You are on page 1of 4

Parabula ng Asarol

Isang magsasaka ang nag-araro ng


kaniyang bukid araw-araw nang mga
nagdaang taon. Mahirap na trabaho pero
sagana naman siya. Isang araw ay
tinanong niya ang sarili niya bakit
nagpapakahirap siya. 

May isang monghe na kumatok sa bahay


niya at humihingi ng limos. Naisip niya na
maganda ang buhay ng monghe, walang
masyadong responsibilidad.

Kaya, nagpasya siyang iwanan ang


kaniyang mga ari-arian at magmonghe rin.

Pagkataos niyang umalis sa bahay,


naramdaman niyang walang kalaman-
laman ang kaniyang mga kamay. Nahirati
kasi siyang laging hawak ang asarol sa
araw-araw at ngayon ay para siyang
nanibago.

Bumalik siya sa kaniyang bahay, kinuha


niya ang asarol at nag-isip siya kung ano
ang gagawin niya doon. Nanghihinayang
siyang itapon yon dahil yon ay matalim at
makintab dahil sa dalas nang gamit niya. 

Binalot niya ito at itinago sa loob ng


bahay. Pagkatapos ay umalis ulit siya.

Ang magsasaka ay nagpumilit matupad


ang mga kinakailangan para maging
mabuting monghe. Pero, hindi niya
mapigilan ang pagbabalik-alala sa
kaniyang asarol tuwing mapapadaan sila
sa isang taniman. Umuuwi siya at
hinihimas ang asarol pagkatapos ay balik
ulit siya sa templo.
Dumaan ang pito hanggang walong taon,
naramdaman niyang tila hindi siya masaya
ay malayang monghe pagkataos niyang
magpakabanal. Mayroong sagabal at iyon
ang nagpapabigat sa kaniyang kalooban.
Umuwi siya sa bahay, kinuha niya ang
asarol at itinapon niya sa lawa.

Pagkatapos lumubog ang asarol. tuwang-


tuwang nagsisigaw ang magsasaka nang,
"Nanalo ako, Nagwagi ako. 

Nang oras na yon ay dumaraan ang hari


ang batalyon nito mula sa matagumpay na
pakikidigma. Narinig niya ang monghe at
tinanong, "Ano ang iyong napanalunan?
Bakit ka napakasaya?"

"Natalo ko ang masasamang damdamin na


nasa aking puso. Pinalaya ko na ang aking
sarili sa mga materyal na bagay na siyang
nagpapabigat sa aking nais na maging
isang nilalang.

Namasdan ng hari na masaya talaga ang


monghe dahil sa siya ay malaya na sa mga
pagnanasa sa mga bagay na materyal.

Nag-isip din siya."Nanalo nga ako pero ako


ba ay masaya? Kinamkam ko ang mga
lupang hindi sa akin. Hindi ito ang tunay
na tagumpay. 

Napag-isip din ng hari na ang tunay na


matagumpay ang karaniwang tao na
napalaya ang sarili sa pag-iimbot ng mga
bagay na makakapagpaligayang pang
materyal ay ang tunay na nagwagi.

You might also like