You are on page 1of 9

Pamaraang Pabuod (Inductive Method)- Ang pamaraang ito ay angkop na

angkop gamitin sa pagtuturo kaugnay ng pagbubuo ng mga tuntunin


o pagkakaroon ng isang paglalahat o generalization. Ang pamaraang
ito, kung minsan ay tinatawag na “Limang Pormal na Hakbang sa
Pagtuturo,” o di kaya’y ang “Herbartian Method” sapagkat ipinakilala
ito sa larangan ng pagtuturo ni Herbert.

Pamaraang Pasaklaw (Deductive Method)- Ang pamaraang pasklaw ay


kabaliktaran ng pamaraang pabuod. Samantalang ang pamaraang
pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o
pagbubuo ng tuntunin, ang pamaraang pasaklaw naman ay
nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng
mga halimbawa.

Pamaraang Patalumpati (Lecture Method)- Pamaraan ng guro sa pagtuturo


upang maghikayat at makuha nang atenssyon ang mga mag-aaral sa
pamamagitan ng malinaw at paglalahad ng pangangatwiran.

Pamaraang Patalakay (Discussion Method)- Ang pamaraang patalakay ay


pamaraan ng guro upang talakayin ang mga paksang pag-aaralan. Isa
din iton pamaraan sa pagpapalitan ng mga ediya at masasabi na ito
ay isang mabisang pamamaraan sa pagtuturo at pagkatuto ng isa’t-
isa.

Ang Pamaraang Pabalak (Project Method)- Ang pamaraang ito ay angkop na


angkop gamitin sa pagtuturo ng Edukasyong Panggawain. Angkop din
namang gamitin sa pagtuturo ng anumang asignatura na may
nilayong magsagawa ng proyekto. (Belves,2001).

Pamaraang Pamahayag (Demonstration Method)- Ginagamit ang pamaraang


ito sa pamamagitan ng pamamahayag ng tinatalakay. Magiging
epektibo lamang ito kung ang pamamahayag ay may katumbas na
pagtalakay.
Pamaraang Pinag-isa (Integrated Method)- Integrasyon o pagsasanib ng mga
kasanayan/lawak sa Filipino (skills –based integration), may
pagkakataon na maaaring maituro o mapag-ugnay ang limang
kasanayan sa isang aralin, kung sama-sama o sabayang nalilinang
ang limang kasanayan sa mga mag-aaral.

Ang Araling Pagpapahalaga (Appreciation Lesson)- Ang araling

pagpapahalaga ay pamaraang ginagamit kailanman kung ang layunin

ng guro ay mapahalagahan ng mga mag-aaral ang ganda ng isang

tula, kwento,awitin,tugtugin o anumang likhang-sining gaya ng

pintura o likhang-eskultura (Belves, 2001)

Ang Pamaraang Patuklas (Discover Method)- Ang pamaraang patuklas ay

isang pamaraan ng pagtuturo na bukod sa nagdudulot ng kawilihan

ay humahamon pa sa kakayahan ng mga mag-aaral. Ang mga mag-

aaral ay aktibong kasangkot sa pagtuklas ng karunungan at hindi na

basta na lamang tagatanggap ng kung anu-anong mga idinidikta

kanilang mga kaisipan at kaalaman (Belves,2001).

Pamaraang Pasulat (Reporting Method)- Ang pamaraang ito ay pamamaraan

ng guro upang linangin ng mag-aaral sa kanyang kasanayan sa

pagsulat.

Pamaraang Klasiko (Gramar Translation)- Mga mithiin sa Pamaraang Klasiko:

Mabasa ang literature ng target na wika at maisaulo ang mga

tuntuning barirala at talasalitaan ng target na wika. Mga katangian

ng Pamaraang Klasiko: Ginagamit sa pagtuturo ang katutubong wika


at bihirang gamitin ang target na wika, Hiniwalay ng ginagawa ang

paglinang ng mga talasalitaan. Ang pagbabasa ng mga may

kahirapang teksto ay isinagawa nang hindi isinasaalang-alang ang

mga kahandaan ng mga mag-aaral at Kawastuhan sa pagsasalita ang

mahalaga. Inaasaha na magaling sa pagsasalin ang mga mag-aaral

mula sa target na wika (Badayos,2008)

Outline Method- Layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang

kakayahang komunikatibo, replektibo/mapanuring pag-iisip at

pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan

ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng

pambansang kaalaman.

Small Group Discussion- Sa estratehiyang ito, Binigyan ng guro ng mga

gawain o katanungan ang bawat na itinalagang grupo sa klase upang

sagutan ang mga ito. Makikita dito ang pagtatanong, pakikinig,

pagtugon, pagpapaliwanag at pagbubuod ng bawat indibidwal sa

grupo.

Direct Instruction Technique- Ang estratehiyang Direct ni Gouin at nanalig

din ito sa kaisipang ang pagkatuto ng pangalawang wika ay

kailangang katulad din ng pag-aangkin ng unang wika. (Badayos,

2008)

Panel Discussion Technique - Ito ay isang estratehiya na kung saan

nagkakaroon ng talakayan ang isang grupo ng tao sa harapan ng mga


tagapanood at pagkatapos ay bubuo ang mga tagapanood ng mga

mahahalagang katanungan. Ang layunin ng pamaraaang ito ay hindi

lamang tagatalakay ang magkakaroon ng mataling pagkatuto kundi

pati narin ang mga tagapanood.

Story Telling Technique- Giliw na giliw ang mga bata sa pakikinig ng kwento.

Ito ay likas na katangian ng mga ata saan mang dako ng daigdig. Sa

kanila ang kwento ay may panghalina at pang-akit. Kaya’t madalas

na ginagamit ito bilang pangganyak sa iba pang mga gawain.

(Belves,2001).

Reading Technique- Nilalayon ng guro ang pagkakaunawa ng mga mag-aaral

sa kuwento, ang pagpapahalaga nila sa kwento at ang kanilang

sariling paglalagay. Hindi dapat na maging palaging layunin sa

pagtuturo ng kuwento ang hanapin kung anong aral ang napapaloob

rito. (Belves,2001)

Symposium- Estratehiya upang bigyang impormasyon ang mga tagapakinig,

bigyang tugon ang bawat opinion at binigyang-oras at bigyang diin

ang magiging desisyon sa isalng particular na paksain. Ang guro dito

ang may control sa daloy ng talakayan.

Lecture Discussion Technique- Sa estratehiya ito hindi lamang ang guro.

Madadagdagan ang interes at magsisilbing paganyak sa mag-aaral

para magbigay interaksyon sa pagitan ng guro


Memorization- Sa estratehiya ito nadedebelop ang kakayahan ng mag-aaral sa

pag-alala ng mga pinag-aralan. Magiging aktibo rin ang tatlong lebel

ng memorya na; Sensory Memory, Short Term Memory at ang Long

Term Memory ng mga mag-aaral.

Paggamit ng teksbuk- Isang manwal sa pagtuturo para sa pag-aaral ng isang

paksa. Sa pamamaraang ito ang guro ay bumabase lamang sa

teksbuk kong siya ay nagtuturo. Gayunpaman ginagamit ng guro

ang teksbuk upang isang balidong mapagkukunan ng mga particular

na mga kaalaman para sa kanyang pagtuturo.

Pamaraang Paggawa (Activity Method)- Ang mag-aaral ay makakakuha ng

kaalaman at pagiintindi sa kanilang partisipasyon sa isang particular

na gawain na ibinigay ng guro.

Cooperative or Group Learning Method o Pagkatuto na Tulong-Tulong- Sa

isang klasrum na kooperatib, hindi pagalingan o paligsahan kaugnay

ng mga katangian ng pagkatutong nakapokus sa mag-aaral.

(Badayos 2008).

Series Method- Ay isang pamamaraan sa pagtuturo na kung saan ang target

na wika ay itinuturo nang tuwiran (walang pagsasalin) at isang serye

ng mga magkakaugnay na pangungusap ay inilalahad sa isang

konsepto na madaling maunawaan ng mag-aaral.(Badayos 2008)


Audio Lingual Method (ALM)- Ang pangunahing katangian ng ALM (Halaw

kina Prator at Celce-Murcia, 1979): Inilalahad sa pamamagitan ng

dayalog ang mga bagong aralin, Pangunahing estratehiya sa

pagkatuto ay ang panggagaya,pagsasaulo ng mga parrirala, at paulit-

ulit na pagsasanay.(Badayos, 2008).

Community Language Learning (CLL)- Sa pamamagitan ito, ang pagkabahala

ay nababawasan dahil sa ang klase ay isang komunidad ng mag-

aaral na laging nag-aalayan sa bawat sandal ng pagkaklase.

(Badayos, 2008).

Suggestopedia- Ang pamaraang ito ay mula sa paniniwala ni George Lozanov

(1979), isang sikologong Bulgarian, na ang utak ng tao ay may

kakayahang magproseso ng malaking dami ng impormasyon kung

nasa tamang kalagayan sa pagkatuto. (Badayos, 2008)

Silent Way- Ayon kay Gattegno, 1972 naghahawakan sa paniniwalang mabisa

ang pagkatuto kung ipinauubaya sa mga mag-aaral ang kanilang

pagkatuto (Badayos, 2008).

Total Physical Response (TPR) - Ito ay dinebelop ni John Asher (1977), ang

interes niya sa TPR ay nagsimula noong 1960 subalit naging

bukambibig lamang ang pamaraang ito pagkaraan ng humigit

kumulang isang dekada. Ang pamaraang ito’y humango sa ilang

kaisipan sa Series Method ni Gouin na nagsabi na ang pagkatuto ay


epektibo kung may kilos na isinagawa kaugnay ng wikang pinag-

aralan.(Badayos, 2008)

Computer-Based-Training Method- Gamit ang kompyuter bilang kagamitang

pampagtuturo. Ang isang makabagong guro ay gumagamit na

kompyuter para maabot ang layunin sa ituturo.

Mind Map- Ang estratehiyang ito ay nakakatulong sa komprehensyon, pag-

oorganisa ng mga konsepto.

Recitation Technique- Sa estratehiyang ito sinasabing ito ay isang tugunang

pagtatanong at pagsasagot sa pagitan ng guro at estudyante. Ang

guro ang magbibigay ng katanungan na may kaugnay sa paksang-

aralin at ang estudyante naman ang sasagot.

Interview Technique- Sa estratehiyang ito ang guro ay gagamit ng paraang

pagtataong nang katanungan may kaugnayan ito sa totoong buhay

upang matulungan ang estudyanteng madaling maintindihan at

magagamit niya ang natutunan hindi lamang sa loob ng silid-aralan

gayundin sa kanyang komunidad.

Student Directed- Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin at istilo sa

pag-aaral; nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral. (hal.

Pangkalahatang gawain o pagsasanay) nakadaragdag sa pagtitiwala

sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili;at kurikulum na may


kunsultasyon at isinasaalang-alang ang input ng mag-aaral at hindi

itinatakda ang mga kayunin.

Brainstorming- Layunin nito na matulungan ang mga mag-aaral na

makagagawa ng orihinal na solusyon sa mga suliranin.

Pagsasatao (Role-Playing)- Ang pamamaraang ito ay inaakalang pinakakawili-

wiling lunsaran ng aralin sapagkat ito ay sitwasyong pinakamalapit

sa kalagayan ng tunay na buhay. (Belves, 2001).

Debate- Ang pamaraang debate ay isang isyung maaring pagtalunan at

bigyang kaukulang kasagutan ng mga napapaloob sa isang klase.

Fieldtrip Technique- Ang pamaraang ito ay ang pagpunta sa isang lugar na

labas sa paaralan. Ang layunin ito ay makapagbigay oportunidad sa

mga estudyante na makapunta at makaranas nang bago pa sa kanila

na makatutulong sa karagdagang kaalaman.

Ugnayang Tanong Sagot (UTS)- Binuo ito ni Raphael 1986, upang mapataas

ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsagot ng mga

tanong sa pag-unawa sa pamamagitan ng isang sistematikong

pagsusuri ng tanong. (Badayos 2008).

Request (Reciprocal Questioning o Tugunang Pagtatanong) – Layunin ng

estratehiyang Requestna linangin ang aktibong pag-unawa sa

pagbasa ng mga bata sa pamamagitan ng pagbuo ng mga tanong,


pagbuo ng layunin sa pagbasa, at pag-uugnay ng mga impormasyon.

(Badayos,2008)

GMA (Group Mapping Activity)- Ayon kay Jane Davidson 1892, ay isang

estratehiya sa pagtuturo na mabisa sa paglinang ng pinagunawa o

komprehensyon sa pamamagitan ng integrasyon at sintesis ng mga

ideya at konseptong nakapaloob sa kwento. (Badayos 2008).

You might also like