay kausap ang ibang agents. Nakatingin na
rin sa amin ang iba pa.

Sunod-sunod na umiling ako habang si kuya, Hera, at Athena ay ganoon din ang
ginawa. Dawn threw us a suspicious look but she turned her attention away again.

Napuno na naman ang paligid ng mahihinang pag-uusap ng mga agents. Nilingon ko si


Phoenix na ngayon ay kausap naman ang katabi ni Freezale na si Adonis at sa asawa
nitong si Sky na nakaupo naman sa kaliwa niya.
Dahil nasa kanila ang atensyon ng lalaki ay nagawa kong tinignan ng mabuti si
Phoenix na hindi niya ako nahahalata.

There's a certain glow on his face as if he able to relaxed for a few days. There's
a few stubble on his jaw that made him looked a little rugged but the softness in
his expression is still there. His eyes looks clear...but there's something there
that bothers me.

Bumaba ang mga

mata ko sa mga labi niya. Mga labi na lagi akong binibigyan ng ngiti. Na lagi akong
binibigyan ng mga salitang gusto kong marinig...o mga salitang nakakapagpawala ng
takot ko kapag nangangamba ako.

Mga labi na nagsabi ng mga katagang iyon...'I love you, Snow'.

His lips made me remember a lot of things...not just those words. Things that I
promised myself that I will try to forget. But most of all those lips uttered the
words that sealed away the possibility of us.

'It's okay, Snow. I know I'm wrong. Alam ko dapat hindi ko na 'to sinabi pa sa'yo.
But for a moment I just can't stop myself for hoping that you'll say differently.
Because I know that if that happens...I'm willing to handle all the consequences
just to be with you. But I can't fight for that now, Snow. I can't chase you
anymore. I can't continue with living with just a bit of hope. All I can do now is
step back and let go. Something that I thought I've already done. But I guess I
need to start again."

He said those words at the tree house. Nauna siyang umalis noon habang naiwan ako.
Paulit-ulit kong inisip noon na...tama kaya ang ginawa ko? Tama ba na
nagsinungaling ako? My answer could have change everything.
Nang sagutin ko siya nang tanungin niya ako kung mahal ko siya, alam ko na na hindi
niya iiwan si Mira. I know that he won't go after me. I know that he won't do that
to her. Because even though he loves me...I know that he loves her too.

But now looking at him...knowing that Mira did right and managed to make him happy,

I can't help but think of what will we be if I said yes that night. Kung kinaya ko
lang ang saktan si Mira. Kung kinaya ko lang dahil alam ko na hindi niya ako iiwan.
That he will shield me from the guilt and take it all. That whatever happens...he
won't let me be alone.

'You fought for her battle not yours.'

Tama ba si Waine?

Na may karapatan din ako na ipaglaban ang gusto ko...

"Snow."

Sunod-sunod na napakurap ako ng magsalita si Phoenix na ngayon ay sa akin na


nakatingin. Sa panggigilalas ko ay naramdaman ko na tumulo ang mga luha mula sa mga
mata ko.

"What's wrong?" he asked softly.


"N-Nothing..."

Mataman niya akong tinignan bago siya bumulong. "Gusto mo bang lumipat ako ng
upuan? It's fine with me-"

"No." mabilis kong sagot. "M-Ma...Masakit lang ang tiyan ko."

Muli niya akong tinitigan nang ilang sandali bago siya tahimik na tumango at
ibinaling na ang atensyon sa iba. Napayuko ako. He didn't asked me if I want
something for the pain or offer help to get me something...he didn't do anything.

Nag-angat ako ng tingin ng may nagbaba ng tasa ng tsaa sa harapan ni Phoenix.


Nilingon ko ang naglapag niyon sa lamesa at nakita ko si Killian na kinindatan ako
bago umalis at pumunta sa kinauupuan niya kanina.

Bago pa ako makapagtanong ay inilapit sa akin ni Phoenix ang tasa. "Drink it."

"But-"

"For your stomach."

After

saying that he looked away as if looking at me pains him and busied himself by
talking to the other agents.
Tahimik na kinuha ko ang tsaa at ininom iyon.

"Nandito na ba tayong lahat?"

Si Dawn ang nagsalita. Pagkasabi pa lang niyon ay bumukas ang pintuan at pumasok
ang humahangos na si Chum. "Seryoso mga bampira ba kayo? Pagkatapos ng trabaho
hindi muna ba kayo matutulog?"

"Chum." Dawn said with a warning in her tone.

Pinaikot ni Chum ang mga mata niya at umupo sa pinakamalapit na bakanteng upuan sa
kaniya. "Whatever. Nga pala hindi makakarating si Waine."

Inaasahan ko na na magagalit si Dawn pero hindi siya umimik. Muling bumukas ang
pintuan at pumasok naman roon si tito Davids at si papi Poseidon. Sa pagtataka ko
ay humila sila ng upuan at umupo sa magkabilang gilid ni Dawn sa may bandang
likuran niya na para bang mga pakpak sila ng babae.

"Bago niyo pa tanungin, nandito sila para bantayan ang mapagdedesyunan ngayong gabi
na ito. They are gonna help us." paliwanag ni Dawn.

"You'll let them?" tanong ni Sky.


"If it means getting this all done then yes."

Lahat kami ay natahimik. Hindi namin alam kung anong tinutukoy ni Dawn pero mukhang
kinakailangan naming ihanda ang sarili namin. Kasing laki ng BHO CAMP ang pride ni
Dawn. For her to ask her father and our grandfather's help this must be one hell of
a mission.

"Storm." sabi ni Dawn sa pagtataka naming lahat.

Nilingon ko si Storm

na pilit na ngumiti. "Mukhang alam ko na kung para saan ang meeting. I've been
thinking about it for quite awhile. I almost convinced myself that it's impossible.
That he can't be alive...that this should be over."

Napuno ng ingay ang paligid. Pakiramdam ko ay may sumaklot sa dibdib ko sa sinabi


niya. Naiintindihan ko kung anong ibig niyang sabihin.

But how?

"Is that even possible?" Adonis asked Dawn.

"Sa ngayon malaki ang posibilidad."

"Paano niyo nasabi?" nanginginig ang mga kamay na tanong ni Sky na ngayon ay
mahigpit na hawak ang kamay ng kapatid. "He's dead. We have his body-"
"It could be fake." singit ni Chum dahilan para mapatingin dito ang lahat. "Hindi
din ako naniniwala noong umpisa. I mean, we're talking about changing a DNA here.
Idagdag pa na buhay si Wyatt Claw ng makaengkwentro nila Storm. Pero ano pa nga
bang imposible ngayon? Nasa akin ang katawan ni Wyatt Claw." dagdag niya na
nangangaligkig pa na parang kinikilabutam. "Pinag-aaralan ko iyon at hindi ko
masasabing natapos ko na ang ginagawa ko. But because of days of studying the
corpse I can say that something is different to it. Lalo na ang mga marka sa
katawan ng bangkay na para bang may eksperimento na ginawa roon."

"So ang ibig niyong sabihin hindi si Wyatt Claw ang nakaharap nila Storm noon?"
Nanggaling ang tanong kay Nyx na ngayon ay hawak ang kwelyo ni Erebus at niyuyugyog
ang lalaki.

"Let go of me, Owl. I'm not sleeping." masungit na sabi ng lalaki.

Tumingin sa

kaniya ang babae na mukha pang nagulat na gising siya. "Eh di sorry na, Sloth."

Tumikhim si Dawn para kunin ang atensyon ng dalawa. "Oo maaaring hindi ang totoong
Wyatt Claw ang nakaharap nila Storm at pinagpanggap niya lang."

"Sinong matinong tao ang papayag na mamatay para sa taong iyon?" hindi
makapaniwalang tanong ni Hermes.

"We all know that Wyatt and his men are far from being sane, Hermes."
"Do you have solid facts?" Phoenix asked Dawn.

Umiling ang babae. "Sa ngayon wala pa maliban sa mensahe na natanggap ni Waine
kumailan lang."

"Si kuya Waine? Bakit?" takang tanong ko.

Naramdaman ko ang pagbaling ng tingin sa akin ni Phoenix pero nanatili akong


nakatingin kay Dawn.

"He's looking for his girlfriend and their son. Hanggang ngayon hindi pa rin
nagpapakita ang babae. Kung patay na si Wyatt Claw dapat ay nakakawala na rin ang
mag-ina niya. But that's not the case. Idagdag pa nga ang mensahe na natanggap ni
Waine kung saan nakalagay doon na iligtas ang anak nila."

He has a son. And a missing girlfriend. Sa kabila ng lahat ng iyon hindi kakakitaan
si Waine ng pagsuko. He even have time to argue with me.

May kinuhasi Dawn sa ilalim ng lamesa at pagkatapos ay ibinigay niya iyon kay
Athena na nakaupo malapit sa kaniya at sinenyasan itong ipasa ang mga folder. Nang
makarating sa harapan ko ang folder na may pangalan ko ay binuksan ko iyon.

Napanganga ako ng makita ko ang larawan ni Phoenix na katabi ng sa akin.

Partners. "Dawn?"

"Yes, Snow?"
"H-Hindi naman sa nagrereklamo ako o sa hindi ko gusto pero bakit kailangan na
magkasama pa kami ni Phoenix." nilingon ko ang lalaki na walang emosyon na
nakatingin sa akin ngayon. "I mean I can just stay here in the experiment
department."

"We need you on field now, Snow."

"Pero marami ng tao sa field. I can stay here with the Expi. team."

Bumuntong hininga si Dawn. "Ito ang gusto ni Daddy at ni Grandaddy." sabi niya
habang sa likod niya at kinawayan ako ng mga taong nabanggit niya.

"What?"

"Don't ask. Kung ako lang mas gusto ko din na nandito ka lang sa headquarters. This
is a dangerous job."

Natahimik ako. Of course. Little Snow who can't do anything right should stay here.
It's okay. Iyon naman ang gusto ko...di ba?

"Kaya ni Snow ang sarili niya." Nag-angat ako ng tingin at nilingon si Phoenix na
siyang nagsalita. "I've been her partner for years."
"Alam 'yon ni Dawn, Phoenix." singit ni Triton. "But of course with your help-"

"She can handle herself even without me. She able to finished without my help with
some of the missions I took with her. Tamad mag training si Snow, oo, but she can
certainly handle a field mission well."

Napuno ng mahinang bulungan ang paligid na para bang hindi sila makapaniwala na
kayang kong tumapos ng mission na mag-isa. Hindi ko sila masisisi. Alam ko naman na
alam nila kung paano ako magmanipula ng mga

tao kapag may mission but all they know is that. Not me doing it by myself while
Phoenix looks after me.

Bihira ko din gawin iyon. Dahil kadalasan pinababayaan ko na langsi Phoenix lalo na
kapag tinatamad ako sa isang mission na binibigay sa amin. Hindi naman kasi kami
binibigyan ng malaking mission.

"Phoenix-"

Pinutol ulit ng lalaki ang sasabihin ni Triton. "Magaling si Thunder sa field,


magaling si Freezale sa experiment department. But can they dodge a bullet as if
they atune to it and it's their second nature to dance with flying bullets? Lahat
man tayo kayang umiwas sa bala o bahagyang naririnig ang pagdating niyon but none
of us can literally play with it. The only one who can do that is her mother."

"Pre-"

"Hindi niyo nakikita iyon dahil hindi niyo siya binibigyan ng malaking mission. You
always hand her lower missions."
"I have to agree with him." Storm said. "I worked with Snow during the XX mission.
She knows what she's doing."

Pumito ng malakas si Triton at pagkatapos ay natatawang nagtaas ng dalawang kamay.


"Chill. Sinasabi ko lang ang alam namin. Hindi namin alam ang mga sinasabi ninyo
dahil kapag nagkakaroon ng debriefing wala namang ibang sinasabi si Snow." tumingin
sa akin si Triton at ngumiti. "No offense."

"None taken." wika ko at pagkatapos ay tinignan ko si Phoenix. "Hindi ako katulad


ni Momma, Nix nix. I don't dance with bullets. I'm just...Snow."

"Alam kong ikaw si Snow. What's wrong with being you?" kunot noong sabi

niya. "And that doesn't change the fact that you can do what your mother can do."

"Isang beses lang."

"Na kaya mong gawin ulit kung gugustuhin mo. Not that it's easy to watch you doing
that...I'm just saying that you're good at what you do and you need to start seeing
that."

"Ang daldal pala ni Phoenix no?" sabi ni Chlymate, isa sa mga pinsan ko.

"Shhh!" saway dito ng ibang mga agents na kanina pa pala nakapalumbaba habang
nanonood sa amin.
Sinimangutan ko sila bago ko muling hinarap si Phoenix. "Nix nix, hindi sabi. Iyong
mga mission na sinasabi mo na tinapos kong mag-isa, madali lang iyon. Besides hindi
naman gaanong mahirap din itong ibinigay sa atin ni Dawn. Kailangan lang natin na
puntahan ang kulungan kung saan nandoon si Warner." sabi ko na ang tinutukoy ay ang
kapatid ni Wyatt.

May tinuro si Phoenix sa folder. "This is not a lower mission, Snow. Bukod kay
Warner, hahanapin pa natin ang isa sa mga pinagbigyan ni Wyatt ng system na
lumalaban sa mga devices na mayroon tayo."

"Right." singit ni Chum na ngayon ay may hawak na chips at kumakain habang


pinapanood kami. "Hindi na gumagana ang system na iyon dahil nagawan na naman ng
paraan ni Freezale pero kailangan niyo pa ding hanapin ang mga taong pinagbigyan
niyon dahil baka alam nila kung nasaan si Wyatt Claw."

"Bawat isa sa inyo ay may iba-ibang gagawin. Bawat isa din sa inyo ay hahanapin ang
pangalan na nakalagay sa mga folder ninyo. Hindi sasabak sa field ang mga trainees
pero kailangan nilang tumulong

sa experiment department." sabi ni Dawn na seryosong tinignan kami. "We don't know
what will greet us so be prepared."

"Train." Dawn's father said, speaking for the first time. "You still have time.
Don't be cocky and train hard."

"Dream." singit naman ni papi Poseidon. Napakunot noo kaming lahat sa sinabi niya
at napa 'huh'. Ano daw? "Believe. Survive! AgentStruck!"

Kumibot-kibot ang labi ni Dawn na parang gustong sumigaw ngunit nagawa niyang
kalmahin ang sarili niya. "I expect the training area to be full packed."
Puro 'Yes' ng mga agents ang pumalibot sa conference room. Iyong iba naman ay
tumayo na at nagsilabasan na. We don't need to hear the word 'dismiss' from Dawn.
Kaya niyang iparamdam iyon kahit sa mga mata niya lang.

Kaya alam ko din na hindi ako kasama sa mga puwede ng umalis.

Napapabuntong-hininga na sumandal ako sa upuan habang ang mga agents ay isa-isa ng


lumabas. Naramdaman ko na tumayo na si Phoenix.

"Stay." Dawn said to him.

Tahimik na bumalik sa pagkakaupo ang lalaki. Nakatingin lamang sa amin si Dawn na


hindi nagsasalita hanggang makalabas lahat ng mga agents. Naiwan na lang kami ni
Phoenix, si Triton, tito Warren at si papi Poseidon.

"What is it?" Phoenix asked after awhile.

"I want you to train with Snow."

"What-" napatigil ako sa sasabihin ko ng tinapunan ako ng tingin ni Dawn.

"Waine will help pero sa ngayon may mga ginagawa pa siya. But I want you two to
train together."
"I can train with my brother."

Tinaasan ako ng kilay ni Dawn. "Nakalagay sa folder pati ang training partner
ninyo. Your brother can help you."

"This is absurd. Hindi niyo kailangan istorbohin si Phoenix para lang i-train ako.
He's on his honeymoon for pete's sake! Saan niyo ba napulot ang mga ideyang 'to?"

"Well..." nakangising sabi ni papi Poseidon na sumingit sa usapan. "Hindi namin


'napulot'. It's the product of the genius minds of Original Elite and Second Gen
Elite agents."

"Don't worry, Sir. She'll train with me." Phoenix murmured.

Binalingan ko siya. "Nix nix-"

Pilit na ngumiti siya. Then he raise his hand and gently pat my head. "Everything
will be okay."

Will my heart...be okay?

_____________End of Chapter 7
=================

CHAPTER 8 ~ Heart ~

CHAPTER 8

SNOW'S POV

"Snow!"

Saglit akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.
Nakita ko si kuya Thunder na kasama si Fiere at kuya Hermes na ngayon ay
nagtatakang nakatingin sa akin. "Bakit?" tanong ko at ibinalik ang paningin sa
hawak ko na cellphone.

"Ano ba 'yang pinapanood mo at mukhang hindi ka mapuknat diyan?" tanong ulit ng


kapatid ko.

"Stuff."

"Like?"

"Stuff." ulit ko at umayos ng puwesto para hindi nila makita ang nasa screen ng
cellphone ko.
Hindi ko na sana sila papansinin pero sa pagkagulat ko ay biglang pumalahaw ng
exagerated na iyak ang kapatid ko habang umaarte naman ang mga kasama niya na para
bang inaalo siya. Sa itsura ni kuya parang may kalagim lagim siya na natuklasan at
ngayon ay kasalukuyang nadudurog ang puso niya.

Bumuntong-hininga ako at ibinaba ko ang cellphone ko at tinanggal ang suot na


earphones. Umaatake na naman ang pagiging abnormal ng kapatid ko kung saan
kinakailangan siyang pansinin ng lahat. Hindi ko naman iyan pinapansin dati kapag
ganiyan ang trip niya dahil halos pareho naman ang ginagawa namin. Si Freezale lang
ata ang matino sa aming tatlo.

"Hindi bagay sa'yo Thunder."

Kinuha ko ang orange juice sa harapan ko at uminom roon. Urk. I don't like this.
Pilit na inignora ko ang lasa ng iniinom at pinagmasdan ko si kuya Thunder na
ngayon ay ang atensyon ay na kay Hera na siyang nagsalita

kanina.

"Bakit ano bang bagay na gawin ko?" tanong ni kuya sa kaniya.

Bago pa makasagot ang babae ay naunahan na siya ni Fiere na ngising ngisi.


"Kalabitin mo si Hera- Oops. I mean, kumalabit ka ng guitara at pakikinggan ni
Hera."

Sabay na napatingin si Hera at Thunder kay Hermes na ngayon ay nagpapalipat-lipat


ang tingin sa dalawa. Mabilis pa sa alas kwatro na nagbawi sila ng tingin at
nagkaniya-kaniya na ng palusot para makaalis sa mabigat na titig ni Hermes.

"Fiere, mah brother, halika may gagawin tayo." sabi ni Thunder at inakbayan si
Fiere bago hinila paalis.

"Hoy! Saan mo dadalin ang kapatid ko? Pagsasamantalahan mo siya no?" sigaw ni Aiere
na kanina ay kausap si Chalamity. Patakbong sinundan niya ang mga ito.

"May lakad pa pala kami ni Athena." bulong ni Hera at mabilis na tumalilis ng alis.

Naiwan kami ni Hermes. Nakatingin lang din siya sa akin habang ako naman ay walang
kurap na nakatingin din sa kaniya. Pagkaraan ay nauna na akong nagsalita,
"Amm...kuya Hermes? Wala ang sagot sa mukha ko."

"Ha?"

Itinaas ko ang hintuturo ko at kinuha ko ang walang grado na salamin na hinubad ko


kanina at muli kong sinuot iyon. "Karamihan sa mga bagay na tinatanong natin sa
sarili natin ay may sagot. Pero minsan tayo ang pumipili na hindi makita ang mga
sagot na iyon."

Sunod-sunod na napakurap siya. Ilang sandali lang ay sumilay ang ngiti sa mga labi
niya. Wow. Talo ang killer smile ni Killian.

"Snow?"

/>

"Yep?" tanong ko na nakataas pa rin ang hintuturo.


"May sense ka din pala kausap no?"

Ouch. "Narinig ko lang iyon somewhere. Pinalawak ko lang."

"Saan?"

Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong niya dahil lumabas ang isang kitchen staff
at tinawag si Hermes. Muli akong napabuntong-hininga at ipagpapatuloy ko na sana
ang pinapanood ko kanina ng biglang sumulpot sa harapan ko ang taong nasa maliit na
listahan ko ng mga taong ayokong makita.

"Saan mo nga ba nakuha ang sinabi mo?"

"Kuya Waine." nakasimangot na bati ko. "Anong ginagawa mo dito? Akala ko nasa buwan
ka na?"

Umupo siya sa harapan ko at tinaasan ako ng kilay. "Unfortunately wala sa buwan ang
taong hinahanap ko."

I pursed my lips. Mean Snow. Alam mo ng may problema iyong tao eh pinaalala mo pa
na wala siyang napala sa paghahanap niya. "Bakit ka nga nandito?"

"Naghahanap ako ng stress reliver." simpleng sagot niya at tinanguhan ang isang
staff na binaba ang tray sa harapan ni Waine. Hindi man lang nagpaalam kung gusto
ko siya kasalo sa lamesa. Typical Waine.
"Huhulaan ko." sabi ko at muling itinaas ang hintuturo ko. "Ako iyon no? Stress
reliever mo ang asarin ako?"

"Ahh. Yes." tinignan niya ang hintuturo ko. "Ano 'yan?" tanong niya bago niya
iniangat ang baso niya at uminom roon.

"Dildo."

Mabilis na iniangat ko ang notebook ko na nasa lamesa ng bigla na lamang naibuga ni


Waine ang iniinom niya.

"Yuck! Kuya Waine naman eh!"

"What the fuck, Snow!"

"Ikaw ang kung ano-ano ang tinuturo sa akin!" Nakangiwing kumuha ako ng tissue at
pinunasan ko ang mga braso ko na natalsikan ng ibinuga niya. "Eeew!"

Binigyan niya ako ng matalim na tingin at kumuha na rin ng tissue para punasan ang
lamesa. "Sagutin mo na lang kaya ng maayos ang tanong ko."

Sinimangutan ko siya. "Marami kang tanong. Daig mo pa si Den at si kuya Hermes."


sabi ko na ang tinutukoy ay ang pagiging reporter nila. Sa pagkakaalam ko hanggang
ngayon hindi pa rin bumabalik si Hermes sa station. Umalis kasi siya dati ng mawala
si ate Storm. Ngayon naman ay hindi niya pa gustong bumalik dahil buntis ang pinsan
ko.
"Saan mo napulit iyong sinabi mo kanina?" ulit niya.

"You can see everything. You just won't admit that you desire it." sabi ko at
ipinakita ko sa kaniya ang screen ng phone ko. "Tag line sa pinapanood ko.
Nirephrase ko lang para kay kuya Hermes."

Nakangangang tinignan ni Waine ang cellphone ko. Daig niya pa ang natuklaw ng ahas
sa pagkakatingin niya roon. "What. The. Hell. Is. That?"

"Wow. Hindi ka nahirapan sabihin iyon kuya?"

"SNOW!"

"PORN!"

Agad na napatakip ako sa bibig ko ng marealize ko ang sinigaw ko. Alanganing


inilibot ko ang paningin ko sa paligid at napangiwi ng makita kong nakatingin sa
akin ang mga agents. "Corn...? Gusto ko ng corn. Mais. 'Yung kinakain hindi iyong
pinapanood- Umm...Yeah."

Ibinalik

ko ang tingin ko kay Waine at pinandilatan ko siya ng mga mata. Naninigkit ang mga
mata na dumukwang siya at bumulong sa akin. "Bakit na nonood ka niyan?"
Itinaas ko ang hintuturo ko ngunit ibinaba ko rin iyon ng makita kong tinignan iyon
ni Waine na para bang puputulin niya iyon. "Una, dahil para wala ka ng maitanong sa
akin. Pangalawa, so I can see how ridicolous guys are for watching something like
this when it's so fake. At pangatlo, dahil gusto kong patunayan sa sarili ko na
walang kwenta ang sex."

"Shhh!"

"What?" I asked. "Ikaw nga itong ang daming pinasearch sa akin."

"Masaya noon dahil wala kang alam."

Pinagtitripan lang talaga ako ng taong 'to. Seriously. Guys are so weird. "Sorry ka
na lang kuya Waine dahil kinakabisado ko na lahat ng terminologies sa dictionary
niyong mga boys, aka, Pervert's Dictionary."

Pinaikot niya ang mga mata niya. "Bakit mo nga pala gustong patunayan na walang
kwenta ang sex?"

"Just a theory. Since I forgot having one with you then it must be something
terrible. So walang kwenta. Bakit pa kailangan gawin di ba? It's not even worth a
space in my brain." Snow, snow, snow. What about- "I can live without sex!"

Kulang na lang ay tadiyakan ko ang sarili ko ng mapalakas na naman ang pagkakasabi


ko niyon. Hindi na ako lumingon dahil alam kong nakatingin sa akin ang mga
kasamahan namin. "I can live without the number six! I can count without it yah
know? One, two, three, four, five, seven!"
"Huh."

/>

Binigyan ko ng nagbabagang tingin si Waine. "What was that 'huh' for?"

He grinned. "It's an I'm-Still-Gonna-Have-Fun 'huh'."

"Huh." I said acidly.

"And what was that for?"

"It's an I'm-Gonna-Get-Out-Of-Here-Because-I-Might-Throttle-You 'huh' mixed with I-


Need-To-Go-And-Meet-With-The-First-Person-On-My-List-That-I-Don't-Want-To-See
'huh'."

Simangot na simangot na tumayo ako at iniligpit ang mga gamit ko bago nagdadabog na
naglakad na ako paalis.

"Sinong pangalawa sa listahan mo Snow?!" narinig kong pahabol niya na tanong.

"Ikaw!"
"Sinong pangatlo?!"

"Ikaw pa rin!"

NAPATILI ako nang madulas ako dahilan para mahulog ako mula sa tinutungtungan ko na
makitid na bakal. Mariin akong napapikit ng maramdaman ko ang pamilyar na paghila
sa akin ng tali bago ako tuluyang lumagapak sa sahig.

Ilang sandali lang ay may mga kamay na umalalay sa akin at tinulungan ako na
makatayo ng ayos. Nagdilat ako ng mga mata at nagtama ang mga mata namin ni
Phoenix. I loved his eyes since we were young. It seems different to me now.

"Okay ka lang?" tanong niya at binitiwan na ako na para bang mapapaso siya kapag
nagtagal pa siya sa pagkakahawak sa akin.

"Fine. Hindi talaga ako magaling sa pinapagawa niyo. Hindi ako makakatawid diyan."
sabi ko at itinuro ang mataas na bakal kung saan nila ako pinapatawid kanina.
Mahirap tumawid doon dahil bukod sa makitid iyon

ay paminsan-minsang gumagalaw rin iyon.


"Then tell us what you're good at." Freezale said, entering the conversation. May
hawak din siya na tablet kung saan nirerecord niya ang ginagawa ko.

"Umm...let's see." I said, looking at the ceiling as if I'm thinking. "I'm good at
falling and hurting myself."

Napatigil ang kapatid ko sa ginagawa niya at nag-angat siya ng tingin para titigan
ako ng mataman. Ilang sandali ay tahimik na ibinalik niya ang atensyon sa kanina
niyang ginagawa.

"We can target shoot again." Phoenix' suggested.

Bumuntong-hininga ako. "Ginawa na natin iyan kanina wala din naman tayong napala.
Sparring na lang ang hindi natin nagagawa na panigurado ako na hindi ko din
magagawa ng maayos."

"Kaya ka nga tayo nag te-training Snow." singit ulit ni Freezale.

"Sinabi ko naman kasi na sa experiment department na lang ako." nagmamakaawang


tinignan ko siya. "Please?"

"Ito ang gusto ni Dawn."

"Ayoko nga eh!"


Bumuntong-hininga si Freezale na para bang nauubusan na siya ng pasensiya sa akin.
She looked at Phoenix pointedly before she turned her back on us and walked away.

"Let's spar." Phoenix said after awhile. "Pagkatapos magpapahinga na tayo."

"Nag aaksya lang tayo ng oras. Wala din namang mangyayari."

Sandaling pinagmasdan niya ako bago siya muling nagsalita. "Hindi mo pa nasusubukan
sumusuko ka na. How can you be sure of the impossibility if you haven't even
tried?"

Hindi

ko gustong mag-isip ng iba pa sa sinabi niya ngunit parakiramdam ko ay iba ang


tinutukoy niya. Bahagyang ngumiti ang lalaki at mahinang tinapik ang ulo ko na
palagi niyang ginagawa kahit noon pa. Pero kahit anong gawin kong pagkumbinsi sa
sarili ko...alam ko na hindi na iyon katulad ng dati.

It feels like as if he's just forcing himself to act the same as before with me.

"How about the HBT?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang Hologram Battle Training.
"Di ba lagi natin iyong ginagawa dati?"

"Sige." bulong ko.


Naglakad na kami papunta sa training room kung saan nandoon iyon. Nang makarating
roon ay naabutan namin doon ang isa sa experiment department junior agents na si
Yno. He looked at us and gave us a chin lift.

Kumuha na kami ng mga gamit ni Phoenix. Sinuot namin ang vests na para sa larong
iyon, Meron din iyon na kasamang gwantes, head gear, arm bands, and ankle bands na
kinakailangang suotin para madetect kung saan kami tatamaan ng mga hologram. May
wrist watch na may maliit na screen din na ibinigay sa amin si Yno na siyang
titignan namin para malaman kung ilang percent na lang ang natitira sa amin bago
matanggal sa HBT at bilang ng hologram na natitira sa laban. May dala din kami na
mga baril na ginawa talaga para sa training na iyon.

"Ready?" Yno asked.

Nang matiyak niyang ayos na kami ay binuksan na niya ang glass panel ng HBT.
Tinignan ako ni Phoenix bago niya ako tinanguhan at nauna ng pumasok. Tahimik na
sumunod ako sa kaniya.

Nang makapasok

sa loob ay automatikong naghanap kami ni Phoenix ng mapagtataguan. Ilang beses na


namin itong nagawa. Minsan kasama namina ang ibang mga agents pero lagi kaming
nanalo ni Phoenix. Ako lagi ang first placer habang siya naman ang pangalawa.

Kapag kasi nasa HBT imposible na hindi niya ako iligtas. Kahit hologram lang naman
ang mga kalaban. Minsan naman sinasadiya niya na magpatalo para ako ang maging
first place.

Pumailanlang ang malakas na tunog at kasabay niyon ay ang pagsulputan ng mga


hologram. Tinignan ko ang wrist watch ko at nakita kong apat na hologram ang
ibinababa ni Yno. Isa doon ang 'boss' kung saan isang tira lang niyon ay talo na
kami. Ang tatlo naman ay low level lang at hindi agad mauubos ang percentage namin.
"Left." Phoenix muttered.

I nod at him and run to my left. Mabilis ang naging galaw ko ng makita kong may
sumulpot na hologram. Kaagad na dumapa ako ng mabilis iyong tumakbo papunta sa
direksyon ko. I rolled, squated then shoot.

Nabawasan ang 100 percent na nakasulat sa dibdib ng hologram at napalitan iyon ng


60 percent. Sa may dibdib ko siya tinamaan kaya malaki ang nabawas.

Kadalasan kapag natatamaan ang hologram ay sandali iyong tumitigil para sa


pagbabago ng numero niyon. Pero mukhang na-upgrade na ang HBT dahil mabilis
nakarecover ang hologram at umangat ang kamay para bumaril sa diresksyon ko.

Kasabay ng pagtunog na galiong sa hologram ay naramdaman ko na may humila sa akin


patungo sa likod ng isang boulder. I looked up and my eyes met Phoenix' stare, his
arms

wound tightly around me.

May kung anong emosyon na dumaan sa mga mata niya ng magbaba siya ng tingin sa mga
labi ko. Kaagad na pinakawalan niya ako. He raked his hands throught his hair and
chuckled forcibly. "Sorry. This is your training so I shouldn't have...done that."

Translation: May sarili ka ng buhay kaya hindi ko dapat ginawa iyon. "Okay lang.
Hindi naman totoo lahat ng 'to."

"This is training."
"Sparring is training but this? Parang video game lang ito. Hindi totoo."

"It's training, Snow."

"It's not real."

"Or maybe you just don't want to accept that this is real."

Hindi ko na nagawang makasagot ng bigla niya akong itinulak sa kaliwa niya at


nagpaputok sa kabilang direksyon kung saan may isang hologram na sumulpot. Tinamaan
niya iyon sa ulo kaya kaagad naubos ang 100 percent niyon.

Humarap sa akin si Phoenix. "HBT was created for a reason. Hindi ito basta laro
lang. We're training our reflexes here."

"Right." I murmured.

Sandali niya akong pinagmasdan. "Why do you hate training, Snow?"

Dahil hindi ko naman kailangan. Dahil nandiyan ka naman. "Tinatamad lang ako."
Pagkasabi ko niyon ay umalis ako sa pinagtataguan ko at tumakbo papunta sa kabilang
bahagi ng HBT room. Hindi ko kailangan noon. At ngayon...pinaniniwala ko ang sarili
ko na hindi ko pa rin kailangan kasi nandiyan ka naman. Pero hindi na ganoon di ba?

I hoisted myself

up on the boulder. I located the holograms then I ran. Tumalon ako sa kabilang
boulder at nagpaputok ako sa hologram na nakita ko. Pinadausdos ko ang katawan ko
hanggang sa nakahiga na ako sa ibabaw ng boulder dahil alam kong may hologram na
magpapaputok sa direksyon ko.

Bang...one...bang...two...

Umikot ako sa pagkakahiga at hinayaan ko na mahulog ang sarili ko sa matted na


sahig ng HBT room. I curled my body and landed on a squat.

A gasped escape my lips when pain engulfed my body. Napatumba ako sa sahig. Hindi
ko alam kung anong tiyak na nangyari. Natagpuan ko na lang ang sarili ko nakaharap
ang 'boss' hologram habang sumisigid ang kirot sa katawan ko. I landed
fine...but...this is different.

"S-Stop...Yno..." I said with a ragged voice.

Nakita kong itinutok ng boss hologram ang baril niya sa akin. Nanlalabong tinignan
ko iyon ngunit nawala siya sa paningin ko kasabay ng nakakabinging ingay tanda ng
pagkaalis ng isa sa mga players.

"Snow!"
Pilit na iminulat ko ang mga mata ko. Nakayuko si Phoenix at nakatingin sa akin.
May kulay pulang ilaw sa dibdib niya tanda na naalis siya sa laban. He took the
shot.

Naramdaman kong umangat ang katawan ko mula sa pagkakahiga ko sa sahig. "Anong


masakit? Nahulog ka ba?"

"E-Everything..." I whispered.

Iminulat ko muli ang pumipikit ko ng mga mata. Bumukas ang glass panel ng HBT room
at itinakbo ako ni Phoenix palabas. May mga agents na rin na ngayon ay nag-aalalang
nakatingin

sa amin.

"What the hell!" I heard my brother, Thunder, bellowed. Lumapit siya sa amin at
akmang kukunin ako kay Phoenix ngunit iniiwas lang ako ng lalaki.

"I got her." Phoenix clipped.

Mabilis na nailabas ako ng training area ni Phoenix at tinahak niya ang daan
papunta sa clinic. Sinubukan kong magsalita para kampantehin siya ngunit may kung
anong kirot na sumigid na naman sa akin dahilan para marahas na mapasinghap ako.

"Damn it!"
May mga ingay akong narinig. Naririnig ko ang pamilyar na boses ni tita Autumn.
Even with my hazy thoughts I know that we're at the headquarter's clinic.

"Anong nangyari?"

I felt Phoenix' lowering my body on the gurney at the same time I felt a different
set of hands on me.

"Hindi ko alam, Tita. Nagtetraining kami kanina. I found her writhing in pain on
the floor. I checked for broken bones but I don't think that that's it. She can
barely open her eyes. What's happening tita? May sakit ba si Snow bago kami nag
training? May hindi ba siya sinasabi sa amin? Did I overworked her-"

"Calm down."

"She's in pain!"

I want to open my lips and tell him that I'm fine. Pero hindi ko magawang
makapagsalita. Pakiramdam ko ay wala ng lakas ang katawan ko. But I can still hear
them. I'm still conscious. Even though I don't want to be.

Hindi ko din maintindihan kung anong nangyayari.

I heard a door opened. "Tita? Anong nangyayari kay Snow?"


"I'm checking her up, Thunder."

"Nakuha din ba niya, Tita?"

"Anong ibig mong sabihin?" another voice asked. My sister's.

"Tita?" my brother's voice insisted. "Does she have it too?"

"Kuya ano ba?!" sigaw ni Freezale.

Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak sa akin ni Phoenix. Alam kong siya iyon
dahil hindi niya ako binitawan mula pa kanina. He never let go of my hand.

"Tita?"

"I'm not sure."

"Tita-"
"Kuya!" muling sigaw ni Freezale. I can hear panic in her voice.

...

...

"Our father's disease! Fuck! Damn it, Freezale!"

Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Phoenix sa kamay ko. Naramdaman ko na sumubsob


siya sa leeg ko. "God...no. No, Snow..."

=================

CHAPTER 9 ~ Possibility ~

CHAPTER 9

SNOW'S POV
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang marahang dampi ng
kung ano sa aking mukha. Sa bahagyang nanlalabong paningin ay nabungaran ko si Mira
na kasalukuyang may hawak na bimpo sa kamay niya.

"Mira?"

Sinubukan kong umupo mula sa pagkakahiga ko pero pinigilan niya lang ako. "Huwag ka
munang kumilos. Tatawag lang ako ng doktor."

Binigyan niya ako ng maliit na ngiti bago siya tahimik na lumabas ng kwarto.
Naguguluhang tinignan ko ang nakapinid na pinto. Ano bang meron? At...nasa'n ako?

Sa kabila nang sinabi ni Mira ay nagtangka ako ulit na umupo. Nang tuluyan akong
makaayos ng upo ay sa pagkagulat ko ay naramdaman ko na may pumisil sa kamay ko.
Nagbaba ako ng tingin para lang manglaki ang mga mata ko ng makita ko si Phoenix na
nakasubsob sa kama habang ang kamay niya ay hawak ang akin.

Seeing him, I instantly remember everything. Nasa training area kami ng bigla na
lang akong mag collapse. I can remember him bringing me here. And now it looks like
he never left. Halata ang pagod sa mukha niya at suot niya pa rin ang damit na suot
niya nang mag training kami.

He stayed with me.

Dahan-dahan kong hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya at bago ko pa mapigilan


ang sarili ko ay marahan kong hinaplos ang natutulog niyang mukha.
"I wish that you'll just walk away and let go like you said. I wish that you stop
being here beside

me...I wish that you stop caring. But at the same time...I keep on wishing that you
won't." I whispered.

I'm not that blind. Alam ko na pinipigilan niya na mapalapit sa akin ulit ng sobra.
He's my bestfriend, of course I will notice the changes. I know he's really trying
hard. Pero dahil sa mission namin hindi namin magawang magkalayo. And I know...that
being close to me tortures him.

Alam ko dahil iyon din ang nararamdaman ko.

A part of me wants to let go. But even if I deny it...there's a part of me that
wants to keep on holding on too.

Napapitlag ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Inalis ko ang kamay ko sa
mukha ni Phoenix kasabay ng pagmulat ng mga mata niya at pagpasok ni tita Autumn na
kasunod ang mga magulang at kapatid ko. Pati na si Mira na tahimik na pumasok.

"Snow!" bulalas ni Phoenix.

Bahagya ko siyang nginitian. "Hi."

"I'm sorry..." sinukat niya ang buhok niya sa pamamagitan ng kamay niya. "Nakatulog
ako. I just...I...I'm sorry."
"For being human?" I chuckled lightly. "It's okay Nix nix. Ilang oras na ba mula ng
dinala mo ako dito sa clinic?"

"A day."

Saglit na napaawang ang bibig ko sa sinabi niya bago ko iyon muling tinikom.
Nilingon ko ang pamilya ko at nakabakas sa mga mata nila ang pag-aalala. My parents
are here as well as my siblings. Looks like we're having a reunion.

"Phoenix, magpahinga ka na. Okay na ako." nakangiting sabi ko. "Mukhang kailangan
mo nang matulog ng maayos.

Thank you for bringing me here."

"Snow-"

"You need to bring Mira home. Pareho kayong mukhang walang tulog dahil sa
pagbabantay sa akin." Itinaas ko ang kanang palad ko. "Promise sasabihin ko sa iyo
kung ano ang pag-uusapan namin nila tita Autumn."

Akmang may sasabihin pa siya ngunit napatingin siya kay Mira na tahimik pa rin na
nakatingin lang sa amin. Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga ng lalaki bago
siya tumango. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at pinisil bago siya tumayo.
"I'll be back tomorrow."

I smiled at him and nod. Even though that's the last thing I want to do as he
walked towards his wife. Stop that now, Snow.
Humiga ako at mariing pinikit ang mga mata ko ng marinig ko ang pagbukas at
pagsarado ng pintuan. I'm so confuse with myself. Why doing the right thing could
be this confusing? Hindi ko na kilala ang sarili ko. Hindi ko na kilala ang sarili
kong nararamdaman.

"Snow..."

Nagmulat ako ng mga mata. Nasa tabi ng kama ko ang mga magulang ko at si tita
Autumn na siyang nagsalita. Sa bandang paanan ng kinahihigaan ko ay nandoon ang mga
kapatid ko.

"Tita, anong nangyari sa akin? I...I heard things before I lost my conciousness. My
father's..." my gaze went to my father, Rain Dale Night, who's quietly looking at
me. "My father's heart disease...do I have it? Is it really hereditary?"

Tita Autumn nod. "It is hereditary."

"They cured my disease but it looks like my genes are not." my father

said with a bitter voice. "Kung alam ko lang-"

"Why, Pa? Would you have terminate our mother's pregnancy if you've known?" my
sister, Freezale asked.

Pain crossed our father's eyes as he looked down at my mother who's now sitting
behind my bed, holding my hand. "No. I just...I just don't want any of you to
suffer because of me."

Umiling ako. "Hindi ka naman po namin sinisisi. Hindi mo naman ginusto na magkaroon
ng sakit na ganito. We will be fine, Papa."

Akmang magsasalita siya ngunit itinaas ni tita Autumn ang kamay niya. "Sandali.
Alam kong seryoso ang usapan pero pwedeng ako muna? Ako ang doktor eh. Pwede? Medyo
inagawan niyo ako ng space para magsalita ano?"

"Autumn." my momma Wynter said with a warning tone.

"Wynter. Hindi ako nag-aral, nabugbog at gumapang sa hirap para lang mawalan ng
dialogue. This is my time to shine." sabi ni tita Autumn at idinipa pa ang mga
kamay. Nang mapansin niyang wala sa amin ang natawa man lang sa sinabi niya at
tumikhim siya. "Anyways. Let's get back to the topic."

Tumango si Momma. "Mabuti pa nga."

Tinignan ako ni tita Autumn. "Naipapamana ang sakit ng ama mo but fortunately you
don't have it. I'm ninety five percent sure you don't have it."

"Then...why?" I asked her. I can remember the pain clearly. Pakiramdam ko may
nagliliyab sa dibdib ko.

"It was a heartburn. Hindi ibig sabihin may sakit ka sa puso dahil may heartburn
ka. It could be just because of indigestion. But we will still run some
test just to be sure."

"And the pain on my stomach?"

"Menstrual cramps."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Imposible, tita. Dalawang linggo pa bago ang
date ng period ko. Regular po ang menstrual cycle ko."

Nagkatinginan ang mga magulang ko habang si tita Autumn naman ay magkasalubong ang
kilay na nakatingin sa akin. "You were bleeding lightly."

"But that's impossible...I never get my period early." I whispered.

Sandaling katahimikan ang namayani sa paligid. Nanatiliung nakatingin ako kay tita
Autumn na kahit tikom ang bibig ay kulang na lang marinig ko ang utak niya na
paniguradong kinakalkula na ang lahat ng posibilidad na maaaring nangyayari sa
akin.

"Freezale paki tulungan si Snow na pumunta sa CR." pagkaraan ay sabi ng ginang.


Tumingin siya sa akin, "Check if you're still bleeding. And Thunder, can you find
my husband please and bring him here."

"Okay." bulong ko.


AUTUMN'S POV

Sinundan ko ng tingin si Freezale na inaalalayan ang kapatid niya. Si Thunder naman


ay tumayo at tahimik na lumabas para sundin ang inutos ko sa kaniya. Hindi ko naman
talaga kailangan si Wynd. Kailangan ko lang na umalis sandali si Thunder.

"What's going on Autumn?"

Nilingon ko si Rain na siyang nagsalita at ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa


akin. I know he's scared of what's happening. Kahit noong mga panahon na siya ang
ginugumon

ng sakit niya ay hindi nawala ang takot sa aming lahat. Lalong lalo na kay Wynter.

Hindi ko masasabing alam ko ang eksakto nilang nararamdaman. Pero isipin ko pa lang
na mangyari ang mga ito sa mga anak ko...parang hindi ko kakayanin.
"I'm sure that the girls don't have your disease, Rain. By now Freezale should have
an attack too if she have it. But I told you about Thunder. He went to me months
ago so I can have a test on him. Mukhang sa lalaki lang naipapasa ang sakit. It was
not early-onset obviously but we really need to observe the progress of his
condition. Right now he's not having any attacks again but we don't know the
future, Rain."

Mahinang napamura si Rain habang si Wynter naman ay lumuluhang sumubsob sa mga


kamay niya. Nagpatuloy ako sa pagsasalita, "Snow's alright except her heartburn
attack was quite confusing. She's not overweight and she's not even eating too
much. Nagtanong din ako kaila Hermes at sa kitchen staff sa dining hall kung saan
siya laging kumakain at okay naman daw ang mga kinakain ni Snow. Not anything than
can cause an acid indigestion except the orange juice she drunk before the
training."

"So that's what cause it?" Rain asked.

"No, I don't think so. Ni hindi nga niya naubos ang juice."

"Then what-"

Pinutol ko ang sasabihin niya. "Nagkaroon siya ng light bleeding. A spotting. And
Rain, heartburn can be because of hormonal changes too."

Napatigil sa mahinang pag-iyak si Wynter at bakas sa mga mata ang pangamba na


tumingin

sa akin. "A-Anong gusto mong ipahiwatig?"

Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita.


...

...

"She might be pregnant."

SNOW'S POV
Nagtatakang tinignan ko ang mga magulang ko at si tita Autumn nang makalabas na
kami ni Freezale ng CR. Mukhang may pinagtatalunan sila bago kami pumasok ng
kapatid ko. Wala din si kuya Thunder.

"What's going on?" I asked them.

Walang sumagot sa kanila at sa halip ay nakatingin lang sa akin. Kunot noong


pinagmasdan ko sila habang inaalalayan ako ni Freezale na makabalik sa kama.

Tumingin ako kay tita Autumn. "Tita?"

Bago pa siya makapagsalita ay bumukas ang pintuan at pumasok si kuya Thunder at


tito Wynd na humangos na sumunod. "Anong nangyari, sweetheart? Kailangan mo ba ang
rescue ng macho gwapito na si ako?"

Tumikhim si tita Autumn. "Actually, yes. Can you please bring Freezale and Thunder
to the lab and get what we need for the test?"

Sumimangot si tito Wynd. "Akala ko naman kung ano na. Dapat inutusan mo na lang ang
isa sa mga nurse."

"Gusto din kasi kitang makita. Alam mo na. Namimiss kita." straight faced na sabi
ni tita.

"Really?"
"Yup. So...can you take them to the lab?"

"Oo naman! Leb et to meh dahling!"

Halatang nagtataka din si Freezale sa inaakto

nila ngunit wala na siyang nagawa ng parang shepherd na pinastos sila paalis ni
tito Wynd na kumindat pa kay tita Autumn bago sila tuluyang lumabas.

Sa pagkabigla ko ay pagkasarado na pagkasarado ng pinto ay sabay-sabay na nagsalita


ang mga magulang ko at si tita Autumn.

"I'm just telling you the possibility!"

"That's not a possibility!"

"That's insane!"

"Come on people! Can't we just relax and think about-"

"We can't relax. There's no way that's possible!"


"No this can't be happening! There is just no way that this can be happening!
Bawiin mo ang sinabi mo Autumn. She's not even dating!"

"We need to think about the possibility! She said she have another two weeks before
her period. Then right now she can be two weeks pregnant!

"My daughter is not pregnant!"

My daughter is not pregnant...

My daughter is not pregnant...

Pregnant...

Pregnant...

Pakiramdam ko ay mahihinang tunog na lang ang sigawan ng mga magulang ko at ni tita


Autumn. It feels like I'm drowning and I can barely hear them...or even see them. I
can only hear those words...

It's not even three weeks. How can that be possible?


Is that possible?

"Snow!"

Napakurap ako at nag-angat ng tingin kay tita Autumn. Seryoso ang mukha na tinignan
niya ako sa mga mata.

"Have

you...or have you not engaged into an intercourse?"

"Autumn!"

Hindi niya pinansin si momma at nanatiling sa akin lang nakatingin. "Have you?"

Flashes of memories I don't want to remember flooded my mind. Animo pinapanood ko


lang sila sa harapan ng mga mata ko.

"Snow. Have you?" tita Autumn prompted.

"No."
"Snow, I need you to tell me the truth."

"No." I said shaking my head. No. This can't be happening to me. "I haven't tita."

Pilit na sinalubong ko ang tingin niya at pinakita sa mga mata ko ang katotohanan
ng mga salita ko. Pero sa kabila ng pagpapanggap ay alam ko...

Alam ko na hindi siya lubos na naniniwala.

BINABA ko ang hood ng jacket ko hanggang sa matakpan niyon ang mukha ko. Maingat na
binuksan ko ang pintuan ng kwarto na kinaroroonan ko. Napakagat labi ako ng makita
ko ang mahabang pasilyo. Wala ako sa clinic katulad ng inakala ko kanina. Mukhang
inilipat nila ako sa BHO CAMP Hospital nang wala pa akong malay.

Muli kong sinarado ang pinto at tinakbo ko ang kinaroronan ng bintana. First floor
thank goodness.

Binuksan ko ang bintana at walang pag-aalinlangan na lumabas ako mula roon. Hindi
na ako huminto at tumakbo ako palayo sa establishimento. Pilit na inignora ko ang
sakit sa mga paa ko. Wala akong suot na sapatos dahil wala namang dinala sila
Freezale. Tanging jacket lang ang nakita ko roon na maaaring pag-aari ni Phoenix

na malamang ay naiwan niya.


Nagpapasalamat na lang ako at gabi na. Wala ng mga agents ang nasa labas. Hindi
pwedeng may makakita sa akin dahil paniguradong ibabalik nila ako sa ospital.

Nang marating ko ang headquarters ay dumaan ako sa kadalasang dinadaanan namin ni


Phoenix noong mga bata pa kami kapag gusto naming iwasan ang mga security cameras
ng BHO CAMP. Sa mapupunong bahagi niyon.

Nang marating ko ang gilid ng HQ ay patakbong tinungo ko ang isang pamilyar na


bahagi niyon. Pinalis ko ang mga damo at lupa na nakatabing. Sa kabila ng
nangyayari ay bahagya akong napangiti. Hindi pa rin nalalagyan ng kandado.

Itinaas ko ang bakal na nakatakip sa lupa at iniangat ko iyon. Pumasok ako sa loob
at muli kong hinila iyon pasara bago ako bumitaw. Inilibot ko ang paningin ko. Isa
ang lugar na ito sa mga storage area ng headquarters.

Lumapit ako sa pintuan at dahan-dahan ko na binuksan iyon. Sumilip muna ako at ng


makita ko na walang tao ay lumabas ako. Inayos ko ang hood sa ulo ko at mabilis na
naglakad ako patungo sa kinaroronan ng taong kailangan ko na makita.

...

...
Waine.

Nang marating ko ang kwarto niya ay sunod-sunod na pinindot ko ang doorbell niya.
Wala akong pekialam kahit may importante pa siyang ginagawa. I need to see him now.

Nang hindi pa rin bumukas ang pintuan ay sunod-sunod na kinalampag ko na iyon.

"What the fuck! Somebody needs to be dying or else- Snow? What the hell

are you doing here?!"

Imbis na sagutin siya ay itinulak ko siya papasok ng kwarto niya at pabalibag na


sinarado ko iyon nang makapasok na rin ako.

"What's wrong with you?" he asked with a knotted forehead.

"Ikaw! Ikaw ang problema!"

"What? Ano bang pinagsasabi mo? Hindi ka dapat nandito. Di ba dinala ka sa ospital
dahil bigla ka na lang nag collapse? Halika na ibabalik na kita-"
"No!" I shouted at him and flinched when he touched my arm to guide me out. "You
need to help me!"

"With what?"

"I...I...I'm..."

"What?!" he asked impatiently.

"I might be pregnant!"

Napanganga siya sa sinabi ko. Itinikom niya iyon para lang muling ibuka na parang
may sasabihin ngunit walang salita na lumabas mula sa bibig niya.

"Wala ka man lang bang sasabihin?" kuyom ang mga kamay na tanong ko.

"Umm...Wow."

"Wow? That's it?"

Nabahiran ng pagtataka ang pagkagulat sa mukha niya. "Congrats?"


"Congrats? Fuck you!"

Akmang lalabas na ako ng kwarto niya ng maramdaman ko na hinawakan niya ako sa


braso at hinila paatras ng ilang dipa mula sa pinto. Kunot na kunot ang noo na
tinignan niya ako. "Una, marunong ka ng magmura ngayon? Good. Pangalawa, bakit ba
galit na galit ka sa akin?"

"Ganiyan ba talaga kayong mga lalaki?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Pagkatapos
niyong gumawa ng problema bigla na lang kayong walang magawa na kahit

na ano?"

"Ako?" takang tanong niya. "Anong ginawa ko?"

"May amnesia ka ba?!"

"Bakit?"

Nangangalit ang ngipin na tinignan ko siya. "ANONG BAKIT?! ARE YOU SERIOUS?!"

Itinaas niya ang mga kamay niya. "Akala ko babanat ka."

"What?!"
Ipinilig niya ang ulo niya. "Shhh! Hinaan mo ang boses mo dahil sumasakit ang ulo
ko. Okay? Kumalma ka muna para magkaintindihan tayo."

"HINDI KO KAYANG KUMALMA!"

"Bakit?"

"Bakit na naman?! Puro ka bakit! Wala ka bang ibang sasabihin bukod sa 'wow,
'congrats' at bakit?"

"Umm, yeah. Anong ginagawa mo rito?"

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

Hindi na ako magtataka kung mabasag lahat ng babasagin dito sa kwarto ni Waine
dahil sa pagsigaw ko. Kahit siya ay napatakip rin sa tenga habang naguguluhang
nakatingin sa akin.

Dinuro ko siya at matalim na tinignan. "I'm gonna torture you, kill you, then burn
you!"

"What? Snow, ano bang nangyayari sa iyo? Binigyan ka ba ng droga nila Mrs. Roqas
kaya ka nagkakaganiyan?"

"I'm not on drugs!"

"Well, you shouldn't. Masama iyon sa baby."

"Iyan! Buti naman alam mo kung ano ang problema dito. I might be pregnant. I might
be having a baby. At kasalanan mo ang lahat ng ito. I was drunk that night but you
took advantage. You shouldn't have done that!"

Napakurap-kurap si Waine sa sinabi ko. Ilang sandaling katahimikan

ang namayani bago nawala ang pagtataka sa mukha niya. "You think I'm the father of
your baby?"

"May iba pa ba?!"

"You know the answer to that, Snow."

Napatigil ako sa sinabi niya. You can't keep it buried anymore, Snow. Umiling ako.
"Hindi. Alam kong ikaw-"

"Snow, it's impossible for you and I to have a baby. I didn't took advantage on
you. Ikaw pa nga itong pinagsamantalahan ako. Bigla ka na lang nanghalik."
"W-What...?"

"It was just a joke. Binibiro lang kita kaya kapag tinatanong mo ako hindi kita
sinasagot tungkol sa kung ano ang nangyari nang gabing iyon kung saan lasing na
lasing ka dahil kinasal ang best friend mo. You kissed me, you asked me to take you
away and I did. But I didn't 'take' you like what you are thinking. You're just
like a kid sister to me. An annoying little sister."

"But-"

"You don't even like me that way, Snow. You're just convincing yourself because you
know that the truth is complicated. And it will be more complicated because of this
new possibility." bumuntong-hininga si Waine. "Walang nangyari sa ating dalawa,
okay? But you know that if you're right. If you're really pregnant...you know who
will be the father."

"Stop talking."

"You can't forget that night Snow. That night that I followed you when I saw you
going in his room."

"Stop talking!"

"Snow-"
Umiling ako at napaupo sa sahig. "Hindi pwede. Hindi pwede...This will hurt a lot
of

people. I can't...I..I..."

Narinig ko ang muli niyang pagbuntong-hininga bago siya umupo sa harapan ko at


pilit na hinuli ang mga mata ko. "Hindi pa naman sigurado di ba?"

"I still need to wait for two weeks for my period." I whispered.

"Then if it's positive...what would you do?" he whispered back.

"I don't know...I'm scared...this shouldn't be happening. Madaming masasaktan.


Madaming maapektuhan dahil nagkamali ako. I can't do this. This isn't right. I
should-"

Umangat ang kamay niya at mahigpit na hinawakan ang akin. "Don't say that. You need
to fight for this whatever happens."

Lumuluhang sinalubong ko ang tingin niya. I want to. I want to fight for the baby.
Pero paano kung hindi ko kaya? Paano kung hindi ko siya kayang protektahan?
Nagkamali ako. Ako ang may kasalanan. What if I cannot shield my own baby from all
of this? What if I'm not even worthy to keep him?

"Alam mo ba kung anong kaya kong ibigay para lang mahanap ang anak ko? O kahit
malaman lang na ligtas siya? And here you are thinking of terminating your own
blood and flesh. I know you're just scared that's why you can think about doing
something like that. Pero desisyon mo ang dahilan kung bakit naging ganito ang
resulta. Kahit mali ginawa mo ang bagay na iyon. This is not your baby's fault. You
made this with your own hands. For once, Snow, have the guts to fight and not give
up." Mariin niyang pinisil ang mga kamay ko. "Look at me. You can't run away from
this."

"I-I'm sorry. I won't I promise. I'm sorry..." humahagulhol na bulong ko.


"Natatakot ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko dapat inisip man lang
na gawin iyon...mali ako...mali na naman ako...I'm so stupid...so stupid."

"Snow..."

Hindi ko dapat ginawa iyon...

...

...

Hindi dapat nangyari ang gabing iyon.

=================
CHAPTER 10 ~ More ~

A/N: Alam kong bakasyon niyo na guys but unfortunately may exam pa kami hanggang 22
:) Chill lang tayo <3

CHAPTER 10

SNOW'S POV

"Wow."

Nag-angat ako ng tingin sa nagsalita dahilan para mapatigil ako sa sunod-sunod ko


na pagsubo ng kinakain ko na pinya. "What?"

Umupo sa harapan ko si Athena na siyang nang-istorbo sa akin sa pagkain ko dito sa


dining hall ng HQ. Nangalumbaba siya habang tinitignan ang malaking plato ng pinya
na nilalantakan ko kanina. Halos mauubos na rin ang laman niyon.

"Matamis?" tanong niya.

"Oo." sabi ko at pagkatapos ay pinagpatuloy ko ang pagkain. Napasimangot na lang


ako ng bigla na lang siyang kumuha at kinain iyon. "Akin yan-"

"Pwe! What the fudge?!" irit niya at ishinoot sa malapit na trashbin ang iniluwang
piraso ng pinya. "Ang asim!"

"Hindi kaya."
Akmang sisimulan ko na naman ang pagkain ng bigla na lang mawala sa harapan ko ang
plato. Magkasalubong ang kilay na nag-angat ako ng tingin. Pakiramdam ko nafreeze
ang lahat sa paligid ko ng makita ko kung sino ang nakatayo doon.

...

...

Phoenix.

"Nix nix..."

"Sabi ni tita Autumn bawasan mo daw ang pagkain ng mga acidic foods."

"Pero-"

"Hayaan mo siyang kumain kung ano ang gusto niya. Hindi mo naman siya pwedeng
pagbawalan kung iyan ang gusto niyang kainin."

Napabuntong-hininga na lang ako ng makita ko ang bagong dating. Walang

iba kundi si Waine na may naglalarong ngiti sa mga labi. Halata namang iniinis niya
lang si Phoenix sa hindi malamang dahilan.
Umupo si Waine sa tabi ni Athena na taas ang kilay na tinignan si Waine mula baba
hanggang sa tuktok ng ulo.

Nabaling kay Phoenix ang atensyon ko ng maramdaman ko siya na umupo sa tabi ko.
Nagsalita siya habang ang tingin ay nasa direksyon ni Waine, "Hindi naman sa
pinagbabawalan ko siya. Ayoko lang na may mangyari na naman sa kaniyang masama."
lumingon sa akin ang lalaki at bahagyang ngumiti. "You can a small portion of this
at dinner. Okay? Wag mo munang biglain ang sarili mo."

Tahimik na tumango ako. Nilingon ko si Waine na tinaasan ako ng kilay bago niya
binalingan si Athena na ngayon ay nakatingin pa din sa kaniya. "What?"

"May mission ka pa?" agad na tanong ng babae.

Dumilim ang mukha ng lalaki. "Wala pa sa ngayon."

"Ahh okay. Ako kasi meron." pagbibigay alam ng dalaga. "Gusto kong samahan mo ko. I
need a date."

Napakurap ako sa sinabi ni Athena. Wala sa sarili na nagtatanong na tinignan ko si


Phoenix na nagtataka din na nagkibit-balikat. Mukhang hindi niya din alam kung
bakit naghahanap ng kadate si Athena samantalang lahat ng agents alam na nasa
'dating status' sila ni Stone.

"Ayoko."
Sabay na napalingon kami ni Phoenix sa kanila sa naging sagot ni Waine. Tinignan ko
si Athena pero mukhang wala lang naman sa kaniya ang sinabi ni Waine. Kung ako
siguro ang tinanggihan sa paraan ng pagkakasabi ng binata baka nagdamdam na

ako.

Pero kay Athena parang wala lang.

"Bakit?" tanong niya.

"May personal mission pa ako."

"Na?"

"Guardin Angel mission."

Kinunutan siya ng noo ni Athena at pagkatapos ay tumingin sa akin. Ilang sandaling


nakatutok lang sa akin ang mga mata niya bago muling napataas ang kilay niya. "Huh.
I guess you really need to focus on that now. Kung baga nasa critical level na ang
mission mo."

Akmang magsasalita ako ng tumingin siya sa kanan niya. Sakto namang dumaan si King
kasama si Freezale.
"King!" tawag ni Athena dito.

Nanglalaki ang mga mata na iwinagayway ko kay Athena ang mga kamay ko at sunod-
sunod akong umiling. "Are you insane?" I hissed at her. "Gusto mo bang itapon ka
palabas ng BHO CAMP ni ate Freezale?"

"At bakit ko siya itatapon sa labas?"

Nakangiwing nilingon ko ang nagsalita. "Err..."

"At mas nauna kang lumabas." sabi ni Freezale.

Pinaikot ko ang mga mata ko. Tinuro ko si Athena, "Gusto niyang ayain makipagdate
si kuya King."

Walang emosyon na nilingon niya si Athena. "Sige. Pwede mong hiramin ang asawa ko.
Ibalik mo lang bago magmadaling araw dahil nagigising ng mga ganoong oras ang mga
anak namin at siya ang nagpapatulog. 'Wag mo ding ibabalik ng may damage dahil
ayokong mastress."

"Lady naman!" reklamo ni King. "Pinamimigay mo na ko?"

"Hindi pa ako tapos." sabi ni Freezale na muling ibinalik ang atensyon

kay Athena na parang walang pakielam sa mundo na nagbalat ng panibagong lollipop.


"Bago mo mahiram ang asawa ko kailangan mo muna akong bigyan ng two hundred
thousand na downpayment. Pagkatapos ng date niyo saka mo ibigay sa akin ang three
hundred thousand. Isang gabi lang kaya mura lang di ba?"

"L-Lady...b-binebenta mo na ko?" may pautal-utal pang tanong ni King na halata


namang umaarte lang.

"Mahal na ang gatas ngayon. Mahal din ang tuition." simpleng sagot ng kapatid ko.

"Pero-"

"Calm down kuya King." sabi ni Athena na pinaikot pa ang mga mata. "Hindi ko type
ang mga taken na. Pero kahit hindi ka taken hindi pa rin kita magiging type dahil
baka maubos ang dugo ko sa'yo."

"Ahh." sabi ni Freezale na parang walang nangyari. "So anong kailangan mo?"

"Pahingi ako ng number ni Archer."

"Why?"

"Kailangan ko ng kadate."

"Ahh."
"Magbabayad ako." nakangiting sabi ni Athena. "O si kuya Adonis."

Kinuha ni Freezale ang cellphone niya. "Mayaman pala kaming mag-asawa kaya walang
problema ang pangtuition. Sagutin mo na lang ang tanong ko."

"Okay."

"Bakit hindi si Stone ang isama mo?"

Napatingin kaming lahat kay Athena. Ibang klase din ang kapatid ko. Kung ako nga
natatakot pang itanong iyon dahil baka bigla na lang mag walk out si Athena. O kaya
batuhin kami ng lollipop...o baka biglang umiyak.

"We're done." hindi naalis ang ngiti sa mga labi na sagot

ni Athena.

"Done?" I asked, butting in.

"Yes. We both decided that it's not working out...so yeah, we're done."

"Ganon na lang?" tanong ko ulit.


Nginitian ako ni Athena. "Not all break ups need to be ugly. Nasa tamang edad na
kaming dalawa. Halos lumaki din ako na nandito siya. We don't need to ruin our
friendship just because being together didn't work for us."

Pakiramdam ko tinamaan ako ng kung anong mabigat na bagay sa sinabi niya. Tahimik
na tumango na lang ako.

"I sent you his number." sabi ni Freezale kay Athena.

"Thanks!"

"Hindi libre 'yan."

"Si kuya Adonis na lang ang magbabayad-"

"Mayaman ako." muling sabi ni Freezale. "10 hours at the control room."

Napangangang sinundan ng tingin ni Athena ang kapatid ko na hinila na ang asawa


niya paalis. Nang tuluyan na silang mawala sa paningin namin ay nilingon ako ni
Athena, "Ang wais talaga ng lahi niyo."

Ngumuso ako. "Kayo din naman ah."


"Not really. More on 'maganda' ang lahi namin. Tanong mo pa sa nanay ko."

"Maganda din ang lahi namin."

"Okay. Pero yung sa'min ibang level. Mga ganto." Itinaas niya pa ang kamay niya na
parang inaabot ang langit.

I rolled my eyes at her then stuck out my tongue. "Ewan."

"Anyways!" bulalas niya at binigyan ng makahulugan na tingin si Waine. "Aalis muna


ako at tatawagan si Archer. Be good kids."

"Go away." I murmured.

/>

Humahalakhak na tumayo na siya at naglakad paalis. Nakita ko pang sumaludo siya sa


gawi ni Stone na nakaupo pala di kalayuan sa may pintuan ng dining hall. Tinanguhan
lang siya ng lalaki at binalik ang atensyon sa pagkain niya.

Napaangat ako ng tingin ng makita ko si Phoenix na uupo sa tabi ni Waine.


Makakahinga na sana ako ng maluwag dahil hindi siya tatabi sa akin ng biglang
iangat ni Waine ang mga paa niya sa upuan. "Sorry. I need to stretched my legs."

Sandaling tinignan siya ni Phoenix bago walang imik na umupo sa tabi ko. Binigyan
ko ng matalim na tingin si Waine na umangat lang ang sulok ng labi.
"Here."

Tinignan ko ang inabot ni Phoenix. "What is this?"

"Oatmeal cookie."

Kinuha ko iyon at walang imik na sinimulang kainin. I can't stop eating. Maybe
those days of not eating are taking a toll on me. I want to believe that. I don't
want to think about the other possibility.

"Are you still going tomorrow?"

Ang tinutukoy niya ay ang nakaschedule na pagpunta namin sa bilangguan na


kinaroroonan ni Warner Claw. Hindi nililingon ang lalaki na tumango ako.

"You should be resting. Hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo kung hindi
mo pa kaya."

"Kaya ko." bulong ko.

"I just want you to be safe-"


"Kaya nga niya, bro." singit ni Waine. "Malaki na siya kaya na niya ang sarili
niya. You don't need to baby her. Wala ka bang tiwala sa kaya niyang gawin?"

"I

trust her with my life."

Napatigil ako at nilingon ko si Phoenix na nagpatuloy sa pagsasalita. "I just don't


trust people who's pushing her more than what she can do. Or physically can do at
this moment."

"And?" Waine prompted.

"And those who think that she should change overnight." Phoenix said then looked at
me. "When she can do it with her own phasing."

"Ikaw ang nagtutulak sa kaniya na magtraining di ba?"

"Kuya Waine." I said in a warning.

Hindi ako pinansin ni Waine at tinignan lang si Phoenix na parang ginagalit ang
lalaki. Ngunit nanatiling kalmado si Phoenix na sinalubong din ang tingin niya.

"Training is for her own good."


"I don't think so. Hindi ba't nagkasakit siya dahil sa'yo?"

"Walang may alam na may heartburn siya, Waine. And the training was not the only
reason she had an attack."

"Still, one of the reason was the training." Waine said with a shrugged.

"Then do you want me to leave her alone, especially with a mission looming close,
without her having a proper training? Even those who train more than the normal can
get hurt in a mission."

"Gusto mo siyang mag training at ngayon naman gusto mo siyang tumigil?"

Walang emosyon na tinignan siya ni Phoenix. "Since you're having trouble


understanding, I'll explain it to you simply. She's more important than a mission."

Malakas na napabuntong-hininga ako ng mukhang wala pang

balak si Waine na tigilan si Phoenix. Malakas na pinalo ko ang lamesa at sumigaw,


"Enough!"

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at binigyan ko ng masamang tingin si Waine bago


ako nagdadabog na umalis ng dining hall.
Nang tuluyan akong makalabas ay marahas na nagpakawala ako ng hangin at sumandal
ako sa pintuan na parang nahahapo.

'She's more important than a mission.'

"Kailangan mo ng tumigil sa pagsasalita ng gano'n Phoenix." bulong ko. "I don't


think I can take more..."

Ayoko siyang makita. Maisip ko pa lang ang mga araw na alam ko na makakasama ko
siya...nahihirapan na ko. Pero kasabay niyon, alam kong mas mahirap kapag tuluyan
ko na siyang hindi makasama.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang itanggi sa sarili ko...

Na mali ako.

Na nagkamali ako.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin na pigilan ang sarili ko na


pakawalan ang mga bagay na pilit na itinatago ko.
NAPAPITLAG ako mula sa pagkakatingin sa hawak ko ng marinig ko ang pagkatok mula sa
pintuan ng banyo na kinaroroonan ko. Ibinaba ko ang hawak ko bago ko tinungo ang
pintuan at binuksan iyon ng bahagya.

Nabungaran ko si Aiere na akmang kakatok ulit. "What?" I asked. "Paano ka


nakapasok?"

"Binigay sa akin ng kapatid mo ang code. Pinapatawag ka na nila. You and the guys
need to start preparing."

"Susunod na lang ako." Aalis na sana

siya ng may kung anong rumehistro sa utak ko. "Aiere!"

Nilingon niya ako. "Yeah?"

"Si Phoenix lang ang kasama ko sa mission di ba?"

"At si Waine."

Kumunot ang noo ko. "What? Why?"


Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Biglang nawalan ng gagawin ang isang iyon
eh. Sasama daw siya sa inyo."

"Hindi siya pwedeng makita ni Warner."

"He's just your designated driver."

Great. Wala na namang gagawin si Waine kundi inisin si Phoenix. Akmang isasarado ko
na ang pinto ng pigilan iyon ni Aiere.

"Kailangan ka na talaga do'n, Snow."

"Fine, fine."

Lumabas na ako ng banyo at mabilis na isinarado ko iyon bago pa niya makita ang
pregnancy test na nasa ibabaw ng counter sa loob ng banyo.

Nagtatakang tinaasan ako ng kilay ni Aiere na nagtataka sa inaakto ko bago siya


nagkibit-balikat at nauna ng naglakad palabas ng kwarto ko. Huminga muna ako ng
malalim bago ko siya sinundan.

Nang makarating kami sa control room ay naabutan ko roon sina Phoenix na nakahanda
na. Nilapitan ko si Freezale na naniningkit ang mga mata na inabot sa akin ang
isang bulletproof vest.

Matamis na nginitian ko siya pero katulad ng inaasahan ay hindi iyon umepekto sa


kapatid kong bato. Pinaikot ko ang mga mata ko at pumasok ako sa comfort room ng
control room at sinuot ko ang vest sa ilalim ng damit ko. Habang ginagawa iyon ay
nauulinigan ko pang nag-uusap ang mga agents sa labas tungkol sa 'nagkukulang

na mga gamit'.

Now that I think of it...ngayon lang ulit nagkaroon na halos lahat kaming mga
agents ay may mission.

Nang matapos ako ay lumabas na ako at sinuot pa ang ibang mga pre-caution devices.
Automatikong lumapit sa akin si Phoenix ng hawak ko na ang enhanced listening
device. Hindi katulad ng mga plug listening deive, ang isang ito ay kinakailangan
ikabit sa parte ng tenga namin. Hindi din iyon makikita ng kahit na sino dahil
sobrang liit niyon.

"Thanks." I murmured to him when he was done.

Saglit na kinausap muna kami ni Dawn at pinaalala ang mga dapat naming gawin bago
niya kami hinayaang makaalis. Naging tahimik lang ang biyahe namin, kahit na si
Waine na alam kong gustong-gustong inisin si Phoenix ay nanatiling tahimik. After
all...our mission is to see his brother.

Storm told us about Waine. How he and his mother saved my cousin. Dahil sa ginawa
nila, napagbuntunan din sila ng kasamaan ni Wyatt Claw, Waine's brother with his
father.

Then Wyatt Claw killed Waine's mother. Hindi din nagpapahuli sa kasamaan si Warner.
I don't know what exactly made Waine different. Being like his brother would be the
easy way. Pero hindi siya gano'n pati na ang nanay niya. Maybe because Waine have
something to fight for.

His woman...and especially his child.

"We're here."

Tumingin ako sa labas ng bintana dahil sa sinabi ni Waine. Hindi ko napansin na


nakarating na pala kami.

Outside is a big police station. Sa

unang tingin pa lang alam ng mas pinag gastusan ang lugar na ito kesa sa iba pang
stasyon ng mga pulis. Karamihan kasi ng mga nasa bbillanguan na ito ay mayayaman at
mga delikadong tao.

Binuksan ko ang pintuan at lumabas. Ganoon din si Phoenix at sa pagkagulat ko ay


bumaba din si Waine. "Kuya Waine-"

"Hindi ako magpapakita kay Warner."

Napailing na lang ako at naglakad ako papasok. Sa loo ay may ilang mga pulis na
napatingin sa amin. Sinaluong ko ang tingin ng isa at nakita kong bumakas ang
pagkagulat sa mga mata niya ng may itinaas ko na emblem. I guess it was not just a
shock for our organization but also for seeing a woman like me being part of this.

Lumapit ako sa pulis na nasa pinakagitna at siyang may pinakamataas na lamesa sa


lahat. I smiled at him sweetly. "Hello."

"We need to have Warner Claw's cell number." diretsang sabi ni Waine.

"Pasasamahan ko na lang kayo."

"Cell number." Waine repeated.

"We have a protocol to follow, Sir."

"Cell-"

Hinuli ko ang tingin ng pulis at nginitian ko siya. "Can we please have the cell
number?"

"M-Miss kailangan ko kasi kayong pasamahan-"

I cocked my head to the sides. "We need to be alone with Claw."


"The protocol-"

Inilahad ko ang isang kamay ko sa harapan niya at nakangiting tinignan ko lang


siya. Ilang sandaling nakatingin lang sa akin ang pulis bago parang wala sa sarili
na kumuha ng papel at may isinulat

doon. Binigay niya iyon sa akin na lalong nagpalawak sa ngiti ko. "Thanks!"

Nauna na akong naglakad papunta sa kinaroroonan ng mga selda. Naramdaman kong


nakasunod sa akin sila Phoenix.

"Wala ka man lang sasabihin?"

Nilingon ko ng bahagya si Waine at nakita kong nakatingin siya kay Phoenix. "Wala."
sagot ng lalaki.

"Ganiyan ka ba lagi? Tipid magsalita?"

"Oo."

"Bakit kapag si Snow ang kausap mo ang dami mong nasasabi?" tanong ulit ni Waine.

"Si Snow ka ba?"


"Stop."

Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang boses ni Freezale mula sa listening device.
Akmang bubuka ang labi ko para tanungin siya ng mapahinto ako ng may mamataan ako.
Naramdaman ko pang bumangga ang likod ko kay Phoenix at Waine na nasa likuran ko.
Sa dulo ng tinatahak namin na pasilyo ay may mga kalalakihan na binuuksan ang isang
selda. Sa likuran nila ay may maliit na butas ang isang pader.

"Guys."

"Anong problema?" tanong ni Phoenix.

My eyes widened when one of the men looked at out direction. I can feel Waine and
Phoenix tensing behind me when they finally saw what's happening. "Duck!" I
shouted.

It was mayhem. Sunod-sunod na putok ng baril ang pumainlang sa paligid. Mabilis na


nagtago ako sa isang gilid at ganoon din sila Phoenix.

"They're trying to break him out!" Waine saiod angrily. "There's no way they could
even get close to this place without getting detected!"

"A

mole." I said.
Sunod-sunod na putok ulit ang narinig namin. Bago pa ako makakilos ay mabilis na
lumabas si Waine at Phoenix mula sa pinagtataguan namin. Ilang mga pulis na din ang
nagsilabasan at tinungo ang kinaroronan ng mga lalaking nagpaputok.

They were wearing vests. But one by one...they go down.

"Abort mission. Now!" Freezale shouted from the listening device.

Armor piercing bullet. It won't penetrate BHO CAMP's bulletproof vests because ours
were upgraded...but theirs...

"Get her out of here, Waine!" Phoenix shouted.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at kasabay niyon ay hinugot ko ang baril mula sa


holster ko. Nagpaputok ako sa kinaroroonan ng mga lalaking itinatakas si Warner
Claw at kung gaano iyon kabilis ay ganoon din akong kabilis na nagtago sa kabilang
pader.

Hindi tumitigil sa pagpapaputok ang mga lalaki. Anyone can be hit with the bullets.
They were standing there as if they don't care if we manage to kill anyone of them.

"Waine, get her out of here! Go to the car and try to follow them! They're not here
to fight. They are here for Claw! Go! I'll cover you!"
I don't think Waine can hear us anymore. Galit ang nakarehistro sa mukha niya.
Imbis sundin si Phoenix ay muli siyang lumabas sa pinagtataguan niya at nagpaputok
sa mga ito.

Phoenix is holding a Scatter. A gun than can shoot multiple bullets. He can cover
for Waine and me and we'll get out easily. On the other hand, Waine is using

his own gun. He can't cover for Phoenix and me at the same time if Phoenix stop
shooting to get me out.

"I'm going out!" I shouted and went out of hiding.

Mabilis akong kumilos palabas at tumako ako sa pinanggalingan namin. Nanlaki ang
mga mata ko ng makita kong nagkalat ang mga sugatan na pulis.

We're surrounded.

Tahimik ang mga hakbang na naglakad ako palabas, sa harapan ko ay hawak ko sa


dalawang kamay ang isang baril. Tuloy-tuloy ako hanggang sa makarating ako sa labas
ng police station.

I don't know how, I don't know why...but I heard wind rushing towards me, I can
hear it faintly...like a pulse, and I immedietly dropped my body to the ground,
rolled over then shoot.

I heard a loud thud before I saw a man went down. His chest stained with red.
I looked at my left and raised my gun when I saw a man running towards me. Without
looking at my back I know that someone's moving behind me. I will hit one...and get
hit by one. Great. I pulled the trigger and the man went down...at the same time
someone collided with me....and another gunshot were fired.

"Get in."

Mabilis akong pumasok sa passenger side ng sasakyan ng marinig ko ang boses ni


Phoenix. Umikot siya sa papunta sa kabilang panig ng sasakyan at sumakay. Ilang
sandali lang ay lumabas din si Waine mula sa presinto na madilim ang mukha at
pumasok sa backseat ng kotse.

"Nix nix..."

Pinaandar niya ang sasakyan at pinasibad iyon. Bumaba ang mga mata

ko sa kinauupuan niya at namutla ako ng makita ko ang dugo na kumapit roon na


nagmumula sa tama ng bala sa likod niya.

"P-Phoenix..."

"Are you hurt?" he asked.

"No..."

"We need to take you the hospital-"


"No." matigas na sabi ni Waine. "Kailangan nating sundan ang kumuha sa kapatid ko.
Hindi sila pwedeng makatakas."

"Aiere and Fiere are on it." Freezale said behind the listening device.

"No."

"Stop the car!" sigaw ko.

Kaagad itinigil ni Phoenix ang sasakyan. Pabalabag na binuksan ko ang pinto at


pagkatapos ay binuksan ko ang sa backseat. Hinila ko mula doon si Waine, "Snow,
what the fuck?!"

"Gusto mo silang sundan di ba? Then go!"

"Snow-"

"Unlike you we're not suicidal. We do what we can to finish a mission but we don't
treat our co-agents like they're robots. Hindi kami katulad mo o ng mga kapatid
mo!"

Isinarado ko ang pintuan at tinungo ko ang driver side at binuksan ko ang pinto.
"I'll drive."

"Snow, tama si Waine. We can't let them-"

"Narinig mo si Freezale, sila Aiere at Fiere na ang bahala. Now, scoot over."

Bumuntong-hininga siya at kumilos para umupo sa kailang upuan. Pumasok ako sa


sasakyan at hindi nililingon si Waine na pinasibad ko iyon paalis. I hate driving.
Lagi akong nawawala sa pokus at kadalasan naibabangga ko lang ang sasakyan. ut
Phoenix need to be treated right now. I won't messed up.

"How can they even pierced your vest?" I murmured.

"I'm not wearing the upgraded vest."

"What?!" bulalas ko. "Bakit? Marami naman tayong upgraded vests ah."

"But it's not unlimited. Halos lahat ng mga agents may mission. Hindi naman pwedeng
CBS ang suotin ko."

"You gave yours to Waine." I said as a statement.

"No. I gave mine to you."


Natahimik ako sa sinabi niya. Pilit na nagpokus ako sa pagmamaneho sa kabila ng
kung anong kumikirot sa dibdib ko.

"You're hurt." Phoenix murmured.

"What?"

Naramdaman kong umangat ang kamay niya at dumapi iyon sa braso ko. Mabilis na
tinapunan ko ng tingin iyon at nakita kong may galos iyon at dumudugo.

"That needs to be treated before it leaves a scar."

Mahigpit na napakapit ako sa manibela. No one but Phoenix can think about a small
wound when he's the one who got a bullet injury. 'She's more important than a
mission' Walang dumaan na araw na hindi ako iniintindi ni Phoenix. I can even
remember faintly a memory of him trying to bail me out when our family got attacked
at a beach. Iyon yung mga panahon na nagkaroon ng prolema si tita Eika. Even though
Phoenix was just a child back then, without even fearing his safety, he got me out.

Dahil para sa kaniya ang mahalaga maging ligtas lang ako.

And now I don't know how...I don't know if I can't fight it anymore. I don't know
how much longer I can hide.
...

...

I guess there's no way I can stop myself from loving him more.

=================

CHAPTER 11 ~ Result ~

CHAPTER 11

SNOW'S POV

Papaling-paling ang ulo ko sa pagsunod sa mabibilis na pagkilos ng mga nurse na


siyang umaasikaso kay Phoenix. Kahit na hindi maitatangging may pagmamadali sa
kilos nila ay hindi kababakasan ng tensyon ang mga galaw nila. Parang...normal
lang.

"Bakit wala si tita Autumn? Bakit hindi kayo natataranta? Mauubusan na ng dugo ang
best friend ko! Mag panic naman kayo!"
Sandaling napatitig sa akin ang ibang mga nurse habang ang pinaka-head nila ay
tinapunan lang ako ng tingin habang patuloy sa ginagawa niya. "Miss Snow, kumalma
lang po kayo."

"Hindi ko kayang kumalma! Paano kung mawalan na siya ng dugo? AB si Phoenix! Royal
Blood! Pupunta pa tayo sa Korea para lang makakuha ng dugo? Hindi na aabot si
Phoenix! Manghihina siya, hindi makakapagsalita, hindi makakagalaw, mamamatay
siya!"

Bumuntong-hininga na lang ang nurse. Sa pagkakatanda ko siya din ang nurse na


gumamot sa akin noong minsan akong mahulog mula sa puno ng mangga. Inaway ko din
siya noon dahil ayaw niya pang sabihin na puputulin niya na ang paa ko. In the end
ipinaliwanag ni tita Autumn na napilayan lang ako at hindi kinakailangan magsagawa
ng amputation.

"Nasan na si tita Autumn? Mamamatay na si Phoenix!" pagkasabi ko niyon ay hindi ko


na napigilan ang pagpalahaw ng iyak.

Big girl na tayo di ba? Hindi ka na dapat umiiyak ng ganiyan. Sabi ni Waine, grow
up na. "Ayoko! Ayoko!

Ayoko ayoko ayoko ayokooo! Pagalingin niyo muna si Phoenix!"


Hindi ko nga alam kung paano kami nakarating ng ligtas sa headquarters. Hindi ko
din alam kung ilang gasgas na ang tinamo ng kotseng minaneho ko. I was trying to be
tough because he was bleeding to death. But I can't hold myself for much longer.

I'm not that scared of blood pero hindi ko gusto na nakakakita niyon sa mga taong
malalapit sa akin. Lalo na kapag alam ko isa ako sa mga dahilan kung bakit may
napahamak.

"S-Snow...nasa United Kingdom ang Royal family."

Mabilis na napaupo ako sa tabi ng gurney nang makita ko na nakadilat na si Phoenix.


Ang mga nurse na lalaki kasi ang kumuha sa kaniya kanina sa kotse. "Wala akong
pakielam! May royal family din sa Korea!"

"Joseon Dynasty?" mahinang tumawa si Phoenix. "Hindi kailangan sa royal family pa


kunin ang dugo ko, Snow. Calm down. The nurse can't panic because they need to do
their job."
Impit na tumili ako. "Kasalanan 'to ni kuya Waine! Hindi siya dapat nagpadalos-
dalos! Nag ala-Hulk bigla bigla ng hindi man lang tayo inisip! Hindi tayo suicidal!
Hindi tayo katulad niya!"

"S-Snow..."

"Kasalan niya 'to! Kasalanan niya!"

"Ummm...Snow..."

"I'm gonna kill him!" I shouted.

"Snow!"
Napapitlag ako ng biglang sumigaw si Phoenix.

Nanlalaki ang mga mata na tinignan ko siya sa pag-aakalang nagalit siya ngunit
nginitian niya lang ako bago nagsalita, "I'm the one you're killing." sabi niya at
itinuro ang mga kamay ko kung saan nanggigigil ko na palang minamasa ang braso
niya.

"Sorry." nakangusong wika ko.

"It's okay." he chuckled. "But you need to calm down. Hindi maayos ng mga nurse ang
ginagawa nila kung hindi ka kakalma. Hindi naman siguro ganoon kalala ang tama ko
hindi ba?" tanong niya at tumingin sa head nurse.

Tumango ang head nurse at naniningkit ang mga matang tinignan ako. Inirapan ko siya
at nakahalukipkip na sumandal ako sa kinauupuan ko.

"Wag ka ng magalit kay Waine. Paniguradong sinasabon na ni Dawn 'yon."


Pinaikot ko ang mga mata ko. "As if may pakielam siya kung ano man ang sabihin sa
kaniya ni Dawn."

"Then Storm will talk to him."

Kung sabagay. Si Storm lang naman ata talaga ang kayang magpasok ng sense sa utak
ni Waine. Matagal na din kasing magkakilala si Waine at ang pinsan ko. Knowing my
cousin, she's probably tearing Waine's ears off right now.

Mabuti na rin siguro na kausapin muna siya nila Dawn dahil baka makagat ko pa ng
wala sa oras si Waine. His stunt back there was downright stupid. Kahit ako ay
hindi pa kasing baliw niya para gawin iyon. Parang wala siyang pakielam kahit na
mapahamak siya...maging kami na mga kasama niya.

Siguro

dahil iba talaga ang pagtrain samin ng BHO CAMP. Paminsam-minsan gumagawa man kami
ng risky na mga bagay hindi ibig sabihin niyon ay kaya na lang namin basta na itaya
ang buhay ng kasama namin.
Naiintindihan ko naman si Waine. Malaki ang galit niya sa mga kapatid niya. But
that doesn't make what he did right.

"Phoenix..."

Napatingin ako sa pintuan ng may marinig akong nagsalita. Napatayo ako ng makita ko
roon si Mira na bakas sa mukha ang pag-alala habang nakatingin kay Phoenix. Imbis
na lumapit agad ay nag-aalinlangang tumingin siya sa akin na para bang humihingi pa
siya ng permiso na lumapit.

Pilit na ngumiti ako. "He's fine." nagbaba ako ng tingin kay Phoenix. "Aalis na ako
ha? Hahanapin ko pa sila Dawn. You'll be okay now."

Bumuka ang bibig ng lalaki na parang may sasabihin ngunit isinarado niya lang muli
iyon pagkaraan. Nakangiting tinapik ko si Mira sa balikat bago nagmamadaling
lumabas na ako ng emergency room ng BHO CAMP Hospital.
Pabilis ng pabilis ang mga hakbang ko...hanggang sa tuluyan na akong tumakbo
palabas ng ospital...papunta sa headquarters. Hindi ko pinansin ang mga nagtatakang
tingin ng mga agents. I need to keep going.

Masakit di ba? Kasi alam mong wala kang karapatan. Masakit kasi alam mo na
binitawan mo ang pagkakataon na makuha ang karapatan na iyon.

"Shut up." I hissed at myself.

Sumuko ka na

kasi. Inamin mo na hindi ba? Mahal mo. Dati mahal mo, pero itinanggi mo. Ngayon
mahal mo pero pagkakataon na ang tumatanggi. Kasi hindi na pwede.

"Snow-"

"Shut up!"

Napakurap ako ng makita ko sa harapan ko si Aiere na ngayon ay nanlalaki ang mga


mata na itinaas ang mga kamay niya. "Whoa, chill."
Kinunutan ko siya ng noo. "Anong kailangan mo?"

"Ipapaalam ko lang sana sa iyo na nakuha namin si Warner. Fortunately karamihan sa


mga taong gusto na kumuha sa kaniya ay napigilan nila Phoenix. Naging madali na
lang sa amin na pigilan silang tangayin si Warner."

"So tama lang ang ginawa ni kuya Waine?" kunot noong tanong ko.

"Ah, no. Sa katunayan kasalukuyan siyang nasa office at pinagagalitan ni Storm at


ni Dawn. Kahit naman kasi hindi nainjured nila Waine ang mga taong gustong kumuha
kay Warner hindi naman ibig sabihin niyon ay makakalusot sila sa amin. Bukod kasi
sa amin ni kuya Fiere may isa pang team ng mga agents na haharang sa kanila kung
sakali."

"Okay." akmang lalagpasan ko na siya ng humarang siya sa akin. "What?"

"Pinapatawag ka ni Dawn for debriefing."

"Ayaw."

"Snow-"

"Mamaya na lang. Bye!" Pagkasabi ko niyon ay kumaripas na ako ng takbo paalis.


Nang makarating ako sa tapat ng kwarto ko ay kaagad na pumasok ako roon at
pagkatapos ay hinarangan ko pa ang pintuan ng nasa loob na ako. Nang masiguradong
hindi na makakapasok ang kahit na sinong magtangka

na pumasok sa kwarto ko ay humiga ako sa sahig nakipagtitigan sa ceiling. I don't


want to see anyone right now. Or ever.

I want to run away. Pupunta na lang siguro ako ng Greece. Maghahanap ako ng gwapo
at bronze skinned na Greek Ohlalala Man at pagkatapos ay pakakasalan ko siya.

Except I know that I can't do that. Hindi ko kayang iwan ang pamilya ko lalong lalo
na ang Momma ko na paniguradong iiyakan ako araw-araw. I love my family too much to
leave them. And I can't shacked with a Greek man who probably won't pick up my
sense of humor.

Kaya in short, dito lang ako. Mababaliw, magiging old maid, magmumukmok, hindi
makakapag-asawa, at hindi magkakaanak-

Nanlalaki ang mga matang napatayo ako. "Ohmhayghash! Oh no! Oh no!"

Kumaripas ako ng takbo papunta sa bathroom ng kwarto ko. The pregnancy test! Hindi
ko pa natitignan ang resulta dahil bigla na lang akong pinatawag para sa mission.

Nang makarating sa tapat ng banyo ay tumigil ako. Huminga ako ng malalim at


pagkatapos ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Kinakabahan na lumapit ako sa
counter habang ang mga mata ay mariing nakapikit.
Anong gagawin ko? Paano...paano kung positive? How can I explain it to my family?
Paano nila matatanggap ang ginawa ko?

Alam ko na hindi ko pwedeng sabihin kahit kanino kung sino ang ama ng batang
maaaring dinadala ko. I can't tell them. I can't tell them because I can't risk him
knowing what I did. What I stupidly did.

(See Chapter 2 and 3)

NATATAWANG

tinignan ko si Phoenix na tinungga ang kopita na ibinigay ni Killian. Naiilang din


siyang tinignan ng binata. Paano ba naman kasi, lahat ng iabot sa akin na inumin ni
Kill ay bigla lang inaagaw ni Phoenix. Hindi ko na alam kung pang-ilan na niya ang
hawak niya ngayon.

Nahihilong sinandal ko ang ulo ko sa kamay ko habang pinagmamasdan ko siya. Siguro


kung ako ang uminom ng mga inagaw niya sa aking alak ay baka kanina pa ako walang
malay. Ngayon nga ay pakiramdam ko lumulutang na'ko.

"Thama na, Kiyan. Wag mo na bibigyan si Snow!"


"Naging Kiyan pa'ko." nang tignan ni Phoenix ng matalim si Kill ay pinaikot ng
binata ang mga mata niya. "Fine, fine."

Ilang sandali pa na nanatili roon si Phoenix. Pero ng mukhang tutumba na siya ay


tinulungan na siya ng ibang agents na makatayo para maihatid na siya sa kwarto niya
sa headquarters.

"Ayhaw! Hahatid ko pa si Snow!" reklamo niya.

"Off duty ka na muna, Phoenix."

Hindi ko na alam kung sino ba ang kausap ni Phoenix. Nanlalabo na rin ang paningin
ko at pakiramdam ko ay ilang sandali na lang at makakatulog na ako sa sobrang
kalasingan.

"Never."
"Si Waine na ang bahalang maghatid sa kaniya."

"Shiguraduhin

niyo!" sigaw ni Phoenix. "Khapag nakagat ng lamok si Snow iphaphakain ko khayo sa


buwaya!"

"Oo na. Come on, let's go."

"Mahal ko 'yan kaya ingatan niyo!"

"Phoenix, bro."
"Akala ko kaya ko..."

Hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi dahil halos kaladkarin na siya ng mga
kasama niya. Pakiramdam ko nahulasan ako sa narinig at napadiretso ako sa
pagkakaupo ko. Sa kabila ng pagkahilo alam kong hindi imahinasyon ko lang ang
narinig ko.

But the question is...what will I do? It's already too late right? Wala na akong
magagawa. Kahit ano pang sabihin niya...kahit ano pang ipangalan ko sa nararamdaman
ko ngayon. Huli na ako.

But...but...

"Snow."

Nag-angat ako ng tingin at nagsalubong ang mga mata namin ni Waine na ngayon ay
matamang nakatingin sa akin. "What?" I asked.

"What are you planning?"

"Huh?" pagmamaang-maangan ko. "Ewan ko sa'yo, makauwi na nga. Nahihilo na 'ko. I


want to sleep."

"Ihahatid na kita-"

"Hindi na. Kaya ko na."

Hindi ko na siya hinintay

pang makapagsalita at bumaba na ako sa high stool na kinauupuan ko. Kung hindi pa
ako nakahawak sa counter ay malamang nabangasan na ang mukha ko sa muntikan niyong
paghampas sa kabilang upuan. Inayos ko ang tayo ko at sinaluduhan ko si Waine.
Pilit na inayos ko ang paglalakad ko. Alam kong maraming nakatingin sa akin.
Inignora ko na lang sila at nagpatuloy ako sa paglabas ng Paige's.

Halos hindi ko makita ang dinadaanan ko. But I've been here since I was young.
Kahit nakapikit kaya kong makabaliksa headquarters.

It took me time because of my continuous swerving but I managed to get inside the
HQ. Idinantay ko ang isa kong kamay sa pader at sinimulan kong tahakin ang lugar na
gusto kong puntahan.

Mabuti na lang at madaling araw na. Bihira na ang mga agents na gising. Pero kahit
naman na makita nila ako alam ko na hindi sila maghihinala sa kung anong gagawin
ko. Hindi nila malalaman kung anong naglalaro sa isip ko ngayon.

My thoughts are clouded. I don't know if I should do this. But I just...I just need
to do something.
I know I should think about this first pero pakiramdam ko hinahabol ako ng oras.
Alam kong mali...pero tila may sariling isip ang mga paa ko na tinatahak ang daan
papunta sa kwarto niya.

Alam kong hindi

tama...

Alam ko na kailangan ko na itong itigil...

...

...

Pero hindi ko kaya.


Ilang sandali lang narating ko ang kwarto ni Phoenix. Mabilis na nabuksan ko ang
security code at tahimik na pumasok ako sa loob. Iginala ko ang paningin ko sa loob
pero hindi ko siya makita.

"Phoenix?"

Sa pasuray-suray na lakad ay tinungo ko ang kwarto niya. Binuksan ko ang pinto


niyon at doon...doon ko siya nakita.

He was sleeping. He looks so peaceful. May maliit na ngiti din na nakapaskil sa


labi niya na para bang may maganda siyang nakikita sa panaginip niya. He must be
dreaming about Mira.

His fiance. The one he loves.


This is wrong. I should go. Hindi ako dapat pumunta rito. How can I do this to
Mira? How can I even think about it?

"Snow..."

No. I must heard it wrong. I need to go-

"Snow."

Nanginginig ang mga tuhod na lumapit ako sa kama niya. Umupo ako sa gilid niyon at
atubiling inangat ko ang isa kong kamay para haplusin ang natutulog niyang mukha.

/>

"Akala ko..." bulong niya.


"Phoenix."

"Akala ko...kaya ko..."

"Hush." I whispered.

"I can't.."

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ko habang pinagmamasdan ko ang
mukha niya. He now lost his peaceful face...and now his face was contorted with
pain.
"Do you really love me Phoenix? Because I don't want to believe that. You know...I
think I have feelings for you. But I'm gonna bury it. I'm gonna fight it. If you
really love me...I'm gonna make you go away."

But tonight...

I want to have this night...

Tuloy-tuloy sa pagdaloy ang luha mula sa mga mata ko. Ilang sa mga iyon ay pumatak
sa mukha ni Phoenix. Unti-unti...minulat niya ang mga mata niya. Then a smile
curved his lips.

"What a beautiful dream. If I could just stay here." he whispered.


"Ask me."

"What?" he whispered again and raise his hand to touch my cheek.

"Ask me anything you want."

He smiled at me. It was so beautiful it was almost painful. "Do you love me?"

Yumuko ako hanggang halos ilang dangkal na lang ang layo ng mukha namin sa isa't-
isa. "Yes."

I saw something trickled down his cheek. Tears. "What a beautiful dream." he
repeated.
Just for tonight...my answer would be yes.

Just for tonight I can love him.

Then afterwards...

...

...

I'm gonna bury it.


Sa nanginginig na mga kamay ay kinuha ko ang pregnancy test sa ibabaw ng counter.
Tinignan ko ang maliit na bintana niyon...at sa aking nakita...pakiramdam ko ay may
kung anong mahigpit na bagay ang pumalibot sa puso ko.

"It should have never happened. Now it's gonna be alright. I will be fine. No one
will be able to know."

Sa nanlalabong paningin ay nanatiling nakatingin ako sa pregnancy test na hawak ko


habang ang mga luhang hindi na yata mauubos ay sunod-sunod na dumaloy.

...

...

Negative.
=================

CHAPTER 12 ~ Calculation~

A/N: My heart felt gratitude to my friends and to my readers who reached out to me
during the most difficult moment of my life. To be honest, wala pa sana akong balak
bumalik. My supposed vacation wasn't a vacation after all. But then I realize I
need to continue my life. Hindi magugustuhan ni mami na tumigil ako sa pagsusulat
dahil lang wala na ang number one supporter ko :)

PS:Next update will probably be in April 1.

CHAPTER 12

SNOW'S POV

I should be happy with the result. Pero hindi maitatanggi na may parte sa puso ko
na gusto na maging iba ang resulta no'n. That there's part of myself that want to
have that child...something part of him and me. Something that we created. Dahil
alam ko na iyon na lang ang isang bagay na galing sa kaniya...na pwede kong matawag
na akin. Na wala akong kahati.

Pero alam kong mali. Hindi dapat na hangarin ko ang bagay na iyon. And what can a
child feel when he realize that he is not wanted? That he will never have a father?

At paano ko maitatago sa pamilya ko? Kay...Phoenix? And most importantly...how can


i be a mother? I can barely take care of myself.

Siguro tadhana na mismo ang gumawa. Dahil simula pa lang...mali na ang ginawa ko.
It was my fault because I was to messed up. Hindi ko magawang magpakatotoo pero
nagpakaselfish pa rin ako.
This is okay. This is the right thing.

I will be fine. I need to.

NAPAPITLAG

ako ng maramdaman ko ang mahinang tapik sa balikat ko. Nag-angat ako ng tingin at
napasimangot ako ng makita ko na si Waine lang iyon. Hindi ako pumunta sa
debriefing kahapon kaya hindi kami nagkita. Hindi ko rin naman siya gustong makita
dahil hindi ko alam ang magagawa ko sa kaniya sa mga oras na iyon.

Muntik na niya kaming ipahamak lahat.

"What?" I hissed.

"Galit ka pa." He said as a statement and not a question.


"Obviously."

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko pero hindi ko siya nilingon. Nanatili lang
nakapako ang tingin ko sa BHO CAMP Hospital na nasa tapat ng kinauupuan kong bench.

"Hindi ko naman gusto na ipahamak kayo."

"Right." I scoffed.

"Fine, I admit, nawalan ako ng control sa sarili ko. Sinabon na ako ng sobra sobra
ni Storm at ni Dawn, 'wag kang mag-alala." nang hindi ako sumagot ay nagpatuloy
siya. "I just can't let them take my brother away. Just the thought that he will be
free threw me on edge. For what he and Wyatt have done to me...and my mother, I
just can't let him go. Alam kong hindi iyon rason para ipahamak kayo. I've been
stupid and I admit that. It won't happen again."

Hindi mapigilan ang sarili na napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa harapan
niya ngunit parang wala siyang nakikita. He's speaking but it feels like he's miles
a way.

"Nanggaling na ako kay Phoenix kanina. I told him that I'm sorry. He's angry at me
actually. He nearly open his wound again by trying to get to me." he chuckled.

"Akala ko nanggagalaiti siya dahil nasugatan siya ng dahil sakin. But do you know
what he told me?" he asked, finally looking at me.

"What?"
"He told me that he'll kill me if I put you in danger again. That man must really
love you."

Nag-iwas ako ng tingin. "Natural lang na magalit siya. Best friend ko si Phoenix."

"Alam mo ang totoo."

"Anong silbi non? May mababago ba?" bulong ko.

Sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko ngunit may hikbi
pa rin na kumawala mula roon. Iyakin ako, oo. Pero nitong mga nakaraang araw. Hindi
ko na maintindihan ang mga emosyon ko. Nawawalan ako ng kontrol.

"H-Hey, what the hell. Bakit ka umiiyak?" natatarantang tanong ni Waine.

"Tama kayo. Ikaw, si Brennan, ang kapatid ko...lahat kayo. Ang tanga ko kasi eh.
Ang tanga-tanga ko. Ang hina ko. Ang duwag ko!"

"Snow-"

"Bakit hindi kasi ako lumaban? Bakit kasi inintindi ko pa ang ibang tao? Pareho
lang naman kami na mahal si Phoenix. Oo! Mahal ko si Phoenix!" sigaw ko.
Nagpalingon-lingon si Waine at nag-aalangan na tinapik ang balikat ko. "Shh, alam
ko-"

"Pero wala ng silbi. Kahit anong sabihin ko sa sarili ko, kahit anong pagtanggap ko
sa totoo, wala ng silbi. Kasi huli na ko eh...wala na. Kasalanan ko 'to! Kasalanan
ko! Ang tanga ko! Wala kasi akong alam! Ang slow ko kasi!"

"Uhh-"

"Bakit ba kasi ang hirap intindihin ng pagmamahal? Bakit ba nahirapan

akong pakinggan ang puso ko? Bakit ngayon pa...na wala na akong magagawa?"

"Snow-"

"MAHAL-"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bigla na lang tinakpan ni Waine ang bibig
ko. Hindi pa rin tumitigil sa pagdaloy ang mga luha ko na tinignan ko siya ng
masama. Bakit niya ba ko pinipigilan? Di ba ito naman ang matagal na nilang gusto?
Ang magpakatotoo ako ng buong-buo?

"Sinong mahal ni Snow?"


Lumuluhang tinignan ko ang nagsalita at sa isang iglap ay biglang huminto ang luha
ko ng makita ko roon ang mga magulang ko.

"Wala naman po, Tita. Ang gusto pong sabihin ni Snow eh ang mahal...ang mahal daw
ng mangga ngayon. Hindi pa po kasi ata panahon." sansala ni Waine.

"At bakit umiiyak ang anak ko?" kunot noong tanong ni Papa.

"Pilit po kasi niyang tinatanggap ang katotohanan- aray!" sigaw ni Waine ng kagatin
ko ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko ngunit hindi pa rin siya bumitaw. "Na
hindi pa panahon ng mangga."

"Is that so." my momma Wynter said and looked at me suspiciously. "Anyway, Snow
umuwi ka sa bahay mamaya. May family dinner tayo."

Pinalis ko ang kamay ni Waine at nagsalita, "Okay, Momma."

"Sumabay ka na lang kay Freezale." sabi naman ni Papa.

"Err...for sure kasama ang mga babies nila Papa. Masikip sa sasakyan. Kay kuya
Thunder na lang po ako sasabay."

"Okay. Basta mag seat-belt ka. Alam mo naman ang kuya mo."
"Yes, Papa." sagot

ko. Hindi naman ako natatakot sa pagdadrive ni Kuya. Mas malala pa nga ako dahil
imposible na hindi ako mabangga kapag nagmamaneho ako. Kaya nga ako laging
pinagmamaneho ni Phoenix.

Bago pa tuluyang bumagsak ng mga luhang naipon na naman sa mga mata ko, hinila ako
ni Waine at itinalikod sa mga magulang ko. "Sige po, Tita, Tito. Mauna na po kami
ni Snow."

"At saan mo naman dadalin ang anak namin?" may tigas sa boses na tanong ni Papa.

"Po?! Wala po! Si Snow lang po ang may pupuntahan. Ako naman po lalabas ng BHO
CAMP." kinakabahang tumawa si Waine. Sigurado ako na binibigyan siya ng kakaibang
tingin ni papa na tatalunin ang Frozen Medusa ni Freezale. "Sige po, alis na po
kami- si Snow at ako na aalis papunta sa labas."

Bumuntong hininga ako at hinila ko na palayo si Waine bago pa lalong maghinala ang
mga magulang ko sa kaniya. Nang makalayo-layo na kami ay binitawan ko siya bago
binigyan ng matalim na tingin.

"What?" he asked. "Pasalamat ka nga hindi ka nga hindi nila narinig ang mga
sinasabi mo kanina."

"Right." I said acidly and rolled my eyes.

"Snow....ang ganda ng momma mo no?"


Kinunutan ko si Waine ng noo. "Eww, Waine. Akala ko kay Papa ka natatakot. Crush mo
lang pala si momma."

"Ang sama ng utak mo para sa isang isip bata alam mo ba 'yon?"

"Hindi ako isip bata!" sigaw ko. "H-Hindi na...ayoko na. Dapat noon pa. Kung sana
lang..." nagsimula na namang mangilid ang mga luha ko.

"Sheesh! Would you

stop crying?! Ganiyan ba talaga ang mga buntis-"

Hindi ko na siya pinatapos at malakas na hinampas ko ang balikat niya. "Hindi ako
buntis!"

"But you said-"

"Gumamit ako ng pregnancy test. The result was negative."

"How many days since...you know?" he whispered.

I whispered back at him. "More or less, two weeks."


"Holy shit."

Dumagundong ang dibdib ko sa kaba sa reaksyon niya. "B-Bakit?"

"Wait for another two weeks and try the test again."

"Hindi...ilang beses kong inulit iyong test. It was negative."

"And I'm telling you to do it again." he said seriously.

"It was negative! Bakit ba marunong ka pa sa pregnancy test?!"

"Because I have a son! Pwede bang makinig ka na lang sa'kin? Ang tigas kasi ng ulo
mo! Hindi ka nakikinig sa'kin!"

"You're not my father! You're not my brother! You're not even my friend!"

He took a step back, clearly offended by my words. "Well, I'm sorry, Snow. The way
I see it, you only got me. Kaya mo bang sabihin sa pamilya mo ang totoo? Sa mga
kaibigan mo?"
"T-There's nothing to tell..."

"Sigurado ka?" huminga ng malalim si Waine. "Look, Snow, I just want to help you.
Pero kung ako ang tatanungin mo, sa ganitong klaseng sitwasyon, makakabuti na
kausapin mo ang mga magulang mo."

"No!"

"Sooner or later you'll need to tell them anyway. But for now, just listen to me
and take

another test after two weeks."

Sunod-sunod na umiling ako. I know I'm confused about what to feel when I saw the
negative result but I also know that it was for the best. Pero paano...kung mali
nga ako? Paano kung masyado pang maaga?"

"Hindi ko na alam ang gagawin ko." bulong ko.

"One step at a time-"

"Waine!" Napatingin ako kay Athena na tumatakbong lumapit sa amin. Kakikitaan ng


pagkataranta ang mga mata niya. Huminto siya sa harap namin at hinihingal na
dinantay niya ang mga kamay niya sa tuhod niya. "Mga bingi ba kayo?! Kanina pa ina-
announce ang pangalan ni Waine ah."
Nagkatinginan kami ni Waine. Dahil sa pagtatalo namin hindi na namin napansin ang
boses ni Dawn na nagmumula sa mga speaker na nakapalibot sa BHO CAMP. Umiilaw din
ang mga suot namin na bracelet.

"Anong meron?" tanong ko.

Imbis na sagutin ako ay dumiretso ng tayo si Athena at seryosong sinalubong ang mga
mata ni Waine. "Pinapatawag ka sa headquarters."

"What for?" he asked.

"Just come with me, please." Tumingin sa akin si Athena. "At kailangan mong pumunta
sa control room. Nandoon ang mga kapatid mo."

"What for?" I asked, repeating Waine's question.

"Aware ka naman siguro na may mga speaker ang BHO CAMP, Snow." hindi direktang
sagot niya.

Kinuyom ko ang nanginginig ko na mga kamay. Hindi ko kinakailangan na hanapin ang


tinutukoy niya. How can I be so stupid to casually talk about the issue without
checking first?

Did they heard us? Alam na ba nila Freezale?


"Then we'll both go." Waine said.

"Hindi. Sasama ka sa akin sa office ni Dawn." sabi ni Athena.

"Bakit?"

"Waine-"

Kinakabang tinignan ko si Athena. May binabalak ba silang masama kay Waine? Dahil
ba sa narinig nila? Pinaghinalaan ba nila na....na si Waine ang ama? "Bakit ba
kasi? Sabihin mo na lang ng direkta, Athena."

"Fine." she said, obviously losing patience. "Pinapunta ako dito ni Dawn para
tawagin si Waine. But at the last minute, Freezale called me to bring you to the
control room. Hindi na kita kailangan hanapin dahil obviously kasama mo si Waine.
She said I should tell you that they heard your conversation. Whatever that is."

"Athena-"

Pinutol niya ang sasabihin ko. "At kailangan ni Waine na pumunta sa office ni Dawn
dahil...

...
...

Nahanap na si Serenity Hunt.

_____________End of Chapter 12

=================

CHAPTER 13 ~ Out of control ~

CHAPTER 13

SNOW'S POV

Hindi ko na nagawang makapagsalita sa sinabi ni Athena dahil walang salitang


tinalikuran kami ni Waine at tinakbo ang daan papunta sa headquarters. Nanglalaki
ang mga matang tinignan ko si Athena na nagdududang nakatingin sa akin.

"Oh my gosh, Athena. Nag dahan-dahan ka naman sana!"

Pinaikot niya ang mga mata niya. "Kayo kaya ang kanina pa ako minamadali. Masunurin
akong bata, duh."
"Whatever." I said waving my hand. "Tell me what happened."

"Hindi ko din alam, I swear. Napag utusan lang ang kagandahan ko." itinaas niya ang
mga kamay niya at ipinakita sa akin ang mga kuko niya na hindi pa tapos ang
pagkakalagay ng nail polish. "Busy kaya ako na nakatambay sa dining hall ng
istorbohin ako ni boss Dawn." nakangusong sabi niya.

Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang iwinawagayway niyang mga daliri sa harapan ko.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Ano kaya ang nangyari? Paanong basta-basta na
lang magpapakita ang isang taong taon na ang lumipas na hindi mahanap-hanap? Kung
nahanap na si Serenity...ibig bang sabihin niyon ay malalaman na namin kung buhay
ba talaga si Wyatt Claw at kung paano?

No. There's no question that he's alive. Nahuli na ang lahat ng mga kasamahan niya.
Wala ng iba na maaaring magtangkang itakas si Warner sa kulungan kundi si Wyatt.
Idagdag pa ang natagpuan listening device at mic sa bangkay ni Wyatt. Imposible na
isa sa mga kasangga niya sa organisasyon ang kausap niya dahil wala na siyang mga
miyembro

maliban sa mga taong naroon sa lugar kung saan siya nahuli at ang mga taong umatake
sa mga agents.

The whole Claw Organization was wiped out.

Napakurap ako at napatingin kay Athena ng maramdaman ko ang mabigat niya na


pagkakatingin sa akin. Hindi nga ako nagkamali ng makita ko siyang naniningkit ang
mga mata habang tinititigan ako. "Anong tinitingin-tingin mo diyan?"

"May something ba sa inyo ni Waine?" tanong niya imbis na sagutin


Kumunot ang noo ko. "Wala."

"Eh bakit lagi kayong magkasama?"

"Marami siyang...tinuturo sa'kin."

Lalong naningkit ang mga mata ni Athena. "Ano naman ang tinuturo niya sa'yo na
hindi mo pa alam? At saan ka niya tinuturuan?"

Naguguluhan na ako sa tinatakbo ng usapan namin ni Athena. Bakit ba lagi na lang


kaming pinagdududahan ni Waine? Hindi ba normal sa isang babae na laging may
kasamang lalaki? Kami naman ni Phoenix halos hindi mapaghiwalay ah.

"Kahit saan. Maparaan si kuya Waine." lumalim ang gatla sa noo ko ng parang hindi
siya makapaniwala sa sinabi ko. "Teka nga, bakit ba ang dami mong tanong?"

"Wala. Halika na nga."

Iniwas ko ang kamay ko ng aktong hihilahin niya ako. "Saan tayo pupunta?"

"Sa control room malamang."


Muli akong napakagat sa ibabang labi ko. They would kill me for sure. There's no
doubt that they heard everything. "Ayoko!"

Nameywang si Athena. "Pinapatawag ka nila Freezale."

"B-Busy ako.

I have a life you know?"

"Right. At ano naman ang gagawin mo? Aakyat sa puno at mamimitas ng mangga? Pupunta
sa tree house niyo ni Phoenix? Bibisitahin si Phoenix-"

"My world doesn't revolve around him!" I shouted.

The moment it escaped my lips I know that it isn't true. Ngayon ko pa ba itatanggi?
Ngayon pa...na naiintindihan ko na lahat? He is my world. I can't even think about
a happy memory that doesn't include him.

Pinilit ko lang talaga na paniwalain ang sarili ko na hanggang pagkakaibigan lang


ang meron kami. Dahil natakot ako na magbago ang lahat...na baka masira ang
pinagsamahan namin. Hanggang sa huli pinilit ko ang sarili ko na maniwala sa
pagpapanggap ko. Kahit na nararamdaman ko na may mali, itinanggi ko ang mga iyon.

I don't want to lose him so I didn't acknowledged my feelings. Pero ganoon pa rin
ang nangyari...

Nawala siya sa'kin.


Just one word could have changed everything. Just one 'yes'.

"Mababaliw ako sa pagiging in denial mo, Snow. Look, dahil mukhang magiging MIA ang
anghel de la guardia mo sapagkat datapwat nandito na ang pinakamamahal niyang 'I
won't give up on us! Even if the skies are roughhhhh!' ako muna ang tatayong
presidente ng 'Snow's Daycare Center'. Kuha mo? Kaya sumama ka na sa'kin."

Bago pa ako makaangal ay tuluyan na niya akong hinila. Pinagtitinginan na kami ng


mga agents pero as usual wala namang pakielam sa mundo si Athena. Taas noong hila-
hila niya lang ako papunta sa headquarters na para bang show type shih tzu

ako.

"Athena, I don't think-"

"Shh! You don't need to think. You don't even need to speak. Kung ano man ang
kailangan sa'yo ni Freezale for sure hindi ka na makakapagsalita. Kung narinig mo
lang ang boses niya ng tinawagan niya ako. Hindi siya Frozen Medusa ngayon,
nagliliyab ang kapatid mo."

"Uhh..." kinakabahang usal ko ng makita kong malapit na kami sa control room at


pilit na hinila ang kamay ko na hawa niya ng mahigpit. "Hindi nakakatulong ang
sinasabi mo para sumama ako sa'yo."

"Ano ba kasi ang ginawa mo? Niyo pala...ni Waine. Baby sitter mo lang 'yon ah."
patuloy niya sa pag mo-monologue at hindi pinansin ang sinabi ko. "Baka
naman...hindi mo siya baby sitter. Baka...future baby daddy? Omg! Omg! Snow adik ka
ba? May anak na 'yon!"
"Hindi ako buntis!" sigaw ko.

"Wala naman akong sinabing buntis ka-"

Naputol ang sasabihin ni Athena ng bumalibag pabukas ang pintuan ng control room.
Bumungad roon ang kapatid ko na si Thunder na madilim ang ekspresyon sa mukha, "Get
in."

"K-Kuya..."

"Snow." he said with a warning in his tone.

"Pwedeng sumama?" inosenteng tanong ni Athena.

Hindi inaalis ang tingin sa akin na nagsalita si kuya, "No."

"Ahh." tumatango-tangong sabi ni Athena. "But you know, I kinda have a rare talent.
You know...putting two and two together. Mukha man akong wala sa katinuan kadalasan
pero hindi ibig sabihin no'n hindi ako number one pagdating sa tsismis. You see,

my bestfriend's hiding something from me, I'm hiding things from her and now I'm
suppose to walk away when something is definitely wrong here? Na uh. I'm going
inside and you can't stop me."
"Athena! This is not the time-"

Pinutol niya ang sasabihin ni kuya. "Obviously parehong mainit ang ulo niyo ni
Freezale. You need someone there with a clear head. I won't let you two bully this
little miss sunshine here."

Hindi ko mapigilan na hindi mapatitig sa kaniya. She looks like her sassy self but
I can see that she's really worried. That's surprising. Hindi naman kami close
kahit na kasama ko siya at ang iba pang mga agents na lumaki. Wala naman talaga
akong kaclose mga agents.

"Get inside." my brother hissed and turn his back on us.

Sumunod kami sa kaniya. Pagkapasok pa lang alam ko ng hindi ko malulusutan ito.


Nakadisplay sa mga monitor ng control room ang pag-uusap namin ni Waine kanina
habang nakaupo si Freezale sa isa sa mga swivel chair at walang imik na nanonood.

'Gumamit ako ng pregnancy test. The result was negative.'

Nakaramdam ako ng panlalambot ng tuhod. Bago ako mapasadlak sa sahig ay naramdaman


ko ang mahigpit na paghawak ni Athena sa braso ko.

"During Phoenix' wedding you left with Waine." mahinang wika ni Freezale. "Did he
took advantage of you?"

"Freeze-"
"Did he?!" sigaw niya at tumayo mula sa kinauupuan niya.

Sunod-sunod na umiling ako. "H-Hindi ako buntis. I'm

sure of it. F-Freezale hindi ko alam kung...kung paano ko sasabihin


sa'yo...pero..."

"Answer me!"

"H-Hindi si Waine..."

Napapitlag ako ng humagis ang keyboard na ibinato ni Freezale. Nanginginig ang mga
kamay na umatras ako habang sunod-sunod na namalibis ang luha sa mga mata ko.

"Why are you lying to me?" she whispered.

"Hindi-"

"Just tell us the truth, Snow." pagsasalita sa wakas ni kuya Thunder.

"Hindi si Waine."
"Snow!"

"Hep! Hep!" sigaw ni Athena at pumalakpak pa dahilan para mapatingin kaming lahat
sa kaniya. "Bingi ba kayo? Hindi nga daw si Waine. Maipilit niyo naman."

"Athena, look at that!" igting ang bagang na tinuro ni kuya ang monitor.

Hindi man tinatapunan ang monitor ay tinaasan niya ng kilay si kuya. "So? May
sinabi ba diyan si Waine na siya ang ama ng posibleng dinadala ni Snow?"

"Athena-"

"Alam kong maganda ang pangalan ko pero hindi mo kailangang ulit-ulitin."

"This is a serious matter." matalim ang tingin sa babae na sabi ni Freezale.

Iginaya ako ni Athena sa sofa ng control room at pinaupo ako roon. Pagkatapos niyon
ay hinarap niya ang mga kapatid ko. "I know you're worried. Hell, I'm worried and
she's not even my sister. Pero hindi makakatulong ang pagwawala ninyo. Clear your
head guys and think. Kung may nangyari sa kanila bakit kailangan pang itanong ni
Waine kung ilang weeks na ba pagkatapos ng nangyari? As far as I

know, Snow was the drunk one at Phoenix' wedding and not Waine. Bukod pa sa sinabi
na ni Snow na hindi si Waine ang ama ng dinadala niya."
"So who is it?!" my brother angrily asked.

Lahat ng mga mata ay dumako sa akin. Napalunok ako at nagbaba ng tingin. I can't
tell them.

"Snow-"

Pinutol ko kung ano man ang sasabihin ni Freezale at direktang tumingin ako sa mga
mata niya. "I don't know. All I can tell you it didn't happened with Waine.
Nagkataon lang na nalaman n-niya...ang nangyayari sa'kin."

"Paanong hindi mo alam?" tanong ni Freezale na nanghihinang napaupo.

"I-I...I just...don't know."


NAPAPITLAG ako ng walang sabi-sabing bumungad sa tapat ko ang mukha ni Athena.
Inalis ko ang mukha ko mula sa pagkakalumbaba at hinarap ko ang pagkain na
pinaglalaruan ko lang kanina.

"So..."

Blanko ang ekspresyon na sinalubong ko ang tingin niya habang nginunguya ang
pagkain na halos hindi ko malasahan.

"May family dinner kayo mamaya." muling sabi niya.


Nagkibit-balikat ako. Bumuntong-hininga siya sa pinapakita ko at inagaw niya sa
akin ang plato ko at nakikain. Lumingon-lingon siya at siniguradong hindi nakikinig
sa amin ang ibang mga agents na nandito sa dining hall. "Alam mo, Snow, kung ako
sa'yo aamin na lang ako."

/>

"Wala akong kailangan aminin."

Iniwanan ko na ang mga kapatid ko nang magkaroon kami ng komprontasyon kanina. To


be honest I don't know what to do anymore. Hindi ko na din alam kung may pakielam
pa ako sa mga mangyayari mamaya. They would probably tell our parents what the
found out.

"Hindi ka matutulungan ng pamilya mo kung hindi mo sasabihin sa kanila."

Mapait na ngumiti ako. "No one can help me, Athena."

"Sigurado ka? Sooner or later mahihirapan ka ng itago ang totoo. Ngayon pa lang di
ba? The cravings, your emotions..."

"I'm not pregnant." I hissed under my breath. "Sure, even I convinced myself that I
might be. Dahil isang parte sa akin na umaasang totoo nga. Dahil..." Dahil isang
parte ng puso ko ang masaya na may maiiwan sa akin na galing sa kaniya. "Dahil
emosyonal ako, dahil padalos-dalos ako. But there's a possibility that I'm not.
Everybody have cravings and I'm emotional even before. Alam mo naman siguro ngayon
kung bakis mas malala pa ako. I'm handling a lot of things. And this pregnancy
scare is not helping."
Muli siyang bumuntong-hininga. "Fine. But, let me help you."

Akmang tatanungin ko siya kung anong ibig niyang sabihin ng bigla na lang niyang
hinila ang kamay ko at may itinusok ko sa antecubital ko na syringe. "Athena! Omg!"
napatiling sigaw ko.

Nagpalingon-lingon siya ulit bago hinugot mula sa akin ang syringe at itinago iyon.
"Woah. Madali lang pala 'yon. One hit, Athena. Pshing!" sabi niya at itinaas pa ang
kamay at umaktong may binabaril.

/>

"Baliw ka na ba?!"

Nag peace sign siya. "Ipapatest ko ang dugo mo. Para hindi ka na nag-iisip ng kung
ano-ano at malaman mo na agad ang totoo."

"At paano kapag may nakaalam sa gagawin mo?" inilahad ko ang kamay ko. "Ibalik mo
sa'kin."

"Ayoko nga. Besides, hindi ako mahuhuli. Wag ka ngang nega."

"Dugo ko naman 'yan eh!"

"Ako naman ang kumuha." binelatan niya ako. "Anyways, kung may makakaalam eh di
sasabihin kong sa akin."
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Dati kapag nasa ganitong mood na ako hindi niya
ako pinipilit o ng kahit na sinong agent. They just leave me in my own devices.
"And that you're applying for a pregnancy blood test."

"Ahh...yeah?"

"Adik ka ba?" nanglalaki ang mga matang tanong ko.

"Hello? Mas maniniwala pa ang mga tao na nagkakaroon ako ng pregnancy scare kesa
sa'yo. Kapag ako, lagot lang ako sa parents ko. Kapag ikaw....lagot ko sa buong BHO
CAMP."

"Athena-"

"Gusto lang kitang tulungan. Una, dahil wala akong magawa. Pangalawa, lahat ng
babae kailangan ng besties you know? Hindi naman pwedeng puro Phoenix ka na lang.
Pangatlo, wala ang ang anghel de la guardia mo. Pang-apat, binibigyan ka lang ng
isang linggo ng mga kapatid mo para umamin ng kusa sa mga magulang mo. Na by the
way hindi mo alam dahil bigla ka na lang nag walk out kanina. Pang-lima, ang ganda
ko."

"Walang kinalaman sa pinag-uusapan natin ang huli mong sinabi."

"Wala ba?" inosenteng tanong

niya. "Meron 'yan. Ang kagandahang ito..." tinuro niya ang sariling mukha. "Ay ang
tanging nagbibigay ng 'sense' sa mundo."
Naiiling na tumayo ako. Sasabog lang ang ulo ko kapag nakipag-usap pa ako kay
Athena. Iisa namana ng lenguahe namin pero nahihirapan akong i-decipher kapag sa
kaniya nanggagaling ang mga salita.

"Hoy, sa'n ka pupunta?" tanong niya.

"Sa malayong lugar."

"May family dinner pa kayo!"

"Alam ko po!" Tumayo siya at sumunod sa akin. Nakapamewang na hinarap ko siya.


"Bakit hindi mo na lang kaya kulitin ang bestfriend mo?"

"Busy siya." mabilis na sagot niya.

Napatigil ako sa pagmamarkulyo at tinitigan ko siya. Matamis na nginitian niya ako


at ikinawit ang braso niya sa akin.

"May problema ba kayo ni Hera?" tanong ko.

"Wala. Busy lang siya talaga ngayon. Pero ikaw, meron kang problema."
Inalis ko ang braso niyang nakahawak sa akin at nagpatuloy ako sa paglalakad. "I
can handle my own problems."

"Weh? Dati nga, paglalagay lang ng band aid sa sugat mo hindi mo pa magawa eh."

Sa pangalawang pagkakataon tumigil ako sa paglalakad at hinarap ko siya. "Eto naman


ang gusto niyong lahat di ba? Na matuto ako mag-isa? Oh eto na. Wala naman na akong
ibang aasahan kundi sarili ko."

Ngumuso siya at kunway nag iisip. "Well, mali ka actually. Ang gusto ng lahat para
sa'yo eh matuto kang tumayo sa sariling mga paa mo. Na matuto ka na hindi iasa
lahat sa iba ang mga kailangan mo. Pero hindi ibig sabihin non isasarado mo ang
sarili mo sa ibang tao. We're all family after all."

"This time, I need to do it by myself."

Tumango-tango siya. "You know, I kinda admire that you're trying to handle things
on your own. But remember, Snow...a person can only take so much until she breaks.
Kapag nangyari sa iyo 'yon, handa ka ba na makita ng lahat ang mga kakawala mula sa
kahon kung saan mo itinago lahat?"

Natigilan ako sa sinabi niya. She's right. I'm already breaking. And my
fears...it's getting bigger everyday. Pakiramdam ko nasa dulo na ako. Walang
nakakarinig...walang maaaring kapitan. Hindi dahil walang bagay na pwede kong
hawakan para hindi ako mahulog kundi dahil alam ko na kapag hinawakan ko
iyon...bibigay ang bagay na iyon at mahuhulog ako.

I can't tell anyone because it will hurt a lot of people. Maraming tao ang
maapektuhan. And yes, because I'm afraid of what will they think of me.

Nang hindi ako sumagot ay nakakaunawang ngumiti siya. "So, let me help you okay?
Girl power!"

_______End of Chapter 13

=================

CHAPTER 14 ~ Dour ~

CHAPTER 14

SNOW'S POV

Nararamdaman ko ang mabibigat na tingin sa akin ng mga kapatid ko ngunit nanatiling


tutok ang mga mata ko sa pagkain sa harapan ko. Halos sila Momma, Papa at kuya King
lang ang nagsasalita sa amin at hindi ko alam kung napapansin ba nila ang tensyon
sa paligid.

Katulad ng plano, kay kuya Thunder ako sumabay papunta rito sa family house namin.
Kulang na sabihang 'awkward' ang naging biyahe. Hindi ko din naman alam ang
sasabihin ko kaya nanatiling tikom ang mga labi ko.
Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang pagkalansing ng mga kubyertos. Muli
akong napaiwas ng tingin ng makita ko na galing iyon sa nanay ko. "Okay. I have
enough of this. Anong problema niyong magkakapatid?"

"Wala po." narinig kong sagot ng kapatid ko na si Freezale.

"Right. Kaya pala ni isa sa inyong tatlo parang mga pipe kanina pa."

Tumikhim si kuya Thunder. "Na-amaze lang kami sa luto mo momma. Nakakaspeechless.


Ang tagal na rin naming hindi natitikman ang luto mo."

"Thunder Night."

"Err...Yes Momma?"

"Hindi ako ang nagluto niyan."

Lihim na napangiwi ako. Kung tama ako ng pagkakaalala, kaninang pagdating namin
sinabi ni momma na bumili lang sila ng food ni papa dahil nagahol sila sa oras.

"May nakikinig ba sa akin sa inyo o nag-aaksaya lang ako ng boses?"

Matamis na ngumiti ako at pilit na sinalubong ko ang naniningkit na mga mata ng


nanay namin. "Nakikinig

po kami, Momma. Medyo wala lang sa mood si ate Freezale dahil nadidistract siya sa
kagwapuhan ni kuya King. Si kuya Thunder naman po busy sa banda niya saka sa mga
girls niya. Momma may dessert ba? May mangga? Nagugutom pa ako eh. Ay Momma!
Pahingi po ako ng extra money ha? Balak ko po kasi magbakasyon eh." inosenteng
tinignan ko ang mga magulang ko. "Papa si kuya Waine may crush kay Momma."

Napuno ng ingay ang hapag-kainan sa pangunguna ni kuya King na hinaharot na ang


straight faced pa rin na kapatid ko, si kuya Thunder naman ay ibinibida ang banda
niya at ang 'kakisigan' niya at si Papa naman ay halatang nagseselos na nilalambing
si momma.

Snow's Distraction Op: Completed.

"Snow."

Nginitian ko si Papa at ipinaling ko ang ulo ko. Years of practice told me that
this is my best puppy-innocent look. "Yes po?"

"Bakit ka magbabakasyon?"

Sandaling natigilan ako ngunit kaagad naman akong nakabawi. "Ahh, naisipan lang po
naming gumala...ni Athena! Tama, ni Athena. Two months vacation. Wala din naman po
akong gagawin kaya pumayag po ako." Now if this works I need to think of a way to
make Athena go with me or at least 'pretend' to.

"Si Athena? Kailan ba kayo naging close?" tanong naman ni Momma.


A few hours ago. "Matagal na po kaming close. Kaso minsan lang po kami nag bo-
bonding kasi kasama niya lagi si Hera tas ako...kasama ko po si P-Phoenix."

Kung nakumbinsi ko man sila sa sagot ko o hindi, sila na lang ang nakakaalam.

Tahimik na bumalik kami sa pagkain habang panaka-naka ay nararamdaman ko pa rin ang


mga tingin ng mga kapatid ko.

Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na rin kami. Katulad ng nakasanayan namin


lahat, dumiretso kami sa garden kung saan i-seserve ang dessert namin. Pinauna na
kami nila Momma at Papa.

Nang makarating sa garden kaagad na nagtabi sa isang bench ang mag-asawang Freezale
at King habang karga-karga nila ang mga anak nila na kinuha nila sa crib na nandito
sa bahay. Wala akong choice kundi tumabi sa kuya ko.

"You can't escape this Snow." mahinang sabi ni Freezale.

"I won't. One week right? One week I'll prove to you that I'm not pregnant. Kapag
napatunayan ko na hindi, wala kayong sasabihin kaila Momma at Papa."

Hindi kababakasan na pagkagulat ang mukha ni kuya King. Obviously, alam niya ang
nangyayari.

"Sa tingin mo ba iyon ang pinoproblema namin? Kung buntis ka o hindi? The fact that
you have been violated-"
"I was not.' I said, cutting my sister's words. "Alam ko kung anong ginawa ko."

"Then you know who was with you."

"Maybe." I whispered. Bumuntong-hininga ako at sinalubong ko ang tingin niya.


"Please, 'wag niyo ng hingin sa akin na sabihin ko sa inyo lahat. I wanted to tell
you guys but I just can't. This is something I wanted to forget. At hindi ko
maibabaon lahat sa limot kung hindi niyo ako hahayaan na itago ang bagay na'to."

"Snow..."

I bit my lower lip when my sister's mask finally cracked. Makikita

sa mukha niya ang pag-aalala para sa sitwasyon ko. Napatingin ako kay kuya ng
maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.

"I'm sorry." he whispered.

"Kuya-"

Mapait na ngumiti siya. "Dapat hindi ka namin pinabayaan."

Umiling ako. "Walang ibang may kasalanan kung hindi ako. I didn't think. Masyado
akong nadala ng emosyon ko. Siguro iyon lang ang nangyayari sa akin ngayon. Maybe
my emotions got the best of me and I'm just stress."
Marahang tinapik ni kuya ang ulo ko. "You've grown up, little sis. 'Wag ka
masyadong magmadali dahil baka maunahan mo pa akong mag mature." Bumuntong-hininga
siya at mataman akong tinitigan. "I just wish it doesn't happened this way."

Sana nga natuto ako sa hindi ganitong paraan. Sana...hindi sa ganitong kasakit.

Marami akong nagawang maling desisyon. Kaya ako nahihirapan dahil sa mga
pagkakamali ko. That's why I'm hoping that I'm not carrying his child. I don't want
him to be born as a mistake.

TAHIMIK ang pasilyo papunta sa ICU ng BHO CAMP's Hospital. Bihira lang naman kasi
ang mga taong napupunta rito. Ang ilan ay ang mga agents na nagkaroon ng mga
malalang injuries dahil sa mga mission at ang ilan ay mga taong naninirahan dito sa
Tagaytay. Bukas naman kasi ang ospital para sa lahat.
Mga special cases lang ang tinetake ng BHO CAMP pagdating sa mga non-agent
patients. Kadalasan forwarded lang sila sa mga ospital

na hindi na kayang gamutin ang karamdaman ng pasyente o masyadong malala. Kadalasan


din ang mga pasyenteng ito iyong mga walang maibigay na payment para sa ospital. In
short, mga malalang kaso lang ang maaaring ipasa sa BHO CAMP.

Lumapit ako sa nurse station na dalawang nurse lang ang nakabantay. Baka nag ra-
rounds na ang iba pa.

"Miss Snow, kayo po pala."

Napakurap ako. Kilala niya ako pero hindi ko siya matandaan. Naging nurse ko na ba
siya? Si tita Autumn lang ang gumagamot sa akin kahit kagat lang ng langgam ang
problema ko.

Mukhang nabasa naman ng nurse ang iniisip ko at kaagad siyang nagsalita, "Isa po
ako sa nurse na gumagot kay Sir Phoenix kapag dinadala siya dito noon. Sa taas nga
lang ako nakastation dati at hindi dito. Pupuntahan niyo po ba siya? Ano nga bang
floor iyon? Sandali hahanapin ko po-"

Pinutol ko ang sasabihin niya. "Ahh, hindi. Si kuya Waine ang pinunta ko dito.
Serenity Hunt ang name ng patient."

Namilog ang mga mata niya at may kinuha siyang folder sa mga nakasalansan sa tabi
niya. "Serenity Hunt. Miss Snow, kanan lang po kayo sa hallway na 'yan tas may
pintuan po sa pinakadulo."
Nagpasalamat ako sa kaniya at naglakad ako papunta sa tinuro niya. Nang makarating
roon ay kumatok ako sa pintuan bago ko iyon binuksan. Sa loob ay may mga glass
cabinets kung saan nakasalansan ang ilang mga nakaplastic na laboratory gowns,
habang sa baba naman ay ang mga puting slip on clogs. May mga mask din.

Sinunod ko ang instruction

at sinuot ko ang mga kinakailangan bago ako pumasok sa pangalawang pintuan. Sa loob
ay may dalawang nurse na nasa station. Mayroon ding dalawang junior agents na
nakatayo sa tapat ng isang glass door.

Binati lang nila ako at wala ng sinabi. Hindi na naman nila kailangan magtanong
kung kaninong pasyente ako pupunta dahil dalawang room lang ang nandito at isa lang
ang okupado. Hindi katulad sa iba pang wing ng ICU dito sa BHO CAMP na tatlo ang
section ng ICU.

Binuksan ko ang glass door at pumasok ako sa loob. Pagbungad pa lang ay nakita ko
na agad si Waine. Nakatayo siya sa tapat ng isang two way mirror.

"Kuya Waine."

Blanko ang mga matang nag-angat siya ng tingin. Sandaling nakatingin lang siya sa
akin na parang hindi niya ako makilala. Lumapit ako sa kaniya at tinapik ko siya sa
balikat.

Humarap ako sa salaming bintana, at sa unang pagkakataon...nakita ko ang totoong


mukha ni Serenity Hunt.

Sa unang tingin ay ang mga sugat niya ang mapagtutuunan ng pansin. Pero habang
tinititigan siya ay umangat ang totoo niyang mukha. She's extremely pretty...like a
sleeping angel. Sa kabila ng mga galos sa mukha niya at mga tube na nakakabit sa
kaniya ay makikita pa rin iyon.

May mga sugat din ang mga braso niya. Hindi na ako magtataka kung marami pa siya sa
iba pang parte ng katawan niya. She's been tortured and the with the looks of
it...bago lang ang mga iyon. Ang tanging walang galos sa kaniya ay ang mga kamay
niya.

"She have beautiful hands. But you know...it's not the

reason why they spared her hands. She's a brilliant woman. She's good at technology
and deciphering things. Kaya siguro hindi siya magawang pakawalan ng kapatid ko.
Dahil napapakinabangan nila si Serenity."

"Kuya Waine..."

"She love dancing. But she can't do that now. Alam mo kung bakit?"

"You don't need to talk about this-"

"She won't able to walk...not even stand. Ibinalik siya sa akin ng kapatid ko dahil
gusto niyang itigil ko na ang paghahanap sa kaniya. But Wyatt Claw won't be that
merciful. No...not him."

Kita sa mukha niya ang paghihirap habang nakatingin sa babaeng matagal na niyang
hinahanap. Katulad ng sabi ni Storm noon sa amin, hindi daw matatawaran ang
pinagdaanan ni Waine sa kamay ng mga kapatid niya.
Waine grew up different than his vile brothers. Inalagaan siya ng ina niya at
pinalaki ng mabuti sa kabila ng kasamaan na nakapalibot sa kanila.

Wyatt Claw took away the woman he love and his son...and later on he took their
mother''s life.

"I don't even know what happened to our child." he whispered. "And now in any
moment I can lose her. God, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin,
Snow. I'm existing because of her. She's the only reason I'm not giving up."

Sa ganitong pagkakataon, ano pa ang maaring sabihin sa taong nagdadalamhati na


katulad niya? I can't tell him that it will be okay because that would be a lie.
His woman is in the brink of death and his son's whereabouts and status is unknown.

Wala akong maaaring sabihin na ikagagaan ng loob niya. All I can offer is my
presence and prayers.

Marahang hinawakan ko siya braso at sumandal ako sa kaniya habang nakatingin kay
Serenity Hunt. You need to live for him. He's a good person. He's not like his
brothers. But if he loses you...I don't know how long he can stop himself from
being like them. Empty...and cold.

Lumingon ako sa pinasukan ko kanina ng makaramdam ako ng presensiya roon. Hindi ko


alam kung namalikmata ako o hindi dahil bigla ding nawala ang pigura roon. But for
a moment...
...

...

I thought I saw Mira standing there.

__________End of Chapter 14
=================

CHAPTER 15 ~ Yes ~

CHAPTER 15

SNOW'S POV

Sinag ng araw ang gumising sa akin. Gumulong ako at ibinaon ko ang mukha ko sa unan
para makabalik sa tulog ngunit gising na gising na ang diwa ko. Gusto ko pang
matulog dahil sa totoo lang halos hindi naman ako na tulog.

Madaling araw na ata ako dinalaw ng antok at paputol putol ang tulog ko. I know
it's because of stress. Hindi naman ako ganto dati. Idagdag pa na iniisip ko ang
resulta ng test na pinagawa ni Athena. It's the third week right now and still...

Napabuntong-hininga ako at tumayo. Hindi na rin naman ako makakabalik sa pagtulog.


Nag-iinat na naglakad ako palabas ng kwarto at tinungo ko ang kusina. Bahagyang
akong napangiti ng makita kong may naka styro na pagkain doon.

Mukhang dumaan sila kuya. Malamang nag-aalala na hindi ako kumakain.

Nakangiting umupo ako sa stool at binuksan ko ang styro. Lumawak ang pagkakangiti
ko ng makita kong pancake, sausage at may manggo slices sa ibabaw iyon. Hindi ko
man aminin ng malakas pero namimiss ko na ang pagkain ng mangga.

Maganang sinimulan ko na ang pagkain ngunit unti-unting bumagal ang pagnguya ko ng


makita ko ang maliit na post it note sa takip ng styro.

You need to eat. Pumapayat ka na. Hindi lang ikaw ang pwedeng mag-alala. I'm
worried of you a lot.

So eat. I'm serious.


-Phoenix

Muli akong napangiti pero sa pagkakataon na ito ay nabahiran iyon

ng lungkot. Siguro nakalabas na siya ng BHO CAMP Hospital. Hindi ko na rin siya
kasi nagawang dalawin. Una, dahil sa mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. At
pangalawa...ayoko ng makigulo sa kanila ni Mira.

Marahang pinadaanan ko ng hintuturo ang sulat ni Phoenix. Katulad ng dati kapag


hindi kami magkasama paborito niyang gawin ang padalan ako ng post it note. Mahilig
din siyang magtadtad ng underlined words para maemphasize ang kaseryosahan niya.
Bihira lang mangyari dahil lagi naman kaming magkasama noon.

"Seriously, Nix nix. How can I ever move on from this?"

Pero siguro tama lang ito. Na maramdaman ko 'to. Because all along...I've been
putting him on this kind of situation too. Because I was too afraid. Kung sana lang
hindi ko agad sinirado ang sarili ko sa posibilidad.

Kung sana kahit 1% chance lang...binigay ko para sa aming dalawa..

Mga bata pa lang kami pangarap na ni Phoenix ng isang buong pamilya. Sa lahat sa
amin siya ang naunang maisip ang bagay na iyon. Madami siyang pangarap para sa
babaeng makakasama niya hanggang tumanda siya. At hindi iilang beses na pinaramdam
niya sa akin...na ako iyon...

Na ako ang pinipili niya.


Hindi iilang beses...na sinubukan niya. But I was too scared. Ayoko ng pagbabago.
Ayoko ng hindi ko nakasanayan.

And I can't blame him from trying to move on. Dahil kahit sa huli...inintay niya
akong magdesisyon.

Kapag binabalikan ko ang mga sandaling iyon sa tree house, hindi ko maiwasang hindi
siya sisihin. Bakit

hindi niya ako pinaglaban? Bakit tinuloy pa rin niya? Bakit ako ang pinapipili
niya?

But then I realize that it was not just about me. That I can't selfishly say that
he's only in love me with me. It was too late for both of us.

Pagak na tumawa ako. "Nakakainis ka naman Nix nix eh! Nakakainis ka..." Tila bukal
na bumalong ang luha mula sa mga mata ko. Naiinis na pinahid ko ang mga iyon. "Ang
aga-aga pinapaiyak mo na ako!"

Bumaba ako mula sa stool at padabog na kinuha ko ang styro. Inalis ko roon ang post
it at pagkatapos ay naglakad ako patungo sa maliit na bintana ng kusina ng flat ko.
Hindi ko alam kung anong naisipan ko at doon ko pa napagpasiyahan na itapon ang
hawak ko imbis na sa basurahan pero marahas na binuksan ko ang bintana at akmang
ihahagis na doon ang styro ng may marinig akong mga boses.

Tumingin ako sa baba at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko doon ang lalaki na
kanina ko pa iniisip. At...at kasama niya si Mira.

Huminga ako ng malalalim at tatalikod na sana ng marinig ko ang boses ni Mira.


"Wala nga akong problema!"

Napamaang ako. Kahit kailan hindi pa sumigaw ng ganiyan si Mira. Lalo na kay
Phoenix. Phoenix is the one of the most level headed person I've met. Bihira ang
taong sisigawan siya dahil bihira din siyang masuong sa pagtatalo.

"Mira..." Hindi ko naririnig ang boses ni Phoenix dahil obviously hindi siya
sumisigaw. Pero nababasa ko ang mga labi niya. "You can't make me believe that
nothing is wrong. Ilang araw ka ng hindi umiimik."

/>

"I'm fine. I-I...I just have a lot in my head right now."

"Then talk to me about it. Asawa mo ako hindi ba?"

"Phoenix, please! Ikaw ba sinasabi mo sa akin ang lahat? Please! Please...hayaan mo


na lang muna ako."

This is wrong. Hindi ako dapat nakikinig sa pagtatalo ng mag-asawa. Pero hindi ko
mautusan ang sarili ko na umalis sa kinatatayuan ko. Tila ba napako ako roon at
nanatiling nakikinig.

"Ano bang nangyayari sa'yo, Mira? You're not acting like yourself."
"Ikaw din naman hindi ba? Hindi mo nga ako kinakausap maliban na lang kapag may
itinatanong ako sa'yo. Kung hindi pa kita tatawagan, hindi ka uuwi. Ganto naman
talaga tayo di ba? Masaya ka lang kapag nandiyan si Snow. Noong kasama natin siya.
Pero ngayong lumalayo na siya sa ating dalawa para ka ng naglalakad na patay."

"Mira!"

"Just...just leave me be for a while."

"You know. You know that you're important to me. Kagabi nagising ka mula sa
pagtulog ng umiiyak. That's why I'm making sure you're all right."

"Dahil asawa mo ko o dahil mahal mo ako?"

Stop listening, Snow. Come on! Get away from the window. Masokista ata ako. Dahil
imbis na umalis roon ay nanatiling akong nakatingin at nakikinig sa kanila.
Kasalukuyang nakatingin si Mira kay Phoenix na bumuka ang labi pero hindi
makasagot.

"Mahal mo ba talaga ako? Sabihin mo...sabihin mo sa'kin." basa ko sa mga labi ni


Mira.

"Mira..."

"Kaya

mo bang sabihin sa akin na ako lang ang mahal mo?"


I closed my eyes and finally moved away. Sinarado ang bintana at tila nauupos na
kandila na napaupo ako sa sahig.

I guess this is life. Kahit na anong pigil mo...kahit anong iwas mo na makasakit at
masaktan, iyon pa rin ang mangyayari sa huli.

'You fought for her battle, not yours.'

PINAGMASDAN ko ang natutulog na anyo ni Serenity. Sa tabi ko ay nandoon si Waine na


nakatingin din sa babae. Saglit lang siyang umalis kanina para maligo at magpalit
ng damit habang ako naman ang nagbantay sa babae.

"Is she getting better?" I asked Waine.

"Walang pagbabago. Hindi lumulubha at hindi din bumubuti."


Tinignan ko ulit si Serenity. Pumunta na ang mga magulang niya pero ang sabi sa
akin ni Storm kanina ay nawalan daw ng malay ang ginang na Hunt at pinatutulog muna
daw sa isang villa ngayon.

Bakas sa mukha ni Serenity ang matinding paghihirap kahit wala siyang malay. Hindi
ko magawang isaboses na maaaring ang paghihirap niya ay hindi lang dahil sa dinanas
niya...kungdi maging ang paghihirap ng taong malapit sa kaniya.

And I hate to think about it but what if...what if their son is not alive?

"Hinahanda ko ang sarili ko." Nilingon ko si Waine ng magsalita siya. "Hinahanda ko


ang sarili ko sa mangyayari. But God, I'm so frightened knowing that all I can do
is wait. Hindi siya makita, Snow. Hindi namin matunton

ang Claw at hindi din namin mahanap ang anak ko."

"Kuya..."

"I can feel it, you know?" Waine said, his hands tightening into a fist. "I can
feel it, Snow. He's not okay. Pero anong ginagawa ko? Wala..."

Pinalakpak ko ang kamay ko at kinumpas-kumpas ko iyon sa tapat ng mukha niya.


"Gagaling si Serenity, magigising siya at malalaman natin ang lahat. One step at a
time. Hindi makakatulong kung bibigay ka ngayon. Kung sakali...kung sakali na
mangyari ang kinakatakot mo, you need to be strong for her. Kailangan ka niya.
Masyado na kayong nagdusa. 'Wag mong hayaan na pati ang isa't-isa mawala sa inyo
dahil kay Wyatt Claw."

Namuo ang luha sa mga mata ni Waine ngunit hindi iyon tumulo. He's struggling to
stop himself from breaking down. "Snow?"

"What?"

Umangat ang sulok ng labi niya pagkatapos ay marahang tinapik ang ulo ko. "I'm
proud of you. Mukhang tanggupay na ang pagiging guardian angel ko sa'yo."

"Ano ka ba..." sabi ko sa basag na boses.

"I can't be with you now, Snow. Kaya natutuwa ako na alam kong kaya mo na ang
sarili mo ngayon. Just be true to yourself and you'll be okay."

"Kuya-"

"Meeting Storm was the best thing that happened to me. She freed me and give me
someone to be there for me ng mawala ang nanay ko. And meeting Storm, I able to
meet you and everyone around here. Dito, naramdaman ko na may pamilya ako."

Pakiramdam ko alam na niya kung bakit ako talaga nandito. Dahil magpapaalam ako sa
kaniya.

Kahit ko sabihin pakiramdam ko alam na niya.

"You're like a little sister to me, you know that right? And as your big brother, I
want you to get out of here, get a life, and be free."
"Okay ka lang ba rito?" bulong ko.

"I'll be fine." he said. "How long did you tell them that you'll be away?"

"Two months." I whispered.

"At gaano katagal ba talaga?"

Nagbaba ako ng tingin at umiling ako. "Hindi ko alam. Siguro...hanggang kaya ko.
Kasi pakiramdam ko kapag hindi ako umalis, magiging selfish na naman ako at
pipilitin kong maibalik siya sa'kin. At alam kong mali. Hindi dapat."

Bago pa siya makapagsalita ay nag-angat ako ng tingin at bahagyang ngumiti. "Pwede


ba akong pumasok sa loob?"

Matamang tinitigan niya ako at ilang sandali at walang salita na tumango siya.
Binukksan ko ang salamin na pintuan at lumapit ako kay Serenity. Umupo ako upuan sa
tabi ng kama niya at umupo ako roon.

"Serenity? Sana naririnig mo ako. Makinig ka sa akin ha?" Bulong ko sa kaniya.


"Kailangan mo ng magising. Alam ko na mahirap, na natatakot ka. Pero nahihirapan na
s kuya Waine. Kailangan niyo ang isa't-isa. Minsan, parang mas maganda na piliin na
lang na unti-unting maglaho sa mundo na 'to. Kasi mahirap...masakit. Pero hindi
pwede. Kasi may mga nagmamahal sa atin na naghihintay na bumalik tayo. Kaya please,
bumalik ka na kay kuya Waine. Kasi mahal na mahal ka niya. Kasi...kailangan ka
niya."
Bahagya kong pinisil ang kamay niya na walang pinsala bago ako tumayo

at lumabas. Nagtama ang mga mata namin ni kuya Waine ngunit walang salitang
namagitan sa amin. Hinila niya ako palapit sa kaniya at napapikit ako ng mahigpit
na niyakap niya ako. Pagkaraan ay tahimik na naglakad ako palayo sa kaniya at hindi
na ako lumingon pa.

That's why I didn't see...I didn't see that Serenity's hand moved. I didn't see the
commotion in the ICU when finally...she opened her eyes.

NAKAPAG-PAALAM na ako sa mga magulang at mga kapatid ko. Nakahinga din ako ng
maluwag ng sabihin sa akin ni Freezale na hindi na nila ako bibigyan ng palugit sa
pagsasabi kaila Momma.

Si Athena naman ay nagpaalam na rin. Hindi siya sasama sa akin pero may sarili daw
siyang balak. Basta babalik siya pagkatapos ng dalawang buwan at sasabihin niya na
pinauna ko na siya.

Dahil hindi pa ako babalik. Dahil hindi ko alam kung kailan ako babalik.
Tumingin ako sa kalangitan at bahagyang ngumiti. Kasalukuyang akong naglalakad
patungo sa lugar na matagal ko ng iniiwasan. Mula ng huli kaming magkita roon at
sabihin niya sa akin na mahal niya ako.

Lugar kung saan nabuo lahat ng pangarap namin.

Nag-angat ako ng tingin at huminto ng matunton ko ang lugar na iyon. The tree
house. Our tree house.

Taking my time, I climb my way up the tree house. Pinagmasdan ko ang mga pamilyar
na bagay na naroon...mga bagay na kami ang bumuo.

Huminga ako ng malalim at binuksan ko ang pintuan ng tree house. Isang sandali

ang lumipas at pakiramdam ko ay naulit lahat. Nang gabing magkita kami rito ni
Phoenix. Gabi bago siya ikasal at tuluyang nawala sa akin. It was just a few weeks
ago...three weeks. Pero pakiramdam ko ang tagal-tagal na. Siguro ganoon talaga
pagbinibilang mo bawat segundo habang humihiling na sana lumipas ang oras at
tumigil na ang pagdurusa mo. Na masanay ka na.

Ipinikit ko ang mga mata ko sa hiling na mawala na ang imaheng nakikita ko pagmulat
ng mga mata ko. Ngunit nang buksan ko ulit ang mga iyon ay si Phoenix pa rin ang
nakikita ko.

"Phoenix?" I whispered.

"Hi."
Naikuyom ko ang mga kamay ko nang marinig ko ang boses niya. Sa nanginginig na mga
tuhod ay pumasok ako sa loob ng tree house. Umupo ako sa tabi niya.

"Anong ginagawa mo dito?" mahinang tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "Nag-iisip. Ikaw?"

"Just want to look at it for the last time."

"Sinabi nga nila sa akin..."

Tumango ako at bahagya ko siyang nginitian. "Two months lang naman. Biglaang lakad
lang naman namin ni Athena."

Sinalubong niya ang mga mata ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko ng makita ko ang
lungkot sa mga mata niya. Hindi ko alam kung alam niya na hindi na ako babalik,
kung nababasa ba niya sa mga mata ko, pero kung meron man ay wala siyang sinabi.

"I remember the last time we were here." I whispered and look away.

"Snow...don't."
Ibinalik ko ang tingin sa kaniya. "Kailangan."

Namayani

ang katahimikan sa pagitan namin. Pagkaraan ay humiga ako sa sahig ng tree house at
hindi nagtagal ay ganoon din ang ginawa niya. Walang nagsasalita...pero pakiramdam
ko naririnig ko siya at ang sarili ko.

Because deep inside, we're both crying for something that will never happened.

"Phoenix..."

"Yes?" he said in a quiet voice.

'Ask me not to go tomorrow. Ask me not to get married...ask me not to leave you.
Ask me to stay here with you.'

"Wag kang tumuloy bukas." bulong ko sa basag na boses. "Wag kang magpakasal, 'wag
mo kong iwan. Dito ka lang...dito ka lang sa akin."

Tumingin siya sa akin at kita ang sakit sa mga mata niya. Tuluyan ng kumawala ang
mga luhang pinipigil ko habang nakatingin sa kaniya. Walang nabago sa nararamdaman
niya. I can see that.
But it's too late.

'When we were young, I told you that my dream is to be married to you. But you said
that that is not possible.'

"Sabi mo pangarap mo na pakasalan ako, sabi ko imposible pero...pero posible. I


never treated you like you're my brother. You were always special to me."

'When we're teenagers I asked you if it's possible for us to date. But then you
said we should stay as friends. Dahil ayaw mo na magulo kung ano ang meron tayo.'

"We could date...we could go anywhere we want. Ikaw ang best friend ko, natatakot
lang ako na mawala ka."

'The problem is I cannot stay as your friend when I know that I want more from
you.'

"I want more from you too...I want more than what we have."

'Do you love me?'

"Yes."
Marahang pinahid ko ang mga luha ko. Sinalubong ko ang tingin ni Phoenix at
tinakpan ko ang bibig niya ng akmang magsasalita siya.

"Don't." I said to him and smiled. "I love you, Nix Nix. Sorry kung ngayon ko lang
tinanggap. Sorry na huli na. I love you and thank you for loving me. For still
loving me."

Pilit na pinatili ko ang ngiti ko kahit halos hindi ko na siya makita dahil sa mga
luha ko ng maramdaman ko ang pamamasa ng kamay ko dahil sa sarili niyang luha.

"Nahihirapan ako na makita ka. Nahihirapan ako na nakikita kita araw-araw.


Nahihirapan ako kasi wala ka sa tabi ko. Kasi gusto ko na ako lang ulit. Ako lang
ang binabantayan mo, iniintindi...minamahal. Kaya...kaya kapag nagkita tayo ulit,
gusto ko masabi ko sa'yo na kaya ko na. Na kaya ko ng mabuhay ng wala ka. Na
nahanap ko na ang sarili ko at hindi ko na kailangan na mabuhay bilang si Snow na
laging kasama mo."

Umangat ang kamay niya at hinawakan niya ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya.
Ibinaba niya iyon at binigyan ng magaan na halik.

Sa tree house na 'to...nabuo ang pangarap namin, tumatag ang pagkakaibigan namin.
Sa lugar na ito, minahal niya ako. Sa lugar na to...nasaktan namin ang isa't-isa.

At sa tree house na ito, maiiwan ang Snow at Phoenix na nagmamahalan.


Dito...mabubuhay sila kahit na gaanong katagal.

They can stay here together no matter how long. Even if in reality....in the real
world...it will never come true.
___________End of Chapter 15

=================

CHAPTER 16 ~ Positive ~

CHAPTER 16

SNOW'S POV

ONE DAY LATER

Maghapon na ata akong umiiyak. Imbis na gumala ako at i-enjoy ang ganda ng Seattle
Washington pero nagkulong lang ako sa tinutuluyan ko na condominium. Nagpapadeliver
lang ako ng pagkain dahil kahit may kusina sa tinutuluyan ko ano naman ang gagawin
ko? Magluto?

Right. Para mapatalsik ako sa lugar na 'to kapag pinaapoy ko ang condo.

I want to go back home. Gusto kong bawiin ang mga sinabi ko. Namimiss ko na ang mga
magulang ko. Namimiss ko ng kumain ng mangga.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko! Ang gulo-gulo!

2 DAYS LATER

I think I'm dying.


THREE DAYS LATER

I'm still dying. I want to go back home.

FOUR DAYS LATER

I'm still dying. But I don't want to go back. Tama lang na umalis ako. Ayokong
malaman ng mga agents ang nangyayari. At ayokong maging selfish. Ayoko na hingin sa
kaniya ang hindi dapat. Tama lang na nandito ako.

Tama lang ang naging desisyon ko.

Tumayo ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig at tinungo ko ang kusina.


Napabuntong hininga ako ng makita ko ang chinese take out nasa ibabaw ng island.
Sawang-sawa na ako sa kakaorder.

Namimiss ko na ang luto sa BHO CAMP. To think na apat na araw pa lang akong
nawawala. Ano pa kaya kapag buwan na ang lumipas?

Idagdag pa na inip na inip na ako dito. Ayoko namang lumabas dahil wala naman akong
kakilala

dito. Mga foreigners pa ang mga tao obviously. Kung bakit kasi dito ko pa naisipang
pumunta. Pwede namang sa Visayas o sa Mindanao. O kaya sa Cavite din. Yung tipong
pwede akong lumangoy papuntang tagaytay.

Hindi naman ako nagtatago. Lumalayo lang.


Napatiim bagang ako ng tumunog ang telepono ng condo. Iisa lang naman ang maaaring
tumawag sa akin dahil hindi pa naman ako nakakabili ng new prepaid card. Iisa lang
naman ang taong nakakaalam na kung nasaan ako talaga.

"What?" I hissed at the phone.

"Wow, akala ko ba bffs tayo? Parang hindi mo naman ako namiss. Mamaya na nga lang
ako tatawag. May balita pa naman ako-"

"Hold up!" Napabuntong-hininga na lang ako ng marinig ko ang paghagikhik ni Athena


sa kabilang linya. "Anong kailangan mo?"

"Pilitin mo muna ako."

Hindi ko alam kung paano nakatagal si Hera kay Athena. Parang sasabog ang ulo ko
kapag kausap ko siya. Pero kung sabagay pareho naman silang mahirap intindihin ng
kaibigan niya.

"Athena." I said with a warning tone.

"Please?"

Bumuntong hininga ako ulit. "Please?"


"Well...dahil pinipilit mo ako, gusto ko lang ibalita na nasa mga kamay kong
magaganda, makinis, masarap hawakan, masarap halikan, masarap ipahawak sa-"

"Athena!" napapangiwing sigaw ko para pigilan kung ano mang nakakadiring bagay ang
sasabihin niya.

"Mga taong nawawalan na ng ganang mabuhay ang resulta ng iyong blood test."
natatawang pagpapatuloy niya. "Ikaw, Snow ha. Nagiging

green minded ka na. Ituloy mo lang 'yan!"

Hinilot ko ang sentido ko. Ganito siguro ang pakiradam ng mga magulang namin nila
kuya Thunder sa kakulitan naming magkakapatid. "The result?"

"Masyadong hot 'to. Eto na nga. I got some test results. Iyong klase ng test result
na mas nakakakaba pa sa resulta ng exam sa Mathematics."

"Athena."

She chuckled. "Chill. O eto na. Ready ka na ba?"

Pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko mula sa kinalalagyan nito. Parang gusto ko na


lang ibaba ang telepono at hindi marinig ang sasabihin niya. Handa na ba talaga
ako? Kaya ko bang panindigan kung ano man ang sasabihin niya?
"Positive."

Napatakip ako sa bibig ko. Nanghihina na napaupo ako sa sahig habang hawak hawak ko
pa rin ang telepono.

...

...

"I'm positive to say that the result is negative."

"Athena!" galit na sigaw ko.

"What? Chill." natatawang sabi niya. I really want to hunt her and wringed her
neck. "Ayon sa blood test mataas ang stress levels mo. So yeah, stressed out ka
lang. Para sa isang taong walang iniintindi dati ay hindi nakakapagtaka na masama
ang epekto ng stress sa iyo. Hindi ka natutulog, bihira kang kumain na maaaring
maging dahilan para magkaroon ka ng ulcer kung magpapasaway ka pa rin, at wala kang
ginawa kundi umiyak. Kapag stressed out at depress isang tao pwedeng mawalan ng
ganang kumain o pwede ding kumain ng kumain. At yang hindi mo pagtulog ang nagiging

isa sa mga dahilan kung bakit ka moody. Ang cravings naman, haller? Lahat ng tao
may cravings. Ako ng anag ke-crave ngayon na makita ko ang sarili ko sa salamin. So
yeah."
"Hindi ka nakakatawa!"

"Good. Dahil dyosa ako at hindi comedian. Pang artista ang lebel ng kagandahan ko.
Kuha mo?"

"Ewan ko sa'yo!"

Humalakhak siya mula sa kabilang linya. "Pwede ka ng kumalma ngayon. Hindi ka


buntis at marami ka pang panahon para hanapin ang taong para sa'yo. Iyong tamang
lalaki sa tamang oras."

Natahimik ako sa sinabi niya. Ano pa nga bang sasabihin ko? Tama naman siya. Tamang
lalaki sa tamang oras.

"You want the truth, Snow?"

"What?" I whispered.

"You and him will never work out. Not before and not now. Because no matter how the
stars look beautiful in the sky, it still won't work out if the sun is up and
shining like a bitch. Kasi hindi niyo pa oras. "
I feel the knife on my chest twists at what she said. Alam niya. Sabagay...hindi
naman mahirap ipagtahi-tahi ang mga nangyayari. "Athena-"

"Pareho kayong nagpapatintero. May nararamdaman siya sa iyo pero umiiwas ka at


ngayon naman ikaw naman ang umaabot sa kaniya pero tadhana na ang umiilag."

"Stop."

"Pero hindi man kayo tama sa isa't-isa noon at ngayon...ibig bang sabihin niyon ay
hindi pa rin kayo pwede sa hinaharap?"

Tahimik na pinindot ko ang end call button. Ipinikit ko ang mga mata ko at sumandal
sa pader sa likuran

ko.

Minsan gusto kong humiling na sana ibalik na lang sa dati ang lahat. Iyong mga
panahon na magkasama kami at masaya. Gusto ko na ibalik ang mga oras na hindi namin
nasasaktan ang isa't-isa.

Pero kahit pa mangyari iyon ay wala namang mababago. Dadating at dadating ang
panahon na magkakahiwalay pa rin kami. I will never realize a lot of things if I
didn't lose him.

Nakakatawa di ba? Hindi pa ako matututo kung hindi ako nasaktan at nakasakit.

Napatigil lang ako sa ginagawa kong pangtotorture sa emosyon ko ng marinig ko ang


door bell ng condo. Tumayo ako at nakasimangot na tinungo ko ang pinto. May
pinindot ako sa maliit na screen malapit sa pinto at tinignan ko iyon.

May lalaking mukhang delivery boy sa labas.

Binuksan ko ang pinto. "Yes?"

"Good afternoon ma'am. Delivery for Snow Night?" Tumango ako at pagkatapos niyon ay
may inabot siya sa akin. "Please sign this ma'am."

Nagtatakang pumirma ako. May kinuha siya sa dala niyang mail bag at may inabot sa
akin na parcel. Binigyan ko ng tip ang lalaki bago ako pumasok at binuksan ang
parcel.

Nanglalaki ang mga matang tinignan ko iyon.

ONE WEEK LATER

Hinigpitan ko ang coat na suot ko. Malamig ang paligid. Malamig sa tagaytay pero
iba ang lamig na nandito. Pakiramdam ko nasa loob ako ng malaking freezer sa kusina
ng 'Craige' sa BHO CAMP.
Huminga ako at napangiwi ako ng makita kong may lumabas

na usok mula sa bibig ko. Great.

Naisipan ko kasing maglakad-lakad. Hindi naman gaanong malamig kanina pero nagdala
na rin ako ng coat.

Nagkamali pala ako. Dapat limang coat ang dinala ko dahil pakiramdam ko bigla na
lang akong matutumba at magiging isang giant popsicle.

Itinuon ko ang atensyon ko sa nilalakaran ko. Masyado aong nag enjoy sa paglalakad
kanina na hindi ko napansin na sobrang layo na pala ang narating ko. Ngayon dusa
ako sa pagbalik.

Inilibot ko ang paningin ko. Kanina pa bumaba ang araw pero parang walang pakielam
ang mga tao sa paligid. Hindi katulad ko na parang magiging isang giant frozen
sushi nila, sila nag e-enjoy pa. Hindi rin sila gaanong balot na balot.

Hobby ba ng mga tao dito ang kumain ng yelo, lumunok ng ice tubig at mag swimming
sa umuusok sa lamig na tubig? Parang mga immune eh.

"Oh God, I think I can't move my feet." tinignan ko ang mga paa ko. Naka doll shoes
lang ako. Dapat pala talaga naghanda ako sa paglabas ko.

"Cold?"
Tinignan ko ang nagsalita. Isang babaeng naka spaghetti strap, mini skirt at
earmuffs. Kung hindi lang pakiramdam ko ay nafrozen na ang mukha ko ay mapapangiwi
sana ako sa get up niya.

"You inside. It's hot."

Ano daw? Sumunod na lang ako sa kaniya ng pumasok siya sa isang establishimento na
may nakalagay na pangalang 'Steam'. Nakahinga ako ng maluwag nang nasa loob na
kami. Hindi malamig sa loob.

Nilibot

ko ang paningin ko. Iilan lang ang mga tao pero mukhang mga matatagal na rin dito.
Ilan sa kanila ay mga mukhang pinoy.

"You girl, want drink? Hot to make you hot?"

Sunod-sunod na napakurap ako sa sinabi niya. Lumapit ako sa mini bar kung saan
naroon siya. Nasa likuran siya niyon. Bartender siguro.

"Ah eh...Pinoy ka ba?" tanong ko.

"Uuuy! Kababayan! Yes, I'm very much true blooded Filipina. I just here a long time
ago that's why I'm so fluent in spookening English."
"Oh." I said. "Matagal ka na rito?"

"Yes! I'm here inside for a month! I feel so at house here. It's like I am birth to
be here in this country."

Nakangangang tumango-tango ako. Pinagmasdan ko siya. Morena siya, mahaba ang buhok,
pero mukhang may edad na rin siya. May mga lumalapit na customer sa mini bar pero
hindi naman nagugulat sa kaniya. Mukhang sanay at naaaliw pa nga sa kaniya.

"So? Drink?" she asked.

"Umm...I'm not really fond of alcoholic drinks."

"Don't cha worry girl. You not need big funds for drinks. Here is cheap you know?"

"Ah, no. I mean...hindi ako mahilig uminom ng alcoholic drinks."

Nakangiting tumango-tango siya. "We not only have alcohols here. We also have liver
disease free drinks like coffee and iced tea."

"Okay. Umm..coffee please."

"What type?"
"T-Type?" Gusto ng dumugo ang ilong ko sa babae pero hindi ko naman siya pinatigil
sa pag e-english niya. Mukha naman

siyang mabait na tao. I don't have the heart to stop her. Para kasing ang saya-saya
niya mag English.

"Yah. Capushino, frapushino, brown coffee, black coffee, Lati, espreshu?"

"I think I'll go with cappuccino."

Pinagmasdan ko siya habang ginagawa niya ang kape. Kung gaano siya kabagsak
pagdating sa pagsasalita bawi naman iyon pagdating sa mga kamay niya. Napapanganga
na lang ako ng binaba niya sa harapan ko ang tasa na may cappuccino art.

Tinikman ko iyon at napanganga ako ng malasahan ko iyon. "Wow."

"I'm very much good, right?"

Tumango ako at nginitian ko siya. Inabot niya sa akin ang kamay niya. "I'm BDW."

Nakipagkamay ako sa kaniya. "BDW?"


"Yes. Berlinda Dimayukyukan Walangsala!"

"Nice to meet you, Berlinda."

Winagwag niya ang hintuturo niya sa harapan ko. "No, no. I'm BDW. Berlinda made me
old woman. BDW is much more inside in fashion trend ."

Akmang magsasalita ako ng may lumapit na waiter sa kaniya at may inabot na order
slip. "They want the orders in three minutes."

"Who they thought I am? Octopus? I'm not Ursula!" Tatalikod na sana ang lalaking
waiter pero tinawag niya ito. "You dick!"

Napanganga ako. Omg! Did she just called the waiter d-di...dick? Napalunok ako ng
madilim ang mukha na humarap kay BDW ang waiter. Napahigpit ang hawak ko sa kape sa
harapan ko. Handa akong ibuhos iyon sa lalaki kapag nagwala siya.

"Dick, told them it will be finish inside 10 minutes, okay? I'm not Ursula. They
wait or they drink away, ok?"

"It's 'Deck' not dick."

"Whatever. Just told them!"


"Fine!"

Nakangiting hinarap ako ni BDW habang ginagawa niya ang mga order. "That's Dick.
He's sweet right?"

"Ah. Yes." Kahit na hindi. Mukha nga siyang lalamunin na ng buo non'g waiter.

"He's my boyfriend actually. We see like month before. When he saw my beautiful
face enter this place he was love at first see with me."

Napangiti na lang ako. Muli kong inilibot ang pangin sa paligid. Maganda ang lugar
at kahit na may mga nag iinuman ay hindi naman iyon mukhang magulo. O siguro dahil
maaga pa.

"BDW."

"Yes?"

...

...
"May job opening ba kayo?"

_______End of Chapter 16

=================

CHAPTER 17 ~ Try ~

CHAPTER 17

SNOW'S POV

ONE MONTH LATER

Napatili ako ng pagkalakas-lakas na tipong yayanigin na ang tinitirhan ko ng bigla


na lang umapoy ang hawak ko na frying pan. Mabilis na inihagis ko iyon sa sink at
pagkatapos ay binuksan ko ang gripo.

Nakasimangot na umupo ako sa high stool at tinignan ko ang sunog na fried chicken
sa lababo ko. "Seriously. Five minutes lang akong nawala para maglaro ng Clash of
Lords nasunog na agad?"

Bumuntong-hininga ako at binuksan ko ang cup board sa itaas ng kitchen counter.


Kumuha ako roon ng instant mac and cheese bago ko iyon nilayan ng tubig at inilagay
sa microwave.
Kahinaan ko pa rin ang pagpirito. Pero nitong nakaraan na buwan natuto na akong
magluto ng mga madadaling pinoy foods. Hindi man katulad sa sarap ng luto sa BHO
CAMP pero at least may nakakain na akong iba. Nakakasawa na rin kasing kumain sa
labas.

Kinuha ko ang cellphone at akmang maglalaro ako ulit ng makita ko ang oras sa
screen ng aparato. Omg almost an hour pala akong naglaro!

Napanguso ako at tinapunan ko ng tingin ang pobreng manok. "Sorry, chicken. Hindi
naging worth it ang pagkamatay mo. Hindi na mauulit."

Kung bakit naman kasi ni-refer sa akin ni BDW ang Clash of Lords. Naging past time
ko na tuloy. Hanggang comfort room ata naglalaro ako. Wala naman kasi ako na ibang
gagawin dito sa condo. Naiinis naman ako sa mga bagong movies na binili ko dahil
puro love story. Kung

ano-ano lang ang naaalala ko.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit ako sa microwave na tumunog na. Kinuha
ko doon ang mag and cheese at sinimulang kainin. "Gusto ko iyong mac and cheese ni
kuya Hermes o ni Ocean." nagbaba ako ng tingin sa kinakain. "Hindi naman sa ayoko
sa'yo. Pero...ayoko talaga."

Ganto ang buhay ko dito sa Seattle. Kung hindi ako nasa 'Steam' kung saan MWF ng
pasok ko ay nandito lang ako sa bahay at nakikipag-usap sa mga non-living objects.
O kaya naman minsan kausap ko si Athena na wala namang ibang binanggit kundi ang
kagandahan niya.

Kapag wala sa mga iyon ang ginagawa ko ay malamang naglalaba, naglilinis o


sumusubok na naman akong magluto.
Yes, marunong na akong maglaba. Noong una ang dami kong naitapon na damit dahil
naghawa-hawa ang kulay. Malay ko ba naman na may color coding. Sa paglilinis naman
madali lang kasi bumili ako ng vacuum.

Hindi naman pala mahirap mag-isa.

Masyado lang siguro akong nasanay na nakahanda na ang lahat. Kahit na noong mga
bata pa kami ay tinuturuan naman ako at ang mga kapatid ko nila momma ay hindi
naman kami sumusunod. Hindi naman kasi nawawalan ng helpers sa bahay. Sa BHO CAMP
naman ay may weekly cleaning sa mga agents na gustong magpacleaning. Ako naman
walang problema sa akin. Wala naman silang makikita sa kwarto ko o maging sa iba
dahil may access code ang mga tinataguan namin ng mahahalagang bagay.

Ibinaba ko ang container ng mac and cheese ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone
ko. "Hello?"

/>

"Athena dyosa ito!"

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Alam ko. Uso po ang caller ID."

"Ang sungit naman. Menopause lang? Anyway! May maganda akong balita bukod sa
maganda pa rin ako, sexy, habulin-"

"Oo na. O tapos? Ano ang magandang balita mo?"


"Huh? Kasasabi ko lang. Maganda ako, sexy, habulin-"

Inalis ko sa tapat ng tenga ko ang telepono at inintay ko muna na matapos si Athena


sa listahan niya ng mga katangian niya. Nang sa tingin ko ay tapos na siya ay
itinapat ko ulit iyon sa tenga ko. "O tapos?"

"Sandali, ngumunguya pa ko." sabi niya at kasunod niyon ay ang tunog na parang may
matigas siya na bagay na dinudurog.

"Kumakain ka na naman ng Chupa chupps?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang favorite


niyang lollipop.

"Ibang lollipop na ang kinakain ko ngayon." humahagikhik na sagot niya.

Ano daw? Ano namang nakakatawa na iba na ang kinakain niyang lollipop? Hindi ko
gets. Sinaniban na naman ata ng 'katinuan' si Athena. Normal na kasi sa kaniya ang
kabaliwan kaya dapat kabagligtaran ang sabihin. "Ewan ko sa'yo? Akala ko ba
favorite mo 'yon?"

"Mas gusto ko 'tong bago. Mas malaki at mas yummy!"

Napabuntong-hininga ulit ako. Lalong lumayo ang usapan. Kaso kahit ano naman gawin
ko hindi mababago niyan ang direksyon ng pag-uusap na ito. Kapag gusto niya ang
topic ang hirap patigilin. "Anong flavor?"
Humagikhik na naman si Athena. "Basta hot at spicy. Sa sobrang hot nag-aapoy na
ata."

"O

tapos?" Saglit na nag intay ako pero walang sumasagot. Tinignan ko ang phone pero
nakakonek pa rin naman. "Hello?"

"Ay sorry! Nakita ko kasi si Hera."

"At?"

"Busy. Kausap si Thunder."

Napataas ang kilay ko. "May problema ba kayo ni Hera? Kasi ako na lang lagi ang
kinukulit mo eh."

"Wala naman. Para kasing...dumidistansiya siya."

"Ikaw din naman. Dalawang buwan ka pa ngang nawala eh. Alam mo, Athena, kahit ano
pang sabihin mo lahat ng tao may sekreto. Kahit magkapalit na kayo ng mukha sa
sobrang close niyo hindi ibig sabihin niyon eh pati kaluluwa niyo at utak
magkalapit na rin. Lahat ng bagay may boundary. Some of it we shouldn't even dare
to approach."

"Oo nga. Ito naman, masyado kang serious. Si Snow ba ang kausap ko o si Freezale?
Ang creepy eh."
"Ewan. So mabalik na lang tayo sa usapan. Ano iyong ibabalita mo?"

Hinintay ko siyang sumagot pero mukhang may nakaagaw na naman ng atensyon niya.
Habang hinihintay ko siya ay napaisip ako. Paano niya nakita si Hera? Nakauwi na ba
siya ng BHO CAMP? Maya-maya lang ay nagsalita siya pero hindi patungkol sa akin
kundi sa kung sino man ang nakita niya. "Oy Phoenix! Ano yang dala mo?"

Parang may sumuntok sa sikmura ko sa narinig. Gusto kong ibabaw ang telepono pero
para bang dumikit na roon ang aparato at hindi ko maibaba.

"Wala. May ipapadala lang ako sa courier."

Napahigpit ang pagkakawak ko sa cellphone ko ng marinig

ko ang boses niya. Kahit saglit lang akong nawala...parang ang tagal-tagal na mula
ng huli kong marinig ang boses niya.

"Uso pa ba ang sulat ngayon?" tanong ni Athena. "Ay wow. Nilagpasan ang beauty ko?
Batuhin ko kaya ng maleta to?"

"Wag!"

Napatakip ako sa bibig ko. Paniguradong uulanin na naman ako ng tukso mula kay
Athena o gagamitin niya 'yan sa mga susunod naming pag-uusap.
"Uy, masyadong protective? Anyways. Nandito na pala ako sa BHO CAMP. Iyon nga sana
ang ibabalita ko. So, asahan mo na na tatawag ang parents mo." saglit na huminto
siya. "Actually, baka tumatawag na sila ngayon. Bye na! Toodles! Ang dyosa ko
woot!"

Nakangangang ibinaba ko ang phone habang nakatingin lang ako roon. Hanggang kailan
talaga ang babaeng iyon. Matino naman si tito Craige, ang ama ni Athena. Pero
pakiramdam ko lahat ng matinong genes ni tito ay umiwas dahil mas malakas ang
'force' ng genes ni tita Althea. Kaya nga walang pinagkaiba ang mga ugali nila.

Napapitlag ako ng pumainlang ang ring tone ko. That didn't take long. Kinakabahang
sinagot ko iyon at itinapat ko sa tenga ko. "H-Hello?"

"Did you lied to us?"

Napakagat labi ako sa mahinang boses ni momma Wynter. Hindi ko siya masisisi.
Pagtapak pa lang ni Athena sa BHO CAMP ay malamang sa hindi ay alam na nilang hindi
ako kasama pag-uwi. Sa sandaling iyon paniguradong pinatrack na nila ako.

Hindi naman mahirap. Hindi ko naman sinekreto ang paglayo ko.

"I did, momma. I'm sorry."

I whispered.

"Maiintindihan ka naman namin, Snow, kung nagsabi ka kaagad. Hindi mo naman


kailangan pang magtago sa likod ni Athena."
"I just...I just don't want to make a scene, momma. Ayokong magpaalam na parang
hindi na ako babalik."

Sandaling katahimikan ang namayani. Pagkaraan ay narinig ko ang pagbuntong hininga


niya. "Babalik ka pa ba?"

"I don't know." I whispered.

"Snow...please. Just be honest. Nandito ang papa mo na nakikinig, nandito din ang
mga kapatid mo. Be honest with us."

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tinungo ko ang living room ko. Umupo ako sa
couch at tumingala habang nanatiling hawak ko ang aparato. Paano ka ba sisimulan ng
hindi sinasabi lahat? Kailangan ko pa bang itago?

Napapagod na ako.

"Kapag nandiyan ako, pakiramdam ko nauubos ang lakas na natitira sa akin. Kasi,
momma, nagkamali ako. I love him but I'm hurting him and myself...more and more
each second that I'm there. Pagod na ako na tumakbo sa nararamdaman ko sa kaniya.
Pero nang harapin ko iyon wala din naman akong choice kundi umalis. Para sa aming
dalawa. Momma, I can't tell you everything. Alam ko na pamilya ko kayo at hindi
niyo ako pababayaan pero kailangan ko 'tong harapin na mag-isa." Nang wala sa
kanila ang nagsalita ay nagpatuloy ako. "Understanding that I can never have
him...it didn't broke me. Pakiramdam ko lang nawala ang pagkatao ko. Dahil
idinepende ko sa kaniya lahat. Pero unti-unti, nahahanap ko ang sarili ko.
Napapatunayan ko na kaya ko. And I needed that. I need

to know that I can live without him. It won't make it less painful but it makes it
bearable."
"Snow?" narinig ko mula sa ibang boses sa kabilang linya ng aparato.

"Papa?"

"As your father, what I want to is to take you home and wrap you in a security
blanket. Gusto kong siguraduhin na hindi ka masasaktan. Kasi kahit nasa tamang edad
na kayong magkakapatid ay hindi mababago niyon ang katotohanan na anak namin kayo
ng momma niyo. My first priority will always be keeping you safe and your
siblings."

Pinahid ko ang kumawalang luha mula sa mga mata ko. "Pa..."

"But no matter how hard it is, it also our duty as your parents to let you go.
Accepting that we can't do anything but watch as you fly on your own."

"Pa-"

"May ipapadala kaming supplies ng momma at ng mga kapatid mo diyan sa tinutuluyan


mo. Hindi ka namin pupuntahan hanggat hindi mo pa gusto pero gamitin mo ang
supplies. Mahirap magutom. Iba ang mga pagkain diyan mamaya hindi naman pala
maayos."

Narinig kong may humikbi sa kabilang linya. Boses ni momma. "Mom-"


Tinignan ko ang cellphone at malungkot na ngumiti ako ng makita kong patay na ang
tawag. Siguro pinatay na ni Papa. Ayaw lang siguro nilang iparamdam sa akin na
gusto na nilang bumalik na ako.

"I love you, guys."

NAPAILING na lang ako ng mapatingin ako kay BDW na kasalukuyang nakikipaglambingan


sa boy friend niya na si Deck. Hindi katulad kapag puno ang tao

ay mukhang hindi na masungit ang lalaki. Mukha ngang game na game pa sa kaharutan
ni BDW.

"Dick, my love, later okay? You know...some loving in the air?"

"It's Deck. And what? I don't think that's possible, babe."

Napakagat labi ako. Kung uso lang dito ang kwentong aswang baka iyon pa ang unang
maisip ng banyagang si Deck. Na lilipad sila at doon magmamahalan. Pero...may lugar
pa kapag na in love ka? Hindi ko gets.
"Dick, I know. You keep on repeat twice, thrice, fourice me calling your name. I
know okay? I'm not stupid or deep."

"Okay, babe."

"Anyway. You and me, later. Stranger making the most of the dark. Two by two our
bodies become one. Gets?"

"Oh!" Napatingin sa gawi ko si Deck at namula ang mukha niya. "I get it now. Sure.
Later."

Inalis ko na ang paningin ko sa kanila. Parang naiintindihan ko ang pinag-uusapan


nila. Iyong pinakamatino kasi na English ni BDW ay galing sa kantang Crazy For You.
Ang lakas talaga ng loob ng babae. Pero kung sabagay wala na namang customers.
Madaling-araw na kasi at kanina pa ang mga iyon nagsi-alisan. Natira na lang kaming
mga staff para mag-ayos.

"I want to scratch my eyes out whenever they do that."

Nilingon ko ang nagsalita. Si Taylor. Isa sa mga babaeng waitress. Bahagya akong
nagtaka sa ginawa niya. Minsan lang kasi siya magsalita. Kaya mababa lang din ang
tip na bigay sa kaniya. Hindi kasi siya approachable. Parang ang dami laging
iniisip.

"Ah. Yeah." I said.

/>
"Can you finish number 3? I really need to go."

Tinanguhan ko siya. Hindi man nagpasalamat na tumalikod na siya papunta sa staff


room kung saan may daan papunta sa back door ng Steam. Ikinibit balikat ko na lang
ang ginawi niya.

"Snow!"

Si BDW. Parang donya na nakaupo pa rin siya sa couch habang si Deck naman ay
nakatayo na. "He will swipe the table 3 and wash the dirty- Hay. Pagod na akong mag
English. Ayun, siya na bahala sa table 3 at siya na din ang maghuhugas ng mga
natirang hugasin. Kahit mauna ka na umuwi. Pakisama na lang iyong trash bag palabas
ha?"

"Sige. Kayo na ba ang magsasara?"

"Na-lock ko na yang sa harap. Ako na magsasara at magpapatay ng mga ilaw. Masikip


kasi sa tinutuluyan kong boarding house. Si Deck naman naka-boarding din. Wala
kaming ibang lugar na...you know."

Kumunot ang noo ko. "Ha?"

Humagikhik siya. "Walang ibang lugar na pwede kaming maglaro ng apoy. Ano ka ba
girl!"

Tumango-tango ako kahit medyo naguguluhan. "Basta mag-ingat kayo. Baka magkasunog
pa dito."

Lalong napahagikhik ang babae na para bang kinikiliti. "Ikaw talaga. Hindi pa naman
ako ganoong ka-hot."

Ilang sandali lang ay dala-dala ko na ang trash bag at palabas na ako sa back door
ng Steam habang iniisip ko pa rin ang sinabi ni BDW. Ayoko naman silang paghinalaan
ng masama kasi masama iyon. Ang alam ko kasi negosyo ng pamilya ni Deck ang mga
fireworks. Baka naman iyon ang tinutukoy.

Ayoko namang

isipin ang iba pa na maaari nilang gawin sa loob. Sabihin pa ang malisyosa ko. Saka
ang 'paglalaro ng apoy' hindi naman ibig sabihin niyon eh make love di ba? Eh ang
tagalog niyon ay pagtatalik. Iyon kasi ang nakita ko sa Google.

Ang lalim nga ng tagalog eh. Mas madali pa intindihin ang English. Kung playing
with fire naman, that pertains to actions that can cause unpleasant results. Ang
layo naman kung iyon ang sinabi ng babae.

Ay ewan! Bakit ko ba iniisip ang mga kalokohan ni BDW?

Nang makalabas ay inilagay ko lang sa isang tabi ang itim na trash bag kasama pa ng
iban pang basura. Doon kasi nilalagay iyon at sa umaga may kukuha na niyon.
Tatalikod na sana ako papunta sa kabilang panig ng eskinita kung saan nandoon ang
daan papunta sa tinutuluyan ko ng mapatingin ako sa harapan ko. May dalawang lalaki
na tumatakbo at may dala-dalang bag.

Napakunot noo ako. Parang bag ni Taylor.


Humakbang ako palapit sa direksyon na tinakbuhan ng mga lalaki ng may maapakan ako.
Nagbaba ako ng tingin para tignan kung ano iyon. Napasinghap ako kasabay ng
panlalaki ng mga mata sa aking nakita.

"Taylor?!"

Lumuhod ako sa sahig at kaagad na tinapat ko ang tenga ko sa dibdib ng babae na


nakahandusay sa sahig. No heartbeat.

Inilagay ko sa tapat ng dibdib niya ang nanginginig kong mga kamay ngunit kaagad ko
ding binawi iyon ng maramdaman ko ang pagkabasa ng kamay ko. I looked atmy hands
and bit my lip when I saw the blood stain.

"Help!" I shouted. "Deck! Help please!"

Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan ng back door. Walang salita na pumasok
ulit sa loob sa BDW para siguro tumawag sa 911 habang si Deck naman ay lumuhod sa
tabi ko at nagsimulang i-CPR si Taylor.

I can remember dimly a lesson about this before. CPR during chest wound will only
have a small effect during CPR against the current status which is worse than the
wound and that is the lack of pulse or heart beat.

Pakiramdam ko ay nawala lahat ng alam ko sa mga ganitong bagay. Kung meron man ay
hindi ko iyon maalala. I never feel this kind of panic before. Dahil dati laging
may back up. Laging may gagawa ng paraan para sa akin.
I'm a failure as an agent. Not because I can't be one...but because I didn't tried
hard to be a worthy one. I never felt the passion...of saving...protecting...

Hinawakan ko ang kamay ng babae at hinanap ko ang pulso niya pero wala akong
maramdaman.

I'm sorry. I'm so sorry.

=================

CHAPTER 18 ~ Dispatch ~

CHAPTER 18

SNOW'S POV

Hinihingal na tumigil ako sa ginagawang push up exercise ng marinig ko ang tunog ng


timer ko. Mabilis na tumayo ako mula sa pagkakadapa at kinuha ko ang maliit na
device na nasa harapan ko at tumakbo ako palapit sa microwave oven na nasa gitna ng
sala.

Kung may makakakita lang sa akin ngayon ay siguradong maweweirduhan iyon sa


ginagawa ko at ayos ng condo ko. Nasa gilid kasi lahat ang mga gamit para mag bigay
ng malaking espasyo sa gitna ng sala kung saan naroroon ang iba't-ibang klase ng
training equipments. At ang pinakakakaiba ay ang microwave na may laptop sa ibabaw
at may kung anong key pad na nakadikit sa salamin niyon.

I'm currently training. Both field and experiment department. Puro strength
training ang ginagawa ko dahil iyon ang kinatatamaran kong gawin noon at sa
experiment department naman ay bumalik ako sa basics.
Deciphering codes and hacking.

Dahil wala ako sa BHO CAMP ay nag improvise ako. Ngayon ay kasalukuyan kong
pinagsasabay ang field at experiment. Habang ginagawa ko ang resistance training ay
kasalukuyang ng automatikong niluluto ang code sa laptop. Tutunog ang timer ko
saktong pagkapasok no'n sa device na ikinabit ko sa salamin ng microwave ang code
at i-lo-lock niyon ang mirowave at hindi ko mabubuksan hanggat hindi ko nalalaman
ang bagong code.

Kapag hindi ko iyon nabuksan ay masusunog ang popcorn na nasa loob niyon. Right
now, I have two burned popcorns and four yummy ones.

Ganito ang pag-aaral

noon sa Experiment Department. Madali lang naman para sa akin ito noon dahil isang
code lang naman ang pinabubukas sa amin. Kapag nag reset sa ibang agent naman
ipapagamit. Isa pa, noon kasi mas mahaba ang binibigay sa amin na oras.

Freezale sent me the software and now here it is.

"Okay." I murmured and clicked the timer.

Lumabas sa maliit na screen niyon na mayroon lang akong apat na minuto para
mabuksan ang microwave.

Mabilis na tumipa ako sa laptop. Kung hindi ko magagawang i-identify ang codes ay
pwede ko namang gamiting ang mga virus para bumukas iyon ng kusa. Ang problema may
ibang mga code na inilalabas ito na mayroong naghaharang sa ipinapasok ko dito na
virus.
Iyon ang rason kung bakit may dalawa na akong sunog na popcorn. Iyong isa nang
pasukan ko ng malware ay naging dahilan para bumilis ang oras imbis na pabagalin
iyon. That's how tricky it is.

Napakunot noo ako ng tumunog ang door bell ng unit ko. Imbis na tumayo at tignan
iyon ay nanatiling tutok ang atensyo ko sa laptop habang ang mga kamay ko ay hindi
tumitigil sa ginagawa nito.

I need to bypass the firewall so I can input the virus.

Muling tumunog ang door bell. Kinagat ko ang ibabang labi ko at pilit na nag pokus
pa rin ako sa ginagawa. Pero unti-unti na akong nawawala sa konsentrasyon lalo na
ng gawing laruan ng kung sino man ang nasa labas ang door bell ko.

My fingers were a blur as it move at the pads while my eyes are darting from side
to side as I read the codes.

Halos hindi na ako humihinga ng huling trenta segundo na lang ang natitira sa akin.

20 seconds, the firewall is down.

10 seconds, virus infiltrating the system.

Hinawakan ko ang bukasan ng microwave habang tutok na tutok ang mga mata ko sa
screen. 5...4...3...2...
"One!" sigaw ko kasabay ng marahas kong paghila sa bukasan ng microwave.
Nakangiting inilabas ko ang popcorn. "Ouch!"

Mabilis na inihagis ko ang pakete ng popcorn sa tray na nasa coffee table.


Napangiti ako at tumayo habang nakapamewang na nakatingin sa mga iyon. "Five. Not
bad, Snow, huh?" tinapik ko pa ang sarili kong balikat. "Good job-"

Naputol ang pagpuri ko sa sarili ko ng muling tumunog ang door bell. Napangiwi ako
at tinungo ko ang pintuan. Pinindot ko ang screen digital peephole viewer at
binuksan ko ang pintuan ng makita ko roon ang pamilyar na delivery guy.

"Delivery, Miss Night." naiinip na sabi ng delivery man at itinulak palapit sa akin
ang isang malaking box. Bago ko pa matanong kung kanino nanggaling ay may inabot
siya sa akin na papel at pinapipirmahan iyon.

Tinignan ko ang sender at napangiti ako ng makita ko ang pangalan ni Papa. Mukhang
ito 'yong sinabi nila na supplies. Hindi ko alam kung paano iyon nakarating agad
pero hindi na ako magtataka kung pribadong eroplano ang ginamit nila para magpadala
dito. Kasi kung normal na delivery mula Pilipinas hindi ito makakadating ng
dalawang araw lang ang pagitan.

"And this." the delivery guy said and hand

me a small parcel.

Tinignan ko ang parcel na dumating kada sabado. Galing na naman sa kaniya. I wonder
what it says now...
"That's an expensive letter don't you think so?" the guy said. He was the one
delivering the parcel every Saturday.

"It's not a letter." I said, smiling. "It's a note."

"Huh."

Nginitian ko lang siya at inabutan ng tip bago ko tinulak ang box papasok sa loob
ng condo unit habang sa isang kamay ay mahigpit na hawak ko ang Saturday Note ko.

NILAGAY ko sa box sa ibabaw ng mini bar ang tip na ibinigay sa akin ng customer.
Doon ko nilalagay lahat ng tip na natatanggap ko imbis na itago iyon.

"Ang dami mo ng nalalagay ah. Baka wala ka ng ipangkain niyan, girl."

Nilingon ko si BDW na kasalukuyang gumagawa ng cocktail drinks. Wala na kasi ang


mga 'coffee customer' namin dahil maghahating gabi na. Ang mga party people na ang
mga naririto.
"Hindi naman. Kawawa din kasi ang pamilya ni Taylor. Masyadong malaki ang burial
niya eh nag-aaral pa ang mga kapatid niya."

"May nagbayad daw ng bills ah. Hindi nga nila alam kung sino. Pero mabuti na lang
din at least nabawasan ang gastusin nila."

Tumango-tango ako. Alam kong concern din si BDW kay Taylor kahit pa sabihin na
halos wala naman itong kasundo sa mga nagtatrabaho dito. Hindi ibig sabihin niyon
ay deserve niya ang nangyari sa kaniya. No one deserve to die like that.

Kaya nga kapag si Taylor

ang pinag-uusapan namin ni BDW ay hindi niya magawang gamitin ang English language
niya. Dahil nagiging seryoso kami kapag iyon ang pinag-uusapan.

May tatlong kapatid si Taylor. Ang ama niya ay lasenggero at tanging ang ina niya
ay si Taylor lang ang nagtatrabaho. Ngayon na wala na si Taylor mahihirapan sila.

Kaya hindi ko na rin napigilan na hindi makielam.

And to be honest, I feel guilty. Dahil wala akong nagawa. I know I shouldn't feel
this way. Hindi naman inaasahan ang mga pangyayari. But I just can't erase that
memory from my head.

Binayaran ko ang burial ni Taylor at hindi ko iyon ipinaalam sa pamilya niya. Hindi
na nila kailangan malaman.
"Pero mag-iingat ka din, girl. Delikado na talaga dito. Hindi naman si Taylor ang
unang nadisgrasya dahil sa mga nakawan dito."

Kumunot ang noo ko. "Matagal na bang may nangyayaring ganito?"

"Wala pang isang taon. Iyong huling atake tatlong buwan na ang nakararaan. Ang
nakakapagtaka sa pangyayari na 'yon eh wala namang nawala sa biktima." nagalingon-
lingon ang babae at pinalapit ako sa kaniya. "At alam mo ba ang nakakatakot pa
doon?"

"Ano?"

"Puro mga nagtatrabaho sa mga lugar na katulad nitong Steam ang nabibiktima. Mga
waitress o bartenders."

Magtatanong pa sana ako sa kaniya nang may lumapit sa mini bar na customer. Bumalik
na rin ako sa trabaho ko pero hindi ko pa rin maialis ang isip ko sa sinabi niya.
Nagkataon lang ba talaga o may nangyayari ng iba sa lugar na

ito?

Hindi naman nakakapagtaka na may nangyayaring nakawan sa isang lugar. Pero ang
nakakapagtaka ay ang pagpatay sa mga biktima. Maliban na lang kung lumaban ang mga
ito. Idagdag pa ang sinabi ni BDW na mayroon daw isa na hindi naman daw nawalan.

"Hand this together to table first." sabi ni BDW at nagbaba ng tatlong klaseng
alak.
Nilagay ko ang mga iyon sa tray ko at tinungo ko ang table number 1. Nakasanayan ko
na ang pagtatrabaho rito bilang waitress. Isang bagay na bihira kong gawin sa BHO
CAMP noon.

Hindi naman ako gaanong nahirapan sa pagtatrabaho dito dahil mabilis naman akong
magmemorya ng mga bagay. Iyon nga lang hindi miminsan na sinasagip ako ni Deck o ni
BDW sa mga lalaking ayaw akong pakawalan kapag nag se-serve ako. Lalo na iyong mga
hindi naman tagala taga dito at dumadayo lang.

"Two Jack and Coke and one Gin and Tonic." I said as I placed the drinks at the
table.

Akmang aalis na ako ng magsalita ang isa sa kanila, "Are you new here?"

Nakapaskip pa rin ang ngiti sa mga labi na humarap ako sa tatlong lalaki na
namumula na ang mga mukha sa kalasingan. Hindi naman sila mukhang mga goons katulad
ng ilang pumupunta rito. Para ngang galing pa sila sa office. "Yes."

"You have a man?"

Pinigilan kong mapakunot noo. Tinatanong niya ba kung may boyfriend na ako? Ang
sabi ni BDW kapag daw may nagtanong sa akin ng ganito ang sabihin ko daw meron na.
"Ah, yes. He's waiting for me at home."

Tumango siya at nagbaling

na ng tingin sa iba. Nagpaalam na ako sa kanila at tumalikod pero bago 'yon ay


nakita ko na ang tinitignan nila. Ang isa sa dalawang bagong waitress na nag apply
isang araw bago ang nangyari kay Taylor.
Isa sa kanila ay Pinoy habang ang isa ay native american.

Lumapit ako sa mini bar at inintay ang drinks na ginagawa ni BDW. Nang humarap siya
sa akin ay bahagya akong umuklo sa kaniya at bumulong. "Kilala mo ba iyong mga
lalaki sa table 1?"

Tumingin siya sa tinutukoy ko bago sumagot, "Oo. Iyong isa sa kanila dating ka-date
ni Taylor."

"Ahh."

"Hindi ko gusto iyang lalaki na iyan. Minsan kasi narinig ko siya kung paano
makapagsalita kay Taylor. May pinapakuha siya eh ayaw ni Taylor pumayag. Sigurao
dahil naka duty siya nang mga oras na iyon."

"Iyong mga kasama niya okay naman?" tanong ko.

Tinignan niya ako ng mataman. "May gusto ka ba sa isa sa kanila? Nako, girl. Kung
ako sa'yo iwas ka na lang sa kanila."

"Bakit? May mga ginagawa ba silang hingi maganda?"


"Hindi naman sa ganoon. Iyon nga lang mga sawi iyan. Kung hindi namamatayan ng
girlfriend bigla naman silang tinatakasan at hindi na nagpapakita."

Parang may kung anong nagbubulong sa akin na kailangan kong pag-aralan ang kilos ng
mga lalake. Muli akong tumingin sa kanila. Hindi ko na kailangan mangamba na makita
nila akong pinagmamasdan sila dahil kasalukuyan silang nakatingin pa rin sa
dalawang bagong waitress. Partikular sa Pinay na kasalukuyang ngiting-ngiti na
kausap ang

iba pang mga customers.

Maaaring coincidence lang ang lahat. Baka hindi ko naman kailangang ikaparanoid ang
mga napapansin ko. Pero...kung may isang bagay na itinuro ang BHO CAMP na hindi ko
makakalimutan ay iyon ang iwaksi sa isipana ng salitang 'coincidence'.

Na lahat ay maaaring maging lead.

PHOENIX'S POV

Tinignan ko ang mahimbing na natutulog na si Mira. Nakabaluktot siya sa sofa at


halata na hindi siya komportable sa pagkakahiga. Ilang linggo na siya na ganito.
Hindi siya umiimik at aligaga siya.
Ilang beses akong nagtanga na tanungin kung ano ang problema niya pero kada gagawin
ko iyon ay nag pa-panic siya at bigla na lang umiiyak.

I hate seeing her like this. Kahit pa na sabihing naguguluhan din ako. Na
nahihirapan ako sa sitwasyon namin, hindi maiaalis niyon na asawa ko si Mira...at
mahalaga siya sa akin. Ang totoo, kinailangan ko din siya katulad na kinailangan
niya ako.

She needs security...someone to protect her. And me, I needed someone to love.
Someone I can move forward with.

Umuklo ako sa kinahihigaan niya at binuhat ko siya. Gumalaw siya pero hindi siya
nagising. Binuhat ko siya hanggang sa kwarto namin. Marahang ibinaba ko siya sa
kama at kinumutan.

Muli akong bumuntong-hininga. Umupo ako sa gilid ng kama at hinawi ko ang buhok na
tumatabing sa mukha niya.

"I'm sorry, Mira."

The hardest part is knowing that I love her yet I'm not in love with her. I failed
to see the difference before. But I won't leave her...not when she still needed me.

Hindi siya dapat masaktan ng dahil sa akin. Pero iyon pa rin ang ginagawa ko.

I know that someday...I might leave her. Tanggapin man ako ni Snow ulit o hindi, it
doesn't matter. I just can't keep on doing this to them.
Inalis ko ang tingin ko sa kaniya ng tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko iyon ng
makita ko na si Dawn ang tumatawag. "Hello?"

"You have a mission."

Tinignan ko si Mira."Wala bang ibang agents na pwedeng kumuha ng mission na 'to?"

Sandaling katahimikan ang namayani sa kabilang linya. Pagkaraan ay nagsalita si


Dawn, "Wala. Ikaw lang ang available na agent para sa mission na 'to."

I sighed. "Upper mission?"

"No. Don't worry, hindi magtatagal ang mission na ito. Four days at most. Pero sa
tingin ko matatapos mo naman agad."

"Sum up?" I asked resignedly.

"Robbery and murder."

______End of Chapter 18
=================

CHAPTER 19 ~ Restrain ~

A/N: Hanggang chapter 30 pa ang nobelang ito. Chill lang po tayo. Salamat sa pag
iintay!

SHOUT OUT sa Tito Jon-jon ko na dahilan para mabuo ko ang chapter na ito. Ilang
araw na kasi niyang ginagawa ang pintuan namin habang ako ay hamak na audience XD
Rock on!

CHAPTER 19

TRITON'S POV

Nanatiling nakatingin ako sa tablet ko at nagbabasa ng balita. Kasalukuyan kasi


akong nakasalampak sa sofa ng office ng asawa kong si Dawn habang siya ay nakaupo
sa likod ng desk niya at kausap si Freezale.

"Iyong mission sa bataan si Athena at Hera at ang kumuha. Matagal ding nawala si
Athena kaya siguro inip na inip na na magkamission." pagbibigay alam ni Dawn. "Puno
ngayon ang mga agents kaya pakisabihan ang experiment department na double time
tayo ngayon."

"Any international mission?" Freezale asked.

"Ah, yes." sabi ni Dawn na binabasa ang mga files. "Seattle, Washington. Robber and
murder. I gave Phoenix the mission. Ilang oras na lang siguro lalapag na ang
eroplano niya roon."

Napatigil ako sa binabasa at gulat na napatingin sa kanila. Mukhang kahit si


Freezale ay hindi makapaniwala sa narinig. Kumunot ang noo ni Dawn sa reaksyon
namin."What?"
Imbis na sagutin si Dawn ay kay Freezale ako tumingin. "Hindi mo ba sinabi kay
Dawn?"

"I didn't." she whispered. "Akala ko ikaw na ang magpapaalam sa kaniya."

Umiling ako. "Hindi ko din nabanggit sa kaniya dahil nagkasakit si Vodka.

Nawala na sa isip ko ang tungkol sa bagay na iyon."

"Tell me what?" Dawn impatiently asked.

Napabuntong-hininga ako at nagpaliwanag, "Nasa Seattle din si Snow, sweet heart.


Konti lang ang nakakaalam na agent. Karamihan eh pamilya niya. Sinabi sa akin ni
Freezale para sana sabihin sa iyo. Hindi naman nagpapanic ang buong BHO CAMP sa
pag-alis ni Snow dahil hindi naman siya nagtatago. On vacation lang talaga siya."

Napasapo sa noo niya si Dawn. This past few months were stressful for the both of
us. Lalo na kay Dawn na bukod sa pagiging isa sa head ng BHO CAMP ay inaalala pa
ang munting supling namin.

"Sweetheart..."

Pinilig niya ang ulo niya at bahagya akong nginitian. "I'm fine." tumingin siya kay
Freezale. "Malaki ang Washington. Hindi naman sila siguro magkikita dahil mission
naman ang pinunta ni Phoenix."
Hindi sumagot si Freezale habang ako naman ay nakatingin pa rin sa asawa ko na kita
pa rin sa mukha ang pag-aalala. Dahil pare-pareho naming alam na kahit na gaanong
kalaki ang mundo...iba pa rin maglaro ang tadhana.

SNOW'S POV

Hinapit ko ang coat na suot ko at iniwas ko ang katawan ko sa mga tao sa paligid ko
na hindi naiiwasang mabangga ako. Nanatiling nakatingin ako sa lupa. Mabuti na iyon
bago pa ako mahagip ng kahit na anong CCTV camera.

Iyon ang pagkakaiba ng Pilipinas at America. Mas malinaw ang mga nagkalat na
security cameras sa paligid. Madaling ma-identify

ang mga tao. Sa Pinas kasi ay iyon ang isa sa pinakamahirap na bahagi ng trabaho
namin. Kapag hindi kasi galing sa BHO CAMP ang kuha sa CCTV camera na gamit ay
halos sumabog ang ulo namin kung paano mag identify ng suspect.

"Hey!"
Hindi ko pinansin ang lalaking tumawag sa akin na halatang nakainom. Nagtawanan pa
sila ng mga kasamahan niyang nakasakay sa motorsiklo at may mga hawak ng lata ng
beer.

Tuloy-tuloy akong lumiko sa isang eskinita. May iniswipe ako na card sa isang
pintuan ng lumang building roon at mabilis pumasok sa loob. Ibinaba ko ang suot na
bull cap at dumiretso ako paakyat sa hagdanan ng gusali. Mabuti na lang at wala ng
concierge sa gusaling ito. Iyong nagpapatakbo ay bihirang bihara lumabas sa unit
niya.

Hindi ito katulad ng unit sa condo na nirerentahan ko. Bukod sa delikado ang daan
papunta sa lugar na ito, malayo sa Steam ay ang baba din ng security.

Dalawang araw na ang nakakaraan ay nag renta ako ng unit sa gusali na ito. Hindi
naman anging mahirap at wala ng kinakailangan pang mga dokumento sa oras na
ipinakita ko ang bayad para sa loob ng anim na buwan. Kaagad kinuha iyon sa akin ng
landlord at basta na lang ibinigay sa akin ang susi sa unit 3C at access card.

Nang makarating sa palapag na kinaroroonan ng unit 3C ay bahagya akong nag-angat ng


tingin sa CCTV camera. Napailing na lang ako ng makita kong hindi gumagana iyon.
Lumang klase iyon ng security camera na kasing tanda na ata ng lugar na ito. May
maliit na ilaw iyon kung saan kapag pula ay ibig sabihin ay gumagana.

/>

Mula ng dumating ako rito ay hindi man iyon nabuksan kahit isang beses.

Imbis na tumapat sa unit 3C ay huminto ako sa 3D. Sandaling nakiramdam ako sa mga
kwarto na malapit sa kinaroroonan ko pero mukhang kung hindi abala ang mga ito sa
panonood ng TV katulad ng naririnig ko mula sa kinatatayuan ko ay ang iba ay wala
sa unit nila.
May hinugot ako na pin mula sa buhok ko at mabilis na ginamit ko iyon sa door knob.
Isang bagay ito na hindi ko makakalimutan sa BHO CAMP. Sa bagay na ito nga lang ata
ako nag enjoy noon lalo na kapag ginagamit ko kay kuya Thunder kapag pumapasok ako
sa kwarto niya at kumukupit sa alkansya niya. Hindi naman ako na-gu-guilty noon
dahil binabawi ko lang ang kinukuha niya sa alkansiya ko.

Mabilis akong pumasok ng mabuksan ko iyon at hindi ko binuksan ang ilaw. Ipininid
ko ang pintuan at sinigurado kong naka-lock iyon. Pangalawang araw ko na din
nakakapasok sa kwarto na ito.

Kwarto ni Taylor.

Nandito pa rin ang mga gamit niya na kakaunti lang din naman. Kaya siguro hindi pa
kinukuha ng pamilya niya. O maaari ding hindi pa pinagbibigay alam ng pamilya ni
Taylor sa landlord na namayapa na ang babae. Ayon kasi sa file na nakita ko ng
pasukin ko ang file room ng landlord ay magtatatlong buwan ng hindi pa nakakabayad
ng buo si Taylor.

Nang makarating sa loob ay nahahapong humiga ako sa sahig. Buong maghapon kong
sinundan ang grupo ng boyfriend ni Taylor. Wala akong napansin na kakaiba sa mga
kilos nila maliban sa ang dami nilang babae. Puro mga waitresses.

Kahit

anong gawin kong isip kung may kinalaman ba iyon sa pagkamatay ni Taylor ay wala
akong makuhang kongkreto na dahilan. Walang koneksyon.

Talaga nga bang simpleng nakawan lang ang naganap?


Gusto kong isipin na ganoon na nga. Na walang saysay ang mission na ito. Pero hindi
ko alam kung bakit pero nararamdaman ko...hindi pa ako pwedeng huminto.

Kahit sa kwarto na ito ni Taylor ay wala akong mahanap na kakaiba. Hindi ko nga
alam kung paano siya nabubuhay ng ganito. It's like she didn't even existed. Walang
pictures, walang sulat, walang kahit na anong nagpapatunay na totoo si Taylor.
Maliban na lang sa isa niyang uniform ng Steam na nandito at may pangalan niya na
nakaburda sa uniporme.

Tumagilid ako ng pagkakahiga mula sa kinahihigaan ko. Napakunot noo ako ng


mapatingin ako sa ilalim ng maliit na cabinet ni Taylor na nilalagyan niya lang ng
mga bill ng mga babayarin niya na malapit sa pintuan ng kwarto niya.

Tumayo ako at lumapit ako roon at bahagya kong inusog. Napabuntong-hininga ako sa
nakita. Screw driver lang pala.

Pabagsak na muli akong humiga sa sahig. "Seriously. Ganto na ba ako kabored sa


buhay ko at gumagawa ako ng sarili kong mission?"

It was fun living on my own and working at Steam. Pero ngayon ko nararanasan ang
mga nararanasan ng mga agents kapag wala silang mission. Noon masaya pa ako kapag
walang trabaho pero ngayon parang hinahanap iyon ng katawan ko.

And it's not just about the feeling of working as an agent that I missed. It's the
feeling that I take for

granted before...the feeling of happiness when I accomplished a mission by saving a


life or for giving justice to those who seek for it.

Naalala ko pa noong mga bata pa kami ni Freezale at kuya Thunder. Kung gaano kami
kafrustrated dahil hindi namin maipagmalaki ang mga nagagawa ng mga magulang namin
sa mga kaklase namin. Dahil hindi namin pwedeng sabihin.

I remember being scared waiting for them to come home and that surge of bliss when
our door opened and they came in. May dala-dala pa laging ice cream si momma at
papa para sa amin dahil alam nilang hindi kami matutulog ng maaga at iintayin pa
rin namin sila kapag galing sila sa isang mission.

Hindi isang tradisyonal na buhay ang pagiging anak ng mga agent. Hindi normal na
pamilya. Pero sa kabila niyon hindi nagkulang sa pagmamahal ang pamilya namin.

Ang naging problema lang siguro sa'kin ay masyado akong nakampate. Nasanay.
Hanggang sa hindi ko na maramdaman kung bakit ba ito ang ginagawa ko.

Nakalimutan ko na kung bakit ba ako naging agent.

And now I found it again. My reason...myself.

Muli akong napabuntong-hininga at hinagis ko kung saan ang screw driver. Lumagapak
iyon sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Taylor ngunit hindi iyon ang nakaagaw ng
atensyon ko kundi ang turnilyo na biglang tumalsik marahil dahil sa impact ng
pagbagsak ng screw driver.

Tumayo ako at kinuha ko ang turnilyo. Kunot-noong tinignan ko iyon. Nagpalingon-


lingon ako para hanapin kung saan iyon dapat nakakabit. Nang wala naman akong
mapansin

na kakaiba ay maingat na binuksan ko ang pintuan ng kwarto ni Taylor.


I rolled my eyes. "Maybe I have a screw loose that's why I'm doing this."

Ikinabit ko ang turnilyo sa latch ng pinto na kulang ng screw at ini-screw ko iyon


doon. Aalis na sana ako ng makabit ko iyon ng may mapansin ako. May mga sira sa
paligid ng latch ng door knob na parang ilang beses iyong binuksan. Maluwag din ang
.

Kinatok ko ang pinto at tunog walang laman iyon. Kadalasan kasi ang mga metal na
pinto ay may sealant at plastic sa loob.

"Okay. Kapag walang nangyari I'm done with this mission. Ibig sabihin lng no'n
paranoid lang talaga ako."

Muli kong tinanggal ang turnilyo ng door knob. Maingat na ibinaba ko iyon sa isang
tabi para kapag ibinalik ko na ulit sa dati. Nang matanggal ko iyon ay kinuha ko
ang maliit na pen light ko at inilawan ko iyon.

Inilusot ko ang daliri ko sa maliit na butas na siyang kinalalagyan ng door knob at


latch. I pulled it expecting a dry dirty sealant but to my surprise it's a piece of
paper. Kinuha ko ang screw driver at iyon ang nilusot ko sa butas. Sa pangalawang
pagkakataon ay may nahugot ulit ako na papel.

Dalawang beses ko pa iyong inulit at dalawang beses din akong nakakuha ng papel.

Inabot ko ulit ang pen light at sumilip ako roon. May namataan akong kung anong
pulang bagay na nandoon pero nasa pinakababang part at bahagya ng nahaharangan ng
mga natuyong sealant.
Tumayo ako at naghalughog ako sa kwarto ni Taylor ng maaaring maipangkuha

ko roon. Lumapit ako sa kama niya at naghalungkat ako sa bed side table pero wala
akong nakita. Sa kadesperaduhan ay iniangat ko ang mga unan niya at sa pagkagulat
ko ay may metal roon na mahaba at manipis.

"Anong bagay ang tinatago mo para gumawa ka ng ganitong paraan para itago ang mga
iyon?" bulong ko.

Kinuha ko ang metal at muli akong lumapit sa pintuan para gamitin iyon at abutin
ang pulang bagay na nakita ko. Sa isang kamay ay hawak ko ang metal na bagay habang
sa isa ay ang pen light.

Nararamdaman ko na ang pagtulo ng pawis ko sa paligid ng aking mukha pero hindi ko


pinansin iyon. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko hanggang sa tuluyan kong nasungkit ang
pulang bagay at hinila ko iyon pataas.

Napaupo sa sahig na pinagmasdan ko iyon. Pulang animo sobre iyon na may tali sa
itaas na siyang nasungkit ko kanina. Kunot noong binuksan ko iyon at napasinghap
ako sa nakita ko.

Money. Three denomination of one thousand dollar bill. Three thousand dollars!
Napalunok ako. Kung susumahin aabot ito ng higit sa isandaang libong piso sa pesos.

There's no way Taylor can have this kind of money just by working at Steam.

Sandaling nakatitig lang ako sa hawak ko bago ako nagpasya na ibalik iyon sa
lagayan. Ibinulsa ko iyon kasama ng mga papel. Sa unit ko na lang titignan ang mga
papel na iyon. Sa ngayon ay kailangan ko ng umalis rito.

Ibinalik ko ang door knob sa kinalalagyan nito. Akmang aalis na ako ng kwarto na
iyon ng may marinig akong mahihinang kaluskos mula sa main door ng unit. Munting
mga

galaw na para bang ingat na ingat sa pagkilos.

Inabot ko ang pen light at mabilis na pinatay ko iyon. Pumasok ako sa loob ng
kwarto ni Taylor at bahagya ko lang isinarado ang pintuan. Sapat para mas klarado
kong marinig ang nasa kabilang panig.

Ilang sandaling nakakubli lang ako sa likod ng pintuan ng marinig ko ang pagbukas
ng main door. Tahimik na kinuha ko ang baril sa holster ko.

Kung ang landlord ang pumasok o pamilya ni Taylor dapat ay bubukas ang ilaw. Pero
kung may iba pang pakay ang papasok ay hindi nito iyon gagawin.

Katulad ngayon.

Sa dahan-dahan na galaw ay sumilip ako sa pintuan. Hindi ko masyadong maaninag ang


tao na kasalukuyang naghahalughog sa mga gamit ni Taylor pero nasisiguro kong
lalaki iyon. Likod lang nito ang nakikita ko pero malaki ang bulto ng kaniyang
katawan.

Nang lumingon siya sa gawi ko ay mabilis na inilapat ko ang likod ko sa pader, ang
mga kamay ko ay mahigpit ang pagkakahawak sa baril.
I will try to get out of here without him seeing me. Pero kung hindi ko
magagawa...handa akong lumaban.

Pigil ang hininga na pinakinggan ko ang mahinang hakbang ng lalaki na kung normal
na tao ang nakikinig ay tila hangin lamang ang mga iyon. But I'm trained
differently.

Lumangitngit ang pinto ng binuksan iyon ng lalaki. Tuloy-tuloy siya sa loob habang
ang likod niya ay nasa akin. Kumilos ako paatras at patungo sa nakabukas na pintuan
ng biglang sa isang iglap at mabilis kumilos ang lalaki patungo sa akin.

Kaagad kong iniwasan ang mga kamay niyang umaabot sa akin at pinadulas ko ang
sarili ko pababa sa semento. Pinatid ko siya gamit ng mga paa ko at mabilis na
tumakbo ako patungo sa sala.

Ngunit mabilis din ang lalaki dahil naramdaman ko ang paghawak niya sa paa ko at
hinila ako pabalik dahilan para mapasubsob ako sa sahig.

I didn't stop moving. I twisted my body and kicked the man then I stand up again
and run. Nang nasa sala na ako ng unit ni Taylor ay muli akong inabutan ng lalaki.
Nagpakawala siya ng suntok na kaagad ko namang iniwasan. Hinawakan niya ako sa
braso at sinibukang ipiit iyon sa likod ko pero napigilan ko iyon.

He was fast and strong. Sa bawat galaw ko ay nakakagawa siya ng paraan para hindi
ako tuluyang makaalis. Marami akong agents na nakalaban sa training...magagaling na
agents. Ang iba sa kanila ay natalo ko.

But I never met a person other than the agents that can beat me with hand to hand
combat. Kahit hindi ako kasing galing ng ibang agents ay pagdating naman sa mission
ay hindi ako nagpapahuli.
Napaigik ako ng malakas na bumagsak ako sa sahig. Naramdaman ko ang bigat ng lalaki
na kinubabawan ako. Ang mga kamay ko ay pinagdikit niya sa ulunan ko sa pamamagitan
lang ng isang kamay habang ang mga binti ko naman ay inipit niya ng sa kaniya.

Sinubukan kong gumalaw para makaalis ngunit bago ko pa magawa ko iyon ay napapikit
ako ng tumama sa mga mata ko ang nakakasilaw na ilaw na nagmumula sa isang pen
light.

"Snow?!"

_______End of Chapter 19

=================

CHAPTER 20 ~ Want ~

CHAPTER 20

SNOW'S POV

Hindi kayang makalimutan ng buong pagkatao ko ang boses na iyon. Kung ang boses na
iyon ay hindi ko makalimutan, ang may ari pa kaya?

"Snow?! What the hell are you doing here?"


Pilit kong inaninag ang mukha niya pero hindi ko iyon makita. Pakiramdam ko ay
parang dam na kumawala ang mga emosyon ko. I'm yearning to see him. I can't help
it. It's a natural reaction for my heart to jump with joy...and it's also natural
that I can feel a twinge of pain.

Pinalis ko ang penlight na nakatapat sa mukha ko at ipinikit ko ang mga mata ko na


nasilaw ng lubos. Pagkaraan ay iminulat ko ang mga iyon.

Halo-halong emosyon ang nasa mga mata ni Phoenix. Pero isa ang natitiyak ko...iisa
lang ang nararamdaman namin.

"Hi, Nix nix." I whispered. "You're crushing me by the way."

Sandaling tinitigan niya ako na para bang hindi pa rin siya makapaniwala na nandito
ako ngayon sa harapan niya at pagkaraan ay nawala na ang bigat niya sa ibabaw ko.
Tinulungan niya akong makatayo.

"Hindi pa rin kita matalo." natatawang sabi ko.

Tumalikod siya sa akin at lumapit sa bintana ng unit at sumilip roon. "Anong


ginagawa mo dito, Snow?"

"Taylor...was my co-worker."

"Co-worker?" he inquired, still not looking at me.


"Nakahanap ako ng trabaho. I was bored and I decided to look for a job since wala
naman akong ginagawa. I'm really here for the vacation but..."

/>

"She died."

Tumango ako kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. "Yes. Hahayaan ko na lang
naman sana ang nangyari. Casualty during robbery is not uncommon. Ang kaso hindi ko
talaga kayang pabayaan ang nangyari. She died in my hands because I couldn't do
anything."

"It's not your fault."

"I know. But that doesn't change the fact that I could have done something. Nag
black out ako, Nix nix. Hindi ko maalala ang mga naituro sa atin at iyon ay dahil
wala doon lagi ang atensyon ko. Dahil hindi ko sinseryoso ang trabaho natin."

Humarap siya sa akin. Ilang pagitan lang ang layo niya sa akin pero alam kong
pareho namin nararamdaman ang layo namin sa isa't-isa. At alam ko na katulad
ko...ay pinipigilan din niya na tawirin ang distansiya na iyon.

"I'll handle this-"

Pinutol ko ang sasabihin niya. "Hindi kita gagambalain sa kung anong gagawin mo
pero hindi ako titigil. I'm doing this even without BHO CAMP's permission."
Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang
kuyom ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ko. I'm stopping myself from running to
him. I need to remember why I left.

I didn't left so I could forget him. I just walked away from the pain. Hindi madali
makalimot at sa tingin ko hindi posible. Sa tingin ko kasi kapag nagmahal ka, kahit
ano pa ang maging ending, hindi mo magagawang burahin ang nararamdaman mo para sa
kaniya. Maaaring may dumating na mas mamahalin mo...o tatanggapin mo na lang na
hindi

mo magagawang magmahal ng mas higit pa sa ibinigay mo sa kaniya.

"Snow..."

"If you want to make sure that I'm safe then let me come with you. One way or the
other hindi din naman ako magpapapigil."

He brushed his hair up in exasperation. Kilala naman niya ako. Natural na ata sa
akin ang pagiging matigas ang ulo. "Fine."

Bahagya ko siyang nginitian at ilang sandali lang ay naiiling na sumilay ang maliit
na ngiti sa mga labi niya.

Hindi ko matitiyak kung anong mangyayari pagkatapos. Kung kakayanin ba ng puso ko


na sanayin ulit ang sarili ko na wala siya pagkatapos nito. But all I'm sure is I
will never stop trying...

On waiting...
On living...

On moving forward.

PINAGMASDAN ko si Phoenix habang inililibot niya ang paningin sa unit ko. Umalis na
kami sa apartment ni Taylor at binakante ko na rin ang kinuha kong unit sa tabi ng
kwarto niya. Hindi ko na kailangan manatili roon dahil nakuha ko na ang pakay ko.

"Sorry ha? Medyo makalat." sabi ko sa lalaki habang dinadampot ko ang ilang mga
libro na nagkalat sa sahig.

"You're training." he said, instead.

Tinignan ko ang tinitignan niya. Ang mga training equipments at ang weirdong
microwave na nasa gitna ng sala. "Ah, yes. Marami naman kasi akong oras. Nakakainip
din palang walang ginagawa." itinuro ko ang sofa. "Upo ka muna. Kukuha lang ako ng
maiinom mo."

Bago pa siya makapagsalita ay tinalikuran

ko na siya at tinungo ko ang kusina. Kumuha ako roon ng canned juice at bumalik ako
sa living room. Inabot ko sa kaniya iyon bago ako sumalampak sa sahig. Pilit
iwinawaksi ang awkwardness sa paligid na inilabas ko ang mga nakuha ko sa pintuan
ni Taylor. "Nakita ko 'to sa loob ng door panel ni Taylor."
Kumunot ang noo ni Phoenix. "Door panel? Bakit naman niya doon itatago?" binuksan
niya ang pulang maliit na wallet. Bumakas ang pagkagulat sa mukha niya.

"Imposible na magkaroon ng ganiyang kalaking pera si Taylor. Pwedeng kaya nangyari


sa kaniya ang bagay na iyon ay dahil hinahanap nila ang perang iyan." pagbibigay
alam ko.

"Alam mo na ang ang eksaktong nangyayari?"

Umiling ako. "Hindi. But I have a hunch about Taylor's ex and his friends. Maaaring
sangkot sila sa nangyayari."

Tumango-tango si Phoenix. Umangat ang kamay niya kasabay ng pag-angat ng kamay ko


para kunin ang isang papel. Nagdikit ang mga kamay namin at kaagad naman akong
nagbawi. Patay malisyang kumuha ako ng ibang papel.

Tumikhim si Phoenix at binasa ang papel habang kinakausap pa rin ako. "Grupo ng mga
lalaki ang suspect sa mission na ito. Nakarating sa BHO CAMP ang mission dahil may
isang Pilipina ang naging biktima. Ayaw namang pagtuunan ng kinauukulan ang issue
na ito dahil marami pa raw silang mas kinakailangan na intindihin. Dawn decided to
do this free of charge."

"Ano ba ang eksaktong ginagawa nila?"

Inabot sa akin ni Phoenix ang papel na hawak niya at binasa ko naman ang

nilalaman niyon.
He's different. I can feel something off with him but I tried to understand him at
first. But I should have listened to my intuition before. He's not the man that I
fell in love with. It started with his interest in my job...then it grew weirder
when he asked about the income of the place. -T

Nag-angat ako ng tingin kay Phoenix bago ko pinagpatuloy ang pagbabasa iba pang mga
papel.

I'm trapped. I'm scared that he will do something to me or my family if I don't do


what he asked me to do. I hate it. I hate stealing at Steam. I don't want to do it
but he's pushing me to steal. To give him all the money.

I'm not the only one. My co-worker Lilly was terminated from Steam because she was
caught stealing. The thing is, because of her, they now know the amount that Steam
is holding. And they are expecting me to get it. -T

Ilan pang letra ang mga binasa ko. Lahat ng mga iyon ay nagsasabi kung paano siya
inuutusan ng boyfriend niya sa pagnanakaw. Kung paanong itinabi niya ang ilan na
hindi nahahalata ng lalaki para mabalik ulit iyon sa Steam.

"Kinukuha nila ang loob ng mga babaeng sa tingin nila ay madali nilang mapapasunod.
Pagkatapos ay iyon ang ginagamit nila sa pagnanakaw."

Tumango si Phoenix. "Paniguradong hindi nila ibinibigay ang totoo nilang pangalan.
Ang kailangan natin ay makita ang kuta nila. Magagamit natin ang mga letra na ito
laban sa kanila pero kailangan natin ng mas konkretong ebidensiya."

/>

"Anong plano mo?"


"First we need to find them."

Sumilay ang ngiti sa mga labi ko. "Leave that to me."

PINIGILAN kong mapaniwi sa ingay ng mga customer ngayong gabi. May mga dayo at
sobrang ingay dahil mga lasing na. Kadalasan naman talaga sila ang magugulo kapag
mga nakainom na.

Tinanguhan ako ni BDW na nagbaba ng limang drinks sa harapan ko. Nginitian ko lang
siya at inilagay ko sa tray ang mga inumin at ibinalanse ko iyon sa isang kamay.
Waang kahirap-hirap na na-i-serve ko iyon sa mga customer.

"Why don't you hang out with us, Miss?" asked a man whose currently holding his
fifth bottle of hard liquor. "It would be much more enjoyable with you, hmm?"

Umangat ang kamay niya para hilahin ako pero mabilis akong naka-iwas. Nanatiling
nakangiti na hinarap ko ang lalaki. "I'm working, sorry."

"After?" he slurred.

"I'm going home with my boyfriend after."


"Aw...bummer!"

Kinindatan ko lang siya at tumalikod na ako para magtungo sa mini bar. Nakatalikod
sa akin si BDW na kasalukuyang ginagawa ang drinks ng customer na nakaupo sa dulo
ng mini bar.

Nanatiling natingin sa kaniya na bahagya kong sinulyapan ang lalaking nakaupo sa


high stool sa tabi ng kinatatayuan ko.

Phoenix.

"Are you okay?" he whispered.

"Yes." sagot ko sa kaniya habang nakatingin sa maliit na notebook na hawak ko na


animo ay may binabasa roon. "Hindi

na nawawala ang mga ganiyan. Noong una medyo nahihirapan ako pero tinulungan naman
akong makaadjust ng mga kasamahan ko."

Tumingin ako sa gawi ni BDW. Busy pa rin siya sa pagawa ng inumin sa kabilang panig
ng mini bar habang nakikipag kuwentuhan siya sa customer. Kasama din kasi minsan
iyn sa trabaho namin. Pero mas lalo na sa trabaho ni BDW bilang barista at
bartender.

Sa BHO CAMP kasi bihira akong makipag-usap sa customers. Looking back, I'm a bit of
a spoiled kid before. Well...not just a 'bit' actually.
Napailing ako sa naisip ko at nag-angat ako ng tingin. Saktong pagtingin ko sa
salamin ng mini bar ay nakita ko sa repleksyon niyon ang pagbukas ng pintuan ng
Steam. "Target entering the premises." I whispered and moved away from the bar.

Humarap ako sa mga papasok at may nakapaskil na ngiti sa mga labi na lumapit ako sa
bagong lapit. "Good evening, table one is still available."

Tinanguhan ako ng ex ni Taylor at nilagpasan ako. Habang ang iba pa niyang kasama
ay sandaling tinitigan ako bago nagkatinginan. Hindi pa sila aalis sa harapan ko
kung hindi sila tinawa ng ex ni Taylor na may kasama pang iling. Which I notice
that it was not as an expression but as a gesture for 'no'.

"Sorry about that, sugar. Val is an impatient drunkard. I'm Connor by the way."

Nginitian ko lang ang lalaki at hindi na ako nagsalita pa. Saglit na pinasadahan
niya ako ng tingin. Tingin na gustong ikapanindig ng balahibo ko.

Nang lahat sila ay nasa table one na ay saka

ako lumapit sa kanila at kinuha ang order nila at pagktapos ay muli akong bumalik
sa mini bar para ibigay kay BDW, na naghihintay na, ang order. Habang ginagawa niya
iyon ay bumulong ako kay Phoenix. "Target, white, Val. Target, Black, Connor.
Other's unknown."

Nang wala akong makuhang response sa kaniya ay bahagya ko siyang nilingon.


Natagpuan ko siyang kasalukuyang masama ang pagkakatingin sa gawi nila Val."Nix..."
Hindi siya umimik at nanatili lang siyang nakatingin sa salamin habang ang isang
kamay niya na may hawak na kopita ay mahigpit ang pagkakahawak roon na para bang
ilang sandali na lang ay mababasag niya na iyon.

Bahagya akong lumapit sa kaniya at marahang kinuha ko ang kopita ng alak, "Relax.
I'm fine."

Nagtama ang mga mata namin ni Phoenix. Pakiramdam ko ay napakaraming nais sabihin
ng tingin niya na iyon. Nais kong mag iwas ng tingin pero animo nakulong ako sa mga
matang iyon.

"Hey!"

Napapitlag ako at nag-angat ng tingin sa biglang pagsigaw ng kung sino man.


Natagpuan ko si BDW na nakaturo sa direksyon namin ni Phoenix. "You!" turo niya sa
akin. "And you hot handsome and drooling man! You together? Like lovers like me and
Dick?"

"Deck!" sigaw ng lalaki mula sa kung saan.

"Dick my love, I know!" sigaw din ni BDW. Muli niya kaming hinarap, "But you two!
Are you like this?" tanong niya at ipinagdikit ang dalawa niyang hintuturo.

"Hindi-"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni
Phoenix

kasabay ng pagtakip niya ng kamay sa bibig ko. "Yes, we're together."

Umirit ng pagkalakas-lakas si BDW. "HOMHAYGHAD you is handsome GQ ha!"

Umangat ang sulok ng labi ni Phoenix at inabot niya ang kamay niya kay BDW na
parang bulateng nagkikikisay na tinanggap naman iyon. "I'm Nico."

"Hi Nico! You know Stick-o? You're that! Tall and...and...very yummy! I'm Berlinda
Dimayukyukan Walangsala from Seattle, Washington! I'm confidently with a heart and
beautiful! "

Pinanlakihan ko ng mga mata si Phoenix ng magbaba siya ng tingin sa akin para


bitawan ako pero nangingiting nanatili niya akong hawak. "Berlinda-"

"You can say to me BDW." nag bu-beautiful eyes na sabi ng babae.

"BDW, I just wanna ask if Snow can leave early. I only have two days here in
Seattle and I really want to spend some time with her."

"SURE!" malakas na sabi ni BDW. "You can stranger making most of the dark! You,
Snow, go home! Later okay? Very early. I can handle this you know? I'm strong."

Pilit na tinanggal ko ang kamay ni Phoenix at nginitian ko si BDW. "Thanks, BDW! I


owe you one."
She waved her hand as if saying it was nothing and went back on what she was doing
before. Nang mukhang absorb na naman siya sa ginagawa at nilingon ko si Phoenix at
kinunutan ko siya ng ilong. Natatawang dinutdot niya ang ilong ko para maunat iyon.

Bagay na lagi niyang ginagawa noon.

Nag-iwas ako ng tingin at tinutok ko na lang ang atenyon ko kay BDW. Nang

matapos niya ang mga inumin ay inilagay ko iyon sa tray ko. Bago umalis ay mahinang
nagsalita ako na tanging si Phoenix lang ang makakarinig, "Commencing with the
plan."

Naglakad ako patungo sa table one kung saan naroroon ang ex-boyfriend ni Taylor na
nagngangalang Val at sa mga kasamahan niya.

Ang plano na nabuo ko ay aakto ako na matatapunan sila. Mapapaupo ako sa kandungan
ng isa sa kanila at doon o isasagawa ang pagkakabit ng dot tracker sa isa sa
kanila. Ang dot tracker ay isa sa imbensyon ng BHO CAMP kung saan ang isang itim at
maliit na tila tuldok ay ilalagay sa dulo ng daliri at kapag naidiin sa balat ng
isa pang tao ay kakapit iyon at hindi kaagad matatanggal. Magsisilbi itong
'tracker' para masundan ng Experiment department ang makakabitan nito.

Kasalukuyang nakonekta si Phoenix sa Experiment Department. Hindi na ako magtataka


kung naririnig ako ng kung sino man ang nasa Experiment Department ngayon. Hindi
kasi ako nagpakabit ng LD at micky.

Nakangiting binati ko muli ang mga customer sa table one. Ibinaba ko sa lamesa ang
mga baso ng alak at nasa aktong itatapon ko na iyon sa isa sa kanila ng bigla na
lamang akong hinila sa braso ni Connor dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya.
Umiling ang ex-boyfriend ni Taylor na si Val na para bang sumusuko sa kaibigan.
"Let her go, Con. Paul wouldn't like this."

"Like I give a shit about him."

Bulong lang ang pag-uusap nila na iyon na parang ayaw iparinig sa akin. Kung hindi
pa dahil sa kakayahan ko sa lip reading

ay hindi ko maiintindihan ang pinag-uusapan nila.

Hindi na nakakapagtaka kung bakit umiiwas sila Val sa mga babaeng waitress na may
'sabit na' katulad ng ipinarating ko sa kanila. Marami nga namang komplikasyon.

Iaangat ko na sana ang kamay ko para ikabit sa kaniya ang dot tracker. Hindi ko
palalagpasin ang pagkakataon dahil lang sa pagkagulat ko. Halos ito din naman ang
balak naming mangyari. Ngunit bago pa tuluyang lumapat ang kamay ko sa kaniya ay
naramdaman ko ang paghawak ng mga kamay sa bewang ko at hinila ako patayo.

Nag-angat ako ng tingin at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Phoenix na
igting ang mga bagang na nakatingin sa mga lalaki.

"Man, we were having fun." angal ni Connor.

"She's with me." Phoenix said in a grave tone.


Hinawakan ko sa braso si Phoenix para kunin ang atensyon niya ngunit nanatiling
nakatingin lang siya sa mga lalaki na mayabang na sinalubong ang tingin niya.
"Nix..."

Nagbaba ng tingin sa akin ang binata. "Let's go. You need to take a shower before
you get infected by these...things."

Napanganga ako sa lumabas sa bibig niya. Hindi pala salita si Phoenix sa mission.
At lalong hindi siya nang-iinsulto ng tao kahit na gaano pang kalala ang sitwasyon.
Kaya nakakapagtakang ganito ang inaakto niya ngayon.

Bago pa ako makapagsalita ay itinulak niya ako sa likod niya. Naging mabilis ang
mga pangyayari. Sa isang iglap ay nagliliparan na ang mga lamesa at upuan habang si
Phoenix naman ay nakikipabuno sa mga lalaki.

Hindi niya pinapansin ang mga sigaw ko pati na ng mga tao sa paligid namin.

Kung umakto siya ay para bang normal lang sa kaniya ang makipagbasag-ulo sa isang
pampublikong lugar.

"OMGYHASH! The things! It's breaking!" sigaw ni BDW na yakap-yakap ang cocktail
shaker niya. "Dick do something! Be hard! Be angry! Come to them!"

Ipinilig ko ang ulo ko para gisingin ang sarili ko sa nangyayari. Mabilis na


nilapitan ko si Phoenix at hinila ko siya paalis sa ibabaw ng duguan na ang mukha
na si Connor. Si Val ay nakahalukipkip lang sa isang tabi habang ang iba pa niyang
kasama ay inaawat ang dalawa.

"BDW..."
Tinignan ako ni BDW na kasalukuyang umaaktong hinihimatay habang nakasandal kay
Deck, "It's okay you can bring your love in the outside. I'll mend this war okay?"

"Okay. Thank you."

Pagkasabi ko niyon ay nagmamadaling hinila ko si Phoenix papunta sa quarter ng mga


staff. Isinarado ko ang pinto at pagkatapos ay hinarap ko siya. "I can't believe
you." I whispered, still in shock.

"Calm down-"

Nagpapadiyak ako sa inis. "Ang lapit na eh! Nix nix naman!"

"Snow, everything's alright. Nakabitan ko si Val nang tumama ang kamay ko sa kaniya
bago pa siya makalayo ng magkagulo kami ni Connor."

"But I've got it!"

"I know you do."

Hinintay ko siyang dugtungan ang sinabi niya ngunit hindi na siya nagsalita pa at
nanatiling nakatingin lang sa akin. Bumuntong-hininga ako at tinalukuran
ko siya.

Nagtungo kami sa locker. May inilabas ako na dalawang backpack mula roon at inabot
ko ang isa kay phoenix. Pagkatapos niyon ay mabilis na ibinaba ko ang suot ko na
palda. Sa ilalim niyon ay may dark brown na stockings. Hindi ko na kailangan
lingunin si Phoenix para malaman na hindi siya nakatingin sa akin. Hindi naman ito
ang unang beses na nagbihis ako sa harapan niya. Naririnig ko din ang pagkilos
niya. Nagpapalit na rin siya ng damit.

Binuksan ko ang bag na hawak ko at may inilabas ako doon na dress na hanggang hita
ko. Kasunod niyon ay isang itim na shawl na ipinatong ko sa ulo ko at ang dulo
niyon ay sinampay ko sa balikat ko. Mayroong ding itim na gloves at itim na boots
sa loob ng backpack. Lastly, my holsters.

Nang matapos ako sa pagbibihis ay nilagay ko sa loob ng bag ang hinubad kong mga
damit. Umayos ako ng tayo ay nilingon ko si Phoenix. Naka long sleeves siya na itim
na may hood, pants na itim at sapatos na itim.

"Let's go." I said to him.

Nauna na akong lumabas sa pintuan na nasa likurang bahagi ng Steam habang kasunod
ko naman si Phoenix. Nang makalabas kami ay tinapunan ko siya ng tingin dahilan
para makita ko ang gilid ng labi niya.

"Omg! Nix nix!"

Umangat ang sulok ng labi niya para ngumiti ngunit dagli ding nawala iyon ng
malamang ay kumirot ang sugat niya roon. "I'm fine."
"You're not!" I shouted.

"Focus, Snow."

Kagat ang ibabang labi na nakatingin lang ako sa kaniya. I hate seeing

him hurt. Kahit gaano pa kaliit. Ironic isn't it? Ayoko siyang masaktan. Ayaw niya
akong masaktan.

Bago pa niya mabasa ang bumabakas sa mukha ko ay tinalikuran ko na siya at


nagpatuloy ako sa paglalakad. "Kumuha ka na ba ng masasakya natin?" tanong ko.

Hindi namin kasi ako gumagamit ng sasakyan dito sa Seattle. Ang dami naman kasing
pampublikong sasakyan. Isa pa hindi naman ako ganoong kagaling magmaneho. Mamaya
makadisgrasya pa ako.

Pero ngayon kailangan namin kaya nagpasya si Phoenix na magrerenta siya ng sasakyan
na gagamitin namin sa pagmamanman sa mga suspects.

"Yes." Phoenix quietly said.

"What kind of-"

Hindi na ako natapos sa sasabihin ko dahil pagliko namin ni Phoenix ay isang


malaking itim na motorsiklo ang bumungad sa akin. Nakangangang nilingon ko ang
binata. Hindi naman siguro ito...ang gagamiti namin di ba?

"Mas madali kung iyan ang gagamitin natin." tahimik pa rin niyang sabi.

"Pero...paano ang mga gamit natin?"

Lumapit siya sa motorbike at binuksan niya ang compartment niyon. May hinila siya
na isang bag at may inilabas siya mula roon. Baril, Pierce, at kung ano-ano pa.

Kinuha ko sa kaniya ang mga iyon at inilagay ko sa bulsa ng damit ko. Ang baril
naman ay kinabit ko sa hoster.

Sumampa siya sa motorsiklo ngunit nanatili akong nakatayo sa gilid niyon. Being
with him is already hard...but being this close, can I handle it?

"Snow..."

"Wait a second."

/>

Heart, time pers muna. 'Wag ka munang umeksana ngayon. Hindi ito ang panahon para
sa mga drama natin sa buhay, okay? Focus.
Nag-aalangang lumapit ako sa motorsiklo. Isinampa ko ang kanan kong paa sa apakan
at itinulak ko ang sarili ko pataas. Tumaas ang kaliwang kamay ni Phoenix at inabot
ang kanan ko habang ang kanan niyang kamay ay dumapo sa bewang ko para tulungan
akong makaupo.

"Okay?"

Napalunok ako at tumango, "Yes."

Dinala niya ang kamay ko sa balikat niya at inilapat iyon roon. "Hold on."

Always. "Okay." mahina kong sabi.

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko habang nanatiling nakalapat ang kamay ko


sa balikat niya. Pinasibad niya ang sasakyan at dahil sa bilis niyon ay napausog
ako lalo sa kaniya. Ang katawan ko ay nakalapat sa likod niya habang ang isa kong
kamay ay mahigpit na nakakapit sa balikat niya at ang isa pa ay nakahawak sa
likuran ng kinauupuan ko.

"Freezale activated the tracker. We're on their track." pagbibigay alam ni Phoenix.

"Got it."

"Tinatanong ni Freezale bakit hindi ka daw nagpakabit ng LD."


Napangiti ako at bahagya akong sumubsob sa likod niya. "Para hindi niya ako
kulitin."

"You heard that?" Phoenix asked the other line.

Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko na nanatili ako sa pagsandal sa kaniya.
Pagkaraan ay naramdaman ko ang kamay niya sa kamay kong nakahawak sa kaniya at
ibinaba niya iyon.

Rejection

hit me hard but it was just for a moment. Dahil naramdaman kong dinala niya ang
kamay ko sa bewang niya. Sinunod niya ang isa ko pang kamay hanggang sa halos
nakayakap na ako sa kaniya.

Hindi ito ang unang beses na sumakay ako sa likod ng motorsiklo habang siya ang
nagpapatakbo. Phoenix is a racer. At kahit na napapagalitan ako nila Momma hindi
niala ko napigilan na sumama kay Phoenix. Motorsiklo man o sasakyan ang imaneho
niya.

For a moment, it's almost like we were back at the time. Iyong mga panahon na wala
pa kaming pinoproblema. Na masaya kami na magkasama lang. Na walang nasasaktan.

How I wish that time will just stop. If it's possible, I won't ask for more. Kahit
ito na lang sandali na ito ang matira sa akin. But that kind of thing...that kind
of wish, never really happens at the real world.

"Almost in position."
Nag-angat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Phoenix. Back to reality. Nag-
angat ako ng tingin. Mukhang nasa likuran kami ng isang lumang gusali. Mas luma pa
sa tinutuluyan ni Taylor at kulang na lang ay ikitakot ko kung bibigay ba iyon sa
amin.

"Snow. Ready?"

Humawak ako sa magkabila niyang balikat at itinaas ko ang mga paa ko sa upuan ng
motorbike. Saktong paglapat ng mga paa ko roon ay nag preno si Phoenix at iniangat
ang likurang bahagi ng motorsiklo.

I used his shoulder as leverage and push myself up. Hinayaan kong tumalsik ang
katawan ko, ang mga kamay kong may suot ng gwantes ay nakahanda na sa harapan ko.
Nang tumama ang katawan ko sa pader

ng gusali ay kaagad na dumikit roon ang mga kamay ko.

Walang pag-aalinlangan na gumapang ako pataas hanggang marating ko ang bintana.


Mabuti na lang at ordinaryong sliding window lang iyon. Nakakadena nga lang.

Kinuha ko sa bulsa ng damit ko ang Pierce. Imbensyon ng BHO CAMP kung saan kaya
nitong i-laser ang kahit na anong bagay.

Ilang sandali lang ay walang ingay na akong pumapasok sa bintana. Alam kong pasunod
na rin sa akin si Phoenix.

Nang makapasok sa loob ay mabilis na dumikit ako sa pader. May pinindot ako na
dalawang button sa suot kong damit. Sa isang iglap ay bumalot sa mukha ko ang shawl
na suot ko hanggang sa matakpan ang mukha ko. At the next moment, every part of me
were hidden from view.

This is called Masquerade.

Isa ito sa matagal ng imbensyon ng Black Heart Organization bago pa sila makipag-
merge sa The Camp. It's not that different from Chameleon Black Suit except it will
look less ostentatious if someone sees us. Mas mukha kasing normal na damit lang
ang Masquerade hindi katulad ng CBS na over all suit talaga.

Nang matiyak na gumagana iyon ay umalis na ako sa pagkakasandal sa pader at tahimik


na tumakbo ako sa pasilyo na kinaroroonan ko. Tumigil ako ng makarating ako sa dulo
at nagpalingon-lingon ako.

Security camera, check.

Muli akong dumikit sa pader at dahan-dahan akong naglakad hanggang sa makalagpas


ako sa security camera. Nng hindi na ito nakaanggulo sa gawi ko ay muli akong
tumakbo. Huminto lang ako ng makarinig

ako ng mga yabag. Umuklo ako at nagkubli sa mga kahon na nagkalat.

Without wasting time, I pulled out a knife. Hiniwaan ko ng maliit ang kahon at
inilusot ko ang kamay ko roon. May nakapa akong plastic sa loob at hinila ko iyon.

Drugs. Great.
Hindi lang pala pagnanakaw ang ilegal nilang ginagawa kundi pati na ang bawal na
gamot.

May inilabas ako na maliit na device mula sa bulsa ko. Binigay sa akin iyon ni
Phoenix kanina. Korteng puso iyon na may pakpak na kulay pula. May pinindot ko roon
at pagkatapos ay itinapat ko sa kahon na naglalaman ng bawal na gamot. Nang matapos
ay idinikit ko ang device sa harapan ng suit ko.

It's a small video recorder. Kaya rin niyong mag blend katulad ng CBS. Kagagawa
lang daw niyon at hindi pa napapangalanan.

"Snow."

Nilingon ko ang nagsalita. Dahil sa suot na Vision ay namataan ko si Phoenix na


pinapagana na rin ang Masquerade.

"Found anything?" I asked.

"Yes. May mga kabataang lalaki sa baba. They are using them to deliver drugs and
sell drugs. Even to kids like them."

Naikuyom ko ang mga kamay ko. Sa lahat ng krimen sa mundong ito, isa ang pagamit sa
mga bata para sa mga ilegal na gawin ang kinamumuhian ko. "Those bastards-"

Mabilis na tinakpan ni Phoenix ang bibig ko at hinila ako paupo. Habang ang mga
katawan namin ay nakadikit sa pader sa likod namin.
"Shh. Listen."

Inalis niya ang kamay niya na nakatakip sa akin

ngunit nanatiling magkadikit ang mga katawan namin habang nakikinig kami. Pilit na
inignora ko ang lapit namin sa isa't-isa at nagpokus.

Tinanggal ko ang video recorder sa pagkakabit niyon sa akin at inilagay ko iyon sa


taas ng box kung saan sa tingin ko ay nakatutok sa gawi ng mga nag-uusap. Ilang
sandali lang ay naglaho iyon na parang bang wala iyon doon.

"I don't want to continue doing this, Paul! I know they're getting suspicious of
me. I can't keep on doing this."

"You will not stop. Not until I tell you to do so."

"They will fire me! Then what? What will you get from that?! Please...please just
let me go."

Napapitlag ako ng marinig ko ang isang malakas na sampal kasunod ng pag-iyak ng


babae. Automatikong kumilos ang katawan ko na parang gusto kong takbuhin ang
kinaroronan ng mga boses ngunit humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Phoenix na
para bang pinipigilan ako.

"Do you know what will happen to your family if you stop doing this, Sarah?"
"You killed my brother." I heard the woman whispered. "They said it was an accident
but I know...I know the truth."

"Then use your head! You will continue working at Fusion and you will steal for
me."

"No!"

Mula sa pinagkukublian namin ay sumilip ako. Nakita ko ang babae na nakikipagbuno


sa lalaki. May hawak siyang baril at pilit na inaagaw iyon ng lalaki. Sa laki ng
lalaki alam kong hindi siya mananalo.

Inalis ko mula sa holster ang Mist gun ko at itinutok

ko iyon sa gawi nila. Akmang kakalabitin ko na ang gatilyo ng isang malakas na


putok ng baril ang yumanig sa paligid.

"Stupid bitch."

Nanglaki ang mga mata ko ng sinipa pa ng lalaking nag ngangalang Paul ang babae na
duguang nakahandusay sa sahig.

Mahigpit ang pagkakahawak sa baril na kumawala ako sa pagkakahawak ni Phoenix.


"Stupid asshole."
Nanglaki ang mga mata ng lalaki ngunit kinalabit ko na ang gatilyo ng baril na
hawak ko. Walang malay na tumumba siya sa sahig.

Mabilis na nilapitan ko ang babae. Pinulsuhan ko siya. Mahina...pero meron.


Pakiramdam ko tila nagbalik sa ala-ala ko ang gabi kung saan natagpuan ko si
Taylor.

"Nix..."

Lumapit sa akin si Phoenix. Pinulsuhan niya rin ang babae at pagkaraan ay tumayo
siya at lumapit sa walang malay na si Paul. Sinira niya ang damit ng lalaki at
pagkatapos ay bumalik siya sa babae at inilapat niya ang damit sa sugat nito sa
bandang dibdib. "I'm gonna carry her."

"Copy." I whispered.

Ngunit bago pa niya tuluyang makarga ang babae ay nakarinig na ako ng mga yabag na
palapit sa amin. Nagmamadaling tinulungan ko siya sa pagkarga sa babae.

"Hold it!"

"Go!" I said to Phoenix. "Susunod ako. I promise."

Kita ang pagtatalo sa mga mata ni Phoenix ngunit alam naming pareho na kapakanan ng
iba ang kailangan naming unahin. Humarap ako sa mga papalapit na tao. Val, Connor
and two other men. Lahat sila ay armado.

Four. I can

handle this. Pero kapag nagtawag pa sila mahihirapan na akong makalabas. So I need
to be fast.

Si Val at Connor ay tinutulungan si Paul na mukhang leader ng grupo. Ang dalawa pa


ay palapit na sa akin. "Who are you?!"

Imbis na sugudin sila ay tumalikod ako at tumakbo ako sa direksyon na tinahak ni


Phoenix. I need to get them away from the others. Dahil kung mananatili ako sa
isang puwesto makokorner lang nila ako kapag dumating ang iba pa nilangkasamahan.

Hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay naramdaman ko ang paghawak ng kung sino man sa
braso ko. Mabilis na kumawala ako at nagpadausdos ako sa sahig. Iniikot ko ang mga
binti ko dahilan para madala at mapatid ang dalawang lalaki.

Isa sa kanila ay nahawakan ang paa ko. I didn't stop moving and instead I raise my
left foot before he caught it and pinned his hand that is holding me to the ground.
Dahilan para mapasigaw siya at lumuwag ang pagkakahawak sa paa ko. Then I pulled
myself up, my weight on his hand, then I pulled my other foot free from his grasp.

Nang makatayo ay nagpakawala ako ng sipa na malakas na tumama sa mukha niya.


Napangisi ako ng makita kong umagos ang dugo mula sa ilong niya. "Serves you
right."

My body stilled when I felt movement behind me. Naramdamang kong may marahas na
humawak sa bewang ko. Isang iglap ay lumilipad ako at malakas na tumama sa matigas
na pader. Kasunod niyon ay may humila sa mga paa ko.
Ngunit nawala din iyon nang mula sa kung saan ay sumulpot si Phoenix at inatake ang
lalaking sumugod

sa akin. Nagpakawala siya ng isang malakas na suntok na halos ikatanggal na ata ng


ulo ng lalaki na walang malay na bumagsak sa sahig.

"Nix-"

"As if I would leave you." He whispered and helped me up. Napangiwi ako ng
makaramdam ako ng pananakit sa likod ko. Umigting ang mga bagang ni Phoenix. "I'll
carry you."

Akmang tatanggi na sana ako pero naudlot iyon ng sunod-sunod na nagsulputan ang mga
lalaking tauhan ni Paul. Kinuha ko ang isa ko pang baril sa holster ko at akmang
lalapit ako sa kanila ng pigilan ako ni Phoenix at parang walang pakielam sa mundo
na kinarga ako.

"What are you doing?!" I asked in surprise.

"Mas mabilis ang mga pulis dito kesa sa Pilipinas."

"What-"

Bago pa ako matapos sa sasabihin ko ay may sumigaw sa likuran namin. "Run! Cops!"
Humawak ako sa balikat ni Phoenix at sumilip ako sa taas ng balikat niya.
Napanganga ako ng makita kong kaniya-kaniya ng buhat ng mga kahon ang mga lalaki at
nagsisipulasan.

Nakangangang nag-angat ako ng tingin kay Phoenix. "But..."

"Nasa BHO CAMP na ang ebidensiya. Automatikong pumapasok roon ang mga kinuhanan
natin. Sila na ang magfoforward niyon sa pulisya rito."

"Oh."

"Snow."

"Hmm?"

"I need to report back at BHO CAMP. Bukas na ng gabi ang flight ko pauwi ng
Pilipinas."

Animo may kung anong pumiga sa puso ko sa sinabi niya. Pilit kong inignora iyon
ngunit alam kong imposible na mawala ang

sakit na iyon. "I'm not going home."

"I know."
Babalik na muli ako sa realidad kung saan kasalukuyan kong binubuo ang sarili ko.
Mundo kung saan wala siya. Habang siya naman ay babalik sa babaeng pinakasalan
niya.

Sa asawa niya.

NAKANGITING tumalikod ang nurse na napagtanungan namin. Ayon sa kaniya ay wala na


sa kritikal na kundisyon si Sarah, ang babaeng iniligtas namin ni Phoenix.
Pinatawag na din daw ang pamilya ng babae.

Nahahapong umupo ako sa visitor's chair na nagkalat sa paligid ng ospital. Sumandal


ako at ipinikit ko ang mga mata ko.

It was not a hard mission. Sigurado ako na nasa lower mission lang ito. But seeing
that woman, it was like seeing Taylor again. Hindi na siguro maaalis sa utak ko ang
nangyari kay Taylor. And maybe...it's for the better.

Dahil sa kaniya, nahanap ko ang sagot kung bakit ako naging isang agent. I found my
purpose. Hindi mabubura niyon na wala akong nagawa ng mga panahong nag aagaw buhay
siya. But I'm okay on holding that guilt. It will remind me to keep on going.

Naramdaman ko ang pag-upo ng kung sino man sa tabi ko. Nagmulat ako ng mga mata at
nilingon ko ang umupo. Si Phoenix.

"Okay ka lang ba?" tanong niya.

"I think so." I whispered.

Binalot kami ng katahimikan. Nanatiling nakatingin lang kami sa isa't-isa. Kinagat


ko ang ibabang labi ko para pigilan ang bibig ko sa mga salitang nais kumawala
roon. Gusto kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong mas masasaktan lang ako. But
I can't stop myself.

Ganoon siguro kapag desperado ka na. Desperado na makasama siya kahit alam mong
malaki ang kukuhanin niyon sa'yo. I don't know if I have anything left to give up.
But even if it's just a piece of my heart that is left unscratched, I'm willing to
risk it. "Will you stay with me before you leave?"

"If that's what you want." he said with a small smile.

"I want to know what you want."

Nawala ang ngiti sa mga labi niya. Hindi siya sumagot pero kita ko ang sakit,
guilt...at paghahamahal sa mga mata niya. And even without words I know...I know
what he wants.
What we both want.

__________End of Chapter 20

=================

CHAPTER 21 ~ Always ~

CHAPTER 21

SNOW'S POV

Marahang paghaplos sa buhok ko ang gumising sa akin. Mga mata ni Phoenix ang
namulatan ko ng iminulat ko ang mga mata ko. May kung ano akong nabasa sa mga mata
niya ngunit kaagad naglaho iyon at sa halip ay nginitian niya ako.

"Kanina mo pa ba ako ginigising?" tanong ko.

"Hmm...hindi naman."

Umayos ako ng pagkakaupo at tumingin ako sa labas ng bintana para tignan ang
kinaroroonan namin. Pagkagaling kasi namin sa mission kagabi o mas tamang sabihin
ay kaninang madaling araw ay ipinalit namin ang rental motorbike niya sa kotse.
Pareho naming hindi alam ni Phoenix kung saan kami pupunta. Basta nagmaneho lang
siya.

Hindi ko alam kung kailan ako eksaktong nakatulog. Madaling araw na rin kasi kami
nag byahe at ngayon nga ay mukhang malapit ng magpakita ang araw.

Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at lumabas ako. Bahagya kong niyakap ang sarili
ko ng umihip ang malamig na hangin. Bahagya akong napangiti sa tanawin sa harapan
ko habang nililipad ng hangin ang buhok ko na tumatabing sa aking mukha.

It's...magical. Napapalibutan ng mga halaman na namumulaklak at puno ang paligid at


kahit na hindi pa makita ang kulay niyon masyado dahil kaunting liwanag pa lang ang
kumakalat sa langit ay hindi naikukubli niyon ang ganda ng paligid.

Naalis sa tanawin ang atensyon ko ng maramdaman ko si Phoenix sa likuran ko. May


nilagay siya na kumot sa balikat ko. Nilingon ko siya at nakita kong may dala
siyang

maliit na paper bag. Binigyan ko siya ng maliit na ngiti habang kipkip-kipkip ang
kumot.

"Thanks. Sorry, tinulugan kita kanina."

"Okay lang. Alam ko naman na pagod ka." sabi niya.

"Parang ikaw hindi."


Umangat ang sulok ng labi niya. Pagkaraan ay iminuwestra niya ang trail pababa sa
may kataasan na pinagparadahan niya ng sasakyan. "Let's go?"

Sabay na naglakad kami pababa ng trail. Walang nagsasalita sa aming dalawa pero sa
kabila niyon ay magaan ang pakiramdam sa pagitan namin. Hindi katulad ng mga
nakaraan naming pagkikita. Mula ng...magpakasal siya.

Pero kahit na ano pang sabihin ko, kahit ano pang kumbinsi ko sa sarili ko...alam
ko. Alam ko na sa kaunting panahon na nagkalayo kami, marami ng nagbago. Hindi lang
naman ng umalis ko nagsimulang lumawak ang pagitan sa amin.

Staying at the same place with him was no different that being miles away from him.
Even the pain don't have much difference. Ang pagkakaiba lang, mas madali kong
makumbinsi ang sarili ko na mabuhay kapag malayo sa kaniya.

But today, we're just Phoenix and Snow. Ngayon...kahit saglit lang, wala munang
pagpapanggap.

"Saan mo nga pala nalaman ang lugar na 'to?" basag ko sa katahimikan.

Napapakamot sa ulo na nilingon ako ni Phoenix. "Hindi ko din alam eh. Nadaanan lang
natin kanina. At saka..."

"At saka?" Nag-iwas siya sa akin ng tingin pero sa kabila ng bahagyang dilim ng
paligid ay napansin ko pa rin ang pamumula ng mga pisngi niya.

"Hello? Earth to Nix nix?"


"Nature call." he blurted out.

Namilog ang mga mata ko. "Ay weh? Saan?" Nagpalingon-lingon ako sa paligod.
"Mukhang wala namang establishments dito ah."

"Err..."

Hindi kaya merong comfort room na itinayo para sa mga byahero? Parang iyong ilan na
MMDA urinals sa Pilipinas. O kaya..."Sa puno?"

"We should probably change the topic." namumula pa rin ang mga pisngi na sabi niya.
"Nauuhaw ka ba? May gusto ka bang inumin?"

Sa halip na sagutin ang tanong niya ay bahagyang natawa ako. "Parang hindi maganda
na follow up topic iyong sinabi mo."

Mahinang napamura siya dahilan para lalong lumakas ang pagtawa ko. Naiiling na
nagpatuloy ako sa paglalakad habang siya ay nakasunod sa akin. Ilang sandali lang
ay nakarating kami sa ibaba.

Namamanghang inilibot ko ang tingin sa paligid. "Wow."

Hindi kalayuan sa binabaan namin ay may maliit na lake. Halatang kaunti lang ang
dumadayo sa lugar dahil malinis iyon. O marahil talagang pinanatili lang nila ang
kalinisan sa lugar para hindi masira ito.
Wala namang imposible. Kung ganto ba naman kaganda ang lugar, maaatim mo bang
sirain?

"Alam mo kayang-kayang talunin ng Pilipinas ang lugar na ito. Ang dami kayang
magagandang lugar sa atin." sabi ko sa binata.

"If only people will learn how to treat nature properly."

Tumango-tango ako habang hinahapit ang kumot ng muling umihip ang hangin. "Kung
kaya lang batuhin ni inang kalikasan

ang mga tao katulad ng pagbabato nila ng kalat kung saan-saan."

"And the tourists. They should established rules when it comes to foreign
visitors."

"Sabagay."

Lumapit kami sa malaking bato malapit sa lake. Umakyat ako sa bato at umupo ako sa
ibabaw niyon. Ilang sandali lang ay sumunod sa akin si Phoenix at naupo sa tabi ko
habang sa gitna namin ay nakalagay ang paper bag.

"Anong laman niyan?" tanong ko.


"Sandwich. Binili ko kanina ng may nadaanan tayong convenience store."

"Mukhang mas matagal ang itinulog ko sa byahe kesa oras na gising ako." nakangiwing
sabi ko.

"Kabila-kabilaan din kasi ang trabaho mo. I saw you work last night. Mas mahirap pa
ang ginagawa mo kesa kapag tumutulong tayo sa Craige sa BHO CAMP."

"Yeah. Because no one would dare make me carry a heavy tray there. Halos lahat nga
ng tao sa BHO CAMP ayaw na inuutusan ako." napapangiting niyakap ko ang mga tuhod
ko. "Sa Steam minsan hindi rin nila mapigilan na hindi ako tulungan. Maybe it's
natural for people around me on wanting to take care of me."

Hindi naman kasi talaga kasalanan ng mga tao sa paligid ko kung bakit huli akong
natuto sa mga bagay-bagay. Even if I admit or not, I was spoiled and I know that I
have them wrapped around my fingers.

Wala namang ibang magtuturo sa atin kung paano mabuhay ng mag-isa kundi sarili din
natin. If we refuse to take a step and move, why would we blame other's for it?

I was too confident with my life. Lumaki

ako ng hindi nahihirapan at lahat ng gusto ko nakukuha ko. Marami akong kaibigan,
masaya ang pamilya ko at nasa lugar ako na masaya ang mga tao. Even working as an
agent, I wasn't afraid of the other part of life.

Dahil sigurado ako na hindi ako niyon mahahawakan. That my life is perfect and
bright that the dark side of this world won't touch me.
But pain is inevitable, comfort is not forever and life have its own way to show
you itself.

"Will you never come home?"

Nilingon ko ang lalaki. "Babalik din naman ako. Namimiss ko na rin ang pamilya ko.
Iyon nga lang hindi ko alam kung kailan. I...just want to be away for awhile."

"Because of me."

I nod at him. "Yes...and because of me." Hinawi ko ang buhok ko na muling tumabing
sa mukha ko. "But let's not talk about that right now. We could just enjoy this
day...as friends."

Saglit na nakatingin lang siya sa mga mata ko. Libo-libong emosyon ang dumaan sa
mga mata niya ngunit hindi ko na tinangka na pangalanan ang mga iyon. It will just
get more complicated than it already is.

Napabuntong-hininga ako ng muling umihip ang hangin dahilan para muling sumabog sa
mukha ko ang buhok ko.

"Here, let me."

Bahagya akong pinatalikod ni Phoenix at ilang sandali lang ang naramdaman ko ang
mga daliri niya na humahod sa buhok ko. I know he's braiding my hair. Like what he
used to do when we were kids.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ko lang siya. Hindi naman ako

natatakot na magulo niya ang buhok ko o mabuhol-buhol. Bata pa lang kami natuto ng
mag braid si Phoenix para kapag wala si Momma. Si Papa naman kasi kakaiba mag braid
ng buhok. Imbis na mabraid, binubuhol buhol niya lang ang buhok ko.

"Marunong ka pa rin pala." sabi ko.

"Hard to forget things like this."

Ilang minuto ang lumipas at naramdaman kong binitawan niya na ang buhok ko. Hinila
ko ang dulo niyon. May nakatali na roon na kulay pula na hair tie. May maliit na
ribbon pa iyon, "Saan galing?"

Nagkibit-balikat siya. "I always have one in my pocket."

"Why?"

Muli siyang nagkibit-balikat ngunit hindi na niya pinalawig pa iyon. Hinayaa ko na


lang siya at nag-isip ako ng panibagong topic.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal sa lugar na iyon. Basta ang alam ko lang,
tuluyan ng sumikat ang araw dahilan para lumitaw ang ganda ng paligid ng
kinaroroonan namin, ngunit hindi niyon nakuha ang atensyon ko.
Dahil ang tenga ko ay hindi marinig ang mahihinang huni ng mga ibon at sa halip ay
ang tawa lang ni Phoenix ang naririnig at ang mga mata ko ay siya lang ang
nakikita.

HUMAHALAKHAK na nilingon ko si Phoenix. Mahigpit ang kapit niya sa grab handle ng


sasakyan habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa seatbelt niya. Nanlalaki din
ang mga mata niya na para bang ilang sandali lang ay aatakihin na siya sa puso.

"Slow down, Snow!"

"Ayaw!"

sabi ko at lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Napilit ko siya kanina na ako ang magmamaneho pabalik. Pimayag naman siya dahil
hindi naman matao sa daraanan namin. Para ngang unknown road ang tinahak namin kung
hindi lang may panaka-nakang dumadaan na mga sasakyan.
Hindi naman ako sanay magmaneho. Milagro nga na nakapasa ako sa driving lessons ko
noon. At mas lalong nakakagulat na nakakuha ako ng lisensiya.

Now that I think of it...hindi kaya nag hokus pokus lang ang mga magulang ko?
O...si Phoenix? He's a racer. Paniguradong marami siyang kakilala.

"Snow!" sigaw ni Phoenix.

Tinuro niya ang mga patawid na baka. Mabilis na inapakan ko ang preno dahilan para
halos sumubsob kaming dalawa sa dashboard kung hindi lang dahil sa seatbelt.
Hinayaan ko munang tumawid ang mga baka at nilingon ko na lang si Phoenix.

"I think I'm gonna throw up." he groan.

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Sobra ka. Ikaw nga kung magmaneho kapag may
competition eh."

"Iba 'yon."

"Parehas lang." pilit ko.

"Magkaiba. Kapag sa competition alam kong nakasayad sa lupa ang minamaneho ko.
Hindi lumilipad."
Umangat ang kamay ko at hinampas ko siya sa balikat. Napaaray siya ngunit tatawa-
tawa lang na hinimas niya ang balikat niya.

Binalik ko ang mga mata ko sa harapan at napangisi ako ng makita kong nakatawid na
ang mga baka.

"Let's make this thing fly." I said, grinning.

"Oh

God."

NAPASIMANGOT ako habang tinitignan ang kinaroroonan namin na parke ni Phoenix.


Papalubog na ang araw.
Maraming bata sa paligid pero karamihan sa kanila ay nasa isang tabi lang at abala
sa paglalaro sa mga dala nilang tablet. Ang mga matatandang kasama naman nila ay
ganoon din. Mga nakaharap sa cellphone.

"Nagpunta pa sila sa park. Bakit hindi na lang sila nag stay sa bahay."

Nilingon ni Phoenix ang tinitignan ko bago tumingin sa akin. "Baka change of


scenery lang."

"Change of scenery eh screen lang naman ng phone nila ang nakikita nila."
nakasimangot pa rin na sabi ko. "Ang boring tuloy. Wala man lang naghahabulan na
mga bata."

"Eh di maglaro tayo."

Nginusuan ko siya. "Bata nga eh."

"Bakit matanda ka na ba?"

Tumayo siya mula sa pagkakaupo namin sa damuhan at inilahad niya sa akin ang kamay
niya. Inabot ko iyon at kaagad naman niya akong hinila para makatayo ako. Bago pa
ako makahuma ay ikinuyom niya ang kanan niyang kamay at inilagay sa harapan namin.

"Ano 'yan?" tanong ko.


"Rock paper scissors." nakangiting sabi niya. "Maglalaro tayo."

Sandaling pinagmasdan ko siya. Gulo-gulo ang buhok niya dahil sa hangin, namumula
ang pisngi at ilong niya dahil siguro sa lamig, at lukot na din ang damit niya.
Alam kong wala akong pinagkaiba sa ayos niya. It's as if we're suddenly transported
back to our teen ager selves.

/>

"Seryoso ka?" natatawang tanong ko.

"Oo nga."

"Ano munang laro?"

"Water, sili."

Natatawang napailing ako. Isa iyon sa mga paboritong laruin namins sa BHO CAMP.
"Fine." ikinuyom ko ang mga kamay ko at itinapat ko iyon sa kaniya.

Pero bago pa kami makapag rock paper scissors ay may lumapit sa amin na apat na
bata. Dalawang babae at dalawang lalaki.

"What are you playing?" asked the girl with pigtails.


"Water, sili." sagot ni Phoenix.

"Siley?" tanong naman ng batang lalaki na blond ang buhok.

Napangiti ako sa accent ng bata. Siley, ang sosyal na Sili. "Yes. Water, Siley.
Wanna join?"

"Sure." said the other girl. "How do we play it?"

"What are your names first."

Nagpakilala ang mga bata. Iyong batang babaeng brunette na nakapig tails ay
Bernadette ang pangalan. Iyong blond naman ay si Maggie. Kapatid niya si Cash,
iyong blond na lalaki, The other kid, Jason, is Bernadette's cousin.

Pinaliwanag namin sa kanila ang mechanics ng laro. Sa water sili, kapag nataya ka
kailangan mong paypayan ang tapat ng bibig mo na parang napapaso ka. Hindi ka din
pwedeng umalis sa kinatatayuan mo. Pero kapag hinawakan ka ng kasama mo at sinabing
'Water', pwede ka ng makaalis.

"Boys vs girls!" sigaw ni Maggie.

"Ok! Girls are gross anyways." sabi naman ni Jason. "And boys will always win
because we're cool."
Pinaningkitan

ko ang bata at sasagutin ko na sana pero naramdaman kong kinurot ako ni Phoenix sa
pisngi. "Aray!"

"Papatulan mo pa eh."

"Hindi kaya!" nakasimangot na sabi ko. Hinarap ko si Jason na nakangisi sa akin.


Itinapat ko ang hintuturo at gitnang daliri ko sa mga mata ko bago ko iyon itinapat
kay Jason na lalong ikinangisi ng pilyong bata. Binelatan ko siya. "Who run the
world? Girls!"

Pumalakpak ang dalawang batang babae at binelatan din ang mga lalaki na gumanti
naman.

Ilang sandali lang ay nagsimula na ang laro. Napuno ng sigawan at kantiyawan ang
lugar dahil sa aming anim. Paminsan-minsan ay nakikita ko ang mga bata sa paligid
na nakikinood sa ginagawa namin.

Kaniya-kaniyang tayaan na ang nangyari sa mga kasama ko. Kadalasan ay sila Cash at
Jason ang natataya. The girls are good. Hindi lang sila tumatakbo kundi naghahanap
din sila ng tataguan.

Kaya nga ginaya ko ang taktika nila at ngayon ay nasa taas ako ng isang puno at
pinapanood siya.
"Run! He's coming!" tumitiling sigaw ni Maggie na palapit sa akin. Sa likod niya ay
nandoon si Phoenix na umaaktong hinahabol ang bata kahit ang bagal naman ng takbo
niya.

Nang makita ako ni Phoenix ay nag iba siya ng direksyon ng takbo. Nanglalaki ang
mga matang bumaba ako sa kinaroroonan ko at kumaripas ako ng takbo.

Akmang lilingon ako para tignan kung nakalayo na ako sa lalaki ng maramdaman ko ang
mga kamay na pumalibot sa bewang ko at hinila ako. Napatili ako nagpapasag dahilan
para mapatid ako kung saan.

Napapikit

ako ng maramdaman ko na babagsak ang katawan ko sa lupa ngunit imbis na matigas na


lupa ang sumalo sa akin ay iba ang nabagsakan ng katawan ko. Nagmulat ako ng mga
mata at natagpuan ko si Phoenix sa ilalim ko.

"Sili." sabi niya.

Bumaba ang mga mata ko sa labi niya na nakangiti. Unti-unting nawala iyon at nag-
angat ako ng tingin. Nagtama ang mga mata namin. Naramdaman ko din ang paghigpit ng
mga braso niya sa palibot ng bewang ko.

"Can we join?"

Nilingon namin ang nagsalita at napanganga ako ng makita ko ang batalyon ata ng
bata na nakatayo roon.
Iniikot ako ni Phoenix at tumayo siya at pagkatapos ay tinulungan niya akong
makatayo. He smiled at me and raised his hand. "Game?"

PABAGSAK na humiga ako sa damuhan. Ipinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko alam kung
gaano kami katagal naglaro ng mga bata. Kung hindi pa nagsimulang dumilip ay hindi
pa kami titigil sa paglalaro ng Water siley.

Nagmulat ako ng mga mata ng maramdaman ko ang presensiya ni Phoenix. Humiga rin
siya sa tabi ko.

"Anong oras ang flight mo?" mahina kong tanong.

"Just a few more hours."

"But you need to be there an hour or two before the flight."

"Yeah." he said quietly.


Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Nag-angat ako ng tingin sa langit. Hindi
pa tuluyang dumidilim pero kumakalat na iyon. Ilang sandali na lang ay paniguradong
magdidilim na ang langit.

/>

"Hindi ka ba talaga sasama?" mahina pa rin niyang tanong.

Umiling ako. "Hindi na muna siguro. I admit, namimiss ko na talaga ang BHO CAMP.
Pero hindi naman ako pwedeng basta basta umalis na lang rito."

Hindi siya nagsalita. Nilingon ko siya at nakita kong nakatingin lang siya sa
langit. "Phoenix?"

"Yes?"

"Thank you for the notes you sent me. Kahit na alam ko na hindi naging maganda ang
huli nating pag-uusap." malungkot na ngumiti ako. "Hindi ka na ata tumigil sa pag-
intindi sa akin kahit na ang layo ko."

Sa mga post it note na pinadala niya, lagi niyang sinasabi na kumain ako, matulog,
na wag kong kalimutan na ngumiti. Alam ko dapat pinatigil ko ang mga iyon. Na dapat
hindi ko tinanggap.

Kasi kaya nga ako umalis di ba? Para lumayo sa kaniya.

But then I realize that that's impossible. Kasi kahit nasaan ako, hindi ko naman
kayang takbuhan ang nararamdaman ko.
Being away just makes the pain more bearable than seeing him everyday. Knowing that
he's so close but I can't be with him.

"I'm gonna make things right, Snow."

By making things right...it would hurt all of us. Him, me, and Mira. Pero tama si
Waine. I won't fight the battle that is not for me. I would make my own choice, I
would do what I have to do, I would move at my own pace.

May masasaktan at masasaktan. But whatever his choice may be, I will accept that.
Tumango ako at malungkot na ngumiti. "Okay." I whispered.

"Do you know

my biggest regret?"

I forced myself to smile. "Giving up on me? Marrying someone else?"

Malungkot na ngumiti siya at umiling. "I don't regret marrying Mira. The only thing
that I regret is that I pushed myself on loving someone else and succeed...only to
realize that I can't undo loving you."

Nag-angat ako ng tingin para pigilan ang luha na nais bumagsak mula sa mga mata ko.
"You know my biggest regret?"
"Meeting me?" he asked.

"No. The only thing that I will always regret is not saying yes. Hindi lang sa tree
house, kundi sa maraming pagkakataon na tinanong mo ko. Sa maraming pagkakataon na
sumubok ka. One word...my one word, could have change everything. But I was too
scared."

Umupo ako at yumuko ako para tignan siya. Dahan-dahang ibinaba ko ang mukha ko at
inilapat ko ang labi ko sa pisngi niya.

Inangat ko ang mukha ko ang tinignan ko siya sa mga mata. "I know that the hurt
won't ever stop. The only thing that can stop this hurt is for me to stop loving
you and that is impossible."

"Snow..."

Tumayo ako at tumingin ako sa langit. Tuluyan ng lumubog ang araw. The dark
embracing the world as if it's comforting it. Like it's saying...everything would
be fine. You just need to take a moment...to take a rest, and tomorrow it will be a
brand new day.

"I can live without you now." I whispered.

It's true. I can live without him now. I can be Snow without being the Snow that is
Phoenix' friend. I can live without him helping me.
Pero bakit ganoon? Bakit ang hirap pa rin? Bakit ang sakit-sakit pa rin?

Muli kong nilingon si Phoenix na ngayon ay nakatayo na rin at nakatingin sa akin.


"Can you do me a favor?"

Tumango siya. Ngumiti ako at lumunok upang tanggalin ang bikig sa aking lalamunan.
"Can you walk away from me this time? And when you walk away...please don't look
back."

Ilang sandaling nakatingin lang siya sa akin na para bang kinakabisado lahat ng
detalyo sa akin. Pagkaraan ay lumapit siya sa akin at marahang inipit ang buhok na
kumakawala sa pagkakatali ko sa likod ng tenga ko.

Pumikit ako ng lumapit ang mukha niya sa akin hanggang lumapat iyon sa noo ko.
Habang ang isang kamay niya ay nakapalibot sa bewang ko at hinapit ako palapit sa
kaniya. It lasted for a few seconds then he step back.

Tila dam na bumuhos ang luha ko ng tumalikod siya sa akin at naglakad palayo.
Kinuyom ko ang mga kamay ko. Tila nauupos na kandila na napaupo ako habang
nanatiling nakatingin sa kaniya.

Maraming pagkakataon na ako ang naglalakad palayo. And now seeing him walking away,
I now know how hard it is. Kung gaano kahirap na pigilan siyang hindi umalis.

I would always love him. Kahit na hindi siya ang makasama ko sa huli...kahit na
hindi kami pwede. Kasi alam ko sa puso ko na dumating man ang araw na maging masaya
ako sa piling ng iba, hindi ko pa rin makakalimutan si Phoenix. He will always be
in my heart like I know that I will always be in his.
________End of Chapter 21

=================

CHAPTER 22 ~ Call ~

Hi guys! On May 30 (10:30 am) I'll be having a mini meet up at SM North :) Sa tapat
ng Precious Pages magkikita-kita. Matagal ko na din kasing gusto pumunta sa SM
North so I decided to visit and meet the BHOCAMPERS there.

You can bring your BHO books ;)

CHAPTER 22

SNOW'S POV

Pakiramdam ko sa loob ng siyam na araw mula ng umalis siya ay nagawa kong pagdaanan
ang iba't-ibang lebel ng pag mo-move on. Hanggang makarating ako sa lebel kung saan
naroroon ako bago muling dumating si Phoenix sa binubuo kong mundo.

Pagkakaiba lang noon sa ngayon, natitignan ko na ang sarili ko sa salamin na hindi


ako natatakot sa nakikita ko. Minsan kasi, pakiramdam ko si Freezale ang nakikita
ko sa repleksyon ko. Na kahit kaya ko ng mag-isa, na kahit kilala ko na ang sarili
ko bilang si Snow at hindi ang Snow ni Phoenix, minsan...para bang nagpapanggap ako
bilang kapatid ko.

Now I realize that that is not true. That Freezale is not always independent and in
control. Not when she met King. At the same time, I'm not always the bubbly and
open book Snow.

Kahit ganon pa man...kahit na may mga ugali kami na taliwas sa kinamulatan naming
karakterya, hindi ibig sabihin niyon ay nagpapanggap kami bilang ibang tao. It just
means, we're changing...having the chance to learn what we lacked before.
Talsik ng mantika ang nagpagising sa naglalakbay kong diwa. "Aray!"

Mabilis pa sa alas kwatro na inabot ko ang takip ng frying pan at inilagay ko iyon
sa harapan

ko na para bang nagsisilbing shield ko iyon habang ang isang kamay ko naman ay may
hawak na slotted turner na siyang espada ko.

"Bakit ba kasi ang hirap mag luto? Bakit kapag si Ocean at si kuya Hermes parang
ang dali naman?"

Muli akong napatili ng tumalsik na naman ang mantika mula sa niluluto kong crispy
pata. Iyon na lang kasi ang natitirang ulam sa freezer ko. Ayoko din naman umorder
at sayang lang ang laman ng refrigerator ko. Ang mahal kaya ng bilihin dito sa
America. Hindi pa pwedeng tumawad katulad ng nakikita kong ginagawa ni Ocean kapag
natitripan kong sumama noon sa pamamalengke niya.

"Konting tiis na lang Snow. Magiging worth it din lahat. Kahit masakit at least
masarap naman sa huli."

Sandaling napakunot noo ako sa sinabi ko. Parang ang pangit pakinggan. But
whatever. Ako lang naman ang nandito.

Ilang minuto pa ang lumipas sa pakikipagtagisan ko sa crispy pata at tuluyan na


akong natapos sa pagluluto. Sumandok ako ng kanin at nilagay ko iyon sa plato bago
ko sinalin ang isang buong pata sa mismong plato ko.

Wala naman akong kasama kaya ako lang din naman ang kakain nito. Isa pa hindi pa
ako nag a-almusal at tanghalian. Kaya kulang ang sabihin na gutom ako.

Akmang kakagatin ko na ang crispy pata ng umalingawngaw sa paligid ang tunog ng


door bell. Napapikit ako ng mariin. Sino naman kaya ang umiistorbo sa akin ngayon?
Wala naman akong package na tatanggapin today at wala din akong inorder.

"Argh!" sigaw ko habang ginugulo-gulo ko ang buhok

ko sa sobrang inis.

Nagdadabog na tumayo ako at naglakad ako papunta sa pintuan ng unit. Pinindot ko


ang device sa gilid ng pintuan at napataas ang kilay ko sa nakita kong tao sa
labas.

Si BDW at si Deck.

Bumuntong-hininga ako at inilibot ko ang paningin ko sa bahay. Thankfully


nakapaglinis ako kaninang umaga at naitabi ko ang mga gadgets at baril na nakakalat
lang sa sala. Ang tanging nandito lang ngayon ay ang ginagamit ko para sa strength
training. Hindi naman kakaiba iyon tignan dahil mga mukhang pang exercise lang ang
mga iyon.

Binuksan ko ang pintuan at ngiting ngiti na idinipa ni BDW ang mga kamay niya.
"Hello, mabuhay! I'm here in front!"

Napapailing na nilakihan ko ang pagkakabukas ng pintuan. "Come in."


Kekendeng-kendeng na pumasok si BDW habang si Deck naman ay napapakamot lang sa
batok na sumunod.

Nang tuluyang makapasok sa loob ay pinaupo ko sila bago ako kumuha ng juice sa
kusina. Pagbalik ko ay muli akong napailing ng makita ko si BDW na nakasiksik kay
Deck at kulang na lang ay kumandong sa lalaki.

"Napadaan kayo, BDW."

"Well you know we have some showbiz."

Napakunot ang noo ko. "Showbiz?"

"Yes, you know. Like tsismis. And of course we worry that you jump around the
building and die." Tinapik-tapik niya ang sarili niya na parang inaalo niya ang
sarili habang malungkot na nakatingin sa akin. "You said the last time we chat when
you ask for a leave that Niko was gone far away. You can be sad, depress,

suicidal, you know?"

Hindi ko alam kung tatawa ako o papalahaw ako ng iyak dahil ang hirap intindihin ng
mga sinabi ni BDW. Kapag kausap mo kasi ang babae kailangan mabilis ang utak mo sa
pag decipher sa animo coded niyang mga salita.

"I'm not suicidal, BDW. I'm also not depress." I said, forcing myself to smile.
Kung alam lang niya kung paano ako mag sound trip habang umaarte na parang nasa
music video ako, maghanap ng kopya ng Wonder Pets at umiyak kahit wala namang
nakakaiyak, tumawa ng maging popsicle sa Titanic si Jack, magsayang ng benteng bond
paper para paulit ulit na isulat kung bakit hindi kami pwede, at kung ano-ano pa.
"So anong tsismis ang ibabalita mo?"
"Oh that! Okay let me begin the-"

Naputol ang sasabihin ni BDW ng takpan ni Deck ang bibig niya. Alanganing nginitian
ako ng lalaki. "I think I should tell you the news instead of her." Nagpapasalamat
na tumango ako na ikinatawa ng lalaki ngunit pagkaraan ay sumeryoso siya. "We heard
news about Taylor's death. Looks like there's something more to her death than we
thought."

Ipinaliwanag ni Deck ang mga impormasyon na alam ko na. Na ang ex-boyfriend ni


Taylor ay kasangkot sa isang samahan kung saan bumibiktima sila ng mga babae para
gawing daan nila sa mga pagnanakaw nila.

"The police thought that they have the leader but they were wrong."

Napamulagat ako sa narinig. "What do you mean?"

"They just have the head of that one group. There are more...and they are bigger.
It's not just a group but

a syndicate and no one knows who is the leader."

Ibig sabihin lang niyon, ang head ng grupo ay may sinusunod pa. At ang mga iyon ang
siyang nakakaalam kung sino ang leader...o mga leader. "Woah."

Napasigaw si Deck at mabilis na inalis niya ang kamay niyang nakatakip sa bibig ni
BDW. Napangiwi ako. Mukhang kinagat.
"You, American boy! I'm pure Pinay you know? My nose is Philippine made! Your hand
is big and my nose is small so I suffocate!"

"Sorry, babes."

Umingos ang babae bago humarap sa akin. "Anyway, beside that, we are here to out
you."

Napakurap ako. Out me? Alam na ba nilang agent ako? Anong gagawin ko kung alam na
nila? "W-What do you mean?"

"Duh, out you! We out! We gonna grocery! Because one, I have no grocery. Two, maybe
you don't have grocery. So my genius brain thought 'Why not ask Snow is she want to
out and buy grocery with us?'."

"Oh."

"Let's go! Vamonos!"


NAPAPAHILOT ako sa ulo ko habang tulak-tulak ko ang grocery cart at nakasunod kay
BDW at kay Deck. Hindi ko alam kung balak ba nilang mamili o maglambingan na lang.
Halos hindi sila mapaghiwalay. May kukunin lang na item si Deck, parang matsing na
lalambitin na agad si BDW sa kaniya.

Habang tinitignan sila imbis na managhili parang biglang nagagamot ang Phoenix
Depression ko dahil sa pagkaumay sa kanila.

"Snow!"

Nag-angat ako ng tingin.

"Yes?"

"You done? Buy more! You need to eat much because you look like you will die
later."

Hindi ko na napigilan at napahagikhik na ako. "Yes, yes. I'll buy some more so I
won't die later."

Pilit na iniignora ang love birds sa harapan ko na nagsimula na akong mamili.


Maliit na cart lang ang dala ko hindi katulad sa kanila. Mahirap na rin kasi na
bumili ng marami dahil mag-isa lang naman ako. Mamaya masira pa ang mga pagkain.
Isa pa hindi naman ako magaling magluto kaya limitado lang ang pwede kong bilin.
Iyong mga pagkain lang na kaya kong lutuin. Parang sa pagmamahal lang iyan. Dapat
alam mo ang limitasyon mo.

Hindi na rin ako masyadong bumili ng instant food. Sabi kasi ni Momma hindi daw
maganda na laging kumakain non. Parang sa pagmamahal lang din. Akala mo instant
happiness ang maidudulot sa'yo. Masasaktan ka lang pala.

"You see this brand, Dick? I really love it but it's so hard to found. It's long
too before they have supply. So I switch-"

"Ganiyan naman kasi talaga ang mga tao. Porke mahirap kang mahalin...porke ang
tagal mo bago mapa-Oo, maghahanap na ng iba. Ganiyan naman talaga. Kung sabagay
kasalanan naman namin. Bakit ba kami aarte? Kasalanan naman talaga-"

"Hoy!" bulalas ni BDW at inagaw sa akin ang hawak ko. Napatingin ako doon at
nanlaki ang mga mata ko ng makita kong muriatic acid iyon. "Okay ka lang ba talaga
girl? Iyong hugot mo sa sobrang lalim nakahanap na ng kulay pink na tubig sa ilalim
ng lupa ah."

Napabuntong-hininga

ako. "Pasensya na BDW ah? Kapag ganito kasi ang stado ng emosyon ko kailangan ko
talaga ng at least three weeks bago ako maging normal ulit...nang kahit paano."

Tinapik-tapik ako sa balikat ng babae. "Okay, I understandable. But please stay far
from acids, knives and anything killing okay?"
Sumaludo ako. "Okay."

Nangingiting bumalik na siya kay Deck at muli kaming nag-ikot ikot. Napatigil lang
ako ng makarating kami sa estante ng mga personal items katulad ng toiletries.
"Nasaan kaya ang petroleum jelly nila?"

"Patronum?" tanong ni BDW. "I knew that! Harry Potter!"

"Ah no." natatawang sabi ko. "Petroleum jelly."

"Oh. I think it's there- OMG! My favorite lotion is here!"

Nagkatinginan na lang kami ni Deck at sabay na napangiti. Mas matagal pa ata ang
attention span ng munting tuta kesa kay BDW.

Pinabayaan ko na lang siya at ako na lang ang naghanap ng petroleum. Lumapit ako sa
isang stante at bahagyang napakunot ang noo ko ng makita kong nakahiwalay iyon kesa
sa iba.

"Eto naman pala."

Kumuha ako ng isa. Ang kaso wala iyong brand na kadalasan kong nakikita sa Pinas.
Baka ganto talaga dito.
Tinignan ko ang presyo at napataas ang kilay ko sa nakita. "Grabe naman. Ang mura
lang nito sa Pilipinas ah. Parang sobra namang over pricing eh ang liit liit lang
nito kompara doon sa binibili namin."

Tinignan ko ang hawak ko. KY Jelly ang tatak. Kung sabagay naman tunog sosyal nga
siya.

"Wow!

You use that?"

Nilingon ko si BDW na lumapit. Nakatingin siya sa hawak ko habang si Deck naman ay


nag-iwas ng tingin habang ang mga pisngi niya ay namumula sa hindi malamang
dahilan.

"No. Not this brand but I can't find one here."

"Oh. But your boyfriend is not here." nagtatakang sabi niya.

Ako naman ang naguluhan sa sinabi niya. Bakit kailangan may boyfriend pa para lang
gumamit ng petroleum jelly? "Hindi ko nama siya kailangan para gamitin ito. I'm
fine being alone."

"Oooh! Attah girl!"


BINABA ko ang pinamili ko sa center island ng kusina. Kanina pa nakaalis sila BDW
dahil kailangan daw nila ng 'quality time' ni Deck. Kung ako ang tatanungin parang
hindi na nga nila kailangan. Halos kulang na lang kasi magkapalit ang kaluluwa
nila.

Bilib din ako kay BDW. Sa kabila ng kakaiba niyang pag E-English hindi iyon
nagiging hadlang para tumigil siya. Minsan nga pakiramdam ko sinasadiya niya na.
Mukha kasing masaya din siya na natutuwa ang mga tao sa kaniya.

Nasa akto ako ng paglabas ng nabili kong petroleum jelly ng tumunog ang cellphone
ko na nakapatong lang sa center island. Kinuha ko iyon at nakita ko na video call
iyon mula kay Athena.

Itinagilig ko iyon at iniangat ko ang likod ng cover niyon na nagsisilbing stand at


inilagay ko iyon sa kung saan ako mas kita bago ko sinagot ang tawag.

Bumungad sa akin si Athena at Hera na parehong nakashades.

"Napatawag

kayo-"
"OMG! SAAN MO GAGAMITIN YAN?!" sabay nilang sigaw.

Kunot noong tinignan ko ang tinuturo nila. Nang makita ko na ang tinutukoy nila ay
ang hawak ko na KY jelly ay naguguluhang nag-angat ako ng tingin. "Sa-"

"Omg! Hindi ko akalain..." hindi makapaniwalang sabi ni Athena habang si Hera ay


napatakip sa bibig niya na parang kahindik-hindik ang nakikita niya.

Naniningkit ang mga matang namewang ako habang iwinawagayway ko sa isa kong kamay
ang KY jelly. "Ano bang problema niyo? Para petroleum jelly lang. Malamang
gagamitin ko sa siko ko, sa paa ko at sa kamay ko. Duh."

Sandaling katahimikan ang namayani. Parehas silang hindi gumagalaw habang


nakatingin sa akin. Kung hindi lang umiikot ang kamay ng relos sa likuran nila
iisipin kong naghang na ang video call. "Hello? Anybody there? Buhay pa ba kayo?"

"Omg ulit." bulong ni Athena.

"She's still clueless." Hera whispered.

"Still Snow...kahit na mukhang naging independent na siya kahit paano. Look at that
groceries. Hindi puro instant."

"Yeah." sabi ni Hera. "But still. Clueless."


Humalukipkip ako at binigyan ko sila ng matalim na tingin. "Okay. I'm hanging up."

"WAIT!" magkasabay ulit na sigaw nila.

Napapailing na tinaasan ko sila ng kilay. Mukhang bumalik na naman sa kabaliwan ang


dalawang ito. Baka natapos na ang silent war nila kaya nanggugulo na naman ng mga
tahimik na kaluluwa ngayon.

"Ang gulo niyong dalawa." sabi ko.

"Ikaw

kaya diyan." nakangusong sabi ni Athena. "Tignan mo muna kasi ang binibili mo bago
ka bumili."

Nagtatakang nagbaba ako ng tingin sa hawak ko at binasa ko ang mga nakasulad doon.
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko hanggang sa mabitawan ko na ang hawak ko.
Nakangangang lumingon ako sa phone kung saan nagpipigil ng tawang nakatingin sa
akin ang dalawa.

"It's a..." I whispered.

"A personal lubricant for sexual intercourse. Or for...toys." nakangising sabi ni


Hera.
Pakiramdam ko pulang-pula na ako mula ulo hanggang paa. Kaya pala ganon ang mga
sinasabi ni BDW kanina at kung bakit halos hindi ako matignan sa mga mata ni Deck.
Iyong cashier din iba ang tingin sa akin kanina.

Tinakpan ko ang bibig ko para mapigilan ang hagikhik na nais kumawala roon. Ngunit
hindi ko din iyon napigilan ng bumalalas na ng tawa ang dalawa. Tinanggal pa ni
Hera ang suot na sun glasses at pinunasan ang naluluha niyang mga mata.

Natigil ako sa pagtawa at napatitig sa phone. Kung hindi ako nagkakamali...

"Oh my God! Hera! Anong nangyari sa mukha mo?!" May pasa siya sa gilid ng isa
niyang mata. May mababaw na kalmot din siya. Hindi kaya...dahil sa kapatid ko? Kung
tama ang pag-alala ko may nabubuo sa pagitan nila ni kuya. "Dahil ba iyan sa fans
ni kuya?"

Nasamid si Hera at tinapik-tapik niya ang dibdib niya. "A-Ano? Hindi no! Ano namang
kinalaman ko sa fans ng kuya mo?"

"Eh diba may something kayo?"

"What? Ew no!" tanggi niya.

Ngumuso ako. "Grabe

ka naman sa kuya ko. Ang gwapo kaya ng kuya ko. Walang pangit sa lahi namin no."

"Wala naman akong sinabing pangit ang kuya mo. Hindi lang talaga kami talo. Like
never! Kadiri!"

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Whatever. So ano ngang nangyari at bakit may pasa ka?
Mission?"

Wala naman kasing maaaring iba pang dahilan. Hindi na rin kasi bago na umuuwing may
mga pasa ang mga agents. Babae man o lalaki. Ako noon, pasa lang talaga ang lagi
kong dala pagkatapos ng mission. Malala na kung may gasgas ako.

Pero bihirang bihira na may grabe akong sugat. Hindi kasi hinahayaan ni Phoenix na
nasasaktan ako sa isang mission. Kapag nagkakagulo at hindi namin mapigilan iyon,
itinatakas niya na ako.

"Nope." sabi ni Hera.

Bumuka ang bibig ko para magtanong pero hindi ko naituloy iyon ng ibaba ni Athena
ang suot niyang shades. May pasa din siya at may mga kalmot. Nagpalit-palit ang
tingin ko sa kanilang dalawa.

"Nag-away ba kayo?" tanong ko.

"Hindi naman." sagot ni athena. "May hindi kasi kami pag-kakaunawaan at nag decide
kami na mag-usap at mag-ayos. Kaya eto."

"Nagkaayos pa kayo ng lagay na 'yan? Kung sa iba 'yan baka nagkademandahan na


kayo."
Ngumisi si Athena. "Genius kami kaya iba ang paraan namin ng pag-aayos ng alitan.
Astig no?"

"Ewan ko sa inyo." naiiling na sabi ko. Kung sabagay hindi naman talaga kami mga
normal. Hindi na nakakapagtaka na parang lalaki kung umaayos ng gulo ang dalawang
ito. "Bakit nga pala kayo napatawag?"

Namewang si Athena. "Itatanong lang namin kung kailan mo ibabalik si Phoenix. Hindi
naman sa nangingealam pero you know...malapit ng mag expire ang pasensya ng mga
kapatid mo. Baka biglang sumugod diyan ang mga iyon."

"What?" I whispered.

"Nag-aalala kasi ang mga kapatid mo. Alam niyo na...hindi normal ang sitwasyon niyo
ni Phoenix." napapabuntong-hiningang sabi ni Hera. "Kahit pa nakikita namin...na
alam namin kung ano ang nararamdaman niyo para s aisa't-isa, hindi pa rin tama to,
Snow. Kaya pauwiin mo na siya."

"I...I...but he's not here."

Tuluyan ng nawala ang saya sa atmospera. Malungkot na nakatingin sa akin ang


dalawa. Alam ko ang iniisip nila. Alam kong naaawa sila sa akin. Na para bang
naglilimos ako ng pagmamahal sa taong alam kong hindi pwedeng maging akin.

But Phoenix and I...we both understand. Alam naming mali. Alam namin na hindi
pwede. That's why he left. That's why I let him walk away.
"He's not here." I said again, my voice thick with emotion. May kung anong kaba na
tumatambol sa dibdib ko.

"Snow-"

"Check the airline's flights."

Nagkatinginan silang dalawa. Hindi ko na nagawa na muling makapagsalita ng tumunog


ang phone na naghuhudyat ng isa pang tawag. Nang makita ko kung kanino galing ang
tawag ay sinagot ko iyon.

...
...

"Mira?"

"Help me. You have to help me Snow. Please...please help me save him"

_______End Chapter 22.

=================

CHAPTER 23 ~ Deception ~

CHAPTER 23

SNOW'S POV

Napamulat ako ng maramdaman ko ang malakas na pagbangga sa akin ng katabi ko. Hindi
ito ang unang beses na nabangga ako sa kalikutan ng lalaking nakaupo sa tabi kong
upuan. Para bang sinisilihan siya na hindi maintindihan.
"Pasensya na ha? Hindi kasi talaga ako sumasakay sa eroplano." hinging paumanhin
niya.

Bahagya kong nilingon ang lalaki. Nakabonet siya at itim na jacket. Nakangiti siya
kaya halos maging non existent ang mga mata niyang singkit. Kung hindi lang ako
naiirita sa kaniya baka na cute-an pa ako sa kaniya. Baby face. "Mukha nga. Kulang
na lang tumalon ka sa bintana eh."

"Pasensya na talaga-"

"Subukan mong matulog para hindi ka nakakaistorbo. Mamaya kasi sapian ako at ako
ang maghulog sa'yo- este magpatulog sa'yo."

Nangingiting napakamot siya sa ulo niya. "Parang parehong hindi maganda."

Iningusan ko siya at muli akong pumikit. Pakiramdam ko sumasapi sa akin si


Freezale. Pero okay lang. Kailangan ko siya ngayon. I need to pretend that I'm in
control right now...even though I know I'm not.

Hindi mapigilan na bumalik sa ala-ala ko ang naging pag-uusap namin ni Mira.

"Please...please help me save him. Ikaw lang ang pwedeng tumulong sa akin. Alam
kong gagawa ka ng paraan para iligtas siya...please..."
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa aparatong hawak ko. Pakiramdam ko ay
dumadagundong ang dibdib

ko sa kaba. "A-Ano bang sinasabi mo, Mira?"

"N-Nakuha ng Claw si Phoenix."

Napatakip ako sa bibig ko. Pilit na pinakakalma ko ang sarili ko. Walang mangyayari
kung pareho kaming magpapanic. "Then why are you calling me? Alam mong nasa BHO
CAMP ka, Mira. Asked for their help. Nasa...nasa malayo ako. Hindi ako makakauwi
agad-agad. Tell them-"

"No! We can't! H-Hindi nila tayo tutulungan!"

"I-I...I don't understand."

Namayani ang katahimikan sa kabilang linya. Tanging malalim na paghinga na nasundan


ng may kalakasan na kalabog. Kasunod niyon ay nagsalita si Mira sa tila
nahihirapang boses. "Tayo lang dalawa ang pwedeng makaalam, Snow. We'll meet at the
airport. I'll text you."

"Mira..."

"J-Just trust me. We'll get through this then...t-then everything will be alright."

"Pero mas maliligtas natin agad si Phoenix kung hihindi tayo ng tulong sa BHO CAMP.
Mira, we can't fight alone. When it comes to Claw we need to be ready."

My cousin, Dawn, learned her lesson and she passed that lesson to us. Pamilya kami.
Isang organisasyon. We shouldn't make a move without consulting the others,

"I...I need to tell you something before you talk to them. For the mean time please
don't contact them. Kailangan muna kitang makausap."

"But-"

"I'm sorry, Snow. But this is the only way..."

Tuluyan ng naputol ang koneksyon ng linya. Animo nawalan ng lakas na ibinaba ko ang
hawak na cellphone. Nanatili akong nakatingin roon na para

bang hindi pa rin maproseso ng utak ko ang nangyayari. Muling pagtunog ng aparato
ang nagpagising sa akin.

Sinagot ko iyon at bumungad sa akin mula sila Athena at Hera. "Snow! We've checked
the airlines. Looks like matagal ng nakauwi si Phoenix. And we found out-"

Hindi ko na pinatapos si Athena sa pagsasalita hanggang sa katahimikan na lang muli


ang bumalot sa paligid.
Hindi ko pa rin naiintindihan lahat. Marami pa akong gustong itanong kay Mira. Pero
iisa lang ang mahalaga ngayon. Kailangang mailigtas si Phoenix. Dahil kung tama ang
sinasabi ni Mira...kailangan naming magmadali.

Claw Organization is ruthless. Kung kaya nilang gawin ang ginawa nila kay Storm, sa
nanay ni Waine, kay Serenity...at sa posibleng nangyari sa anak nila ni Waine,
hindi nila sasantuhin si Phoenix.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ng BHO CAMP ngayon. Hindi ko alam kung alam na ba
nila ang nangyayari. I want to contact them but Mira said I shouldn't. Nahahati ako
sa dapat kong gawin. Paano kung may mangyari kay Phoenix kapag kumilos ang BHO
CAMP? Pero paano...kung ikapahamak lalo namin ito?

"Okay ka lang, Miss?"

Nagmulat ako ng mga mata at nilingon ko ang katabi ko. Siya nga ang dapat kong
tanungin. Ang putla na ng mukha niya samantalang ang puti puti na nga niya. "Okay
lang."

"Sigurado ka? Para kasing ikaw na ang gustong tumalon palabas ng eroplano eh."

Pinigil kong mapasimangot at sa halip ay nginitian ko

siya ng sobrang tamis. Iyong tipong ngiti na lagi kong ginagamit sa mga agent sa
BHO CAMP. Mukha namang umepekto dahil napangiti din ang lalaki. "Okay lang ako
sabi. Pwede quiet ka muna?"
Panigurado susunod na iyan at mananahimik na para bang isa siyang bangkay. Wala na
kasing nakakatanggi sa akin kapag ginagamit ko ang Snow Cutiepatootie smile ko-

"Hindi ko kaya ang 'quiet' eh. Kinakabahan nga kasi ako. Ako nga pala si Locke. As
in kandado with an e. Hindi 'luck' as in swerte. Ikaw? Anong pangalan mo?"

"Pwede 'wag ka ng maingay?" Hindi ko alam kung saan niya kinukuha ang energy niya.
Base sa pamumutla niya dapat kanina pa siya lantang gulay.

"Ang haba naman pala ng pangalan mo."

Muli akong pumikit at hinilot ko ang sentido ko. Alam ko na ngayon ang pakiramdam
ng kapatid ko na si Freezale sa sobrang kakulitan namin ni kuya Thunder. Ang tiyaga
niya lang dahil hanggang ngayon hindi pa niya kami kinakalbo. Mas lalo na kung ang
pasensya ng mga magulang namin ang titignan. Kung maikli ang pasensya ng mga
magulang namin baka sperm cells na lang kami ulit ngayon.

Nanatiling nakapikit ako at hindi na naman ako muling kinulit ng lalaking


nagngangalang Locke with an E. Siguro akala niya natutulog na ako. Panaka-naka ay
nababangga niya pa rin ako sa kalikutan niya pero hindi na iyon madalas hindi
katulad kanina.

Muli na lamang akong nagdilat mula sa pagkakapikit ko ng marinig ko ang


announcement na nagsasabing malapit na kaming mag landing.

"Oh God. Oh no, oh no, oh nooooo-"

/>
Bago pa maalarma ang mga tao sa pagpapanic ng katabi ko ay kinuha ko ang mansanas
na kasama kanina sa tray ng pagkain niya at ipinasak ko iyon sa bibig niya. Mabilis
akong kumilos at hinila ko ang laylayan ng mahaba niyang jacket at itinali ko ang
mga iyon sa likuran niya.

Nanlalaki ang mga matang tinignan niya ako dahil sa ginawa ko. Nginitian ko lang
siya ng matamis at prenteng sumandal ako sa upuan.

"Dapat kanina ko pa pala nagawa eh di sana ang komportable ng byahe ko."

Tuluyan na ngang nag landing ang eroplano. May ilang mga pasahero na napapatingin
sa gawi namin habang ang katabi ko naman ay kulang na lang lumuwa ang mga mata.
Kung hindi lang ako namomoblema ngayon baka tinawanan ko pa siya.

Nang muling mag announcement ay tinanggal ko na ang mansanas sa bibig ng lalaki.


Bago pa ako makapagsalita ay naunaha na niya ako. "Are you crazy?!"

"Nope." I answered, exaggerating the 'P' of the word.

"I was screaming and you did nothing!"

Kinunutan ko siya ng noo. "Hindi ka naman sumisigaw ah."

"I was screaming from the inside! Alam mo 'yon? "


Pinaikot ko ang mga mata ko at tinanggal ko na ang nakatali niyang jacket. "Hindi.
Tumahimik ka na pwede? Nasa lupa na ang eroplano kaya pwede ka ng tumalon palabas."

Tumayo ako at binitbit ko ang dala ko na handbag. Wala naman akong ibang dala
maliban doon. Matatagalan pa ako kung dadalin ko ang ilan sa mga gamit ko.

Akmang lalakad na ako paalis ng makita

ko ang labas ng eroplano mula sa maliit na bintana. Ako lang ba o hindi pamilyar
ang lugar na'to?

"Problem?"

Nilingon ko ang lalaking padlock. "Nasa Pilipinas ba tayo?"

Kumuot ang noo niya. "Ay miss, okay ka lang? India to, India."

Napasinghap ako. Binuksan ko ang bag ko at hinalungkat ko iyon. Nang makita ko ang
ticket at iba ko pang papeles ay binasa ko kaagad iyon. Kasabay niyon ay narinig ko
ang mahinang pagtawa ng lalaking padlock.

"Got yah!"

Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Hindi ka nakakatawa!"


Inirapan ko siya at muli kong tinignan ang hawak ko. Kaya pala ako hindi pamilyar
sa airport ay dahil ibang terminal ang kinaroroonan ko.

Ipinasok ko na ang mga papel sa bag ko at muli kong tinignan ng masama ang lalaking
padlock at binigyan siya ng masamang tingin. Nag peace sign lang ang lalaki at
tumayo na rin.

Nakasunod lang ang lalaki sa akin sa lahat ng dinaanan ko. Siguro hindi niya alam
ang dadaanan o kung ano. Mukha naman kasi siyang hindi taga-dito. Mukha ding hindi
siya taga-US dahil mukha siyang koreano.

Inilabas ko ang phone ko mula sa bag. Baka nagtext na si Mira. Akmang tuluyan na
akong lalabas mula sa loob at patungo sa mga taong sumasalubong sa mga bagong
dating ng may mapansin ako sa kabilang panig ng two way window.

Kuya King.

Napatigil ako. Kung nandito si kuya malamang nandito si Freezale. Baka inaabangan
na nila ako.

"Oy, miss-" Pinutol

ko ang sasabihin ni padlock at mabilis na ikinawit ko sa braso niya ang braso ko.
"Anong ginagawa mo? Miss, wala akong balak mag ampon."

"Shh!"
"Hindi ka pwedeng sumama sa akin. Kung hindi mo tatanungin-"

"Hindi nga ako nagtatanong."

"Ay ako ang bagong manager ng sikat ng banda dito sa Pilipinas. Kaya kailangan mo
na akong layuan kahit na alam kong sobrang cute ko."

Mabilis pa sa alas kwatro na lumayo ako sa kaniya. Itinaas ko ang hood ng jacket na
suot ko at yumuko ako. Saktong may dumaan na lalaki na may tulak tulak na cart kung
saan may malalaking kahon na patong-patong. Nagkubli ako roon habang palabas.

May ilang mga taong napapatingin sa akin pero hindi ko sila pinansin. Nagbaba ako
ng tingin sa cellphone ko at nakita kong may mensahe galing ka Mira na nagtatanong
kung nasaan ako.

"Taxi?! Taxi?! Ma'am, sir, taxi?"

Tinignan ko ang nagsalita at tumakbo ako palapit roon. Napaatras ang lalaking nag-
aalok ng taxi. "I need a taxi." I whispered.

"Okay, Ma'am! Taxi, this way!"

Sinundan ko siya. Nilagpasan namin ang lalaking padlock na kausap na ni kuya King.
Kaagad na nag-iwas ako ng tingin ng makita kong tinuro niya ako. Akmang tatalikod
na ako ngunit huli na. Nakita na ako ni kuya King. "Snow!"

Binalingan ko ang aparato na hawak ko at sinagot ko si Mira bago ako nagmamadaling


sumunod sa mamang nag alok ng taxi.

Nang makarating sa labas ay naglakad pa kami dahil malayo ang kinapaparadahan

niya. Pagkaraan ay narating na namin ang taxi. Sasabihin ko na sanang may susundo
na pala sa akin nang makita ko ang paglapit ng kung sino sa likod niya. Nanginig
ang katawan niya at bumulagta siya sa sahig.

Tinangka kong sumigaw ngunit wala ng boses na namutawi sa labi ko dahil kasabay
ninyon ay may naramdaman ako na kuryente na dumaloy sa aking katawan.

PHOENIX' POV

"Kanina pa ako nagpapaliwanag. Kasama ko nga ang mga magulang ko kaya hindi ako
nakauwi ng BHO CAMP. Alam niyo kung kailan ang flight ko mula sa Seattle pabalik
dito at hindi ko kinansela iyon."

Kasalukuyan akong nakabalik na rito sa BHO CAMP ng dahil na rin kay Athena at Hera
pati na sa mga kapatid ni Snow. Hinahanap pala nila ako dahil akala nila ay
magkasama kami ni Snow sa Seattle. Ngayon nga ay naabutan nila ako dito sa hallway
ng BHO CAMP bago pa ako makarating sa office ni Dawn.

"Eh bakit hindi ka nagreport kay Dawn?" tanong ni Hera.

"Nakapagreport na ako bago pa lang ako bumalik dito sa Pilipinas. Nasabi ko na rin
kay Dawn na baka mahuli ako sa debriefing. At bago niyo pa maitanong, alam ni Mira
kung nasaan ako."

Umismid si Hera. "Hindi ko naman tatanungin."

Napabuntong-hininga ako. Maayos ang trato ng mga agents kay Mira pero kay Snow lang
siya talaga naging close. Pero sa lahat ng agents si Hera lang talaga ang
nagpapakita paminsan-minsan na hindi niya gusto ang babae.

"Anyways..." pag-iiba ni Athena. "Nag-aalala

si Snow. Nagtataka nga ako sa isang iyon. Binabaan kami ng telepono at hindi na
sumasagot sa mga tawag namin. Kinokontak pa rin siya hanggang ngayon ng mga kapatid
niya. Maybe she's so worried that she'll finally come home."

As much as possible, sinisimulan ko na muling limitahan ang pag-isip tungkol kay


Snow. If I will make things right, I should start with myself. Iyon ang rason kung
bakit hindi ako bumalik agad sa BHO CAMP at sa halip ay nagtungo ako sa tinitirhan
ng mga magulang ko, Sly and Tricia Andrea.

'Son, there's no use to regret and think of a million ways that this could be any
better. Dahil kahit anong gawin mo ay hindi magiging madali ang sitwasyon na
kilalagyan mo. Prolong this and you will just lengthen your pain, Snow's pain...and
your wife's. This time, make a decision and take responsibility. Then after that
live with the guilt and accept it.'
That was my father's words. And he's not wrong. I'm prolonging things because I
can't think of a way that this would not end with someone getting hurt.

"Hey!"

Nilingon ko ang nagsalita. Si King na may kasamang lalaking singkit na kumakaway sa


amin. "Nakita ko si Snow kanina sa airport." sabi ni King.

Nanglalaki ang mga matang nagkatinginan si Hera at Athena bago maghawak kamay na
nagtatalon sila. Ngunit bago pa magpatuloy ang kasiyahan nila ay napatingin ako sa
suot ko a pulsuhan ko na BHO CAMP bracelet.

Napatigil din si Athena at Hera at napatingin sa suot nila. Umiilaw ang emergency
button. Pagkatapos niyon ay may kung anong announcement ang pumainlang sa paligid
na nanggagaling sa mga speaker sa paligid.

Ngunit hindi doon natuon ang atensyon ko dahil bago pa may makakilos sa amin ay may
nag flash sa contact lense na suot ko na nanggagaling sa VEIL. Mga pangalan ng mga
agents ang naroon. Storm, Nyx, Aiere,...at Snow. Kasunod niyon ay mga larawan ng
mga babae na mga nakapiring at may mga busal ang bibig.

It felt like time stood still at that moment. Dahil hindi lamang iyon ang pinakita
ng VEIL kundi pati larawan ng isang sulat. Sulat kamay ng isang taong kilalang
kilala ko ngunit iba ang nakalagda roon.
...

...

Them for Warner Claw. Deal?

- Chantelle Claw

=================

CHAPTER 24 ~ Pretense ~

CHAPTER 24

SNOW'S POV

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalin ng
mga taong dumakip sa akin dahil mula ng makabawi ako kanina mula sa paggamit nila
sa akin ng taser ay hindi pa ako kumikilos sa sahig ng sasakyan na kinahihigaan ko.

"Hindi pa ba gising 'yan?"


Naramdaman ko ang mahinang pagsipa sa akin ng kung sino. Nanatili akong nakapikit
at hindi gumagalaw. "Hindi pa, pre. Mukhang hinimatay sa sakit ng ginamit natin sa
kaniya iyong taser. Babae 'to eh."

I tried not to scoffed at that. Babae man ako pero walang agent ang makakalusot sa
taser training na ginawa namin noon. Kasama sa training namin na magpa-taser at
stun gun bago kami umakyat sa panibagong lebel ng training.

Kahit pa sabihing halos lahat ng agent ay nag back out ng ako na ang gagamitan nila
niyon ay hindi ibig sabihin nakalusot ako. Dahil mismong ang kapatid ko na si
Freezale ang nagsagawa niyon.

"May nakuha pa daw na tatlong babae ah. Reynolds ang pangalan nong isa."

"Oo nga daw sabi ni Bogart. At hindi lang siya, may kasama pang dalawang babae. Eh
umaaligid-aligid daw kay Chantelle dahil mukhang naghihinala. Ayan tuloy ang napala
nila. Hindi naman sila dapat madadamay."

Pinigilan ko ang sarili kong kumilos sa narinig. Dalawang Reynolds lang ang pwede
nilang tinutukoy. Si Sky o si Storm. I wish BHO CAMP will send back up soon. Dahil
kung si Storm ang nakuha nila...hindi ko alam kung anong mangyayari sa babae.

/>

She's happy now. She's not an agent anymore. Kahit na kasali pa rin siya sa mga
meeting at may ilang pagkakataon na tumatanggap siya ng mission. She happily gave
up being an agent because just being a mom and kuya Hermes' wife makes her happy.
At lahat kami tinanggap ang desisyon niya dahil naiintindihan namin siya. She's
been through a lot.

Alam kong gagawin lahat ng BHO CAMP para mabawi kami. I already send them a signal.
Hindi ko alam kung gumagana ang tracker ko but I'm sure my bracelet are working.
Nang makabawi ako kanina pagkatapos nila akong gamitan ng taser ay pinagana ko ang
bracelet at iniipit ko iyon sa ilalim ng car mat para hindi nila iyong mapansin.

I'm very sure that at this very moment, BHO CAMP are planning how to get us back.

"Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Itong si Night lang naman ang kukunin dapat
dahil mas madaling linlangin 'to dahil sa koneksyon ni Chantelle sa organisasyon na
iyon."

"Eh pre, maiba ako. Si Chantelle ay Claw din di ba? Kapatid ba siya ni Boss?"

"Si Chantelle ay-"

Bago pa matapos ang sasabihin ng lalaki ay naramdaman kong huminto ang sasakyan.
Kasunod niyon ay naramdaman kong umangat ang katawan ko.

Bahagya kong iminulat ang mga mata ko ngunit kaagad ko rin iyong ipinikit ng makita
kong may dalawang lalaki sa likod ng kumakarga sa akin. Pinilit ko na lang na
panatiliin ang pag arte ko na animo wala akong malay.

Pagkaraan ng ilang sandali ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Kasunod niyon


ay narinig ko ang mahina na mga bulong kasunod niyon ang mahinang pag-iyak ng kung
sino. Hindi ko kailangang dumilat para kilalanin ang pinanggalingan ng mahihinang
boses. Aiere and Nyx.

"Freezale...?" narinig kong malakas na anas ni Nyx. "No...it's not her. P-


Paanong...si Snow?"

"Anong ginagawa niyo sa kaniya?!" galit na sigaw ni Aiere. Kasunod niyon ay narinig
ko ang kalansing ng kadena.

"Tumahimik kayo! Hindi namin kayo sasaktan basta sumunod lang kayo sa gusto namin.
Kapag naibigay na sa amin ang pangtubos sa inyo ay makakauwi na kayo sa inyo."

Base sa pagsasalita nila at sa kaninang narinig ko na pag-uusap nila ay hindi nila


kami eksaktong kilala. O kung kilala naman nila kami ay hindi nila alam kung ano
ang history ng tinatawag nilang 'boss' sa BHO CAMP. Sumusunod lang sila sa utos.

Pinigilan kong mapaigik ng maramdaman ko ang pagtama ko sa semento ng marahas akong


binitawan ng kumakarga sa akin kanina. Kasunod niyon ay mga yabag palayo at malakas
na pagsarado ng pinto ang narinig ko.

Naramdaman ko ang mga kamay na humawak sa akin na para bang tinitignan kung may
natamo ako na pinsala. Iminulat ko ang mga mata ko.

"Snow!" bulalas ni Aiere.

"Shh." I whispered. I looked around me and immediately spotted a security camera.


"Umarte kayo na parang nanghihina. We need to buy some time. Gagamitin nila tayo
para mas mapabilis na makuha nila ang gusto nila. If we act like this, matatagalan
sila para isagawa ang plano."

"That won't work." Aiere whispered.

"They didn't get us for information. This is something else. And Storm..."

Bahagyang umusog si Aiere dahilan para tuluyan kong makita si Storm. Nakahiga siya
sa sahig at nakabaluktot. Nanginginig ang katawan niya at may luhang naglalandas sa
mga mata niya. But the expression in her eyes...it's different. It's like she's not
with us right now.

"Bakit niyo siya kasama?" bulong na tanong ko. "Kumuha ba siya ng mission?"

"No..." nagbaba ng tingin si Nyx. Rumehistro sa mukha niya ang guilt. "May
minamanmanan kami ni Aiere kasama si Fiere at Erebus. Nahiwalay kami sa kanila at
doon kami nahuli ni Storm na galing sa isang seminar. Pinilit niya kaming umuwi na
lang at itigil ang ginagawa namin dahil wala namang approval ni Dawn. And
then...they caught us."

"Chantelle Claw." I said, still in a whisper.

Bahagyang kumunot ang noo ni Aeire. "Sinong tinutukoy mo?"

Ako naman ang naguluhan sa sinabi niya. Base sa pagkakarinig ko kanina sa usapan ng
mga dumakip sa akin ay may sinusundan daw sila Aiere na babaeng nag ngangalang
Chantelle Claw.
"Chantelle Claw. Ang taong minamanmanan niyo."

"What are you saying Snow?" Aiere whispered back. "Wala kaming kilalang Chantelle
Claw. Ang taong minamanmanan namin ay si

...

...

Mira."

PHOENIX' POV
"Tumahimik kayong lahat o pag sasama-samahin ko kayong lahat sa infinity room."

/>

Hindi makapaniwalang tinignan ko si Freezale na siyang nagsalita. Ang tinutukoy


niya ay ang silid sa BHO CAMP headquarters kung saan ikinukulong ang mga hinohold
na kriminal.

Lahat kaming mga agent ay nasa loob na ngayon ng control room kung saan kami
tinipon ni Dawn. Halos sabay sabay din ang naging pagsasalita lahat dahil lahat
kami ay gusto ng kumilos.

"Your sister is there, Freezale." I said almost in a whisper.

Walang emosyon na tinignan niya ako. Kung hindi lang sa mahigpit na pagkakahawak
niya sa kamay ng asawa niya ay baka isipin ko pa na wala siyang pinagbago sa
Freezale noon. "Exactly why we all need to calm down. Walang mangyayari kung lahat
tayo ay matataranta. We need to think this through or we will lose more than we
will win."

"Then think fast." Nanggaling iyon kay Hermes na kanina pa tahimik na nakaupo sa
isang tabi. "Because we might be running out of time."

Pakiramdam ko ay may lumukob na takot sa puso ko sa paraan ng pagkakasabi niya sa


mga salitang iyon.

Sa mga sandaling ito, hindi ko na iniisip kung sino ang dapat kong mas isipin. Kung
sino ang gusto kong iligtas. This is not just about one of them, it's about saving
all of them. Bringing them home unscratched.
"I called the Original Elites. Papunta na sila rito." sabi ni Dawn. Bago pa may
makaimik ay tumalikod siya at humarap sa monitors. "As you can see hindi nila
nadedetect ang tracker sa bracelet ng kung sino man na nag activate niyon. Hindi
din nila nadedetect ang tracker na nakalagay sa katawan

ng mga agents. If we're talking about Claw, this occurrence is impossible."

Mula pa nang makaharap ng Claw ang BHO CAMP ay naging problema na ang systema nila
na kayang mahanap lahat ng devices na gawa ng organisasyon. But since the battle
with Claw, such system were destroyed. Pati ang Claw mismo ay napabagsak.

But that was what we all thought.

"Maaaring hindi pa nila nagagawa ang system." wika ni Triton.

"That's because theystill don't know how to create one."

Lahat kami ay napalingon sa pintuan ng control room ng pumasok roon si Waine habang
tulak-tulak ang isang wheel chair. Doon ay nakaupo ang taong matagal na namalagi sa
ICU ng BHO CAMP. Taong sa kabila ng pag gising niya ilang buwan na ang nakakaraan
ay naging mabal ang pagresponse dahilan para manatili siyang naroroon.

Serenity Hunt.

Nag-angat ng tingin ang babae kay Waine at inihinto naman ng lalaki ang wheel
chair. Lumingon sa amin ang babae at bahagyang ngumiti. "Pasensya na kung hiniling
ko kay Waine na pumunta rito. I heard about what happened...and I know that I'm an
intruder here. You've been great with me and I'm thankful for that. Kaya gusto kong
makatulong kahit paano."

"Hindi mo kailangang isipin na nanghihimasok ka lang dito, Serenity. Your parents


accepted one of us even without really knowing her. Kami ang tumatanaw ng utang na
loob." mahinang sabi ni Sky.

Tumango si Serenity. "But I still want to help." Nang akmang magsasalita si Sky ay
bahagyang itinaas ni Serenity ang isa niyang

kamay. "Bukod sa inyo, I also have my own reasons. You see, I created the system
for Claw. I destroyed a lot of lives...including mine, Waine's life and...o-our
child. Alam niyo ba kung bakit ang tagal ko ng gising pero hindi pa rin ako
nakakalabas ng ospital? Kung bakit hindi ako nagsasalita?"

"Serenity..." Waine whispered, his hand on her shoulder.

Nagpatuloy ang babae. "Because I know it's all on me. Siguro kapalit niyon ang mga
paa ko at...at ang buhay ng anak ko. Dahil sa mga kasalanang iyon. I watched him
die in front of me. At sa kamay ng mga Claw isa lang ang tangi kong nagawa para sa
anak ko. Ang manood. Ang paulit-ulit na maalala na kasalanan ko lahat." mapait
siyang ngumiti. "I'm telling you this because I want you all to know that there's
no reason not to trust me. Dahil hindi niyo kayang pantayin ang kagustuhan ko na
mawala si Wyatt Claw."

"What do you propose?" Dawn asked her.

"Give up, Warner Claw." walang pag-aalinlangan na sagot ni Serenity.

Umani ng pagbatikos mula sa mga agent ang sinabi niya. Nanatili akong tahimik
habang nakatingin sa babae. Kung gusto niyang mapabagsak sila Wyatt Claw, bakit
niya ibabalik si Warner? Except-

"Listen to her."

Muli kaming napatingin sa pintuan ng control room ng pumasok roon ang mga original
elites at second generation elite agents sa pangunguna ni Mishiella Night. Huminto
siya sa kung saan kita niya kami lahat.

"Give him up." she said again.

"This is border line insane." Stone whispered,

his eyes not on his grandmother but on his mother Hurricane Night-Reynolds.

Umiling si tita Hurricane at bahagyang ngumiti. "Give him up."

"Is this the only way?" bulong ni Sky. "Hahayaan na lang natin silang makakawala?
Na manalo?"

Bumalik ang tingin ko kay Serenity. Diretsong nakatingin lang siya kay Dawn na
hindi nagsasalita ngunit tila tinitimbang ang sinasabi ng lahat. That's when I
realize that Serenity is not just simply suggesting to let Warner go.

"You can let Warner Claw go but it doesn't mean you need to keep him alive."
Lahat ng mga mata ay bumaling sa akin ng magsalita ako. Sinalubong ko ang tingin ni
Dawn. "May rason kung bakit hindi kumikilos ang Claw kahit alam nilang maaaring
nahanap na natin sila ngayon. Dahil si Warner lang ang gusto nilang makuha. They
are still weak and they won't fight us. They are just making a deal."

"But giving him his dead brother? I don't think that's a good idea." singit ni
Erebus. Sa kauuna-unahang pagkakataon ay gising na gising ang mga mata niya at
nakapokus siya sa mga nangyayari.

"We can use him to seize Wyatt Claw." suhestiyon naman ni Fiere. "We can trap
them."

"Wyatt Claw is not that stupid. Baka nga wala siya mismo kung saan nandoon ang mga
agents." sabi ko.

"Ever heard of a walking dead man?"

Nanggaling iyon kay Mishiella Night na nakangiti na ngayon. Bahagya akong nanlamig
sa paraan ng pagkakangiti niya at sa mga mata niya na may kung anong naaalala. We
will never understand what

kind of things her generation went through. But one thing is for sure, she's not
scared of anything.

"One minute." she said again. "Once activated, the poison will spread on the body
for one minute...and then he'll drop dead."

Sandaling katahimikan ang muling namayani bago muling nagsalita si Dawn. "Kung
malalaman niya na may i-iinject tayo sa kaniya ay baka makahanap pa ang Claw ng
paraan para matanggal iyon."

"Beat him up. He won't notice a thing." Mishiella said again.

"Kami ng bahala doon. Step one done, plan the others." The first boss of BHO,
Poseidon Davids, said. "Tara na, bree my everything. Umiinit ang ulo ko, kailangan
ko ng punching bag."

"Kaya mo pa ba?"

Nilingon ni Poseidon Davids ang asawa niya. "Don't me!" sabi niya at tuluyan ng
lumabas ng controol room.

Sumunod sa kaniya ang iba pang mga agents habang ang iba naman kasama ni Mishiella
Night ay nanatili sa control room. Imbis na harapin kami ay nilingon niya si
Serenity. Tumingin din ang babae sa kaniya.

"What else can you do for this organization?" Mishiella Night asked.

"Addition to your system. To prepare you for Wyatt Claw."

Tumango-tango ang ginang at pagkaraan ay nagsalita, "I'm sorry for your lost."
Nagbaba ng tingin si Serenity Hunt. Ilang sandali ang lumipas bago siya muling
nagsalita. "I'm sorry too. For what happened to Storm and for what's about to
happen-"

Hindi niya na nagawang tapusin ang sasabihin niya ng

maagaw ang pansin namin sa gawi nila Freezale at Athena na ngayon ay nasa harapan
ng mga monitors.

"Someone's trying to penetrate the system." Athena said while typing vigorously at
the keyboard in front of her.

"Let them." Serenity said in a quiet voice.

Napahinto sa pagtipa si Athena at nilingon niya si Serenity habang sa mukha niya ay


kita ang pagkagulat. "What?"

"Let them. Hindi nila pinapasok ang system niyo. That would be impossible at their
state right now. Mahina pa sila and they don't have me or the time to find someone
like me. They are trying to send you a message not invade you."

Sandaling nag-alinlangan si Athena bago siya muling tumipa. Habang si Freezale


naman ay animo walang nangyari at tuloy-tulo lang sa ginagawa. Maybe she already
figured it out.

Ilang sandali lang ang lumipas bagos sunod-sunod na nagbago ang nakapresinta sa mga
monitor. Malabo sa una ang mga iyon na animo hindi maganda ang kalidad ang device
na ipinangkuha sa mga iyon. Ngunit unt-unti ay luminaw ang mga iyon.
Nanlalambot ang mga tuhod na napaluhod ako sa sahig ng makita ko ang mga naroroon.

"N-No...No! Get her out of there! Fucking get her out!"

"Hera." Athena said in a clipped voice and let go of the keys. Tumayo ang babae at
nakipagpalit kay Hera bago siya lumapit kay Fiere na siyang sumigaw. "Fiere, snap
out of it."

Sa monitor ay ipinapakita ang iba't-ibang kuha ng mga babaeng agents. Sa isang


kwarto ay nandoon si Storm

at si Nyx. Si Nyx ay nakakadena malayo sa kaniya dahilan para hindi niya madaluhan
si Storm na nakabaluktot sa sahig at nanginginig. Nyx look beaten up.

Sa isa pang kwarto ay nandoon si Aiere...kung saan nakatali siya at walang saplot.
Habang may mga taong nakapalibot sa kaniya at may kung anong sinasabi sa kaniya at
ang iba...ay hinahawakan siya.

At sa isa pa...si Snow. She have bruised on her arms. Ang isang mata niya ay
nakapikit na at nangingitim. Nakatali ang mga kamay niya sa likod niya habang sa
harapan niya ay may drum ng tubig kung saan paulit-ulit na inilulubog ang ulo niya.

"Fucking hell."

I heard it came from Dawn. She's right...it's hell. It might be more than that.
Dahil sa likod ni Snow...ay ang asawa ko.
"Chantelle Claw."

"That's Mira, Serenity." I heard, Waine said.

"That's Chantelle Claw. Warner Claw's wife."

Nilingon ko ang kinaroroonan ng babae. Ikinuyom ko ang mga kamay ko habang


pinipigilan ang mga emosyon na nais kumawala mula sa akin. "What the hell are you
talking about?"

Nanatiling nakatingin lamang siya sa akin. After a few moments, something dawned on
her face. Then she whispered, "She's like Storm and almost the same as me. Nakidnap
siya katulad ni Storm, ikinulong, pinagsamantalahan...at katulad ko, nagsilbing
daan para sa balakin ng Claw. Waine haven't met her because at that time Wyatt
already torn us apart. I didn't know...hindi ko alam na hindi siya nakaalis
pagkatapos bumagsak ng Claw. She has all the means to do so, not like

me. Nakatakas na sana siya kung noon pa siya umalis."

"What. The. Hell. Are. You. Talking. About?" I asked again, my teeth clenching
while I speak,

Muling napatitig sa akin si Serenity. Malungkot na ngumiti siya. "It's you. You're
the reason why she didn't get out."

"I'm not gonna repeat again-"


"She had a mission. Infiltrate your organization by getting the trust of your
organization...or at least a few of you. Hindi niyo siguro napapansin kung bakit
nahihirapan kayong hanapin ang Claw o kung bakit akala niyo mahahanap niyo na sila
pero hindi pa pala. Because she's one step ahead of you. Iyon lang ang maaari
niyang gawin na hindi kayo mapapahamak. Ang patagalin ang mga kilos niyo. But when
Claw was destroyed, they let her go. Wyatt Claw let go of all his contacts to
pretend that his dead. At that time, maaari nang makaalis si Chantelle ng walang
problema. She could have escaped. I was the liability not her." umiling si Serenity
at tumingin kay Waine. "Alam nilang hindi titigil si Waine sa paghahanap sa akin
but they also know that they can't let go of me easily. So he killed my son...a
warning. But for Chantelle it's different. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi
siya umalis kahit maaari naman niyang gawin iyon. Maybe she wanted to stay
here...because of you."

Nag igting ang mga panga ko sa sinabi niya. Flashes of Mira's face went through my
mind. I remember how she can make me smile even in times when I couldn't, how she
tried to make me happy, the fear in her eyes, the sadness in them...everything.

I remember the woman that I decided to move on with.

The woman that I know that I love even if that love isn't enough.

I was unfair to her. I know that. At alam ko na ang mga desiyon na gagawin ko pa ay
hindi siya magagawang maprotektahan. Because no matter what I do...I know that I
need to let her go.

But this...this I not expect.

Hindi ko magawang kumbinsihin na ang nakikita ko sa harapan ko ngayon ay ang


mismong babae na pinakasalan ko. There's no emotion in her eyes. Hindi katulad dati
na ang tanging ipinapakita lang ng mga mata niya ay kabutihan...at kalungkutan na
hindi niya kailanman ininda.
I can hear the agents speaking to me. But all I can see is the woman that I
married. The woman that will always have that piece of my heart.

SNOW'S POV

Mabilis akong sumagap ng hangin ng muling umangat ang ulo ko mula sa drum ng tubig.
Hindi na ako nagtangka na kumilos dahil alam kong wala na rin akong magagawa. I'm
not drowning...and I don't know if that's because I can't feel anything, or because
Mira- no...Chantelle is not doing what she was told to do properly.

"O, bakit ka tumigil? Ituloy mo." buska sa kaniya ng isang lalaki na may hawak na
baraha habang may kaharap pa na isa pang lalaki na nakangising nakatingin sa amin.
They were the one who tortured and beat me up.

"Tapos na ang pagrecord. Hindi ko na kailangang ituloy." walang emosyon ang boses

na sabi ni Mira- Chantelle.


"Walang sinabi si Boss na tumigil ka."

"Bakit? Kinausap ka ba niya direkta? Baka hindi mo kilala kung sino ako."

Naumid ang dila ng lalaki at hindi na nagsalita. Ilang sandali lang ay bumukas ang
pinto at pumasok ang isa pang lalaki. Taong laging nakadikit kay...Chantelle na
para bang private bodyguard siya ng babae.

"Get out." he said to the men.

"North-"

"Ako ng bahala dito. Kailangan ng bantay sa labas."

Nag-aalinlangan may ay sumunod ang mga lalaki at lumabas. Nang mawala na sila at
tuluyang sumarado ang pintuan ay humarap ang lalaking nagngangalang North sa amin.
Lumapit siya at hinawakan ako sa magkabilang braso at inupo sa malapit na silya.

"Can you speak?" He asked in a hard, emotionless voice.

Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. I don't know when exactly I lost my
voice. When I stopped asking Chantelle for an explanation. When I stopped screaming
at her, asking her what we did wrong.
When those guys beat me up, she did nothing but watched them. Walang kahit na anong
salita ang namutawi sa mga labi niya. When she finally made a move, it was just to
drown me...over and over again.

"Hang in there." he whispered.

Gusto kong tumawa sa sinabi niya. How ironic that those words came from the mouth
of my enemy. Hang in there. For what? Para mas maiparamdam nila sa akin ang mga
ginagawa nila. Para makita ko kung paano nila pahirapan ang mga kasama

ko.

They didn't touched Storm. Hindi na kailangan. She's far gone in her head that we
won't reach her even if we try. Nyx got beaten up too when she tried to escape. As
well as Aiere...but hers is worse. She was tied up naked and the men were allowed
to touch her.

Base sa pagkakarinig ko, may inutos ang tinatawag nilang 'Boss' sa kanila na plano
para sa aming lahat. That plan include beating us and humiliating us. Iyon lang.
Hindi sila maaaring gumawa ng hakbang na magiging dahilan para lalo silang hindi
tigilan ng BHO CAMP. That involves killing one of us or violating us in a way that
there would be no turning back.

They were all talking carelessly. Lalo na ang tinatawag nilang North. Na kung hindi
ko lang alam kung anong klaseng tao sila ay aakalain ko pa na sinasadiya niya na
iparinig sa akin lahat.

Because of their carelessness I know that they are not after anything but Warner
Claw. It would be futile to look for Wyatt because he won't be here.
"That girl, she's fine. I made sure that they won't do...permanent damage."

I want to laugh at that too. It's funny how they can think that this is different
than actually violating someone. Nakakatawang sila ang namimili kung ano ang
katatanggap-tanggap sa hindi.

Nanatiling wala akong imik. Hindi ko alam kung anong silbi ng sinasabi niya ngayon
sa akin. Kung bakit kailangan niya akong panatagin.

Bumuka ang bibig ng lalaki para muling magsalita ngunit hindi niya na naituloy ang
sasabihin ng pabalabag na

bumukas ang pinto at humahangos na pumasok ang isang tauhan ng Claw. "Nandito na
sila!"

My head snapped up. Naramdaman kong hinawakan ako ni Chantelle at may kung ano
siyang inilagay sa bulsa ng pantalon ko. Pagkatapos niyon ay marahas na hinila niya
ako patayo at itinulak sa gawi ng lalaking nag ngangalang North. Sinalo ako ng
lalaki ng tuluyang bumigay ang mga paa ko.

Itinayo niya ako ng maayos at halos kaladkarin niya ako palabas. Tuluyan ko ng
naramdaman ang sakit ng buong katawan ko. Ngunit kaagad ding naglaho ang sakit na
gumagapang sa akin ng makita ko ang kalagayan nila Nyx.

Itinutulak ng mga lalaki si Nyx na akay-akay si Storm palabas para sila ang mauna
ngunit halatang hindi kinakaya ng babae ang bigat dahil ang isa niyang kamay ay
hawak si Aiere na tanging mahabang t-shirt lang ang suot.
Sa kabila ng panghihina na nararamdaman ko ay humakbang ako palapit sa kanila at
kinuha ko ang bigat ni Aiere.

"A-Aiere..."

"I'm okay." she said in a flat voice. Dead.

"We'll get through this."

"Hindi dapat tayo nagtiwala sa kaniya. This is all her fault. She betrayed us.
Everyone of us."

I am angry too. I am seething angry. I can't feel anything but anger...and the pain
from her betrayal. But I can't help but see the things I refused on seeing when I
learned who she really are.

Bakit hindi siya umaalis sa tabi ko? Bakit nakatiyempo ang bawat paglubog niya sa
ulo sa drum na para bang hinihintay niya akong

kumuha ng hangin bago niya gawin iyon? Maybe...I am still hoping for the Mira I
knew. That Mira that became my friend. That it wasn't a lie. That she wasn't a lie.

"Lakad!" sigaw ng isang tauhan ng Claw sa amin.

Naunang maglakad sila Nyx palabas at kasunod naman kami ni Aiere. Hindi ko alam
kung sino ang umaalalay kanino. Dahil pareho kaming kumukuha ng lakas sa isa't-isa.
I stopped dead when we're finally outside. Dahil doon ay bumungad sa amin...ang
lahat ng agents.

They were all wearing their CBS. Lahat sila ay hindi kita ang mukha dahil sa suit.
Ngunit ang tatlo sa kanila ay lumakad paabante at huminto. Pagkaraan ay umangat ang
kamay nila at may pinindot sa kwelyo nila at ilang sandali lang ay natanggal ang
maskarang nakatakip sa kanila.

Dawn, Triton...and Phoenix.

My legs buckled when his eyes met mine. All I can feel is relief that he's safe. Na
walang ginawa sa kaniya ang Claw.

Kita sa mga mata niya ang pag-aalala habang nakatingin sa akin...at galit ng bumaba
ang mga iyon sa mga pasa sa katawan ko. Unti-unting bumaling sa kaliwa ko ang mga
matang iyon...sa direksyon ni Mira.

The exact moment his eyes reached hers, I can see the intensity of the pain that
ripped into him. Like he was being torn apart...like a piece of him is being
extracted away from his body.

Naagaw ang atensyon ko sa direksyon nila Nyx ng pilit na pinaghiwalay sila at


tinulak si Nyx sa gawi ng mga agents. Nagtangkang bumalik si Nyx para daluhan si
Storm pero

hinarangan siya ng mga lalaki habang ang iba ay hinatak paatras ang nagsisisigaw na
ngayon na si Storm.
I saw a movement from my peripheral vision. Maybe kuya Hermes. May pumigil sa
kaniya nang magtangka siya na lumapit sa kinaroroonan ng babae.

"Sana naman ay tumupad kayo sa usapan. We are not afraid of you. Sa mga oras na
ito, pantay lang tayo. Claw may be still weak right now but we have numbers and you
won't be able to get pass through that barricade." animo robot na pahayag ni
Mira...Chantelle. "Wala ding saysay na magtangka pa kayo dahil hindi niyo mahahanap
si Wyatt Claw. All we want is for you to give Warner Claw back to us and we promise
that we will give you back your agents too."

"Venom." mahinang sabi ni Dawn. Nang walang nagsalita ay nagpatuloy siya, "You're
the venom we injected ourselves with."

"This is a good deal, Dawn. Be smart." Chantelle said in a voice that lacked warmth
or anything that will tell us that she's still human. That she's anywhere near
that.

Itinaas ni Dawn ang kamay niya at may sinenyasan siya. Kumilos ang mga agent sa
likod nila at ilang sandali lang ay kumilos sila para magbigay daan sa gitna. May
dalawang agent na lumapit at may hila-hilang tao na may saklob ang ulo.

"Show us his face." Chantelle demanded.

Nanatiling nakatingin lang si Dawn. Mukhang naintindihan naman ni Chantelle ang


gusto niya at sinenyasan niya ang isang tauhan ng Claw at itinuro si Aiere. Kumilos
ang lalaki at dinala si Aiere sa gitna bago bumalik sa hilera nila.

"Now let him go."


"Pakawalan mo si Storm at Snow."

Pagak na tumawa si Chantelle. "Ibigay niyo si Warner kasabay ng pagbigay namin sa


inyo ni Snow. Pero mananatili sa amin si Storm hanggat hindi kami nakakalabas ng
ligtas sa lugar na ito."

Nakita kong kumuyom ang mga kamay ni Dawn ngunit tinanguhan niya ang asawa niya na
si Triton. Lumapit ang lalaki kay Warner at tinanggal ang nakasaklob sa mukha
niyon. Marahas na hinila niya ang lalaki at walang salitang malakas niyang itinulak
sa gitna at kaagad namang dinaluhan ng mga tauhan ang lalaki. "You have that trash,
now, let us have our family back." he looked at Chantelle snarkily. "And just to
make it clear, you belong on the first and not on the latter."

Imbis na umimik ay naramdaman kong hinawakan niya ako sa likod at sa pagtataka


ko...ay marahan akong iginaya na animong sinasabi na lumakad ako. Nilingon ko siya
ngunit walang mababasang kahit na ano sa mukha niya.

Sa nanghihinang mga hakbang ay naglakad ako palapit sa mga agents. I was looking at
Phoenix whose eyes are now on me. I was looking at him as I crossed the distance so
I didn't see...

I didn't see what exactly happened. Naging mabilis ang pangyayari. Tumakbo si Aiere
palapit sa isang agent at hinugot niya ang baril mula sa holster niyon at itinutok
niya iyon sa gawi ni Mira. Kasabay niyon ay nakarinig ako ng komosyon sa likuran ko
dahil sa ginawa ni Aiere.

My head whipped back and looked at Chantelle. She was not looking at Aiere, not
minding the gun pointed

towards her, and run to me. Sa likod niya ay may lalaking nakatutok ang baril sa
akin.
It was so fast that it was almost a blur. Nawala sa linya ng paningin ko ang baril
na nakatutok sa akin nang humarang ang katawan ni Mira sa harapan ko. Kasabay niyon
ay naramdaman ko ang pagkilos sa tabi ko at ang paghila ng kung sino sa akin.

Naramdaman ko ang masakit ng pagtama ng likod ko sa lupa habang sa ibabaw ko ay may


katawan na nakaharang. But my eyes can still see. I can still hear.

Two gun shots were fired.

Pain registered in her eyes yet her lips curved into a smile. My eyes widened when
she opened her mouth and blood pooled out of it. "S-Siguro naman...b-ba..b-bayad na
ko."

Nanatili akong nakatingin sa kaniya. And that's when I saw it in her. The person
that I knew. Bumuka ang bibig niya at nagsalita siya ngunit walang boses siyang
pinapalabas sa mga iyon. Tumakbo palapit sa kaniya si North at sinalo siya ng unti-
unting bumigay ang mga tuhod niya ngunit nanatili siyang nakatingin sa akin.

Naramdaman kong nawala ang bigat sa ibabaw ko. Tinignan ko ang taong nakakubabaw sa
akin.

Si Phoenix.

He was looking at Chantelle. Nagtangka siyang kumilos pero pinigilan ko siya sa


braso. Nagbaba siya ng tingin at umiling ako sa kaniya. "Don't..."
Kita ang pagtatalo sa mga mata niya. Ang kagustuhan na umalis at magtungo sa
babaeng naging parte na ng buhay niya. Kita ang kaguluhan sa mga mata niya...sa
desisyong dapat niyang gawin.

Kumilos

ang mga tauhan ng Claw. Nakita ko si North na binuhat si Chantelle bago itinakbo
patungo sa isa sa dalawang van na bigla na lang inihinto di kalayuan sa
kinaroroonan namin. I saw her looked back. And I saw her speak without a voice
again.

And again, I listened.

Sumunod sa kanila ang ilan sa mga tauhan na bitbit si Warner Claw habang ang
dalawang natira ay hila-hila si Storm. Huminto sila di kalayuan sa van at basta na
lang binitawan ang babae bago parang mga bahag ang mga buntot na tumakbo papasok sa
sasakyan.

And just like that.

It was all over.

Mabilis ang mga naging kilos ng mga agents. Lahat sila ay dinaluhan sila Nyx, Aiere
at Storm at itinakbo ang mga iyon sa kung saan. Ngunit nanatili ako sa kinaroroonan
ko at nanatiling mahigpit ang pagkakahawak ko kay Phoenix na ang mga mata ay nasa
direksyon na tinahak ng mga van.

"Phoenix..." I whispered.
Nagbaba ng tingin sa akin ang lalaki at halos madurog ang puso ko sa nakikita ko sa
mga mata niya. Hinila ko siya palapit sa akin hanggang tuluyan ng nakadagan sa akin
ang bigat niya.

"Everything will be fine." I whispered again.

Hinayaan ko siyang nakasubsob lang sa leeg ko habang ako ay nakatingin sa


kalangitan na ni wala kahit isang bituin. I kept on looking at the starless sky, my
tears running down my cheek when I felt my shoulder get wet with his. Mahigpit ko
siyang niyakap na para bang isinasalin ko sa kaniya ang natitira kong
lakas...habang kumukuha din sa kaniya niyon.

I hold on to him while still looking at the night sky, seeing nothing but her,
remembering what she conveyed with those voiceless words.

...

...
'I'm sorry. This is the only way.'

'Be happy.'

_______End of Chapter 24.

=================

CHAPTER 25 ~ Letter ~

CHAPTER 25

SNOW'S POV

Pagkapasok pa lang sa loob ng conference room ay ramdam na ang tensyon sa paligid.


Namataan ko si Aiere na dumiretso sa kinaroroonan ni Storm na nakabaluktot pa rin
at nanginginig. Sa tabi niya ay nandoon si tita Autumn na sinusuri ang babae.

"Syringe." Aiere said.

Nag-angat ng tingin si tita Autumn kay Aiere. Sa kabila ng composure na ipinapakita


ni tita Autumn ay makikita sa mukha nito ang pagbabago ng magtama ang mga mata nila
ng kaniyang anak. "What?"

May iniangat si Aiere na maliit na bote. "Two milliliter for us, four for Storm
since hers has been activated."
Nakita kong kumuyom ang mga kamay ng asawa ni Storm na si kuya Hermes. "Explain,
Aiere."

"Nyx and I tried to escape. We almost did of course. Hindi naman ganoong kahirap
tumakas roon. But because of it, they activated Storm's implanted detonating
poison. And it looks like we all have it too."

Walang imik na kinuha ni tita Autumn ang hawak na botelya ni Aiere ngunit kita sa
mga mata niya ang nagbabagang galit. Ilag sandali lang ay ginamit niya na iyon kay
Storm na kaagad kakikitaan ng pagbabago. Her body stopped quivering terribly.

"We should have killed those bastards." galit na sabi ni Fiere.

"And what good will that bring?" Lahat kami ay napatahimik ng magsalita ang kanina
ay tahimik lang na si mommi Mishy.

"Mamita-"

Pinutol ni mommi Mishy ang sasabihin ni Fiere. "As

an agent, the first thing you should understand is your opponent. Ano bang atake
ang kailangan mo? Ano bang laro ang nilalaro niyo? Is it an actual game or a mind
game?"

"Right now for Claw, it's a twisted mind game." Dawn said, supporting mommi Mishy's
words. "Nagtatago siya dahil nagpapalakas siya. Kailangan niya si Warner for some
reason and that's the only thing he needs. Those men you saw are replaceable. Hindi
na ako magtataka na malalaman natin sa balita na basta na lang itinambak sa kung
saan ang mga walang buhay nilang katawan."

Animo sinaklot ng kaba ang dibdib ko. Nilingon ko si Phoenix at marahang pinisil ko
ang kamay niya na nakahawak sa akin. Kahit na ano pang sabihin, kahit ano pa ang
nangyari, naging parte na ng buhay niya si Mira. Maging ng buhay ko. Even though
her lies pains us...I know deep inside my heart that she's a good person. "P-Paano
si Mi-...Chantelle?"

"Call her Mira. She's Mira to you all. She gave you that." mommi Katerina said.
"She'll be fine, Snow. Think about it like a chess game. There's always pawns in
front. But who matters are behind them."

Namayani ang katahimikan sa paligid. Nanatili akong nakatingin kay tita Autumn na
kasalukuyang iniinjectionan si Nyx. I keep looking at the bottle. May kung anong
kaba ang namumuo sa dibdib ko.

"W-Wyatt Claw..."

Lahat kami ay napalingon kay Storm na ngayon ay hawak hawak ang kamay ng kaniyang
asawa habang nakatingin sa amin. Namumutla pa rin siya pero hindi na katulad
kanina.

"Storm get some rest."

her mother, Hurricane, said. Looking worriedly at her.

"I can't say that I'm fine. That's one of the worst thing I have ever gone
through." mapait na ngumiti siya. "But of course nothing can compete to what they
did to me before."
"Storm..." Hermes whispered.

"All I can feel is pain...and cold. Kasunod niyon ay mga hallucination na dahil na
rin siguro sa sakit na nararamdaman ko. I can feel it in my veins. Every drop of
that poison...I can feel it." Umikot ang mga mata ni Storm sa amin at huminto iyon
sa kinaroroonan ni Serenity. "Mahina man ang Claw ngayon pero hindi ibig sabihin
niyon ay nawalan na ng kapasidad si Wyatt Claw mag-isip. And he is never merciful."

Pagkasabi niya no'n ay nakarinig kami ng sigaw na nagmula kay Aiere. Bumagsak siya
sa sahig at namaluktot roon. Kaagad siyang dinaluhan ni tito Wynd na mas malapit sa
kaniya. Walang pag-aalinlangan na nihagis ni tita Autumn na nasa kabilang panig ng
conference room ang botelya at kaagad iyong nasalo ni tito Wynd.

Akmang ilalagay niya na iyon sa syringe ng mapatigil siya. Muli kong pinisil ang
kamay ni Phoenix ngunit hindi ko siya nilingon. Nang mag-angat ng tingin sa akin si
tito Wynd ay marahang ngumiti ako. "It's okay."

"We can study this and create-"

"Aiere won't last that long." I whispered. Unti-unting nawala ang kaba sa dibdib
ko. Sana tama ako. Sana tama ako ng iniisip. "Do it, tito. It's okay."

Kasabay ng pagturok niya ng syringe sa kaniyang anak ay kinapa ko ang bulsa ng


pantalon ko.

Hinila ko ang kung anong bagay na naroon at nakita kong sobre iyon na kulay puti.
Nanginginig ang mga kamay na binuksan ko ang sobre. Sa loob ay may dalawang sulat
at isang maliit na clear plastic na may lamang likido na katulad ng hawak ni Aiere
kanina.
Nag-angat ako ng tingin ng maramdaman kong bumitaw si Phoenix sa pagkakahawak niya
sa kamay ko. Tumayo siya at tinungo niya ang mga gamit nila tita Autumn at tito
Wynd. May kinuha siya roon at pagkatapos ay bumalik siya sa tabi ko.

Marahang kinuha niya sa akin ang sobre at inilabas roon ang antidote ng lason na
inilagay sa amin.

Dahil nakatutok siya sa ginagawa niya ay naging malaya ako sa pagtitig sa kaniya.
Makikita ang pagod sa mukha niya. Wala ring emosyon ang mga mata niya pero alam
ko...alam ko kung ano ang nasa isip niya.

"Ready?" he whispered gently.

Bahagya akong tumango at bumulong pabalik, "Yes."

I felt the needle pricked my skin but I didn't looked away from him. Nanatili akong
nakatingin sa maamo niyang mukha na hindi man kababakasan ng kahit na anong emosyon
ay alam kong may nakatago sa likod niyon.

"Snow."

Dumako ang tingin ko kay Dawn. Tinanguhan ko siya ng maintindihan ko kung ano ang
gusto niya. Information. Time for debriefing.

Naramdaman kong hinugot ni Phoenix ang syringe at nilagyan niya iyon ng cotton
ball. Nang malagyan niya na ng gauze tape iyon ay inilibot ko ang tingin ko sa
paligid. My eyes stopped where Athena and Hera stood.

"Kausap ko sila Athena

at Hera. Sinabi nila sa akin na inaakala ng lahat ng kasama ko si Phoenix sa


Seattle. Then I got another call and it was from Mira. Sinabi niya sa akin na may
dumakip kay Phoenix."

"Bakit ikaw ang napili niya na linlangin? Of all people. Ang daming agents dito."
sabi ni momma Wynter.

Tumingin ako sa aking ina at bahagyang ngumiti. "Aminin man natin sa hindi, I'm the
weak link of the group. Idagdag pa na nasa malayo ako at hindi ko alam ang mga
nangyayari dito. Narinig ko din sa mga tauhan ng Claw na ginagamit nila ang
koneksyon ni Mira kay Phoenix. Supposed to be ay dapat kaming dalawa lang ang dapat
na mawawala."

"But we entered the picture." singit ni Aiere na bahagya pa ring nanginginig.


Niyakap niya ang kaniyang sarili at nagpaliwanag, "Minamanmanan namin si Mira.
Nagsimula kaming magduda sa kaniya ng minsang nagpunta kami sa mall ni Nyx. Nakita
namin roon si Mira na may kausap na lalaki. Kaya nagpatuloy kami sa pagsunod-sunod
sa kaniya ng ilang araw. Hanggang sa nadakip kami at nadamay si Storm na
pinatitigil kami sa ginagawa namin."

"She betrayed us." deklara ni Nyx.

Umiling ako at direkta kong tinignan ang babae. "She didn't. Oo, nagsinungaling
siya. Itinago niya ang pagkatao niya at ang motibo niya. But she didn't betrayed
us."
"Snow-"

Pinutol ko ang sasabihin ng babae. "Lahat tayo nakita kung paano niya sinalo ang
bala na para sa akin. And this..." itinaas ko ang container na kinalalagyan ng
antidote kanina. "Hindi siya umalis sa tabi ko, sinigurado niya na hindi tuluyang
mapapahamak

si Aiere and she saved me."

Tumingin ako kay Aiere ngunit hindi siya umimik at nanatili lang siyang tahimik.
Habang si Nyx ay hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. "Are you serious, Snow?
Hindi kailanman magiging tama ang ginawa nila-"

"Wala akong sinabi na tama ang mga desisyon ni Mira. She have reasons we won't be
able to understand now. Kung ano man ang balak niya, kung anong plano niya...siya
lang ang nakakaalam."

"It's a gift."

Lahat kami ay napatingin kay Serenity Hunt na siyang nagsalita. Isang parte ng
pagkatao ko ay hindi makapaniwala na kaharap ko siya ngayon ngunit hindi ko na
nagawang pagtuunan iyon ng pansin sa sunod niyang sinabi, "She was on their side.
Nothing but a vessel sent on a mission. But being here, your people, filled her up.
Binigyan niyo siya ng buhay na wala siya noon. So now she gave you a gift. Hindi
niyo man maiintindihan ang mga desisyon niya pero wag niyong tanggihan ang ibigay
niya sa inyo."

"W-What are you talking about?" I whispered.

Bahagya siyang ngumiti, "This won't be the last time you'll see her. Someday,
she'll contact you. And when that time comes be ready. Dahil kapag dumating ang
panahon na iyon, kinakailangan niyong pabagsakin ng tuluyan ang Claw."

PABAGSAK na humiga ako sa kama. Ipinikit ko ang mga mata ko. I can feel the
exhaustion enveloping me. Mula kasi ng lumipad ako pabalik ng Pilipinas ay hindi na
ako nagkaroon ng pagkakataon na magpahinga.

But I'm glad that the

debriefing is over. Tapos na rin sila tita Autumn sa paggamot sa ilang mga sugat na
nakuha namin. I know we will all be fine. Besides the emotional stress this will
cause us ay gagaling naman ang mga natamo namin na sugat.

Lahat kami ay nag-aalala sa maaaring idulot ng nangyari sa amin. Hindi na rin naman
bago sa amin ang nagkakaroon ng mg flashbacks pagkatapos ng mabigat na mission. But
I'm more worried for Aiere. Storm have her husband but Aiere...she's not a sharer.

Kung ano man ang mangyayari mula ngayon ay walang makakasiguro ni isa sa amin. But
I'm keeping my fingers crossed. Dawn said we won't lose track of Claw. May inject
sila kay Warner na One Minute at tracker. Any moment they can follow him..or kill
him.

Kailangan lang namin na maging maingat sa pagkilos dahil posibleng makahalata si


Wyat Claw. Tama si Storm, matalino si Wyatt Claw. He won't last this long if he
isn't.
"Sometimes intelligence is scary." I whispered.

Kumilos ako para tumagilid pero napatigil ako ng maalala ko ang bagay na hawak ko.
Inangat ko ang kamay ko at tinitigan ko iyon. Mira's letter. Dalawa ang sulat na
iniwan niya at ang isa ay nakapangalan kay Phoenix.

Phoenix...

I wonder if he will be okay. I was used to leaning on to him, using him as my


support. Kaya sa pagkakataon na ganito...hindi ko alam ang gagawin ko. Kahit kailan
ay hindi niya ako pinag-alala sa mga problema niya. He was just...my pillar.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahang binuksan ko ang sulat...at binasa

iyon.

Snow,

Una sa lahat, gusto kong humingi ng tawad. I'm sorry sa mga mangyayari at sa mga
malalaman mo. Hindi ko ginusto kahit kailan na makasakit. Hindi ko ginusto na
ganito ang mangyari.

I'm sorry Snow for breaking your heart. Sorry kasi kahit saglit, ginusto ko na
manatili sa tabi niya kahit alam ko na nasasaktan ka. Na nagpaparaya ka. Sorry kasi
alam ko...na kailangan ko din siyang iwan.

For a moment I thought I could live with him. To be with happy with him. But he was
never for me. He was not meant for me.

Every single day I watched how you went through pain for us. For me. Nanatiling
tikom ang bibig ko. Alam ko na ibabalik ko din siya sa iyo pero sa sandaling
nakasama ko siya...ginusto ko din siya na manatili sa akin.

Thank you, Snow, for letting me have that. Alam ko na sinisisi mo ang sarli mo na
hindi ka lumaban. But I'm thankful that you gave me that chance. Na sumaya ako
kahit sandali lang.
Years and years that I thought that I am nothing. That I have nothing. Na wala ng
silbi na lumaban. But now I have you and him. I realized that I'm not exactly
without a choice. Nasa tabi man ako ng Claw pero hindi ibig sabihin ay kailangan
kong maging katulad nila. I could do something. For myself...for you and Phoenix.

Alam ko na posibleng kamuhian mo ako sa mga mangyayari. Naiintindihan kita. But,


Snow, please don't give up on him and your happiness. Be happy. Just knowing
that...I will be at ease.

Mira.

Binaba

ko ang sulat at mariing pumikit. Naramdaman ko ang pagladas ng luha sa aking mga
pisngi ngunit nanatiling sarado ang aking mga mata.

"Crazy girl...you crazy crazy girl."

Thank you, Mira.

Someday, I'll see you again. And when that time comes, I will let you know that you
still have me as your friend. That you will always be my friend.
PHOENIX' POV

Initsa ko ang baso ng alak at lumika iyon ng malakas na tunog ng tumama iyon sa
pader at nabasag. Kinuha ko ang bote ng alak at mabilis na tinungga ko iyon na para
bang may kaagaw ako.

Kasinungalingan lang pala ang sinasabi ng mga manginginom. Na kaya niyong pawiin
ang nararamdaman mo...na makakalimot ka. Lies.

Kasi kung totoo iyon. Bakit hindi ko makalimutan ang nararamdaman ko? Bakit
nakikira ko pa rin ang mukha niya sa isip ko?

I don't know what hurt more. Her lies...or knowing that I can't do anything to save
her. Na ng mga oras na iyon ay nagdesisyon ako na manatili sa tabi ni Snow at
hayaan siya sa mga desisyon niya.

Hindi ako bulag para hindi mapansin ang mga pagbabago kay Mira. Hindi ako bulag
para hindi makita ang pangamba sa mga mata niya. Pero wala akong nagawa.

Binitawan ko ang bote ng alak at sumubsob ako sa mga kamay ko. Paulit-ulit na nag
re-replay sa utak ko ang mga nangyari. Ang mga nalaman ko tungkol sa kaniya.

Asawa siya ni Warner Claw. Katulad ng nanay ng

mga Claw, katulad ni Storm kung hindi siya nakatakas...ganoon si Mira. She was
robbed of her right to live. And now she's back on that hell.
Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang sulat na iniwan niya para sa akin at
binuksan iyon.

Phoenix,

My friend...my husband. Sa mga oras na ito, alam ko na alam mo na na walang bisa


ang naging kasal natin. That our marriage is void because I'm not Mira. Dahil ako
si Chantelle Claw.

Gusto kong malaman mo na ang maging si Mira ang pinakamasayang nangyari sa buhay
ko. Na kahit kasinungalingan man ang pagkatao ko ay hindi ako nagsinungaling sa
ipinakita ko sa iyo.

Masaya ako na nakilala kita. Na nakasama kita. What you gave me is something that I
will treasure forever.

Alam ko na minahal mo ako. And I'm thankful for that. I'm thankful that even
broken, you decided to be happy with me. To move on with your life with me.

I'm sorry, Phoenix. Patawarin mo ko kung masasaktan kita. Patawarin mo ako kung
nagsinungaling ako. I'm sorry that I need to leave you like this. I want to be
selfish and be with you. Kahit na alam ko na may higit kang pang minamahal kaysa sa
pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Gusto kong manatili sa tabi mo.

But I can't live like this anymore. I want to fight for me. I need to do this.

You're a great man Phoenix Martins. I know that you will do what you think is
right. So I'm asking you not to do that. Alam ko na susubukan mong hanapin ako. Na
iligtas ako. But I don't need saving. Please...don't look for me.

Gusto ko maging masaya ka na ng tuluyan. I want you to love freely. Don't hold back
because of me. 'Wag mo na siyang pakawalan ulit.

I love you, Phoenix, and thank you. I will never regret the choices that I made.
Dahil nakilala kita. I hope someday you'll forgive me.

Love,

Mira.

I never regret being with her. Hindi ko pinagsisihan na minahal ko si Mira. And
there's nothing to forgive cause I know that this is not her fault.

I will never forget her. I will never forget the woman that I married that day. I
don't need to stop caring. Dahil kapag nagmahal ka ng totoo, kahit na hindi mo man
naibigay ang buong puso mo, hindi iyon nawawala.
In my next life, I wish that she will stay far away from me. So I can spare her
from the pain of knowing that I can't give her all of my heart.

"I'm sorry too. I'm sorry..."

_____End of Chapter 25

=================

CHAPTER 26 ~ Confab ~

A/N: Sa kabila ng mga natatanggap ko na mensahe at comment tungkol kay Phoenix ay


nanatiling tikom ang bibig ko. Dahil ayokong impluwensyahan ang mga opinyon niyo.

But please keep in mind that this is not politics. You don't need to over analyze
every thing and you don't need to influence the votes of your co-readers:)

Anyway! Don't forget our Twitter hashtags :) #BHOCAMP #BHOCAMP5 #SNIX #solidoSNIX
#5SE #MsButterfly

CHAPTER 26

SNOW'S POV

"Earth to Snow. Hello? Hellooo? Nasaang planeta ka na? Isama mo naman kami sa mga
pangarap mo."

Sunod-sunod na napakurap ako. Muntik pang sumalpok ang mukha ko sa lamesa ng may
kung sinong pumatid ng siko ko na nakapatong sa lamesa habang nangangalumbaba ako.
Tinignan ko ng masama ang mga bagong dating.

Si Athena at Hera.
"Ewan ko sa inyo." Tinignan ko ang taong dahilan kung bakit muntik ng maging
pancake ang mukha ko. "Hoy Ocean!"

Lumingon siya sa akin at tinaasan niya ako ng kilay. "Hoy ka din!"

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "Wala ka talagang galang. Mas matanda ako
sayo, no. Isusumbong kita kay Tita Eika."

Ngumuso siya. Wala namang ibang kinakatakutana ng tong iyan maliban sa nanay niya.
Si tito Yale kasi na tatay niya ay kinukunsinti lang siya. "Hoy ka din po! Okay na
po?"

"Walang originality. Kasuhan kita ng plagiarism diyan eh."

Lahat kami ay napatingin sa bagong dating. Si Den. Bitbit niya ang anak niya

at kasunod niya ang asawa niya na si Rushmore. Kilala siya dito sa BHO CAMP bilang
pinakamatanda- este pinakamagalang na bata. Paborito din siya ng mga second
generation elite agents dahil sa'pagkamagalang' niya.

Inilibot niya ang paningin niya sa amin. Huminto ang mga mata niya kay Hera at
Athena na kaagad na umatras. Nagtatakang tinignan ko sila pero bago pa ako
makapagsalita ay naramdaman akong dumagan sa akin.

"A-Ate Den!" angal ko ng makita kong ang anak niya ang inaabot niya sa akin.
"Hawakan mo kung hindi ikaw ang pagagawin ko ng kapalit niyan."

Napalunok ako at kinakabahang kinuha ko ang anak niya. Nagbaba ako ng tingin sa
bata na nakatingin lang sa akin at pagkatapos ay walang imik na sumandal sakin na
par abang matagal na kaming magkakilala.

"Ganiyan 'yan. Genius katulad ko." sabi ni Den na umupo sa harapan ko. Ang asawa
niya naman na si Rushmore ay tinanguhan lang ako at pagkatapos ay tinungo ang
lamesa na inookupa ng kabanda niya na si Archer.

"Ate Den!" ngiting ngiti na sigaw ni Ocean at akmang susugod sa babae pero nagtaas
lang ito ng isang kamay dahilan para mapahinto ang lalaki.

"Wag kang lalapit sa akin. Ang Rushmore ko lang ang may karapatan na apakan ang
personal space ko."

Napalingon sa amin si kuya Rushmore na nangingiting napailing na lang. Habang si


Ocean naman ay parang tuta na nakangiti lang habang sunod-sunod na tumatango.

"Ate Den-"

Pinutol ni Den ang sasabihin pa ng binata. "No. Hindi kita ipapakilala sa mga
kakilala

kong dalaga na artista. No, hindi din kita ipapakilala sa junior ng team namin na
si Analie. At no ulit. Hindi ka papatulan ni Bailie dahil may 'girlfriend' na
iyon."
Nagkandahaba ang nguso ni Ocean. "Grabe ka naman, ate Den. Ayaw mag share? Akala ko
pa naman si kuya Rushmore lang ang type mo. Iyon naman pala..." sabi niya na
ibinitin pa ang salita.

Pinameywangan siya ni Den at pagkatapos ay tinuro ang anak niya na hawak ko.
"Nakikita mo ba iyan? 'Yan ang produkto ng mga bagay na ginagawa ng mga taong
nagmamahalan. Ngayon kung handa ka na na magkaroon niyan-"

"Woopie doopie! Look at the time!" Ocean exclaimed while looking at his watch.
"Marami pa pala akong lulutuin. Bye guys!"

Napapalatak na lang ako habang sinusundan ng tingin ang lalaki na nagmamadaling


pumasok ng kusina. Ang bata pa kasi masyadong nagmamadali na magkaroon ng love
life. Kung alam niya lang kung gaano kahirap...

Muli akong nagbaba ng tingin sa anak ni Den na si Raja. Para siyang carbon copy ng
mga magulang niya. Siguro kung natuloy...siguro kamukha din namin siya.

Nag-angat ako ng mga mata ng maramdaman ko ang mabibigat na tingin sa akin.


Natagpuan kong nakamata sa akin si Den pati na si Hera at Athena na ngayon ay
nakaupo sa magkabilang gilid niya.

"Anong-"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay bumukas ang pintuan ng Craige at pumasok ang
ilan pang mga babaeng agents ng BHO CAMP. Maliban sa kaila Aiere, Nyx at sa kapatid
ko na si Freezale na malamang ay nasa control room.

/>

Binuhat nila ang ilang mga lamesa ng Craige at itinabi iyon sa amin. Kaniya-kaniya
din siya ng kuha ng mga upuan at nagsiupo roon.

"A-Anong meron?" tuloy ko sa nais kong sabihin kanina.

"Confab." sabi ni Den.

Napakunot ang noo ko. "Meaning?"

Nagtaas ng kamay si Chalamity. "Confab. An informal private discussion. Bow."

Tinanguhan siya ni Den. "Thank you so much genius. Pero dahil mas genius ako eh iba
ang ibig sabihin sa akin ng confab. It means Conference of the Fabulous. Ayos di
ba?" proud niyang sabi.

Napabuntong hininga ako ng magpalakpakan ang mga babaeng agents na para bang nag
bigay ng presidential speech si Den.

"So ano ngang meron. Para saan ang Conference of the Fabulous niyo? May ikakasal
ba? May magkakatuluyan? Anong meron?"
Humalukipkip si Den. "Meron. Kung magtitino ka at hindi mo tatakbuhan."

Napatigil ako. Nag-iwas ako ng tingin ng mapagtanto ko kung ano ang gusto niyang
iparating. Nitong nakaraang apat na araw kasi ay wala akong ginawa kundi magkulong
sa kwarto ko. Kung hindi naman ay pumupunta ako sa lugar na alam kong wala si
Phoenix.

At ngayon nga ay nabili ko na ang ticket pabalik ng Seattle.

Alam ko na parang tumatakbo na naman ako. Pero kasi pakiramdam ko ito ang tamang
gawin. Siguro kasi...natatakot din ako. Natatakot ako kahit na alam kong mahal niya
ako. Natatakot ako kasi alam ko na minahal niya din si Mira.

I don't know if I can ever ease his pain. If I can

make him happy. Gusto kong lumaban pero natatakot ako...

"Alam niyo...sa tingin ko tama lang na lumayo muna si ate Snow." Nag-angat ako ng
tingin sa nagsalita na si Chalamity. "Kasi hindi ba unfair sa kaniya? Na nagmahal
ng iba ang taong mahal niya?"

"Wow. You have no chill, my dear Chalamity. Mabigat agad?" nangingiwing sabi ni
Hera.

Nagkibit-balikat ang babae. Akmang magsasalita ako para pahintuin sila pero
naunahan na ako ni Storm. Nakatingin siya kay Chalamity. "Bakit naman unfair?"
"Kasi hindi nagmahal si ate Snow ng iba. Si kuya lang ang mahal niya. Pero hindi
niya ipinaglaban si ate Snow."

"Hindi din naman lumaban si Snow." singit Eris.

"Pero hindi siya nagmahal ng iba." bulong ni Enyo.

Nagkatinginan kami ng ilang mga agents. Bihirang bihira na magkasalungat ang


opinyon ng dalawa. At hindi nakalagpas iyon sa dalawa dahil nakangangang nakatingin
si Eris sa kakambal niya ngayon.

"So kailangan magmahal din ng iba si Snow para fair?" balik ni Eris.

Nagtangka ako na itaas ang dalawang kamay ko para awatin sila pero kaagad na
ibinalik ko iyon ng muntik tumagilid si Raja na nasa kandungan ko. "Amm...guys.
Hindi naman natin kailangang pag-usapan ito-"

"I agree with Eris." sabi ni Athena. "It may seem cowardly for Phoenix for moving
on with someone else but does that mean that Snow's love should be shallow?"

"Pero-"

Pinutol naman ni Sky ang sasabihin ni Chalamity na magsasalita sana ulit. "In love

you cannot attain balance all the time. Hindi sa lahat ng pagkakataon ikaw ang una.
Hindi pwedeng magbilangan kayo. Hindi pwedeng burahin ang nakaraan niya. In the end
of the day those ridiculous hypocrisy would not matter. Because people with the
same situation like this would agree with me when I say that when you love you will
accept all of him. You will accept what he can give."

Animo may kung anong humaplos sa puso ko sa sinabi ni Storm. Napayuko ako at
tinignan ko ang maliliit na kamay ni Raja na nakahawak sa daliri ko.

"Kung mahal mo hindi ka dapat sumuko agad. Kapag mahal mo hindi ka hahanap ng iba
pang mamahalin. You shouldn't be in love with another person in the first place.
Kung totoo ang pagmamahal mo dapat siya lang." bulong ni Chalamity.

"Guys..." awat ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin.

"Ibig bang sabihin hindi totoo ang pagmamahal ko kay Hermes?" mahinang tanong ni
Storm.

Lahat kami ay napatingin sa kaniya pero ang mga mata niya ay nasa gawi ni Sky na
ngumiti lang sa kapatid niya at pagkatapos ay tumango.

"I was in love with Adonis. I loved him first. Ang ganoong damdamin ay hindi basta-
basta nawawala. Sa tingin ko nga hindi na iyon nawawala. Does that make my love for
Hermes a lie? Because he wasn't the only one in my heart?" Nang walang nakaimik ay
muli siyang nagsalita. "Every love cannot be the same. A person can love a million
times yet there will only be that one person he cannot live without."

"Mas tanga ka kapag pinakawalan mo pa ang lalaking mahal mo

at mahal ka rin ng dahil lang sa nagawa niyang magmahal ng iba. Mas pagpapakatanga
iyon kesa ang tanggapin siya na alam mong may piraso sa puso niya na hindi mo
makukuha." walang patumaga na sabi ni Den. "At kung gusto mo ng 'fair' na
relationship. Kung gusto mo ang relasyon na binibilang niyo ang bawat ginawa niyo
para sa isa't-isa..I suggest you give him up. That makes you not worthy of him
instead of him not being worthy of you."

"Ikaw." sabi ni Hera na nakatingin kay Harmony na tahimik lang sa kabilang dulo ng
lamesa. "May sasabihin ka ba?"

Nag-angat siya ng tingin mula sa papel sa harapan niya at inilibot niya ang
paningin niya sa amin. Huminto ang mga mata niya sa akin. "Kahit ano pang sabihin
ninyo wala kayong magagawa kung naka set na ang utak ng sinasabihan ninyo." tumayo
siya mula sa pagkakaupo. "Bakit ba ako nakasali rito? Hindi ko nga kayo kilalang
lahat eh. Kuya Archer! Ilibre mo nga ako! At saka pakibili ako ng gamot sa allergic
reaction. Nangangati ako dahil sa mga in love dito!"

Naiiling na napangiti ako. Si Chalamity at Eris ay nagkatinginan at sabay na


napabuntong-hininga at napangiti na rin.

Siguro ganto talaga minsan. People don't need to walk on egg shells around you.
Sometimes you just need a head smack so you'll wake up.

"Guys-"

"PAGING. SNOW NIGHT."

Lahat kami ay napanganga ng my marinig kami na boses na nagmumula sa mga speaker na


nakapalibot hindi lang sa Craige, kundi maging sa buong BHO CAMP. Napatayo ako ng
wala sa oras at mabilis na

inabot ko kay Athena na nasa malapit sa akin si Raja ng makilala ko ang boses.
Natatarantang hinawakan ng babae si Raja at akmang ibabalik sa akin pero hindi ko
na siya pinansin dahil nakatutok ako sa boses mula sa speaker.
My sister Freezale.

"YOU HAVE 2 VOTES THAT ARE AGAINST THE TOTAL VOTES OF INFINITY. BUT I GUESS THAT 2
VOTES WILL CHANGE THEIR VOTES RIGHT AT THIS MOMENT."

Nagtaas ng mga kamay si Chalamity at Eris na umaktong sumusurrender. Pinaikot ko


ang mga mata ko habang nakikinig pa rin.

"SCREW THEIR OPINIONS. SCREW MY OPINION. DO WHAT MAKES YOU HAPPY. AND IF THAT
HAPPINESS IS HIM...THEN GO TO YOUR SPECIAL PLACE. BUT IF YOU DECIDE TO LET HIM GO,
THEN WALK AWAY. NEVER LOOK BACK."

HUMINGA ako ng malalim habang tinatahak ang daan patungo sa desisyon ko.
Naiintindihan ko ang mga sinabi nila. Naiintindihan ko iyon ng buong puso. Pero sa
huli alam ko naman...na ako din ang maglalagay ng tuldok sa kwentong ito.

Iyong mga masayayang panahon na kasama ko siya, pakiramdam ko ang layo na.
Pakiramdam ko ang tagal-tagal na ng panahon na iyon.

Pakiramdam ko ang dami ng nagbago.


Nagsinungaling ako sa sarili ko sa kabila ng pagmamahal na alam kong meron ako para
sa kaniya, nagmahal siya ng iba, dumistansiya ako, nagpakasal siya, inamin ko ang
nararamdaman ko at tumakbo ako palayo.

Naniniwala ako na hindi imposible na magmahal ng dalawang tao. The only thing that
is impossible when it comes to love is stopping

it. Erasing it.

I could be old and gray and in my dying years, but I will always remember the
person that I fell in love with.

Pero...ayokong dumating ang panahon na iyon na ang tangi ko lang magagawa ay ang
maalala siya.

Dahil sa natakot na naman ako. Dahil nangamba ako sa isang bagay na hindi ko na
mababago. Dahil tumakbo na naman ako palayo.

So here I am walking the path towards our special place. Kung saan nagsimula lahat.
Kung saan kami nasaktan. At sana...kung saan kami magiging masaya.

Nang tuluyan kong marating ang lugar na iyon ay bahagya akong napangiti ng makita
ko siya na nakatayo sa ibaba ng tree house. There he stand...
...

...

The only person that I will ever love.

Nakangiting huminto ako ilang dipa mula sa kinatatayuan niya. Humakbang siya
palapit sa akin pero umatras lang ako. Inulit niya iyon pero katulad ng nauna ay
muli akong lumayo sa kaniya.

Nag-angat siya ng tingin at kita sa mga mata niya ang pangamba. Ngunit nanatili
akong nakangiti. "I'm still going to Seattle, Nix Nix."

Bumakas ang sakit sa mga mata niya pero pilit na ngumiti siya. "Then I will follow
you there."
"I want you not to do that."

"No. Snow. This time, I will do it without your permission. Alam mo, tama sila.
Tama ang mga sinasabi nila. Dapat ipinaglaban kita. Dapat hindi ako nagmadali. But
I

cannot change what already happened, Snow. I can't go back and erase all those
things. I can only go forward with the hope that you will still accept me. That
someday I can call myself worthy of your heart."

"Phoenix-"

"Hindi ko magagawang burahin si Mira sa pagkatao ko. All I can promise is that I
will never give up on you again. All I can promise is that I will wait for you. I
want you to be happy, Snow. Hindi ko pagsisisihan na muling maghintay kahit na sa
huli ay hindi ka maging sa akin. But please...don't ask me to stop loving you."

"PHOENIX!"

Napatigil siya sa ginagawa niyang paghakbang palapit sa akin sa bigla kong


pagsigaw. Naiiling na lumapit ako sa kaniya at walang salitang tinalunan ko siya sa
likod. Ipinalibot ko ang mga braso ko sa leeg niya.

"Snow-"

"Walk."
Sandaling hindi siya nakapagsalita ngunit pagkaraan ay nagsimula siyang maglakad.
Hinilig ko ang baba ko sa balikat niya. Tila nagbalik sa mga ala-ala ko ang mga
panahon na ganto ang ginagawa namin, "Nix Nix, I'm still going dahil kailangan kong
ayusin ang mga gamit ko doon. Kailangan ko ding magpaalam sa trabaho ko dahil wala
naman akong official leave."

"Snow-"

"And...we need that time. Oo marami na tayong oras na nasayang. Pero kailangan
natin ang kaunting panahon na iyon. Out of respect for our hearts. At kay Mira. Di
ba sabi nga nila kailangan maka forty days ka muna bago ka mag move on?"

"Sa patay 'yon, Snow."

Napatigil ako sa akmang

pagsasalita at pagkaraan ay napanguso ako. Malay ko ba. Narinig ko lang iyong sa


tabi-tabi eh. "Basta gano'n 'yon."

I felt his body vibrate softly with his contained laughter. Tuluyan na rin akong
napangiti. I love his laugh more than his smile.

"And Phoenix..."

"Hmm?"
"I don't want you to forget her." I whispered as I tightened my hold to him. "I
don't want you to think of your love to her as something as erasable. I love her,
too, you know?"

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Nakalabas na kami sa mapunong parte ng BHO CAMP at


ngayon ay nasa likod na kami ng headquarters. Nag-angat ako ng tingin at napailing
ako ng makita ko ang mga agents sa loob na nakasilip sa bintana. Namataan ko pa si
Athena at Hera na sumasaya-sayaw sa loob habang nakatingin sa amin.

"I have a question." I whispered.

"What is it?"

"Eventually...gagawa ka din ba ng paraan para makasama ako?"

Napahinto siya sa sinabi ko at pagkaraan ay nagsalita siya, "Nang maghiwalay tayo


sa parke na iyon, I know in my heart that sooner or later I will let go of her
hand. I know that I will hurt her because of my decisions. But I also know that I
can't keep on lying to her. She doesn't deserve that. You don't deserve that. Alam
ko na hindi magiging madali para sa ating tatlo. At alam ko na maaaring pagbalik ko
ay nagbago na ang nararamdaman mo. But I know that it was the right thing to do.
For all of us."

Tumango ako kahit na alam kong hindi niya iyon nakikita. Muli siyang naglakad
habang nanatili akong nakasandig sa balikat niya.

"I'm happy you know..." I whispered. "I'm happy that you're that man that I love.
That you have a big heart. Enough to love us both."
"Snow..."

"I don't want you to think that your love for her is wrong. Katulad ng ayokong
habang buhay ay sisihin ko ang sarili ko na wala akong nagawa. Na natakot akong
kumilos. We can't change the life that have been given to us. We can only
forward...and be happy. Para sa ating dalawa. At para sa kaniya." marahang ngumiti
ako at napagtuloy, "Kapag sinabi ng iba na marami pang lalaki sa mundo ng mas higit
pa sa iyo...alam mo ba kung anong isasagot ko?"

"That they're probably right."

"No. Sasabihin ko. 'To hell with you! Kung gusto niyo eh di pakasalan niyo sila!
Dahil sa akin lang si Phoenix Martins! Walang taong kayang akyatin ang lahat ng
puno ng mangga mapasaya lang ako, walang kahit na sino ang hindi man kukurap kapag
ibinangga ko ang sasakyan nila, walang kahit na sinong lalaki ang papayagan ko na
itirintas ang buhok ko, at wala ng mas gagaling pa sa MEETING kesa kay Phoenix
Martins!'"

Napatili ako ng wala sa oras ng bigla na lang akong mabitiwan ni Phoenix. Mabilis
akong umayos ng tayo ng humarap siya sa akin at nakangangang tinignan ako. Sa likod
niya ay nagsilabasan na rin ang mga agents na mukhang nakikinig sa isinigaw ko.

Ngumiti ako ng matamis at pinagana ko ang Snow's Puppy-Kitten eyes ko.

"Oops!"
_________End of Chapter 26

=================

CHAPTER 27 ~ Rose ~

CHAPTER 27

SNOW'S POV

1/40 DAYS OF MOVING ON

MOMMA KONG MAGANDA (9:03 AM)

Magulang mo kami. Kahit hindi ka magsalita, alam namin na

may mabigat kang pinagdadaanan nitong mga nakaraang buwan.

But we need your explanation and HIS.

PAPA KONG GWAPO (9:03 AM)

UMUWI KA. NGAYON DIN.

LOLLIPOP ADDICT ATHENA (9:12 AM)

Pinagkalat ko na pala lahat-lahat. Buko na naman eh hihihi!

Oo nga pala, may utang ka sa akin na isang truck ng lollipop.

Dahil nilinis ko ang pangalan mo...ng slight.

HERA PRINSESA (9: 49 AM)

Omg girl! Ito pala iyong hindi masabi-sabi sa akin ni Athena!

Omg! Dalaga ka na!


-

FREEZALE GANDA (10:01 AM)

Walang sikretong hindi nabubunyag. Sabi ko naman kasi sa'yo

Sabihin mo na kaila momma lahat eh. Mag uwi ka nga pala ng

Pringles. Mahal dito.

THUNDER PANGIT (10:28 AM)

Lagot ka! Bleh!

THUNDER PANGIT (10:30 AM)

Hala, napagalitan kami ni Freezale ni papa! Ba't ako

nadamay eh ang gwapo ko?

HANGIN (10:34 AM)

Adik ka. Pero congrats! Congrats din daw sabi ni kuya.

Welcome daw sa mundo naming mga tao.

MATANDANG DEN (10:40 AM)

Kung kailan mo ng suggestions ng isang dakila, nandito

lang ako. Expert ako diyan. Wink wink!

ATE BAGYO (10:41 AM)

Wag kang maniwala kay Den. Lalasunin niya lang ang

kaluluwa mo. From Reynolds

Family: Uwian mo

Kami ng Oreos. Mas mura diyan. Thanks!

ZZDON'T TEXT DON'T CALL (11:11 AM)

Tatawag ako.
-

Naiiling na ipinatong ko ang cellphone ko sa unan sa tabi ko. Ang aga-aga


tinatadtad na ako ng messages. Halos hindi pa tuluyang bumubukas ang mga mata ko
dahil kulang na kulang pa ang tulog ko at pagod din ako sa byahe.

Pagkatapos kasi ng mga pangyayari sa BHO CAMP at kinuyog ako ng mga agents para i-
interrogate ay tinakbuhan ko na sila. Pati na si Phoenix na parang naging statwa na
ata ng iwan ko ay hindi na ako nagawang abutan. Kasi nga statue na siya.

Dahil wala naman akong ibang dadalin pabalik sa Seattle ay nagawa kong makasakay
agad at magpahatid sa taxi papuntang airport. Hindi na rin naman nila ako hinabol
dahil alam naman nilang tataguan ko lang sila. Isa pa, gusto ko pagbalik ko na lang
asikasuhin lahat.

At saka baka kahit ganitong malaki na ako ay mapalo ako nila Papa kapag hindi ako
sa kanila unang nagpaliwanag.

Napaungol ako at mariing napapikit ng marinig ko ang ring tone ng cellphone ko.
Kinapa-kapa ko iyon at ng maabot ko ay tinignan ko ang aparato. Napabuntong-hininga
ako ng makita ko ang mga salitang 'ZZDON'T TEXT DON'T CALL'.

Iyon ang ipinangalan ko kay Phoenix noon sa contacts ko. Nilagyan ko ng 'ZZ' para
siguradong nasa hulihan siya ng mga pangalan sa listahan ng phone ko.

"Hello?"
"Snow. Alam mo ba kung anong oras na dito? Kahit isang kurap hindi ako nakatulog.
Anong ibig mong sabihin-"

/>

"Hello? H-H-Hello...o o o o?! Choppy ka Nix Nix!"

"Snow." may babala sa boses na sabi ng lalaki.

"He...llo?" inabot ko ang scratch paper na nasa bed side table at pagkatapos ay
nilukot-lukot ko iyon sa tapat ng aparato. "H-H-Hin...di kita marini-i-i-ig!"

Ngising-ngisi na pinatay ko ang cellphone ko. Saka na ko magpapaliwanag.

15/40 DAYS OF MOVING ON

"What situation happened that was too much! I didn't know you have difficultships
like that. But I don't judge. I understand yourself."

Wala ng masyadong tao sa Steam dahilan para magkaroon ako ng pagkakataon na


ikuwento kay BDW lahat. Sa paraang pwede ko nga lang na sabihin sa kaniya. Hindi ko
sinabi sa kaniya ang mga detalye na hindi niya pwedeng malaman.

Katulad ng sa Claw, ang BHO CAMP at ang trabaho namin.

Sinabi ko lang sa kaniya na naaksidente si 'Nico'. Inamin ko din sa kaniya na may


girlfriend ang lalaki at hindi naman talaga kami totoong magkasintahan. Na
magkaibigan lang kami. Ipinaliwanag ko din sa kaniya kung paanong magulo ang
sitwasyon namin ngayon dahil sa bago pa lang ang paghihiwalay ni 'Nico' at ni
'Lira'.

Ngayon lang din kasi kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap. Labin-limang


araw kasing nawala si BDW dahil tinamaan siya ng flu. Kaya imbis na magreresign na
sana ako ng pumunta ako rito ng ikalawang araw mula ng magbalik ako dito sa Seattle
ay napilitan ako na ipagpatuloy na muna ang trabaho ko.

/>

"That's the reason why you not there?" tanong ni BDW.

Tumango-tango ako at nagbaba ng tingin. "Ang hirap din kasi na hindi isipin kung
ano ang magiging tingin sa amin ng mga tao. Ayoko namang may masabi sila kay Phoe-
kay Nico dahil biglang magiging kami."

"Sila ba ang nagpapasaya sa'yo?

Nag-angat ako ng tingin ng bigla siyang magtagalog. Seryoso din ang boses niya.
"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang mga tao na tinutukoy mo. Sila ba ang magpapasaya sa'yo?"


"Pero ang pamilya ko-"

"Ay magiging masaya sa kung ano ang magpapasaya sa'yo." ngumiti siya at tumingin sa
kinaroroonan ni Deck na kasintahan niya. "Alam mo hindi miminsan na nakakarinig ako
na inaasar siya dahil ako ang girlfriend niya. Trying hard mag english, hindi
kagandahan, hindi magandang manamit at mas matanda sa kaniya. Pero dahil sa kaniya
ang dami kong narealize."

"Ano?" napapangiting tanong ko.

"Na hindi naman ang tingin sa iyo ng ibang tao ang mahalaga. Kasi hindi sila ang
nagbibigay ng ngiti sa mga labi mo at hindi sila ang bumubuo sa pagkatao mo."
Ibinalik niya ang tingin niya sa akin. "Pero okay na din 'yang magkaroon kayo ng
oras na magkalayo. Sabi nga nila di ba? Kailangan mo ng forty days bago ka mag move
on ng tuluyan."

Nanglalaki ang mga mata na tinignan ko ang babae. "That's exactly what I said!"

"Because we are the beautiful! We mind a like. You know?!"

Napatawa ako at tumango, "Yes!"

Sabay na

napalingon kami sa mga bagong dating na customer na naglakad palapit sa


kinaroroonan ni BDW. Ngunit bago sila tuluyang makalapit ay bahagyang dumikit sa
akin ang babae at bumulong.

"Be happy, Snow."

Sinundan ko siya ng tingin ng tuluyan na niyang hinarap ang mga customer. Ramdam ko
ang mga luhang namumuo sa mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Ngunit sa likod
ng aking isip ay inaalala ko ang isa pang tao na nagsabi sa akin ng mga salitang
iyon.

'Be happy.'

24/40 DAYS OF MOVING ON

Napatili ako at kaagad na hinugot ko ang saksakan ng microwave oven ng bigla na


lang may nagkislapan sa loob niyon. Nanunulis ang nguso na inilabas ko ang pagkain
na iniinit ko kanina doon at natatakpan ng aluminum foil.

"Rest in peace."

"Snow? Snow?"
Binitawan ko ang hawak ko na mangkok sa lababo at bumalik ako sa high stool na
kinauupuan ko kanina. Kinuha ko ang cellphone ko at tinapat ko iyon sa tenga ko.

"Snow? Are you okay?"

"I'm here. Pero may kasalanan ka sa'kin." Nilingon ko ang pobreng pagkain ko sana
ng gabing iyon. "Nasunog 'yong ulam ko. Kanina mo pa kasi ako kinakausap eh! Kailan
ka pa naging madaldal Nix Nix?"

"Mula ng marealize ko na ang dami kong hindi nagawang sabihin sa'yo."

Napatigil ako sa pagsisintir at natahimik ako sa sinabi niya. Pagkaraan ay muli


akong nagsalita, "You have no chill, bro." sabi ko na ginagaya ang salita ni

Den.

"Gutom ka na ba? Wala bang mabibilhan diyan?" pag-iiba niya ng usapan.

"Meron naman. Kaso super sawa na ko talaga!" napapanguso na naman na sabi ko.
Yumukyok ako sa counter. "Wala man lang Jollibee dito-"

Napatigil ako ng marealize ko kung ano ang nasabi ko. Bukod kasi sa 'meeting' ay
may kakaiba ding meaning ang 'Jollibee' pagdating sa BHO CAMP.

"Snow..."
"Hello? H-H-Hel..looo? Choppy ka-a-a!"

"Snow!"

28/40 DAYS OF MOVING ON

Hinihingal man ay hindi ko tinigil ang ginagawa ko. Nakakatrenta minuto pa lang ako
sa pag e-exercise pero parang sobrang pagod na pagod na ako. Ilang araw na rin kasi
akong hindi nakakapag ehersisyo.

Ngayon nga ay nakakailang push ups na ako. Tagaktak na ang pawis ko at kahit hindi
man tumitingin sa salamin ay alam kong parang mansanas na sa pula ang mga pisngi
ko.

"T-Thiry...six. Thirty...seven-"

Napaigik ako ng nagkamali ako ng tukod sa kamay ko dahil sa biglang pag-ring ng


cellphone ko. Kung hindi ko lang naagapan baka nakipag face to face na ako sa
semento.
Tinignan ko kung sino ang caller. 'MANGGA KO'

"Hello?" I answered, still gasping for air.

"Snow, okay ka lang?"

"Hindi. Inistorbo mo kaya ako." hinihingal na sabi ko. "Napapasarap na ako sa


ginagawa ko eh. Kung kelan malapit na akong matapos-"

"C-Choppy ka."

Napanganga

ako at napatingin sa phone ko. Binabaan ako. Kunot noong nakatingin lang ako doon.
Hala ano kayang problema ni Nix Nix? Hindi kaya nagtampo 'yon? Niloloko ko lang eh.

Akmang ipapatong ko na sa coffee table ang cellphone ko ng muling mag ring iyon.
Hindi tinitignan kung sino ang caller na kaagad kong sinagot ang tawag. "Hello? Nix
Nix? Joke lang 'yon! Hindi naman ako galit. Alam mo na wala naman ako sa BHO CAMP.
Ang hirap ng sariling sikap." sabi ko na ang tinutukoy ay ang mga kagamitan sa
headquarters. Mas high tech kasi doon.

"Grabe ka Snow! Hindi ka na naawa doon sa tao!"

Napatingin ako sa ID caller. Pinaikot ko ang mga mata ko ng makita ko na si Athena


pala iyon. "Ikaw pala."

"Oo, ako ito. Ang pinakamagandang nilalang na ginawa sa mundo. Masyado kasing pure
ang puso ko kaya naaawa ako kay Phoenix na inakit-akit mo. Hinay-hinay ka lang doon
sa tao, bebe gurl. Alam mo namang sensitive iyon."

Napanganga ako. "What?"

"Di ba inakit mo si Phoenix? Ayun oh nag walk out. Pulang-pula ang mukha. Akala ko
nga iiyak eh."

Pakiramdam ko umiikot ang ulo ko sa hilo. Ano na naman bang meron sa pag e-exercise
na hindi ko alam? "Hindi ko inaakit si Nix Nix! Nag e-exercise ako no!"

"Weh? Eh ano yung sariling sikap na narinig ko? Ikaw ha. Kebata-bata mo pa ha!"

Ngumuso ako. "Excuse me mas matanda ako sayo no. At sariling sikap...ibig sabihin
ginagawa mo ang isang bagay ng mag-isa at walang tulong ng iba. Magluto mag-isa,
mag exercise na walang tulong

ng mga kagamitan, mag trabaho mag-isa..you know?"

Sandaling katahimikan ang namayani sa kabilang linya. Pagkaraan ay nakarinig ako ng


mga hagikhikan. Napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang naka loud speaker ang
babae.

"Ewan ko sa inyo. Magsama kayong mga baliw." sabi ko sa babae.


"Soon official member ka na din ng mga baliw...baliw sa pag-ibig. Kaya wag kang ano
diyan."

"At ikaw?"

"Maganda pa rin. Toodles!"

39/40 DAYS OF MOVING ON

Itinaas ko ang mga kamay ko at nag-inat inat. Finally! Naiempake ko na din lahat ng
gamit ko. Hindi naman kasi ganoong kadami talaga ang mga i-e-empake ko ang kaso ang
daming humingi ng pasalubong. Humabol pa iyong iba. Para sa buong BHO CAMP na ata
ang laman ng bagahe ko.

Naayos ko na rin lahat ng kailangan kong ayusin at nakapagpaalaam na ako sa Steam.


Nagkaiyakan pa nga kami ni BDW na ipinangakong dadalaw sila sa akin sa Pilipinas.

Itong tinutuluyan ko naman ay may bago na atang gagamit pag-alis ko. Kaya hindi ko
na rin inalis ang ilang mga gamit na mahihirapan na akong iuwi. Pwede namang
gamitin na lang ng bagong mag re-rent.

Supposed to be maaga ako dapat makakaalis. Minamadali na din kasi ako ni Dawn dahil
baka kulangin daw ang agents na stand by sa BHO CAMP dahil karamihan daw sa juniors
ay may mission for security purposes ng isa sa mayayamang tao sa Pilipinas.

Sa pagkakatanda ko Gaige Hendrix ang binanggit niya na

pangalan ng bagong kliyente.

Nahila ako mula sa mga iniisip ko ng tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na
kailangang tignan iyon para alamin kung sino ang tumatawag. Dahil sa mga araw na
lumipas ay hindi pumalya si Phoenix na tumawag sa akin.

"Hello? Nix Nix?"

"Nakaempake ka na ba?"

Napangiti ako. "Hala bakit? Hindi pa naman ako uuwi ah. Hindi ba nasabi sa'yo ni
Dawn? Kailangan ko pang mag extend dito."

"What?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Next year pa ako makakauwi."


"What?!"

"Joke!"

40/40 DAYS OF MOVING ON

"Grabe, tita Ruby, ang galing niyo talaga. Hindi kaya chess player kayo dati noong
kabataan niyo?"

Nginitian ako ng matandang babae na sa unang tingin ay matatakot kang kausapin


dahil mukha siyang mataray. Posturang postura din siya at tinalo pa ako na wala
mang bahid ng make-up. Para siyang Pinay version ni Elizabeth Taylor.

"Nako, iha, noong kabataan ko piano lessons lang ang kaharap ko lagi. Makaluma kasi
ang mga magulang ko."

"Eh saan ho kayo natuto?" tanong ko at nagbaba ako ng tingin sa tablet niya kung
saan kami naglalaro ng chess.
Sa haba kasi ng durasyon ng flight ay parehas kami na nakaramdam ng pagkainip.
Parehas pa kami na walang kasamang iba. Nabagot na rin siya siguro ng todo kaya
kinausap niya ako at inaya ako maglaro ng chess.

"Sa kasintahan ko noong dalaga pa lang ako. Si Juancho."

/>

Nag-angat ako ng tingin sa matanda at nahihiyang nag-iwas siya ng tingin na animo


isa siyang matimtimang dalaga. Napangiti na lang ako sa inaakto niya. "Mukhang in
love na in love po kayo kay Juancho ah."

"Siya lang ang nag-iisang lalaking minamahal ko pa rin hanggang ngayon."

Ginalaw ko ang 'knight' ko bago ako nag-angat ng tingin sa kaniya. Napansin ko na


malamlam na ang mga mata ng matanda. "Nasaan na ho siya ngayon?"

Malungkot na ngumiti ang babae at tumira pabalik. "Ilang taon na rin ang nakakaraan
ng mabalitaan ko na naaksidente siya kasama ng kaniyang asawa."

Napatigil ako sa akma ko sanang pag galaw ng piyesa ko dahil sa sinabi niya. "Hindi
niyo ho siya asawa?"

Umiling siya. "Hindi. Napangasawa niya ang kaibigan ko na si Diana. Nang mga
panahon na iyon alam kong mahal ko na si Juancho at alam ko din na may nararamdaman
na siya para sa akin. Pero...itinakda na ang kanilang pagpapakasal. Kahit na
sabihing ilang pamilya na lang ang gumagawa ng ganoong klase ng kasunduan ay isa
ang mga pamilya namin sa iilan na iyon Kaya kahit na ako ang babae na binigyan niya
ng sing sing at pinili niya para mapangasawa ay wala na kaming nagawa."
Tuluyan ko ng nakalimutan ang laro at mukhang ganoon din siya na nakatanaw na sa
malayo. Mahigpit na hinawakan ko ang airline blanket na nasa kandungan ko habang
nakikinig sa kaniya.

"Hindi ko ipinaglaban ang pag-ibig ko sa kaniya. Dahil ayokong masaktan ang


damdamin ng kaibigan ko. Paglipas ng panahon nakilala ko si George. Napakabait

niya sa akin, iha. Minahal niya ako ng sobra-sobra. Kaya kalaunan ay tuluyan na rin
akong nahulog sa kaniya."

"Pero...pero hindi niyo pa rin nakalimutan si Juancho?"

Muling umiling ang matanda. Mayroon siyang kinuha sa bulsa niya. "Kahit kailan
hindi siya nawaglit sa isip ko. Kahit na nagkaroon na ako ng sarili kong pamilya."

Hindi ako nakaimik. Nanatili akong nakikinig sa kaniya habang tila dinadala siya
kung saan ng mga ala-ala niya.

"Sa mundo ng pag-ibig, may rosas na kayang mabuhay sa loob ng napakaraming panahon.
Meron ding rosas na sa kabila ng pagkakatulad nito sa nauna ay unti-unting
gugumunin ng panahon."

"A-Ano hong ibig niyong sabihin?"

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Sa kabila ng milyon milyon na rosas na maaari na
maging iyo, nag-iisa lang ang rosas na mabubuhay sa mga kamay mo. Gaya sa pag-ibig.
Kahit umibig ka pa ng ilang milyong beses...nanatiling iisa lang ang pag-ibig na
hindi babaguhin kahit ng panahon."

Napalunok ako at pilit na ibinalik ko ang ngiti niya. "Paano mo po malalaman?"

Sa pagkagulat ko ay nakangiting hinawakan ng matandang babae ang kamay ko.


Naramdaman kong may inilagay siya roon. Napatitig ako doon ng makita kong dyamante
na nakakorteng rosas iyon. Tila orihinal na nakakabit iyon sa singsing pero tanging
iyon na lang ang natira.

"Kapag tumingin ka sa mga mata niya at nakita mo ang sarili mo na makakasama siya
sa mga panahon ninyo dito sa mundo. Kapag tumingin ka sa mga mata niya at nakita mo
ang sarili mo na pinanghahawakan ang pagmamahal niya kahit na sa mga panahong wala
na siya sa tabi mo."

Tinignan ko ang rosas na dyamante. Kita roon na matagal na ang pagkakagawa roon
pero sa kabila niyon ay tumitingkad pa rin ang kagandahan niyon.

Nag-angat ako ng tingin kay tita Ruby at umakto akong ibabalik sa kaniya iyon pero
umiling siya. Nanlalaki ang mga mata na tinignan ko siya. Hindi niya kailangang
sabihin para maintindihan ko na si Juancho ang nagbigay no'n. "Pero tita, ito po
ang nagpapaalala sa inyo kay Juancho."

Ngumiti siya at pagkaraan ay umiling. "Sa iyo na 'yan, iha. Matanda na ako at alam
ko na hindi ko kailangan ng symbolo para maalala si Juancho."

Muli akong nagbaba ng tingin sa batong nasa mga palad ko. Nag-aalangan man ay
nagpasalamat ako sa kaniya, "Thank you po, tita Ruby." sabi ko at nginitian ang
babae. "Ano po palang nangyari dito? Parang dati siyang engagement ring."
Tumango ang babae. "Oo, engagement ring iyan dati. Iyan ang ibinigay sa akin ni
Juancho. Pero minsang maligaw ako sa tagaytay at tumuloy ako sa bagong tayo lang
noon na establishimento roon ay nagdesisyon ako na itapon na lang ang sing-sing."
napangiti ang babae na tila may naaalala. "Bago ako umalis sa lugar na iyon ay
hindi ko din natiis at hinanap ko ang sing-sing. Ang kaso nasira na siya at tanging
itong bato lang na ito ang nakita ko."

"Ay taga Tagaytay rin po ako! Saan po doon kayo pumunta?"

Tumingin sa kisame ng eroplano ang matanda na tila nag-iisip. Pagkaraan ay


nagsalita siya, "Sa pagkakatanda ko...The Camp ang pangalan ng lugar na iyon."

______End of Chapter 27

=================

CHAPTER 28 ~ Box ~

A/N: Thank you sa mga nag suggest ng songs sa Facebook! Sa mga gustong sumali just
click the external link or search for B.H.O. and The C.A.M.P.

CHAPTER 28

SNOW'S POV

Yakap-yakap ang handbag ko na tinignan ko ang dalawang malaking lalaki sa harapan


ko na parang mga action movie stars sa pakikipag gitgitan sa mga tao para makuha
ang mga bag sa conveyor.

"Miss, upo ka muna. Siguradong napagod ka sa byahe."

Nginitian ko ang security guard na lumapit sa akin na may dalang upuan. Pero imbis
na umupo ay inusog ko ang upuan sa matandang lalaki na nasa tabi ko. "Salamat kuya
ha? Pero si lolo na lang po ang paupuin natin."

"Naku, salamat, ineng. Napakabait mo namang bata." pagpapasalamat sa akin ng


matandang lalaki.

Tinanguhan ko ang matanda at pagkatapos ay nilingon ko ang security guard at


nginitian siya. Sunod-sunod na napakurap siya bago parang wala sa sarili na
nagpaalam at naglakad paalis.

Muli akong humarap sa mga 'action movie stars' sa harapan ko. Pinagtitinginan na
sila ng mga tao dahil talaga namang agaw pansin sila. Kulang na lang kasi umakyat
sila sa mismong conveyor belt makuha lang ang mga gamit.

"Ay!" tili ko. "Ayun iyong last bag ko!"

Napalingon sila sa akin at kaagad nilang tinignan ang tinuturo ko. Sabay silang nag
thumbs up sa akin at animo nakikipagkarera na umakyat na nga sila sa conveyor at
tinungo ang tinuro ko.

Nang tuluyan nilang


makuha iyon ay ngiting ngiti na lumapit sila sa amin. Una nilang inabot sa
matandang lalaki ang mga gamit nito. Kanina kasi ang matanda naman talaga ang
tinutulungan nila. Pero nang makita nila ako na hindi makasingit at nabalya pa ako
ng isang babae ay nag volunteer sila na tulungan na din ako.

"Salamat mga iho. Bibihira na lang ang mga katulad ninyo. Napakaswerte ng mga
magulang ninyo sa inyo, hindi ba ineng?" sabi ng matanda.

Nakangiting tumango ako. "Opo." nilingon ko ang dalawang lalaki na mukhang


magkapatid. "Salamat ng marami! Mabuti na lang at tinulungan niyo kami. Kung hindi
baka hanggang mamaya nandito pa kami."

Namumula ang mukha na nagyuko ng ulo ang isa sa kanila habang ang isa naman ay
napapakamot sa ulo niyo.

"Wala 'yon." sabi ng lalaking nakapula. "Ako nga pala si Bogs. Eto naman ang kuya
ko na si Buck."

Tinaas ko ang isa kong kamay at kumaway ng bahagya. "Hello. Ako naman si Snow."
binuksan ko ang bag ko at may kinuha ako na card. "Kapag napasyal kayo ng Cavite at
gusto niyong magbakasyon, punta kayo diyan. Bibigyan namin kayo ng free lodging."

"Hala, salamat, miss. Nako siguradong matutuwa ang mga misis namin nito." sabi ni
Buck.

Saglit pa kaming nag-usap usap bago ako nagpaalam sa kanila. Ang matandang lalaki
naman ay nauna ng nagpaalam sa amin.
Palingon-lingon ako sa paligid nang tuluyan na akong makalabas at makarating sa
waiting area. Ang sabi ni Phoenix susunduin niya daw ako. Sinabi ko naman sa kaniya
kung anong oras ang landing kaya baka nandito na 'yon.

/>

Muli kong iginala ang paningin ko sa paligid. Napapangiti na lang ako ng mamataan
ko ang mga pamilya na nagkukumpulan. May iba pa na nag-iiyakan.

Ito ang dahilan siguro kung bakit hindi man lang ako natrauma sa lugar na ito kahit
na ng huli akong pumunta rito ay nadakip ako ng Claw. Sa kabila kasi ng hindi
magagandang bagay na nangyari sa buhay ng isang tao, we'll always find something to
be happy for.

Akmang maglalakad na sana ako para hanapin ang sundo ko ng maramdaman ko na may
humawak sa mga balikat ko mula sa likod. Ngiting-ngiti na humarap ako sa likuran
ko, "Nix Nix-"

Nawala ang ngiti ko at napalita iyon ng pagtataka ng makita ko na si Athena at Hera


ang nasa likuran ko.

"Ay wow, alis na lang kaya tayo Hera? Parang hindi siya masaya na makita tayo."

"Oo nga eh. Bakit pa kasi tayo umasa eh alam naman natin na iba ang gusto niyang
makita talaga? Masakit eh. Alam mo 'yon? Tagos dito." sabi nito at bahagya pang
tinapik ang tapat ng puso.

Pinaikot ko ang mga mata ko. "Ang drama niyo. Nagulat lang naman ako at kayo ang
nandito dahil ang sabi ni Phoenix siya ang magsusundo sa akin."
Tinaas ni Athena ang isa niyang kamay. "No. Don't explain."

"Aalis na lang kami." madrama din na wika ni Hera.

Naiiling na tinignan ko sila ng talikuran nila ako at bagsak ang balikat na


naglakad palayo. Namewang ako at nagsalita, "Ay sayang. Kanino ko kaya ibibigay ang
mga pasalubong ko? Dalawang bag ng candies para sa isa diyan at perfume ni Ariana G
pati

na Kylie Lip Kit para sa isang taong nagdadrama din. Sayang naman-"

Hindi ko pa tuluyang natatapos ang sasabihin ko ay mabilis pa sa alas kwatro na


nilapitan ako ng dalawang babae. Inagaw sa akin ni Hera ang trolley na tulak-tulak
ko habang si Athena naman ay ikinawit ang braso niya sa braso ko.

"Friend! Ikaw naman di majoke." sabi ni Athena. "Galing ba to sa Wonka?"

"Oo no! Inorder ko pa kaya."

"Naks. The best ka talaga eh!"

Inirapan ko siya at ngumuso ako. "So bakit nga kayo ang nandito eh alam ko naman na
ang tamad ninyo?"
"Grabe ka naman magsalita, friend." sabi ni Hera at nginusuan din ako. "Dati
kabilang ka din sa aming mga tamad. Matuto kang lumingon sa pinanggalingan."

Pinaningkit ko ang mga mata ko at umakto ako na magtatantrum sa pamamagitan ng pag


padyak ng isa kong paa. Nakagiwing nagtaas naman sila ng mga kamay at mukhang handa
na na payapain ang loob ko kung sakaling iyakan ko sila. Big girl na kaya ako!

"Ang totoo niyan nililibang ka lang talaga namin. Naipit kasi sa traffic si
Phoenix." sabi ni Hera.

"Kami naman ni Hera nandito na talaga sa Manila dahil naglalakwatsa kami." aniya
naman ni Athena. "Oo nga pala, saglit mo lang din makakasama ang pag-ibig mo-"

Naputol ang sasabihin niya ng maramdaman kong may humila sa akin. Bago pa ako
makahuma ay naramdaman ko ang mga braso na pumalibot sa katawan ko. Kasabay niyon
ay narinig kong impit na tumili sila Athena.

Nag-angat ako ng tingin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko ng magtama ang mga mata namin ni Phoenix. I can feel
my emotions enveloping me. Kahit na lagi kaming nag-uusap, iba pa rin iyong
nakikita ko siya.

Nang mangyari ang mga kaganapan noon ay halos hindi naman din kami nagkita dahil
iniiwasan ko siya. And before that it was months of not seeing him. Pakiramdam ko
kada magkakalayo kami ang tagal tagal na panahon ko siyang hindi nakita.

Pero hindi niyon matatalo ang pakiramdam noon na kasama ko siya...pero magkalayong-
magkalayo kami. Dahil iyon ang iginiit namin sa mga sarili namin. Dahil ng mga
panahon na iyon...iyon ang tama.
"Hi." I whispered.

Kumilos ang isa niyang kamay at inabot niya ang akin, "Don't leave again."

"I won't."

Tuluyan kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Napakunot ang noo ko ng makita
ko na suot niya ang uniporme niya kapag may race siya. "May laban ka ba ngayon?"

"Yes. Nareschedule ang race. That's why I asked..." he said and pointed at Athena
and Hera. Kasalukuyang umaarte ang dalawa at ginagaya ang ginawa ni Phoenix. Hinila
ni Athena si Hera at pagkatapos ay mahigpit na niyakap. Nakapikit pa ang dalawa na
parang ninanamnam ang isa't-isa. "Those weirdos for help. Baka hindi kita mahatid
sa BHO CAMP."

Tumango-tango ako. "Okay lang. Anong oras ba ang laban mo at saan? Susunod na lang
kami."

Nagbaba ng tingin si Phoenix sa relos niya. "About forty minutes. Sa Cavite din.
Dala ko ang motorbike ko kaya-"

Napakurap ako. Mabilis

na kinalkula ko ang traffic sa daan. "Omg! What are you still doing here?! Go!"
He chuckled under his breath. Muli niya akong tinitigan ng matagal na parang
kinakabisa niya ang mukha ko. "See you later."

Binitawan niya ako at tumalikod. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumayo na


siya ng lumayo sa kinatatayuan ko. I don't want him to go. Pero...fanatic ako ng
race niya. Ako ang una niyang pinupuntahan bago ang laban niya at ako din ang
pinupuntahan niya pag tapos. Iyon ay kung wala ako doon para panoorin siya na
minsan lang mangyari.

"Phoenix!"

Humarap siya sa akin at bumuka ang bibig niya para magtanong pero hindi ko na siya
binigyan ng pagkakataon na makapagsalita. Mabilis ang mga hakbang na tinungo ko
siya. Hanggang ang mga hakbang na iyon ay naging takbo.

Automatikong bumuka ang mga kamay niya at walang pag-aalinlangan na tinalunan ko


siya. Before he can even react I tangled my fingers on his hair and pulled his head
towards me.

Then I kissed him.

Halos hindi ko na napansin ang mga sigawan at palakpakan sa paligid ko. Their
cheers where immediately overshadowed by the beating of our hearts. Isa iyon sa
pinakamagandang musika na narinig ng mga tenga ko. How the rhythm of it is
synchronized as if it was just from one body.

Pakiramdam ko ay tumigil ang pagtakbo ng oras sa mga sandaling iyon. Pakiramdam


ko...kami lang ang tao sa mundo. At that moment it's as if the wounds in my heart
were completely healed. Ang takot at pangamba...ay natakpan ng kasiyahan.
/>

I broke off the kiss even though that's the last thing I wanted to do. Inilagay ko
ang mga kamay ko sa magkabila niyang pisngi. "Good luck. Win for me."

"Always."

NAPATAYO ako mula sa kinauupuan ko. Wala na akong pakielam kung magreklamo man ang
mga tao sa likod ko dahil sa natatakpan ko sila. Buong atensyon ko lang ay nasa
track kung saan malapit ng matapos ang laban.

"Go kuya Phoenix!" sigaw ni Hera.

"Itatakwil ka namin kapag natalo ka ng mga pangit na 'yan!" sigaw din ni Athena.

Hindi naman ako nagpatalo. Sa kabila ng pakiramdam ko ay malapit ng mapatid ang


litid ko dahil kanina pa ako nagsisisigaw ay ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko, "Go
Nix Nix! 'Wag mong hayaang dungisan ng mga alien na 'yan ang record mo! Go go go!"

Hindi lang kami ang hindi magkamayaw sa pag cheer kundi maging ang ibang mga
nanonood roon. Ang iba sa kanila ay may dala pang mga banner. Ilan sa mga iyon ay
may pangalan ni Phoenix.

Hindi na nakakapagtaka na maraming nakakakilala sa kaniya. Marami na kasing race na


sinalihan si Phoenix. Kaya nga nakapagpatayo na rin siya ng mismo niyang race track
kung saan may mga tinuturuan din sila.

"Go Martins! Kapag nanalo ka sa'yong sayo na'to!"

Napatigil ako sa pag cheer at tinignan ko ang sumigaw niyon. Namataan ko ang isang
babae sa may baba ng mga bleacher na kasalukuyang iwinawagayway ang bra niya sa
ere. Nanglaki ang mga mata ko ng itaas din ng kaibigan

niya ang sa kaniya.

"You can have this too!" sigaw naman ng isa.

Naririnig ko ang imaginary na tunog na nilikha ng pag-igting ng mga bagang ko.


Naningkit ang mga mata ko at ikinuyom ko ang mga kamay ko. Hindi ngayon lang may
nagkaron ng interes kay Phoenix na mga babae. Pero ngayon lang ako nakatagpo na
tinanggal pa talaga ang suot nila na bra.

"Uh oh." narinig kong bulong ni Hera. "Snow, relax ka lang. Hindi naman papatulan
ni kuya Phoenix 'yan."

"Oo nga. Tignan mo nga ang bra niya. Cheap!" sabi naman ni Athena. "Pero infernes
ha...ang cup size."
Dahan-dahan akong nagbaba ng tingin sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay may apoy na
tumatakbo sa ugat ko at ngayon ay umaakyat na sa ulo ko. Hindi na ako magtataka
kung uusok ako ngayon. Oo na! Sila na ang gifted!

"Err...you're not helping Athena." Hera said to her friend.

"Ha? Bakit-" hindi naituloy ng babae ang sasabihin ng mapatingin siya sa akin...at
sa hinaharap ko. "Oh. Amm...look!"

Napatingin ako kaagad sa tinuro ni Athena. Nanlakia ng mga mata ko ng makita ko si


Phoenix na naunang narating ang finish line. Napatalon ako sa kinatatayuan ko at
napasigaw sa tuwa.

Bumaba ako mula sa tinutuntungan ko at tumakbo ako pababa sa race track. Napangiti
ako ng makita ko na bumaba na ng sasakya si Phoenix at ngayon ay nakatingin na sa
gawi ko. Ngunit bago pa ako tuluyang makarating roon ay naunahan na ako ng dalawang
bruhildang babae. Nag-iiritan na inihagis nila ang mga

bra nila kay Phoenix na sa pagkagulat ay nasalo ang mga iyon.

Mabibigat ang mga hakbang at madilim ang mukha na tuluyan akong bumaba sa race
track. Ngunit bago ako tuluyang lumapit sa kaniya ay walang babala na inagaw ko ang
lighter ng lalaking sisindihan sana ang sigarilyo sa bibig niya.

"You."

Nakangiting lumapit sa akin ang assistant ni Phoenix na si Felix habang sa mga


kamay niya ay may maliit na bote ng gasolina. Sanay na siya sa akin dahil noong
huling beses kaming nagkita ay sinindihan ko ang banner ng isang babae na may
sketch kung saan hubad siya.
Marahas na inagaw ko sa nangingiting si Phoenix ang mga bra at itinapon ko iyon sa
lupa. Binuhusan ko iyon ng konting gasolina at walang pag-aalinlangan na sinindihan
ko iyon. Inahagis ko ang lighter pabalik sa may ari na sumaludo sa akin.

"How dare her!"

"What the hell?!"

"Inggit ka lang kasi hindi magkakasya sayo 'yan!"

"Flat!"

Binigyan ko ng matalim na tingin ang dalawang babae. Bumaba ang mga kamay ko sa
dulo ng t-shirt ko. Sinusubukan niyo talaga ako ha!

Pero bago ko pa magawa ang binabalak ko ay naramdaman kong hinawakan ni Phoenix ang
mga kamay ko. "No."

"Bitiwan mo ako Nix Nix! Nakakababae na ang mga bruha na iyon eh!"

Sinaklit niya ang bewang ko para pigilan ako ng akmang lalapitan ko na ang mga
babae. Nagpapasag ako pero wala rin akong nagawa. Sa pagkagulat ko ay binuhat niya
ako at iniupo sa ibabaw ng hood

ng sasakyan niya.

"Nix Nix-"

This time I was the one left speechless when he suddenly claimed my lips. It was
brief...but fiery. It was intense.

"Off the scales." he whispered.

"W-What?" I asked. Still light headed from the kiss.

"Compared to them. You're off the scales."

"PAGKATAPOS iyon nga hindi sila ang nagkatuluyan. Dahil nakatakda ng ipakasal si
Juancho sa ibang babae. Pero hindi binitawan ni tita Ruby ang sing-sing na ibinigay
sa kaniya ni Juancho. Pwera na lang noong mga panahon na gusto na nyang makalimot
at itinapon niya iyon."
Nakatingin ako sa langit habang nagkukuwento kay Phoenix. Papalubog na ang araw at
kasalukuyan kaming nakahiga sa sahig ng tree house. Nakabukas ang bintana niyon sa
bubong at ang salamin lang ang nakasarado kaya kitang-kita namin ang langit.

Nakaunan ako sa dibdib ng lalaki habang siya naman ay nakapalibot ang mga braso sa
akin.

Pagkatapos ng race ay hindi na siya sumama sa after party. Sa kaniya na ako sumabay
pauwi sa BHO CAMP habang sila Athena naman ay ang mga gamit ko lang ang dala. Nang
makarating naman si BHO CAMP ay sinabihan ko na lang si Athena na buksan ang bag ko
at ipamigay ang mga pasalubong dahil tinakasan na namin sila ni Phoenix.

At ngayon nga ay nandito kami.

"Ang nakakagulat pa eh dito pala siya pumunta noon. At dito din nawala ang sing
sing niya." sabi ko pa.

"Hindi na nakita?"

"Nahanap

niya pero nasira na ang sing sing."

Hindi pa rin talaga maalis sa isip ko ang kwento ni tita Ruby. Sinabi ko nga sa
kaniya na dito ako nakatira at nangako siya na dadalaw siya pag nagkaroon siya ng
oras.
Bilib talaga ako kay tita Ruby. Hindi naman kasi madali ang pinagdaanan niya. Pero
sa kabila niyon ang ganda pa rin ng tingin niya sa buhay. Sabi nga niya, hindi
naman daw siya naging malungkot sa buhay niya sa kabila ng katotohanan na alam niya
na may kulang sa kaniya.

She was never been complete but she's okay with that. Dahil naging masaya naman daw
siya kasama ng asawa at mga anak nila.

"Wait..." sabi ko kay Phoenix at umupo ako. Kinuha ko ang shoulder bag ko at may
hinanap ako sa bulsa niyon. Nang makapa ko iyon ay ipinakita ko kay Phoenix ang
bato. "Look. Ito iyong bato sa sing sing ni tita Ruby. Binigay niya sa akin."

Inabot ko kay Phoenix ang bato. Umupo din siya at tinignan niya iyon. Sa pagtataka
ko ay kumunot ang noo niya. "What? What's wrong?" I asked.

"Come here." he said instead, tapping the space beside him.

Umusog ako palapit sa kaniya. Imbis na magpaliwanag ay tinanggal niya ang mat na
hinihigaan namin kanina. Pagkatapos ay inangat niya ang maliit na parisuikat na
taguan roon. Sinadiya kasi namin ng gawin ang tree house na lagyan iyon ng secret
compartment.

Pinagmasdan ko si Phoenix ng may ilabas siya mula roon. Napanganga ako ng makita ko
ang kahon na ngayon ay hawak niya. "Omg! Nakalimutan ko na ang secret box natin!"

Nangingiting

ipinatong ni Phoenix ang kahon sa harapan namin. Inabot niya sa akin ang bato at
kinuha ko naman iyon. "Anong hinahanap mo?" tanong ko kay Phoenix nang binuksan
niya iyon.
Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa paghalungkat. Napangiti na lang ako na
makita ko ang mga inilabas niya.

Merong picture namin ng mga bata pa lang kami, iyong maliit na laruang sasakyan ni
Phoenix, drawing ko ng mangga na binigyan ng 100 score ng teacher ko noong
elementary ako, may maliit na manika, hair tie na unang ginamit ni Phoenix na
pangbraid sa buhok ko, 'yong broach niya noong prom ko, corsage ko at maraming
marami pa.

Nanlalabo ang mga mata sa luha na inabot ko ang isang papel na may nakadrawing na
stick figure ng babae at lalaki na sa baba ay may nakasulat na pangalan namin. It
was one of Phoenix' school activities. Pinadrawing sila ng teacher nila kung after
15 years ay ano o nasaan na sila.

Then he drew the two of us.

"You remember this?"

Nag-angat ako ng tingin. He's holding a ring band. "Nakita natin ito dito sa baba
ng puno na ito bago gawin ang tree house. Itinago natin kasi sabi mo para mabigay
natin sa may-ari." mahinang sabi niya.

Nanginginig ang kamay na kinuha ko mula sa kaniya iyon. Napasinghap ako ng makita
ko ang naka engraved na initials sa loob ng band. J&R.

'Sa kabila ng milyon milyon na rosas na maaari na maging iyo, nag-iisa lang ang
rosas na mabubuhay sa mga kamay mo. Gaya sa pag-ibig. Kahit umibig ka pa ng ilang
milyong beses...nanatiling

iisa lang ang pag-ibig na hindi babaguhin kahit ng panahon.'

'Kapag tumingin ka sa mga mata niya at nakita mo ang sarili mo na makakasama siya
sa mga panahon ninyo dito sa mundo. Kapag tumingin ka sa mga mata niya at nakita mo
ang sarili mo na pinanghahawakan ang pagmamahal niya kahit na sa mga panahong wala
na siya sa tabi mo.'

Sinalubong ko ang mga mata ni Phoenix. I want to spend my life with him. I want to
be on his every race, to lay down with him at this tree house while looking at they
sky...I want to be the person on his drawing.

Walang habang-buhay sa mundo. Dadating ang panahon na magiging ala-ala na lang


kami. Maaaring ako ang maunang umalis...o siya. But as I look him I know it will be
okay.

Na dadating man ang panahon na iyon ay alam ko na mapapayapa din pagkaraan ang loob
ko. Because one day we will see each other again. That we will have a lot of life
times to be together.

Inabot ko ang papel na may drawing niya at inabot ko iyon sa kaniya. Nagtatakaman
ay kinuha niya iyon sa akin. Nang makita niya ang nandoon ay kaagad siyang
napatingin sa akin.

"I want to have that. Hindi lang 15 years...gusto ko maraming marami. I want us to
be the best of friends as long as we live, I want you to carry me until you can't
anymore...I want to spend my life with you not as just your friend but your other
half."
Nagliparan ang mga gamit na saksi sa panahon ng matagal namin na pagkakaibigan ng
higitin niya ako palapit sa kaniya. Sumubsob siya sa leeg ko habang ang mga braso
niya ay nakayakap sa akin.

"Ako dapat ang nagsabi ng mga iyon." bulong niya sa tapat ng tenga ko.

"Then ask me." I whispered back.

Nag-angat siya ng ulo hanggang sa halos ilang dangkal na lang ang layo ng mga mukha
namin sa isa't-isa. As I look into his eyes I can see the reflection of mine. The
same emotions...the same feelings.

"Will you spend your life with me, Snow Night?"

"Yes."

I can feel my heart bursting with joy as I uttered that one single word. Salita na
hindi ko masabi noon. Salita na pinigilan ko ang sarili ko na bigkasin. And now I
can say it freely. I can love freely.

Sa kabila ng luha na dumadaloy sa magkabila kong pisngi ay napangiti ako ng isuot


niya sa akin ang sing sing.

"I'm sorry that I wasn't ready. I'll-"


Tinigil ko ang sasabihin niya sa pamamagitan ng pagdampi ko ng mga labi ko sa
kaniya. "No. This is perfect."

Tinignan niya ang mga kamay ko at pagkaraan ay iniangat niya iyon at hinalikan.
Muli siyang tumingin sa akin at bumulong, "Can you say it again?"

Napangiti ako. Hindi ko na kailangang tanungin pa siya kung ano ang ibig niyang
sabihin.

"Yes."

___________End of Chapter 28

=================

CHAPTER 29 ~ Fluff ~

CHAPTER 29

SNOW'S POV
Akmang ipapatong ko ang mga paa ko sa coffee table ng tabigin iyon ni Waine na
kaharap ko. Binigyan ko siya ng matalim na tingin na hindi naman niya pinansin at
bale walang pinagpag niya lang ang lamesa na parang may imaginary germs doon.

"Ang arte mo, kuya Waine." nakasimangot na sabi ko.

"Malinis lang talaga ako. Mamaya makapitan pa si Serenity ng mga bacteria na dala
mo."

Pinaikot ko ang mga mata ko. Kung umarte si Waine talaga nitong mga nakaraan araw
ay para siyang ina ni Serenity. Buti nga hindi naiinis ang isang iyon at bigla na
lang siyang lasunin.

"Speaking of your Serenity, talagang mag iistay kayo rito?" tanong ko.

"Oo. Bakit ayaw mo?"

"Oo, ayoko. Kung si Serenity okay lang. Kaso kapag nakikita kita gusto ko na lang
lunurin ang sarili ko kasi ang hirap mo kausap."

Bago pa siya makapagsalita ay nakarinig kami ng mahinang pagtawa na nanggagaling sa


kwarto ng unit nila dito sa BHO CAMP. Ilang sandali lang ay lumabas si Serenity na
nakaupo sa wheel chair niya.
May maliit na ngiti sa mga labi niya na lumapit siya sa amin, "Pagpasensyahan mo na
si Waine. Ganiyan talaga 'yan. Maaalalahanin at maalaga."

Nakangiwing nilingon ko si Waine na ngayon ay nangingiting nakatingin sa babae.


Kahit na hindi sila magsalita pakiramdam ko hindi lang sparks kundi kuryente ang
dumadaloy sa pagitan nila.

"Hello? Hello? May tao pa po dito. Pwede pong bawasan

natin ang malaswang tinginan na nagaganap." nang-aasar na sabi ko.

Naniningkit ang mga mata na tinignan ako ni Waine. "Inosente ang tinginan namin."

"Di rin."

Tinaasan niya ako ng kilay, "Parang kayo ni Phoenix hindi? Nakakapagtaka ka nga na
hindi nauumay sa inyo ang mga agents."

Automatikong napangiti ako ng malaki ng marinig ko ang pangalan na binanggit niya.


Naiiling na tinignan ako ni Waine na parang sinasabi na mas malala pa nga ako kesa
sa kaniya. Hindi ko naman itatanggi. I'm in L-O-V-E.

"Hindi sila mauumay dahil ganto din naman kami kahit noong mga bata pa lang kami."

"Ahh." sabi ni Waine na may ngisi sa mga labi. "Bata pa pala kayo may malawang
hangarin na kayo sa isat-isa."

"Hindi kaya! Inosente kami. Inosente ako! Look at me!" utos ko sa kaniya at tinuro
ko ang mukha ko. "Mukha bang makakaisip ang mukha na ito ng kakaiba? Look t my
innocent eyes."

Nilingon ni Waine si Serenity at umiling siya. "Wag kang maniniwala diyan. He even
took advantage of the guy when he was drunk."

"Noon! Noong mga bata pa kami inosente ako. Saka hello? Sino kayang nag corrupt sa
utak ko?" inismiran ko ang lalaki at hinarap ko si Serenity na nangingiti sa
bangayan namin. "Serenity, ikaw talaga ang pinunta ko dito. Kung si kuya Waine lang
hindi ko 'yan dadalawin kahit tubuan siya ng mushrooms dito."

"Ang cute niyong dalawa." naiiling na sabi ng babae. "Para kayong magkapatid kung
magbangayan."

"Eww no!" I said in grimace.

/>

Akmang magsasalita pa ako ng pagulungin ni Serenity ang wheel chair niya palapit sa
akin at kinuha ang isa kong kamay. Bahagyang kumunot ang noo niya. "Ang sabi nila
engage ka na daw. Where's the ring?" tanong niya ng bitawan niya ang kamay ko.

"Pinagawa pa ni Phoenix. But I'll show you when it's done." excited na sabi ko.

Nagkasundo kami ni Phoenix na wala kaming idadagdag sa sing-sing. Ayaw kasi namin
na mabago ang orihinal na ganda niyon. Besides gusto kong ipakita kay tita Ruby
kapag nabuo na ang sing-sing.

If she decided to get it back I'll be more willing to give the ring to her. Kasi
tama si tita Ruby. Hindi naman kasi ang symbolo ang mahalaga kundi ang pag-ibig
mismo. And besides Phoenix and I will still have our wedding rings.

"Ay oo nga pala!" bulalas ko. "Kaya nga pala ako napadaan dito ay dahil gusto kong
maging maid of honor kita."

Napamata sa akin ang babae sa pagkagulat. Pagkaraan ay tumingin siya kay Waine na
mukhang nagulat din sa sinabi ko. "P-Pero...hindi pa tayo matagal na magkakilala."

Nagkibit-balikat ako. "Wala naman sa oras iyan. At isa pa parte ka na rin ng


pamilya namin ngayon." itinuro ko si Waine at nginusuan. "At ang alien na 'yan. By
the way kuya Waine ikaw daw ang best man ni Phoenix."

"What?"

"Good man lang pala. Hindi ka best eh." nakangusong sabi ko. "Dalawa kasi ang maid
of honor at dalawa ang best man. So ayun! Hindi kayo pwedeng mawala kundi
ipapahunting ko kayo sa mga agents."

Tumayo na ako at

nag peace sign ako sa kanilang dalawa. Pero bago ako makahakbang paalis ay
naramdaman ko na pinigilan ako ni Serenity sa kamay. Nakangiting nagbaba ako ng
tingin sa kaniya.
Hindi siya nagsalita pero kita sa mga mata niya ang pagpapasalamat. Kahit na hindi
pa kami masyadong magkakilala, I have no doubt that from now on we will be very
good friends.

"Waine." bulong ni Serenity ng tuluyan na niya akong bitawan.

"Yes?"

"Ihatid mo si Snow."

"Bakit? Ayoko nga." sabi ni Waine at inismidan din ako katulad ng ginawa ko kanina.
"Malaki na 'yan eh."

"Waine..."

Bago pa ako makahuma ay hinila ako ni Waine palabas ng kwarto nila. "Narinig mo ba
'yon? Ihatid daw kita. Bakit ba ang kulit mo?"

Pumiksi ako at inirapan ko siya. Nagmamartsang lumabas ako. "Ewan ko sa'yo."

Nang makalabas ako ng kwarto nila ay tuloy-tuloy na naglakad ako. Kailangan ko ng


magmadali dahil magkikita pa kami ni Phoenix dahil kailangan naming pumunta sa
family house naming mga Night.
Napapitlag ako ng maramdaman ko na may umakbay sa akin. Nag-angat ako ng tingin at
nakita ko si Waine. "O, bakit sumunod ka?" tanong ko.

"Ihatid nga daw kita."

Nginisihan ko siya. "Under."

"Standing. Understanding, okay?"

"Ewan."

Tahimik na naglakad kami. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa akong ihatid ni
Waine eh ang lapit lapit lang naman ng pupuntahan ko. As if naman maliligaw ako
dito

sa BHO CAMP eh paslit pa lang ako nalibot ko na ang kabuuan nito. Past time kasi ng
henerasyon namin ang mag-ala Dora The Explorer.

Kaya hindi miminsang may naliligaw sa amin at hindi na nakikita kung hindi pa mag
gagabi. Buti na lang uso noon ang baby tracker namin kaya nahahanap kami ng mga
magulang namin.

"It won't be easy."

Nag-angat ako ng tingin kay Waine nang magsalita siya. "What?"


"Life with him. It won't be easy. May mga pagkakataon na makakaramdam ka ng guilt,
minsan maiisip mo kung kaya mo ba siyang mapasaya at minsan matatakot ka."

"Tinatakot mo ba ko?" tanong ko.

Umiling siya. "Sinasabi ko lang ang pwedeng mangyari."

Sandali akong hindi nakaimik sa sinabi niya. Dahil alam ko, katulad ng mga maraming
beses, ay tama ang sinasabi niya. Kahit na noon pa man, hindi nagkamali si Waine sa
mga paalala niya sa akin.

"And how do you live with that? Even if it's not easy?" I asked in a whisper.

"I think of losing that person. Dahil wala ng mas hihirap kesa ang mawala ang taong
minamahal mo sa tabi mo. Hindi naman magiging madali ang buhay. Hindi naman
mawawala ang pangamba. But losing the person you love? That's not just pain...it's
death."

"Kayo ni Serenity...okay lang ba kayo?" bulong ko.

Bahagyang ngumiti ang lalaki. "We're good. Minsan mahirap. Kasi itinatago niya sa
akin ang nararamdaman niya. Katulad ngayon." nagbaba siya ng tingin sa akin. "It's
been too long since she's been around people who

treat her nice. Kaya nagiging emosyonal siya. But when that happens, sinisiguro
niya na hindi ko nakikita. Because she don't want to worry me."
Nanatili akong nakatingin sa lalaki. Alam ko na marami pa silang pagdadaanan ng
babae. Alam ko na hindi din magiging madali sa kaniya ang lahat. But as I look at
him I know that there's no hardships that he can't face when he have her beside
him.

"Ehem."

Napapitlag ako ng marinig ko ang isang malakas na pagtikhim. Nilingon ko ang


pinanggalingan niyon at napangiti ako ng makita ko si Phoenix na nakatingin sa amin
ni Waine.

"Nix Nix!" nakangiting sigaw ko at akmang susugurin ko na siya ng maramdaman ko na


hinigpitan ni Waine ang pagkakaakbay sa akin.

Tinignan ko ang lalaki at nakita kong nang-aasar na nakatingin siya kay Phoenix na
walang ekspresyon ang mukha. Halata namang nanadiya si Waine na idinikit pa ang
mukha niya sa akin.

"Alis ka muna pare." sabi ni Waine. "May pinag-uusapan pa kaming importante."

"Mas importante ang pag-uusapan namin."

Bahagya kong inatras ang mukha ko at binigyan ko ng matalim na tingin si Waine.


Pinandilatan ko siya ng mga mata at nagsalita, "Bitawan mo nga ako. Nasu-suffocate
ako sa pagiging alien mo. Nakainom ka na ba ng gamot mo kuya Waine? Kasi
nararamdaman ko na ang kakaibang aura mo eh."
"Snow."

Nilingon ko si Phoenix. "Sorry. Promise maliligo ako mamaya para hindi ka kapitan
ng germs ni kuya Waine."

Iniangat ni Phoenix ang isa niyang kamay. He stretched it towards

me. Walang pag-aalinlangan na kumilos ako.

"Aaaaah!" sigaw ni Waine ng bigla kong kinagat ang kamay niya na nakaakbay sa akin.

Mabilis na tumakbo ako papunta kay Phoenix na umangat ang sulok ng labi sa ginawa
ko. Kaagad niya akong kinulong sa mga bisig niya. Tinalikuran namin si Waine at
naglakad kami paalis. Pero bago tuluyang makalayo ay nilingon ko ang binata.

"Bleh!"
HALOS dumugo na ang ibabang labi ko sa pagkakakagat ko roon. Ramdam na ramdam ko
ang bigat ng atmospera ng paligid. Sa harapan namin ay nandoon ang pamilya ni
Phoenix habang ang pamilya ko naman ay tahimik na nakatingin sa kanila.

Nagbaba ako ng tingin sa cellphone ko ng mag vibrate iyon. Nang makita ko ang
contact ID niyon ay napatingin ako kay Phoenix. Galing sa kaniya ang mensahe.

MANGGA KO (8:09 PM)

Stop biting your lips. Magkakasugat 'yan.

TO: MANGGA KO (8:09 PM)

I'm nervous! Hindi sila nagsasalita! Look at my

siblings. Ninenerbyos na rin sila sa nangyayari.

MANGGA KO (8:10 PM)

How can I kiss you if you hurt that lips?

"Kumain na tayo. Niluto ni Rain ang mga paborito mo Tricia. Ginataang langka
right?" nakangiting tanong ni momma at umangkala sa braso ni tita Tricia Andrea na
siyang ina ni Phoenix.

Si tito Sly at si Papa naman ay nauna na sa dining at may kaniya na ring pinag-
uusapan na parang walang nangyaring matagal na labanan ng tinginan.
/>

Nakangangang nagkatinginan kami ng mga kapatid ko. Nang lumingon naman ako kay
Phoenix ay kita din ang pagkalito sa mukha niya habang nakatanaw sa mga magulang
namin. Ganoon ba talaga kagaling ang mga second generation elites? Saglit na
tinginan lang nagkakaintindihan na?

"Wala ba kayong balak kumain, kids?"

Nilingon ko si momma na siyang nagsalita. Nakatingin rin sa amin si tita Tricia na


ngiting-ngiti na parang naiintindihan ang mga ekspresyon namin.

"Amm...momma..." mahina kong sabi. "Hindi niyo ba kami papagalitan?"

Sandaling nakatitig lang sa akin ang aking ina. Pagkaraan ay lumipat iyon kay
Phoenix na naghihintay sa sasabihin ni momma. Pero bago pa siya makapagsalita ay
sumabay na si kuya Thunder na lukot ang mukha. "Momma, pagalitan mo sila. Ako nga
laging napapagalitan eh. Unfair!"

"Thunder. Get in here."

Binelatan ko si kuya ng marinig ko ang pagtawag sa kaniya ni Papa. Bago siya


tuluyang sumunod ay kinurot muna niya ako sa pisngi.

"Momma oh!" reklamo ko.

Natatawang iniwasan lang ni kuya Thunder ang kamay ni momma ng akmang kukurutin din
siya nito at kumaripas na lang siya ng takbo papunta sa kusina. Si Freezale naman
ay hinila na ang asawa niya para sumunod sa hapag.

Nang tanging kami na lang apat ang maiwan ay kinakabang tumingin ako kay Phoenix.
Bahagya siyang ngumiti na parang kinakalma ako ngunit kita sa mga mata niya ang
kaba sa sasabihin ng mga nanay namin.

"It's not like we

didn't expect it." Phoenix mother said, still smiling. "Ang hindi lang namin
inaasahan ay umabot sa punto na naging magulo ang mga buhay ninyo. Na dumating sa
punto na may isa pang taong na-involve sa mga pangyayari."

"Hindi namin kailangang malaman lahat. Ang mga naging pagkakamali ninyo, ang mga
desisyon niyo, ang mga bagay na nahihirapan kayong aminin. There is just one thing
that we ask for as your parents." sabi naman ng aking ina na si Wynter.

"What is it momma?" I asked in a whisper.

"Be happy."

Pagkasabi niyon ay tinalikuran na nila kami at tuluyan ng pumunta sa dining area.


Nanatiling sinusundan ko sila ng tingin. Ilang beses ko ng narinig ang mga salitang
iyon. Ilang tao na ang nagsabi.

Siguro dahil iyon naman ang importante. Ang maging masaya.


People always looks for balance in life. Sometimes to even have more. In the end of
the day the only thing that will matter is being happy. To have that endless
happiness.

"Snow."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nakangiting lumapit ako kay Phoenix. Akmang bubuka
ang mga labi ko para magsalita ngunit napatigil ako ng hawakan niya ang isa kong
kamay.

Nagbaba ako ng tingin sa magkahawak naming mga kamay at napangiti ako ng makita ko
roon ang sing-sing ni tita Ruby. The stone is shining brightly on top of the band
that have intricate design.

"Will you marry me?"

Napangiti ako. "Ilang beses ko bang sasagutin iyan?"

"Until you're finally my

wife."

Lalong lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya. Itinaas ko ang magkahugpong naming mga
kamay at pinisil ko iyon.

"Yes, yes, yes!"


1 month and 1 week later...

DAHAN-DAHAN akong lumingon sa aking likuran ng marinig ko ang paghila sa kurtina na


nagtatakip sa akin. Nakangiting umikot ako at pagkatapos ay idinipa ko ang mga
kamay ko na para bang shinoshowcase ko ang aking sarili.

"Snow, you look so beautiful!"

"Kapatid ko 'yan, Serenity. Hindi na nakakapagtaka."

"Omg you look like a princess!"

"And a fairy!"

"You look like a cake."


Hindi ko pinansin ang huling nagsalita at sinenyasan ko ang dalawang babae na nag
a-assist sa akin kanina. Lumapit sila sa akin at ipinatong sa ulo ko ang napakahaba
ko na veil.

"Perfect!"

"Kapatid ko 'yan."

"I think you need more color. Like a lollipop colored flowers on your hair. Sa
tingin mo Hera?"

"She's a bride, Athena. Hindi snapchat filter."

"You look like a covered...cake."

Binato ko ng matalim na tingin si Waine na nakadekwatro pa na animo judge sa isang


contest habang sinusuri ako. As if naman may alam siya sa kung ano ang magandang
wedding gown.

"Bakit ka ba nandito? Hindi mo ba alam na for girls only ang lakad na'to?" asik ko
sa kaniya.

"Moral support."
Pinameywangan

ko siya. Kung pwede ko lang siyang lunurin sa napakaraming layers ng gown ko ginawa
ko na. "Hindi ko kailangan ang support mo. Tsupi!"

"Hindi naman para sayo ang suporta ko. Syempre para sa mahal ko lang." sabi ni
Waine at kinindatan si Serenity na naiiling lang sa bangayan namin.

Pinapunta ko kasi sila Serenity at iba pang agents na babae para sukatin ang mga
susuotin nila na gown. Sakto din na fital fitting ko na. Ang ibang mga agents ay
nauna ng bumalik ng The Camp dahil karamihan sa kanila ay may mission pa.

Tumingin ako sa full length mirror at tinignan ko ang sarili ko. It was one of my
mother's design. Maliit pa lang ako ganito na ang sinabi ko kay momma na gusto kong
maging wedding gown. Dahil naniniwala ako na halos lahat ng mga babae ay gustong
maging prinsesa pagdating sa araw na pinakahihintay nila.

Maraming layer ang gown ko para kumorte iyon na palobo. Manipis lang ang tela niyon
at may maliliit na bato na nakaembroid sa mismong gown. Mula naman sa dibdib
hanggang sa hips ay masikip iyon.

It looks simple except when I turn my back. Dahil sa likod ko ay tanging see
through na puti ang tumatabing sa buong likod ko at ang phoenix embroidery na
disenyo. Animo nakadipa ang mga pakpak ng phoenix na parang lilipad ito.

"Sa tingin niyo may idadagdag pa ako?" tanong ko sa mga kasama kong babae. Ngunit
bago pa may makasagot sa kanila ay naunahan na sila ni Waine.
"I think you should incorporate more 'you' on the gown."

Napataas ang kilay ko sa sinabi

niya. Mukhang may matino din naman pala na sasabihin. "And what is that?"

Tumayo siya at lumapit sa akin. Napaatras ako pero tuloy-tuloy lang siya. Umikot
siya sa paligid ko at huminto ulit sa tapat ko. "Add some mangoes in your gown. O
kaya gawa ka ng head dress na gawa sa mangga."

Nanggigigil na hinawakan ko sa magkabilang gilid ang gown ko para i-angat iyon.


Sisipain ko na sana siya pero natatawang pinitik niya lang ang noo ko. Sinenyasan
niya ang isa sa babae at ilang sandali lang ay bumalik ito na may dalang itim na
kahon.

Ibinigay sa akin iyon ng babae. Nagtataka man ay tinanggap ko iyon at binuksan.

Napasinghap ako ng makita ko ang laman niyon. It's a crown. It's so beautiful that
I can't help but stare at it. Simple lang iyon pero agaw pansin ang design nito na
snow flakes. May mga kulay asul pa iyon na bato.

"Regalo namin 'yan ni Serenity sa'yo para sa something blue mo. Pwede mong isangla
iyan pagkatapos ng kasal ninyo dahil tunay 'yan. Sabi ko nga sa divisoria na lang
kami bumili dahil hindi ka naman masyadong special kaya lang masyadong mabait ang-"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil isinarado ko ang kahon at ibinigay
iyon sa taga-assist at pagkatapos ay basta ko na lang tinalunan si Waine at
niyakap.
"Get off, Snow!"

Pero wala na siyang nagawa. At dahil sa bigat ng gown ko at pagkawala niya ng


balanse ay lumagabag kaming pareho sa sahig. Hindi ko na siya makita at pati ako ay
hindi na makakita dahil natakpan na kami ng

mga tela ng gown ko.

"Freezale? Nasaan si Snow?"

Napangiwi ako ng marinig ko ang boses ng bagong nagsalita. Si Phoenix. Nasa labas
lang siya kanina kasama ang asawa ni Freezale dahil ayokong ipakita sa kaniya ang
kabuuan ng gown ko. 'Kabuuan' dahil katulong ko siya sa pagbigay ng idea kay momma
noong binubuo ko ang concept ng gown na ito.

"There. That giant ball of fluff."

"What happened?"

"He killed Waine. With her...fluffiness."

Naramdaman kong may humawak sa akin para i-angat ako. Walang duda na si Phoenix ang
tumutulong sa akin na makatayo. Pero bago niya ako tuluyang maiangat ay muli akong
bumagsak kay Waine na napahiyaw ng dumagan uli ang bigat ko sa kaniya.
"Athena!"

"Hindi mo pwedeng makita ang kagandahan ni, Snow. Wala ng element of surprise.
Shoo! Alis na o ipakikidnap ko sa mga gwapong alien si Snow."

"Snow, are you okay?" I heard, Phoenix, asked.

Itinaas ko ang isa kong kamay at nag thumbs up ako. Kasunod niyon ay nakarinig ako
ng mga kaluskos. Malamang sa hindi ay kinakaladkad na ni Athena palabas si Phoenix.

"Guys? Pwedeng pakitulungan ako? Baka malagutan na ng hininga si Waine. Gusto ko


pang maikasal bago ako makapatay at mabilanggo."

Ilang sandali lang ay naramdaman kong may mga kamay na tumutulong sa aking tumayo.
Nakita ko si Freezale at si Hera na halos hindi magkamayaw sa paghila sa akin.
Hmm...mabigat nga talaga itong damit na 'to.

Nagbaling ako ng tingin kay Waine na nakahilata pa rin sa sahig. Natatawang


nakatingin naman sa kaniya si Serenity.

"I pity him." Waine said.

"Who?"
"Phoenix."

Humalukipkip ako at tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit naman?"

"Isang taon ang lilipas...bago niya matanggal ang damit na iyan."

Pakiramdam ko ay namula pati na ang eye balls ko sa sinabi niya. Tinalikuran ko


sila at nagmamartsang bumalik ako sa flatform. Kaagad naman akong tinakpan ng
kurtina ng mga assist.

Sa kabila niyon ay hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Waine. I can barely
remember the...first, you know? I was drunk that time.

I wonder...

"Miss pwedeng pakilakasan ang aircon? Parang sira ata." sabi ko sa isang babae.

"Sige po, Miss Snow."

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Pinaypayan ko ang tapat ng mukha ko ng


makita ko ang pamumula niyon. Omg!
______End of Chapter 29.

=================

CHAPTER 30 ~ Martins ~

CHAPTER 30

SNOW'S POV

3 weeks later...

"Snow, you need to stop eating."

Sinimangutan ko ang kapatid ko na si Freezale nang tangkain niyang kunin sa akin


ang Tupperware na naglalaman ng hiwa na na mangga. Dala ito nila momma kahapon.
Pinadadala daw ni Phoenix. Kahapon kasi hindi na kami pinayagang magkita.

You know? Tradition.

"Ayoko nga. Nagugutom pa ako eh."

Nameywang si Freezale. "Hindi ka nagugutom, okay? Stop eating this. Mamaya atakihin
ka na naman ng heartburn. Natatandaan mo pa ang bilin ni tita Autumn di ba? Too
much is not good. Pati na ang stress dahil inaatake ka ng stomach cramps."

"Anong gagawin ko eh gustom pa ako?" nakangusong reklamo ko.

"Kinakabahan ka lang."

"B-Bakit naman ako kakabahan eh si Phoenix naman ang pakakasalan ko? Hindi ako
kinakabahan, promise."

Hindi ko alam kung para sa kapatid ko ang sinabi ko o para sa akin dahil kanina ko
pa pilit na iniignora ang imaginary drummer sa loob ng dibdib ko. Katatapos lang
akong ayusan at nasuot ko na rin ang damit ko. Iniintay ko na lang sila momma dahil
sila ang nag pick up ng bouquet ko.

"Akina..." sabi ni Freezale at hinila ang hawak ko. "Sabi!"

Lalong nalukot ang mukha ko ng tuluyan na niyang makuha ang tupperware. Sandaling
napatigil ako ng may maisip at pagkatapos ay lalo ko pang pinalukot ang mukha ko na
tipong bubunghalit na ako ng iyak.

Imbis

na umepekto ay tinaasan lang ako ng kilay ni Freezale. "Hindi na 'yan tatalab sa


akin. You're getting married. Meaning, malaki ka na."

Natatawa lang ang mga nanonood sa amin. Si Serenity...at Athena. My maid of honors.
"Ate Freezale!" angal ko.

"Mas nauna kang lumabas."

Akmang makikipagtalo pa sana ako ng mapatigil kami nang mayroong kumatok sa


pintuan. Mabilis akong napatayo dahilan para mabangga ko ang lamesa sa tabi ko.
Gumalubog iyon pero hindi ko pinansin.

"Omg! Is it time? Nandiyan na sila momma? Omg! I think I'm gonna throw up! Omg omg
omg!"

Naiiling na lumapit si Freezale sa pintuan. "Hindi daw kinakabahan."

"Don't open the door!" I shouted.

Pero tila bingi na binuksan pa rin iyon ng kapatid ko. Impit na napatili ako para
lang mapatigil ng makita ko kung sino ang nasa kabilang panig ng pintuan, "Tita
Ruby?"

Nakangiting pumasok ang matandang babae na sandaling napatigil ng mapatingin kay


Freezale. Of course magugulat siya. Hindi ko naman nasabi sa kaniya na may kakambal
ako. At Triplets.
It's been almost two months since I last saw her. Inimbitahan ko siya pero hindi
ako lubos na sigurado kung makakarating siya. I even send her an invitation before
I even finalize my wedding gown. Ang kaso ng mga panahon na iyon ay umakyat pala
siya ng Sagada dahil doon siya orihinal na nakatira. Ang mga anak lang niya ang
nasa Manila.

"You look beautiful, dear."

Napangiti ako. "Thank you,

tita. Buti po at nakapunta kayo."

"I wouldn't miss it for the world." she whispered, her hand reaching for the
pendant on my necklace. "I'm glad that this ring can finally bring two people
together."

Napangiti ako at nagbaba ako ng tingin sa sing-sing ni tita Ruby na ginawa kong
pendant ng kwintas. "Ang liit ng mundo. Hindi ko alam na ang ring band na itinago
ng mapapangasawa ko ay ikaw pala ang nag ma-may ari, Tita." akmang aalisin ko ang
kwintas pero pinigilan ako ng babae.

Umiling siya at bahagyang tinapik ang sing-sing na nakalawit sa tapat ng puso ko.
"Keep it, Snow."

"Tita..."

"It already witnessed my love. Ngayon, ang pag-ibig mo naman ang sasaksihan nito."
pinisil niya ang kamay ko at ngumiti. "Tutuloy na kami sa simbahan. Thank you so
much for inviting me, Snow."
"You're welcome, Tita." I said, smiling back at her. "Sino nga po pala ang kasama
mo?"

"Ang anak kong si Calvin."

Itinuro niya ang pinto kung saan may lalaking tahimik lang na nandoon. Bahagyang
nanlaki ang mga mata ko. Hindi na nakakapagtakang gwapo ang anak ni tita Ruby dahil
maganda siya sa kabila ng kaniyang edad. Hindi ko lang akalain na ganto kagwapo ang
anak niya.

"Freezale, tawagan mo si tita Wynter." mahinang sabi ni Athena.

Inalis ni Freezale ang tingin niya sa lalaki at ibinaling kay Athena. Si Freezale
lang ata ang walang reaksyon sa lalaki. Wala namang ibang nakikita 'yan kundi si
kuya King. Si kuya King lang kasi ang nag-iisang hindi 'normal'

na tao na kayang bigyan ng emosyon ang kapatid ko. "Bakit ko tatawagan si Momma?"

"Sabihin mo kailangan ng isa pang wedding gown. ASAP." mahina pa rin na sabi ni
Athena habang nakatingin sa lalaki. "May double wedding na magaganap."

Napailing ako ng makita kong namula ang mukha ni Calvin at walang salitang lumabas
ng kwarto. Umangat ang kamay ni Athena at umarte na parang hahabulin ang lalaki.
Napatigil lang siya ng paluin siya sa braso ni Freezale. "Tumigil ka nga.
Nakakahiya o. Nandiyan ang nanay niya."
Natatawang umiling si tita Ruby. "It's okay. You're really pretty, iha. Pwede
kitang ireto sa anak ko kung gusto mo."

Napatigil sa pag-arte si Athena at nakangising napakamot sa ulo niya. "Joke lang


po. Taken na po ako."

"Nag hahallucinate ka na naman, Athena." sabi ng kapatid ko.

"Hindi naman ibig sabihin ng walang commitment ay hindi ka na pwedeng maging taken.
Oo nga hindi kayo. Pero paano naman ang puso mo?"

Nagkatinginan kami ni Freezale sa sinabi ni Athena na ngayon ay nakayuko lang. Wala


na ang ngiti sa mga labi niya. Ngunit bago may makareact sa amin ay muli siyang
nag-angat ng ulo at may ngiti ng nakapaskil sa mukha niya.

"Samahan ko na kayo palabas, Tita. Para masilayan ko ulit ang anak ninyo." sabi ng
babae kay tita Ruby na lumingon sa akin at muling nagpaalam.

Nang makalabas na sila ay nanatiling nakatingin lang ako sa pintuan. Ano kayang
meron kay Athena? Mula ng makabalik ako mula sa Seattle lagi kong napapansin na may
kakaiba sa kaniya. Pati na kay

Hera.

Kahit na magkabati na sila at nag uusap ay halatang may reservation sila. At si


Athena...lagi siyang wala sa BHO CAMP. Si Hera naman ganoon din.
"Snow, lalabas na kami ni Serenity ha? Nagtext si Momma. Paakyat na sila ni Papa."
sabi ni Freezale.

Tumango ako pero hindi na ako muling nagsalita. Umupo na lang ako sa tapat ng
vanity mirror at tinignan ko ang repleksyon ko. Bahagya kong tinapik ang mukha ko.

"You're really getting married, Snow." I whispered to myself.

Kahit na buong buhay ko na nakasama si Phoenix, iba pa rin pala kapag ganito. The
feeling of belonging to someone. Knowing that you'll share every moments in life.
Na sa bawat oras alam mo na hindi ka nag-iisa.

Phoenix has always been my wings. Nandiyan siya parati para sa akin Nakasuporta,
umaalalay...nagmamahal.

"I'm gonna cry again!"

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko sa repleksyon si Momma na nagmamadaling


lumabas muli ng pintuan. Nangingiting pinabayaan na siya ni Papa at sa halip ay
lumapit siya sa akin.

Bago pa ako makatayo ay inilagay ni Papa ang mga kamay niya sa balikat ko habang
nakatingin sa salamin...sa akin.

"My beautiful daughter..."


Nginitian ko siya. "Syempre mana sa inyo ni Momma."

"Alam mo ba ang pinakakatakutan ko?"

"Na mag-experiment si Momma ng luto?" nangingiti kong tanong, pilit na pinapagaan


ang atmospera.

Umiling si Papa. "I always been afraid of

this day. Since the very first moment I held you in my arms...kayo ng mga kapatid
mo, alam ko na dadating ang araw na ito. The time when me and your momma need to
let go of you."

"Papa..."

"Iyon ang isang bagay na kinakatakutan ng lahat ng mga magulang...ng mga tatay.
That your little child who used to run in your arms crying, knowing that when
Papa's finally holding her, everything will be alright...will have another set of
arms to run into. This is the most wonderful day for a parent yet it is also the
most heart breaking.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ako at niyakap ko siya. Hinapit niya ako palapit pa
sa kaniya at niyakap ako ng mahigpit. "I love you, Papa. You will always be the
best father on the universe. I'm so happy na naging anak niyo kami nila Freezale at
hindi ipinunas sa bed sheet-"

"Snow!" gulat na sabi ni Papa.


Nagtatakang umatras ako at nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Bakit po? Sabi ni
kuya sabihin ko saw 'yon kapag nagiging madrama na daw kayo ni Momma. Ang gulo nga
ng explanation ni kuya eh. Pero sabi niya basta daw sabihin ko."

HInihilot ang sentido na bumuntong-hininga si Papa. "Bakit ba hindi na lang si


Thunder ang naunang ipakasal?"

"Po?" naguguluhang tanong ko.

"Nothing. Let's go."

BUMUNTONG-HININGA ako at nilingon ko si Momma na katabi ko. Si papa sa unahan na


umupo dahil hindi kami magkasya sa likod dahil sa laki ng suot ko na gown.

Halos sakupin na nga din niyon si Momma.


Pilit na inignora ko ang pag-iyak ni mama at nagsalita ako sa hawak ko na
cellphone, "It's okay BDW. Hindi mo naman kasalanan na na-aksidente si Deck, ano ka
ba? Pwede ka namang dumalaw rito kapag okay na siya."

"I just so disappoint with my destiny. How can I be no appearance at your super
day? It feels hurt you know?"

"Okay lang. I understand. And thank you so much for calling me. I was really
nervous." nangingiting sabi ko.

"Nervous? Why? Are shotgun on you? They no pointing it at you. This a wedding! A
heart of two turn into one! Be happy!"

Napangiti ako at tumango-tango. "Yes, yes. I'll be happy."

Sandali pa kaming nag-usap bago siya nagpaalam dahil tinatawag na daw siya ng
Nurse. Naaksidente kasi sa pagdadrive ng motorsiklo si Deck. He's safe kaya lang
kailangan i-cast ang paa.

Itinago ko ang cellphone at nilingon ko si momma na umiiyak pa rin. "Momma, baka


naman maubos na ang make up mo. Stop crying na please?" sabi ko at nagpapacute na
kumurap-kurap pa ako.

Pero imbis na tumahan ay lalo lang siyang umiyak. Muli akong napabuntong-hininga at
nangingiting niyakap ko siya. Sa abot ng makakaya ng gown ko.
"Momma, it's not like I'm gonna be a continent away. Hindi naman ako aalis ng BHO
CAMP. 'Wag ka ng umiyak, Momma. You're not losing me. You'll just have another
addition to the family."

Inabot ko ang tissue na inaabot ni Papa at pinunasan ko ang luha ni Momma.


Sumisinghot-singhot

na kinuha niya sa akin ang tissue at siya na mismo ang nagpunas niyon.

"Are you afraid that he will hurt me?" I asked.

"No. Phoenix respect us too much and he loves you very much to do that." she
whispered. "Looking at you wearing that gown, knowing that you're no longer my
little girl, breaks my heart and makes me feel elated at the same time."

Hinawakan niya ang kamay ko at iniipit iyon sa dalawa niyang mga kamay. Numiti siya
sa akin sa kabila ng mga luha sa mga niya. "You'll know one day, how incredible
this feeling is."

Napatingin ako sa labas ng sasakyan ng may kumatok roon. Bumukas iyon at nakataas
ang kilay na sumilip si Freezale. Bago pa may makaimik sa amin ay walang babalang
pumasok siya at sumiksik sa tabi ko.

"Momma, bakit parang mas umiiyak ka nang si Snow na ang ikakasal? Bakit sa akin
hindi masyado?" sunod-sunod na tanong ni Freezale.

Hindi pa nakakasagot si Momma ay bumukas ulit ang pintuan at waang babalang nag
dive papasok si kuya Thunder. "Wow! So fluffy!"

"Kuya!" angal ko. "Ang bigat mo!"

"Maganda palang higaan 'to eh." sabi niya at inilagay pa sa likod ng ulo niya ang
mga kamay niya at kampanteng humiga.

"Momma, gusto ni kuya Thunder ng wedding gown." sabi ni Freezale. "Baka siya na ang
susunod kaya ganiyan."

"Sige, ako na ang bahalang mag design ng gown ng mapapangasawa mo. Ano bang size
niya?"

Mabilis pa sa alas kwatro na nawala ang bigat ng kapatid ko sa ibabaw ko at


nagmamadaling lumabas siya

ng sasakyan. As always, takot pa rin sa salitang may kinalaman sa kasal.

"Bumaba na tayo, momma. Hayaan na muna natin si Snow dito at ng makapag-isip pa


siya kung tatakas ba siya at magiging run away bride."

Binelatan ko si Freezale na pigil ang ngiting lumabas ng sasakyan. Si Momma naman


ay marahang pinisil ang kamay ko bago tuluyang lumabas. Kasunod nila ay si Papa na
tahimik lang.

Nang may aalala ay binuksan ko ang bintana at sinigawan ko si Freezale, "Ate


Freezale! Pakitawag si Fiere at si Athena! Saka si kuya Waine!"
"Nauna ka!" sigaw niya pabalik.

Nangingiting isinarado ko ang bintana at nag-intay. Nakalimutan kong ibigay ang


baller bands ng mga best man at maid of honor. Ang ibang mga agents sinesekreto pa
ang maid of honor at best man hanggang sa mismong kasal. Para mapilitan ang
mapipili.

Hindi ko na iyon ginawa dahil alam ko namang hindi aangal si Waine kahit na kung
alam man niya ang tradisyon namin. O kahit si Athena na alam na alam ang tradisyon.

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas iyon. Nasa labas na sila Waine. Inilabas ko
ang mga paa ko at nagtangkang bumaba pero muli akong napaupo.

"Ammm...patulong?"

"Fiere, let's help this cake." sabi ni Waine kay Fiere na nakangiting sumunod
naman. Hinawakan nila ako sa magkabilang kamay at hinila.

Nang tuluyan akong makalabas ay nakangiting hinila ko ang parte ng gown ko na nasa
loob pa rin ng sasakyan. Nang masiguro ko na lahat na ay nakalabas ay nakangiting

hinarap ko sila Waine.

"O." sabi ko kay Waine at inabot ko sa kaniya ang dalawang baller. "Ibigay mo kay
Serenity 'yang pink at ang isa sa'yo."
"Para saan?" nagtatakang tanong niya.

"Tradisyon."

Nagtataka pa rin na tinalikuran na niya kami at tinungo ang kinaroroonan ni


Serenity. Nang makalayo na siya ay hinarap ko si Athena at si Fiere. Bago pa ako
makapagsalita ay naunahan na ako ni Athena.

"Yes please!" sigaw niya at walang babalang inagaw sa akin ang dalawang band.
Mabilis na isinuot niya ang pink at pagkatapos ay hinila niya ang kamay ni Fiere at
isinuot iyon. "So...Fiere. Kailan ang kasal natin?" tanong niya at kumikindat-
kindat pa.

"Amm..."

"Mamaya? Bukas? O ngayon na?"

"Ano-"

"Kuya!"

Lahat kami napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita kong lumapit si Aiere sa


kinaroroonan namin at agad siyang dumikit sa kapatid niya. "Tawag ka na sa loob."

"Okay. Let's go."

Pinauna niya ang kakambal niyang si Fiere na maglakad at pagkatapos ay lumingon


siya kay Athena at mahinang nagsalita. "That won't work on my brother."

Sinundan ko ng tingin ang babae bago ako tumingin kay Athena na tahimik na
nakatingin lang sa kamay niya na suot ang baller.

"Athena?"

"Hmm?" she said, looking up at me.

"It will work."

Pilit na ngumiti siya at nagkibit-balikat. "Siguro." Ipinilig niya ang ulo niya at
pagkatapos ay ngumiti.

"Halika na. Baka naiinip na ang lovey dudes mo sa loob at magpatiwakal na iyon."

Tinulungan niya ako sa gown ko hanggang sa tuluyan na kaming makaakyat sa may


simbahan. Animo nagsimula na naman ang imaginary drummer sa dibdib ko ng makita ko
na nakapila na ang mga babae at lalaki sa magkabilang entrance ng simbahan.
Nakangiting nagpaalam si Athena at sumama na sa kanila habang ako ay naiwan sa
gitnang entrance. Ilang sandali lang ay naramdaman ko ang pagtabi sa akin ng mga
magulang ko ngunit pakiramdam ko ay nafreeze ako sa kinatatayuan ko.

"Ready?" I heard momma whispered.

"I think I wanna throw up." Natatawang ikinawit ni momma ang braso niya sa akin at
ganoon din ang ginawa ni Papa. Isinandal ko ang ulo ko sa aking ama at huminga ako
ng malalim. "Kilala ko siya buong buhay ko pero pakiramdam ko sasabog ang puso ko
sa sobrang nerbyos."

"You're not that nervous, baby. You're just too happy. So happy that you feel like
your heart is gonna burst out of your chest."

Tumingin siya kay Papa na kahit hindi ko tignan ay alam kong nakatingin sa kaniya.
May kung anong nagdaan sa mga mata nila. Na para bang bumalik sila sa mga oras na
sila ang kinasal. There's so much love in my mother's eyes as she look at my
father.

I can't help but think that one day...Phoenix and I will be standing here. Na sa
kabila ng mga panahon na lumipas ay maalala namin ang araw na ito. Araw kung saan
ipinagbuklod kami ng Diyos. Panahon kung saan, alam namin, na tapos na ang tadhana
na paglayuin kami. Na sa

mga oras na ito...hinahayaan niya na kami na maging magkasama.

"I'm ready." I whispered.

At the same time that those words escaped my lips, the doors opened, revealing
everything. I can hear the song we chose, The Greatest Gift Of All. I can see the
wonderful decorations. Nagkalat ang mga dekorasyon na phoenix...kulay puting
phoenix. Puting bulaklak, at puting garland na nakakabit sa daraanan ko. At
nakasabit roon...ang mga larawan namin ni Phoenix mula pagkabata.

But despite all that, I can't look away from him. Phoenix Martins. My best friend.
My love. And the man that I will marry today.

It's not the flowers, wrapped in fancy paper

It's not the ring, I wear around my finger

There's nothing in all the world I need

When I have you here beside me, here beside me

He's not smiling. Not like when he married Mira. He's not smiling...but I can see
tears pooling from his eyes as he look at me.

Nanginginig ang mga kamay na hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa bouquet. I can


feel emotions enveloping me as I look straight into his eyes. His eyes that are
full of love...and happiness.

So you could give me wings to fly

And catch me if I fall

Or pull the stars down from the sky

So I could wish on them all

But I couldn't ask for more

'Cause your love is the greatest gift of all


No

one will ever love me as mush as he do. And I will never love anyone as much as I
love him.

Alam ko na dapat maaga kong nalaman. Maaga kong natanggap. Wala na sanang nasayang
na mga panahon. But I want to forgive myself...forgive him. Because we learned so
much.

We learned not to let go.

We learned to fight.

We learned to accept defeat.

We learned to love freely.

In your arms, I found a strength inside me

And in your eyes, there's a light to guide me

I would be lost without you

And all that my heart could ever want has come true

Naramdaman kong huminto na sila Momma at Papa nang makarating kami sa dulo ngunit
kusang humakbang ang paa ko palapit kay Phoenix. Naramdaman kong binitawan ni papa
ang mga kamay ko.

Lumingon ako sa kaniya at nakita ko na nakayakap siya kay momma. Nakangiting


tinanguhan niya ako at pagkatapos ay tumingin siya kay Phoenix at nagsalita, "I
won't tell you to take care of her because I know you will. I won't tell you to
love her, because you already do. Instead, I want to thank you. For making her
happy."
Tuluyan ng pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Sinundan ko sila ng tingin ng
tuluyan na silang umalis at nagtungo sa kinaroronan nila Freezale.

Humarap ako kay Phoenix. I smiled at him and reached for his face. Marahang
pinunasan ko ang mga luhang naroon. "Let's get married."

Tinungo namin ang pari na nakangiting pinagmamasdan kami. Muli kaming nagkatinginan

ni Phoenix bago nakangiting humarap kami sa pari na nagsimula na ng kaniyang


seremonya. Seremonya na siyang magbubuklod sa amin sa araw na ito bilang mag-asawa.

"My dear brothers and sisters, you came here today to witnessed the union of
Phoenix Martins and Snow Night as the Lord above seal them together in a faithful
bond, blessing their love. May the Lord strengthen and enriches your marriage for
the years to come. And so, in the presence of God, I ask you to state your
intentions." The priest look at Phoenix and speak, "Phoenix Martins will you have
Snow Night to be your wife, to live together as friend and mate? Will you love her
as a person, respect her as an equal, sharing joy as well as sorrow, triumph as
well as defeat. And keep her beside you as long as you both shall live?"

"I do, father."

"Snow Night will you have Phoenix Martins to be your husband, to live together as
friend and mate? Will you love him as a person, respect him as an equal, sharing
joy as well as sorrow, triumph as well as defeat. And keep him beside you as long
as you both shall live?"

Sunod-sunod na tumango ako. Itinapon ko kung saan ang bouquet at pinagsalikop ko


ang mga kamay ko. "I do, father."

Tumikhim ang pari ngunit hindi niya napigilan ang mahinang pagtawa niya sa iginawi
ko. Nilingon ko si Phoenix at nakangiting umuklo siya sa akin at bumulong. "Should
I throw the garter?"

"Err...medyo mahihirapan kang hanapin. My gown...you know."

He chuckled under his breath and straightened.

He looked at the priest who nod his head and gesture his hand towards me.
Pagkatapos niyon ay lumapit si Storm na kasa-kasama ang anak niya na si Ale na
siyang ring bearer.

Kinuha ni Phoenix ang isang sing sing at humarap sa akin habang hawak niya ang isa
kong kamay.

"Snow Night, my best friend and the woman that I love. Mula ata ng malaman ko kung
anong ibig sabihin ng salitang 'pagmamahal' ay ikaw na ang nasa isip ko. Kahit na
noong mga bata pa lang tayo ginusto ko...pinangarap ko na makasama ka habang buhay.
Pero alam ko na hindi mo gustong masira ang relasyon na meron tayo. Ang pagiging
magkaibigan.

You were always beside me. One moment you're this cute little girl who keeps on
riding my back, wishing for things I didn't know if I could grant but knew I will
try my very best to give you, a little girl with a smile that could warm every
person's heart....then the next you're this beautiful woman, that I couldn't help
but love.

Being in love with you wasn't easy. So I gave up. I turned my back and tried to
move on only to realize that I could never stop myself from loving you. That
there's no way I can erase you from my heart.

Hindi ko alam kung anong nagawa kong mabuti sa buhay ko para ibigay pa rin sa akin
ng Diyos ang oras na ito. Na ibinigay ka pa rin Niya sa akin sa kabila ng mga
desisyon na naging dahilan para masaktan ka...at siya.

Marami pang panahon na dadaan. Marami pa tayong pagdadaanan. And I promise...I


promise to stay with you as long as this life will let me. I promise to be your

best friend forever. I promise to carry you on my back until I can't anymore. To
love you as much as a heart can possibly can. And even though life might give us
struggles that will be hard to face, I will not stop loving you. Because I can
never see myself not loving, Snow Night.

And In the name of God, I vow to take you as my wife, to have and to hold, from
this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in
health, to love and to cherish, for as long as we both shall live. This is my
solemn vow."

Hindi ko na napigilan ang mga luhang kumawala mula sa mga mata ko habang
pinagmamasdan ko siyang isuot sa daliri ko ang sing sing na tanda ng pag-iisa namin
sa araw na ito.

Instead of letting go of my hand, iniangat niya iyon at binigyan ng magaang halik


habang nanatiling nakatingin sa aking mga mata.

Nanginginig ang kamay na kinuha ko ang sing-sing na isusuot ko sa kaniya. Hinawakan


ko ang kamay niya at pagkatapos ay nagsalita.

"Phoenix Matins, ang best friend ko na gagawin lahat maibigay lang ang gusto ko,
ang best friend ko na siyang taga-braid ng buhok ko, taga-kuha ko ng mangga kahit
napapahamak na siya sa pag-akyat sa mga puno, ang best friend ko na kahit na noong
mga bata pa lang kami ay kaya ng itaya ang buhay niya para sa akin at ang best
friend ko na alam ko na buong puso kong minamahal.
Lumaki ako kasama ka sa bawat bahagi ng buhay ko. And I was scared because I don't
want to lose that. Dahil alam ko na hindi magiging madali ang buhay pag-ibig.

Nakita iyon sa mga kaibigan ko at maging sa kapatid ko. It was easy convincing
myself that I was just being selfish by keeping you with me. Na nakasanayan ko lang
na nandiyan ka.

So I let you go.

I was a messed. I was wrecked. I was dying by my own decision. Dahil ng tuluyan ka
ng mawala sa akin pakiramdam ko ay hinugot ang puso ko mula sa dibdib ko. And
that's the moment I realize how wrong I was. That it would never be the same
without you. That you were never just a best friend.

And even now, with you standing in front of me, pakiramdam ko nananaginip pa rin
ako. Dahil hindi ko inakala na magkakaroon ako ng second chance. Pagkakataon na
maiparamdam sa iyo ang totoo kong nararamdaman.

I am still afraid but it's okay. Because I rather be frightened than be without
you. I rather be scared of the future...than to not spend my present with you

Dadating ang oras na magiging pasaway ako, na mahihirapan ka sa akin, na mag-aaway


tayo. But please bear with me and remember this day. That I love you, and will
always will. That I am here following what Mira said...to be happy. To love freely.
To follow my heart.

And my heart leads me to you, Phoenix Martins.

And In the name of God, I vow to take you as my husband, to have and to hold, from
this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in
health, to love and to cherish, for as long as we both shall live. This is my
solemn vow."

Isinuot ko ang sing-sing sa daliri niya.

At bago ko pa maialis ang kamay ko sa kaniya ay walang babala na hinila niya ako
palapit sa kaniya. Iniangat niya ang veil na tumatakip sa mukha ko.

Yumuko siya para halikan ako ngunit tumigil siya ng ilang layo na lang ang pagitan
ng mga labi namin. "Father?"

I heard the priest chuckled but I can't look away from Phoenix who is staring down
at me. His eyes shining with emotions.

"Now that Phoenix Martins and Snow Martins have given themselves to each other by
the promises they have exchanged, I pronounce them to be husband and wife, in the
name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Amen. Phoenix Martins,
you may now kiss the bride."

And without further do, he take my lips into a deep and intense kiss.

Napakapit na lang ako sa kaniya at ipinikit ko ang mga mata ko. I answered back his
kisses. Giving him back the exact intensity that he's giving me. Telling him with
my lips what words cannot say.

"Bantayan niyo 'yang dalawang iyan."


"Bakit naman, Freezale?"

"Baka tumakas. Tignan niyo nga. Daig pa ang hindi nagkita ng sampung taon."

Nakangiting naghiwalay na kami ni Phoenix. May kumikinang na kapilyuhan sa mga mata


niya at alam ko na ganoon din sa akin. Sabay na hinarap namin ang pari at halos
sabay din kaming nagsalita.

"Father, may iba pa po bang daan palabas mula rito?"

Nakangiting itinuro ng pari ang isa pang daan. Muli kaming nagkatinginan at
pagkatapos ay walang salitang magkahawak ng

kamay na kumaripas kami ng takbo.

"Sabi ko na eh!" narinig kong sigaw ni Freezale.

"Follow them!" galing kay Thunder

"Hala paano ang mga inihanda ko na pagkain?!"

"Mamaya mo na intindihin 'yon Ocean! Just run after them! Ruuun!"


PABAGSAK na humilata ako at hinihingal na tumingin ako sa langit. Puno ng mga
bituion ang langit at halos wala ding ulap na tumatakip sa buwan. It's so beautiful
being up here, looking at it, as if it's up close.

"That dress is a death trap."

Nakangiting nilingon ko si Phoenix na humiga din sa tabi ko. Halos siya kasi ang
sumalo ng buo kong gown makaakyat lang kami dito.

Sa treehouse.

"Hinahanap pa kaya nila tayo?" tanong ko.

"Siguro hindi na. Mga gutom na 'yon kaya malamang kinakain na ang mga niluto ni
Ocean."
"Ikaw hindi gutom?"

"Nope."

Napangiti ako. "Ako hindi din." nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at inilobot ko ang
paningin sa tree house. "Bakit nga pala may kutson na dito?"

"Lagi kasi tayong pumupunta dito. So I thought I should put one incase you decided
to sleep here."

"And?" I prompted, looking back at him.

Namula ang mukha niya. "Malinis ang hangarin ko ng maglagay ako ng kutson dito."

Pakiramdam ko ay nagbalik ang imaginary drummer sa dibdib ko. At hindi lang iyon.
Ngayon ay kasama na niya ang buong banda

at sabay-sabay silang nag-iingay at nambubulabog.

"Nix Nix..."

"Hmm?"
"Eh ngayon?"

"Ha?" naguguluhang tanong niya.

"Ngayon...malinis pa rin ba ang hangarin mo?"

Ilang sandaling katahimikan ang namayani. At sa isang iglap ay nasa ibabaw ko na


ang lalaki. Bahagya akong napatawa ng halos hindi siya dumikit sa akin dahil sa
suot ko na wedding gown.

"We should probably take this off." he whispered.

"Wait." Umupo ako at nakangiting sinalubong ko ang mga mata niya. "May ikukuwento
muna ako sa'yo."

"Snow.." he said with a pained look in his face.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako. Iniangat ko ang mga kamay ko at tinanggal
ko ang veil sa pagkakabit niyon sa ulo ko, then followed by the hair decoration. "I
was too heartbroken so I decided to get drunk. Pero dahil noon pa man ay ikaw na
ang super hero ko ay kinaniya mo ang mga alak na iinumin ko dapat. So you got drunk
more than me."

Inabot ko ang zipper ng gown sa likod ko at dahan-dahang ibinaba ko iyon. So


absorbed on my story that I didn't see what I looked like at this moment. And I
didn't see...the fire that ignite in his eyes.
"I followed you. Tumuloy ako sa kwarto dahil alam ko naman ang code mo. You were
passed out on your bed but you were calling me. Over and over again. Lumapit ako
sa'yo para marinig ko pa ang sinasabi mo at pagkatapos ay hinila mo ako. Bumagsak
ako sa ibabaw mo and you just hugged me. You hugged me tightly

and said my name again."

Tuluyan ko ng naibaba ang damit ngunit sa loob niyon ay may puti pa akong corset at
petticoat na makapal.

"Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I kissed you and you...kissed me back. Inalis
mo ang damit ko at ganoon din ang ginagawa ko sa'yo. You touched me all over my
body, whispering my name and then-"

Napatigil ako sa pagkuwento ng maramdaman ko ang kamay ni Phoenix sa baba ko.


Iniangat niya iyon at walang salitang hinalikan ako.

When he finally let me go, I was grasping for air. My eyes widened when I saw the
burning desire in his eyes.

"Hindi pa ako tapos sa kuwento ko, Nix Nix." reklamo ko.

"You can tell me next time. For now we will just recreate those moments."

Pagkasabi niya non ay hinila niya ang petticoat ko. Napanganga siya ng makita niya
na may isa pang palda sa loob niyon. "Is this dress supposed to torture me?" he
whispered.

"Nope."

"Do I need to take off you a bazillion of this skirt?"

I smiled at him and lay down on the foam. "I think that's the last one." I
whispered.

Marahan niyang ibinaba ang palda. Napakagat-labi ako at pinagkrus ko ang mga paa ko
ngunit naramdaman ko na pinigilan niya ang mga iyon. "Scared?"

"Nervous." I corrected in a whisper.

"Don't be."

Inalalayan niya ako para makaupo ulit at pagkatapos ay dumako ang mga kamay niya sa
likod ko. Looking right into my eyes, he slowly pulled the strings of my corset.
Hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon ng hindi tumitingin...but his hands was
fast.

When he finally pulled it off of my body, revealing myself to him, he gently


touched the swell of my bosom..his eyes still on me. "Beautiful."
He gently lead me back down, his body covering mine. Naramdaman kong kumilos ang
isa niyang kamay para alisin ang pang-itaas niya. I watched him took off his tie,
his polo, then his hand went on his belt buckle.

"C-Can...I?" I whispered.

Tumango siya at marahang hinawakan niya ang kamay ko at iginaya iyon patungo sa
katawan niya. Sa nanginginig na mga kamay ay inalis ko ang sinturon niya...at
binuksan ang kaniyang pantalon.

"I love you." he whispered.

Iniangat ko ang katawan ko at idinampi ko ang labi ko sa kaniya. "And I love you."

And there on that tree house who witnessed the start of our journey, our heart
breaks, how we healed...there, he finally took me as his woman...his wife, and made
me all of his.

There, he made love to me while the moon and stars shining brightly watched above
us.

At that place, fire ignited around us, our body melted into each other, our hearts
beat together...and our soul...became as one.
_____End of Chapter 30

=================

EPILOGUE

EPILOGUE

SNOW'S POV

5 months later...

"It's been five months after the wedding, Tita. I'm still not pregnant. I'm taking
another PT this month but..."

Naramdaman kong pinisil ni Phoenix ang kamay ko na hawak-hawak niya. Sa kaniya na


lang ako kumukuha ng lakas. Natatakot ako. Paano kung hindi ko siya mabigyan ng
pamilya na gusto niya? What if I cannot give him a child?

"Nakuha ko na ang resulta ng test niyo ni Phoenix. He is capable of giving you a


child-"

"And me?" I whispered.

Bumuntong-hininga si tita Autumn. It's me right? Ako ang problema. I'm not capable.
I can't give a child. Akmang hihilahin ko ang kamay ko na hawak ni Phoenix pero
pinigilan niya ako. Tumingin ako sa kaniya pero imbis na paghihinayang ay tanging
pagmamahal lang ang nakikita ko sa mga mata niya,

"You have problems with your hormones. You're not polycystic but it will be hard
for you to have a child. Hindi ibig sabihin niyon imposible. Hindi nga lang
magiging madali."

"In short, keep on trying. You know? More sex."

Namula ako ng magsalita si tito Wynd na katabi ni tita Autumn. Tahimik lang siyang
naglalaro ng Criminal Case sa tablet niya kanina.

"Wynd."

"Yes, sweetheart?"

"Just keep playing."

"Okay! I love you!"

"I love you too." sagot ni tita Autumn at muling bumaling sa amin. "As I was
saying, hindi magiging madali na mabuntis

ka, Snow. Make sure lang na uminom ka ng vitamins mo, kumain ka ng healthy at
umiwas ka sa stress."
"Sometimes I still get terrible cramps even without period. Minsan akala ko...akala
ko buntis ako dahil nagkakaron ako ng spotting."

"A human body is hard to understand, Snow. But your test is clean. Wala kang cysts
at wala kang kahit na anong sakit. You're just stressed out. At alam ko na dahil
ito sa kapatid mo na si Thunder, hindi ba?"

Nagbaba ako ng tingin. Sa loob ng limang buwan ang dami ng nangyari. Ang daming
nagbago.

Natayo na ang isa pang building na katabi ng headquarters. Doon tutuloy ang mga
papasok ng BHO CAMP academy. Where we train future agents of the organization.
Lahat ng mga trainees are graduate in college. Kung paano sila nahanap ay tanging
si Dawn na lang ang nakakaalam. But it also means more job for us.

At si Kuya Thunder...he's been receiving treatment for his heart. Positibo na


tanging lalaki lang sa lahi namin ay napasahan ng sakit ni Papa. Freezale is a
carrier. And I'm not.

Pero ako itong hindi magkaanak.

"I can't control my feelings, Tita. He's my brother." I whispered.

"I understand, Snow. But let me also reassure you that nothing bad will happen to
him. Gagawa kami ng paraan. He's still healthy. Hindi katulad sa ama mo na bata pa
lang ay tinamaan na ng sakit niya. Your brother is different." inabot niya ang isa
kong kamay at bahagyang ngumiti. "Trust me."
"No! Trust me!" singit ni tito Wynd.

/>

"Err...girl power?"

"Orayt!" sigaw ni tita Autumn. Kumekendeng-kendeng na inikot niya ang isang white
board na nakatayo sa isang gilid at hinarap niya iyon sa amin. Nilagyan niya ng
puntos ang tapat ng pangalan niya na may ilang ng mga nakaguhit.

"What's that tita?" tanong ko.

"Contest namin ni Wynd. Kung sino ang pinakamaraming magtitiwala sa amin. Galing
no? Ako ang nakaisip niyan."

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Phoenix sa kanila at pagkaraan ay napailing.


"Nakakapagtaka ho na hindi nagmana ang kambal sa inyo."

"Sinond may sabi sa'yo?" sabi ni tita Autumn. "Hindi lang sila Enyo at Eris ang
pwedeng tawagin na Disaster Twin. Kung sila disaster ang kambal ko terible."

"I can still remember those times..." tito Wynd whispered, looking at the ceiling
as if reminiscing.

"Tinago namin ang mga paboritong laruan ni Fiere at Aiere dahil ayaw nilang kumain
nila ng gulay. Na kahit ako hindi ko makain, actually."
"So ayun, sinabihan kami na kinidnap namin ang mga laruan nila." sabi ni tito Wynd.
"Nang mag gabi natulog na kami ni Autumn. Pag gising namin nakatali na kaming
dalawa."

Ngising-ngisi na tumingin si tita Autumn sa amin. "Ang astig ng mga anak ko no?
Syempre genius ang mga iyon. Parang ako lang."

"At ako." singit ng asawa niya.

Napapakamot sa pisngi na tumayo na ako. Hinila ko si Phoenix at sabay na umatras


kami. Nagsisimula na kasi ang bangayan ng mag-asawa.

"Snow." tawag ni tita Autumn.

"Po?"

/>

"Drink your vitamins, eat healthy foods, stop stressing-"

"And more sex!" singit ulit ni tito Wynd.

Nakangiwing hinila ko na ang natatawang si Phoenix. Mabuti ng umalis na lang kami


bago pa kami mahawa sa dalawa.
NARAMDAMAN kong inayos ni Phoenix ang kumot na tumatabing sa akin. Tumabi siya sa
akin at sumuong sa kumot at pagkatapos ay mahigpit niya akong niyakap

"And we're back again in this tree house." I whispered.

"Walang maingay dito."

"That's true."

Sumiksik ako sa kaniya at umunan sa kaniyang dibdib. Naramdaman kong marahan niya
akong hinalikan sa ibabaw ng ulo ko dahilan para bahagya akong mapangiti.

"Any news about Mira?" I whispered.


"Wala pa rin. But we'll keep trying, I promise."

"Okay." I said, still whispering.

Wala kaming natatanggap na balita mula sa babae. Walang magandang balita...at wala
ding masama. Hinahanap siya ng mga agents. Katulad ng sabi ni Serenity, Mira will
probably work as our spy. But all the agents agreed that we need to make sure first
that she's okay.

Pero iyon nga, animo hindi siya nag e-exist dahil wala kaming mahanap na kahit na
ano tungkol sa kaniya.

"Phoenix?"

"Hmm?"

"What if...I can't give you-"

"Hush."

Nag-angat ako ng tingin. Nakapikit siya ngunit ng naramdaman niya ang titig ko ay
nagmulat

siya ng mga mata. Umangat ang kamay niya at marahang hinaplos niya ang pisngi ko.
"Stop worrying."
Umalis ako mula sa pagkakayakap niya at umupo ako. Niyakap ko ang mga tuhod ko at
sumubsob ako roon.

Bata pa lang kami pangarap na ni Phoenix ang magkaroon ng malaking pamilya. Dahil
nag-iisang anak siya ay naghahangad siya ng ganoong klase ng pamilya. And I want to
fulfill that dream.

"Just answer me please..." I whispered.

"Snow..."

"Paano kung hindi kita mabigyan ng anak?"

"Then we'll adopt. Maraming mga bata ang kailangan ng mga magulang."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "It won't be the same."

Hinawakan niya ang kamay ko at bahagya niya akong hinila patungo sa kaniya. Until
I'm almost sitting on his lap. "Adonis? Hermes? Sa tingin mo ba may pagkakaiba sa
pagmamahal ng mga magulang nila sa mga kapatid nila at sa kanila?"

I know the answer to his questions. Dahil nakita namin kung paano itrato nila tita
Thea at tito Craige, mga magulang ni kuya Adonis, si tita Fierce at tito Cloak, ang
mga magulang ni kuya Hermes, ang dalawa.

"I-I just...I just don't want you to think that I'm broken. Because there's a
possibility that I'm not capable of having a child."

"You're not broken." he said with a strength in his voice. "A child just need one
thing, Snow. They just need love. And we can give that to them. Nabuo man sila sa
atin o hindi. It's the same love. Dahil hindi naman sa dugo nasusukat ang pagiging
pamilya. You

are not my family by blood, Snow, but you are my family.

I can feel my heart warming with his words. Dahil tama siya. Hindi sa dugo
nasusukat ang pagiging pamilya. "And we will name him or her, Rye. Like the beer."
I whispered, tears pooling from my eyes.

"Yes." Bulong niya at pagkatapos ay bumaba ang mga labi niya sa akin at magaang
dinampian niya ng halik ang mga labi ko.

We are just starting to our journey. Marami pa kaming matutuklasan sa isa't-isa.


Marami pa kaming pagdadaanan. Marami pa kaming masasayang sandali na mararanasan.
Together...we will be okay.

We started as best friends. Two innocent people who offered their hands to each
other and walk to a path that leads to now. A path where we are still walking hand
in hand...but now, as husband and wife.

Hindi naging madali para sa amin ang marating ang kinaroroonan namin. Nagkasakitan
kami...at nakasakit. Nagsisi at lumaban. Hanggang tuluyan naming makamtan ang
pagmamahal na hinahangad.
Yes, every love is different. Iba-iba kung paano magmahal ang mga tao, iba-iba kung
paano lumaban at iba-iba ng desisyon. But in the end, nothing matters, except...

Being happy.

Being in love.

Being free.

"Phoenix, I love- argh!"

"Snow!"

Tinakpan ko ang bibig ko ng muling tila parang hinahalukay ang sikmura ko.
Naduduwal na tinignan ko si Phoenix, "Anong amoy 'yon?"

"What?" takang tanong niya. Sumilip siya sa labas ng bintana at nagpalingon-lingon


siya. Then he stopped. "I think you're smelling the mangoes. Mga hinog na."

Akmang magsasalita ako ulit pero tinakpan ko na lang ang ilong ko ng muli akong
maduwal. "Close the window!"
Imbis na sundin ako ay dahan-dahang lumingon siya sa akin. Nanglalaki ang mga mata
na tinignan niya ako. "Snow...are you pregnant?"

I didn't answer him only because my body rocked again from stopping myself from
vomiting. "Phoenix!" I said, gasping.

"I love you."

"I love you to! Now close the window!"

-Fin-

=================

AUTHOR'S NOTE

AUTHOR'S NOTE

Bago ang lahat ay gusto ko munang ipaliwanag ang 'purpose' ng BHO CAMP 3rd
Generation Series.

Una niyong mapapansin ay wala ang salitang 'agent' sa mga title. Dahil sa The Camp
pa lang sinimulan ko na ang transition ng storya. The 3rd Generation are not made
to focus on the character's life as an agent. Nagpopokus ito sa mismong storya
nila.

Sa BHO nakapokus ang lahat sa paghihiganti ng organisasyon. It was focused on


action rather than the character's development. Sa The Camp, halo. Sa BHO CAMP mas
limitado ang action at mas lamang ang character development.

The story line may get predictable but that's only because this generation are made
that way. Nakasentro ang atensyon ko sa ipinaparamdam ko sa inyo, sa pinaiintindi
ng mga characters kesa sa pansandaliang 'thrill'. If you're not getting it then
stop scanning my words and start to actually read it.

And as always, I want to thank all my readers for supporting me up to this book at
hopefully sa mga susunod pa. This year for me was really difficult. Hindi iisang
beses na gusto ko ng tumigil sa pagsusulat. But because of you all, I'm still here.
Dahil sa suporta, pagmamahal at pagdamay niyo sa akin sa napakaraming bagay ay
nananatili ako rito at nagsusulat.

I was once a little girl who have no dreams. Maliit pa lang ako hindi ko na alam
talaga kung anong gusto ko na maging paglaki ko. Hindi katulad ng iba na gusto mag
doktor, abogado, pulis at kung ano ano pa. Ang alam ko lang mahilig akong magbasa.
Iyon lang ang bagay na may interes ako.

Then when I out grew my picture books when I was in grade 2, I found this tagalog
pocketbook from Precious Hearts Romances. Sa cover nakita ko na tumatangap sila ng
mga 'writers'. Mula ng araw na iyon sinabi ko sa sarili ko "Gusto ko maging
writer."

Kaya lang ng mga panahon na iyon hindi ko alam kung paano gagawin 'yon. I'm not as
great as my idols. Years and years akala ko pangarap na lang talaga. Then one day,
nalaman ko ang tungkol sa Wattpad. Dahil sa site na ito nabigyan ako ng opportunity
na magsimula.

No, hindi ako mahusay agad. I was fitting in to this community and I was clueless.
Oo, isa ako sa mga tinatawag nilang 'JEJE writers'. But I never stopped. I never
gave up. Iyon ay dahil sa inyo.

Unti-unti natuto ako. And I promise that I will keep on growing. Every time I want
to give up, I'm gonna look back and look at the people at my back who keep on
supporting me and pushing me forward. At kung isa ka sa nakakabasa nito, salamat.
Dahil isa ka sa mga taong iyon.

You made me who I am.

=================

Up Next

BHO CAMP #6: The Sweet Secret

You might also like