You are on page 1of 8

Jose de la Cruz

Mula sa Wikifilipino
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap

Upang basahin ang artikulong ito sa Ingles, pindutin ang link na ito. Si
Jose de la Cruz (21 Disyembre 1746 – 12 Marso 1829) ay isang
Pilipinong dating makata at mandudula noong ika-18 at ika-19 na
siglo. Siya ang sinasabing tagapagturo ni Francisco Balagtas, ang
may akda ng Florante at Laura. Si de la Cruz ay kilala sa kaniyang
palayaw na Huseng Sisiw dahil sa kaniyang kagiliwan sa pagkain ng
mga sisiw.

Mga nilalaman
1 Unang bahagi ng buhay at edukasyon
2 Huseng Sisiw
3 Ang Makata
4 Ang mga kilalang pampanitikang gawa niya
5 Mga gawa
5.1 Mga awit at balada
5.2 Komedya
6 Pamilya at personal na buhay
7 Sanggunian
8 Pagkilala

[baguhin] Unang bahagi ng buhay at edukasyon

Si de la Cruz ay ipinanganak sa Tondo, Manila noong ika-21 ng


Disyembre 1746 kina Simon de la Cruz at Maria Naval. Ang kaniyang
ama ang cabeza de baranggay o pinuno ng baranggay noong siya ay
ipinanganak.

Isang kapitbahay ang nagturo sa kaniyang magbasa ng kaniyang


unang mga letra. Unti-unti niyang natutunan ang cartilla (unang
bahagi ng pag-aaral ng Espanyol) at hindi tumagal ay ang catón
(pag-aaral ng Espanyol, mas mataas na bahagi). Pagkatapos ay
pinag-aralan niya ang aklat ng panalangin at katekismo ng doktrina
ng Katoliko. Pagdating niya ng ika-walong taon, ay napakahusay na
niyang magsalita ng Espanyol na wika. Sa kabilang banda, hindi
naging malinaw kung paano siya natutong magsalita ng Latin at
Griyego.

[baguhin] Huseng Sisiw

Ayon sa kuwento, si de la Cruz ay madalas na tawaging Huseng


Sisiw dahil sa kaniyang pagkahilig sa pagkain ng mga sisiw. Sabi
nila, ang tanging gusto lamang nitong kainin ay ang mga bata o
mura pang hayop. Kung halimbawa ito ay inihaw na baboy, ang
gusto niyang karne ay ang sa biik. Ang mga taong humihingi at
nangangailangan ng kaniyang serbisyo ay alam ang kaniyang
naiibang panlasa. Madalas ay dinadalhan nila ito ng pinatabang
sisiw bilang kabayaran sa kaniyang mga tula.

[baguhin] Ang Makata

Si de la Cruz ay isang mahusay na makata at manunulat. Kaya


niyang makapaghatid ng mga maiiksing tula at sumulat ng mga
drama sa isang saglit. Sa isang pagkakataon, siya ay naimbitahan na
gawin ang kaniyang dula sa isang piyestang bayan sa lalawigan ng
Batangas. Dinala niya ang kaniyang mga gawa at sinabihan ang pari
ng parokya na mamili kung sino sa grupo ng mga aktor ang
magsasadula. Imbes na pumili siya mula sa kaniyang mga koleksyon
ng dula, inutusan siya ng pari na gumawa ng isang dula na batay sa
makasaysayang mga pangyayari. Sa loob lamang ng isang gabi, si
Huseng Sisiw ay nakagawa ng istorya at nakapagturo ng linya sa
mga aktor. Ang kanilang dula ay naging matagumpay. Mayroon
pang nagsabi na kaya nitong gumawa ng limang tula at ipasulat ito
sa iba’t ibang mga manunulat sa parehong pagkakataon.

Ang mga taong nangangarap na maging manunulat at makata ay


pumupunta sa kaniya para hingin ang kaniyang payo at matuto sa
kaniya ng paggawa ng mga tulang Tagalog. Isa sa mga ito ay si
Francisco Balagtas, na sa kinaulanan ay nakilala bilang “Ama ng
Panitikang Tagalog.”

Ang mga tao sa simbahan ay hinahanap din ang kaniyang tulong


para ayusin ang kanilang mga sermon, dahil maalam siya sa Biblia.
May isang pagkakataon, si de la Cruz ay naging kritiko ng mga
Tagalog na komedya na ipapalabas sa Teatro ng Tondo.

[baguhin] Ang mga kilalang pampanitikang gawa niya

Sinasabi na si de la Cruz ay hindi nakuntento sa kaniyang mga gawa,


kaya kaunti lamang ang talagang nailathala. Ang kaniyang mga
gawa ay itinala ng mga manunulat na si Jose Maria Rivera at Julian
C. Balmaceda.
[baguhin] Mga gawa

[baguhin] Mga awit at balada

Clarita
Adela at Florante
Floro at Clavela
Rodrigo de Villas
Historia Famosa ni Bernardo Carpio

[baguhin] Komedya

La Guerra Civil de Granada(The Civil War of Granada)


Reina Encantada ó Casamiento de Fuerza (Enchanted Queen or
Marriage of Force)
Los Dos Virreyes ó la Copa de Oro
Principe Baldovino
Conde Rodrigo de Villas
El Amor y la Envidia (Love and Envy)
Don Gonzalo de Cordoba
Jason at Medea
Wala

[baguhin] Pamilya at personal na buhay

walang asawa

[baguhin] Sanggunian
“Jose de la Cruz (Huseng Sisiw)”. “Tagalog Lang”.(Hinango noong
18 Agosto 2014).
Manuel, E. Arsenio. Dictionary of Philippine Biography, Volume
1. Quezon City: Filipiniana Publications, 1955.

[baguhin] Pagkilala

WikiFilipino
Orihinal na nilalaman mula sa WikiFilipino sa bisa ng GNU Free Documentation
footer.png License. Tingnan ang pagtanggi.

Ikinuha mula sa "http://fil.wikipilipinas.org/index.php?


title=Jose_de_la_Cruz&oldid=55466"
Kategorya:

Pilipinong manunulat

Navigation menu

Mga anyo

Pahina
Usapan
Baguhin
Kasaysayan

Mga kagamitang pansarili

Lumagda

Paglilibot (nabigasyon)
Unang Pahina
Puntahan ng pamayanan
Mga kasalukuyang pangyayari
Kamakailang pagbabago
Pahinang walang-pili
Tulong

hanapin

Gawin   Maghanap

Galugad

Unang Pahina

Tulong!

Kami Ito

Sariwang Pagbabago

Sari-saring Pahina

Balitaan

Mga Lagusan

Kasaysayan at Pangyayari

Lakbay-Bayan

Buhay at Sining

Agham at Kalusugan

Aliwan
Isports

Espesyal
   na Proyekto

proyekto
  vibal foundation

Wikigamit

Ikarga ang Papeles

Mga Natatanging Pahina

Bersiyong Maililimbag

Mga Kaugnay na Binago

Umugnay

Wikipinoy Tambayan

Talakayan

Tawagan Kami

Taguyod

Pag-aambag

Donasyon

Mga kagamitan

Mga nakaturo dito


Kaugnay na mga pagbabago
Mga natatanging pahina
Bersyong maililimbag
Palagiang kawing
Page information
GNU Free
Documentation

Huling binago ang pahinang ito noong 02:22, noong 28 Agosto


2016.
Namataan na pahinang ito nang 7,335 beses.
Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng GNU Free
Documentation License.
Patakaran sa paglilihim
Tungkol sa Wikifilipino
Mga pagtatanggi

You might also like