You are on page 1of 1

Departamanto ng Edukasyon

Rehiyon V Bicol
Debisyon ng Albay
Purok Kanluran ng Guinobatan

ULAT TUNGKOL SA PANDIBISYONG PULONG NG MGA TAGAPAGUGNAY SA FILIPINO

Ang pulong ay idinao sa Charisma Snackhouse Compound Bogtong, Lungsod ng Legaspi


noong Agosto 20, 2018 sa ganap na ika isa nang hapon. Dinaluhan ito ng mga Tagapag-ugnaysa
Filipino antas Elementarya at Sekondarya na pinangunahan naman ng Pandibisyong Tagapag-
ugnay sa Filipino.
Alinsunod sa Memorandum Pangkagawaran Blg. 199, 5. 2018 ang Dibisyon ng Albay ay
nakikiisa sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2018 mula ika-1 hanggang ika-31 ng
Agosto. Ang tema ng pandiriwang sa taong ito ay Filipino: Wika ng Saliksik.
Ayon sa ating Pandibisyong Tagapag-ugnay ay wala pang ipinapalabas na memorandum
panrehiyon kung kayat wala pang nabanggit kung magkakaroon ng mga Paligsahang Panrehiyon
o Padibisyon, gayunpaman nagpakasunduan sa pulong na kinailangan ng bawat distrito, bawat
paaralan na makapili ng mga lalahok/kalahok kung sakaling may ipalabas na memorandum
tungkol dito, kinakailangan lamang na ihanda ang ating mga napiling kakatawan kung sakali.
Gayunpaman dahil sa napipintong Pagdiriwang na ito ay inaasahan ng ating Dibisyon na
ating isagawa ang ilan sa mga tampok na gawain na kung saan ang mga mungkahing gawain,
magkakaroon ng Pambungad at Pampinid na Pagdiriwang. Bawat linggo ay magakaroon ng
Gawain sa kani-kaniyang Paaralan. Kasabay ng lingguhang paksa (Isang araw sa isang linggo)
Binibigyan ng laya na makapili ang bawat paaralan na makapili ng gawaing nais nilang
maipakita/maipagawa sa mga magaaral.
Sa pagbubukas ay maaaring magkaroon ng Parada, Maaaring magsuot ng Pangkulturang
Kasuoton, at sa pagparada ng mga bata ay may bitbit silang salawikain. At pag-eeve ng mga
salawikain, gayndin ang pagbibigay ng kahit 5 tanong tungkol sa Filipino (TRIVIA) Hal. Tungkol
kay Manuel L. Quezon.
Nagtapos ang maliit na pulong ng mga Tagapag-ugnay na may nakuhang magagandang
ideya o mungkahing gawain para sa kanilang mga kapwa tagapag-ugnay.
Ipinabatid rin sa pulong na walang Seminar sa Filipino ngayong taon sapagkat wala
naming gaanong suliranin ang mga guro sa Elementary sa pagtuturo sa Asignaturang Filipino.
Ngunit sa sekondarya ay magkakaroon sila ng pagsasanay sa taong ito. Inaasahan din na ang
bawat Distrito, Paaralan ay mayroong Bulletin Board Display o Tarpulin tungkol sa nabanggit na
Pagdiriwang.
Inihanda ni:
ALMA R. VILLAFUERTE
Pandistritong Tagapagugnay
sa Filipino
Nabatid,
JOCELYN S. PAZ
Pandistritong Tagamasid

You might also like