You are on page 1of 1

SIGURIDAD SA PAGKAIN

Alam naman nating lahat na napakahalaga ng ating kalusogan. Ito ay pinaka unang dapat nating
totokan o e prayoridad dahil ito ang ating source of income, kung hindi malusog ang ating
pangangatawan, hindi natin kayang makapagtrabaho. Ang pagiging malusog ay may kaugnayan
sa pagpili ng pagkain at siguridad na ang ating kinakain ay malinis. Bilang isang Hospitality
Management student, kami ay strikto kung pagkain ang pinag-uusapan. Sinisigurado naming
malinis ang pagkaing nakahanda sa inyong lamesa. Mayroon tayong mga pamantayan kung
paano panatilihing malinis ang ating pagkain.

1. Alam naman natin na halos lahat ng mga gulay at prutas sa palengke ay mayroong
chemicals na iniisprey upang mapanatili itong sawira. Ito ay nakakasama sa ating
kalusugan kaya pinapayo naming na hugasan itong Mabuti bago lutuin o kainin o kaya ay
magtanim nalang ng sariling gulay at prutas sa ating mga bakuran.
2. Panatilihing tuyo at malinis ang kusina upang hindi pamahayan ng langaw, ipis, at daga.
3. Iwasang lumapit sa pagkain kung ikaw ay may sakit o may impreksyon sa balat. Ito ay
tinatawag na Physical Hazard na maaring makacontaminate sa pagkain at makapagdulot
ng sakit sa taong kakain.
4. Ugaliing magsabon at maghugas bago maghanda ng pagkain at bago kumain.
Siguraduhing malinis at maayos ang pananamit at dapat nakatali ang buhok.
5. Siguradohing naluto ng maayos ang pagkain upang maiwasan ito maging hilaw.
6. Dapat nating tandaan na nakakatulong din ang maayos na pagtapon ng basura at malinis
na kapaligiran sa pag iwas sa mga sakit sakit dulot ng maruming pagkain.
7. Panatilihing nasa tamang temperatura ang pagkain. Keep hot foods hot (60 C pataas) at
keep cold foods cold (4 C pababa).
8. Ang mga pagkain na madaling mapanis ay hindi dapat iwanan sa room temperature higit
sa dalawang oras.
9. Sa pagpili ng pagkain sa grocery store siguraduhing maayos ang packaging nito at
palaging I check ang expiration date.
10. Dapat nakahiwalay ang hilaw at lutong pagkain upang makaiwas sa contamination.

http://region4a.dost.gov.ph/news/649-kalinisan-sa-pagkain-mahalaga

You might also like