You are on page 1of 32

9

Filipino
Kwarter 1 – Modyul 1:
Pagsusuri ng mga Pangyayari
Filipino – Baitang 9
Kwarter 1 – Modyul 1: Pagsusuri ng mga Pangyayari

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Mga Manunulat: Lovely C. Ariola


Editor: Francel Aira E. Lasquite
Oliver D. Merciales
Tagasuri: Elisa E. Rieza
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye


ng modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan, malaking tulong ang modyul
na ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-
pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon
sa mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung
paano gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel
ang bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa
bawat bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang
modyul na ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para
sa kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Pagsusuri ng mga Pangyayari

Panimula:

Magandang buhay!
Panibagong araw para sa panibagong aralin
ang iyong matutunghayan. Tiyak na makatutulong
ito sa pagpapatalas ng iyong isipan, sapagkat
susubukin nito ang iyong kakayahan sa pagsusuri ng mga pangyayari at
ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa
nabasang akda.
Sa pagsusuri ng mga pangyayari mahalaga na basahin at
unawaing mabuti ang akda mula simula hanggang wakas upang sa
ganun ay madali nating matukoy ang mahahalagang detalye o paksa na
nakapaloob dito. Mahalaga rin na masuri natin ang mga pangyayari ayon
sa nilalaman, tauhan, tagpuan, banghay at maging ang kaugnayan nito
sa kamalayang panlipunan.
Sa aralin natin ngayong araw, matututuhan mo ang pagsusuri ng
mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang
Asyano batay sa nabasang akda. Tara! Simulan na natin ang
pagpapayaman ng iyong kaisipan.

_______________________________________________________________________________

Sa modyul na ito, inaasahan na nasusuri


mo ang mga pangyayari, at ang
kaugnayan nito sa kasalukuyan sa
lipunang Asyano batay sa nabasang
akda.

Layunin

1
Ito ang mga bagong salita na dapat mong kilalanin
para sa araling ito.

Basahin natin.

Talasalitaan

Mga Salita Kahulugan


Kaluwagang-palad Matulungin, mapagbigay
Nahimasmasan Natauhan
Gulod Mataas na lugar
Bumulwak Bumuga, lumabas nang bigla
Ulila Nag-iisa, ang magulang ay patay
na

Ano ba ang alam mo na sa


ating aralin, subukin mo nga?

Panimulang Pagsubok Basahin natin.

Ang Ama
(Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga


bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok
sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi.
Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama -
malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang
totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay
napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay
2
naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kanina pa aali-aligid sa
mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang
parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain, sa
mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat,
at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang


lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit
na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay
kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May
dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso
anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na
naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na


sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito
para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya
nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang
ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.

Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi


nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga
batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng
kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila
pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung
may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung
umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang
pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na
gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang
pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang
mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na
humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at
mata niyon ay mamamaga, kaya mahihiya itong lumabas upang maglaba
sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi
ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng
nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na
pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang
ginagawa nito.

Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing
kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang
dahila'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang
kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay
3
mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kaniyang mga binti,
na nag-iiwan ng mapula-pulang mga patse, gayong pauli-ulit siyang
pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kaniyang
halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang
siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot nang
pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang
pasensiya sa kaniya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas
siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses;
pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na
nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si
Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na
nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakabubulahaw na sisigaw, at
kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin
iyon nang buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din
ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kaniyang
kabuwisitan.

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla


dahil nasisante sa kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa
gitna ng isang mahahabang halinghing at hindi mapatahan ng dalawang
pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang
ano-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng
bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang
kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa
inaasahang gulo. Nahimasmasan ang ina ng bata sa pamamagitan ng
malamig na tubig.

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang


ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa
sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo roon sa tabi ng gulod.
Ilan sa taganayon na nakatatanda sa sakiting bata ay dumating upang
makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay
doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng
trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay
sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay
nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang
kinahinatnan ay madaling nakarating sa kaniyang amo, isang matigas
ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli,
para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mga anak. Dala ng
kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang
munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa
lalaki mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang

4
magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng
kaniyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin.

Ngayo'y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang


isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong
pagkamatay ng kaniyang dugo at laman. Mula sa kaniyang awa sa sarili
ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kaya
madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa
kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod - payat, maputla,
at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa
matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot
tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na
may luha sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya
at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata".

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka


tumayo. Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na
siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo
sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kaniya, tulad ng
nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi
niya gagastusin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na
lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo
pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan.
Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote
ng beer.

Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong


malaking supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang
dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita,
pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. May
supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit. Nagtaka ang mga bata
kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y
biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni
Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi,
'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira roon sa
malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya
sa pandidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang
laman niyon. Kaya nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin
ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang lumabas ito ng
kaniyang kuwarto.

Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at


dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa
5
mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha
nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na
mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana, nagbulungan ang
dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama.
"Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang
kambal at ang apat ay sumunod nang malayo-layo sa ama. Sa
karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang
bumalik sa bahay, pero ngayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at
hindi man lang sila napuna.

Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang


ng puntod na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman
ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing
nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong
ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy itong
nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga
halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay
nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at
pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa
isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa
yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa
kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang
‘di nila mararanasang muli.

-Peralta, Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9, 17-20

6
Panuto: Suriin ang mga pangyayari sa maikling kuwentong binasa.
Tukuyin ang mga pangyayaring may kaugnayan sa kasalukuyan sa
lipunang Asyano. Isulat sa kahon ang iyong kasagutan. Gawin ito sa
kwaderno.

Mga Pangyayari sa Maikling Kwento

Pangyayari 1: Pangyayari 2:

Kaugnayan sa Kasalukuyan: Kaugnayan sa Kasalukuyan:

Kaugnayan sa Kasalukuyan sa
Lipunang Asyano

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 26 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

7
O, di ba kayang-kaya mong suriin ang mga
pangyayari, at ang kaugnayan nito sa
kasalukuyan sa lipunang Asyano.

Mga Gawain sa Pagkatuto

Basahin at unawain mo.

Mali ba?

Nang gabing iyon ay umiiyak ang aking asawa habang mahigpit na


yakap-yakap ang anak naming si Jonathan na nakahiga at
nagpapahinga sa kama nito. Dinadampian niya ng isang telang may
tipak na yelo ang bukol sa noo ng aming anak. Sa gilid ng tainga’y
mababakas pa ang natuyong dugo. May mga gasgas din siya sa iba’t
ibang bahagi ng mukha at katawan. Sa biglang tingin ay mahuhulaang
napasubo sa babagan ang aking anak.

Subalit hindi siya ang tipo ng lalaking inaasahang mangunguna sa


babagan. Matangkad ngunit patpatin ang katawan dahil bukod sa may
kahinaang kumain ay wala ring gaanong hilig sa esports maliban na
lamang sa pagsunod sa ilang larong required kunin sa P.E. gayunman,
kung ano ang kakulangan sa pangangatawan ay siya naming liksi ng
isipan. Isa ito sa pangunahing miyembro ng Debate Club, laging
nangunguna sa klase at editor-in-chief ng kanilang pahayagang
pampaaralan. Dahil sa exposure niya sa iba’t ibang organisasyong
sinasaniban at pagbabasa nang madalas ay naging idealistic ang aking
anak. May mga prinsipyo at paniniwala siyang madalas binabanggit na
alangan sa kanyang murang edad.

At ito nga ang dahilan kung bakit siya may bukol at sugat sa ulo
ngayon. Hindi lang iyon. Marahil kung nahuli-huli lang ng konti ang mga
pulis na sumaklolo, malamang ay malamig na bangkay na rin ngayon
ang aking anak.

8
Aling pangyayari ang maaari nating iugnay sa
kasalukuyan sa lipunang Asyano?

Ang pangyayari na maaari nating iugnay sa kasalukuyan sa


lipunang Asyano ay ang sitwasyong kung saan ay sa murang edad ay
mayroon nang prinsipyo at paniniwala ang bata na alangan sa kanyang
edad. Mapapansin natin sa panahon ngayon, maraming kabataan na rin
ang mayroong kanya-kanyang prinsipyo na pinaniniwalaan dahil na rin
sa marami silang nais patunayan at ipaglaban.

“Mali po ba ang ginawa ko Dad?” ang tanong ni Jonathan ay


nagpapabalik sa akin sa kasalukuyan.

Napatingin ako sa mukha ng aking anak at nakita ko ang pagkalito


nito. Napabuntunghininga ako. Sa totoo’y hindi ko alam kung paano ko
siya sasagutin.

Lalo lamang napaiyak ang aking kabiyak na tulad ko’y hindi


makahuma sa tanong ng aming anak.

Binalikan ko ang mga pangyayari sa hapong iyon ayon sa


pagkakasalaysay ni Jonathan habang ginagamot sa kalapit na ospital.
May pulis ding naka-eskort sa amin at isinusulat ang mga sinasabi ng
aking anak.

“Pauwi na ako galing sa eskuwelahan at nakapila sa paradahan ng


mga FX Taxi. Sa gawing harap ko’y may isang babaeng tingin ko’y may
mahigit apatnapung taong gulang. Nakasukbit sa kanyang balikat ang
bag at may bitbit pang isang grocery bag. Maya-maya’y narinig kong
tumunog ang kanyang cellphone. Dali-dali itong kinuha ng babae sa
kaniyang bag at nang maapuhap ay sinagot agad ang tawag habang wala
sa loob na inilapag ang shoulder bag sa tabi ng grocery bag.” Sa gawing
iyon ng pagsasalaysay ay napangiwi ang aking anak dahil sa hapdi ng
gamot na ipinahid ng nars sa kanyang sugat sa tabi ng tainga.

Marahang lumapit ang aking kabiyak at hinawakan ang kamay ng


aming anak. Mababanaag sa mukha nito ang matinding awa sa
nakikitang kalagayan ng anak.

“Maya-maya’y isang lalaki ang lumapit at walang sabi-sabing


hinablot ang telepono at bag ng babae. Sumigaw ang babaeng naagwan
9
kaya’t bigla akong nag-isip ng gagawin para makatulong. Bago pa
nakatakbo ang isnatser ay pinatid ko ang paa niya at nang mapatihaya’y
sinunggaban ko ang bag at ang telepono. Subalit hindi pala siya nag-iisa.
Katunaya’y ni hindi ko malaman kung saan nanggaling ang malaks na
kamaong dumapo sa tagiliran ng aking tainga at ang paang sumipa sa
aking noo. Nakaramdam nalang ako ng pagkahilo at matinding sakit ng
ulo lalo nang itulak ako at sumadsad sa magaspang na semento.”

Pumili ng pangyayari sa itaas at iugnay ang


pangyayaring ito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano.

Ang pangyayari na maaari kong maiugnay sa kasalukuyan sa


lipunang Asyano ay noong tulungan ng batang si Jonathan ang babae
nang hablutin ang telepono at bag nito kahit na buhay niya na ang
nakasalalay dito. Kung mapapansin natin sa panahon ngayon at maging
noong nakalipas na panahon, likas na sa tao ang maging matulungin
kahit na hindi niya kamag-anak o kakilala ang isang tao. Isa pa rito ay
ang pangyayari na kung saan ay talamak pa rin ang magnanakaw na
patuloy pa ring nangyayari sa kasalukuyan.

Ipagpatuloy mo ang pagbasa at sagutin


ang mga tanong

Humihingal si Jonathan kaya’t sinenyasan siya ng nars na


huminto muna sa pagsasalita. Iniaabot sa kaniya ang isang basong tubig
at matapos itong inumin ay nagpatuloy sa pagsasalaysay.

“Ang nakapagtataka’y wala ni isang kumilos upang ipagtanggol ako


sa mga kumuyog sa akin. Iyon pala’y dahil armado ang mga lalaking
nakaengkwentro ko. Itinutok ng isa ang baril sa aking ulo. Napapikit na
lamang ako at naghintay sa pagputok ng baril nang biglang
umalingawngaw ang sirena ng sasakyan ng mga pulis. Biglang
nagpanakbuhan ang mga isnatser at doon lamang ako nadamayan ng
mga taong nasa pila. Ang masaklap ay ni ayaw na ng babaeng naagawan
ng telepono at bag na magreklamo pa dahil nabalik na raw ang mga
gamit niya at makakaabala raw ito sa kanya. Mabuti at napilit din siya
10
ng mga pulis. Kailangan daw managot sa batas ang mga taong iyon.”
Napabuntunghininga ang aking anak bago nagpatuloy sa matigas na
tingin. “At ako man ay magrereklamo dahil sa ginawa nila sa akin. Kung
mananatili silang nakalalaya ay tiyak na marami pa silang bibiktimahin.”

Batay sa mga pangyayaring nabanggit sa itaas alin


dito ang akma na maaaring maiugnay natin sa
kasalukuyan sa lipunang Asyano?

Ang pangyayari na maaaring maiuugnay sa kasalukuyan sa


lipunang Asyano ay ang pangyayari na kung saan ay marami pa ring tao
ang takot na ipaglaban ang kanilang sarili kahit na alam nila na sila ay
nasa tama. Katulad na lamang ng nangyari sa babae kung saan ay ayaw
na niyang magreklamo sa kinauukulan sapagkat makakaabala lang daw
ito sa kanya.

Sa pagkakataong iyo’y naramdaman ko na lamang ang pagkuyom


ng aking mga kamao. Galit ang umiral sa akin. Hindi ko namalayang
may namuong luha sa aking mga mata. Awang-awa ako sa aking anak.
Isinugal niya ang kanyang buhay sa pagtulong sa isang babaeng ni ayaw
maabala sa pagrereklamo sa mga taong nagtangkang umagaw sa
kanyang mga gamit. Isang labing-anim na taong binatilyo ang
nagtangkang pumigil sa mga masasamang loob at ni hindi nakakuha ng
suporta mula sa iba pang taong naroon dahil na rin sa takot para sa
kani-kanilang buhay.

Ano ang isasagot ko sa tanong ng aking anak?” mali ba ang ginawa


ko Dad?” umaalingawngaw sa aking pandinig ang tanong na ito subalit
hindi ako handang sumagot. Ayokong malagay muli sa peligro ang buhay
ng aking anak subalit ayoko ring tuluyang mawala ang paniniwala niya
sa likas na kabutihan ng tao at sa pagdamay sa kapuwa sa oras ng
pangangailangan.

Nananatiling nakabitin ang kasagutan ko sa katanungan ni


Jonathan. Sana, sa pag-usad ng panahon ay masagot ko nang diretso
ang aking anak. Umaasa akong iiral ang likas na kabutihan ng tao at
mawawala ang mga salot na handang gawin ang lahat para lamang sa
buktot at makasariling layunin. Umaasa akong ang bawat isang
naaagrabyado tulad ng babaeng naagawan ng gamit ay matutong
manindigan upang maipatupad ang batas at nang hindi manaig ang
kasamaan. Umaasa akong may mga taong dadamay sa mga tulad ng
aking anak na handang tumulong nang hindi iniisip ang sariling
11
kaligtasan. Umaasa ako ng isang payapang bayan at ng isang
pamahalaang handang ipagtanggol ang kaniyang mga mamamayan sa
mga may masasamang kalooban. Kapag natupad na ang mga pag-asam
na ito, maaaring makapagbigay na rin ako ng isang diretsong kasagutan
sa katanungan ng aking anak.
-Alma M. Dayag

Suriin ang pangyayari sa itaas na siya ring nangyayari sa


kasalukuyang panahon.

Kung susuriin natin makikita natin na katulad ng sitwasyon ng


nanay ni Jonathan ay marami ring mga magulang o kamag-anak sa
kasalukuyang panahon ang naghahangad ng katarungan sa mga
naagrabyadong kamag-anak nia.

-Baisa, Aileen G.et.al., Pluma Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan I, 124-126

Ipagpatuloy mo.

Paano mo nasuri Nasuri ko ang mga pangyayari


ang mga pangyayari at ang kaugnayan nito sa
at ang kaugnayan kasalukuyan sa lipunang Asyano sa
nito sa kasalukuyan pamamagitan ng pagtukoy sa mga
sa lipunang Asyano? pangunahing kaisipan ng akda at
ang pagtukoy sa paksa nito.

Bakit mahalaga ang


pagsusuri ng mga
pangyayari at ang
kaugnayan nito sa
kasalukuyan sa lipunang
Asyano?

Mahalaga ang pagsusuri ng mga


pangyayari at ang kaugnayan nito sa
kasalukuyan sa lipunang Asyano sapagkat
sa tulong nito ay mas lalo pa nating
nauunawaan ang ugnayan ng akdang
binabasa natin at ang mga pangyayari sa
realidad ng buhay.

12
Yehey! Nasusuri mo na ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa
kasalukuyan sa lipunang Asyano.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang


gawain.

Basahin at unawain.
Pagsasanay 1

Anim na Sabado ng Beyblade


ni Ferdinand Pisigan Jarin
(Bahagi Lamang)

Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin na niyang


magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw. Nangumbida ako ng
maraming tao kasabay ng biling ‘wag kalimutan ang regalo at pagbati ng
“Happy Birthday, Rebo!”. Kailangang di niya malimutan ang araw na ito.
Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito sa lahat ng Sabado. Maraming-
maraming laruan. Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush
Gear, Remote Controlled Cars, at higit sa lahat, ang Beyblade. Ang
paborito niyang Beyblade. Maraming-maraming Beyblade. Tinanggap
niya ang lahat ng ito at marami pang iba sa kaniyang kaarawan. Sa
kaniyang pagtuntong sa limang taon. Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw.

13
Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay
muling naglaro ng beyblade kasama ang mga pinsan.

Tatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado, surpresa ko


siyang dinalaw. Unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang
ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang beyblade bagamat ayaw
niya itong bitiwan sa loob ng kaniyang kamay o di kaya‟y bulsa. Ang
nakapagngangalit, unti-unti na namang nalalagas ang kaniyang buhok.
Subalit pinipilit pa rin niyang maging malakas bagamat talagang di na
kaya ng kaniyang paang tumayo ng kahit ilang sandali man lang.
Nakadudukot na rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo sa loob ng
kaniyang gilagid.

Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat


nang tanungin niya ako ng; “Tay, may peya a?” (Tay, may pera ka?) Dali-
dali kong hinugot at binuksan ang aking pitaka at ipinakitang mayroon
itong laman. Agad akong nagtanong kung ano ang nais niya na sinagot
naman niya ng agarang pagturo sa isang kalapit na tindahan. Kung
mabilis man akong nakabili ng mga kending kaniyang ipinabili, mas
mabilis siyang umalis agad sa tindahan at nakangiting bumalik sa aming
kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nang kami’y pumasok na sa
loob ng bahay, naiwang nilalanggam na ang nakabukas ngunit di
nagalaw na mga kendi sa aming kinaupuan.

Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di


na kusang nalagas ang mga buhok. Sa kaniyang muling pagkairita,
sinabunutan niya ang kaniyang sarili upang tuluyang matanggal ang
mga buhok. Nang araw na iyon, kinumbida ng isa kong kasama sa
trabaho ang isang mascot upang bigyan ng pribadong pagtatanghal si
Rebo nang walang bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagamat di man
lang siya makangiti at makatawa, kitang-kita sa kaniyang mata ang
kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.

Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking


anak pagsapit ng ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok
ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at
hingal sa kaniyang pagsasalita. Kaya kahit nang dalhin ko siya sa isang
karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Ang mga maliliit na
helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay na
bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at
malungkot na ngingitian. Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang
umuwi. At pagkauwi’y humiga nang humiga at paulit-ulit na tumingin sa
kawalan.
14
Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong
katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking
anak. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang
mga mata at pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kaniyang huling hininga.
Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang
aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa lang
ng pintua’y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng
matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino.

“Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.”

Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling


Sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade
at ang may-ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong.
Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang
hirap. Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro nang maglalaro.
Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pag-aaralang tanggapin
ang kirot ng pagkalungkot
-Peralta,Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9, 28-
29.

Panuto: Suriin ang mga pangyayari sa kuwento at tukuyin ang kaugnayan nito
sa kasalukuyan sa lipunang Asyano.

Pangyayari:

Kaugnayan sa Kasalukuyan sa Lipunang Asyano:

Pangyayari:

15
Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?
Tingnan ang sagot sa pahina 26.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-
aralang muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang


pagsasanay, heto pa ang isa pang gawaing
magpapatibay ng iyong kaalaman.

Pagsasanay 2

Basahin at unawaing mabuti.

Paglalayag sa Puso ng Isang Bata


Genoveva Edroza Matute (1947)

1. Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang


mag-anak. Ito ay kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan…
ngunit ayaw kong isiping baka hindi. Sa akin, siya’y hindi
magiging isang binatang di kilala, isang ama, o isang alaala kaya
ng bataan. Sa akin, siya’y mananatiling isang batang lalaking may
kaliitan, may kaitiman at may walong taong gulang.

2. Pagkaraan ng daan-daang tinuruan, mga sumipot,


nanatiling saglit, at lumisan pagkatapos, pagkaraan ng mga taong
ang ila’y nagdumali, ang ila’y nagmabagal at ang ila’y nagkintal sa
gunita, buhay na buhay pa sa aking isipan ang kanyang mukha at
ang kanyang pangalan. Ngunit ang buhay sa lahat ay ang isang
bagay na itinuro niya sa akin isang araw nang siya ay aking
maging guro at ako ang kanyang tinuturuan.

16
3. Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin sa pinakapangit.
Ang bilog at pipis niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at
tingnan lamang iyo’y mahahabag na sa kaniya ang tumitingin.
Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya.
Mayroon siyang kakatuwang “punto” na nagpapakilalang siya’y
taga-ibang pook.

4. Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti’t pangit na


batang ito, kahit sa simula pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing
hapon kahit na hindi siya hilingan ng gayon. Siya rin ang
pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa buong silid upang
pulutin ang mga naiiwang panlinis. Lihim ko siyang
pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa lalagyan,
ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat hanay
ng upuan upang tingnan kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan,
lagi siyang lumilingon sa pagsasabi ng “Goodbye, Teacher!”

5. Sa simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahiyain.


Nakikita ko siyang gumagawa ng tahimik at nag-iisa- umiiwas sa
iba. Paminsan-minsa’y nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin
upang bawiin lamang ang kanyang paningin. Habang tinatanaw ko
sa tuwing hapon, pinakahuli sa kaniyang mga kasamahan, ay
naiisip kong alam na alam niya ang kaniyang kapangitan, ang
nakatutuwang paraan ng kaniyang pagsasalita.

6. Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanan


tungkol sa kaniyang buhay. Payak ang mga katotohanan: siya’y
isang munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking
lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang pumapasok sa
paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak
ng kanyang panginoon.

7. Nadama ko ang kakaibang kalungkutan: nais kong makita


siyang nakikipaghabulan sa mga kapuwa bata, umaakyat sa mga
pook na ipinagbabawal, napapasuot sa kaguluhang bahagi ng
buhay ng bawat bata. Kahit na hindi siya marunong, maging
kaniya lamang sana ang halakhak at kaligayahan ng buhay bata.

8. Tinatawag ko siya nang madalas sa klase. Pinagawa ko siya


ng marami’t mumunting bagay para sa akin. Pinakuha ko sa
kanya ang mga tsinelas ko sa pinakahuling upuan sa silid. Naging
ugali niya ang pagkuha sa mga iyon, ang paghihiwalay sa mga iyon
upang itapat sa aking paa. Ang pagbili ng aking minindal sa
17
katapat na tindahan, hanggang sa hindi ko na kailangang sabihin
sa kanya kung ano ang bibilhin – alam na niya kung alin ang ibig
ko, kung alin ang hindi ko totoong ibig.

9. Isang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa


munti’t pangit na batang ito at sa akin. Sa tuwi akong
mangangailangan ng anoman, naroon na siya agad. Sa tuwing may
mga bagay na gagawin, naroon na siya upang gumawa. At unti-
unti kong nadamang siya’y lumiligaya – sa paggawa ng maliliit na
bagay para sa akin, sa pagkaalam na may pagmamalasakit ako sa
kanya at may pagtingin sa kanya. Nahuhuli ko na siyang
nagpapadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan hanggang sa
magkahiga-higa sa likuran ng silid. Nakitkita ko na siyang
nakikipaghabulan, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal.
Nagkakandirit hanggang sa tindahang bilihan ng aking minindal.
At minsan o makalawa ko siyang nahuling nagpapalipat-lipat sa
pagtapak sa mga upuan.

10. At kung lahat ay wala na, kinakausap ko siya at sumasagot


siya nang pagaril sa tagalog. At sa mga ganoong pagkakatao’y
nagmumukha siyang maligaya at ang kanyang, “Goodbye,
Teacher”, sa may-pintuan ay tumataginting. Sa mga ganoong
pagkakatao’y naiiwan sa akin ang katiyakang siya’y hindi na
totoong napag-iisa at hindi na totong nalulumbay.

11. Isang mabagal na paraan ang pag-akit na iyon sa kaniya at


ang pagtiyak sa siya’y mahalaga at sa kaniya’y may nagmamahal.

12. Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng


bawat bata. Nanukso na siya sa mga batang babae. Lalo siyang
naging malapit sa akin. Lalo siyang naging maalala at
mapagmahal. Maligaya na siya.

13. Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko


sa mga taong nagdaa’y naamin ko sa sariling ang lahat ng iyo’y
aking kasalanan. Mainit noon ang aking ulo, umagang-umaga pa.
at ang hindi ko dapat gawin ay aking nagawa – nagpatangay ako sa
bugso ng damdamin. Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang
ginawa ng batang iyon na aking ikinagalit. Ang nagugunita ko
lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang
pagsasalita ko sa kaniyang ipinanliit niya sa kanyang upuan.
Nalimutan ko ang kaniyang pag-iisa, ang kaniyang kalumbayan,

18
ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kaniyang siya’y
mahalaga at minamahal.

14. Nang hapong iyo’y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga


hanay ng upuan. Ngunit siya’y nagtungo sa huling upuan upang
kunin ang aking tsinelas, upang paghiwalayin ang mga iyon at
itapat sa aking mga paa. Nagtungo siya sa tindahang katapat
upang bilhin ang aking minindal at nagpaiwan siya upang likumin
ang mga kagamitan sa paglilinis at upang ayusin ang mga iyon sa
lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay rin niya ang mga upuan sa
bawat hanay, gaya ng kanyang kinamihasnan. Ngunit hindi siya
tumingin sa akin minsan man lamang ng hapong iyon.

15. Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso’y


kinapopootan niya ako ng pagkapoot na kasing tibay ng
pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong mga huling buwan.
Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng
pag-iisa’t kawalan ng pagmamahal ay makaaalam din sa kawalan
ng katarungan. Ngayo’y paalis na siya, ang naisip ko, nang may
kapaitan sa puso.

16. Tumagal siya sa pagpapantay ng mga upuan. Na tila may


binubuong kapasyahan sa kaniyang loob.

17. Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga yabag ay


mabibigat na tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming
buwan, ngayon lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng
“Goodbye, Teacher.” Lumabas siya nang tahimik at ang kaniyang
mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo.

18. Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang
itinanong ko nang paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin.
At ito’y sinabi ko rin ng paulit-ulit sa aking sarili.

19. Bukas… marahil, kung pagpipilitan ko bukas…

20. Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata’y nakita


ko sa pintuan. Ang mga mata niyang nakipagsalubungan sa akin
may nagugulumihanang tingin. “Goodbye, Teacher,” ang sabi niya.
Pagkatapos ay umalis na siya.

21. Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.

19
22. Kung gaano katagal ako sa pagkakaupo, ay hindi ko na
magunita ngayon. Ang tangi kong nagugunita’y ang
pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting batang
yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang
sandaling yaon, siya ang aking naging guro.

- Enrijo, Willita A.et.al, Panitikang Pilipino Modyul para sa Mag-aaral 8, 63-66.

Panuto: Suriin ang mga pangyayari sa maikling kuwento at iugnay ang


mga ito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano.

Pangyayari: Kaugnayan sa
Kasalukuyan sa
Lipunang Asyano:

Pangyayari: Kaugnayan sa
Kasalukuyan sa
Lipunang Asyano:

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan ? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

20
Balikan ang mga natutuhan sa
naunang mga gawain upang
masagutan ang sumusunod na
pagsasanay.

Pagsasanay 3

Nang Minsang Naligaw si Adrian

Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang


naiba ang propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa
kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap
niyang maging isang doktor.

Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang


mga magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin nang
makapagtapos at pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang
inisip kundi mag-aral at pangalagaan ang kaniyang mga magulang.

Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay


nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang
itinadhana na matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging
ganap na doktor, pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina.
Naiwan sa kaniya ang pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na
ring iniinda.

Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong


makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama.
Naisin man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng
kaniyang mga kapatid, ang katotohanang may nakaatang na
responsibilidad sa kaniyang balikat ang pumipigil sa kaniyang
mangibang-bayan upang manatili sa piling ng ama at alagaan ito
hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng kaniyang buhay.

Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila


nang lahat ang luho at oras na makahanap ng babaing makakasama
habambuhay. Ayaw rin niyang mapag-isa balang-araw kapag nawala na
ang kaniyang ama.

21
Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras
naoperasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na
sinusumpong ng sakit ang kaniyang ama. Nagmadali siyang umuwi at
sa kabutihang palad, naagapan naman niya ang ama.

Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na


pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang
mawala ang kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti niyang
nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa
responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili.

“Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa


katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw
kapag kayo’y nawala.”

Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na


makapaglakad nang maayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa
kaniyang kotse. Walang imik na sumama ang ama.

Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila’y nakarating sa


isang lugar, huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton
nila ang daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya
paminsan-minsan ay tumititigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga.
Wala pa ring imik ang ama habang binabali ang maliliit na sanga.
Napansin niyang tumutulo ang luha ng anak.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ng ama kay Adrian. “Wala po, Dad.”

Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama.


Patuloy rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa
kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin. Maraming beses din silang
tumigil upang magpahinga at paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng
maliliit na sanga ng puno. Napansin ito ni Adrian.

“Bakit n’yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo’y


nagpapahinga, Dad?,” tanong ni Adrian.

Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kaniyang labi.

“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak,


palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka
maliligaw.”

22
Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-
imik, muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling
bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling.

Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.

-Peralta, Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9, 19-21

Panuto: Suriin ang mga pangyayari sa maikling kuwento at iugnay ang


mga pangyayaring ito sa kasalukuyan sa lipunang asyano.

Pangyayari: ____________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Kaugnayan sa Kasalukuyan sa Lipunang Asyano:________


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Pangyayari: ____________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Kaugnayan sa Kasalukuyan sa Lipunang Asyano: ______________________


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 27.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 
23
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga
natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag kang
matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito.
Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong
sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Isulat ang 5 pangyayaring tumatak sa iyo mula sa maikling


kuwento na nabasa o napakinggan mo at suriin ang mga kaugnayan ng
mga pangyayaring ito sa kasalukuyang lipunan natin. Gawin ito sa
papel.

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay.


Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 27.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 
24
Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga


gawain at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa


mga pagsasanay. Kaya
parang gusto ko pa ng
karagdagang Gawain.
Karagdagang Gawain Tara magtulungan tayo!

PANUTO: Pumili ng isang kuwentong napakinggan, nabasa o napanood


mo mula sa ibang asyanong bansa, Maglahad ng 5 mahahalagang
pangyayari sa kuwento at suriin ang kaugnayan nito sa kasalukuyang
lipunang asyano.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kid!


25
26
Panimulang Pagsubok
Pamantayan Puntos
Maayos na nasuri ang mga
pangyayari at ang kaugnayan nito 10
sa kasalukuyan sa lipunang
Asyano
Organisado o angkop ang mga 5
salitang ginamit
Nakapaglahad ng matalino at 5
maayos na ideya
KABUUAN 20 PUNTOS
Pagsasanay 1
Pamantayan Puntos
Maayos na nasuri ang mga
pangyayari at ang kaugnayan 10
nito sa kasalukuyan sa lipunang
Asyano
Maayos na pagbabahagi ng 5
impormasyon
Gumamit ng payak na salita at 5
madaling maunawaan
KABUUAN 20 PUNTOS
Pagsasanay 2
Pamantayan Puntos
Maayos na nasuri ang mga
pangyayari at ang kaugnayan nito 10
sa kasalukuyan sa lipunang
Asyano
Malinaw at kumpleto ang 5
ginawang pagsusuri
Maayos at komprehensibong 5
nasagot ang gawain
KABUUAN 20 PUNTOS
Susi sa Pagwawasto
27
Pagsasanay 3
Pamantayan Puntos
Naipakita sa ginawang pagsusuri
ang kaugnayan ng pangyayari sa 10
kasalukuyang lipunang Asyano
Naipahayag nang malinaw ang 5
kaisipan, pananaw at saloobin
Hindi maligoy ang ginawang 5
pagsusuri at pag-uugnay
KABUUAN 20 PUNTOS
Panapos na Pagsubok
Pamantayan Puntos
Naipakita sa ginawang pagsusuri
ang kaugnayan ng pangyayari sa 10
kasalukuyang lipunang Asyano
Wasto at angkop sa paksa ang 5
napiling kuwento/pangyayari
Nakabuo ng mahusay na 5
pagsusuri hinggil sa Maikling
Kuwentong napili
KABUUAN 20 PUNTOS
Karagdagang Gawain
Pamantayan Puntos
Naiugnay nang maayos ang mga
pangyayari sa napapanahong 10
isyu o problema sa kasalukuyan
sa lipunang Asyano.
Wasto at angkop sa paksa ang 5
napiling kuwento/pangyayari
Naipahayag nang malinaw ang 5
kaisipan, pananaw at saloobin
KABUUAN 20 PUNTOS
Sanggunian:
Peralta, Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9. Pilipinas: Sunshine Interlinks
Publishing House, Inc., 2014.
Baisa, Aileen G.et.al., Pluma Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan
I, Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2004.
Enrijo, Willita A.et.al, Panitikang Pilipino Modyul para sa Mag-aaral 8, Quezon
City: Book Media Press, Inc., 2013.

28
28
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like