You are on page 1of 3

Tulalang

Epiko ng Manobo
Si Tulalang ay nagmula sa isang mahirap na pamilya . Siya ang panganay at sa
kanyang murang edad makikita mo ang kanyang pagiging responsable.

Sama-samang nagpupunta silang magkakapatid sa gubat upang kumuha ng ubod ng


ratan para sa kanilang pagkain.

Doon sa gubat ay may makapangyarihang matanda na nakatira na matagal ng


nagmamatyag sa kanila.

Isang araw ay lumapit sa kanila ang matanda at nagwika " Simula sa araw na ito ay
huwag na kayong mag-alala sa inyong pagkain. Anumang bagay na inyong gustuhin ay
mapapasainyo na.

Mabilis na umunlad ang kanilang buhay. Sila ay napabantog hanggang sa malalayong


tribo. Pinupuntahan sila ng mga tao upang magpasakop. Ngunit sa kabila nito silang
magkakapatid ay nanatiling masipag.

Lumipas ag mga taon. Patuloy na lumalaki ang tribo ni Tulalang, kaya napagpasyahan
nila na manirahan sa torogan o palasyo.

Sa kanilang palasyo ay may kani-kanyang silid ang magkakapatid maliban sa kaisa-


isang kapatid nila na babae. May kapangyarihan siyang magpalit anyo sa iba't ibang
hugis na nais niya. Ang naging silid niya ay ang pinakailalim ng pitong pinagpatong-
patong na basket sa loob ng silid ni Tulalang.

Ang kapatid na ito ni Tulalang ay nagtatanim ng mahiwagang rosas. Kapag ito ay


nalanta ng wala sa panahon ito ay nagpapahiwatig ng panganib.

Isang araw ay nalanta ang mga rosas at dumating ang kaaway sa kaharian. Siya si
Agio, isang mayabang na Heneral sa Kulaman. Sila ay naglaban ni Tulalang.
Pinayuhan si Tulalang ng isa niyang singsing na ito ang ilaban kay Agio at sumang-
ayon naman si Tulalang. Inalis ni Tulalang ang singsing at sa isang iglap ito ay naging
sundalo. Nakita ito ni Agio kaya't inutusan niya ang kanyang mga kawal na hawakan
itong mahigpit hanggang sa bumalik ito sa pagiging singsing.

Sa ikalawang pagkakataon ay hinamon si Tulalang ni Agio at dito ang balaraw naman


niya ang kanyang ginamit.Natalo ulit si Tulalang. At sa ikatlong pagkakataon ay si
Tulalang na ang lumaban at ng siya ay mapagod siya ay hinalinhinan ni Mangampitan.
Nang mapagod si Mangampitan ay hinalinhinan naman siya ni Minalisin.

Nakita ng kapatid na babae ni Tulalang ang lang patid nilang labanan ay binuhusan
niya ito ng langis at sila ay nakatulog. At ng sila ay magising nalaman nilang sila ay
magpinsan at itinigil na nila ang pag-aaway.

Isang araw habang natutulog si Tulalang sa isang puno ay dinumihan siya sa mukha ng
isang uwak. Sa ganitong paraan ay naipagbigay alam ng uwak ang parating na
higanteng kumakain ng tao. Itinuro ng uwak ang daan papunta sa higante at agad itong
pinuntahan ni Tulalang at tinalo. Nalaman din niya na ito ay may bihag na magandang
babae, ito ay si Macaranga.

Magpapakasal na sana si Tulalang at Macaranga ngunit hiniling ng babae na makauwi


muna sa kalangitan. At umuwi din muna si Tulalang sa kanila .

Pagdating sa kaharian ay nalaman niyang ito ay sinalakay ng hari ng bagyo at kinuha


ang kapatid niyang babae. Iniligtas niya ang kanyang kapatid at nakalimutan ang
kanyang pangako na babalik siya agad kay Macaranga.

Mabilis niyang pinuntahan ang kuweba at siya ay nagbalatkayo bilang bata at siya ay
naging alila sa palasyo. Naitakas niya ang kanyang kapatid, napag-alaman ng higante
na ang bata pala ay si Tulalang kaya lumusob siyang muli sa Kulaman.

Nakuha ni Tulalang ang bote ng kaluluwa ng hari at mga kawal. Agad niya itong dinala
sa kanyang kaharian at sinabi sa mga kaaway na babasagin niya ang bote kung hindi
sila susuko. Kaya wala silang nagawa kundi ang sumuko.

Sila ay nagdiwang sa pagkatalo ng kaaway. Sinabi ni Tulalang na darating


ang "sarimbar" na galing sa langit upang kunin silang lahat.
Dumating ang panahon na dumating ang sarimbar na nakasabit sa gintong
kadena. Lahat ng mamayan ay sumakay dito. May higanteng nag tangkang
putulin ito ngunit siya ay napatay din agad ni Tulalang.
Sa kalangitan, ang lahat ng mamayan, kasama si Tulalang at kanyang mga
kapatid ay nagtamo ng buhay na walang hanggan at naging maligaya sa
kanilang buhay.

You might also like