Professional Documents
Culture Documents
Reviewer Sa Noli
Reviewer Sa Noli
MARKAHANG PAGSUSULIT
A. Talasalitaan:
1. baila –sayaw
2. esposo – asawang lalaki
3. loa – tula ng pagpaparangal
4. kundiman –awit ng pag-ibig
5. erehe – kaaway ng simbahan
6. pilibustero – kaaway ng pamahalaan
7. eskomunyon – pagtatakwil ng pamahalaan o simbahan
8. kondenasyon – pagpaparusa mula sa kautusang simbahan
9. kwadrilyero – sundalong Pilipino
10. medusa – babaing ahas at makamandag
11. musa – lakambini
12. jarabe – syrup
13. kasosyo – katuwang/ kasama
14. tupada – sabong
15. bayad-pinsala – kabayaran
16. balak – plano
17. nabuwal – natumba/natalo
18. indio – mangmang
19. kusing – barya
20. taning – takdang-araw/deadline
21. batid – alam
22. banta – babala
23. pildoras – kendi
24. iti – sakit sa atay
25. beateryo – kumbento
26. apyan – opium
27. pyudal – superyor na pakikitungo
28. budhi – konsensya
29. panibugho – selos
30. pinag-uusig – nililitis
B. GABAY SA PAGKATUTO NG MAHAHALAGANG PANGYAYARI
Kabanata 35 –40
1. Ikinainis ni Padre Damaso ang hindi pagkakatanggap ng telegrama mula sa Kap.
Heneral. (pagiging superyor o pyudal)
2. Nagparinig si Padre Damaso na naging sanhi ng pagkainis ni Crisostomo: 1)
Kapalpakan ng arkitekto 2) Pag-insulto sa mga Pilipino 3) Paghamak sa
pagkatao ni Don Rafael. (ipinapakita ang matayog na pagpapahalaga ni
Crisostomo sa kanyang magulang)
3. Tanging si Maria Clara lamang ang nakapagpahinto ng kaguluhan
4. Nahati ang panig ng mga taga-San Diego kung sino ang may katwiran sa pagitan
nina Crisostomo at Padre Damaso
5. Kakampi ni Crisostomo: Don Filipo, Kap. Maria, Elias, Kabataan (ipinapakita na
silang mga mahirap at inaapi ang mas nakakikita ng kamalian sa lipunan)
Kakampi ni P. Damaso: Kap. Tinay, Hermana Rufa, Gobernadorcillo, Kap. Tiago
6. Ang kahulugan ng “Unang Ulap” sa Kabanata 37 ay unang suliranin sa pagitan
nina M.C at Ibarra
7. Nagdadalamhati si M.C habang si Kap. Tiago ay abala sa pagdating ng Kap.
Heneral (ipinapakita ang kawalan ng panahon at pagpapahalaga kung minsan ng
magulang sa nararamdaman ng anak)
8. Pagpapasya ni Kap. Tiago na sundin ang kapasyahan ni P. Damaso na
ipagpaliban ang kasal (pagiging sunud-sunuran at kawalan ng sariling
kapasyahan)
9. Pagkaunawa ni Tiya Isabel sa pakiramdam ni M.C. (dahil si Tiya Isabel bilang
babae at dating umibig ay nauunawaan ang kalagayan ng pamangkin0
10. Ang Kap. Heneral ay mulat sa kabulukan ng sistema ngunit hinahayaan nya
lamang na magpatuloy ito ( walang pangil ang Kap. Heneral para magpasya sa
mga suliraning pambayan)
11. Pagtanggi ni Crisostomo na sumama sa Kap. Heneral na manirahan sa Europa
(pagmamahal at pagsasakripisyo sa sariling bayan sa kabila ng mga
pagkakataon/opurtunidad)
12. Ang prusisyon ay isang gawaing panrelihiyon na namana sa mga Kastila
13. Pinuna ni Rizal sa prusisyon ang mga ss: 1) pagkakasunud-sunod ng mga
kasama sa parade 2) maluhong suot at alahas ng mga imaheng santo 3)
pagkukubli ng mga pari sa kanilang mga bulok na gawain (makikita ang
pagtawag ng batang lalaki kay P. Salvi na “papa” bilang sagisag)
14. Tinatawag si D. Consolacion sa tatlong pangalan/bansag: 1) Medusa – dahil sa
kanyang pangit na anyo/itsura 2) Alferesa – asawa ng Alperes 3) Musa –
paraluman ng mga sibil
15. Dating labandera ng alperes (dating kabo) ang kanyang asawa na si D.
Consolacion
16. Nang marinig ang awitin na kundiman ay nakadama ng lungkot si D.
Consolacion (ipinapakita ang magkatulad na kalagayan nina Sisa at Donya
Consolacion na api ng patriyarkal na sistema/ inaabuso ng kanilang mga asawa0
17. Sa Kabanata 41 tinutukoy na ‘karapatan’ si P. Salvi at ang ‘kapangyarihan’ ay
ang mga gwardya sibil.
18. Ang magkapatid na Tarsilo at Bruno ay kapwa galit sa mga gwardya sibil
19. Sina Bruno at Tarsilio ang nag-aklas sa plasa habang si Elias ang nakapuksa sa
kaguluhan
20. Sa Kabanata 42, ang tinutukoy na dalawang panauhin ay sina Elias at Lucas.
21. Layunin ni Elias: 1) Ibalita ang kanyang pagpunta sa Batangan 2) Ibinalita ang
dahilan ng pagkakapatigil ng gulo, 3) sakit ni Maria Clara at 3) Pagbibigay-babala
sa mga lihim na kaaway.
Layunin ni Lucas: 1) humingi ng bayad-pinsala para sa kapatid (ang taong
madilaw)
22. Ang mag-asawang De Espadana ay sina Donya Victorina (may angking kulot,
nangarap makapangasawa ng Kastial, galit sa mga kapwa indio, dating anak ng
isang mangingisda) at Don Tiburcio (nagpapanggap na doktor, tinanggal sa
trabaho matapos madisgrasya, kinupkop ng mga indyo)
23. Si Don Tiburcio ay simbolo ng mga ilan sa mga Kastilang biktima rin ng
kawalang-katarungan.
24. Nagbigay ng mga gawa-gawang reseta ng gamot si Don Tiburcio para sa sakit
ni M.C. (pildoras, jarabe de altea at lichen)
25. Mga Balak sa Kabanata 44 ay ang mga sumusunod:
Don Filipo: “Kung bakit laging nasa katwiran sapagkat lagi nating ibinibigay sa
kanila” (pagtutol kung may mali at paglaban para sa kung ano ang tama)
Kapitana Maria:“Pag-aaralin ko pa rin ang aking mga anak. Ayokong maging
tanga lamang sila…” (pagpapahalaga ng magulang sa tunay na layunin ng
edukasyon para sa pag-unlad at pagmumulat)
Hermana Rufa: “Kasalanan ang magbuhat ng kamay sa taong banal” (pagiging
bulag sa diwa ng relihiyon)
Elias: “Masama bang tawaging pilibustero?” (pagtataggol sa katwiran ng
pagiging tulisan, ibigsabihin “hindi mali ang lumaban, may mali kaya lumalaban”
Kapitan Tiago:“Ano ang magagawa ng bayan? Laging nasa katwiran ang mga
prayle” (pagtanggap na lamang sa mga depekto at hindi pagkilos para baguhin
ito)
Tiya Isabel: “Akala mo ba’y ang pagpapalit ng katipan ay tulad lamang ng
pagpapalit ng damit?” (pagpapahalaga sa dalisay na pag-ibig)
Kapitan Heneral: “Habang ako ang namamahala sa kapuluan, wala ni isa mang
pwedeng gumalaw gahibla man ng inyong buhok”
(pagtitiyak ng kaligtasan at pagkakaroon ng kinikilingan/biased)
Elias: “…Alang-alang sa inyong kapakanan, nais kong limutin ninyo ako sa
hinaharap at huwag kilalanin anumang kalagayan ninyo ako muling matagpuan”
(pagkatok sa manhin na puso ni Crisostomo sa isyu ng mga tulisan at inaapi)
Pilosopo Tasio: “Ang kaunlaran ay nagtulung-tulong sa kanyang mga landas sa
dugo ng mga nasawi ay sisibol ang mga bagong malulusog na sanggol”
(Pananaw sa kaunlaran na nangangailangan ng sakripisyo at pagkakaisa)
Karagdagang Paalala:
Kita Kits!
Salamat..