Spoken

You might also like

You are on page 1of 2

ANG BUHAY AY HINDI MADALI

Ni Rovelyn Lelis

Hayaan mong hulaan ko

Nahihirapan ka na sa buhay mo at heto ka na naman

Ginagawa ang madalas mong gawin sa tuwing sinusubukan ang iyong katatagan

Ang sumuko na lang

Na hindi lumalaban

Diyan ka naman magaling di ba

Tapos iiyak ka sa isang tabi at tatanungin ang iyong sarili kung ginawa mo ba ang tama

Bakit?

Hindi mo ba kayang tanggapin ang katotohanan?

Hanggang kailan mo nanaising mamuhay sa isang kasinungalingan?

Hanggang kailann mo nanaising mamuhay sa isan kasinungalingan?

Pasensya na

Pero mas nanaisin kong sampalin kita sa katotohanan kaysa paligayahin kita sa kasinungalingan

Oo

Oo ang buhay ay hindi makatarungan sapagkat mayroon siya na wala ka

Eh ano naman?

Ano naman ngayon kung nakakalamang siya at sayo’y mayroon kulang?

Hanggang kailan ka ba magmumukmok diyan?

Hanggang sa dumating ang alimango na inutusan ni Juan?

Nasa iyo na ang kagamitan

Mayroon kang pag-iisip na hindi kayang kontrolin ng iba

Mayroon kang katawan na tanging utak mo lamang ang maaring makapag-patakbo nito

Kung aasa ka lang sa mga taong nasa paligid mo parang umaasa kang bumukas ang isang pinto na nakakandado

Nasa iyo ang susi

Huwag kang tamad

Ang kailangan mo lamang gawin ay tumayo at buksan ito

Kung nakagawa ka man ng kasalanan, uupo ka na lang ba at hayaang itatama ang lahat ng panahon?

Hanggang kailan mo ba hinhintayin iyon?

Kung kailan mo lamang gustong umahon? Kung kailan mo lamang gustong bumangon?

Nasa mundo tayo ng reyalidad kung saan ang bawat segundo at minutong pumapatak ay limitado
Kaya maging wais ka sa paggamit nito

Kung may nais kang makamtan habulin mo ito kahit na ang ibig sabihin ay nasa kabilang panig pa ito ng mundo

Walang makakapigil sa’yo

Kung ikaw ay isang taong dedikado

Walang negatibong komento ang makakasira sa pag-iisip mong puno ng mga bagay na positibo

Huwag mong hayaan na sila ang didikta sa kapalaran mo

Nasa iyo ang lapis

Isulat mo ang mga pangarap mo

Ngunit kinakailangan mo ring kumilos at magsakripisyo

Umalis ka kung hindi mo gusto ang iyong trabaho

Hindi ka makakita ng oportunidad?

Huwag kang tumambay lang

Gumawa ka ng panibago

Wala ka sa hapag-kainan para hintaying may maglalagay sa’yong blangkong plato

Dahil kung gusto mong matupad lahat ng mga pangarap mo, kumilos ka dahil hindi sa lahat ng pagkakataon…

Ay kinakatok ang iyong pinto

Maaring sa’yong pagkatok sa kanilang mga pinto ay pagsarhan ka

Ganyan naman talaga ang buhay

Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananatili kang nasa baba

Hindi sa lahat ng oras ay mananatili kang lumuluha

May mga pagkakataon na mapapaligiran ka ng mga taong ayaw mong makita

Pero huwag mong ipikit ang ‘yong mga mata

Labanan mo sila

Nang mata sa mata at huwag mong hayaan na kayan-kayanin ka nila

Ipaglaban mo ang iyong karapatan, ang ‘yong mga pangarap, at ang iyong mga kagustuhan

Dahil ang ating mundong ginagalawan

Salat man sa katarungan ngunit iyo nang kasalanan kung hindi ka lumaban

Kaya huwag mong isisi sa buhay na mayroon ka

Ang iyong kapabayaan.

You might also like